The Bright Idiot

By LiCueto

63.6K 3K 628

Note: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng k... More

Note:
Chapter 1: Impression
Chapter 2: The Last Section
Chapter 4: The Competition
Chapter 5: Can spell without I
Chapter 6: The True Winner
Chapter 7: Family
Chapter 8: Dreams
Chapter 9: Acquaintance Party

Chapter 3: The Rule

1.8K 324 66
By LiCueto

Aira

LUMIPAS ang isang linggong orientation. Gaya noong first day, magulo pa rin ang klase at hindi pa na na wala ang mga nambu-bully. Siguro parte na talaga ito ng highschool life, ang makasalamuha ng mga estudyanteng kulang sa aruga.

May isang teacher pa kaming hindi nami-meet sa class last week at siya ang first subject namin ngayon. Walang update kung anong klaseng teacher siya, ang alam lang ng lahat ay kumpleto naman ang parte ng katawan niya.


Napatingin ako sa wall clock para alamin ang oras. May 30 minutes pa dahil 7:30 start ng klase namin.

Nandito ako ngayon sa canteen para bumili ng pagkain dahil hindi ako nakakapag-almusal. Bilang isang estudyante, nag-aaral man nang mabuti o hindi, kailangan pa ring pumasok na may laman ang tiyan para hindi lang katawan ang healthy, pati na rin utak syempre.

Pagdating sa laman ng tiyan, pagkain dapat. Hindi kung ano, mahirap na.

Nagulat ako nang biglang may tumulak sa likod ko at nabangga ko ang tao sa harapan.

"Aray!" Napalingon ako sa bumangga.

"Ano ba 'yan?! Huwag ka ngang paharang-harang sa daan!" mataray na saad niya at naglakad papunta sa counter.

Grabe naman! Siya na nga ang nakabangga siya pa ma-atittude. Napatingin ako sa harapan.

Si Karylle pala ito, 'yung muse na binubully ng escort naming arogante.
Natapon ang mga pagkain sa tray na dala niya. Hindi siya namantsahan pero sayang ang mga pagkain na binili niya.


"Ay! Sorry talaga, papalitan ko na lang ang mga nasayang na pagkain," natataranta kong sabi.

"Hindi na, hindi mo naman kasalanan… 'yung babaeng maarte ang dapat sisihin." Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Totoo pero sagot ko pa rin ito dahil ako ang nakabangga sa kanya.

"Ah, eh, ganito na lang. Ililibre na lang kita," nakangiti kong sabi.

Magsasalita sana siya pero hinila ko na siya papuntang counter kaya hindi na siya nakatanggi pa. Bumili kami ng Hotsilog at sabay na kaming kumain. Medyo nagmadali na kami dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.

Hanggang sa ilang sandali lang ay natapos na kami at sabay na naglakad palabas ng canteen.

"Salamat, ah! Huwag kang mag-alala, babayaran ko 'tong mga binili mo sa akin," sabi niya habang naglalakad kami pabalik.

"Ano ka ba! Libre nga 'di ba? Okay lang 'yun, nakaharang kasi ako sa daan kaya nangyari ‘yon kaya kasalanan ko rin," paliwanag ko. Ngumiti siya sa akin.

"At saka salamat din noong tinisod mo si Charlie."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya tinisod. Hindi ko sinasadya na nakaharang pala ang paa ko sa dadaanan niya. Pero kahit gano'n, dapat lang 'yon sa lalaki dahil masama ugali niya.

"Hehe, hin—"

Napansin ko na napahinto si Karylle, kaya napatingin ako sa harap ng room namin. Isang lalaking may edad na halos hindi mangiti ang naglalakad papunta sa direksyon ng room.

"S-si Sir Catacutan," nauutal niyang sabi.

"Huh? Kilala mo siya?" tanong ko.

Tumingin ulit ako sa lalaki. Ngayon ay malapit na siya rito. Mukha siyang istrikto at kagalang-galang na heneral.

"Oo... palagi siyang nakukwento ng mga pinsan kong graduate ng Sakura Academy, wala pa sa 15% ang mga estudyanteng pinapasa niya,” kuwento niya.

Grabe naman.

"Kaya kapag graduation, maraming nagmamakaawa sa kanya na makakuha ng kahit 75 na grade maka-graduate lang,” dagdag niya pa.

Mukhang mahirap ngang makapasa sa kanya. Nakakatakot siya.

"Siya ang batas ng Sakura Academy dahil dapat siyang masunod. Ang hindi sumunod sa kanya ay hindi makaka-graduate, kaya malas ang mga nagiging estudyante niya," paliwanag niya.

Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa teacher na 'to. May kalakihan ang katawan niya, may
pamatay na bigote, at matalim tumingin ang mga mata. Sa hitsura at tindig pa lang, nakakatakot na. Samahan pa ng maitim na awrang bumabalot sa kanya. Sapat na paglalarawan na ’to para sabihin talagang isa siyang terror teacher.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Karylle  papasok ng room. Pumunta na kami sa aming upuan. Nandito na si Raven pero parang wala siya sa mood.

Napansin kong biglang tumahimik ang buong klase nang pumasok siya sa room. Ang ingay na bumabalot sa room ay napalitan ng katahimikan na may halong takot at kaba. Agad kaming tumayo at pumostura na parang nasa isang Military Academy.
P

arang nadaanan ng anghel ang room dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Nang mapatingin ako sa teacher namin, mukhang kailangan ko nang magdasal.

"Morning, class. I'm Mr. Joselito Catacutan, your teacher in Philosophy." Pananalita pa lang niya, nasa awtoridad na.

"Good morning, Sir Joselito," bati namin sa kanya.

"Take your seat."

Sinunod naman namin agad ito.

"May papel ako na ipapasa sa inyo para sagutan," wika niya at agad na pinamigay ang mga papel.

Nanatili akong kabado habang nakatingin sa kanya. Mukhang gano’n din ang mga kaklase ko. Nakakatakot kasi talaga siya. Parang ang hirap huminga nang maluwag sa klase niya.

Napatingin kaming lahat sa may pinto ng may kumatok. Nagbukas ito at bumungad sa amin si…

"Good morning Si—"

"Out!"

Hindi natapos niya ang masiglang pagbati nang palabasin siya agad ni Sir kahit hindi pa siya nakakapasok. Kilala ko siya. Siya si Hiro. Si Hiro ang estudyante kahapon na pumasok kung kailan uwian. Ngayon, late pa rin siya.

Naipamigay na ang mga papel at signal na lang ni Sir ang hinihintay.

"First rule, NO QUESTIONS. 50 points each and a total of 100. Right minus wrong. Read the direction carefully, No Cheating and once I caught you, dropped ka na sa subject ko."

Napalunok ako ng laway sa mga sinabi niya. Napansin ko ang reaksyon ng mga kaklase ko, 'yung iba ay nanginginig na ang kamay dahil sa nerbyos.

"Begin," signal niya at nagsimula na silang magsagot.

Tahimik lang ang buong klase. Tanging ugong lang ng aircon ang naririnig namin.

Napatingin ako sa test paper.

Surname First

I. Follow the instructions.

  Write something on the space provided.

II. No Cheating

  Your answer is wrong.

Huh?

Loading….

Ano klaseng tanong 'to?!

Anong isasagot ko rito?!

Ano na’ng gagawin ko?

Mga tanong na pumasok sa isip ko habang nakatingin sa isang maliit na piraso ng papel na nagbigay ng malaking problema sa akin.

Bahala na.

Makalipas ang ilang minutong pagpipiga ng utak at pakikipagtitigan sa papel na hawak ko.

"Time's up! Pass your paper." Halos tumigil ang mundo namin nang magsalita si Sir.

Pinasa na namin ang papel. Lumingon ako sa mga kaklase ko. Napansin ko na halos tulala ang  iba dahil sa nangyari. Ibinalik ko ulit ang tingin sa harapan. Tiningnan ni Sir ang mga papel namin at isa-isa itong sinulatan gamit ang pulang ballpen.

Napansin ko naman si Raven na wala pa rin mood. Ano kaya’ng nangyari?

"Who’s Aira Sebastian?" Nagulat ako ng tawagin ni Sir ang pangalan ko. Napatayo ako bigla at tumingin sa kanya.

"Sir," sagot ko at napakagat ng labi.

Siguro naka-zero na naman ako. Mapapahiya na naman siguro ako tulad sa nangyari sa akin noong first day.

Pinilosopo ko kasi ang sa test I.

Something na word talaga nilagay ko dahil 'yon lang ang pumapasok sa isip ko. Tapos hindi ko na sinagutan ang test II dahil hindi ko talaga alam. Sure akong papagalitan niya ako.

"Congratulations."

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

"Sa lahat ng klase na napasukan ko, hindi ko inaasahan na sa last section pa ang makakakuha ng perfect sa test," wika niya.

Nanatili akong nakanganga at hindi makapaniwala.

P-paano nangyari 'yon?

"Makakaupo ka na." Parang tuod ako na umupo dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko kung ano’ng nangyari. Tumayo si Sir at nilibot ang tingin sa buong klase.

"Sa part 1 ng test. Napakasimple ng instruction. Write something on the space provided. Ang sagot ay something,"

"Huh?"

"Ah!” tugon ng mga kaklase ko.

Napansin ko ang naguguluhang reaksyon ng iba at ang iba naman ay napahanga dahil sa hindi inaasahang literal na sagot.

"Kung ano-ano sinulat n'yo. May nabasa pa akong confession sa crush, nagkwento ng talambuhay at nagsulat ng chismis, may nag-drawing pa. Ito ang problema sa inyo, ginagawa ninyong komplikado ang maliit na bagay," paliwanag ni Sir.

"At sa test II. No cheating. Your answer is wrong. Walang sagot diyan, dahil hindi ka magkakamali kung hindi ka magsasagot."

Napuno ng sari-saring reaksyon mula sa mga kaklase ko. Hala? Kaya pala tama ako. Akalain mo nga naman, Aira, nakatyamba ka pa niyan.

"Pero nagulat ako dahil may mga sagot kayo at ‘yung sagot n'yo ay make it right na sinabi ko sa ibang section," seryosong sabi ni Sir.

Nagulat ang iba sa mga kaklase ko at nagkatinginan.

Ibig sabihin may source ng sagot ang mga kaklase ko mula sa ibang section?

Binalik ulit namin ang tingin kay Sir. Binigyan niya kami ng nakakatakot na ngiti.

"Hindi ba cheating ang tawag doon? Nahuli ko kayo sa trap na ginawa ko. Sinadya kong sabihin ang maling sagot sa ibang section dahil alam kong nangyayari ang ganitong pandaraya," saad niya.

Tahimik lang ang lahat at nakayuko.

"Ikaw, Ms. Aira, paano mo nalaman ang sagot?" tanong niya sa akin.

Ngayon ay nakatuon na sa akin ang kanilang mga atensyon.

Paano nga ba? Hindi ko rin alam.

"Ah, hehe. Ang totoo, Sir… hindi ko talaga alam ang sagot. Naubusan po ako ng oras kaya hindi ko na nasagutan," nahihiya kong sagot.

Nabigla siya sa sinabi ko at napasapo na lang ng noo. Mukhang hindi niya inaasahan ito.

"Hmm, sinasabi mo bang sinuwerte ka lang, Ms. Sebastian?” tanong niya.

Dahan-dahan akong napatango at bahagyang napayuko. “Opo, Sir.”

“Hindi gumagana ang suwerte sa subject ko, Ms. Sebastian,” saad niya at binaling ang tingin sa buong klase.

“Class, tandaan ninyo. A simple rule can save your Life. At para ito sa lahat. Life is a most difficult exam, many people fail because they try to copy others, not realizing that everyone has a different question paper."

Tahimik lang kaming nakatingin sa kaniya.

"Kung hindi ninyo ito maintindihan ngayon, maiintindihan n’yo ito sa tamang panahon. Pero sa ngayon, maliban sa 'yo Ms. Sebastian, lahat kayo, zero. Class dismissed," nasa awtoridad niyang sabi at lumabas na sa room.

Nakahinga na ako nang maluwag at mukhang gano'n din ang mga kaklase ko dahil magsisimula na silang mag-ingay.

"Ano’ng sabi ni Sir?" naguguluhang tanong sa akin ni Raven.

"Hindi ko rin alam. English, eh," sagot ko at nahihiyang napakamot sa aking ulo.

May kuto na yata ako.

Naoki

Hindi ako makapaniwala nang makita ang result ng test ko kay Sir Catacutan.

"Naka-zero ako."

"Ako rin."

"Lahat tayo Zero."

"Nakakahiya! Section 1 tayo tapos lahat tayo zero." Usap-usapan ng mga kaklase ko.

Imposibleng may makasagot sa test niya.

"Guys! May nalaman ako, may naka-perfect sa test ni Sir Catacutan!" Napatingin kaming lahat sa pumasok.

"Mula sa Section 3, Aira Sebastian ang pangalan," sabi niya.

Aira Sebastian?

"'Yung babaeng naka-zero sa pre-test ni Ms. Smart?" tanong ni Kim sa kanya.

Bigla kong naalala ang parang ignoranteng babae na katabi ko noong first day. Ang babaeng naligaw sa section namin.

Hindi ako makapaniwala.

"That idiot?"

Continue Reading

You'll Also Like

9.1M 306K 89
My name is Zapira Herst Kurshwel, isang gangster na walang ginawa kundi ang makipaglaban, natanggal sa grupo at nauwi sa pagiging agent, na kung saan...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...