To Find You Once Again

CFVicente tarafından

63.8K 1.2K 74

Nasa high school pa lamang si Nikki nang makilala niya si Matt. She was the campus princess, he was the campu... Daha Fazla

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen

Chapter Three

3.9K 82 7
CFVicente tarafından

Kakapasok pa lang ni Nikki sa compound ng school ay agad siyang sinalubong ng mga pagbati galing sa ibat-ibang direksyon.

"Hi, Nikki!"

"Good morning, Nikki!"

"Nikki, how was your weekend?"

She sighed inwardly and gave them her trademark smile. Ilang beses na ba niyang pinraktis ang mga ngiting iyon sa harap ng salamin?

Being Miss Popular was never easy. Kung dati-rati ay hinahanap niya ang atensyon ng lahat, mas maraming panahon ngayon na nararamdaman niyang nakakapagod ang mundong ginagalawan niya. But it was a hard-earned popularity, and one that she couldn't dismiss instantly.

Simula nang mamatay ang ama niya noong ten years old pa lang siya, ang mommy niya ang naging busy sa lahat ng naiwang business ng kanyang ama. Pabalik-balik ito sa US upang asikasuhin ang ilan sa mga branches ng food chains na naitayo doon. Dahil sa pagiging busy nito, hindi na nito halos naaalala na may naiwan itong anak sa Pilipinas. Sa lahat ng mga importanteng okasyon ay wala ito. Mas madalas na kasama ni Nikki ay ang mga yaya niya, na lagi niyang inaaway nung bata pa siya kaya kusang nag-re-resign ang mga ito.

She thought that would catch her mother's attention. She was wrong. Ni hindi nga ito dumalo when she graduated valedictorian in elementary. Kaya simula noon, mas ninais pa niya na mabuhay nang mag-isa sa malaki nilang bahay kaysa may kasamang estranghero. She was an only child, and she was lonely. But she couldn't take it against her mother. Alam niyang nahihirapan din ito sa pag-a-ayos ng negosyo ng daddy nya.

Nikki learned everything by herself- cooking, cleaning the house, tending to the garden. Natuto din siyang mag-bike nang walang nagtuturo. Nagsawa siya na mag-isa ginagawa ang lahat noong bata pa siya kaya naman ipinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para maging popular pagtuntong ng high school.

It wasn't hard on her part. She was gifted with an interesting face, iyon ang sabi ng marami. Her face was the kind that painters love to paint – somewhere between beautiful and average. Tama rin lang ang height niyang 5'4". She wasn't exactly fair pero hindi rin siya maitim. The only advantage she had was her long hair na may mga nag-riot na curls sa dulo. It was very beautiful and unusual. All she had to do was enhance her features. She tried dressing up more than the usual. Natuto din siyang mag make-up sa sarili niya nang mag-enrol siya sa isang make-up tutorial session.

Unti-unti ay napapansin na siya sa isa sa mga prestigious na eskwelahan sa Cavite. She became vice-president of the student council on her third year, and was qualified to be president sa susunod na taon. Her image? The pretty and smart Dominique Martinez. Her icing on the cake was when popular senior Ryan Ortega asked her to be his girl at the start of the school year.

Ryan was the typical school prince: gwapo at ubod ng yaman. He was the youngest of the Ortega political clan and the son of a senator. Ang mga magulang din nito ay kasama sa board of directors sa eskwelahan. The Ortegas practically owned the academy kung saan siya nag-aaral.

No'ng nanligaw si Ryan sa kanya may apat na buwan na ang nakakaraan, hindi na siya nagdalawang isip na sagutin ito. Akala niya kasi ay maayos naman ito. Pero nagkamali siya. Ryan maybe rich and all, but he was brainless. Wala itong alam pag-usapan kundi ang mga pag-aari ng pamilya nito. Napipilitan na rin lang siyang sumama dito kaysa naman magmukmok siya mag-isa sa bahay.

"Hey, beautiful."

Nikki turned around and saw Ryan walking towards her. Awtomatiko siyang inakbayan nito at hinila na papasok sa compound. Nikki was aware that everyone was looking at them as if they were the most beautiful couple that walked the planet. She almost rolled her eyes.

Naglalakad na siya papunta sa classroom niya nang mapasadahan niya ng tingin ang lalaking pasalubong sa kanila sa hallway. Lanky and nerdy-looking. He was wearing glasses and braces. Ang buhok nito ay nakahati sa gitna. Nakatingin ito nang diretso sa kanya at nang mapatapat sa kanya ay kinindatan siya nito.

Nakakunot ang noo na sinundan ito ni Nikki ng tingin. Hindi ilang beses na nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya sa canteen, sa school grounds, at sa iba't ibang sulok ng eskwelahan. Sa pagkakatanda niya, nitong pasukan lang niya nakita ito. For more than five months now, wala itong ginawa kundi tingnan siya sa malayo man o malapit. He wasn't even trying to hide it.

"Aww! Can't you watch where you're walking?!"

Nagulat pa si Nikki nang may mabunggo siya kakasunod ng tingin sa lalaki. Tumama kasi ang kaliwang kamay niya sa kasalubong at nalaglag lahat ng mga libro nito sa sahig.

Yuyuko sana siya para tulungan ito nang may boses na nagsalita sa likuran niya. It was a very masculine and sultry voice that Nikki instantly thought of dark rooms and ocean waves.

"Let me."

Lumapit sa kanila ang lalaking hinabol niya ng tingin. Saglit siya nitong pinasadahan ng tingin at nginitian bago yumuko upang pumulot ng mga libro.

"Tara na, Nikki. Male-late na ako."

Naiiritang boses ni Ryan ang nagsalita sa tabi niya, pagkatapos ay hinila siya nito. Wala na siyang nagawa kundi sumunod.

Nilingon ni Nikki sa huling pagkakataon ang lalaki ngunit naglalakad na ito palayo.

"Do you know that guy?"

Nagtatakang tumingin si Nikki kay Ryan. "Ha?"

"I'm asking you if you know him," Ryan said impatiently. "I saw him smile at you. Sa hitsura niyang iyon, nangangarap siya na mapansin mo? C'mon!"

Hindi alam ni Nikki kung bakit bigla ang pagbangon ng inis sa dibdib niya gayong hindi naman niya kilala ang lalaki.

"Baka naman mabait lang," she said non-chalantly.

"That was Matthew Francisco we're talking about. The delinquent."

So, that was his name. "Kilala mo siya?"

"Not intimately. Ka-ka-transfer niya lang ngayong sem. Ka-batch ko siya, and we're supposed to attend the same classes together pero hindi siya pumapasok sa mga classes siya. If he's not a delinquent, what does that make him then?" Hindi na nito hinintay na makapag-react siya dahil umakyat na ito ng hagdan papunta sa classes nito.

Isa pa iyon sa mga ikinaiinis niya kay Ryan. Hindi talaga ito gentleman, at ewan ba niya kung bakit madaming nag-ka-kagusto dito. She winced inwardly. Kung hindi lang dahil maraming kaibigan si Ryan, nunca siyang sasama dito. Aminado siya that she needed Ryan's company. Kaya hangga't kaya niya ay magtitiis siya.

Pumasok siya sa classroom at umupo sa isang sulok. She took out her notebook at nag-umpisang magsulat. Lingid sa kaalaman ng lahat, she wanted to be a writer. She already submitted a non-fiction essay sa isang sikat na publishing house, at na-feature ang essay niya under the Young Writer's section. It was a secret she wasn't about to tell anyone else simply because they wouldn't care. People at school only look at one's physical appearance and nothing more.

"What are you doing?"

Agad na ipinasok ni Nikki sa bag niya ang notebook at nginitian ang nagsalita. It was Bea, one of her friends and classmates.

"Wala naman. So, how was your weekend?"

"Boring. My mom cut my allowance because I overspent it last month. Duh? I was preparing for the Christmas ball so natural lang na mapagastos ako. Stranded tuloy ako sa bahay."

Christmas ball was only weeks away. Dapat ay pinaghahandaan niya na rin ito.

"Who's your partner?" tanong niya dito.

Nakasimangot itong sumagot, "Wala pa. Naiinggit nga ako sa'yo. You are with the most handsome guy in school."

"Oo nga." Not to mention the most boring, irritating, and ungentleman ever.

Hindi na siya nagsalita ulit dahil umalis na rin si Bea. Sa kabilang section pa kasi talaga ito at dinadayo lang talaga siya. Kukunin niya na sana ulit ang notebook sa bag nang may mapansing may kulang sa kamay niya.

Shet! Ang bracelet niya! Nawawala ang bracelet niya!

Bigla ay nag-panic siya. Ang bracelet na 'yon ang huling regalo sa kanya ng mommy niya nang matanggap ang essay niya sa publishing house. Nag-long-distance call siya noon sa Amerika at, as usual, answering machine ang sumagot. Hindi na siya sana aasa nang matanggap niya ang regalo nito sa kanya. Her mother remembered her kahit na nga ba paminsan-minsan lang.

Nag-init ang sulok ng mata niya. She had lost the only proof that her mother loved her. Ano'ng gagawin niya?

***

Wala sa mood na kumain si Nikki sa canteen pagdating ng lunch break. Samantalang si Ryan ay abalang-abala sa pakikipagbidahan sa mga kaibigan tungkol sa mga bago nitong kotse.

Nakaupo siya sa table na nakaharap sa pinto ng canteen kaya kitang-kita niya nang iluwa nito ang dakilang nerd. Matthew Francisco was scanning the crowd as if he was looking for someone. Nang mapadako ang paningin nito sa kanya ay sandali itong tumigil. Pagkatapos ay lumapit ito sa isa sa mga crew ng canteen at may iniabot dito. He turned to her and saluted before walking out of the canteen.

Ngee! May pa-salute salute pa itong nalalaman. Wala naman siyang balak patulan ito lalo at masama ang timpla niya. Maya-maya pa ay lumapit sa kanya ang crew na kinausap ni Matthew at may iniabot sa kanya na papel.

Meet me at the storage room. I have something to give you.

Storage room?

Ang storage room na sinasabi nito ay nasa third floor ng main building. The first floor was occupied by the sophomores and the juniors. While the second floor was occupied by the freshmen and the seniors. Ang third floor ay halos abandonadong parte ng building.

Bakit ito makikipagkita sa kanya? Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya may balak ito'ng masama sa kanya?

Ipinilig ni Nikki ang ulo. They were within the school grounds at sobrang lakas naman ng loob nito kung pagtatangkaan siya nang masama. Curiosity won over. Iniwan niya si Ryan at nagtuloy-tuloy paakyat ng third floor.

She stopped in front of the storage room's door, bago dahan-dahang binuksan iyon.

She found the guy sitting at the corner writing on a piece of paper. Sandali lang ito'ng nag-angat ng paningin bago itinuloy ang pagsusulat.

"I'm here now. What do you want?"

"Sshh..."

Hindi niya alam kung bakit sinunod niya ito at tahimik siyang umupo sa tapat nito. Nang hindi makatiis ay nagsalita siya ulit.

"Ano'ng ibibigay mo sa'kin?"

Tinapos muna siguro nito ang isinusulat bago ngumiti sa kanya at may kinuha sa bulsa. He dangled it in front of her.

Her bracelet!

Sa sobrang tuwa ay hinablot ni Nikki ang bracelet pero maagap ang lalaki at inilayo ang kamay.

"That is mine! Give it back!"

"On one condition," ngingiti-ngiti nitong sabi.

Sumimangot siya, pagkatapos ay tumayo at pinilit kunin dito ang bracelet. Pero tumayo rin ang lalaki at itinaas pa lalo ang kamay.

"Give it back to me!" Tili niya.

Natatawang nagsalita ito. "I'm Matthew Francisco, by the way. You can call me Matt."

"I know already. Akin na yan!"

Tumaas ang kilay nito. "You know me?"

"The delinquent," aniya, inulit ang sinabi ni Ryan.

Ang lakas ng tawa nito. "Hindi ka ba magpapakilala?"

"As if you don't know me," she said, gritting her teeth. "Dominique Martinez. Everyone calls me Nikki."

"Nice meeting you, Nikki."

"It wasn't nice meeting you. Why do you have my bracelet?"

"Napulot ko 'to kaninang umaga kasama ng mga librong dinampot ko. It has your name engraved on it."

"Then why don't you give it back?" inis na sabi niya.

"Not so fast. Read this."

May ipinagpag itong papel sa harap niya.

"Ano 'to?"

"Basahin mo."

Sinunod niya ito. Kumunot ang noo niya sa nabasa.

"'I promise to be with Jared Matthew Francisco and make him happy up until such time he doesn't need me anymore,'" she read aloud. "Ano 'to?"

"Agreement," nagkibit-balikat ito. "Sign it."

"At bakit naman ako papayag dito, aber?"

"Because you want your bracelet back, I guess?"

"This is blackmail!" Naiinis niyang sabi dito.

"Oo nga. I'm blackmailing you."

Halos sabunutan na niya ito. "Why are you doing this?"

Sumeryoso ang mukha ni Matt and looked straight into her eyes.

Noon lang napagmasdan ni Nikki nang husto ang mga mata nito. His eyes behind the thick glasses were very beautiful. They were the darkest eyes she had ever seen. Mahahaba ang mga pilikmata nito. They were looking at her as if they were seeing through her very soul.

"I like you." He said simply.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

59.2K 1K 12
"Hinintay kita na parang pumipila para sa isang five-minute ride sa amusement park, walang pakialam kahit gaano katagal na maghihintay. Because I bel...
81.6K 1.5K 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito n...
29.1K 602 14
This one is the story of Ethan Escobar, younger brother of Trisha from The Substitute Date. Please remind me to update. 😁 "You should see a shrink...