To Find You Once Again

By CFVicente

64.6K 1.2K 74

Nasa high school pa lamang si Nikki nang makilala niya si Matt. She was the campus princess, he was the campu... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen

Chapter Four

3.7K 80 4
By CFVicente

"Earth to Nikki."

Napakurap-kurap pa si Nikki dahil sa kamay na iwinawagayway sa harap niya. Natigil siya sa pagsimsim ng iced tea at nagtatakang nilingon si Bea. Kasalukuyan silang nasa canteen ng eskwelahan kasama si Ryan at mga barkada nito. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa kaniya.

"Why?" Naguguluhang tanong ni Nikki sa mga ito

"You are not listening, Nikki," nakasimangot na sabi ni Bea.

Napansin ni Nikki na madilim ang anyo ni Ryan. "Christ's sake, Nikki! I just asked you to be my date on Christmas Ball. Ilang araw ka nang ganyan, ah."

"Sorry, may iniisip lang ako," she said in a little voice, scolding herself at the same time.

She was busy thinking about Matt and what he said days ago. Kaya naman ilang araw na siyang laging wala sa sarili. Binalikan sa isip ang naging pag-uusap nila nito.

"Why?"

"Why what?"

"Why do you like me?"

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap si Nikki ng diretsang pag-amin mula sa isang lalaki. Bago pa man dumating si Ryan ay marami na ang nagtangkang manligaw sa kanya, pero lahat iyon ay binabasted niya. They were all superficial guys who just wanted to turn her into their prized trophy. Ang pagkakaiba lang ni Ryan sa mga ito is that Ryan is Mr. Popular himself. Hindi niya alam kung ano'ng pwedeng pakinabangan nito sa kaniya.

Kaya hindi na siya nagtataka nang sabihin sa kanya ni Matt na gusto siya nito. Everyone wanted her for their own convenience, she thought bitterly.

"I'm asking you why you like me," untag ni Nikki dito. "Everyone has their own selfish reasons. What's yours?"

Ilang segundong hindi umimik si Matt bago nagsalita.

"Because you are smart and pretty, but you aren't like anyone else. I like how you can change the course of my day with just a smile. Minsan, nakikita pa lang kita, nakakalimutan ko na lahat ng problema. You are the only reason why attending this school becomes bearable. You're beautiful, but you are more than that. You are Dominique Martinez."

He stopped for a while and looked at her seriously. Siya man ay hindi magawang alisin ang mga mata dito.

"I like you because I know you are lonely too, but you try so hard to be nice to everyone. Alam mo ba that in this school, I'm probably the only one who knows your secret?"

Nikki frowned over what he said. "Ano'ng secret?"

"'I just want to be like everyone else. I just want to have the people I love within my reach. Is it that hard to dream?'"

Nikki gasped nang manitindihan ang sinabi ni Matt.

"Nabasa mo ang essay ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Nikki dito.

Matt grinned. "Yep."

"Nagustuhan mo?" she asked in a small voice.

Hindi niya alam kung bakit bigla ay mahalaga ang opinyon nito para sa kanya. Siguro ay dahil ito ang kauna-unahang tao na nalaman ang tungkol sa pagsusulat niya.

Matt smiled softly. "I thought that was very brave of you. Hindi lahat ng tao, kayang aminin na hindi sila masaya. However, dreaming isn't something that should be hard. When you want something so bad, you just have to give all you have para makuha ito."

She felt warm hearing those words. It was as if this guy understood her more than anyone else.

Pagkatapos ay kinuha ni Matt ang kamay niya at ipinaloob doon and bracelet niya. He ruffled her hair and smiled tenderly.

"Ayan ha, ibinalik ko na. Huwag ka nang mainis sa'kin."

Tiningnan niya ang bracelet sa kamay niya. Pagkatapos ay tiningnan si Matt.

"Thank you," she said gratefully. Hindi lang dahil sa bracelet kundi dahil nabasa nito ang essay niya. It was very important to her. It was like he had shared her dream.

"Not yet. Sign this."

Patuloy nitong iwinagwag ang papel sa harap niya. Kung dati ay naiinis si Nikki, ngayon ay natawa na lang siya.

"Seryoso ka talaga?"

Lumapad lalo ang ngisi nito. "Mukha ba akong nagbibiro? Sige na, pumayag ka na please?" Lumabi pa ito sa kanya.

Hindi alam ni Nikki kung bakit magaan ang pakiramdam niya kay Matt kahit kakakilala pa lang niya dito. Maybe it wouldn't be a bad idea kung pagbibigyan niya ang kalokohan nito.

"Hmph. Oo na, pumapayag na ako. But do I really have to sign it? It's so corny." She winced at the paper he was holding.

"No, it's not. I think it's cute. Saka para may patunay ako na hindi ka makakatakas sa utang na loob mo sa'kin."

Inirapan na lang niya ito at pinirmahan ang papel. Kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata ni Matt nang ibalik niya dito ang papel.

"Wala. Trapped ka na. Simula ngayon, you are bound by this contract. Wala nang bawian."

Natawa siya nang malakas. She couldn't believe that someone could actually be so honest in front of her. She was starting to like this guy.

"Friends?"

She smiled at him. "Friends."

***

"See? It's happening again."

Naiinis na boses ni Bea ang nagpabalik ng isip ni Nikki sa kasalukuyan.

Hindi niya malaman ang isasagot dito. Since last week, alam niyang nahihirapan na ang mga ito na kausapin siya nang maayos. Lalo na si Ryan. Lagi kasi siyang nawawala tuwing breaks at uwian. Hindi niya alam, pero lagi siyang na-e-excite na makita si Matt kaya tumatambay siya sa storage room lagi. Maybe because he wasn't boring. It was as if he could see through her. Alam na alam nito ang magpapasaya sa kanya.

Sa tuwing pumupunta siya sa storage room, lagi lang itong nagsusulat ng kung ano-ano. He would always be sitting in the corner of the room, at ang mga patong-patong na libro ang lagi nitong ginagawang sulatan. She would always sit opposite him at tahimik na panonoorin ito. Minsan nga ay nagtataka pa siya kung bakit siya pinapapunta nito doon kung uupo rin naman siya. Pero kontento na siya sa katahimikan na napupulot niya doon.

Perhaps Matt knew that she needed a place to stay away from the limelight. And she was thankful for that. Hindi niya ito inuusisa, at ganoon din ito sa kanya. With Matt, she could be normal and it wouldn't be a fault.

***

Pagdating ng uwian, agad tumakbo si Nikki papunta sa storage room. She found Matt sleeping at one of the corners of the room. Nilapitan niya ito para gisingin, but something stopped her from doing that.

Nikki squatted in front of Matt and watched him sleep. Pinagmasdan niya ang mukha nito habang natutulog. His face was very serene. Bahagyang nalaglag ang eyeglasses nito, exposing his dark and beautiful eyes. Something swept through her heart habang pinagmamasdan ito. She had no way of knowing what exactly it was that drew her to him. Ang alam lang niya, masaya siya kapag nakikita ito.

***

"Wake up, Niks. Why are you sleeping here?"

Nagising si Nikki sa pagyugyog sa kanya sa balikat. Inaantok pa na pinunasan niya ang mga mata. Nakaupo sa tapat niya si Matt at nakakunot ang noo.

"Where are we?" she asked. Inikot ang mata sa loob ng kwarto. Nang matauhan ay tumili siya. "Ano'ng ginawa mo sa'kin? Why are we sleeping together?"

Na-a-muse na tiningnan siya ni Matt.

"Firstly, we aren't sleeping together. Secondly, andito pa rin tayo sa loob ng storage room. And third..." Matt looked at his wrist watch. "It's already 8PM and we are trapped inside the school."

Alas otso! Ang huli niyang natatandaan ay pinuntahan niya si Matt pagkatapos ng klase. What happened afterwards?

Unti-unti ay bumalik sa kanya ang lahat. She was watching Matt sleep. Pagkatapos ay sumandal siya sa pader. Hindi niya namalayan na nakatulog na rin pala siya.

"It's your fault!" naiinis na wika niya kay Matt. "You were sleeping soundly and I was afraid to wake you up."

"So ang ginawa mo, natulog na lang din?" natatawa nitong wika sa kanya.

Iyon nga ang ginawa niya. But the way Matt said it, it sounded so stupid. Inirapan niya ito.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Patay na lahat ng ilaw sa buong building. Ang bukas na lang ay ang mga ilaw sa school grounds. Alam din niya na nakalock ang gate at ang guardhouse ay nasa labas pa ng school.

"Ano'ng gagawin natin, Matt?"

"Lalabas syempre. Let's find a way out. Ihahatid na rin kita sa inyo."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng storage room. Madilim na sa buong floor at wala halos siyang maaninag. Wala din halos maririnig na ingay sa paligid. Dapat ay matakot siya pero malayong-malayo doon ang nararamdaman niya.

She was aware of the hands that were holding hers tightly. Mas ninenerbyos pa siyang kasama ito kaysa sa sitwasyon nila.

"Matt, pinagpapawisan na ang kamay ko. Pwede mo nang bitawan," she said, hoping that he would let her go. Pero mas humigpit pa ang hawak nito sa kamay niya.

"Stay close to me Niks," he said firmly habang na-lalakad sila sa hallway.

"Matt..."

"Hmm..."

"You have a very beautiful voice." Iyon ang unang napansin niya dito nung una niyang makita ito. In the quietness of the night, Matt's voice became more distinct than ever.

She felt rather than saw Matt smiled.

"Thank you. It runs in the family."

"Gusto mo bang maging singer?"

"That's my brother's forte. Mas gusto ko ang mag-compose ng kanta. It was my dream."

Kumunot ang noo niya. It was the first time Matt talked about himself.

"You have a brother?"

"Yep. He's in the States. Kami lang ni Papa ang nandito."

"What about your mother?"

"She died a long time ago. Heart ailment."

Nikki winced. "I'm sorry."

"Don't be. It happens. The people that you love the most are usually the ones that are harder to have."

There wasn't any regret in Matt's voice, but her heart went out to him nonetheless. Nikki thought of her mother. At least, alam niyang nasa mabuting kalagayan ang mommy niya kahit na nga ba bihira niyang makausap.

"That's why I liked your essay," Matt continued. "I can relate to it. Don't give up the people you love the most, Nikki, no matter how hard loving them can be. In the end, it will all be worth it."

Tumango siya. Matt was very insightful most of the time. She was really glad that she was given the chance to meet such a wonderful person.

"Nandito na tayo." Itinuro ni Matt ang bakod sa likod ng school.

Hindi naman masyadong kataasan ang bakod kaya mukang kaya naman niyang akyatin yon. Sinisimulan na nga niya ang pag-akyat nang pigilan siya ni Matt. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito.

"You're a lady, Dominique Martinez. Hayaan mo na ako'ng mauna."

"But you have bad eyesight!"

Tumaas ang kilay nito. "Na parang hahayaan kitang maunang umakyat. Huwag nang matigas ang ulo mo, paunahin mo na ako."

Hindi na nito hinintay na makaangal siya dahil umakyat na nga ito. Pagkatapos ay tumalon sa kabilang side ng pader. Sumigaw ito.

"Pwede ka nang umakyat, Nikki! Sasaluhin kita!"

Nikki rolled her eyes. Ang baba naman ng bakod, kung protektahan siya nito, para namang mamatay siya 'pag inakyat nya 'yon.

Pero tama si Matt. Dahil mas madali ang pag-akyat kaysa pagbaba. Bigla siyang nalula nang makasampa na siya.

"Shit, Matt, hindi ko ata 'to kaya." Sa sobrang takot niya ay napamura na siya.

"Oh, eh, 'di nakita mo na."

"Oo na, panalo ka na. Tulungan mo na lang ako, bilis!"

Matt laughed and opened his arms. "Jump, Nikki! I promise I'll catch you."

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

"'Yang katawang iyan, kaya ba ako niyan?"

"Huwag mo ako'ng insultuhin. Iiwan kita diyan."

Nikki closed her eyes tightly. Bahala na.

She counted from one to three before jumping. Nasalo nga siya ni Matt, pero sabay naman silang bumagsak sa damuhan. Nakadagan siya dito, samantalang ang mga kamay nito ay maingat na nakapalupot sa baywang niya. It seemed like he took all the impact from the fall. Nakapikit ito at parang hindi na magmumulat pa.

Nag-a-alalang pinagmasdan ito ni Nikki. "Matt, are you hurt? Ano'ng masakit sa'yo?"

Nang magmulat ito ng mga mata ay tinitigan siya nito bago nagsalita.

"Baka gusto mo nang tumayo? Na-i-iskandalo na ang mga tao," he said playfully.

She realized that she was still straddling him. Agad nga siyang tumayo at ramdam na ramdam niya ang pag-i-init ng pisngi niya. Tawa lang nang tawa si Matt.

"You are so heavy, Nikki."

Matalim na tinitigan niya ito. "That's because you're too thin!"

Nagpatiuna na siyang maglakad. Matt followed closely behind. She looked up at the night sky. Maraming nagkalat na bituin sa langit. Bilog na bilog din ang buwan na dinadaanan ng mga maninipis na ulap. It was a beautiful sight.

She turned to Matt. "It's so beautiful tonight, Matt."

Matt smiled warmly at her, his eyes never leaving hers. "It sure is."

"Lakarin na lang natin hanggang sa amin, ok lang ba?"

Tumango ito. She smiled contentedly at patuloy na naglakad. She found herself singing her mom's favourite song.

"As far as I can see, this is heaven. And speaking just for me, it's ours to share... lalala.." she hummed the rest of the song dahil hindi na niya alam ang lyrics.

Tumkhim si Matt, pagkatapos ay ito ang nagpatuloy ng kanta. "Perhaps the glow of love will grow with every passing day, or we may never meet again, but then, it's not for me to say..."

"I knew it! You have a very sultry voice! Mag-singer ka, Matt!"

Matt chuckled. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga lumang kanta."

"It was my dad's song to my mom. Nakagisnan ko na na kinakanta lagi ni mommy ang kantang 'yon."

His eyes were filled with tenderness as he looked at her. "You really love your mom, don't you?"

Tumango siya. "Oo naman. Siya na lang ang meron ako, eh."

"But I'm still here, Niks. Until such time that I need to, I promise I won't leave you," he said gently. Pagkatapos ay idinagdag, "And you can't do the same. Remember, you signed an agreement?"

She giggled as he turned to him. "Thank you, Matt. You're the only friend I have right now."

Tumango-tango ito, pero hindi na nagsalita. Siya man ay hindi na umimik. Under the stars and the moonlight, it felt so right walking side by side with Matt. Inihatid siya nito hanggang sa bahay nila bago umalis.

That night, Nikki slept peacefully.

***

Nagising si Nikki kinabukasan sa tunog ng telepono niya. She looked at her clock. 10 AM. It was a Saturday at gusto pa niyang matulog nang matagal.

"Hello," she answered lazily.

"11am. Susunduin kita." Iyon lang at nagbaba na ito ng telepono.

It was Ryan. Tinatamad siyang lumabas ng araw na iyon pero wala siyang magagawa. Alam niya na pagdating kay Ryan, ito lagi ang huling salita.

She grimaced at the thought. Nakalimutan niya na halos na may boyfriend na siya. Oo nga at hindi naman niya mahal si Ryan. But it was still indecent to walk home with another guy gayong may kasintahan na siya. In fairness kay Ryan, hindi naman ito nambabae simula nang maging sila. Nag-decide na lang siyang sumama para kahit paano ay makabawi siya.

Naligo siya at nagbihis, pagkatapos ay hinintay ang sundo. A little after 11 AM, pumarada ang kotse ni Ryan sa tapat ng bahay niya. Nagulat siya when she saw Bea sitting on the passenger seat. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon.

Dinala siya nito sa isang coffeeshop sa SM. Tahimik siyang sumandal sa upuan habang sinisimsim ang kape. Si Ryan at Bea naman ay abala naman na nag-u-usap. Hindi na niya pinagka-abalahang isipin kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito. Her mind was wandering somewhere else. She was excited for Monday to happen para makita niya ulit si Matt.

Continue Reading

You'll Also Like

51.7K 981 12
The truth that RJ is not my son does not change the fact that you are my wife..." "Pinakasalan kita dahil iyon lang ang paraan upang mapasaakin ang...
7.8K 188 16
Isang lalaki ang aksidenteng nakilala ni Francine sa party. Dulot ng espiritu ng alak ay nasabi niya rito ang kanyang nasasaloob. Ibinigay nito sa ka...
77.2K 1.4K 11
Binansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang nari...