SWIPE HELP GONE WRONG - COMPL...

By WeirdyGurl

186K 10.1K 7.1K

Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right si... More

Teaser
START
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Adorable End
DIRECTOR'S CUT EP1
DIRECTOR'S CUT EP 2
DIRECTOR'S CUT EP 3
DIRECTOR'S CUT EP 4
DIRECTOR'S CUT EP 5
DIRECTOR'S CUT EP 6
DIRECTOR'S CUT EP 7

Chapter 25

5.1K 289 178
By WeirdyGurl

NAGULAT ang pamilya niya nang umuwi siya ng Boljoon na walang dalang gamit. After that night, she stayed in her office. She booked the earliest flight the next day. Nagpalit siya ng simcard para walang tumawag sa kanya. Even to Link, hindi niya ibinigay ang number niya dahil alam niyang pupuntahan ito ni Alt o 'di kaya ni Crosoft.

Nagpalit nga siya ng number pero sauludo niya naman ang numero nito.

Sighs.

She's giving herself a week. After that, kakausapin niya si Alt. She felt bad for what she did to him. Out of all the people, siya na pinagkatiwalaan nito sa lahat ay siya rin pa lang tatalikod ulit dito. Sa ginawa niya, wala rin siyang pinagkaiba sa mga taong pinagtabuyan ito palayo.

Sumakit bigla ang sentido niya.

"Baliw ka talaga, Emari Scroll!" Pinanggigilan niyang masahiin ang sentido. "Baliw! Gaga! Argh! Nakakainis!" Marahas na bumuga siya ng hangin. Iningat niya ang mukha sa harap. Gusto niya ulit maiyak. Pero magang-maga na ang mga mata niya kaiiyak tuwing gabi. "Maging single ka na lang forever! Karma mo 'yan."

Bumuntonghininga ulit siya.

Tiniklop niya ang mga binti at niyakap ang mga 'yon. Simula nang umuwi siya noong isang araw, hindi rin siya madalas lumalabas ng bahay. Hindi rin siya sumasabay sa pamilya niyang kumain. She doesn't have the appetite to eat. Kapag alas kwatro ng hapon, nagba-bike siya papunta sa plaza at tumatambay roon para panoorin ang paglubog ng araw. Gustong-gusto niya ang tunog ng alon at mabining hangin na tumatama sa kanyang mukha. Kahit papaano, nababawasan ang lungkot niya.

Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang katok mula sa pinto.

"Scroll, anak," boses 'yon ni Mama. Naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. "Pwede ba akong pumasok?"

"Sige po, Ma. Bukas 'yan."

Maingat ang pagbukas nito sa pinto. May dala itong transparent bowl. Kahit sa malayo alam niya kung ano 'yon. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matutuwa. Seryoso talaga?

Lumapit ito at naupo sa gilid ng kama paharap sa kanya.

"Hindi mo maitatago sa amin ang problema mo," basag nito sa mahinahong boses. "Ilang beses nang tumatawag si Alt pero sabi ni Page huwag na raw muna naming sagutin. Tumawag si Link sa kapatid mo at 'yon ang inuutos sa kanila."

She could feel hot tears forming on both corners of her eyes. When was the last time she saw that same genuine care from her mother? Simula kasi nang tumanda siya. Naging independent siya sa lahat ng bagay. She had forgotten to spend quality time with her. May times pa na naiisip niyang mas favorite nito ang mga kapatid niya kaysa sa kanya. Mas madalas kasi siyang nasesermonan at napapalo nito.

"Anak, anong problema?"

Nagsimulang manikip ang dibdib niya. Bakit ba sa tuwing tinatanong tayo kung anong problema, mas madali ang umiyak kaysa ang magkwento?

"Ma –" her voice broke. Agad niyang naramdaman ang mga patak ng luha mula sa kanyang mga mata. Pero nagawa pa rin niyang ngumiti. "B-Bakit ba kayo ng slice ng pipino?" Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong bowl.

Kumunot lang ang noo nito. "Kailan ba nakakaiyak ang pipino?"

Sumisinghot-singhot na pinunasan niya ang mga mata. "Ma naman e."

"Emari Scroll, kinakausap kita nang matino, umayos ka."

"E bakit kasi nag-slice kayo ng pipino?!" inis niyang balik tanong.

"Para 'yan sa namamaga mong mata. Iyak ka nang iyak sa gabi, akala namin minumulto na ang bahay na 'to. Hindi ka naman nagsasalita. 'Yang ama mo, pupunta na ng Maynila para pagalitan si Alt."

"Walang kasalanan si Alt."

"E, ano ba kasing problema mo?"

"Ma, kasi, nakipaghiwalay ako sa kanya," umiiyak na amin niya. Namilog ang mga mata nito. "Lagi n'yo kasing sinasabing matibay ang matris ko. 'Yan tuloy, sabi ng doktor, 'di raw ako magkakaanak."

Napalitan ng pag-aalala ang ekpresyon ng mukha nito. "A-Anong sinabi mo?"

"Hindi ko ho sinabi sa inyo pero noong nagbakasyon ho ako rito. Nagpasama ako kay Link para magpa-check-up. Sinabi sa'kin na dahil nga masyadong irregular ang period ko kaya raw mahihirapan akong magkaanak at mas malaki ang chance na hindi talaga. Last week, nagpa-check ulit ako at ganoon pa rin ang sinabi sa'kin though may options naman kaming pwedeng subukan."

"At pumayag si Alt na makipaghiwalay dahil sa kalagayan mo?"

"H-Hindi ko pa alam. Hindi pa ulit kami nagkakausap dahil umalis agad ako nang makipaghiwalay ako sa kanya."

"At kailan ka magtatago dito? Araw-araw tumatawag sa'yo ang nobyo mo sa cell phone ni Homer. Hinahanap ka. Pero 'di namin sinasagot dahil nga sabi ni Link."

"I'm just giving him more time."

Ipinatong nito ang hawak na bowl sa bedside table para tumabi na ng upo sa kanya.

"Anak, paano mo nasabi na iiwan ka nang ganoon na lamang ni Alt dahil lang sa hindi ka pwedeng magkaanak? Sa nakikita ko, mahal na mahal ka nung tao. Hindi ba unfair 'yon para sa kanya? Hinusgahan mo na agad ang pagmamahal niya para sa'yo."

"I'm just giving him the chance to be whole, Ma. Alam ko kung gaano kagusto ni Alt ang magkaroon ng sariling pamilya. Pero kung ganito ang kondisyon ko. Paano ko pa matutupad ang pangarap na 'yon? Gusto ko siyang mabigyan ng anak. Gusto kong –" Umiyak na naman siya. Bumalik sa isipin niya ang gulat at dismaya sa mukha ni Alt nang gabing 'yon. "G-Gusto kong punoin ng tawa at saya ng mga bata ang bahay namin. Gustong-gusto ko siyang maging asawa. Pero naisip ko... parang ang selfish ko kapag ipinilit ko 'yon sa kanya."

Niyakap siya nito. "Kaya nga, dapat kausapin mo na siya. Anong silbi ng space na ibinigay mo sa kanya, ha? 'Di naman siya astronaut."

"Maaaa..."

Tumawa ito at tinapik-tapik ang braso niya. "Scroll, bata ka pa talaga, hindi mo pa lubos na naiintindihan ang salitang pamilya. Hindi n'yo kailangang magkadugo o magkaanak para masabing pamilya kayo. Pwede mong maging pamilya ang mga kaibigan mo o ang mga katrabaho mo. Hanggat masaya kayo, nagdadamayan kayo, walang pagmamataas at nagtutulungan kayo sa gitna ng mga problema, isang pamilya kayo. Hindi dahil buo ang isang mag-anak ay pamilya sila. Tandaan mo lagi, may pamilya ka kapag naramdaman mo ang totoong pag-aalaga at pagtanggap sa'yo ng tao kahit ano at sino ka man. Ang pagmamahal na 'yon ang bubuo sa'yo. 'Yan ang totoong pamilya."

Sa sinabi ni Mama, mas lalo siyang naiyak. Pero mas 'di niya inasahan ang ginawa nito. Ipinatong nito ang dalawang bilog na pipino sa mga mata niya.

"Maaa!" reklamo niya nang sapilitan siya nitong pahigain.

"Huwag na sabing umiyak nakakapangit 'yan." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat para 'di na maglikot. "Huwag kang mag-alala. May kilala akong manghihilot. Madami na siyang nabuntis – este – nabuntis pagkatapos niyang hilutin ang babae."

"Ma legit ba 'yan?"

"Oo naman, sabayan n'yo lang ng sex at dasal."

"Ma!" Imbes na maiyak pa ay tawang-tawa siya. Tawang-tawa din ito sa sinabi. Bwesit talaga 'tong nanay niya. Kahit sa mga seryosong usapan may curfew ang pagiging matino.

"'Yong kapatid ng ama mo, sinabihan din 'yon na hindi magkakaanak pero kita mo naman ngayon, may apat na. Malayo nga lang ang pagitan pero at least, 'di ba? Hindi ka naman sinabihang baog. Mahirap ka lang mabuntis."

"O, anong nangyayari dito?" boses 'yon ni Papa. Hindi siya makabangon dahil sa hawak ni Mama. "Okay na ba 'yang anak mo? Narinig namin lahat sa labas."

"Papa!" Akmang babangon siya pero mabilis pa rin siyang napahiga ni Mama. "Kanina pa kayo nakikinig?"

"Ate, tawagin na ba natin si Kuya Alt?" ni Page.

"E, paano ba 'yan?" ni Homer. "Mukhang sumuko na si Kuya Alt. 'Di na tumataw – aaag – raaaay! Papa naman!" She assumed binatukan si Homer ni Papa.

"Kita mo na ngang depressed na depressed na 'yang ate ninyo, dinadagdagan n'yo pa ng bad news. E kung ayaw na niyang Alt na 'yan sa anak ko. 'Di bahala siya sa buhay niya."

Napangiti siya.

Kahit kailan talaga, basta pamilyang Catapang, walang problemang hindi nagiging comedy. Mukhang alam na niya kung saan siya nagmana. Manhid pala talaga siya. Ngayon niya lang din na realized 'yon.

Bumangon siya.

"Wait!" sigaw na pigil niya. Sabay na naibaling ng mga ito ang tingin sa kanya. "Can I get a family hug from all of you?" Sumisinghot-singhot pa niyang tanong na papunta na naman sa iyak.

"Ay 'yon naman pala e. Tara, yakap!" sigaw ni Papa. At 'yon na nga, inatake siya ng mga ito ng yakap.

"Sa susunod Emario magsalawal ka nga," reklamo ni Mama. "Puro ka tuwalya. Kabagin na 'yang itlog mo."

Tawang-tawa sila. Bwesit talaga 'tong si Mama. 'Yan tuloy, iyak at tawa na lang nagawa niya.



IPINARADA ni Scroll ang bisiklita sa labas ng simbahan. Nagtaka siya nang mapansin na bukas ang pinto ng simbahan. Madalas kasi 'yong sarado. Sumilip siya. Lalo siyang nagtaka dahil wala namang tao sa loob.

Naigala niya ang tingin sa paligid. Wala ring tao. Hay naku, Scroll! Dami mong iniisip. Hindi pwedeng buksan din ang pinto minsan?

Pumasok siya sa loob. Huminto siya sa gitna at napangiti. Bigla niyang naalala si Alt nang makita ang mahabang aisle ng simbahan.

"I like long –"

"Aisle."

Tila tumigil yata ng isang segundo ang pagtibok ang puso niya nang marinig ang boses na 'yon. Nanlaki ang mga mata niya. Pinigilan niya ang sarili na lumingon kahit ramdam na ramdam niya ang presensiya ni Alt sa kanyang likod.

"It's not fun to suffer alone," he whispered. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga nagbabantang mga luha. "I might as well, grow old with someone who is willing to share happiness and sadness with me."

"Alt –"

Paglingon niya ay binati siya ng galit na ekpresyon ng mukha nito. Napaatras siya nang bahagya.

"Pero ang sinabihan ko nun ay iniwan ako nang hindi man lang ako kinakausap nang maayos. How am I supposed to know what she's thinking? Ayaw niya na ba sa akin? Hindi na na niya ako mahal? Hindi ba ako kamahal-mahal?" Galit na galit ito.

Minsan lang niyang makitang galit si Alt. Sa haba ng pasensiya nito, alam niyang napatid na niya ang limitasyon ng pasensiya nito. Pero sa halip na matakot dito ay napangiti pa siya.

"And now you're smiling," he sounded so annoyed. "Fuck, Scroll! Pwede ba mag-usap tayo nang maayos." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila palabas ng simbahan. "Sa labas tayo mag-usap. Ayokong magmura sa loob ng simbahan."

"Ikaw ba ang nagpabukas ng simbahan?"

"Bukas na 'yan nang dumating ako."

Was it God's sign?

Binitiwan siya nito at hinarap. Pero hindi agad ito nagsalita. Mukhang kinakalma pa ang sarili. Sa nakikita niya, banas na banas ito sa kanya. Namumula ang mukha sa inis. Still, he look so adorable.

"Alt –"

"I don't want you to leave me!" he blurted out in anger.

Titig na titig ito sa kanya. Gosh, seryoso, galit na galit talaga ito sa kanya.

"I don't care if you can't give me a child," he continued. "Pinili kita dahil ikaw lang ang gusto kong itira sa bahay ko. Mahal kita dahil masaya ako kapag kasama ka. Baliw ka, oo. Pero mas mababaliw yata ako kapag nawala ka sa buhay ko. Emari Scroll, mahal na mahal kita, hindi mo ba nakikita 'yon, ha?! I love you too much, honey. Everything about you completes me. You make me whole! You make me appreciate my existence!"

"Alt," naiyak na siya.

Ngayon lang siya nakakita ng lalaking galit na galit pero puro magagandang salita naman ang sinesermon nito sa kanya. Paano pa niya matitiis ang lalaking 'to?

Bumuga ito ng hangin. Sa pagkakataon na 'yon lumamlam ang ekspresyon ng mukha nito. Bigla siya nitong niyakap. Rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso nito na unti-unti na ring kumakalma.

"Please, don't do this again, honey," he sounded exhausted and sad. It broke her heart. "Gawin mo na lang comedy ang buhay natin. Let's skip the drama. Though it's inevitable. Let's just lessen it."

"S-Sorry," she sobbed on his chest. Humigpit ang yakap niya rito. "Sorry, gusto ko lang naman maging masaya ka. Gusto kong bigyan ka ng anak."

"It's okay," tahan nito sa kanya. "Link told me your doctor provided you a lot of options. Let's not put our hopes down yet. Hindi naman niya sinabing sterile ka. We can still try."

"Pero gusto ko talagang magkaanak tayo," hikbi pa rin niya. "K-Kahit isa lang. Gusto ko kamukha mo."

Bahagya itong lumayo. Alt cupped her face. Alam niyang sobrang pangit na niya sa kakaiyak. Pero sa halip na madismaya sa mukha niya ay sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Alam niyang totoo 'yon dahil pati ang mga mata nito ay ngumingiti.

She missed that smile.

"You really want to bear my child?"

Tumango siya. "I want to be your wife. I want to be the mother of your children."

"Our children," he corrected. Napangiti siya. Muli siya nitong niyakap. "Then we'll do our best. I don't care how long would it take. Or how hard it maybe for the both of us. If it's God's will to have our own kids then He will give it to us no matter what."

"Paano kung hindi?"

"Then it's fine. Pwede naman tayong mag-adopt. I know you will be a great mother. Don't worry too much. Don't stress yourself anymore. Huwag ka na ulit lumayas, Scroll. Fuck, you'll be the death of me."

Natawa siya. "Kapag talaga galit ka na napapadalas ang mura mo."

"I can't help it."

"Paanong galit?"

Kumalas ulit ito sa kanya. Itinaas nito ang isang kamay kaya mabilis niyang naitakip ang mga kamay sa mukha. Akala niya sasaktan siya nito pero pinitik lang nito ang noo niya pagkatapos alisin ang mga kamay. Shuks!

Napangiwi siya sa sakit. "Ano ba?!" angil niya. "Ang sakit, ha?"

"Ulitin mo pa 'yon at hindi lang pitik ang makukuha mo sa'kin."

Ngumisi siya rito. "Pwede ba akong mag-suggest ng mga parusa? 'Yong mag-e-enjoy tayong pareho?"

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Nasa simbahan tayo, Scroll. Umayos ka."

"O bakit?" maang-maangan pa niya. "Wala pa naman akong sinasabi ah."

"Kahit wala ka pang sinasabi alam ko na ang tumatakbo sa isip mo." Bumaba naman ang tingin niya sa pantalon nito. "Anong tinitignan mo?"

"Na miss ko 'yong pipino," seryosong biro niya.

"Scroll," he hissed sabay takip ng bibig niya ng kamay nito. "Umuwi na nga lang tayo. Kung anu-ano na ang nakikita mo."



"SABI ko na, kayo rin din talaga ang magkakatuluyan."

Ngiting-ngiti si Crosoft sa kanila. Ngiting tagumpay. Ano pa ba? For the first time, after how many years of friendship, ngayon lang nakabisita sila Crosoft at Cambria sa bahay ni Alt. Kasama ng mga ito sila Danah at Font.

"Kaya naiintindihan ko kung bakit itinago nila sa'yo dahil obsessed ka masyado sa love team nila," kontra naman ni Ate Cam sa asawa. "Wala ka na ibang inatupag kundi ang i-build-up ang love team nila."

"Pero kita mo naman, mahal. Bumigay rin sila."

"Kami na nag-adjust," kalmadong dugtong ni Alt. "Kakahiya naman po sa'yo."

"Hay naku, Alt. Kahit 'di ka pa mag-adjust. Alam kong matagal ka nang may hidden desire kay Scroll. Isang torpe at manhid kapag nagsama, nga-nga. Kakagigil kayo minsan e."

Tawang-tawa naman siya. Napangiti lang si Alt habang umiinom ng favorite hot chocolate drink nito sa tasa.

"O, kailan naman kayo magpapakasal?" pag-iiba ni Ate Cam.

Napatingin siya kay Alt. "H-Hindi pa naman napag-uusapan," baling na sagot niya rito. Actually, hindi pa talaga nila napag-uusapan 'yon. Ang weird lang.

"We will let you know," dagdag ni Alt.

"And Scroll," inabot ni Ate Cam ang kamay niya at masuyong pinisil 'yon, "it may be tough, pero naniniwala akong mabibigyan agad kayo ng anak ni Alt kung sakali." Napangiti siya. "Mabait ang Dios."

"Alam ko."

"Araw-arawin n'yo lang," nakangising dagdag pa ng boss niya.

"Crosoft!" sita ni Ate Cam dito.

"Thank you. Okay lang kahit matagalan." Ibinaling niya ang mukha kay Alt. "Dalawa naman kaming maghihintay. Kaya hindi rin malungkot." Alt smiled. Inilapag nito sa coffee table ang hawak na tasa para mahawakan ang isa niyang kamay. Nakangiti pa ring dinala nito 'yon sa labi nito para gawaran ng halik ang likod ng kamay niya.

"At dahil magkakatuluyan ang ship ko. Sagot ko na ang reception. Kayo na bahala sa simbahan."

Umawang ang bibig niya sa gulat at saya. Actually, expected na niya 'yon. Gusto niyang mag-inarte. Natawa sa tabi niya si Alt. Alam niya kung bakit.

"Ay sus, para namang 'di mo expected. Huwag ka nang umarte, Scroll. Hindi ka magaling na artista. Pasalamat ka, hobby ko ang magwaldas ng yaman."

She made a face. "Sige na! Ikaw na best actor." Natawa lang ang lahat sa kanya. "Magpa-practice ako araw-araw para pwede na rin akong mag-cameo."

"Sige lang, libre namang mangarap."

"Bwesit ka talaga, Crosoft."

"I know."



"TEKA LANG!" Tumatakbong lumabas siya ng bahay. Kanina pa tunog nang tunong ang doorbell ng gate. Nasa kusina pa kasi si Alt. Hindi maiwan ang niluluto nito. "Bubuksan na!" Sino naman kaya ang bibisita kay Alt ng tanghali?

Ganoon na lang ang gulat niya nang bumungad sa kanya ang matandang version ng mukha ni Skip. May hawig pa rin naman ito kay Alt pero mas malaki talaga ang hawig ng matanda kay Skip.

Hindi kaya?

"S-Sino po sila?" tanong pa rin niya.

Seryosong-seryoso ang mukha nito. Masyadong superior ang aura nito. Matangkad ito, kasing tangkad din nila Alt at Skip. Maihahantulad niya ito sa mga typical rich father-in-law sa mga Korean drama. 'Yong klase nang mang-aalok ng pera.

"I'm Alt's father. You must be, Scroll."

Agad siyang tumango at nilakihan pa ang bukas ng gate para rito. "Opo, pasok po kayo." Tumabi siya.

"Is Alt inside?"

Umagapay siya rito. "Opo, nagluluto." Napangiwi siya sa isip. Dapat yata, siya ang nagluluto at hindi ang anak nito.

"I see."

Pagkapasok nila sa bahay ay saktong nandoon si Alt sa sala. Suot-suot pa nito ang apron at may hawak pang sandok. Nakangiti pa ito noong una pero nang makita ang kasama niya ay nawala ang ngiti nito.

"Alt," tawag ng ama nito sa kanya.

"Papa."

"Pwede ba tayong mag-usap, anak?"

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Namilog ang mata ni Alt nang tawagin itong anak ng papa nito. Tila ba hindi ito makapaniwala. Kaya agad siyang lumapit dito para hubarin dito ang suot na apron at kunin ang hawak nitong sandok.

"Ako na ang tatapos sa niluluto mo," nakangiting sabi niya. Pinagpag niya ang kung ano mang dumi sa damit nito. "Mag-usap kayo ng Papa mo sa library. Sige na."

"Scroll?"

Tinapik niya ang pisngi nito. She give him a smile. "You'll be fine. Ikaw pa." Ibinalik niya ang tingin sa ama nito. "Tito, dito na po kayo mag-lunch."

Ngumiti ang matanda. "Sige, salamat."

Bago siya bumalik ng kusina ay pasimple niyang binigyan ng fighting sign si Alt. She's rooting for him and his father. Alam niyang magiging mabuti na ang lahat para rito. At siya ang unang-unang matutuwa kapag naging maayos na ang relasyon nito sa ama.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 130 33
A collaborative novel.
28.8K 1K 22
Kaylight Merrow isang simpleng dalaga na sa idad na labing pito ay tila'y naging isang ulila, dahil sa pagkamatay ng nagiisa niyang pamilya walang ib...
265K 16.2K 43
2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and depth of it." Goddess Salacia is very muc...
184K 3.3K 52
Vivien Uy officially declared that she hated Jace the moment he started bossing around her. She hated when people tell her what to do. So will her op...