Love Scars [✔]

By selimwarrior

46.9K 1.2K 390

He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapat... More

Synopsis
Chapter 1: Work
Chapter 2: Suplado
Chapter 3: Guardian
Chapter 4: Birthday and Ex/s?
Chapter 5: Love Scars
Chapter 6: Wake Up, Anya
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Comfortzone
Chapter 9: Sundo
Chapter 10: Eyes on You
Chapter 11: Saturdate
Chapter 12: His Family 1
Chapter 13: His Family 2
Chapter 14: Failed
Chapter 15: Avoiding Him
Chapter 16: Uncertain Feelings
Chapter 17: I'm Here
Chapter 18: Backfire
Chapter 19: Covering the Pain
Chapter 20: Adjustments
Chapter 21: Mistake
Chapter 22: Fever
Chapter 24: Graduation Day
Chapter 25: Broken Trust
Chapter 26: Truth
Chapter 27: Backup
Chapter 28: Maybe this time
Chapter 29: Yes
Chapter 30: Family Dinner
EPILOGUE: I DO
Special Chapter
Love Scars' Journey

Chapter 23: Message

968 26 7
By selimwarrior


CHAPTER 23: Message

Anya.

Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko ngayon habang nagplaplano sa graduation namin. Maging ako ay hindi matanggal ang ngiti sa labi. Lahat kaming magkakaklase ay nakapasa sa exam at wala nang mas sasaya pa sa balitang iyon. Ito naman ang pinapangarap ng lahat, ang makapatapos sa kursong pinasukan nila.

Lahat ng puyat, pagod pati na rin ng pagkakasakit ko ay worth it nang malaman na nakapasa din ako. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil panibagong yugto na naman ng buhay ko ang isasara ko at alam kong pagkatapos nito ay maaari na akong magtrabaho at masustentuhan ang pag-aaral ni Kleng.

"Congrats, MJ." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Yumakap naman siya sa akin.

"Hala, mamimiss kita Anya. Sana nasa iisang kumpanya lang tayong dalawa." Nakangusong sabi nito sa akin.

"Sana nga."

"Masaya din ako na makakaalis na ako sa bar at magkakaroonnang mas maayos na trabaho. Malaki pa rin naman ang utang na loob ko kay Sir Chase. Doon ako natutong mmag-inom."

Napailing na lamang ako sa kaniya at bahagyang napangiwi. "Loka ka talaga."

"Nako, hindi mo kasi na-expierience pero libre kaya iyong mga iniinom ko roon."

"Ayokong masanay sa alcohol since masama sa katawan iyon."

"Sabagay, hindi naman kita mapipilit. Masiyado kang matatag sa mga sinasabi mo at ang hirap mong tuksuhin. Sa lalake ka lang naman marupok."

Tiningnan ko naman siya nang masama dahil sa huling sinabi niya pero nakuha pa ng babaita na tumawa.

"Charot not charot. Natamaan ka doon noh?"

Sumimangot ako sa kaniya. Ang kulit at ang daldal talaga.

"Maayos na ang relasiyon namin ni Harvard ngayon, MJ. Malapit na din ang monthsary naming dalawa kaya tigilan mo na ako diyan."

"Weh?"

Tinaasan ko ng kilay.

"Crush mo pa rin si Kuya Zohar?"

Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tanong niya. "Magkaibigan na lang kami ngayon at nakikita ko na kontento na rin naman siya sa relasiyon nila ni Sharee."

"Masaya sa isa't isa ang peg niyo. Bahala kayong dalawa. Lahat talaga ng shiniship ko hindi nagkakatuluyan."

"Baliw ka talaga. Tigilan mo na kasi iyang kakaganiyan mo. Kayo ng boyfriend mo, kamusta?"

Dinilaan niya naman ako bago malawak na ngumiti sa akin. "Duh, stay strong kami. Malapit na kaming mag-one year." Aniya at sinabayan pa iyon ng hagikhik.

Masaya ako para kay MJ. Mabait rin naman kasi iyong boyfriend niya kahit hindi ko gaanong ka-close kasi may pagka-tahimik din. Gayunpaman ay nakikita ko na mahal na mahal nila ang isa't isa at maswerte sila parehas.

Pagkatapos ng klase ay naghinay na agad ako sa fountain kung saan kami magkikita ni Harvard. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko dahil sa wakas ay makikita ko na siya ulit pagkatapos ng ilang araw na naging busy kami parehas.

Lumawak ang ngiti ko nang matanawan ko siya na papalapit sa akin.

"Anya!"

Kumaway ako sa kaniya at patakbo na lumapit sa gawi ko. Agad niya akong hinapit papalapit sa kaniya at natutuwa ko naman siyang niyakap. Gumaan ang pakiramdam ko habang yakap-yakap ko si Harvard.

"Namiss kita." Madamdaming sabi ko at nang humiwalay siya ay pinisil niya ang pisngi ko.

"Namiss din kita. Tara, labas tayo ngayon?"

Tumango agad ako bilang pagpayag.

Tinext ko si Zohar na kung maaari ay siya muna ang sumundo kay Kleng dahil gagabihin na naman siguro ako. Agad ko namang natanggap ang reply niya na siya na ang susundo kay Kleng at magbabantay hanggang sa makauwi ako.

Nagpatugtog si Harvard habang nasa loob kami ng sasakyan.

"So saan tayo ngayon?"

Tiningnan niya ako. "I'm glad to see you smile that wide, Anya. Stressed ka talaga last week dahil halos di mo pa ako pansinin."

"Parehas tayong busy eh. Ayos lang rin naman dahil worth it lalo na nakapasa ako."

"Congratulations, I'm so proud of you."

Matamis na ngiti ang isinukli ko sa kaniya.

"Harvard." Tawag ko sa pangalan niya. Siguro ito na ang unang beses na dapat marinig niya ang mga salitang hindi ko pa nasasabi sa kaniya simula nang maging kami.

"I love you."

Natigilan naman siya at sandali pa ay napangiti. Hinintay ko ang pagsasabi niya ng kaparehas na salita ngunit wala akong narinig kaya naman nakaramdam ako ng pagka-dismaya. Itinago ko na lamang ang aking pagkakadismaya at pinilit ang sarili na ngumiti at magkunwaring wala lang ang hindi niya pagtugon sa mga salitang binitawan ko.

Nagpunta kami sa sine at nanood ng palabas. Pagkatapos niyon ay nagdinner kami sa isang fast food restaurant.

Habang kumakain kami ay pinagkwentuhan namin iyong ginawa namin noong mga panahon na hindi kami nagkita. Harvard is extra sweeter this time kaya naman nakalimutan ko na ang tampo ko sa kaniya kanina.

"So are you also available this weekend?"

Sandali akong napaisip kung may plano na ba ako sa weekend at nang maalala ko na lalabas nga pala kami ni Zohar at Kleng ay agad akong nanlumo. Malapit na kasi ang birthday ni Kleng at balak siyang ipasyal ni Zohar sa Mall para i-treat siya.

"May lakad kami ng kapatid ko." Iyon na lamang ang sinabi ko sa kaniya.

"Kayong dalawa lang?"

Natigilan ako ngunit sa huli ay sinabi ko rin ang totoo.

"Kasama si Zohar."

Mabilis na nag-iba ang timpla ng mukha ni Harvard.

"Why him? Ako nga hindi mo pa naipapakilala sa kapatid mo. Kailan mo ako balak na ipakilala kay Claire?"

Napalunok ako sa tanong niya. Oo nga, ilang beses na siyang nagawi sa bahay pero hindi ko pa siya napapakilala kay Kleng bilang boyfriend ko.

"Mamaya. Pwede kitang ipakilala kay Kleng." Nakangiting sabi ko para mabawasan ang tampo nito sa akin. Bumuntong-hininga naman siya.

Nang makauwi kami ay sabay kaming bumaba sa sasakyan niya at nagtungo sa loob ng bahay. Natigilan si Harvard nang maabutan namin ang kapatid ko at si Zohar na nakaupo sa sofa at nanood ng We Bare Bears dahil gustong-gusto ni Kleng na palabas iyon.

Nang mapansin ni Zohar ang prsensiya namin ay naiilang itong ngumiti kay Harvard.

"Good evening. Nandiyan na pala kayo, paalis na ako." Aniya kasabay ng kaniyang pagtayo.

"Kumain ka na?" Nahihiyang tanong ko. Madalas kasi kapag ganitong inaabutan siya ng dilim sa bahay ay nagluluto na ako para kumain siya dito.

"Hindi pa pero sa mansion na ako kakain. Si Kleng, kumain na iyan. Sige mauna na ako."

Napatango ako at inihatid ko siya sa labas. Nang makabalik ako sa bahay ay nakita ko si Kleng na nakatingin kay Harvard tapos bigla itong bumaling sa akin na may nagtatanong na tingin.

"Kleng, si Kuya Harvard mo. Siya ang boyfriend ko." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Unti-unting napalitan ng ngiti ang kanina ay nagtatakang mukha ni Kleng.

"Hi, Kuya Harvard! I'm Claire Natividad 'Kleng' is my nickname."

Natuwa ako nang magkangitian na ang dalawa at mabilis na nakapag-adjust si Kleng kay Harvard.

Matagal pa na nag-usap si Kleng at Harvard samantalang nag-ayos naman ako ng ilang kalat sa apartment. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Harvard na aalis din.

"Ingat ka, see you bukas." Nakangiting paalam ko sa kaniya.

Mabilis na lumapit sa akin si Harvard at binigyan ako nang isang halik sa noo. Lumawak ang ngiti ko sa simpleng ginawa niya. Nang tuluyan siyang makapasok sa sasakyan niya ay kumaway ako bilang paalam at hinintay na makaalis siya nang tuluyan bago ako bumalik sa loob ng bahay.

"Ate, may bago na naman akong kuya." Natutuwang sabi niya sa akin.

"Pero mas gusto ko pa rin si Kuya Zohar."

Napatigil ako at tinaasan siya ng kilay bago ginulo ang buhok niya.

"Shhhh, huwag kang ganiyan kapag nandito ang Kuya Harvard mo. Alam kong mahirap palitan si Zohar bilang isa sa paborito mong tao pero subukan mo rin na kilalanin si Harvard dahil mabuti siyang tao." Paliwanag ko sa kapatid ko at nakanguso naman itong tumango sa akin.

"Ngayon ka lang nagpakilala ng boyfriend sa akin tapos hindi ko pa gaanong kilala."

"Susmaryosep, Kleng. Binibubugaw mo lang ata ako kay Zohar eh."

Napakamot ito nang balikat niya.

"Effective ba ate?"

Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Mabilis na lumipas ang araw. Sabado na ngayon at kagaya ng usapan namin ay lalabas kaming tatlo kasama si Zohar. Excited na nabihis si Kleng ng damit niya. Ngayon ko lang napansin na sobrang dami na palang damit ni kleng at lahat ng iyon ay branded.

Napapangiti na lamang ako habang pinapanood siyang mamili ng damit na susuotin niya. Samantalang simpleng ripped jeans na fit sa akin ang suot ko at t-shirt. Inilugay ko ang mahaba kong buhok na blonde at naglagay ng isang hairpin sa gilid.

"Hindi ka pa rin ba tapos?" Tanong ko kay Kleng na ngayo'y nakasimangot na.

"Pwede ba akong magsuot ng dress, Ate?" Inosenteng tanong niya sa akin at natawa na lamang ako.

Sa huli ay pinasuot ko sa kaniya ang kulay pink na dress na may ribbon sa likod. Natuwa naman ako dahil nagustuhan niya din iyon lalo na nang ilugay ko din ang buhok niya.

Sinundo kami ni Zohar. Sa sasakyan ay nagkwe-kwento lamang ng karanasan si Kleng tungkol sa school niya. Naikwento niya rin na may crush siyang batang lalake doon na lagi daw siyang tinutulungan. Hindi ko mapigilan na mapahagikhik kasi kanina ay sinabihan siya ni Zohar na lumayo sa mga lalake kasi baby pa daw siya at ang baby ay hindi pa pwedeng lumapit sa lalake na ka-edad nito.

Daig niya pa ako na tunay na kapatid ni Kleng para pangaralan siya.

Maghapon kaming naglibot sa Mall at kumain. Gaya ng inaasahan ko ay napakarami na namang bags ang nabili namin na naglalaman ng damit at sapatos para kay Kleng. Nappailing na lamang ako samantalang enjoy na enjoy naman si Kleng sa pagkain at pagbili ng mga bagay na gusto niya.

"Anong gusto mo sa birthday mo na handa?" Tanong sa kaniya ni Zohar.

"Gusto ko sa Mansion magbirthday Kuya! Gusto ko lutuan ako ni Ate Bing ng friend chicken, spaghetti at pansit."

Natawa naman si Zohar sa kaniya. "Okay, masusunod ang kagustuhan ng isang prinsesa."

Nag-yay naman si Kleng at niyakap niya si Zohar.

Nang mapagod kami ay inuwi na agad kami ni Zohar sa bahay namin. Inayos ko ang pinamili namin nila Zohar na kaunting grocery at ang mga bagong biling gamit ni Kleng.

Natutuwa akong inayos ang lahat ng iyon. Si Kleng ay busog na busog dahil nilebre kami ni Zohar sa Jollibee. Madaming nakain si Kleng kaya naman knock out na pagdating sa bahay.

Chineck ko ang mga pintuan ng bahay bago natulog. Hihiga na sana ako nang makita ko ang isang mensahe na natanggap ko sa cellphone ko na mula kay MJ na nagpakunot ng noo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 716 50
Maria Asuncion Limpoco is best friends with Cain Rodriguez. Both silent and smart, they decided to pursue Medical School together, though, becoming a...
31.5K 1.8K 33
[ SAAVEDRA TWINS - KAIROS ] Kairos Saavedra and Ynna Dario are bestfriends. Magkasabay silang lumaki. They are always together at walang kahit anong...
2.1M 140K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
215K 4.5K 55
The original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya nama...