The Gangster's Victim

imperial_gem द्वारा

3.9K 1.3K 520

Isang misyon ang darating para kay Xandra. At iyon ay ang kumalap ng impormasyon sa pinakamalakas na grupo sa... अधिक

Introduction
Chapter 1: Arena
Chapter 2: University
Chapter 3: Gangsters
Chapter 4: His Next Victim
Chapter 5: Kidnap
Chapter 6: He save me?
Chapter 7: Deceive the Victim
Chapter 8: Decode the Code
Chapter 9: The Punishment
Chapter 10: Together with The Devils
Chapter 11: The Jealous Devil
Chapter 12: The Devil is A Thief
Chapter 13: The Day before the Game
Chapter 15: The Devils Game
Chapter 16: Changes
Chapter 17: Undergrounds Secret
Chapter 18: Confused
Chapter 19: Uncontrollable
Chapter 20: Forgotten Mission
Chapter 21: Go Home
Chapter 22: Other Man
Chapter 23: Planned, All Along
Chapter 24: Escape
Chapter 25: Evidence
Chapter 26: Past
Chapter 27: Memories

Chapter 14: Stolen Kiss

113 46 5
imperial_gem द्वारा

Chapter 14: Stolen Kiss

Nakabalik kami sa training hall nang hindi nag-uusap. Tahimik lang ang apat na parang may malalim na iniisip.

Si Topher naman ay palagi akong sinusulyapan. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa.

I just shrug my shoulders at pumanhik na papuntang table kung saan nandoon ang mga weapons na gagamitin namin bukas.

Kinuha ko ang shuriken at inilagay sa bag na dala ko. Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang ibang estudyanteng naghahanda na rin para sa mga weapon na gagamitin nila para bukas.

Umiling ako ng bahagya. Kailangan ba talaga naming gawin ito? Sumali sa laro at magsakitan?

Hays! Napamasahe naman ako sa ulo ko at naalalang kailangan naming sumali upang hindi kami matanggal sa school.

I snorted when I remember kung ba't nga ba naisipan ng school na gawin ito. Tiningnan ko ang apat na serysosong kumukuha ng mga weapon nila at napabuntong hininga. Kung 'di lang sana sila umalis at sinira ang rules eh hindi sana 'to mangyayari.

Kapag nakuha ko na ang impormasyon na kailangan ko sakanila ng mas maaga, ay mas maaga rin akong makakalabas dito.

"Xandra!"

Napatingin naman ako kay Topher nang tawagin niya ako. Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang siyang papalapit na sa akin.

"Sabi nila hindi na daw tayo mag te-train. Magpahinga na lang daw tayo, we need to rest para may lakas tayo sa game bukas." wika niya kaya tumango naman ako.

"Oo sige." sagot ko at tiningnan si Kiero, Alex at Leo na papaalis na ng training hall.

Maghapon akong nag mukmok sa loob ng dorm. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para bukas. Gusto ko rin sanang magpahinga at matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok.

Napatingin naman ako sa puting kisame at napangiti ng bahagya. Naalala ko noon na palagi kaming nag o-overnight ni Xander sa bahay nila. Sa mga oras na 'to paniguradong ang dami na naming napag-uusapan. Ano na kaya ang nangyari sa lalaking iyon? It's been days since I last saw him.

Ilang minuto pa ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Tumayo ako at inayos ang gusot na damit ko. Wala naman sigurong masama kung lumabas ako diba?

Tiningnan ko ang wall clock na nasa ibabaw lang ng kama ko at napasinghap ng malaman kung anong oras na pala.

"10:00 pm, sht!" I cursed.

Hindi ko alam na alas dyes na pala. Akala ko ay alas otso pa. Hays, napahawak naman ako sa tiyan ko ng maramdamang bigla itong kumulo.

"Nagugutom ako." I whisphered.

Lalabas na lang muna ako at baka open pa ang cafeteria. May nakita rin kasi akong vending machine malapit sa counter.

Lumabas ako sa dorm at pumanhik papuntang cafeteria. Ngumiti naman ako ng bahagya nang makitang bukas pa nga talaga ang cafeteria pero magsasarado na sila.

Mabilis akong pumasok at sinabihan ang iilang mga taong naglilinis sa cafeteria na bibili lang ako ng pagkain sa vending machine. Tinangoan naman nila ako at sinabihang bilisan ko na lang daw dahil magsasara na sila.

Mabilis akong nakakuha ng pagkain at umalis na rin. Tiningnan ko naman ang binili kong soda at brownies. This might do. Wala na kasing iba pang pagkain.

Babalik na sana ako ng dorm ng biglang natanaw ng aking mga mata ang daan patungong training hall. Para kasing may narinig akong nagtatawanan galing sa lugar na 'yon.

Napalunok ako bigla at hinawakan ng mahigpit ang pagkain na dala ko. Parang kilala ko ang boses ng nagtatawanan, ah. My brows flickered at the thought.

I snorted. "No, Alexandra! Huwag kang tanga. Bakit naman siya nandito sa labas na gayoy gabing gabi na?"

Hindi ko na sana papansinin iyon ng marinig kong muli ang tawanan nila. Napalunok akong muli at dahan-dahang napatingin sa daan patungo sa training hall. Hindi ko na lang namalayan na tinatahak ko na pala ang daan papuntang training hall.

Pinagpapawisan din ako sa bawat hakbang na ginagawa ko. Na para bang sinasabi ng isipan ko na 'wag ng tumuloy. Hanggang sa napatigil na lamang ako ng makita ang isang lalaki at babaeng magkayakap sa labas ng training hall.

Sa tindig palang ng lalaki at sa likod niya ay alam na alam ko na kung sino iyon.

"K-Kiero..."

Tumingala ang babae sakanya at tiningnan si Kiero ng maigi. Madilim sa lugar nila pero naaaniag ko pa rin silang dalawa dahil sa liwanag ng buwan.

Tatangkain na sanang halikan ng babae si Kiero ng bigla ko na lang nabitawan ang soda at brownies na nasa kamay ko.

Tila yata hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla silang napatingin sa gawi ko ng nakakunot noo.

"Sino 'yan?"

Galit na sigaw ng babae at do'n ko lang din narealize na hindi pala nila ako nakikita dahil hindi ako nasisinagan ng liwanag galing sa buwan. Napatingin ako sa malaking puno na nasa gilid ko.

You saved me!

Tiningnan ko muli silang dalawa at hindi na nagdalawang isip na tumakbo at mabilis na lumayo sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung ba't pa ba ako nagpunta doon.

Ano bang pumasok sa isipan ko? Ano namang mayroon kung magkayakap silang dalawa? Ano namang meron kung nagtatawanan sila kanina?

"Sa mga oras na'to pa talaga sila nag lalampungan." I whisphered at the back of my thought.

Umiling nalamang ako sa mga naiisip ko at agad na tinahak ang daan patungong dorm.

Pero hindi palang ako nakakapasok sa loob ng girls dormitory ay may tumawag na sa pangalan ko. Dahilan upang maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Anong gagawin ko? Nakakahiya 'yong kanina! Tas nalaglag ko pa ang pagkain ko!

"Xandra.." malumanay na tawag niya sa pangalan ko.

Pero hindi ko siya pinansin at agad na lumakad na lamang ngunit hahakbang pa sana ako'y pinigilan niya na ako. Hawak hawak niya na ngayon ang braso ko.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang humarap sa kaniya.

"What?" I asked habang hindi pa rin siya tinitingnan.

"Alam kong ikaw 'yong nandoon kanina. Ba't ka tumakbo?" tanong niya dahilan upang mapataas ko ang isa kong kilay.

Great! What question is that? I rolled my eyes then. Nagkibikit balikat na lamang ako at tiningnan siya. 

"Hindi ko naman alam na nandon ka pala kasama ang... girlfriend mo."

I sighed. "Sorry naistorbo ko pa kayo."

Natahimik naman siya saglit sa sinabi ko at napangiti ng bahagya. The curves of his lips sent shivers down my spine.

"W-What?" iling na pagkakatanong ko.

"You're jealous, eh?" tusong wika nito sa akin at binitawan na ang braso ko.

Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata at inirapan. 

"Ofcourse, not!"

Iniwas ko ang tingin ko at aalis na sana ng bigla niya muling kinuha ang kamay ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"You're jealous, but you don't need to be." he whisphered.

Bigla agad akong napatigil sa paghinga at tanging pintig lamang ng dibdib ko ang naririnig ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko and in that moment... I knew.

"A-Ao ba!" pigil ko sa ginagawa niya pero hindi niya ako pinakikinggan.

Itinulak ko siya ng malakas pero mas malakas siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pilit na sinisiil ako sa maiinit niyang halik.

Tila ba naguguluhan ako. Bakit niya ba 'to ginagawa sa akin? Kanina lang ay may kasama siyang iba. Kung hindi ko sila naistorbo ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanila ngayon.

Ihininto niya ang paghalik sa akin dahil alam kong nararamdaman niyang hindi ko nagustohan ang ginawa niya. Tiningnan ko siya at agad na hinugot ang buong lakas ko upang masampal siya. Kahit kinakapos ako sa paghinga dahil sa ginawa niya.

"You asshole! Anong tingin mo sa 'kin? Babaeng walang delikadesa? Nagpapahalik lang ng kahit sino? Anong karapatan mo para gawin iyon?" galit na suhewistyon ko sa kaniya.

Mangiyak ngiyak na rin ako dahil hindi ko akalain na for the second time ay nanakawin niya ang halik ko.

I felt so... ashamed.

Kinuha niya na nga ang unang halik ko pati ba naman 'to? And he is with his fckin girlfriend! Baka eh hinalikan niya pa ito kanina at ngayon eh ako na naman ang hinahalikan!

"You know what? That's it. Ayoko na! I quit." lugmok na pagkakasabi ko at agad na tumakbo pabalik sa dorm ko.

Nakapasok ako sa loob at agad na binuhos lahat ng hinanakit ko. Sisiguradohin kong by this week matatapos na ako. Aalamin ko kung nasaan pa ang iba nilang quarters at isusumbong ko na sila.

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung saan ba ako nagagalit. Dahil ba hinalikan niya ako?

O dahil ba nakita ko siya kanina na kasama ang babaeng muntik na syang halikan?

I breathe heavily and stand to see that I look liked a mess. Yumuko naman ako at hinawakang muli ang dibdib ko na kanina pa ayaw mapakali.


Hindi ko naman siya gusto. But why I am acting like this?


पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

39.9K 1.9K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
235K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 34.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
176K 3.3K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...