The Bright Idiot

By LiCueto

67.6K 7.3K 1.5K

Note: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng k... More

Note:
Chapter 1: Impression
Chapter 2: The Last Section
Chapter 3: The Rule
Chapter 4: The Competition
Chapter 5: Can spell without I
Chapter 6: The True Winner
Chapter 7: Family
Chapter 9: Acquaintance Party
Chapter 10: War Between Two Sections
Chapter 11: Grades
Chapter 12: I can
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Failed
Chapter 15: School Pride
Chapter 16: Don't Judge
Chapter 17: Gratitude
Chapter 18: Love
Chapter 19: Pain
Chapter 20: The Plan
Chapter 21: First Day, Last Year
Chapter 22: The Captain
Chapter 23: Truth Or Dare
Chapter 24: Thesis The Moment
Chapter 25: The Overnight
Chapter 26: The Basketball Game
Chapter 27: Feelings

Chapter 8: Dreams

1.5K 269 52
By LiCueto


Aira Sebastian

Nagkakagulo ang buong estudyante sa loob ng canteen dahil sa balitang may darating na artista dito sa school. Sa sobra nilang pagmamadali na lumabas ay nagkatulakan na, hanggang naitulak nila ako ng malakas.

Nabangga ako sa isang lalaki at sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay natumba kami sa sahig at aksidente ko siyang nahalikan.

Hala?!

Napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hitsura niya.

"Naoki?!"

Napakapangit na pangyayari! Buti nalang panaginip lang 'yun.

Napahikab ako dahil medyo kulang ako sa tulog. Hindi na kasi ako nakatulog matapos kong mapanaginipan 'yon kagabi.

Tumingin ako sa mga kaklase ko na busy sa kanya kanya nilang ginagawa.

Mga ilang linggo na'rin ang lumipas pagkatapos ng school competition na nagbigay ng dahilan para magkaisa kaming lahat. Masaya pero gaya ng dati...

"Blah blah blah blah blah blah."

Mukha parin akong nasa palengke. Hindi pa'rin nawawala ang ingay nila.

Hindi na nalalate si Hiro pero 'pag dumarating siya, hindi na good morning classmates ang sinasabi niya kundi..

"Pakopya ng gagawin classmates!" Bungad niya sa may pinto at pumasok na sa loob.

Kitang kita na ang development sa kanya.

"T*ng *na! Napakabobo naman oh!" Naagaw ang atensyon naming lahat sa lutong ng mura ni Charlie mula sa likod. Nakatutok sila ng mga kagrupo niya sa kanya kanyang cellphone.

"Ano ba'yan Charlie? Ang aga aga nageML kayo!" Sigaw ni Maya. Pero hindi siya pinakinggan ni Charlie at tuloy tuloy lang sila sa paglalaro.

Si Raven sa tabi ko ay nakayuko lang sa desk at mukhang matamlay. Wala pa kasi si ma'am kaya siya ganyan.

Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari.

Napansin ko ang pagdating ni Karylle. Tamang tama, habang wala si ma'am ay hihiramin ko muna ang notebook niya sa science para maglecture.

"Good morning Karylle." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Morning Aira," bati niya at umupo na sa upuan na nasa unahan ko.

"Ah Karylle pwede pahiram ng notes mo sa science? Kokopya sana ako ng lectures." Tumango naman siya at kinuha ang notebook niya.

Nagulat ako nang umayos ng upo si Raven.

Parang nandiyan na si--

Gaya nga ng inaasahan dumating na si ma'am Baltazar, ang adviser namin. Binigay na ni Karylle ang kanyang notebook at tumayo na kaming lahat.

"Good morning class."

Karylle Rodriguez

"Look wala namang nagbabasa ng story na ginagawa mo, kasi ang lame ng story mo."

"Yung story mo po parang yung nabasa kong story ni blah blah blah."

"Ang pangit ng story mo."

Napabuntong hininga ako ng malalim habang pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi nila tungkol sa mga naisulat kong kwento.

Nabaling ang atensyon ko kay ma'am nang nagsulat siya sa board.

'What is your dream?'

"Raven stand up." Tumingin kaming lahat kay Raven.

"Raven what is your dream?" tanong ni ma'am sa kanya.

"I dream of you ma'am," mabilis na sagot ni Raven.

"Dream of you daw oh ayiiiieee." Nabalot ng panunukso ang buong classroom.

"What?"

"I mean my dream is to be like you ma'am." Nakangiting sagot ni Raven kay ma'am.

"Ikaw naman Charlie?" Tumingin kaming lahat sa likod kung nasaan si Charlie.

"Naku si Charlie wala namang ibang pangarap 'yan kundi magML!" Sabat ng kaklase ko na naging dahilan para magtawanan sila. Hindi na sumagot si Charlie at umupo nalang ulit.

"Karylle." Napatayo ako agad nang marinig ko ang pangalan ko.

"What is your dream?" Pag ulit ni ma'am ng tanong.

Dream? Anong isasagot ko?

Tumingin si ma'am sa wall clock na nasa taas ng pinto.

"Malapit na palang magtime, ganito nalang get a 1 whole sheet of paper. Write 3rd activity. 'What is your dream'. mamayang 4pm ipapasa. Class dismissed." Si ma'am at naglakad na palabas.

Charlie Severino

"MagML huh? Tss.." Nakangisi kong sabi habang nagtatake down notes sila.

Pero napaisip din ako.

Ano bang pangarap ko? Pumapasok lang ako sa school para magML. Umuuwi ako ng bahay para magML. Gumigising ako para magML at ML muna bago ako matulog.

Anong masama sa pag-e-ML? Nawawalan ako ng pangarap sa buhay?

"Tsk." Lumabas ako ng room para bumili sa canteen.

Nakakainis talaga sila. Ano naman kung nageML ako? Ang lakas pa ng loob nila na pagtawanan ako. Palibhasa hindi nila alam kung paano laruin 'yon.

Habang naglalakad ako, napansin ko ang grupo ng mga lalaki na parang may tinitingan sa bulletin board.

Lumapit ako para malaman kung ano 'yon.

"Pre oh ML tournament sali tayo?" Nagpanting ang tenga ko sa narinig.

Mobile Legends tournament huh?
Mamaya na palang 2pm.

Napatingin ako sa mga interesadong sumali. Papalag ba ang mga 'to sa 'kin? Mukhang weak pa sila, pakitaan ko nga sila ng galawang pro.

"Mga bobo." Bulong ko sa sarili ko at ngumiti.

Babaugin ko kayo.

Aira Sebastian

Nandito kami ngayon ni Karylle sa canteen. Ayaw ko sanang sumama dahil naalala ko yung panaginip ko. Pero sinabi niya ang magic word na "libre ko" kaya sumama na ako.

"Guys nandito raw ang si Kento Yamazaki!" Sigaw ng babaeng pumasok. Nagtiliaan ang mga babae sa loob at nagkagulo na.

Teka? Nasa panaginip ko 'to ah! Napatingin ako sa may labas at nakita kong si Naoki naglalakad papunta dito.

Hindi 'to maganda, baka mangyari nga talaga ang nasa panaginip ko.

Masyadong mabilis ang pangyayari.
Nagkatulakan na ang lahat. Ang tanging nakikita ko lang ay siya.

Hanggang sa naitulak rin ako.
Babangga na ako sa kanya.

Hala?!

Bigla siyang umiwas.

At ang sahig ang nahalikan ko.

"Grabe nakakahiya ang nangyari!" sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa labi ko. Napalakas ang pagbagsak ko kaya para tuloy akong nasapak.

"Aira sorry kung hindi kita inayang magcanteen hindi sana mangyayari 'yon," si Kaylle.

"Ah hindi okay lang, wala namang may gusto sa nangyari." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"Grabe naman kasi yung mga babae, fakenews lang naman pala na nandito si Kento, pero kung nandito talaga siya makikigulo din ako." Kahit ako rin naman, makikigulo din ako. Pero hindi dapat umabot sa ganito.

Ang daming nakakita sa akin. Hindi manlang ako tinulungang tumayo ng lalaking 'yon. Nakakainis talaga!

"Guys tapusin niyo na ang activity ipapasa ko na 'yan mamaya bago mag 4 pm," anunsyo ni Maya sa harap.

Nakalimutan ko, hindi parin pala ako tapos sa activity na 'yon.

"Teka, nasaan ang grupo ni Charlie?" Lumingon lingon kami para hanapin sila pero wala sila dito sa room.

"Baka nageML na naman," sagot ng mga kaklase ko.

Tumingin ako kay Karylle. Parang nag iba yata ang mood niya.

Bakit kaya?

"Ah nga pala Karylle, tapos ka na sa activity natin?" Tanong ko sa kanya.

"Ang totoo kasi hindi ko pa alam kung anong pangarap ko," sagot niya at ngumiti ng pilit.

Bigla kong naalala yung notebook na pinahiram niya.

"Karylle yung notebook mo pala sa science na hiniram ko ano palang nangyari no'ng nasaksak si Daryl?" Tanong ko.

"Hindi ko alam na nagdiscuss ng gano'n kagandang story si ma'am Smart about science, sana pala nakinig ako para nalaman ko ang ending." Napansin ko na nagulat siya sa sinabi ko.

"Hala? Teka Aira patingin nga ng notebook na 'yon." Huh? Kinuha ko ang notebook niya sa bag ko at binigay sa kanya.

"Ay Aira sorry maling notebook napahiram ko, dito ako nagsusulat ng story." Siya.

Huh? Maling notebook? Halos 6 pages na ang kinopya ko!

Napakamalas nga naman.. pero teka?

"Sorry talaga Aira." Paghingi niya ng pasensya.

"Nagsusulat ka pala ng story, dream mo ba 'yan?" Nakangiti kong tanong.

"Dati pero laging rejected kaya hindi na ako nagsulat." Malungkot na sagot niya.

"Kaya hindi mo na gusto?" Napatingin siya sa'kin.

"Hindi naman sa gano'n pero baka hindi 'to para sakin." Ngumiti ako sa kanya.

"Karylle may quotes ako na nabasa kanina ano ba 'yon?" Ako at inisip kung ano 'yon.

"Your dream doesn't have an expiration date. Take a deep breath and try again." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Kaya Chase your dream Karylle! Ang ganda kaya ng story mo, yung rejections? Challenge lang 'yan, hindi para sumuko ka kundi para mas lalo mong mapatunayan na para sa'yo ang dream na 'yon!" Buong kumpiyansa kong sabi.

Natigil siya at ngumiti sa akin.

"Tama ka Aira," siya.

"Katulad ng dreams are only dreams until you wake up and make them real." Napatigil ako bigla dahil pumasok sa isip ko ang aking panaginip at ang nakakahiyang pangyayari kanina.

Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Salamat Aira thank you talaga!" Napangiti ako sa kanya at niyakap rin siya.

"What's up mga bobo!" Nabaling ang atensyon ng lahat sa may pinto. Ang grupo ni Charlie.

Mas umagaw ng atensyon namin ang hawak ni Charlie na Trophy. Galing kaya saan 'yan?

"Well," mayabang na bungad nila at pumasok sa loob.

"Ang section lang naman natin ang nagchampion sa ML tournament." Pagyayabang niya.

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. ML tournament? Nakakatuwa naman.

"Wow ang galing naman."

"Galing mo naman Charlie."

"Meron na tayong trophy!"

Nabalot ng congrats at batok mula sa mga klase ko sila Charlie dahil sa sobrang tuwa sa balita.

First time magchampion ng section 3, nang dahil pa sa kaklase naming puro ml lang ang alam. Isa lang ito sa mga halimbawa na hindi dapat maliitin ang pangarap ng kahit sino.

Lumipas ang ilang oras. Uwian na. Lumabas na ako ng room at nakita ko ang paglabas ni Naoki mula sa kabilang room. Halos magkasabay kaming naglalakad.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa daan.

Sinong kausap nito?

"Idiot, bingi ka rin pala." Tumingin ulit ako sa kanya. Ngayon at nakatingin na siya sa'kin.

"Sa nangyari kanina.. hindi ka ba nasaktan?"

Napahinto ako dito sa may hagdan nang makita ko mula sa baba ang artistang si Kento Yamazaki.

Para akong nafreeze sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala na makita siya sa personal.

Napakagwapo niya..

"Guys! Si Kento nasa baba!" Sigaw ng babae mula sa likod namin.

Nagulat kami ni Naoki nang magtakbuhan ang mga babae papunta sa direksyon namin. Nagkagulo na ang lahat at nagkatulakan.

Hala?!

"Aira!" Nagulat ako nang yakapin ako ni Naoki. Sa sobrang gulo ng paligid ay naitulak kaming dalawa at gumulong pababa ng hagdan.

Hindi ako nasaktan dahil nakacover ang kamay niya sa ulo ko nang bumagsak kami sa sahig. Sa lakas ng pagbagsak ay nagdampi ang labi naming dalawa.

"What's happening here?!"

Napatingin kaming dalawa sa harap. Ngayon ay nakatayo sa harap namin ang school administrator kasama si Kento at ang Japanese investors.

"Konnichiwa?"

Continue Reading

You'll Also Like

152K 3.5K 36
[COMPLETED] Bata pa lang si Portia Selene Clemente ay may gusto na ito kay Cedric Sebastian ang bestfriend ng Kuya Stefan niya. Dr. Cedric Sebastian...
89 2 21
Si Aira Dela Cruz - kilala bilang masayahin, friendly, at laging may ngiti sa labi. Pero ang totoo? Yung ngiti niya, may tinatago. Sakit, luha, at mg...
148K 4.5K 43
Student Series 2: "Bahala Na" Attitude 𝐜𝐨𝐦𝐩π₯𝐞𝐭𝐞𝐝 Manifesting a fatalistic attitude is nearly a norm inside a classroom and is often practice...
144K 5.3K 63
Section D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g...
Wattpad App - Unlock exclusive features