The Bright Idiot

By LiCueto

63.6K 3K 628

Note: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng k... More

Note:
Chapter 1: Impression
Chapter 2: The Last Section
Chapter 3: The Rule
Chapter 5: Can spell without I
Chapter 6: The True Winner
Chapter 7: Family
Chapter 8: Dreams
Chapter 9: Acquaintance Party

Chapter 4: The Competition

1.9K 330 72
By LiCueto

Aira

Sa isang iglap lang ay bumalik ulit sa pagiging magulo ang buong klase.

"CR muna ako, Aira," pagpapaalam ni Karylle at naglakad palabas ng room.

"Aira, labas muna ako." Tumayo si Raven at lumabas rin.

Napansin ko si Al na papunta sa aking direksyon. Ang maangas na lalaking mabait naman pala. Umupo siya sa desk ni Karylle na nasa tapat ko at humarap sa akin.

"Aira, ang galing mo naman pala," bati niya.

Nakaramdam ako ng hiya, hindi kasi ako sanay na pinupuri.

"Ah, hehe. Hindi ko nga alam na tama pala 'yung ginawa ko," sagot ko at napahawak sa aking batok.

"Napaka-humble, teka nga! Subukan natin ulit ang talino mo." Tumingin siya sa akin ng mata sa mata. Nakipagtitigan rin ako at naghintay itatanong niya.

"Mayroon akong tatlong apple, kinain ko ang isa. Ang tanong, gusto mo ba ako?" seryosong tanong niya.

Huh? Ano raw? Nag-loading ako Bigla.

"Good morning, classmates! Ano'ng ginagawa n'yo?" masiglang bati na umagaw ng atensyon naming lahat.

Agad kaming lumingon sa pintuan kung saan nanggaling ang boses. Si Hiro pala. Nakangiti siyang pumasok sa loob na para bang hindi napalabas kanina ni Sir Catacutan.

"Hiro, ang aga-aga, panira ka!" naiiritang sita ni Al.

"Huh? Ano ba'ng nangyayari?" Lumapit sa 'min si Hiro para maki-update.

"Nagpa-test si sir, bakit ba kasi late ka na naman?" pagsesermon ni Al.

Napansin namin ang biglang pagbago ng reaksyon ni Hiro nang marinig 'yon.

May problema kaya?

"K-kasi… kagabi," putol-putol na sabi niya at halos mangiyak-ngiyak pa.

"Ano'ng nangyari?" nag-aalala naming tanong ni Al.

"K-kagabi natulog lang ako, pero…"

"Pero ano?" tanong ulit namin.

"Paggising ko, umaga na."

Nagulat ako nang bigla siyang binatukan ni Al. Halos humiwalay pa ang ulo ni Hiro sa katawan dahil sa lakas ng pagbatok sa kanya.

"Potaena naman, Hiro!"

"Ang sakit nun, ah!" daing naman ni Hiro.

At nagsimula na silang maghampasan.

"Hoy, ikaw!"

Natigil ang pagbubugbugan nilang dalawa nang marinig namin ang matinis na boses ng amin Class President. Napalingon kami sa direksyon niya. Lumapit siya at tumingin nang masama sa 'kin.

"Paano ka naka-perfect? Nandaya ka 'no?" nakataas kilay na tanong niya.

Naguguluhang ko siyang tiningnan. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ko sa test, tapos nandaya?

"Hoy, Maya! Bakit ba ganyan ang tanong mo?" inis na tanong naman ni Al sa kanya.

"Imposibleng may makaisip ng sagot na 'yon sa test, kaya sigurado akong nandaya siya." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi rin siya mukhang matalino," dagdag niya pa. 

Inaamin ko, nasaktan ako nang marinig ang mga sinabi niya. Pero hindi na ako sumagot, nanatili lang akong tahimik. Tama naman siya sa sinabing hindi ako matalino, pero hindi ako mandaraya.

"Tumigil ka nga! Alam mo, Maya, kung sino man ang nandaya rito, ikaw 'yon!" pagtatanggol ni Al sa 'kin.

Natahimik si Maya at binalik ang tingin sa 'kin. Tiningnan niya ako nang masama, pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang upuan.

Karylle

"Baka nagsisimula na ang klase." Dali-dali akong lumabas ng CR dahil baka ma-late na ako. Binilisan ko ang bawat hakbang para siguradong makakaabot.

Habang naglalakad ako sa hallway, umagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na pinalilibutan ng apat na kalalakihan. Teka? Parang kilala ko 'to, ah? Kung hindi ako nagkakamali, si Charlie 'yung lalaki. Tumingin ako sa mga lalaking nakapalibot sa kanya. Mukhang galing sila sa ibang strand.

"Ano kaya'ng nangyayari?"

Nagulat ako nang suntukin siya ng lalaki sa mukha.

"Hala?" Napaatras ako dahil baka madamay ako sa kanila.

Ano'ng gagawin ko? Syempre wala. Dapat umakto lang ako na walang nakita. Mas madaling gawin 'yon. Magpapatay-malisya lang ako. At saka dapat lang sa kanya 'yan. Tutal masama naman ang ugali niya.

Pero kahit na! Kaklase mo pa rin siya. Kaklase mo lang siya! Pinapahiya ka rin niya sa klase.

Mariin akong napapikit at umiling. "Bahala na nga!"

Hahayaan ko na lang siyang mabugbog. Hindi ko siya tutulungan.
Tatakbo na ako para hindi ko na sila makita.

Tama! Tatakbo ako. Magandang ideya 'yan.

"Kaya takbo na, Karylle," mahina kong sabi.

Oo, tatakbo na!

Tumakbo ako papunta sa kanila para umawat.

"Hoy! Tumigil kayo!" sigaw ko na umagaw ng atensyon nila.

"Ikaw?" gulat na tanong ni Charlie nang makita ako.

Ano ba 'yan, Karylle? Bakit hindi ka na lang bumalik sa room para sabihin sa mga kaklase mo? Si Maya ang may responsibilidad nito, hindi ikaw. Hindi ka rin isang bayani na tagapagligtas ng mga naaapi.  Hays! Kung kailan nandito na ako, saka ko pa naisip 'yan.

"Sino ka naman?" kunot-noong tanong sa akin ng lalaking sumuntok sa kanya.

Sino ako?

"Ako ang ka—"

"Siya ang girlfriend ko," nakangising sagot ni Charlie.

"Tama, ako ang gir— ano?!"

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Ibinalik ng mga lalaki ang tingin sa akin at kinilatis ako mula ulo hanggang paa.

"Girlfriend mo?” natatawang tanong ng isang nasa kaliwa niya. "Ang panget naman."

Grabe, ah! Hiyang-hiya ako sa mukha niyang puro lubak.

"Ngayon alam mo na, hindi ko papatulan ang girlfriend mo. Dahil mahilig ako sa panget," natatawang saad ni Charlie.

Tiningnan ako ng mga lalaki na may halong pandidiri.

"Tsk! Pasalamat ka dahil niligtas ka ng girlfriend mong panget," walang ganang sabi ng lalaking mahaba ang buhok. Tinalikuran na niya kami.

"Nakakadiring sana ol na lang," sabi naman ng lalaki sa kaliwa ni Charlie at umakto pa na kinikilabutan.

Nagsimula na silang maglakad paalis.
Naiwan kaming dalawa ni Charlie rito na nakatingin sa kanila habang unti-unti na silang nakakalayo.

Tuluyan na silang umalis. Tumingin sa akin nang masama si Charlie.

"Bakit ka ba nandito? Hindi ka na dapat nangialam," inis niyang sabi.

Aba! Siya na nga ang niligtas, siya pa galit. Dapat pala talaga, hinayaan ko na lang siya. Walang utang na loob. Napakasama talaga ng lalaking 'to.

"Pero salamat." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh?" hindi makapaniwalang tugon ko.

Tama ba 'yung narinig ko? Nagpasalamat siya?

"Panget na nga, bingi pa, balakajan."
Tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad.

Aba't! Napakaarogante talaga ng lalaking 'to. Pero narinig ko talagang nagpasalamat siya. Kung tama ang narinig ko, may tinatagong kabaitan din pala ang lokong 'to.

"Ano? 'Di ka sasabay?" Lumingon siya sa 'kin at pinagtaasan ako ng kilay.

Oo nga pala, malapit nang magklase. Tumakbo ako palapit sa kanya. Itong mokong na 'to, hindi naman pala siya gano'n kasama.

"Huwag kang masyadong lumapit, oo mabait ka, pero panget ka pa rin," aniya.

Tiningnan ko lang siya nang masama. Sana hinayaan na lang kita na bugbugin.

Maya

"Akala ko pa naman, ikaw na ang magiging pinakamagaling sa section 3, pero kahit pala nasa last section ka, loser ka pa rin."

Napakuyom ako ng kamao habang matalim na nakatingin sa librong binabasa ko. Nagpunta ako sa library para magkaroon ng katahimikan, pero ganito ang nangyari, iniinsulto ni Trina para magmukhang bida sa mga kaklase niya.

Magkaklase na kami ni Trina mula elementary. Palagi kaming magkakumpitensya sa lahat ng bagay at palagi siyang nananalo.

Ngayon ay panalo na naman siya, dahil sa section 1 siya napunta at ako naman ay napunta sa huling section.

"Classmate mo si Aira, right?" tanong ng kaklase niya.

"And speaking of Aira, siya 'yung tangang naligaw sa section namin at ang nag-iisang naka zero sa pre-test ni Ms. Smart, tapos matatalo ka lang pala niy—"

Naputol ang sinasabi niya nang mag warning signal ang librarian sa direksyon namin.

"Sabagay, kahit sa 'kin, hindi ka naman nanalo. Oops! Masyado na yatang harsh ang nasasabi ko." Hindi pa rin siya nagpapigil. 

Sumenyas ulit ang librarian sa direksyon namin. Napairap na lang ako sa hangin dahil ayokong magsayang ng oras para patulan siya.

"Well, you're wasting my time na. Bye, Mayang talunan," pang-aasar niya at  nag'L' sign pa bago lumabas.

Napabuntonghininga ako nang umalis sila. Loser? Hindi ako loser, makikita niya, tatalunin ko si Aira.

Inayos ko ang gamit ko at lumabas ng library.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na ako sa room. Nakita ko agad si Aira na parang lutang na timang. Hindi ko maiwasang mairita sa kanya. Lalo pang nag-init ang dugo ko nang maalala ang sinabi ni Trina kanina.

Ang babaeng 'yan? Mananalo sa 'kin? No way! Tiyak naman na mas mataas ang IQ ko sa kanya. Sa hitsura pa lang at tindig, kitang-kita na. Kahihiyan na lang kapag natalo niya ako.

Sa bawat subject ay nagre-recite ako. Samantalang si Aira ay nakatanga lang at mukhang hindi pa nakikinig. Ako ang unang natatapos sa seatworks, samantalang siya ay halos magkaroon pa ng minus dahil sa sobrang tagal niya magsagot. Masasabi ko rin na sikat ako, dahil marami akong club na sinalihan, pero siya? Isa siyang nobody.

Natapos ang isang buong araw na halos wala man lang siyang ginawa.

Kaya sure akong panalo na ako.

Aira, talo na kita.

Naiwan ako sa room para alamin kung malinis na at walang mahalagang gamit na naiwan, dahil responsibilidad ko rin 'yon bilang president at responsableng estudyante. Nang ma-check kung maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng school. Bumili ako ng C2 at  naghintay ng jeep sa tapat ng gate.

Pinihit ko ang takip nito. Napakunot ako ng noo nang mapansin na ang higpit ng pagkakasara. Hindi ko ito mabuksan.

"Buwisit na C2," iritable kong sabi sa sarili at pinihit ulit ito. Pero hindi pa rin nagbukas.

"Pres, kailangan mo ng tulong?"

"Ay tanga!" gulat kong sabi nang sumulpot si Aira sa harap ko.

"Ay, sorry kung nagulat kita," nag-aalala niyang sabi.

Nakakairita talaga ang mukha niya. Pero kalma ka lang, Maya. Be professional.

"Ikaw pala, Aira. Bakit ka pa nandito?" tanong ko.

"Kasi, hindi pa ako nakakauwi," nakangiti niyang sagot.

Halos mapasapo ako ng noo. Tama nga naman, kaya pa siya nandito kasi hindi pa siya nakakauwi.

"Hindi mo ba 'yan mabuksan, Pres?" tanong niya.

Napatingin ako sa C2 na hawak ko.

"Tulungan na kita," nakangiti niyang sabi at nilahad ang kamay para kunin ang bote.

Napatingin ako sa kanya at nag-aalalang ibigay ito. Siguradong ipamumukha niya lang sa 'kin na mas malakas siya. Kapag nakitaan niya ako ng kahinaan, talo na ako.

Kaya hindi na.

"Ah, 'wag na, kaya ko na 'to," pagtanggi ko at pinihit ng malakas ng takip. Pero buto ko lang ang tumunog. Kinagat ko na rin, pero ayaw talagang bumukas.

"F*cking C2." Muntik ko pa itong maihagis dahil sa sobrang inis.

Natapos ang ilang minutong pakikipagsagupaan sa takip. Namumula na ang palad ko at naibuhos ko na ang lakas ko, pero 'di ko pa rin ito nabuksan.

"Tulungan na kita." Kinuha niya sa 'kin ang bote at pinihit.

Wala na akong nagawa kundi tingnan siya. Nabuksan niya ito ng walang kahirap-hirap.

"Ito na," nakangiti niyang sabi at inabot sa 'kin ang bukas ng C2.

Hindi ako makapaniwala. Talo na naman ako!

Nakakainis ka talaga, Aira!

"Oo nga po pala! Alam mo ba, Pres? Hanga ako sa 'yo." Nagulat ako nang marinig ang sinabi niya.

"Kasi ang galing mo mag-recite, samantalang ako, tumingin pa lang ang teacher sa 'kin, kinakabahan na ako," sabi niya habang nakatingin sa ibaba.

"Tapos ang haba pa ng pasensya mo kahit napakagulo ng section natin," dagdag niya at tumingin sa akin.

"Kung ako ang nasa posisyon mo, susuko na agad ako, kasi hindi ko 'yon kaya. Kaya, Pres… salute." Nanlaki ang mga mata ko nang magsaludo siya sa 'kin na parang sundalo.

Para siyang timang, pero nakakatuwa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin inaasahan na maririnig ko 'to sa kanya. Nakakagulat lang. Hinahangaan pala ako ng taong kinaiinisan ko. Humahanga siya sa 'kin dahil nagagawa ko ang hindi niya kayang gawin. Samantalang ako, kinaiinisan ko siya.

Napansin kong lumingon-lingon siya sa kalsada, pagkatapos ay tumingin na sa 'kin.

"Ay, Pres! Una na pala ako, ingat!" Kinawayan niya ako  at nagmadali nang tumakbo papunta sa humintong jeep. Halos madapa pa siya habang tumatakbo. Pumasok na siya sa loob at kumaway ulit sa akin.

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako sa kanya. Natatawa na lang akong napailing at napahawak sa aking mukha.

Nakakatawa na nakakagulat at nakakahiya, dahil sa taong kinabubuwisitan ko pa ako natuto ng isang mahalagang leksyon.

Hindi sa lahat ng bagay, kailangan ng kompetisyon.

Malalim akong napabuntong-hininga.
"Hays, Maya, talo ka na naman. Pero sa lahat ng pagkatalo mo, ito ang pinakamaganda," natatawa kong sabi sa sarili.

Nakangiti kong sinundan ng tingin ang jeep na sinasakyan niya hanggang sa tuluyan na itong makalayo.

"Salamat, Aira."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 32K 44
Kadiliman, iyan ang isang bagay na kamuntikan nang lumamon sa buong pagkatao niya. She's been fighting her inner turmoils all by herself. She was abu...
102K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
15.3K 365 44
Everyone says Adira Serene Mckenson has a beauty like aphrodite and a brain like Athena. Yes, it is true. She is also known as a gangster---- a stron...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...