Summer Love (OneTagay)

By GaemGirl

83 5 2

More

Summer Love (OneTagay)

83 5 2
By GaemGirl

Para toh sa isang bata na mas matanda pa sakin ng ilang buwan kung paano nangyari yun?! Ewan ko din hahahaha... Pero para sayo toh sana magustuhan mo at pagpasensyahan mo na kung tinigil ko ang pagbabasa ng story mo...

∞≈≈≈≈≈≈≈≈∞

"Ang daya mo naman nang-iwan ka agad di ko pa nga nasasabi sayo na mahal kita, iniwan mo na agad ako. Di ba nangako ka sakin na babalikan mo ko, bakit di ka na bumalik? Hinintay pa naman din kita nun tapos di kana bumalik at ang masakit dun hindi ka na talaga babalik di mo na ko binalikan" umiiyak ako habang sinasabi ko yan sa harap ng puntod nya. 14 years na din simula nung namatay sya pero hanggang ngayon di ko pa din sya kayang kalimutan.

°°°°°°FLASHBACK°°°°°°

"Troy tara punta tayo dun oh sa may bahay na maliit" yaya sakin ni Megan habang naglalaro kami.

"Eh wag na tayo pumunta dun sabi ni mama may multo daw dun" sabi ko naman sa kanya.

"Talaga?" tanong nya sakin na halatang di makapaniwala.

"Oo may white lady pa nga daw dyan tsaka dun sa puno na yun, sa puno yata ng kalamansi yun basta dun sa puno na malaki may nakatira daw na lalaking malaki dyan tapos nagsisigarilyo" -Ako

"Talaga? Nakakatakot naman pala dyan noh?! Bakit di kasi nila lagyan ng no smoking yung puno para di na magsigarilyo yung lalaki tsaka sabi sakin ni mommy masama daw sa health yung sigarilyo eh" -Megan

"Ewan ko. Tara sabihin natin kay lolo ko para di na magsigarilyo yung lalaking malaki" yaya ko naman sa kanya.

"Tara" kaya ayun pumunta kami kay lolo ko na nagsisibak ng kahoy sa likod ng bahay namin.

"Lolo ko lagyan po natin ng no.. no .. ano ba yun Meg" nakalimutan ko kasi yung sinabi ni Megan eh

"No Smoking po" sabi naman ni Meg

"Opo yun na nga yun. Lagyan po natin ng No Smoking yung puno para po hindi na magsigarilyo yung lalaking malaki dun" sabi ko naman sa lolo ko

"Opo tsaka po sabi ni mommy masama daw po sa health yung sigarilyo eh, baka po magkasakit yung lalaking malaki" pagpapatuloy naman ni Meg si lolo ko naman nakikinig lang samin.

"Hahaha mga apo ano bang mga pinagsasabi nyo? At anong lalaking malaki?" tanong naman ni lolo na natatawa.

"Yung lalaking malaki po sa puno na naninigarilyo" sabay na sabi namin ni Meg

"Haha mga bata talaga kayo. Eh hindi natin pwede lagyan ng ganun yun" sabi naman ni lolo

"Bakit po?" sabay na tanong namin ni Meg

"Dahil dun nakatira yung lalaking malaki na naninigarilyo" paliwanag naman ni lolo

"Paano po nakatira dun yung lalaking malaki?" tanong ko

"Oo nga po tsaka po wala naman pong bahay dun sa puno eh, hindi naman po tree house yung puno" pagsasang-ayon naman ni Meg

"Basta ang hirap ipaliwanag eh tsaka ko na sasabihin sa inyo pag medyo malaki na kayo. Osha may gagawin pa ko maglaro na ulit kayo pero wag kayong pupunta dun sa bahay at sa puno ha" sabi naman sa amin ni lolo.

"Opo" sabay na sabi namin ni Megan tsaka pumunta sa pinaglalaruan namin at naglaro na ulit.

"MEGAN" sigaw ng mommy ni Megan mula sa loob ng bahay nila.

"MOMMY BAKIT PO?" sigaw din ni Megan para marinig sya ng mommy nya. Lumabas naman ang mommy nya mula sa loob ng bahay nila.

"Oh nandito lang pala kayo eh kanina pa kita hinahanap" sabi ng mommy ni Megan pagkalabas

"Opo kanina pa po kami dito eh, bakit po?" sabi naman ni Megan

"Say goodbye to Troy na babalik na tayo ngayon sa Manila kasi may business trip pa daddy mo, bukas na sya aalis" sabi ng mommy ni Megan tsaka bumalik na sa loob ng bahay nila.

"Troy byebye na, next summer nalang ulit" malungkot na sabi ni Megan

"Aalis na kayo? Babalik na kayo ng Manila?" sunod sunod na tanong ko.

"Oo eh, sabi kasi ni mommy aalis daw si daddy bukas eh" sabi naman ni Megan sakin

"Ayy sayang naman" malungkot na sabi ko sa kanya.

"Pero wag kang mag-alala every summer naman nandito kami di ba? Kaya promise ko sayo next summer magkikita ulit tayo babalik ulit kami dito tapos maglalaro ulit tayo tsaka 9 na ko pagbalik namin dito kaya sasabihin na ni lolo mo yung sa lalaking malaki" sabi sakin ni Megan.

"Promise?" paninigurado ko

"Promise ^_____^" nakangiting sabi nya

"Sabi mo yan ha hihintayin kita"

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan wala akong natatanggap na balita tungkol sakanya. Kaya iniisip ko nalang na siguro busy sya sa pag-aaral nya, kaya pinagbutihan ko nalang din yung pag-aaral ko para naman may ipakita ako sa kanyang medal pagbalik nya sa summer. Nung natapos yung pasukan namin nakatanggap ako ng medal, nagtop 1 kasi ako sa klase namin eh.

Summer na nun kaya excyted ako na makita ulit si Megan para masabi ko sa kanya na may medal ako tsaka madami akong ikkwento sa kanya sobrang dami tsaka madami din syang utang na kwento sakin kasi wala akong balita tungkol sa kanya.

Lumipas ulit ang mga araw, linggo at buwan wala pa din dumadating na Megan, nung tinanong ko yung lola nya sabi sakin nasa ibang bansa daw sila dun daw sila magbabakasyon.

Nagsimula na naman ang pasukan pero wala pa din akong natatanggap na balita tungkol sa kanya. Iniisip ko na nga na kinalimutan nya na ko kasi wala akong balita tungkol sa kanya wala man lang kahit isang tawag o sulat man lang.

Summer na naman at ito na naman ako naghihintay na dumating si Megan. Pumunta ulit ako sa lola nya para itanong kung dadating ba sila Megan para naman di na ko maghintay, habang papunta ako sa bahay ng lola nya hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko para akong kinakabahan pero mas lalo pang lumakas yung kabog sa dibdib ko nung nakita ko ang lola nya na umiiyak.

"B-bakit po kayo umiiyak?" tanong ko dun sa lola nya pagkalapit ko.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin at yakapin ng lola nya, hindi ko maintindihan yung nangyayari pero ang lakas pa din ng kabog ng dibdib ko.

"Ijo pwede ka bang sumama sakin sa Maynila?" tanong sakin ng lola nya na nakaharap sakin habang nagpupunas ng luha.

"Ahh hindi ko po alam magpapaalam po muna ako kila mama at papa" sabi ko naman sa kanya.

"Sige ijo magpaalam ka na at ayusin mo na din ang gamit mo kung paayagan ka, aalis din tayo mamayang gabi" sabi sakin ng lola nya.

Kaya naman nagmadali akong bumalik sa bahay para magpaalam kay mama at papa. At buti nalang pinayagan nila ako pero si mama nung nagpaalam ako umiiyak eh bakit ba sila umiiyak? Mas lalo tuloy ako kinabahan.

Nasa byahe na kami papunta sa Maynila pero habang palapit na palapit kami mas lalong bumibilis yung kabog sa dibdib ko.

"Ijo nandito na tayo" sabi ng lola ni Megan pagkatigil ng sasakyan.

"Ahh b-bakit po sa chappel tayo huminto? Nagsimba po ba sila Megan?" tanong ko sa lola nya pero nagsimula na naman itong maiyak.

Bumaba nalang ako sa sasakyan pero nung nakita ko yung mga ilaw at mga taong nakakulay puti at itim parang dumikit ang mga paa ko sa inaapakan ko.

"Ijo tayo na sa loob" sabi ng lola nya sakin habang nakatakip ng panyo ang bibig.

Habang palapit kami ng palapit lalong bumilis yung tibok ng puso ko halos hindi na talaga normal at sinabayan pa ito ng pagtulo ng luha ko ng makita ko ang isang kabaong na may litrato nya na nasa tabi. Mas lalo akong umiyak nung nakita ko kung sino ang nasa loob ng kabaong.

"Tita panaginip lang po ito di ba? Hindi po totoo toh" sabi ko sa mommy nya na kasalukuyang umiiyak at nakayakap sakin.

"Sana nga Troy panaginip din ito, sana nga isang masamang panaginip lang toh" sabi sakin ng mommy nya sa pagitan ng luha at hikbi.

Nung medyo kumalma na kami, sinabi sakin ng mommy nya kungbanong dahilan ng pagkamatay nya. Nainvolve daw sila sa isang car accident na ikinacoma ni Megan, nung nakaraang bakasyon daw talagang pumunta sila sa ibang bansa para daw ipagamot si Megan, siguro daw nahihirapan na din sya kaya kusa na syang sumuko.

Lumapit ulit ako sa kabaong nya at nagsimula na naman ang mga luha ko na tumulo. Iniisip ko nalang na nasa probinsya kami tapos natutulog sya, iniisip ko na gisingin sya katulad ng ginagawa ko sa kanya tuwing natutulog sya sa duyan. Gusto kong mag-ingay, gusto ko syang halikan sa labi katulad nalang ng mga napapanuod namin na fairytales para magising sya, kaso parang laging may pumipigil sakin at ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak.

°°°°°°END OF FLASHBACK°°°°°°

Kung alam ko lang na hindi na nya ako babalikan sana pala hindi ko nalang sya pinayagan bumalik ng Manila para hanggang ngayon kasama ko pa din sya. Hindi ko alam na sa mga panahon pala na hinihintay ko syang dumating nasa ganung sitwasyon pala sya, tinago pala sakin ng mga magulang ko yun para daw hindi ako masaktan.

Inaamin ko hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng salitang LOVE ng mga panahon na yun pero sigurado ako na yun ang naramdaman ko kay Megan mahal ko sya hindi dahil kaibigan ko sya mahal ko sya dahil yun ang sinasabi sakin ng puso ko tuwing bumabalik ako dito.

Tama nga sila FIRST LOVE NEVER DIES, namatay man yung taong mahal mo pero the feelings will still be the same. Mahal ko sya sobra, hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng LOVE pero alam ko na yun yung naramdaman ko sa kanya.

•****•ChoYeonHee•****•

Ano pong masasabi nyo sa one-shot na ito? Nagustuhan nyo ba?

Puro plot lang po ito nung una pero dahil Nov. 1 ngayon at bukas na ang ALL SOULS DAY hinayaan yata ng utak ko na makaisip ng ganto haha.

VOTE,

COMMENT

and

Be FAN

HAPPY HALLOWEEN =D

©GaemGirl

Continue Reading

You'll Also Like

89.8M 2.8M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
25.3K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...