The Chronicles of Bellhollow:...

By Sapientem

97 12 2

Have you ever wondered to live in a magical world? A world where you can cast a spell using a chant? Dressing... More

Prologue
Chapter II
Chapter III

Chapter I

43 4 0
By Sapientem

Nilalamon na ng kadiliman ang kalangitan. Walang narin masyadong mga tao ang nasa paligid kaya binalot ito ng nakakabinging katahimikan.

Pauwi na ako galing ng eskwelahan at nandito ako ngayon sa waiting shed upang mag hintay ng masasakyan. Ang lamig ng paligid, nakakatakot at nakakakilabot.

Sa bawat malamig na hanging dumadampi saaking balat ay tumatayo ang aking balahibo. Mas lalo itong nagbibigay saakin ng hindi maipaliwanag na damdamin.

Matapos ang ilang minutong paghihintay. Naaninag ko sa di-kalayuan ang isang bus na kulay itim. Agad kong itinaas ang kanang kamay ko upang parahin ang bus. Huminto ito saaking harapan saka bumukas ang pinto nito. Pumasok ako sa bus, at sa unang tapak pa lang ng kanang paa ko ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may mali. Tiningnan ko ang mga upuan sa loob ngunit kahit isang pasahero wala, maliban saakin. Tanging ang driver lamang, kundoktor at ako ang nasa loob.

Napagdesisyunan kong umupo sa harapan sa pangdalawahang upuan. Kinakabahan ako at hindi mapakali, humugot ako ng malalim na hininga saka binitawan ito.

Lumapit saakin ang kundoktor at nagtanong, "Saan ka bababa?"

Iniangat ko ang aking ulo saka tinignan siya, "Doon lang po sa bus stop ng San Alfonso." Kinuha ko ang wallet sa loob ng bag ko at inilabas ito, "Magkano po?"

"Isang daan," tugon niya.

Kumuha ako ng isang daan sa wallet ko at iniabot ito sa kundoktor. "Heto po manong."

Kinuha ng kundoktor ang iniabot kong pera at kasabay nito ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang nasisiyahan sa nangyayari. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking leeg at ito ang naging dahilan sa pagtayo ng aking mga balahibo. Sumakit ang tiyan ko at hindi ko mapigilan ang kamay ko sa panginginig. Parang may mali.

Binalewala ko na lang ang nararamdaman ko at nagsimula nalang manuod ng anime sa cellphone ko. Tamang-tama, kakatapos kolang mag download ng isang episode sa anime na sinusubaybayan ko.

Ang saya kaya manuod ng anime. Nakakapagtanggal ng stress, nakakapagpasaya sa iyo, at higit sa lahat dadalhin ka sa virtual world upang makatakas sa reyalidad. Ang hirap kasi mabuhay dito sa reality, madaming nangingialam sa iyo at madami ding mapanghusga. Mas nanaisin ko pa ang mabuhay sa isang ilusyon kesa naman sa katotohanang magpaparanas sa iyo ng masasakit na mga bagay.

Lumipas ang ilang mga minuto ay nagsalita na ang kundoktor. "Bata nandito na tayo." He smiled.

Tumango ako at agad na pinatay ko ang cellphone ko. Tumingin ako sa bintana upang makasigurado ako na nasa tamang lugar ako ibinaba ngunit wala akong makita maliban sa mga makakapal na hamog.

"Ano bababa kaba?" tanong ng kundoktor dahilan upang matauhan ako.

"A... bababa na po manong pasensya na," tugon ko sa kaniya.

Bumukas ang pintuan at dali-dali akong tumayo. Bumaba ako ng bus at nagpasalamat sa kundoktor. Tumango naman ito at saka umandar papalayo ang bus.

Tumingin ako sa paligid, ganun padin makapal ang hamog. Naglakad-lakad ako at pilit na hinahanap ang mga bahay-bahay sa paligid ngunit wala akong mahanap. Matapos ang ilang sandali, napansin ko na naging mas manipis ang hamog at natanaw ko ang isang kulay-puting mansyon 20 hakbang mula sa kinatatayuan ko. Bakit parang pakiramdam ko, hindi ito ang nakasanayan kong mundo?

Pinuntahan ko ito at tumayo sa harapan ng gate, umaasa na mayroong tao na tutulong saakin. Nakatingin lang ako sa gate ng mansyon ngunit nagulat ako nang biglang bumukas bigla ang gate.

Wala namang tao ngunit bakit nagbukas ito?

Pumasok ako sa gate at unang hakbang ko pa lamang ay nakaramdam ako ng mabigat na enerhiya. Mga enerhiyang pinagsama-sama. Masaya, galit at uhaw sa hustisya.

Humakbang ako papalapit sa pinto at huminga ng malalim. Nakakakaba, nakakatakot at nakakatindig balahibo. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at saka pumasok sa loob.

Nang makapasok ako sa loob ay inilibot ko nang maigi ang aking mga mata. Nawala ang takot ko sa nakikita ko, sobrang ganda! Para akong nasa loob ng isang mahiwagang lugar na kung saan makikita mo lang sa mga videogame at movie. Napalingon ako sa hapag-kainan, madaming mga taong nagsasalo-salo doon na nakasuot ng mga armors. Pumunta ako sa likod ng mansyon at natanaw ko roon ang hardin. Naglakad-lakad ako roon at napatigil ako nang makuha ang aking atensyon ng dalawang babae. Isang matanda at isang bata.

"Isipin mong maigi ang mga masasayang bagay na nangyari sayo upang mapagtagumpayan mo ang ginagawa mo," pangaral ng matandang babae sa katabi nitong batang babae. Parehas silang nakasuot ng damit na katulad ng bruha.

Tumango naman ang bata at saka muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa halaman.

Bumulong ang batang babae sa kaniyang kamay at saka itinutok ito sa halaman na nasa kaniyang harapan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagulat nalang ako nang biglang umilaw ang kamay ng bata. Nanlaki rin ang aking mga mata nang makita ko ang halaman na namulaklak. Matapos mapagtagumpayan ng batang babae ang kaniyang ginagawa ay umabot sa tenga ang kaniyang ngiti at napayakap sa matandang babae dahil sa tuwa. Napangiti ako sa nasaksihan ko, hindi ko akalaing may makikita akong ganito.

Muli akong pumasok sa loob ng mansion. Pumunta ako sa hagdanan at nagsimulang umakyat. Matibay ang hagdan dahil gawa ito sa bato, mababakas mo din dito na marami itong lumot dahil narin siguro napaglumaan na ito ng panahon.

Nang makarating na ako sa itaas na bahagi ng mansyon, tumambad saaking harapan ang isang napakalawak na silid-aklatan. Madami ding mga sulo ang nakadikit sa pader na siya namang nagbibigay ng liwanag sa malawak na silid.

At habang nililibot ko ang aking mata sa paligid, napansin ko na mayroong isang matandang lalaki na nagbabasa ng libro. Sa lawak ng silid na ito, bakit siya lang ang nag-iisang tao na nandito? Ang matanda ay nakasuot ng mahabang itim na cloak at matulis na itim na sombrero. Mataas ang kaniyang bigote at ang kaniyang buhok ay halos mamuti-muti na dahil narin siguro sa katandaan. Para siyang isang salamangkero na sa mga MMORPG na videogame mo lang makikita.

Nilapitan ko ang matanda at ibinaba ko ang aking ulo senyales ng pagbibigay galang ko sa kaniya. "Ako nga pala si Kenneth," pagpapakilala ko.

"Hindi mo na kailangang magpakilala, kilala na kita ako ang nagpadala sayo rito," saad niya. Nakatingin padin siya sa libro na kaniyang binabasa.

"Ano naman po ang rason ng pagpapadala ninyo saakin dito?" tanong ko sa kaniya.

Itinigil niya ang pagbabasa at iniangat niya ang kaniyang ulo dahilan upang magtama ang aming mga mata. "Ako ay isang propeta sa ibang mundo, kailangan kong kumuha ng isang mortal sa mundong-ibabaw upang kumpletuhin ang nakatakdang propesiya." tumayo siya at hinawakan ang kanang balikat ko. "At ang mortal na iyon ay ikaw, ikaw Kenneth."

Sa huling segundong pagbigkas niya sa mga salitang iyon, nakadinig ako ng sunod-sunod na ingay ng bell. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang ipahayag bagkus mahina ang aking isipan pagdating sa ganito.

Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa kanang balikat ko at muling nagsalita, "Sa muling pagkikita, Kenneth."

Bigla akong nagising nang pawisan at kinakabahan, mabilis din ang tibok ng aking puso na tila bang mga kabayo na naghahabulan. Tumingin ako sa paligid at masaya ako dahil nasa school library ako ngayon, buti nalang panaghinip lang ang lahat ng iyon. Ngunit kahit alam kong panaghinip lang ang mga iyon, hindi parin maalis sa aking isipan ang huling sinabi ng matanda. Ano ang ibig sabihin niya sa muling pagkikita?

Napahinga ako ng malalim at napahilamos sa mukha dahil sa mga pangyayari.

Naririnig ko pa rin ang school bell na walang tigil sa pag-riring. Tinignan ko ang orasan na nakapaskil sa pader, alas tres na! malalate ako sa last subject namin nito.

Kumaripas ako ng takbo dahil kakaunting minuto nalang mag-uumpisa na ang klase. Agad ko namang narating ang room at agad kong sinilip ang bintana, nakita ko si madam Kathryn na nag-susulat sa pisara. Mapapagalitan nanaman ako nito, bahala na nga sanay naman na ako.

Lumapit ako sa pinto, hinawakan ang doorknob at inikot ito. Tinulak ko ng dahan-dahan ang pinto upang hindi makalikha ng ingay. Pumasok ako sa loob at dahan-dahang naglakad papunta sa upuan kong nasa pinakalikuran. This is my only chance, abala si ma'am sa pagsusulat.

Habang ako ay naglalakad biglang sumigaw ang kaklase kong si Xander, "Good afternoon Kenneth!" dahilan upang magtinginan ang lahat saakin. Tinignan ko si Xander at tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya, anak kasi siya ng principal kaya ganoon nalang siya kalakas mang-asar.

Napalingon si ma'am saakin at napansin niya na late nanaman ako. Tumigil siya sa pagsusulat sa pisara at saka umupo siya sa teacher's table sa unahan. Tumingin siya ng diretso saaking mga mata habang naka taas ang isa niyang kilay, naka crossed-legs din siya at naka crossed-arms.

"Why are you late Kenneth?" Taas kilay na tanong ni madam Kathryn habang siya ay seryosong nakatingin sa mga mata ko. Sinalo ko naman ang mga titig niya at andami kong narealize.

Ang ganda talaga ni Madam Kathryn, mahahalata mo talaga kung gaano ka-puti ang legs nya dahil sa suot niyang skirt. Mapapansin mo din na talagang umbok na umbok ang pwet ay dibdib niya. Well, mas matanda lang naman siya saakin ng ilang taon ngunit nirerespeto ko pa din siya. Kaka-graduate niya lang din kasi last year as a journalism instructor at napagpasyahan niyang dito magturo sa paaralan namin.

"Kenneth? Hello? Kung di ka sasagot hindi ka makaka-graduate ng college," dugtong-dugtong na saad ni madam Kathryn dahilan upang matauhan ako.

"A-Ah yes ma'am sorry for being late nakatulog ako sa library," saad ko habang kinakamot ang ulo dahil sa kahihiyan.

"Okay, just don't do it again."

"Yes ma'am sorry." Pumunta na ako agad sa aking upuan saka umupo. Nakita ko si Xander na tinatawanan ako at saka nilabas niya ang kaniyang dila upang asarin ako. Inikot ko ang mata ko at saka kumuha ng notebook upang mag take notes.

"Okay class, our lesson for today is all about fantasy. So when you heard the word 'fantasy' what is the first thing that comes in your mind?" tanong ni madam Kathryn dahilan upang magsitaasan ng kamay ang mga estudyante.

"Magic"

"Spells"

"Sorcery"

"Elements manipulation"

"Mythical creatures"

"Fairies"

"Elves"

Sunod-sunod na sagot ng mga estudyante na tumaas ng kanilang mga kamay. Nakataas pa rin ng kamay ang iilang mga estudyante ngunit bigla nalang akong nagulat nang tawagin ni madam Kathryn ang pangalan ko.

"Kenneth could you please tell us your opinion about fantasy?" tanong ni madam Kathryn dahilan upang magsitinginan muli saakin ang mga estudyante.

"S-Siguro ma'am eh ano... mga magic wands?" wala sa sarili kong tugon sa kaniya.

"Okay good, so tomorrow we are going to have a long quiz about this topic, make sure na handa na rin kayo sa mga essays na gagawin natin," saad niya saka tumunog ang bell hudyat ng uwian na. "Class dismiss," dugtong pa niya.

Agad na nagsilabasan ang mga estudyante dito sa room habang ako naman ngayon ay nakaupo pa dito sa table ko. Ayoko din kasi makipagsiksikan sa mga kaklase ko papalabas, ayoko kasi sa lugar na crowded.

Ilang sandali pa, nakalabas na ang mga kaklase ko at sumunod naman ako. Nagtungo ako sa library namen upang magreview. Nang marating ko na ang library namen ay pumasok na ako at tama nga ang hinala ko nandito rin ang ex-girlfriend ko na si Penelope Morgan. Sa totoo lang, maganda siya, matalino at higit sa lahat mabait. Lagi ko siyang nakikitang nagbabasa dito at parehas kami ng taste sa mga bagay-bagay. Nagkaroon nga lang kami ng hindi pagkakaintindihan at bigla nalang isang araw, boom! Break-up agad. Walang matibay na foundation at maayos na rason ang paghihiwalayan kaya ayon, walang closure sa isa't isa.

Naghanap na ako ng mauupuan at ilang sandali pa nakahanap na ako ng bakanteng upuan doon sa pinakasulok. Dumaan ako sa harapan ni Penelope at nagtama ang aming mga mata, ngumiti naman kami sa isa't isa kaya sa tingin ko ay sapat ng dahilan iyon para maniwala ako na wala siyang sama ng loob saakin.

Nang marating ko na ang bakanteng upuan ay agad na inilapag ko ang aking bag sa lamesa at nagsimulang tumayo upang maghanap ng babasahin. Pumunta ako doon sa fantasy book section dahil doon ako makakakuha ng mga ideas para sa exam namin.

Habang ako ay naglalakad at abala sa paghahanap, mayroon isang libro ang nakakuha ng atensyon ko. Agad na kinuha ko ito at dinala sa upuan ko. Ang libro ay nababalutan ng itim na leather at medyo gusot-gusot na din ito. Mayroon ding kakaunting mga lupang nakadikit na animo'y inilibing sa lupa at saka hinukay ulit.

Binuksan ko ito at sa unang pahina mababasa mo ang pamagat ng istorya. "The Chronicles of Bellhollow: The Prophecy."

Inilibot ko ang mata ko sa paligid baka sakaling may makakita saakin at nang nakita ko na wala naman gaanong tao, ibinaling kona ulit ang mga mata ko sa libro.

"The Chronicles of Bellhollow: The Prophecy," bigkas ko.

Dinilaan ko ang aking mga daliri saka inilipat kona sa pangalawang pahina ang libro at nakita ko doon ang larawan ng isang lupain ng mga bulaklak. Agad na inilipat ko ito sa sunod na pahina ngunit blanko lamang iyon at ganon din ang iba pang mga pahina. Napansin ko din na medyo naninilaw na ang mga papel na ginamit dahil siguro luma na talaga itong libro.

Ibinalik ko ulit ito sa pangalawang pahina at pinagmasdan ko nalang ng maigi ang larawan ng lupain ng bulaklak. Ilang sandali pa ng pagmamasid ko, mayroon akong napansin na isang sulat at binasa ko ito.

"I am a human and qualified to be the savior, take me to the portal and I will save your world."

Pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang ito ay nagulat ako dahil sa biglang sunod-sunod na lumilipat ang mga pahina ng libro na animo'y iniihipan ng malakas na hangin.

Tumayo ako upang tignan ang mga bintana ngunit nakasarado naman ito at wala din namang electric fan na nakakatama saken dahil nga nasa sulok ako. Napahawak nalang ako sa aking puso na kasalukuyang tumitibok ng mabilis ngayon.

Hindi nagtagal ay huminto ito sa pangalawang pahina at biglang may nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa libro ang tumama saaking mga mata. Napapikit ako at tinabunan ko ng aking kamay ang mga mata ko upang hindi ako masilaw sa liwanag.

Matapos ang ilang sandali, nakaramdam ako ng pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat dahilan upang matauhan ako. Naamoy ko din kung gaano ito
kabango kaya't tinanggal ko na ang aking kamay at iminulat ko ang aking mga mata.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napanganga nalang ako sa nakikita ko ngayon, nasa lupain ako ngayon ng mga bulaklak at sobrang katulad ito no'ng libro na binabasa ko kanina lang.

**********
End of Chapter 1

Authors note:
Hindi ako perpekto at sana naman maunawaan niyo ang mga errors ko. Ang bawat comments at votes ninyo ay bitamina para sa aming mga manunulat.
PEACE!

Continue Reading

You'll Also Like

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...