DEVAS
ANGELO'S PROVERBS
Agad-agad kong pinuntahan si Ama upang hingin ang kanyang tulong para sa gagawin ng mga Hara at Rama sa Lireo parang naramdaman yata ni Ama ang aking presensya kaya lumingon siya akin.
EMRE:Avisala anak,bakit ka naparito? (Malumanay niyang tanong)
ANGELO:Naparito ako Ama sapagkat kailangan namin ng tulong may gagawing misyon ang apat na Rama at Hara sa Lireo iyon ang pagkuha sa mga makapangyarihang armas doon batid naman natin na may kakayahang makakita si Ravana kagaya ni Yna.
EMRE:Ang ibig mo bang sabihin ay kailangan mo iyong mga nectar na may basbas ko upang hindi sila makikita ni Ravana?
ANGELO:Opo Ama..
EMRE:Sige samahan mo ako sa loob para makuha natin ang mga iyon.
ANGELO:Sige po at avisala eshma sa inyong tulong..
EMRE:Walang anuman bilang isang Bathala ay obligasyon kong tumulong sa mga Encantado.
Saka naglakad na kami patungo sa silid kung saan naroroon ang mga nectar na binabasan ni Ama ng makarating kami doon ay kinuha niya agad ito sa kinalalagyan nitong kahon at ibinigay ito sa akin.
EMRE:Ipaalala ko lang sa iyo na panandalian lang ang epekto niyan pagkatapos ng dalawang oras ay mawawala na ang epekto ng nectar kaya makikita sa sila ni Ravana mula sa isip.
ANGELO:Naunawaan ko po huwag po kayong mag-alala sa pagbalik ko ng Nathaniel ay sabihan ko sila sa epekto nito,at avisala eshma ulit Ama.
EMRE:Walang anuman iyon anak.
Saka nag-ivictus ako pabalik ng Nathaniel.
KAHARIAN NG NATHANIEL
Pagbalik na pagbalik ko ay nadatnan ko ang magkakapatid na Sangre at kanilang mga kabiyak na naghihintay sa akin agad ko silang sinabihan tungkol sa epekto ng nectar ng walang pagdadalawang isip ay ininum agad nila ang laman ng bote pagkatapos ay naghanda saka nag-ivictus patungong Lireo.
KAHARIAN NG LIREO
GENERAL'S PROVERBS
Pagdating ng mga Hara at Rama ay naghanap agad sila ng sulok na pagtataguan upang hindi sila makikita ng mga bantay agad nagpanggap si Pirena bilang Ravana saka sinalubong siya ng mga kawal yumuko ang mga ito bilang pagbibigay pugay.
KAWAL 1:Bathaluman,napaaga ka yata sa ngayon mula sa pagpupulong niyo mula Adamya.
PIRENA:Oo sapagkat wala kaming masyadong pinag-usapan.
Pumasok na si Pirena sa loob ng palasyo pagpasok ng Hara ng Hathoria saka sumusunod sila Alena,Amihan,at Danaya ginamit ng tatlo ang ivictus upang magtungo sa kamara ng mga Brilyante upang kunin ang mga makapangyarihang armas nagtagumpay nga ang tatlong Sangre sa pagkuha ng mga ito saka nagtungo sila sa punong bulwagan kung saan naroroon si Pirena upang ipakita ang mga sandata.
Pagkatapos ay sumigaw ang isa sa mga kawal ng "Mga vedalje!"saka nagbalik si Pirena sa kanyang dating wangis.
PIRENA:Sadyang napakatanga pa rin ninyo!
Pagkatapos ay nilusob ang magkakapatid na Sangre ng mga bantay at nilabanan nila ito gamit ang kanilang mga sandata habang ang apat na Rama ay napapalaban din sa labasan ng palasyo sapagkat may nakakita din sa kanilang mga bantay.
Nang maubos ng mga Hara ang mga kalaban sa loob ng palasyo ay nag-ivictus sila kaagad patungong labasan upang puntahan ang kanilang mga kabiyak nang nakita nila na napapalaban din ang mga ito ginamit na ni Alena ang kanyang brilyante upang lunurin ang mga kalaban saka lumapit ang mga sa mga Rama saka nag-ivictus sila pabalik sa Nathaniel.
KAHARIAN NG NATHANIEL
Abot tenga ang ngiti ng mga Hara at Rama sapagkat nakuha nila ang mga sandata ng walang kahirap-hirap.
AMIHAN:Sadyang napakadali,nakuha natin ang mga ito ng walang kahirap-hirap.
PIRENA:Siyang tunay at ang katangahan ngayon ng mga alagad nila Ether ay walang pinagkaiba kaysa noon.
DANAYA:Siyang tunay,at natitiyak ko sa pagbabalik ni Ravana sa Lireo at uusok ang kanyang ilong sa galit.
AQUIL:Sinabi mo pa baka mapatay niya pa ang kanyang mga alagad sa kanyang galit.
AZULAN:Malamang sino pa ba ang magbuntunan niya sa kanyang galit?alangan naman ang mga dama.
MEMFES:Nasa atin na ang mga armas na ito ano ang susunod nating hakbang?
PIRENA:Susubukan muna natin, kung ano pa ang kayang gawin ng mga sandatang iyan
DANAYA:Tama si Pirena ngunit sa ngayon ay ilalagay muna natin ang mga ito sa kamara ng mga Brilyante.
KAHARIAN NG ADAMYA
Kasulukuyang nagpupulong sila Ether ngayon sapagkat kailangan nila pag-usapan ang mga bagong batas na kailangan namin ipatupad.
LUCIO:Ang una nating ipatupad ay kailangan magbayad ng buwis ang bawat encatado na nakatira dito sa Encantadia.
ETHER:Maganda iyan Rama ang susunod ay kailangan ang bawat nilalang dito ay magbigay ng katapatan sa atin dahil kung hindi ay papaslangin natin.
AGATHA:Ang akin naman ay kung sino mang nilalang na magsalita laban sa atin ay hahatulan ng kamatayan.
RAVANA:Ang panghuling batas ay kung sino man ang magtataksil ay papaslangin at kailangan nilang sumunod sa ating nais dapat ikakalat na agad ang mga bagong batas sa buong Encantadia!
ETHER:Sasabihan ko ang aking mga kawal upang ipakalat ito kaagad,bukod diyan may kailangan pa ba tayong pag-usapan?
AGATHA:Wala na Bathaluman,kaya mabuti pang bumalik na tayo sa ating mga kaharian..
KAHARIAN NG LIREO
Pagbalik ni Ravana sa Lireo ay nabasa agad niya ang isip ng kanyang mga alagad na may nais itong sabihin at batid niya na hindi ito mabuting balita umakyat muna siya sa trono bago magsalita.
RAVANA:Batid ko na may nais kayong sabihin,kung ano man iyon ay sabihin niyo na!
KAWAL1:Ah..eh.. B-bathluman.. k-kasi..(Sambit nito na tila kinakabahan)
RAVANA:Aayusin mo ba iyang pananalita mo kawal o puputulin ko ang iyong dila?!
KAWAL1:Poltre Bathaluman,naisihan po kami ng mga diwata nanakaw nila ang mga makapangyarihang armas sa Kamara ng mga Brilyante.
RAVANA:PASHNEA!!PAANO NANGYARI IYON?! SIGURO TATATANGA KAYO SA INYONG PAGBABANTAY KAYA KAYO NAIISAHAN!!
Napaigting ang mga kawal sa sigaw ng kanilang Bathaluman
KAWAL2:P-poltre Bathaluman hinding-hindi na talaga ito mauulit mas maging alerto po kami sa susunod.
RAVANA:Hindi na talaga iyon mauulit sapagkat hindi na ulit kayo ang magbabantay!! (Saka nagpakawala siya ng kapangyarihan kaya naging abo ang dalawang kawal na nakausap niya)
PUNONG KAWAL:May iiuutos po ba kayo sa amin Bathaluman?
RAVANA:Oo,nais ko na libutin niyo ang buong encantadia upang hanapin niyo ang mga pashneang mga diwata at huwag kayong titigil hangga't wala kayong nahahanap,naintindihan niyo?!
MGA KAWAL:Masusunod Bathaluman!
SAMANTALA..
Nagsimula ng humayo ang mga alagad ni Ravana upang hagilapin kung nasaan nagtatago ang mga diwata nalibot na nila ang buong lupain at kagubatan ng Hathoria,Lireo,Adamya at Sapiro ngunit walang nahanap ang mga ito kaya naisipan nilang maghanap sa bulubundukin ng Adjantao,Ascano,pati na rin sa kuta ng mga mandrigma ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kanilang hinahanap.
Habang si Ether ay pinatawag niya punong kawal upang ipaalam sa bawat nilalang ng Encantadia nag-ikot ang mga ito sa bawat sulok ng Encantadia may iba nagulat sa bagong mga batas at napipilitang sumunod sapagkat takot mapaslang ang mga lahi mula sa iba't-ibang tribu.
SA KAHARIAN NG NATHANIEL
PAOPAO'S PROVERBS
Kasalukuyan naming sinanay ang tatlong Diwani at Rehav sa Azotea ng palasyo kasama ko ngayon sina Lira,Mira,at Angelo sinanay namin ang kanilang bilis at liksi sapagkat dapat nilang masabayan si Ravana dahil silang apat ang haharap sa Bathaluman.
Ako ang kaharap ni Adamus,si Cassandra ay si Angelo,si Alana ay Lira,at kay Dasha ay si Mira sa bawat galaw nila ay masasabi kong may bilis at liksi naman sila ngunit hindi pa rin ito sapat upang sabayan si Ravana kaya naisipan ni Lira na sa pamamagitan ng kanyang mahika ay lumikha siya ng mga kawal na may kakaibang bilis at liksi upang ipaharap sa mga batang Sangre.
MIRA:Sa ating pagsasanay ay masasabi ko na may bilis at liksi naman kayo ngunit hindi pa ito sapat kaya may naisip na paraan ang ating Hara.
CASSANDRA:Ano po iyan Yna?
LIRA:Nilikha ko ang mga kawal na iyan upang subukan ang inyong bilis at upang tingnan kung kaya niyo silang sabayan.
CASSANDRA:Ihaharap niyo po sila sa amin?
ALANA:Subukan nga ang ating bilis di ba kaya makakaharap natin ang mga iyan.🙄
CASSANDRA:Sorry naman po..
Habang si Adam ay pinipigilan lang niyang matawa kay Cassandra habang si Dasha naman ay walang reaksyon.
ADAMUS:Huwag po kayong mag-alala kayang-kaya ko sabayan ang mga iyan,sa tingin ko ay mga pangkaraniwang kawal lamang sila na gawa sa mahika.(Mayabang na sambit ng Rehav)
DASHA:Huwag ka ngang maging kampante diyan Adam hindi pa natin batid kung ano ang magagawa ng mga iyan! (Suway ng Diwani sa pinsan)
PAOPAO:Kaya kailangan niyo nang maghanda dahil sa ano mang oras ay papagalawin na ng Hara ang mga iyan!
LIRA:Estasectu!
Sa isang pitik lang ay gumalaw na ang mga kawal na nilikha ng aking katipan at kinalaban ito ng mga itinakda habang kami ay nanood lang sa ginawang pagsasanay pagkalipas ng ilang minuto ay nawaga ng mag-komento si Angelo.
ANGELO:Magaling sapagkat nasasabayan ng mga diwani at Rehav ang makipagsabayan sa inyong nilikha Hara.
LIRA:Nakita ko nga mabuti na siguro na ang paraan na gamitin natin para sa pagsasanay.
Pagkatapos ng mahabang pagsasanay ay naisipan na nilang pumasok sa loob ng palasyo upang mamahinga ng ilang oras.
ITUTULOY...