Amaranthine Academy

By YukiJicia

2.1K 270 11

Aria Heather Rodriguez is a witty, sarcastic and over-confident girl whose all ever wanted is to go study at... More

Amaranthine Academy
Preface
Chapter 1: Letter
Chapter 2: The School
Chapter 3: Demigods
Chapter 4: History
Chapter 5: Friend
Chapter 6: First Day
Chapter 7: Assessment
Chapter 8: Call
Chapter 9: Meet
Chapter 10: Prophecy
Chapter 11: Worry
Chapter 12: Quest
Chapter 13: Assurance
Chapter 14: Fun
Chapter 16: Ceremony
Chapter 17: Claimed
Chapter 18: Part
Chapter 19: Train
Chapter 20: Weak
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Weapon
Chapter 23: Ability
Chapter 24: Gravity
Chapter 25: Meditate
Chapter 26: Duel
Chapter 27: Duel II
Chapter 28: Spear and Staff
Chapter 29: Request
Chapter 30: Doors of Underworld 1
Chapter 31: Doors of Underworld 2

Chapter 15: The Fall

38 9 0
By YukiJicia


Nagmessage sa akin si Marie sa code na 1 pm daw ay pumunta ako sa tower nila dahil dun kami mag-aayos.

Nag-offer siya na kung gusto ko ay sa kwarto ko nalang dahil baka raw di ako maging komportable sa tower nila dahil nandoon ang mga kahouse niya pero sinabi kong okay lang

Hassle naman kasi sa kanya kung dadalhin niya yung mga gamit niya sa kwarto ko gayong ako naman talaga yung nanghihingi ng pabor. At hindi naman ako magiging uncomfortable.

So right now, I'm on my way to their tower. I'm actually pretty excited because tonight will be the bonfire and I'm really looking forward to what will happen.

Nakaattend naman ako ng prom dati pero alam kong iba 'to

Hindi ko lang maiwasang isipin na kung nandito si Rianne siguradong siya ang mag-aayos sa akin kasi siya naman yung kikay sa aming dalawa. Hindi naman kasi ako palaayos masyado kasi feel ko maganda na rin naman ako at wala lang talaga akong pangbili ng mga make up kasi dagdag pa sa gastos yun.

Nang makarating ako sa Aphrodite tower ay nagtanong agad ako sa isa sa mga nasa labas kung nasaan ang room ni Marie.

Tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa bago sumagot

"Bakit?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

She's just like any Aphrodite kid, maganda tsaka maattitude

"May usapan kasi kami kaya pinapapunta niya ako dito" diretsong sagot ko sa kanya bago pinakita ang message ni Marie. Akala niya naman maaapektuhan ako sa pataray taray niya sa akin.Hindi niya alam na immune na ata ako jan dahil kay Exie

Umirap pa siya bago sinabi kung saan.

Pagpasok ko palang sa tower nila ay naabutan ko kaagad kung gaano kaaligaga ang mga tao.

May mga clothes rack sa paligid at medyo maingay rin dahil ang daming nag uusap tungkol sa pag-aayos at mga isusuot nila.

Bago pa ako makatanong ulit sa isa sa kanila ay may humawak na ng braso ko

"You're here. Dun tayo sa room ko, medyo loud dito eh" ngumiti ako kay Marie at sumunod na sa kanya

"Sorry you had to see that ah, they're just really excited about tonight tapos yung iba are still undecided about what to wear so they are asking for each others opinion" paliwanag niya sa akin habang inaayos ang vanity mirror niya. Pinaupo niya ako sa upuan sa harap nun tapos may pinindot siya at bumukas yung ilaw sa paligid ng salamin

"Ikaw, nakadecide ka na ba ng isusuot?" Tanong ko sa kanya kasi may mga nagkalat din na damit sa ibabaw ng kama niya

"Oh yes, hmm ikaw muna ang aayusan ko bago ako" sabi niya bago nagsimulang maglagay ng kung anu-ano sa mukha ko

Wala akong alam dun kaya tumahimik nalang ako habang siya naman ay pinapaliwanag sa akin kung ano yung mga nilalagay niya

"I think red lipstick would look good on you. Okay lang ba?" It's good that she's asking for my opinion habang inaayusan niya ako kahit wala naman talaga akong alam pero ngayon ko lang matatry yung red lipstick

Medyo confident naman ako kaya pumayag ako sa gusto niya, tingin ko rin kasi bagay nga sa akin

"Done!" Pumalakpak pa siya pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko

Kinulot niya lang yun ng kakaunti at inayos sa may balikat ko.

"Simple yet alluring! You can pass na for an Aphrodite kid!" Tuwang tuwa niyang sabi

Napangiti ako sa sinabi niya at tinignan ang sarili ko sa full length mirror niya

Nanlaki ang mata ko ng makita ang sarili ko

I looked so... matured

Hindi naman ako humble at alam ko naman na maitsura ako pero ang ganda lang ng ginawa niya sa akin

Parang ako na hindi ako

"What can you say?"

"Ang ganda ko. Thank you, Marie!" Sobrang laki ng ngiti ko sa kanya

Sana naman magkacrush na sa akin si Adriel nito

"It's already 3 pm, I'll just fix myself then punta na tayo dun. Kahit kasi 8 pm pa ang start ay marami ng tao dun agad to socialize" tumango lang ako sa kanya habang tinitignan pa rin ang sarili ko sa salamin

Mas natagalan si Marie sa pag-aayos sa sarili niya pero hindi naman ako nabagot sa paghihintay kasi kachat ko naman si Mikylla sa code.

Kinukumusta ko siya at nagkukwento naman siya sa akin na napakatagal daw mag-ayos nila Exie at Breonna at sila nalang ang hinihintay para makapunta na sila sa stadium

"I'm ready!" eksaktong 6:30 pm ay natapos si Marie

"Alis na tayo?" kinuha ko ang sling bag na ipinahiram din sa akin ni Marie dahil bagay raw sa suot ko

"Yap!" nang lumabas kami sa kwarto niya ay wala na akong nakitang nasa hall ng tower nila. For sure nasa stadium na sila ngayon.

"Ano bang mga ganap kapag bonfire" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang stadium. May mga kasabay kami na halatang sobrang excited rin

"Many things, of course magsasalita muna si headmistress then open ng program, what's really exciting is that we're allowed to just used our powers freely kaya don't be shock mamaya kung may mga tubig, vines, fires or whatsoever na nasa paligid mo. Some of the demigods just like playing around but syempre may mga rules din dun" she shrugged after saying that

Napaisip tuloy ako kung paano kaming mga regular students?

Nang makarating kami sa stadium ay nagpaalam sa akin si Marie na pupunta muna siya sa mga kahouse niya. Ako naman ay tumingin sa taas dahil for sure ay nandoon ang mga regular students

Medyo complicated kasi ang landscape dito, kapag sa mga towers ka galing, pagpasok mo sa stadium ay nasa first floor ka. Samantalang kapag nasa main building naman kung nasaan ang mga rooms namin, sa second floor ang diretso.

Tingin ko kaya ganun ay dahil ang second floor ay para sa aming mga regular students talaga.

Maganda ang pag-kakaayos ng venue at dahil siguro House Dionysus ang nagprepare ay parang forest ang theme sa dami ng vines, may mga malalaking gintong kawa rin na puno ng iba't ibang klase ng wine.

"Aria!" napatingin ako sa tumawag sa akin at ngumiti agad ako ng makitang sila Chailyn yun, kararating lang ata nila at halos lahat ay nakatingin sa kanila pero agad rin namang bumalik sa mga ginagawa nila

"You look amazing!" bati niya sa akin pagkatapos akong yakapin.

"Maliit na bagay" pabirong sabi ko na sinamahan ko pa ng kibit ng balikat

Natawa naman siya dahil dun .

She's wearing a green mermaid gown with plant patterns that hugged her body perfectly.

Si Mikylla naman ang lumapit sa akin na kasama ang 3 idiots pati ang crush kong si Adriel na sobrang gwapo in white suit.

Napatulala nga ata ako sa kanya kasi kung hindi pa hinawakan ni Branch ang mukha ko para tumingin sa kanila ay hindi ko aalisin ang tingin ko kay Adriel.

"Malala ka na talaga, Aria. Walang hiya kung makatitig ah?" pang-aasar niya sa akin na sinamahan pa ng pangisi-ngisi nung dalawa

"Wala akong alam sa sinasabi ko at ang pangit niyong tatlo" umarte naman silang nashocked sa sinabi ko at humawak pa sa mga dibdib nila

"Akin na yang mga mata mo Aria, kailangan nating linisin" lumapit pa sa akin si Yohann at hinawakan ang mata ko

"Tumigil nga kayong tatlo" saway sa kanila ni Mikylla kaya inasar ko sila by sticking my tongue out

"Ang ganda mo Mikylla!" pinaikot ko pa siya pagkatapos ay pabirong tinignan si Yohann na umiwas naman agad ng tingin

Nakagold na gown si Mikylla na nagpamukha talaga sa kanyang princess kasi sobrang amo pa ng mukha niya

"Hello, Aria" halos mapigil ang hininga ko nang bigla akong binati ni Adriel.

Kinompose ko kaagad ang sarili ko bago siya hinarap. Dapat cool lang.

"Hello, Adriel, gwapo natin ah" tinaas taas ko pa ang kilay ko na parang nang-aasar

Ngumiti naman agad siya sa bola ko at nagkibit balikat na parang nagyayabang pero agad ding natawa sa ginawa niya.

"You look gorgeous" his compliment almost made me smile so wide that I have to bite the inside of my cheeks to suppress it

Babawi pa sana ako sa sinabi niya pero umepal na yung Alpha nila at tinawag na sila

"Gotta go. Kita nalang tayo mamaya after ng speech ni headmistress" nagpaalam na sila sa akin at pumunta na sa designated table nila malapit sa mga faculty.

I took that as a sign to go up because it seems like the headmistress is about to start her speech.

Thankfully hindi ako nahirapang hanapin sila Keisha dahil sila ang abala sa pag-aayos sa mga regular students

"What can I do to help?" tanong ko nang makalapit na ako

Medyo napatalon si Bethany sa gulat dahil bigla lang ako nagsalita sa likod nila pero si Keisha ay with poise pa rin na humarap at ngumiti sa akin.

"You look wonderful" bati niya. Binalik ko naman sa kanya agad yun kasi siya nga itong halos matapatan ang mga demigods dahil sa ayos niya

"You should sit with us" hinila ako ni Bethany at dinala kung saan sila nakapwesto, banda yun sa railings kaya kitang kita ang nasa baba, dun ko piniling maupo kung saan ko makikita lahat.

"Just sit there, inaayos lang namin yung iba and we will join you later. Mabilis nalang 'to kasi malapit na rin magstart" tumango nalang ako sa sinabi niya at tinignan sila sa ginagawa nila

Next sem ay kasama na nila ako sa council and I'm actually pretty excited

Saktong pagbalik nila sa mesa namin ay nagtayuan ang lahat sa pagpasok ng headmistress

Dumiretso siya sa podium at sinenyasan ang lahat na pwede nang maupo

"Good evening everyone" and her speech started

It's just all about the essence of this bonfire which is to unite all the students, demigods and regulars, and then she reminded us to just enjoy and make this a night to be remembered for the rest of our life.

We gave her a round of applause after that.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil namatay ang lahat ng ilaw at sa gitna ay biglang nagkaroon ng napakalaking bonfire.

Tumayo ang lahat sa paligid nun then nagsimula ng tumugtog ang masasayang music.

Nanlaki ang mata ko nang makitang yung iba ay sumasayaw tapos yung iba naman ay nagpapakitang gilas ng powers nila o kaya ay umiinom ng wine, wala akong ibang narinig kung hindi ang tawanan at tugtog.

Hindi makapaniwalang napatingin ako kila Keisha at Bethany na malaki rin ang ngiti at ginagalaw ang ulo kasabay ng music

"Welcome to your first bonfire!" sigaw nilang dalawa at hinila ako patayo para sumayaw na rin

"Akala ko formal 'to?" tanong ko na medyo pasigaw kasi halos hindi nga magkarinigan

"Minsan formal, but the house Dionysus changed it this year, gusto raw nila mag unwind ng sobra" natatawang paliwanag sa akin ni Bethany

Biglang may vine na gumapang sa gilid namin na may mga bitbit na wines, kumuha naman dun si Keisha at binigyan kami.

"Just enjoy the night, Aria. Minsan lang may ganitong party dito sa Amaranth kaya tignan mo naman kaming lahat"

There are so many things going on but I was sure that I was enjoying

I also talked to some of the other regular students, friendly naman ako kaya ang dami kong nakausap sa kanila at sobrang nag-eenjoy talaga ako.

Nang medyo nakaramdam ako ng gutom ay lumapit ako sa table na may mga pagkain para kumuha.

"You got hungry?" medyo nagulat pa ako at muntik nabitawan ang dala kong pinggang nang biglang may nagsalita sa gilid ko

Nakasandal siya sa may pader at may hawak na goblet na for sure ay may wine sa kamay niya

"Bakit ka nandito sa taas?" tanong ko sa kanya habang pinagpapatuloy ang pagkuha ng pagkain

Bago pa siya makasagot ay tinaas ko kaagad ang ulo ko at ngumisi sa kanya

"Alam ko na, may sinusulyapan ka no?" sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at hindi nga ako nagkamali na si Keisha yun

"Wala kang pake" masungit na sagot niya sa akin

"Sus porket bistado kita, sige lapitan mo na kasi, sige ka mauunahan ka niyan" inasar asar ko pa siya pero bigla akong tinalikuran kaya natawa nalang ako

"Pikon"

Bumalik muna ako sa table namin at kumain, maya-maya ay bumalik rin sila Keisha at Bethany na may dala na ring mga pagkain

Hindi rin kami nagtagal sa pagkain at bumalik na sa pakikipag-saya.

I was really enjoying the night, kitang kita ko kung paano gamitin ng mga demigods ang mga powers nila.

May mga nagpapalabas ng apoy na uupusin naman ng tubig.

I can even see the Enas team enjoying themselves.

Lalo na si Branch at Yohan na naghahabulan ata gamit ang super speed nila at teleportation.

It was really fun and everything happened so fast that when I blinked and open my eyes, there was suddenly chaos.

Maybe someone lost control o kaya naman nagkapikunan pero alam ko na hindi na parte ng pagsasaya yun na biglang parang may sumabog na tubig at lahat kami ay nabasa, pagkatapos nun ay pumalibot ang apoy sa gilid kaya napaipon kami sa gitna

"What's happening?" Bethany asked beside me, panic clearly in her voice

"Calm down everyone!"umalis si Keisha sa tabi namin para kalmahin ang lahat pero kahit siya ay hindi sila makontrol dahil nagtutulakan na

Tumingin ako sa baba at sila ang nagkakagulo rin, the vines and other plants are out of control and some are trying to control the situation but they clearly don't know what's happening.

May mga kidlat na rin na naririnig and the worst part is parang gumagalaw pa ang lupa kaya mas nagpanic kami.

Nagkakagulo na ang lahat at sobrang dilim na, ang nagbibigay liwanag nalang ay yung mga apoy.

Hahawak sana ako kay Bethany pero hindi ko maigalaw ang braso ko.

Nanlaki ang mata ko nang pagtingin ko ay nakita kong nabalutan na yun ng mga vines dahil nakakapit ako sa railings, ni hindi ko man lang naramdaman dahil sa panic na nararamdaman ko.

"Bethany tulong!" I asked for help but it seems like she can't hear me because she's also busy calming everyone down

I'm all on my own then

Huminga ako ng malalim at pilit hinihila ang mga sarili ko sa mga vines na umabot na hanggang sa braso ko.

I felt something hugging my waist and when I look down, there are vines tightening itself around my body

"Shit!" I tried to pull myself so hard and maybe it's because of the force that I used because before I knew it

I was falling

Shit!

My only thought was...

Ayoko pang mamatay!

Continue Reading

You'll Also Like

431K 16.2K 65
REINCARNATION SERIES #1 SYPNOSIS: She who died in a hopeless way. And she who died in a hurtful way. But only one who could survive and use one body...
94.5K 4.6K 59
(On-Going)
7.3M 434K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
1.8M 181K 204
Online Game# 2: MILAN X DION