Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 24⇝

430 14 5
By Yllianna

               Mahigpit ang kapit ni Kenji sa bakal na nagsisilbing baitang ng fire escape ladder. Kumuha siya ng bwelo bago pilit iniangat ang sarili pataas sa tulong ng mga braso. Tapos ay halos walang ingat niyang itinuntong ang kanang paa sa unang baitang ng hagdan. Unang baitang lang iyon ngunit lampas tuhod na agad niya ang taas niyon. Hindi kasi abot sa lupa ang kinakalawang na mga baitang ng hagdan. Ngunit sapat lang para makaakyat at makababa ang sinumang gagamit niyon.

                “Kenji bilis,” narinig niyang natatarantang utos ni Ren. Kinakalaban nito ang mga biters na nakakalapit sa kanila. At kailangan niyang magmadali para makaakyat na rin ang kasama bago pa dumami nang husto ang mga biters.

                Dinalasan ni Kenji ang paglipat ng mga paa sa mga baitang. Kahit nadudulas na siya at nagkakapasa sa bawat pagtama ng kaniyang mga binti sa bakal na hagdan ay nagpatuloy siya sa pag-akyat. Isang hakbang na lang at hindi na siya maaabot ng mga biters. Pero nang iangat niya ang paa para umakyat ay biglang may kamay na humawak doon. Nahagip siya ng isang biter at pilit siya nitong hinihila! Muntik nang mahulog si Kenji sa pagkabigla kungdi lang siya nakakapit nang mahigpit.

                Pilit hinihila ni Kenji ang paa ngunit ayaw magpatalo ng zombie. Kahit may bakal na humaharang dito at sa kaniya ay pilit pa rin nitong kinakagat ang kaniyang binti. At kung hindi siya mag-iingat, maaaring mabiktima siya ng biter. Malaki rin naman kase ang pagitan ng bawat bakal na harang ng hagdan.

                Sa pagpupumilit ng zombie, lumusot ang paa niya sa awang ng harang. Agad nitong kinagat ang kaniyang paa. Mabuti na lamang at may suot siyang sapatos. Iyon ang nakagat ng biter. Pero sapat pa rin iyon para lalo siyang kabahan. Isinipa niya ang paa nang ubod lakas. Paulit-ulit. Gusto niyang makawala. Ayaw niyang hintaying matanggal ng mga ngipin ng halimaw ang kaniyang sapatos.

                Halos magwala na si Kenji para makawala sa mahigpit niyong kapit. Nandoong sumipa siyang parang galit na kabayo, iyugyog ang katawan pataas at baba para lumuwang ang kapit ng biter, pwersahang ipasok ang sapatos sa bunganga ng biter sa pag-asang mabilaukan ito at iluwa ang paa niya at kung anu-ano pang maisip niyang paraan.

                “Haaaarrrrrhhh!” malakas na sabi ng biter na parang nauubusan na rin ng pasensya. Ibinuka nitong maigi ang bunganga at mariin na sanang kakagating muli ang paa ni Kenji nang biglang lumusot ang isang kutsilyo sa sintido nito. Agad bumagsak ang biter sa lupang nagiging putik na sa pagkabasa.

                “Akyat na, Kenji. Baka hindi ko na sila kayanin,” sigaw ni Ren nang humihingal na mapatingin siya dito. Agad naman siyang tumalima.

                Mas binilisan niya ang pag-akyat kahit nahihirapan siya. Naroong madulas ang paa niya dahil sa basang tuntungan at magmuntikanan siyang mahulog. Naroong magalusan siya kapag dumudulas ang paa o kamay niya sa mga baitang. Pero hindi siya pwedeng tumigil kahit sandali. Buhay ni Ren ang nakasalalay sa kaniyang pagmamadali.

                Sinaksak ni Ren sa noo ang isang biter at isa pa bago siya lumigid sa kabilang bahagi ng hagdan kung saan naroon ang opening ng fire escape ladder. Hindi siya nag-aksaya kahit isang segundo. Agad siyang nag-umpisang umakyat. Ngunit nakakadalawang hakbang pataas pa lamang siya ay nahagip na siya ng isang biter. Tapos ay ng isa pa. Nagpapasalamat siya sa harang dahil kahit paano ay nakatulong iyon para hindi siya agad-agad makagat na lang ng mga biters. Ngunit hindi sapat iyon para hindi siya maabot ng mga sabik na sabik na zombie.

                Sinipa niya ang braso ng isang biter. Pero saglit lang siya nakaalpas sa kamay nito. Nahagip din agad niyon ang kaniyang pantalon. Hindi naman siya makayuko para saksakin ang mga iyon dahil walang espasyo. Kaya wala siyang ibang magagawa kungdi sipain na lang muli iyon.

                Isang malakas na sipa ang kaniyang pinawalan, sapat upang makawala siya nang tuluyan sa kamay ng biter. Agad niyang iniakyat ang malayang paa sa baitang na hindi abot ng zombie. Ngunit mas nahirapan siya. Hawak pa rin kase ng isa pang biter ang kabilang paa niya. At ngayon ay may pangatlong biter na nailusot na rin ang sariling kamay sa awang ng harang at nahagip din ang kaniyang paa.

                “Dammit! Kenji! Kenji, bilisan mo,” natatarantang utos niya sa kasama.

                Saglit nilingon ni Kenji ang kasunod. Mukhang nahagip ito ng ilang zombie pero hindi siya sigurado. Nahihirapan siyang makakita dahil sa ulan. Pero alam niya, maraming biters sa ibaba. Anim marahil. Hindi kakayanin ni Ren kung mahuhulog ito.

                Inabot ni Kenji ang susunod na baitang. Gusto niyang magmadali. Ang makarating agad sa itaas. Ngunit pinapahirapan siya ng malakas na ulan. Halos hindi siya makatingala dahil binubulag siya ng malalaking patak ng tubig. Hindi niya halos makita ang inaakyat. Ni hindi siya sigurado kung gaano pa kataas ang dapat niyang akyatin. Pero ano’ng choice ba ang meron siya? Nanganganib ang buhay ng kaniyang kaibigan at ang tanging magagawa niya para matulungan ito ay ang mabigyan ito ng espasyo para makaakyat din.

                Muling sumubok umakyat si Kenji. Kumakabog ang dibdib niya sa bawat pag-angat ng paa. Parang bulag kasi niya iyong ginagawa dahil hindi niya nakikita ang babagsakan ng paa. Kinakapa lamang niya ang bawat baitang na tutuntungan, pati na ang hahawakan para maiangat ang sarili pataas. Bawat subok niya, bawat angat ng mukha para makita ang kaniyang pupuntahan ay parang parusa sa kaniyang katawan. Daig pa niya ang tinitira ng isang high pressure hose sa mukha sa tuwing mag-aangat siya ng paningin.

                “Kenji! Kenji, akyat!” narinig niyang sigaw ni Ren mula sa ibaba. Halos lamunin ng malakas na ulan at hangin ang boses ng kaibigan pero malinaw na nakarating ang mensahe nito sa kaniyang tenga. The urgency in his voice was apparent. Kenji knew, he had to move quickly.

                Parang nabigyan ng panibagong lakas si Kenji dahil sa boses ni Ren. Inabot niya ang kalahating dangkal na bakal na halos balutin na ng kalawang. Iyong pinakamataas na maaabot niya ang kaniyang pinuntirya. Halos kalahati lang ng mga daliri niya ang nakakapit doon at unti-unting dumudulas ang mga iyon. Ngunit hindi pumayag si Kenji na pakawalan ang bakal na tuntungan. Mas hinigpitan niya ang kapit doon. Wala siyang sakit na nararamdaman dahil sa pamamanhid ng mga kamay dulot ng lamig. Ngunit alam niya, hinihiwa ng bakal ang kaniyang balat at marahil hanggang sa kaniyang laman.

                Ginamit ni Kenji ang lakas ng kabilang braso para iangat ang sarili. Halos kaunting distansya lang ang itinaas ng katawan niya ngunit hindi niya iyon inaksaya. As soon as his body was lifted up by his sheer determination and remaining strength, Kenji wrapped his hand around the metal bar and tightened his grip. Tapos ay isinunod niya ang kaliwang paa sa pag-akyat. Pero sala ang tantiya niya. Wala iyong hagdang natapakan. Bigla ang pagbigat ng katawan niya dahil doon. Bahagyang dumulas ang kamay niyang nakakapit sa mas mataas na baitang. Pero hindi sumuko si Kenji. Sumubok siyang muli. Itinaas niya ang kaliwang paa at naghanap ng matutuntungan. This time it landed on a familiar feel of the stair. Itinulak agad ni Kenji ang katawan pataas. Pero sa kaniyang pagkabigla, dumulas ang paang akala niya ay secure na nakalapat sa tinutuntungan niyon. At sa kasamaang-palad, dumulas din ang kabilang paa niya dahil sa biglang pagbagsak ng bigat ng kaniyang katawan. Nagpilit si Kenji na ibalik ang control sa sitwasyon at maghanap ng tuntungan para maibsan ang paghila ng kaniyang bigat sa buo niyang katawan pababa. Ngunit halos limang segundo lang ang tumagal nang kumalas din ang kaniyang mga kamay sa kinakapitan. At dahil nasa bahagi na siya ng hagdan na walang harang, tuluy-tuloy na bumagsak ang katawan ni Kenji sa labas ng mataas na hagdan.

                “Aaaaahhhhh!”

                “Kenji!” sigaw ni Ren nang makitang bumabagsak ang kaibigan mula sa itaas. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng katawan ni Kenji sa mababaw na koleksyon ng tubig-ulan. Hindi na kailangang bumaba ni Ren para malamang nasaktan si Kenji. Sigurado siya, may injury ito dahil sa pagbagsak. Pero hindi iyon ang ikinatatakot niya. Nanlalaki ang mga mata at halos natutulala si Ren habang unti-unting lumilinaw sa kaniyang paningin ang kinaroroonan ng kasama. Kenji fell in the middle of hungry, impatient zombies!     

                Nanindig lahat ng balahibo ni Ren nang unti-unting magtalikuran ang mga zombie para inspeksyunin ang lumikha ng ingay sa kanilang likuran. Pati ang mga biters na hawak ang paa ni Ren ay nakuha din ang atensyon at parang nalimutan ng mga ito ang sariwang lamang naghihintay sa kanilang harapan.

                “Fuck! Kenji!” sigaw niya sa pangalan ng kaibigan. Ngunit hindi niya alam kung napansin man lang nito ang pagtawag niya. Gusot ang noo nito at mariing nakapikit ang mga mata habang nakangiwi at di malaman kung tatagilid nang higa o mananatiling nakalapat lang ang likod sa malambot na lupa.

                “Kenji! Kenji, tayo!” muli niyang sigaw dito ngunit hindi nagbago ng posisyon ang lalaki. Ni hindi ito dumilat man lang. Sunud-sunod lang itong nagbuga ng hangin habang mabilis ang paghinga at bahagyang nakatingala. Alam niya, kahit paulit-ulit pa siyang sumigaw para kunin ang atensyon ni Kenji ay hindi siya magtatagumpay. Ngunit kung wala siyang gagawing paraan, siguradong hindi makakaligtas si Kenji. Maraming biters ang unti-unting pumapaligid sa lalaki at wala ito sa posisyon para maipagtanggol ang sarili.

                Desperate, Ren made noise.

                “Hoy! Hoooy! Hoooy! Nandito ako,” labas ang litid sa leeg sa bawat pagsigaw na ginawa niya. Wala siyang tigil sa pagsigaw habang bumaba ng hagdan at mabilis na lumabas mula sa loob ng harang niyon. Hindi pa nasiyahan, kinuha niya ang kutsilyong dala at kinalampag ang metal na harang ng hagdan gamit iyon.

                “Hoooyy!!! Ano ba? Bingi ba kayo?” sigaw pa niya. Ngunit tatlo lang ang humarap sa kaniya. Tatlo na siyang pinakamalapit sa kaniyang kinatatayuan. At ang iba, ni hindi man lang natinag sa paglapit sa nakahandusay pa ring binata sa tubigan. Nang humakbang palapit sa kaniya ang mga tatlong biters na naagaw niya ang atensyon, siya namang pabagsak na lumuhod sa tabi ni Kenji ang isang zombie na unang nakalapit dito.

                “Har!”

                “Shit! Shit! Shit!”

                Ni hindi na nagawang mag-isip ni Ren. He just instinctively ran towards his friend, charging through more than half a dozen undeads. Sinubukan siyang hawakan ng mga zombie pero itinulak niya ang mga iyon palayo.

                “Aarrrhhhh!” sigaw niya na parang mandirigmang sumusugod sa mga kalaban at marahas na binubondol ng sariling katawan ang bawat zombie na humaharang sa kaniyang daraanan. Limang segundo. Limang segundo marahil ang inabot bago siya nakalampas sa grupo ng mga biters. Ngunit limang segundo lamang din ang kinailangan para masunggaban ng biter si Kenji at ibaon ang mga ngipin nito sa braso ng binata.

                “Ah!”

                Nanlaki ang mga mata niya sa daing na iyon ng kaibigan. Ayaw na niyang isipin kung ano’ng kahihinatnan nito. Parang sigang binuhusan ng gas, biglang nagliyab ang lakas at determinasyon ni Ren upang makaligtas at mabuhay. Dalawang hakbang lang ang kinailangan niyang gawin para maabot ang biter na umaatake kay Kenji. Galit niya itong sinabunutan at ubod-lakas na hinila palayo sa biktima nito. Sa lakas ng pwersa ng paghila ni Ren, nabali ang leeg ng biter. Malinaw nilang narinig ang pag-crack ng  buto sa leeg niyon.  Nanatili mang nakakabit ang ulo nito sa katawan ay sigurado siyang lulungayngay iyong parang lantang gulay sa oras na bitawan niya ang kulumpon ng buhok sa kaniyang kamay. Ngunit hindi iyon sapat para kay Ren. Masyadong malaki ang namuong galit at pag-aalala sa katauhan niya upang maging kontento sa sinapit ng patay. Sinaksak niya ang zombie sa noo at hinugot ang sandata saka niya ibinagsak na parang laruang walang pakinabang ang naaagnas na katawan niyon. Tapos ay binalingan niya si Kenji.

                “Kenji!” puno ng pag-aalalang sambit niya sa pangalan nito habang hindi malaman kung ano’ng gagawin. Umaagos ang dugo mula sa brasong ipinanggalang nito sa kagat ng biter. Ngunit may napansin siya. Ewan niya kung dahil ba sa labis na takot at pag-aalala at hindi niya iyon napansin kanina, ngunit nakasangga ang blade ng jungle bolo ni Kenji sa braso nito. Nakaharap sa kaniya ang talim habang ang makapal na bahagi ng blade ang nakalapat sa balat ng binata. Halos mahugasan na ng ulan ang dugo sa sandata nito. “Kenji?” may pagtatanong sa mga matang sabi niya habang sinasalubong ng tingin ang mga titig nito.

                “Okay ako. Sa biter ang mga dugo, Ren,” sagot ni Kenji sa pagitan ng paghingal.

                “Hwuah!” masayang bulalas niya. Hindi siya makapaniwalang hindi nasugatan ang kaibigan. Gusto niyang magtatalon ngunit hindi iyon ang oras para doon.

                “Ren, sa likod mo!” Kenji warned him.

                Ren swiftly turned his body around while stretching his arm out, his hand holding his knife tight and slashing through soft, rotten flesh. Sumabog ang malapot na dugo at bituka ng zombie at natumba iyon. Hindi sapat para mamatay ang kalaban ngunit sapat naman iyon para pigilan ito sa pag-atake. Mabilis na sinaksak ni Ren ang biter sa ulo. He was aiming for its forehead but his knife landed on its left eye instead. Pinatay niya ang isa pang biter habang hirap na tumatayo si Kenji sa kaniyang likuran.

                “Makakalakad ka ba?” tanong niya habang nakikipaglaban sa mga patay.

                “Oo. Pero masakit ang balikat ko. Iyon yata ang napuruhan,” narinig niyang sagot ni Kenji. “Wala tayong choice, Ren. Kailangan nating sa lupa magdaan palabas,” dagdag nito na siya niyang ikinababahala. Hindi niya alam kung ilan talaga ang bilang mga patay sa palengke ngunit may ideya siya kung gaana karami ang mga iyon. At hindi niya gusto ang tiyansa nila ni Kenji para makaligtas mula sa mga ito.

                 

                “Ren. Ren,” tawag-pansin ni Kenji sa kaibigan nang makitang parang natutulala ito matapos niyang sabihing hindi nila magagamit ang mga bubong para tumakas. Muntik pa itong makagat ng isang zombie kungdi lang ito biglang natauhan at nakaiwas.

                “Doon tayo sa kabila lumusot,” suhestiyon nito na agad niyang sinang-ayunan. Dalawang biters pa ang kanilang pinatay bago sila tumakbo patungo sa kabilang dulo ng gusali para sa susunod na eskinita magdaan.

                Nang makarating sa eskinita ay pinagtulungan nila ni Ren ang tatlong zombie na naroon. Kinailangan niyang saksakin ng dalawang beses ang biter na pinatay niya, gaya ng kanina, dahil kulang sa pwersa ang pagsaksak niya doon. Kaliwang kamay ang gamit niya dahil kanang braso ang may injury at kanan ang dominant hand niya. Tinulungan pa siya ni Ren sa pangalawang biter na sinubukan niyang patayin.

                “Tena,” sabi ni Ren sa kaniya nang hindi siya kumilos at nakatitig lang siya dito matapos nitong pabagsakin ang biter na dapat ay mabilis niyang napatay.

                Pilit isinantabi ni Kenji ang pag-aalala at sumunod sa kaibigan palabas ng eskinita. Nang makarating sila sa dulo niyon ay halos sabay sila nitong napahinto. Parang may preno ang mga paang napako ang mga iyon sa malambot na lupa. The place was teeming with undead!

                Saglit silang nagkatingan. Isa lang ang paraan para makatakas sila. Kung malalampasan nila ang mga iyon bago pa sila maharang ng mga iyon, may tiyansa silang makalabas ng palengke nang buhay.

                Alisto, tinanguan niya si Ren saka tumakbo sa direksyong pinanggalingan nila kanina. Mas malayo iyon kesa sa unahan ng palengke, ngunit mas makapal ang biters sa bahaging iyon kaya pinili nilang sa likod magdaan palabas.

                Hindi na niya kailangang lumingon. Alam niyang nakasunod si Ren sa kaniya. Ramdam niya ang bawat pagbagsak ng mga paa nito sa mababaw na tubig-ulang halos bumalot na sa kabuuan ng bahaging iyon ng pamilihan.

                Wala silang tigil sa pagtakbo. Walang lumilingon. Tanging sa pupuntahan lang nakatuon ang kanilang mga mata. Kailangang makalampas sila sa grupo ng mga biters bago pa sila maharangan ng mga iyon. Ngunit parang isang masamang pangitain, parami nang parami ang mga biters na nakakapansin sa kanila at unti-unting lumiliit ang daang magdadala sa kanila sa kaligtasan.

                Habang lumalapit sila sa dulo ng palengke ay lumiliit din ang distansya nila mula sa mga zombie. Paminsan-minsan ay kailangan pa nilang panandaliang huminto para patayin ang isa o dalawang biters para makapagpatuloy. Hanggang sa dumating ang puntong halos maharangan na ng mga iyon ang kanilang daraanan.

                “Hyaaaaa!” determinadong sigaw ni Kenji na lalong binilisan ang pagtakbo kahit may biters na sa kanilang daraanan. Itinaas niya ang sandata nang ilang dipa na lang ang layo niya sa mga iyon. Kenji swinged his bolo left and right, decapitating every undead that his blade reached and clearing a path for him and Ren to go through. Isang marahas na paghampas pa ng bolo ang ginawa niya para mapatay ang dalawang biters na agad bumagsak.

                “Ah!” daing ni Kenji nang biglang tumindi ang sakit sa kanang balikat niya matapos ang huling atake niya sa biters. Kumalat pa ang sakit sa kaniyang bewang. Pakiramdam niya ay may pumipisil nang mahigpit sa kaniyang laman.

                “Kenji!”

                Mabilis siyang inalalayan ni Ren at magkaakbay silang lumayo sa mga biters. Parang matandang may rayuma si Kenji kung titingnan mula sa malayo ngunit tiniis niya ang sakit. Alam niyang hindi kalayuan sa kanila ang mga biters dahil hindi sila makatakas nang mabilis.              

                 Nang marating nila ang dulo ng mga magkakadikit na gusaling nagkukulong sa sentro ng pamilihan ay kumaliwa sila ni Ren para marating ang gibang pader na dinaanan nila papasok.

                “Haar!”

                Pareho pa silang nagulat ni Ren nang biglang tumambad sa kanilang harapan ang biter na iyon. Kinailangan siyang iwan ni Ren para patayin ang zombie ngunit hindi niya inaasahang mabibigla ang katawan niya sa pagkawala ng suporta.

                “Ah!!!”

                Paupong bumagsak si Kenji sa malambot na lupang natatabunan ng ilang sentrimetrong tubig ulan.

                “Kenji!” nag-aalalang hinanap ni Ren kung ano’ng diperensya sa kaibigan ngunit hindi ito halos makapag-focus. Kanina pa naghahabulan ang mga daga sa dibdib nito at hindi nakatulong ang ngiwing nakikita nito sa mukha niya. Hindi naitago niyon ang tindi ng sakit na nararamdaman niya. “Kenji. Okay ka lang ba?”

                Parang naghihingalong humugot si Kenji ng isang malalim na hininga at ibinuga iyon para maibsan ang sakit na nararamdaman bago siya tumango. Sinubukan niyang tumayo uli. Maagap siyang inalalayan ni Ren at tinulungang makatayong muli kahit alam ng huli na hindi talaga maayos ang kalagayan niya. Alam nito, hindi nawawala ang iniinda niya. Ngunit ano pa ba ang magagawa nila? Kailangan nilang tumakas. Kailangang kayanin ni Kenji ang sakit kung ayaw niyang makain ng buhay. Ilang hakbang ang nakuha niyang gawin bago muling tumindi ang sakit sa kaniyang balikat. Parang saglit na hinigop niyon ang kaniyang lakas at biglang nanlambot ang kaniyang katawan.

                Muling bumagsak si Kenji. Hindi niya inaasahan ang pagbigay ng mga tuhod sa pagkakataong iyon kaya hindi niya napaghandaan. Hindi niya naiwasang itukod ang mga braso sa lupa para mabawasan ang impact ng pagbagsak ng katawan niya. Instinct niya ang nag-utos sa mga brasong gawin iyon. Para maisalba sa potensiyal na injury ang kaniyang ulo. Pero dahil doon, lumala ang injury ni Kenji sa kanang balikat.

                “Aaaahhhhh!!!” sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Ultimo dinudurog ang kaniyang buto doon at hinihila habang iniipit ng plaes ang mga laman at ugat. Nagdidilim ang kaniyang paningin habang hinihintay na maibsan ang parusa sa katawan. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay anumang sandali. Pero pilit niya iyong nilabanan. Kailangan niyang manatiling may malay. Kung hindi pareho silang mamamatay ni Ren.

                “Kenji!” nag-aalalang tawag ni Ren sa kaniyang pangalan. Parang bibigay na nang tuluyan ang natitirang tapang nito dahil sa sitwasyon nila. Panay ang lingon nito sa mga humahabol sa kanila habang nakaplaster ang kunot na noo at bahagyang nakaawang na mga labi. Mabilis ang paghinga ni Ren. Hindi nito maintindihan kung siya ang pagtutuunan ng pansin o ang mga buhay na patay.

                Naisabunot ni Ren ang mga daliri sa buhok na parang mawawala na sa sariling katinuan. Mahigpit na pumupulot ang mga iyon sa basang buhok habang nakatungo si Ren at mariing nakapikit ang mga mata.

                “Ren!” hirap na tawag-pansin ni Kenji sa kasama. Halos kapusin na siya ng hininga dahil lang doon.  Ngunit sumubok siyang muli. Kung hindi magpo-focus si Ren at tuluyan itong mag-panic, para na rin nilang inihain ang mga sarili sa mga biters.

                “Ren.”

                “Kenji,” balik-tawag ni Ren. Tinanggal nito ang mga kamay sa ulo at sinalubong ang kaniyang mga mata. “Sorry. Pero makakatulong ang gagawin ko sayo. Sa atin,” sabi nito saka agad kumilos.

               Hindi niya alam kung ano’ng ibig nitong sabihin at hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magtanong. Mabilis na tumayo si Ren at pumuwesto sa kaniyang likuran, sa bandang kanan. Hinawakan siya nito sa kanang braso gamit ang kanang kamay, habang inihawak naman nito ang kaliwang kamay sa kaniyang kanang balikat. At bago pa siya makapagtanong kung ano’ng plano nito, hinila ni Ren ang kaniyang braso palapit dito habang pinigil naman ng kaliwang kamay nito ang pwersa sa braso. 

                “Aaaahh!!!” sigaw ni Kenji. Ganoon din halos ang naramdaman niya nang maitukod niya ang braso sa lupa kani-kanina lang. Halos hindi pa nga siya nakaka-recover sa sakit na idinulot niyon.

                Muling bumagsak ang katawan ni Kenji sa naghihintay na putikan. Sumubsob siya at ni hindi nagawang tulungan man lang ang sariling ibagsak ang katawan sa paraang maiiwasan ang panibagong sakit. Wala siyang pakialam kahit pati ang pisngi niya ay sumalpok sa lupa. Halos umabot na nga ang tubig sa kaniyang bibig at ilong. Pero iba ang nasa utak niya. Iba ang umuokupa ng kaniyang atensyon.

                “Hah! Hah!” hingal na paghinga niya habang iniinda ang dagdag na sakit. Halos mahimatay na siya dahil doon.

                “Kenji! Kenji, tumayo ka. Bilis! Malapit na sila,” narinig niyang sabi ni Ren habang halos hilahin na siya nitong patayo. Nilalamon ng malakas na ulan at tubig sa kaniyang kanang tenga ang boses nito. Nagmistula tuloy iyong parang isang tinig mula sa malayo. Ngunit malinaw ang mensaheng ipinaparating niyon. Malinaw ang emosyong kalakip. Ang takot.

                “Kenji! Ano ba? Tumayo ka!” sigaw muli ni Ren. Para siyang nagising mula sa mahabang pagtulog. Bumalik ang diwa niyang hindi niya namalayaang saglit na naglakbay. Pumihit ang kaniyang mga mata na agad binulaga ng imahe ng natatarantang kaibigan.

                “Ren,” mahinang sambit niya sa pangalan nito. Bago niya napansin ang pangalawang ulong mabagal na lumalapit sa kanila. Biter!

                Nanlaki ang mga mata ni Kenji. Bigla ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso at ang pagbilis ng daloy ng dugo sa kaniyang katawan. Para siyang bateryang biglang nabigyan ng buhay. Without thinking, Kenji instinctively stood up, grabbed his bolo and chopped the zombie’s head off! Nang gumulong ang ulo niyon sa lupa ay saka siya parang biglang may naalala. Namamanghang napatingin siya sa kamay na may hawak na bolo. Tapos ay naglakbay ang kaniyang mga mata sa braso, hanggang makarating ang mga iyon sa kaniyang kanang balikat.

                “Ang…balikat ko…” hindi halos makapaniwalang sabi niya habang parang natutulalang nakatingin doon.

                “Oo. Maayos na ang balikat mo. Naibalik ko na ang buto mo sa posisyon nito,” humihingal na sabi ni Ren habang hawak sa leeg ang isang biter at pilit na inilalayo ang mga ngipin niyon sa sarili. Sinipa ni Ren ang isa pang biter bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. “Pero mamaya mo na titigan ‘yan, pwede? Ang dami pa nating tatakasang ngipin.”

                Parang natauhan namang sumunod si Kenji. Sinakal niya ang isang zombie at sinipa ang isa pa, gaya ng ginawa ni Ren, bago sinaksak sa noo ang nasa harap niya. Masakit pa rin ang kaniyang balikat ngunit hindi na gaya noong una. Kaya na niya iyong tiisin. Kung tutuusin nga ay parang balewala na ang ganoong klaseng sakit sa kanila. Nasanay na ang katawan nilang tiisin ang mga minor injuries na tinatamo nila mula nang magsimula ang malaking pagbabagong iyon sa kanilang mundo.

                “Tena,” utos niya sa kasama na agad sumunod sa kaniya. Tinakbo nilang muli ang natitirang distansya sa pagitan nila at ng gibang pader. Pinilit nilang magmadali. Naghihintay si Kiari sa kanila. And who knows, she might just be in more danger than they were. Ngunit pinipigil ang bawat paghakbang nila ng kumakapal na putik. Bawat bagsak ng paa ay bumabaon iyon sa putik na animo kumunoy at siyang nagpapabagal sa kanilang pagtakas.

                Nang sa wakas ay makarating sila sa hangganan ng teritoryo ng palengke ay saglit na huminto si Kenji para habulin ang paghinga. Maya-maya lang ay si Ren naman ang huminto para habulin naman ang sarili nitong paghinga. Nang makabawi ay ipinagpatuloy ni Kenji ang pagtakbo. Ilang hakbang lang at narating na rin niya ang lalabasan nila. Tinalon niya ang mga tibag ng hallow blocks. Iniwasan niya ang nakausling mga steel bars na dating nagsisilbing frame ng pader. Halos hindi pa siya makapaniwala nang tumuntong ang mga paa sa lupang nasa labas ng palengke.

                “Aaaahhhh!” sigaw ni Ren.

                Naalarma si Kenji. Hindi niya gusto ang tono ng sigaw na iyon ng kaibigan. Nang lingunin niya ito ay agad niyang nalaman kung ano ang dahilan ng palahaw na iyon. Bumagsak si Ren sa tumpok ng mga hallow blocks na natibag mula sa mataas na pader. Sigurado siyang masakit ang pagbagsak na iyon dahil sa matigas at magaspang na semento. Ngunit hindi iyon ang nagpabahala sa kaniya nang lubos. Sa kaliwang hita ni Ren, halos gitna niyon ay nakatusok ang kinakalawang na bakal na dating nagsisilbing kalansay ng pader. Naliligo iyon sa dugo na agad ding nahuhugasan ng ulan. Isang danggal ang nakalitaw sa hita ng kaibigan.

                “Ren!”

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 974 46
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)