The Bright Idiot

LiCueto

63.6K 3K 628

Note: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng k... Еще

Note:
Chapter 2: The Last Section
Chapter 3: The Rule
Chapter 4: The Competition
Chapter 5: Can spell without I
Chapter 6: The True Winner
Chapter 7: Family
Chapter 8: Dreams
Chapter 9: Acquaintance Party

Chapter 1: Impression

3.9K 379 113
LiCueto


Aira

"Aira Sebastian."

Napakamot ako sa aking ulo habang nakatingin sa papel na sinasagutan ko. Tanging pangalan ko pa lang ang aking nasusulat, dahil iniisip ko kung bakit English ang language nitong test kung Filipino ang first subject namin?

"Okay time's up, pass your paper in front," wika ng teacher namin na hindi pa nagpapakilala.

Pagkarating pa lang kasi niya, pinakuha niya kami agad ng 1/4 para sagutan ang pre test. 1-10 lang ang questions pero hindi ko 'to nasagutan.

Pinagpalit niya ang mga papel sa magkabilang column at pinasa ulit sa 'min para i-check.

"Kung sino man si Aira Sebastian, 2020 na! 'Di ka pa rin maka-move on sa 2019." sigaw ng lalaki sa harapan at nagtawanan ang buong klase.

Napa-palm face ako agad dahil pangalan ko 'yon. First day pa lang nakakahiya ka na, Aira.

"Idiot," rinig kong sabi ng lalaking nasa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya. Nakasandal siya sa may bintana at kita na sa mukha niya ang pagkabagot sa klase.

Natapos na checking. Inabot sa harapan ang mga papel para ibigay kay Ma'am na hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon. Isa-isa niyang tiningnan ang mga score

"Dalawa ang nakakuha ng perfect score, sino si Kimberly Sanchez?" tanong niya.

Tumayo ang babae na may mahabang buhok sa first row at pinalakpakan siya ng buong klase.

"Matalino talaga 'yan si Kim, achiever siya simula pa noong elementary kaya hindi na nakapagtataka na ma-perfect niya 'yan," rinig kong usapan ng mga nasa likuran.

"At ang isa ay si Naoki De Guzman."

Tumayo ang katabi kong lalaki at pinalakpakan din.

Ano'ng pangalan niya? Nokia? Cellphone? O baka chingchong siya kaya gano'n.

Nabalot ng bulungan at kilig ng mga babae kong kaklase ang buong room.

Medyo nakakagulat ang impact ng lalaking ito sa kanila. Eh, mukha naman siyang suplado. Baka masama rin ang ugali. Narinig ko pa nga 'yan kanina na nagsabi ng idiot.

"Ang swerte natin dahil kaklase natin sina Kim at Naoki, may mga kaklase tayong matalino."

"Sana makagrupo ko sila sa kahit na anong activities, lalo na sa thesis." Mga bulungan na nakapalibot sa paligid.

"The rest got 9," sabi ni Ma'am. At nagpalakpakan na ang mga kaklase ko.

The rest got 9? Eh, wala naman akong sagot. Paano nangyari 'yon?

"At meron pa palang isa." Napatingin kaming lahat kay Ma'am.

"Sino si Aira Sebastian?"

Huh?

Dahan-dahan akong nagtaas ng kamay. Napatingin naman sa akin ang buong klase.

"Sa lahat ng estudyante na nag-pre test... ikaw lang ang nakakuha ng zero," sambit niya.

Nabalot ng ingay ang buong room.

"Grabe naman."

"Kahit sino masasagot ang test na 'yon."

"Akala ko ba cream section 'to? Bakit may naligaw na b*bo?"

Anong Cream section?

Ang laman na ng bulungan sa paligid ay ako. Lahat sila ay nakatingin sa 'kin. Ang kanilang mga tingin ay nanghuhusga at nang-iinsulto.

"How did you get to the cream section if you didn't answer the basic science test, Ms. Aira Sebastian? tanong niya.

Science? Ah! Teacher pala siya sa science! Akala ko ba Filipino ang first subject namin?

Tumingin ako sa kanya na may halong pagkamangha.

"Ah, science teacher ka po pala," mangha kong sabi sa kanya.

"Yes, I'm..." Kumuha siya ng marker at nagsulat sa white board.

Samantha Smart

Grabe, pangalan niya pa lang claim na agad na napkatalino ni Ma'am. Mukhang napakagaling talaga niyang science teacher.

"Ang galing po, Ma'am. Sana po maging kasing talino n'yo rin po ako sa future," sabi ko habang namamangha pa rin.

"Tama ka riyan! Pero di ko alam kung magiging 'sing talino mo ako, Ms. Sebastian, dahil simpleng science questions ay hindi mo masagot," sabi niya sabay bigay ng mapang-insultong tawa.

Ganon pala 'yon? Hindi ko siya magiging kasing talino dahil kahit simpleng tanong ay hindi ko masagot.

"Ma'am," nakangiti kong tawag.

Nahinto siya at napatingin sa 'kin.

"Ano 'yon?"

"Gusto ko lang po magpaturo. May question po kasi na pumasok sa isip ko, dahil hindi po ako matalino, kailangan ko po ng tulong n'yo," malungkot kong sabi.

Ngumiti siya at ibinaling sa akin ang kanyang tingin.

"Sure, there is no question I cannot answer," buong kumpiyansa niyang sabi.

"Ito po. A girl kicks a soccer ball. It goes 10 feet and comes back to her? How is this possible?" tanong ko.

Ang ingay kanina ay napalitan ng katahimikan dahil tanong. Nagpapakiramdaman lang ang lahat ng mga nandito at naghihintay kung sino ang sasagot.

"Kalokohan, ano bang klaseng tanong 'yan?" sigaw ng mayabang na lalaki sa harap. 'Yung nag-check ng papel ko.

"Kim, ikaw nga ang sumagot ipahiya mo ang babaeng 'yan!"

Tumingin ako sa babaeng mahaba ang buhok na nasa first row. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Ano ba?! Kayo na lang ang sumagot sa kabaliwan ng babaeng 'yan," iritableng saad niya.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Si Nokia. Tahimik lang siya at mukhang walang balak na sumali sa nangyayari.

"Iha, imposibleng bumalik ang bagay na sinipa na palayo. Sinasayang mo lang oras ko. Mag-aral ka na lang nang mabuti. Mukhang kailangan mong pag-aralan ang 3 laws of motion ni Newton."

Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang buong klase. Mukhang wala talagang may balak na sumagot.

"Ma'am, napag-aralan n'yo na rin po siguro ang law of gravitation ni Newton? Gravity po ang sagot, sinipa po ng bata ang bola pataas," nakangiti kong saad sa kanya.

Ang buong klase ay nagulat sa sinabi ko. Pati si Ma'am, hindi maipinta ang reaksyon niya.

"G-gravity," nauutal niyang sabi habang hindi pa rin makapaniwala sa sagot na sinabi ko.

"Okay! Tapos na tayo riyan. Let's proceed to the attendance," pagbabago ni Ma'am sa usapan. Umupo na ako at ngumiti sa kanya.

"Tricky question... idiot," rinig kong sabi mula sa gilid ko.

Kunot-noo akong napalingon kay Nokia. Itong cellphone na ito, grabe kung maka-idiot, porket naka-perfect sa test.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag-focus sa harapan. Nagtawag na si Ma'am ng mga pangalan. Hinintay ko naman na tawagin niya ako.

Ilang minuto na ang lumipas. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naririnig ang pangalan ko.

"Velasco."

"Present."

Pagkatapos magtaas ng kamay ng huling tinawag ay binaba na ni Ma'am ang hawak niyang papel. Tumayo na rin siya para simulang ang discussion.

Hala? Naglagpasan ako!

"Okay our topic for today is-"

"Ma'am, hindi po ako natawag," sabi ko habang nakataas ang kamay.

"Aira Sebastian right? Wala ka sa master list ng Section 1."

Halos huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Tila nag-echo rin ang kanyang boses sa tainga ko.

"S-section 1?!" gulat kong tanong.

Hindi ito pwede...
Mali...
Maling-mali...

"Section 3 ako, mali ang klase na napasukan ko!"

Nakatingin na naman sa akin ang mga kaklase ko. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at dali-daling lumabas.

Malalim akong napabuntong-hininga nang tuluyang makalabas sa room 143 A.

Nakakahiya ang ginawa ko kanina. Tama naman ang room na pinuntahan ko, ah!

Room 143.

Tiningnan ko ulit ang schedule ko na nakalagay sa likod ng ID.

Room 143 B pala.

Putek! Bakit ba kasi may ABCD pa ang mga room?

Nakakahiya. Ano ba naman 'yan? First day na first day, gumawa ka na agad ng kahihiyan, Aira!

Naglakad-lakad ako para hanapin kung saang parte ng galaxy ang room 143 B. Malaki ang school at maganda rin ang facilities. Kung iisipin talaga, para akong nasa Japan dahil malinis na, maayos pa.

This is Sakura Academy. Japanese school ito pero karamihan sa nag-aaral dito ay mga Filipino. Dahil unang-una, nasa Pilipinas ito. Pero mapagkakamalan na rin kaming Japanese dahil sa uniform namin.

Long sleeves na white, checkered skirt na above the knee at kulay blue na necktie na katerno ng palda namin. Wala kaming coat dahil mainit dito sa Pilipinas. Pero depende pa rin sa amin kung gusto namin ng coat, dahil kami naman ang magsusuot. Ang uniform naman ng sa lalaki ay long sleeves black necktie at black pants.

Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng mapagtatanungan at lumilingon-lingon sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko ang room namin.

Walang tao sa paligid kaya wala akong mapagtanungan.

"Oy! Ba't ka pagala-gala sa oras ng klase?"

Napilingon ako sa nagsalita. May tatlong lalaki na nakatingin sa direksyon ko. Lumapit sila sa akin at pinaligiran ako.

Huh?

"Ibigay mo sa 'min ang pera mo kung ayaw mong masaktan," sabi ng lalaking spike ang buhok. Malaki ang katawan niya kaya medyo nakakatakot.

Lumingon-lingon ako sa likuran ko. Walang tao. Binalik ko ang tingin sa kanya.

"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa sarili ko.

"Malamang ikaw, tanga ka ba? Wala nang tao sa likod mo," maangas na saad ng isang payat na lalaki na parang tatlong ubo na lang ay pwede nang pumanaw.

"Pera? Bakit ko ibibigay ang pera ko sa inyo?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Ah, eh, basta ibigay mo na lang dahil kapag hindi mo binigay, masasaktan ka! Wala akong pakialam kung babae ka!" maangas na sabi niya sa akin.

Kami lang ang tao rito kaya opportunity ng mga bully na ito na gawin ang masama nilang balak at manamantala.

"Ayoko," tipid kong sagot.

"Aba! Matigas ka!"

"Humanda ka ngayon!" Hinanda ng lalaki kamao niya para suntukin ako pero nagulat ako nang may kamay na humarang dito.

Napatingin kami sa kung sino man ang taong pumigil sa lalaki para suntukin ako.

"Ang babae ay minamahal, hindi sinasaktan," seryosong sabi niya.

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa gitna namin. Kulay kayumanggi ang kanyang balat. Tama lang ang katawan niya at hindi ko rin maitatanggi na guwapo siya. Mas nagpapadagdag sa appeal niya ang nunal niya sa gilid ng kanyang kaliwang mata.

"Hoy! Bakit ba nangingialam ka?" Sinuntok siya sa tiyan ng lalaking malaki ang katawan pero hindi man lang siya nasaktan.

"'Yon lang ba? Ako naman." Sinuntok niya ang sa mukha ang lalaki. Nawalan ito ng balanse at natumba sa lupa.

"Sino pa?" mayabang na tanong nito at pinatunog ang kanyang kamao.

Ang dalawang lalaki naman ay takot na lumayo at tumakbo na paalis.

"Hoy! Bakit n'yo ako iniwan?!" sigaw ng lalaking nasuntok at dali-dali ring tumakbo. Halos madapa pa siya dahil sa sobrang pagmamadali.

Nakangiti kong ibinalik ang tingin sa lalaking tunulong sa akin. Isa siyang tagapagligtas.

"Sala-"

"Aray! Ang sakit ng tiyan ko!" daing niya habang nakalupot ang kanyang mga kamay sa tiyan niya.

An'yare?

"Sir, okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Bigla siyang umayos ng tayo at umakto na parang walang iniindang sakit.

"Syempre naman, Miss. Ako pa ba? Malakas yata 'to," sagot niya sabay flex ng muscle at suklay ng kanyang buhok gamit ang mga daliri.

"Ah! Okay, salamat pala," nakangiti kong sabi.

"No problem, ako pala si Raven," pagpapakilala niya at hinanda ang kamay para makipag-handshake.

"Aira." Kinuha ko ang kamay niya.

"Aray, p-put!" daing niya na halos mamilipit ang katawan sa sakit.

Napatingin ako sa kamay niya. Nagdudugo ito.

"Ay! Sorry! Dahil sa 'kin, nasaktan ka," nag-aalalang sabi ko.

"Nasaktan? Sino'ng nasaktan? Hindi ako nasaktan, ah! 'Yang sugat, kagat lang ng langgam 'yan," pagpapalusot niya.

"Pero, Aira, bakit pala nandito ka? Wala ka bang klase?" pag-iiba niya ng usapan.

Napakamot ako sa 'king batok.

"Ang totoo kasi... naliligaw ako, hindi ko kasi alam kung saang building ang room 143 B," nahihiya kong sagot.

"143 B? Teka, ABM 11 section 3 ka? Edi, magkaklase pala tayo. Tamang-tama, pabalik na ako roon. Sabay na tayo," nakangiti niyang sabi.

Nagniningning naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Wow! Akalain mo nga naman, Aira. May lalaking nagligtas sa 'yo mula sa mga bully, tapos ngayon ay makakasabay mo pa papunta sa room na hinahanap mo, dahil kaklase mo siya.

Raven, isa kang Bayani!

Ngayon ay naglakad na kami papunta sa room namin.

"Buti pala, Raven, hindi ka naligaw rito sa school kahit sobrang laki ng Sakura Academy," sabi ko.

Ngumiti siya sa akin.

"Hindi na talaga ako maliligaw, tatlong beses kasi akong nag-repeat sa school na 'to, kaya kabisado ko na," nahihiya niyang sabi at napakamot sa ulo.

Tatlong beses? Wow! Kaya pala hindi na siya maliligaw. Pero sa hitsura niya, mukhang magkasing edad lang kami. Hindi halata sa kanya na matanda na siya ng 3 years para sa isang senior high school student.

At saka bilib na agad ako sa kanya, dahil kahit ilang beses siyang nag-repeat. Hindi pa rin siya humihinto sa pag-aaral.

"Pero kahit na gano'n, hindi pa rin susuko, try and try until you- ano ba 'yung motto na 'yon?" tanong niya.

"Try and try until you die?" hindi siguradong sagot ko sa kanya.

"'Yon nga yata, basta try lang. Hindi mo magagawa kung hindi mo paulit-ulit na susubukan," buong pagmamalaki niyang sagot.

Napangiti ako habang patuloy siya sa pagkukwento. Naalala ko ang mga taong nasa paligid ko kanina, matatalino sila pero karamihan sa kanila ay mapanghusga. Pero si Raven na tatlong beses nang umulit, tinulungan niya ako kahit hindi niya ako kilala.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Chasing My Love [Complete] Ela

Подростковая литература

16.5K 618 64
Shane Denzel ang babaeng naghahabol sa lalaking si Jay Cutler. Nagkatuluyan sila kaso biglang nagkaproblema sa kanilang relasyon na sanhi ng kanilang...
Always Have Been, Always Will Be letterL

Подростковая литература

24.3K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
Off Limits [Under Revision] K. Tomodachi

Художественная проза

5.3K 239 7
"I hate it when I get pissed. You wanna know why? Nanghahalik ako." - Dr. KKP "I have everything. I get everything I want. Ikaw nalang ang kulang."...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...