-49-
WHY HIM?
Dalawang araw na ang lumilipas. Madalas na kaming tatlo na lamang nina Ivan at Cheska ang magkakasama. Nakakasama na lamang namin si Hestia kapag nasa opisina. Busy siya masyado sa kanyang lovelife after office hours. Well, panalangin ko lang ay huwag siyang masasaktan. Hindi na rin naman siya mapigilan.
"I miss Hestia." Malungkot na sambit ni Cheska.
Naandito kami sa isang fine dining restaurant. Birthday kasi ni Ivan kaya napagpasyahan niyang kumain kami sa labas. Ang sabi ni Hestia ay susunod siya. Ngunit patapos na kami ay wala pa din kahit anino niya.
"Wala tayong magagawa. She's very busy." Ani Ivan.
I know, tulad namin ni Cheska, disappointed siya. Paanong nagawa ni Hestia na ipagpalit ang birthday ng isang importanteng kaibigan/business partner over that jerk? Hibang na hibang na talaga siya sa sobrang pagmamahal sa unggoy na iyon.
Tumikhim ako at ngumiti. Celebration ito ng birthday ni Ivan at hindi burol ni Albert. Bakit kailangang maging ganito kami kalungkot?
"Guys, pabayaan na natin si Hestia. In-love ang kaibigan natin eh." Payo ko sa kanila.
Kumunot ang noo ni Cheska. "Pabayaan? Porke't in-love ay wala nang oras sa mga kaibigan? Kabaliwan!" Inis na inis na litanya niya.
Naiiling na napangiti na lang ako. "Ikaw naman. Unawain mo na lang." Kumbinsi ko pa sa kanya.
Padabog na ibinaba ni Cheska ang baso. "Ewan sa inyo, ha. Pero hindi ko siya kailanman mauunawaan. Bakit naman ako, kahit kami na ni Ivan ay may oras naman ako sa iyo, Troy?" Dirediretso niyang sabi.
Mukhang hindi niya napansin ang pagkagulat ko sa isiniwalat niya. Natauhan lang siya nang sabihin ni Ivan na, "Oh my gad! Sinabi na po ang sikreto namin!" Marahas pang napakamot siya ng ulo.
Napakagat labi si Cheska at pulang pula. "Nakupo!" Natutop pa niya ang kanyang bibig. Hindi na ata napigilan ang kanyang kadaldalan.
"Kayo na pala? Bakit isinekreto niyo?" Nagtatampong komento ko.
Napabuntong hininga na lang si Ivan. "Sorry, Tol! Ang totoo niyan, hindi namin masabi sa iyo kasi baka magalit ka. Baka isipin mo na pinagkaisahan ka naming tatlo. Lahat kami ay may karelasyon na, ikaw na lang ang wala." Paliwanag niya. "Sorry talaga!" Ulit pa niya.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung magagalit ako o ano. Ang babaw ng dahilan huh?!
"Ano ako bata? Tingin ba ninyo ay hindi ako magiging masaya para sa inyo?" Nadidismayang tanong ko. Ganoon na lang ba ang pagkakakilala nila sa akin?
Nataranta si Cheska. Tumayo siya mula sa tabi ni Ivan at nilapitan ako. "I'm sorry, Troy. Hindi namin kasi malimutan ang reaksyon mo nung malaman mong nangliligaw si Albert kay Hestia. Sinubukan mo pang pag-awayin sila." Malumanay na paliwanag ni Cheska.
Hanudaw??
Napapikit ako ng mariin. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Pakiramdam ko ay tumaas bigla ang presyon ko. Hindi ako makapaniwala na pagiisipan nila ako ng ganoon. Sht lang!
"Troy, pasensiya.."
Pinutol ko si Ivan. "All this time, wala akong kaalam alam na iyon pala ang iniisip ninyo. Ang buong akala ko ay naniniwala kayo sa akin. Ganoon ba ako kabitter sa pagkakakilala ninyo? Kaya ko ba talagang magsinungaling at gumawa ng kuwento para siraan lang ang isang tao?"
Naikuyom ko ang kamao ko para pigilang mapamura. Birthday niya ngayon at hindi tamang magkagulo kami. Ngunit hindi naman pwedeng manahimik na lang ako.
"Totoo ang sinasabi ko noon. Talagang masama ang sinabi ni Albert laban kay Hestia. Sinabi niya sa akin na gusto lang daw niyang tikman at hindi daw pang seryosohan ang ating kaibigan." Malumanay na pagpapatuloy ko. Pinipigil ko ang emosyon kong nasasaktan.
Agad akong nilapitan na din ni Ivan. "Pasensiya na, Tol! Ang buong akala nga kasi namin ay may lihim ka pang pagtingin kay Hestia kaya mo nagawa iyon." Aniya niya habang hinahaplos ang likod ko pampalubag ng mabigat kong kalooban.
Napailing ako at inilayo ang sarili ko sa kanya. "I can't believe this. Ang sama pala ng tingin ninyo sa akin. Ang buong akala ninyo ay obsessed lang ako kay Hestia at siniraan ko lang si Albert." Masakit sa pusong reklamo ko.
Akmang yayakapin ako ni Cheska nang hawiin ko siya. Galit ako talaga sa iniisip nilang masama laban sa akin.
"Troy, kasalanan namin. We're very sorry!" Nababasag ang boses na sambit ni Cheska. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya.
Hindi ako makaramdam ng pagkahabag sa luha niya. Kung may dapat na umiyak dito, ako iyon at hindi siya. Itinuring ko silang parang mga kapatid. Mula highschool ay magkakasama kami sa paaralan hanggang sa mansyon ng pamilya ko sa LB. Tapos iisipin nilang I am capable to do such crazy things? This is insane!
"Okay. Anyways, the damage has been done." Malungkot na sabi ko. Naaawa ako sa sarili ko. Ang buong akala ko ay kilala ko na ang mga tao sa paligid ko. Ngunit hindi pa rin pala.
Tumayo ako. "Happy birthday, Ivan! I think, I have to go." Paalam ko.
Mabilis akong pinigilan ni Ivan sa siko. "Huwag ka ng umalis, Tol." Aniya niya. Bakas ang pagsisisi sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako ng mapait. "Alis na ako. I need fresh air." Pagtatapos ko sabay lakad palabas.
Hindi ko na pinansin ang ilang beses na tawag ni Cheska sa pangalan ko. Kailangan ko muna ng space. Pakiramdam ko ay bigong bigo ako sa mga kaibigan ko.
Kinabukasan ay naging propesyonal naman ako sa trabaho. Kailangan kasing ihiwalay ang personal conflicts from work. Hindi pwedeng maapektuhan ang kumapanya dahil sa dami ng taong umaasa sa amin. Tulad ng mga pamilya ng aming mga sekretarya, staff, pintor, tubero, karpintero at iba pa.
"Boss, you have a call from Sir Ivan at line one." Ani Olive sa intercom ng opisina ko. Lunch time na at mukhang alam ko kung anong itinatawag ni Ivan. Malamang ay yayain akong kumain ng tanghalian.
"Tell him that I'm busy." Iyon lang at kinuha ang telepono para tawagan ang mga nasa reception sa baba na i-order ako ng lunch. Dito na lamang ako kakain.
O.A. na kung o.a. Pero nasaktan talaga ako na pati sina Cheska at Ivan ay hinusgahan ako ng wala akong kaalam alam. Marahil ay pinagtatawanan nila ako kapag nakatalikod. Kagabi ko lang natanggap sa sarili ko na nagseselos ako. Ngunit hindi iyon sumagi sa isip ko noong ibunyag ni Albert ang plano niya kay Hestia. Naiinis ako kina Ivan at Cheska. Maybe they think that I'm a pathetic jealous ex-boyfriend. Dmn it!
Kinausap ko lang sila ng magmeeting kaming apat about sa excessive use of construction materials sa Cebu. Inireport ng Audit Department namin na 250,000 ang over expense ng project ngayon pa lang. Paano mangyayari iyon kung kauumpisa pa lang namin? Ang estimated namin ay nasa 175,000 pa lang dapat.
Nang buklatin ng Audit Manager ay natuklasan namin na maraming mga butas ang expense report. Isang halimbawa ay sa loob ng isang linggo, dapat ay nakaka 50 sako pa lang kami ng semento. Ngunit ayon sa mga staff sa Cebu, 150 sacks of cement na agad ang nagagamit. Which is very unlikely kahit anong compute namin.
Isa pang halimbawa na ibinigay sa amin ay ang pintura. Imbes na trentang balde palang ang nagagamit ay naka isang daang balde na daw ang nailabas sa warehouse. Nang i-check daw ng junior engineers namin doon ay ubos na lahat ang mga iyon at hindi na matagpuan sa site. Ininom ba ng mga karpintero doon ang pintura? O baka ipinaligo?
"Mukhang kailangan nating pumunta ng Cebu. Obviously, may nagnanakaw ng materials sa mga tao natin doon." Suhestiyon ni Hestia.
Natutop ko ang aking noo. Hindi ko maisip kung sino ang pwedeng may gawa noon. Lahat ng mga empleyado namin ay trusted na at ilang taon na sa aming nagseserbisyo. Sinong gagawa noon?
"I'll book a flight tomorrow or the day after tomorrow to check on that." Seryosong sabi ko.
Hindi na ito dapat patagalin. Gustuhin ko mang bumisita agad doon ay hindi pwede. May importante kasing kliyente ang makikipag negotiate sa akin bukas. May bago kaming project sa Quezon Province. Gagawa kami ng subdivision doon sa dating sakahan.
Mabilis na nagtaas ng kamay si Ivan. "Sasama ako." Aniya niya.
Mabilis akong kumontra. "Huwag na. Kailangan ka dito. Ikaw ang pupunta sa Quezon kapag naclose ang deal." Tanggi ko.
Tutal ay madalas na kaming dalawa ang nagsa-site inspection kaya plano kong siya ang gumawa noon habang nasa Cebu ako.
"Ako na lang ang sasama kay Troy." Volunteer ni Cheska.
Umiling ako. "Kailangang samahan mo si Ivan sa pagtingin sa lupa sa Quezon kapag naisara natin ang kontrata." Tanggi ko. "May nakuha ka na bang Electrical Engineer?" Naalala kong itanong.
"Oh sht! Hindi nga pala nakapasa sa taste ni Ivan ang trabaho noong nakuha ng HR Department. Day one palang ay may pumutok ng wirings sa Cebu." Ani Cheska. Naihilamos pa ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.
Nilapitan siya ni Ivan at masuyong pinakalma. "Makakahanap din tayo ng bago." Aniya niya.
"Ako ang sasama kay Troy." Nagangat ng paningin si Hestia mula sa pagbabasa ng complete report ng Cebu project na diniscuss namin kanina.
"Kung hindi makakaabala sa busy life mo, eh di sige." Sarkastikong sabi ko.
Hindi niya ata napansin ang pasaring ko dahil hati ang atensyon niya sa pagbabasa. "May kilala nga pala akong Electrical Engineer." Aniya niya.
Napangiwi ako. "Don't tell me it's your boyfriend, Hestia. Alam mo naman na hindi ko na siya tatanggaping muli. It's very unethical na nagpakita siya nang paglaban sa akin sa harap ng mga empleyado. Baka pamarisan siya at iyon ang hindi ko gusto." Diretsohang kontra ko.
Bumuntong hininga si Hestia. Alam kong kahit nobyo na niya si Unggoy ay hindi siya sangayon sa inugali nito laban sa akin.
"Hindi siya ang tinutukoy ko." Aniya niya. "My twin's boyfriend..Frandie. Magaling siyang ihinyero. Siya ang kunin natin kahit hindi muna in-house engineer. Kahit i-hire natin siya bilang pansamantalang Senior Electrical Engineer Consultant ng proyekto." Dagdag pa niya.
Huh? Ano ba ang Master's Fit? Tanggapan ng mga boyfriend nilang magkapatid? Aaminin ko na medyo nagulat ako na Electrical Engineer din pala si Frandie. Kaparehas ng propesyon ng nobyo niya. Talaga nga atang parehas ang mga gusto ng kambal. They both fell in-love with an E.E.
Napatingin sa akin sina Cheska at Ivan. Bakas ko sa mata ni Ivan na kahit papaano ay namimiss na niya si Frandie. Iyong lungkot sa kanyang mga mata, ng mabanggit ang pangalan ng aming dating kaibigan, ay senyales na gusto niyang pumayag ako.
Sabagay, kung susumahin ay mas lamang pa din sa ngayon ang mga taon na close kaming tatlo, kesa doon sa nagkawatak-watak ang aming grupo.
"So? What do you think, Troy?" Tinapik pa ako ng bahagya sa balikat ni Hestia para makuha ang atensyon ko.
How can I say no? Kapag tumanggi ako, mauungkat at makakalkal ang katotohanang nagalit ako sa kay Frandie dahil sa conflicts about Vesta. At susunod doon ay malalaman niya na ang bunso niyang kambal ang babaeng naging kahati niya sa puso ko...na hindi pwedeng mangyari. Hurting her more will be too much for her to handle.
Therefore, I have no choice. "If our HR Department approves on him, then he's in." Walang emosyong sagot ko.
Tumikhim si Ivan. "Are you sure?" Kitang kita sa mga mata niya na hopeful siya sa decision ko. Lalo na ng tumango ako.
"Positive." Tipid na sagot ko sabay tayo sa swivel chair.
Magpapaalam na sana ako dahil uwian na ngunit halos mapaupo akong muli nang bigla akong yakapin ni Hestia. Ganoon ba siya kasaya?
"Thank you, Troy! I thought, you will turn down my suggestion." Tuwang tuwa talaga siya.
Binigyan ko din siya ng magaan na yakap pabalik. Tinapik ko pa ang likod niya. Alam kong titig na titig sa amin sina Cheska at Ivan, ngunit wala naman akong nakikitang mali sa aming dalawa. Nagpapasalamat lang naman siya. Iyon nga lang, tumatalon talon ang puso ko.
"What made you think that I will decline your suggestion? Frandie was one of my closest pal in high-school, along with Ivan. " Tanong ko noong humiwalay na siya sa yakap.
"Baka kasi may tampo ka sa akin. You know.. nag walkout ka noong nasa resto tayo." Nahihiyang paliwanag niya habang nakanguso. Ang cute ni Hestia!
Ginulo ko ang buhok niya. "Silly!" Nakangiti na ngayong sambit ko. "Hindi ako nagtatampo noon. May lakad lang talaga ako." Pagsisinungaling ko.
Parang may kuryente na gumapang sa buong katawan ko, nang mula sa gilid ay yakapin ni Hestia ang aking bewang. "Free ako ngayon. Dinner tayo?" Aniya niya habang nakatingin na din sa magkasintahang Cheska at Ivan.
Alam kong may mga bagay na kailangan pa ng panahon. Tulad nang galit ko sa dalawa, masama pa din ang loob nila kay Hestia. Kaya inaasahan ko nang sasabihin ni Cheska na, "Pasensiya na. May lakad kami." Aniya niya.
"Ganoon ba?" Nawala ang maluwang na ngiti ni Hestia. Tumingala siya sa akin. "Tayo na lang?" Yaya niya sa akin.
"Some other time siguro. May date ako." Aniya kong nagsisinungaling.
Nagtatampo kasi ako kay Hestia. Binalewala niya kami ng ilang araw dahil busy siya kay Albert. Ngayong wala silang lakad, saka niya lang ako naalala. Nakakaselos. Dati ay ako lang ang lalaking sinasamahan niya.
Eh bakit? Nobya ka ba niya?
Ngumusong muli si Hestia. "Okay." Malungkot na sabi niya.
"Sino ang kadate mo, Troy?" Singit ni Cheska.
Binigyan ko siya ng malamig na titig. Galit talaga ako sa kanila ni Ivan. "Somebody." Balewalang sagot ko. "Why are you asking?" Tanong ko pa.
Napakamot siya ng ulo. "Ah.. Wala. I'm just wondering kung gusto mong sumabay sa aming magdate ni Ivan? Like group date sana?" Nagaalinlangan niya tanong.
"Oh no!" Nagulat na reaksyon ni Hestia. Ngayon lang niya nakumpirma ang kutob niya na may something nga sa dalawa.
"No." Tanggi ko. "I don't want to join you." Diretsahang sagot ko.
Napatingin si Cheska kay Ivan. Pulang pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya sa pagtanggi ko. Alam kong marahas ang pagkakasabi ko. Ngunit mas maganda na ang malinaw, kesa malabo. Iyan ang prinsipiyo kong paulit ulit kong paninindigan.
Kung galit ako, galit ako. Ayokong magpanggap na ayos lang ako, pero sa likod ng utak ko ay namumuhi pala ako sa iyo. Hindi bale kung simpleng bagay lang. Pero ang ginawa nilang magkasintahan sa akin ay sobra kong dinadamdam.
"Sige, Troy! Ingat na lang." Aniya niya.
Tumango lang ako at nangungunang lumabas na ng opisina. Kung kanina ay wala akong planong maginom, ngayon ay meroon na. Nakaka frustrate ang tatlong kaibigan ko, dmn it!
Late na akong nakarating sa club. Naligo at kumain kasi muna ako bago pumunta dito sa Infinity. Hindi pa nagiinit ang pwet ko sa pagiinom, kasama itong chicks na sobrang sexy, ay naaninag ko ang isang pamilyar na pigura sa may gilid.
"Sandali lang." Paalam ko sa chick na kasama ko ngayong gabi.
Dirediretso kong hinawi si Albert mula sa babaeng kahalikan niya sa sulok. Halos lumuwa na ang dibdib nang babae sa ginagawa niyang paghaplos dito.
"Tarantad0 ka!" Sigaw ko kasabay ng malakas na suntok sa mukha niya.
Napaupo siya sa sahig at kumurap kurap. I bet he is having difficulty focusing because of my straight punch on his face. Pinagsamang kalasingan at lakas ng suntok ko, hindi siya nakasuntok pabalik nang muli ko siyang suntukin sa mukha. Kung hindi pa ako naawat ng bouncer ay hindi ko siya titigilan.
Duguan na ang mukha niya bago siya nahimasmasan. Hinabol niya ako nang lumabas na ako ng bar.
"Troy, please! Pakiusap. Palalampasin ko ang pananakit mo sa akin. Please don't tell Hestia about this?" Halos lumuhod na siya sa harap ko.
Itinulak ko siya ng ubod ng lakas. "Fck you!" Sigaw ko sabay pasok sa kotse ko para iwan ang gag0ng iyon.
Bakit ba kasi siya pa, Hestia?
____________________________________
A/N:
READERS, VOTE & COMMENT KAYO. PLEASE?? Ano ba kayo? #hestroy o #vestroy? Parang mas madami ang #hestroy ah? Nasaan ang supporters ni Vesta? Paramdam kayo.
Anyways, maraming salamat sa mga pinapasaya ako sa pamamagitan ng kanilang pagboto sa BAWAT CHAPTER nitong kwento at sa pagbibigay ng kanilang komentaryo. Sana makisali din ang iba. Gusto ko kayong makilala.
Salamat sa COMMENTS nina: Athena_9, Marcus_c, dizonkim11, Paul_Samboa, mjvelasc0, Zeus_9, glenma, relinerejardes, salie120, AceKlennJayvee, jjamessam, michbuenafe, EjCyTan, maricarclim7, MichelleBacuyag, at gladyzanne.
Magingat po tayo sa BAGYONG RUBY. I pray for everybody's safety. And paki watch daw po ang THE VOICE sabi ni Ramonne Rodriguez (Athena_9).