Sa gitna ng kagubatan, sa maulap na gabi at malakas na buhos ng ulan.
Takbo, lingon sa likuran at muling tumakbo ang ginawa ni Miko habang yakap-yakap ang kaniyang bag.
Ilang beses man matumba at madulas ay hindi niya ininda para lang tuluyang makatakas at para hindi maisawalang bahala ang kaniyang plano.
Dahil narin sa madilim at malakas na ulan ay hindi naiwasan ni Miko ang magkamali ng hakbang kaya nadulas siya at nahulog sa mababaw na bangin.
Hindi niya giniit ang sakit ng katawan at nataranta bigla ng hindi niya makapa ang bag niya.
Sinubukan niyang bumalik sa itaas para kunin ang bag niya ng biglang may tumatawag sa pangalan niya.
"Miko!"
Mabilis yumuko si Miko ng nanlalaki ang mga mata.
Hindi siya magkakamali, boses iyon ng kaniyang asawa. Pero bakit? Pano siya nasundan nito dito sa gubat? Hindi kaya nasira ang plano niyang palabasin na patay na siya?
Nakaramdam siya ng matinding kaba dahil nasa malapit lang ito at sa isiping mahahanap siya nito. Nababahala siya na baka mapunta lang sa wala ang pinlano niyang makatakas.
"Miko! Nasaan ka?! Magpakita ka! Miko!"
Nakalampas na siya sa tinataguan ni Miko pero napabalik siya dahil may narinig siyang kaluskos mula sa bangin. Dumapa si Miko para hindi makita at nagtagumpay siya dahil muling nagpatuloy sa paghahanap si Kilua sa ibang direksyon ng gubat.
Nagpatuloy siya sa kaniyang pagtakas hanggang sa makarating sa kalsada kung saan konti lang ang dumadaan.
Sinubukan niyang pumara ng sasakyan pero walang tumigil at iniiwasan siya Hanggang sa pumagitna nalang siya at nakapikit ang mga matang hinarang ang kotse na parating.
Kaagad napapreno si Jonas dahil sa babaeng humarang sa kalsada.
Nakakunot pa ang noo niya habang inaaninag at kinikilala ang babae.
Si Miko naman ay napamulat ng mga mata at ganun din ang reaksiyon ng makilala si Joseph.
"Paki-usap, tulungan mo ako."
Turan niya sakaniyang isipan.
Nang pababa na si Kilua mula sa loob ng gubat ay siya namang pag-andar ng kotse ni Jonas at umalis sa lugar na iyon.
"Miko!"
Tawag niya sa pangalan ng asawa.
Nang nasa tabi na siya ng kalsada ay pabalik-balik ang lingon niya sa kaliwa't-kanan, nagbabakasakaling nasa malapit lang at makikita ang asawa.
"Miko!"
Hindi maaaring mawala sakaniya ang asawa niya. Hindi niya kaya. Mababaliw siya kapag hindi niya ito makakasama.
"Anong nangyari?"
Tanong ni Jonas habang nagmamaneho.
"Ang tanging paraan para matigil siya...ay ang palabasin ko na patay na ako. Kinakailangang mawala ako sa mundong ito kung saan naroroon siya. Hindi niya dapat ako mahanap."
Sabi ni Miko na siyang kinalingon ni Jonas at napansin ang malungkot na mga mata nito.
Nakikita niya ngayon ang sarili niya kay Miko. Pareho silang nalulungkot.
"Tutulungan kita."
Sabi ni Jonas habang diretso ang tingin sa daan.
Nilingon siya ni Miko ng may pagkabakas ng gulat sa mukha.
"Hahanap ako ng paraan para matakasan mo siya."
Hindi ma-isip ni Miko kung bakit nakikita niya ngayon ang sobrang lungkot sa mga mata ni Jonas ng tingnan niya ito pero sa kabila nun ay labis na pasasalamat at kasiyahan dahil pumayag ito sa matagal na niyang hiling dito.
Tumila na ang ulan at hanggang ngayon ay naroon parin si Kilua sa tabi ng dagat.
"Miko, nasaan kana? Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi maaari."
Sa unang pagkakataon ay may kumawalang luha sa kaniyang mga mata kasabay ng pagluhod niya sa batuhan habang nakatanaw sa madilim na dagat at hindi manlang ininda ang lamig na hampas ng hangin at tunog ng mga alon.
"Miko!"
Muli niyang sigaw sa kawalan na puno ng sakit at pangungulila.
Kasalukuyang magkaharap si Miko at Jonas sa opisina sa clinic niya.
"Nung una, napakabait niya pa sakin. Na-isip ko pa nga noon na gusto ko ng ipaubaya ang buong buhay ko sakaniya sa kabila ng katotohanang iba ang mahal ko at ang gusto kong makasama nung mga panahong iyon."
Kwento ni Miko kay Jonas na siyang pinakikinggan siya.
"Nakilala ko siya dahil sa daddy ko at sumunod noong graduation exhibit ko. Doon ko siya unang nakita ng personal."
Muli niyang naalala ang araw na iyon.
Flashback
Nakatayo si Kilua sa harapan ng painting niya at humarap sa kaniyang likuran ng mapagtantong may taong nakatingin sakaniya.
Nakangiti lang siya noon sa lalaki at walang kaalam-alam sa feelings nito at kung bakit naging emotional ulit ito tulad ng una nilang pagkikita.
End of Flashback
"Tapos nalaman ko na ang mukha ko sa painting ko ay kamukha ng mother niya."
Napayuko si Miko.
"Hindi dahil gusto niya ako. Gusto lang niyang palaging nakikita na kamukha ko ang mommy niya."
Dugtong niya. Dahil sa confession ni Miko ay mas lalong nahikayat si Jonas na tulungan ito.
Ilang sandali lang ay nasa surgical room na si Miko at naka-upo sa operation bed habang suot ang patient's gown.
"Handa kana?"
Tanong ni Jonas sakaniya ng makapasok sa kwarto saka umupo upuang katapat ni Miko.
Tumango si Miko habang may ngiti sa labi.
"Miko... Ang pangalan ko ay Miko. Gusto ko lang malaman niyo ang pangalan ko bago ako magpalit ng mukha."
Sabi ni Miko na ginawaran rin ng ngiti ni Jonas para palakasin ang loob nito sa gagawing operasiyon.
"Pagkatapos nito, magiging malaya na ako."
Bakas ang saya sa mukha ni Miko na tinanguan lang ni Jonas.
"May ideya ka ba kung sino ang gusto mong maging kamukha?"
Tanong ni Jonas na siyang saglit pinag-isipan ni Miko pero umiling lang siya.
"Hangga't nalalayo sa mukha ko ngayon. Magiging masaya ako kahit ano pa ang maging itsura ko."
Desidido na sagot ni Miko.
"Pero kung may gusto po kayong maging kamukha ko, gawin niyo po iyon sakin. Pangako, iingatan at pahahalagahan ko kahit ano pa ang maging mukha ko."
Sa pagkakataong iyon ay hindi naiwasang mapa-isip ni Jonas. Napatungo siya pero saglit lang din ay muling inangat ang mukha saka binigyan ng kumbinsidong ngiti si Miko.
Ginawa niya ang surgery ng mag-isa.
At habang ginagawa niya iyon ay hindi niya mapigilang hindi maalala ang bawat anggulo ng mukha ni mahal niya habang ginagawa ang operasyon.
Tirik na ang araw ng maka-uwi si Kilua sa bahay nila. Kaagad siya dumiretso sa kwarto nila at hinalungkat ang closet ng asawa, nagbabakasakaling may naiwan ito. Namumutla man at bakas ang pananamlay sa mga mata hindi niya iyon ininda at nagpatuloy sa ginagawa.
Tumigil siya ng may mapansing isang dress na hindi familiar sakaniya.
Kinuha niya iyon at nagtatakang pinagkatitigan. Siya ang halos bumibili ng mga materyales at damit ng asawa kaya alam niya ang mga binili niya at hindi.
Humigpit ang hawak niya sa damit at inilang hakbang ang banyo ng mapansin niyang bukas iyon at doon niya nakita ang ginupit na iilang hibla ng buhok ng wife niya.
Humahangos siyang napahigpit ng hawak sa dress na hawak niya at kinuha ang iilang hibla ng buhok na ginupit ng asawa.
Inipit niya iyon sa kaniyang palad at muling sinigaw ang pangalan ni Miko.
Sinimulan niya ring hawiin at ipinagtatapon ang mga gamit na makikita niya.
Nang mahagip niya ang gunting na ginamit ng asawa ay mabilis niya iyon kinuha at pinakatitigan bago tignan ang repleksiyon sa salamin at mabangis na tinarak doon ang dulo ng gunting.
Paalis na ulit siya ng tumunog ang phone niya.
"Sir, kailangan niyo pong makita, toh."
Ani Tyler sa kabilang linya na kinakunot ng noo niya.
Nakarating siya sa kagubatan kung saan rin siya naghanap nung gabi.
"Nakita po ito ng search team dito, Sir."
Kaagad inagaw ni Kilua ang bag sa kamay ni Tyler at hinalungkat iyon.
Una niyang nakuha sa loob ng bag ang wallet kaya binuksan niya iyon at tama nga ang hinala niya, sa loob nun ang ID at cards ng asawa.
Muli niyang hinalungkat ang laman ng bag at kaagad nakuha ang makapal na cash money. Kaagad umigting ang panga niya.
"Miko, hindi ka pumunta rito para mamatay. Buhay ka, sa kung saan."
Aniya at napangiti na parang baliw.
"Miko, nasaan ka... Miko."
At nagsimulang ilibot ang tingin sa kung saan.
Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw hanggang sa matapos ang isang buwan. At ngayon handa na si Miko sakaniyang bagong katauhan.
"Panahon na."
Sabi ni Jonas habang nakatayo sa harapan ni Miko na naka-upo sa wheelchair at balot ng bandage ang buong mukha.
Lumuhod si Jonas at sinimulang alisin ang bandage sa mukha ni Miko.
Pero habang ginagawa niya iyon ay siya ring unti-unting pagbagal ng takbo ng oras habang unti-unting lumilitaw ang mukha sa kaniyang harapan.
Muling nanunumbalik sakaniya ang mukha ng kasintahan niya.
Nang tuluyan ng bumungad sakaniya ang mukha ng babae ay parang nakakita siya ng multo at napaatras. Bakit? Anong nagawa niya?
May mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata at napayuko habang si Miko ay nagtataka kung bakit napasinghap ang doktor.
"Bakit, may mali ba sa surgery? Wala akong pakialam sa mukha ko. Ang gusto ko lang ay iba at malayo sa dati kong itsura."
Kampanteng sabi ni Miko habang nakapikit pa din.
Tumayo si Jonas at umalis ng kwarto ng hindi magawang tignan ang mukha na nasa kaniyang harapan.
Nagtataka man sa hindi maramdamang presensiya ng doktor tumayo si Miko mula sa pagkaka-upo sa wheelchair.
Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at tamang napatitig siya sa salamin.
Namilog ang maliit niyang mga mata at parang hindi makapaniwala sa nakikita.
Unti-unti niyang hinaplos ang mukha ng mga daliri at naluluha sa saya dahil sa wakas ay nag-iba na ang kaniyang mukha. Magiging malaya na siya ng tuluyan.
Samantala, sa opisina ni Jonas. Naka-upo siya sa swivel chair niya habang nakatitig sa frame na hawak kung saan ay litrato nila ni Sam.
Hindi niya alam kung anong nagawa niya. Muli niyang iniyakan ang larawan nito.
#MS:LIS