✔#1 Claimed by William Fontal...

By _LoveBiteCookie

134K 3.4K 167

"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance... More

Claimed by William Fontalejo
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (Last Part)
Author's Note

Chapter 2

10.4K 285 14
By _LoveBiteCookie

UMIIYAK na naglakad si Emily palabas ng office room ng kanilang talent manager. Ang kanyang sama ng loob ay ibinuhos niya sa pag-iyak hindi na niya alam ang gagawin ngayon pa na may sakit ang kapatid niya at hindi maka-pasok sa eskwelahan.

"Emily anong nangyari?" bungad na tanong sa kanya ni Joana. Hinintay siya nitong lumabas mula sa opisina.

"T-tinanggal ako," pumiyok ang tinig niya at muling humikbi.

Saglit na natigilan ito. Inalo siya gamit ang kanang kamay upang hagurin ang likuran niya.

"B-bakit daw?"

Humihikbi siyang nagkibit-balikat. "H-hindi naman daw ako sikat sa BMagz hindi ko daw magawa ang nagagawa nila Leila, hindi daw ako pansinin kapag ako ang nasa cover ng magazine. Nilalangaw daw sa market."

Muli siyang napahagulgol ng iyak. Alam niyang walang kahit na sino ang makaka-higit sa star model ng BMagz halos kahit sa sponsor at commercials ay pinipilahan ang mga ito. Laking sampal sa kanya ang sinabi ng manager kanina. Pakiramdam niya'y ginawa lamang siyang palamuti sa nasabing trabaho at nang hindi na siya kailangan ay basta na lamang itatapon.

Humalukipkip si Joana at napailing.

"Hindi yan totoo. Bakit ako naman di rin naman ako kasali sa star model pero gusto naman nila ako. Ano pa bang sinabi sayo ng manager na aning-aning na yon? Si Mindy anong sinabi?" tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang photogtapher nilang bading.

"H-hindi daw ako photogenic," mahinang sambit niya.

Joana tsk-ed. "Ang bobo nila limang taon kang model dito tapos sasabihin hindi ka photogenic."

Pinunansan niya ang luha na nagkalat na sa kanyang mukha.

"Hindi ako pwedeng mawala dito sa BMagz. Joana may kondisyon na kapag hindi ko nagawa ng isang linggo hindi ako makakabalik dito kailangan ko 'tong trabahong to."

Napabuga ng hangin si Joana. Giniya siya nito paupo sa isang mahabang upuan malapit sa opisina.

"Anong kondisyon naman daw?"

"Kailangan kong makahanap ng partner para sa photoshoot," aniya. Bahagyang natigil ang kanyang hikbi.

"Emily! Ang daming model dito sa BMagz mamili ka lang, ano ka bang babae ka may iyak-iyak ka pa dyan. Nandyan si Deren-hindi pwede ikakasal na sila ni Katherine, si Joaquin naman akin yon, si Greg-bawal din amazona ang asawa non baka di na magsupply ng gowns at dresses 'yon dito," wika nito na maya-maya'y naiirita siyang tiningnan. "Eh, lahat ng nabanggit kong model may mga sabit na pwera si Joaquin ako ang sinasabitan 'non."

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi nito. Ang nabanggit naman nitong mga model ay nasa schedule na lang kung pumunta sa BMagz dahil may sariling mga negosyo at hindi na kailangan pang mag-trabaho. Deren and Katherine owns a book store at may dalawa ng branch meron ang mga ito.

Ayon sa nabasa niya sa isang magazine patungkol sa dalawa ay hilig ni Katherine ang novel books kaya iyon ang naisipang itayo at suportado ito ng fiancè nitong si Deren. Ang nasabi naman ni Joana na si Greg ay simula pa lang noon ay bihira nila makita sa shoot dahil isa itong businessman at may asawang fashion designer at naka-kontrata sa BMagz kung hindi siya nagkakamali ay may botique na negosyo ang asawa nito.

"Emily halos lahat dito may partner at ikaw-"

"Saling pusa. Hindi mo ba napapansin, Jo? Kapag may absent na babaeng model at may photoshoot ako ang ipina-partner sa mga kapareha nila," putol niya sa sinabi ng kaibigan. Impit na muli siyang napahikbi.

Matagal naman na niyang napapansin na ganoon ang ginagawa sa kanyang treatment. Hindi lang siya talaga ang babaeng kikibo o magtatanong kahit pansin na niya bukod sa importante sa kanya ang trabaho ay mahirap rin para sa kanya ang gumawa ng eskandalo.

Isang beses na pansinin mo ang nakikita mong trato sayo ng mga katrabaho mo ay habang buhay ka na nilang pagiinitan.

Kaya kahit kitang-kita niya na ginagawa lamang siyang option sa BMagz ay hindi na lamang siya kumikibo at mas iniisip ang trabaho.

Bumuntong hininga si Joana at malungkot siyang tiningnan.

"Paano tayo maghahanap ng partner mo. Okay na ba ang kapatid mo?"

Suminghot siya at umiling. "May lagnat pa rin siya. Hindi ko na muna pinapapasok sa school dahil baka maka-hawa, bibili ako ng gamot mamaya." nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pag-aalala sa kapatid. "Joana, baka wala akong mapa-kain sa kapatid ko."

"Wag mong isipin yan. May isang linggo ka para maghanap ng kapareha mo at sa isang linggo na yon maghanap ka muna ng ibang trabaho," wika nito napakamot pa sa ulo. "Wala ka bang ipon Em? Five years ka na sa BMagz di ka naka-ipon?"

"Nagpapa-aral ako, umuupa, nagbabayad ng bills, pinapakain ko ang kapatid ko, magkokolehi-"

"Oo na! Ang sakit sa ulo. Inisa-isa mo pa."

Hindi na siya kumibo at nanahimik na lamang. Mahirap sa kanya ang mag-ipon lalo pa at pinag-aaral niya ang kapatid hindi rin niya pinababayaan sa pagkain ito dahil mahina ang resistensiya ni Emanuel. Ibinibili pa niya ng gamot ang kapatid para magsilbing vitamins nito. Ilang beses na rin siyang naipatawag sa eskwelahan ng kapatid dahil lagi itong nahihimatay.

"Uuwi ka na ba?" tanong sa kanya ni Joana maya-maya.

"Oo pero magbabany-"

"Tinanggal ka daw?"

Sabay silang nag-angat ni Joana ng ulo sa nagsalita. Nakahalukipkip na sila Leila ang nakita nila nakataas pa ang kilay nito at mataman siyang sinusuri.

Agad siyang umiwas ng tingin dito at napatingin kay Joana hindi naman siya kinakausap ni Leila o walang kahit na sinong kinakausap ito sa BMagz kaya bago sa kanya na lapitan siya nito at magtanong.

"O-oo Leila one week daw siyang suspended di ba, Em?" salo sa kanya ni Joana na may ngiting pilit.

Mas lalo naman na tumaas ang kilay ni Leila dahil sa sinabi nito. Lumapit pa lalo sa kanila ito at tumabi sa kanya ng upo.

"Iba ang one week suspended sa one week na palugit para maghanap ng partner," wika nito. "I heard the news."

Yumuko at nagsimulang mangilid muli ang mga luha sa kanyang mata. May kaya naman sila noon mayroon silang bakery shop na negosyo. Ang nanay at tatay niya ang nagpapa-takbo niyon noon.

Magkakaroon na sana sila ng pangatlong bakery shop ng ma-aksidente naman ang mga magulang. Galing ang mga ito noon sa bakasyon sa baguio lulan ng kabibili lamang ng mga ito na sasakyan bilang unang pundar ay ang dalawa lamang ang nag-bakasyon gawa rin na hindi maari sa malamig na lugar ang kapatid niya dahil sakitin ay nagpaiwan siya upang bantayan ito.

Nang mangyari ang aksidente ay gumuho ang mundo niya at walang patid ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng magulang, masakit man sa loob ay i-pinagbili niya ang dalawang bakery shop ng mga ito at ang isang itatayo pa lamang ay binawi ng may-ari ang lupang pwesto sana ng pagtatayuan.

Wala siyang pambayad. Wala siyang kahit na anong ideya sa dapat na gawin. Nang mabili ang unang bakery na negosyo nila ay iyon ang ginastos niya sa libing ng mga ito at ng ang pangalawang bakery naman ang nabili sa binarat na halaga ay iyon ang ibinayad niya sa bumawi ng puwesto sa dapat sanang pangatlong bakery na itatayo ng magulang noon.

Kargo na niya ang kapatid at sila na lamang dalawa ang magkasama may ilan silang kamag-anak ngunit may kanya-kanya pamilya at hindi naman na sila maiintindi pa.

Sa ngayon bukod sa pagta-trabaho ay abala siya sa pag-aalaga at pagpa-paaral sa kapatid, sa kakainin nila at sa mga pangangailangan nito lalo na kapag may sakit si Emanuel kailangan nito ng gamot at vitamins.

"Contact, Liam." pukaw ni Leila sa kanya.

Nang sulyapan niya ito sa tabi niya ay may tipid na ngiti ito sa labi. Ito ang unang beses na nakita niya itong ngitian siya.

"L-Liam?" naguguluhang tanong niya.

Tumango ito. "Yes, William. Tawagan mo o di kaya naman puntahan mo sa office. Want me to give his calling card?"

Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatanga sa kausap kahit ang katabi niyang si Joana ay ganoon din.

Leila sighed. "Gusto mo ng trabaho di ba? Then go. Contact my brother, bibigyan ka non ng trabaho o mas okay na idea kung i-balik mo siya dito sa BMagz at gawin mong partner," wika nito nang wala pa rin nakuhang sagot mula sa kanya si Leila ay inikutan siya nito ng mata.

"Am I talking to a robot? Bukod sa pag-momodel ano pa bang alam mo Emily. Do you have any talents aside from posting on the cam?" mataray na tanong nito sa kanya.

Tumikhim siya. "I-I can bake."

Nanlaki ng bahagya ang mga mata nito. "Really? You know what I also love baking! Magkakasundo tayo," saglit itong huminto sa pagsasalita na tila nag-isip, tumingala pa sa ere at muli siyang sinulyapan. "Basta kung sa trabaho kay Kuya Liam lang talaga kita naiisip papuntahin pasensyoso naman siya yon nga lang tahimik at may pagka-suplado."

Hindi niya namalayan ang sarili na nangiti dahil sa mga sinabi nito. Ito rin ang unang beses na kinausap siya ni Leila at magkwento ng patungkol sa mga kilala nito-sa kapatid nito.

"Ayaw mo ba? Kung gusto mo I can give you Liam's calling card pwede ka sa Wilifs Inc. Or mas maganda talaga na ibalik mo dito si Kuya Liam nang maarawan naman ang abs," sambit nito at mas lumapit sa kanya. "Kapag naibalik mo dito si William sigurado akong ikaw ang next na star model, He's one of the best star model five years ago remember? Grab the chance Emily you still have one week to prepare after work I will give you his calling card." dugtong nito, umalis ng upo sa kanyang tabi at walang paalam itong bumalik sa kinaroroonan ng photoshoot ngayon dahil tinawag na ito ng isang photographer.

"Tama si Leila! Grab the chance Emily," bigla siyang tinapik ni Joana sa kanyang balikat.

Marahan siyang umiling. "H-hindi papayag si Liam, isa pa Joana nakakahiya sa tao. Nai-intimidate ako sa kanila kay Leila pa lang halos hindi na ako nakapag-salita."

"Hindi mo ba narinig? Grab the chance daw. Kapatid na ni Liam ang nagsabi. Si Leila!" wika nito.

Huminga siya ng malalim. "Mag-aapply siguro muna ako ng trabaho kahit sa isang fast food mas mabilis matanggap sa ganoong trabaho kaysa mag-office work ako."

Umiling si Joana sa kanyang sinabi, hindi ito sang-ayon. Hinila nito ang kamay niya at mas hinila siya nito paalis sa upuan at dinala ng lakad papunta sa kinaroroon ni Leila.

"Leila grab the chance na daw itong si Emily," wika nito ng makalapit sila.

Pilit niyang tinatapik ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Hindi man lang siya tiningnan ng kaibigan.

Nakakahiya! yan ang nai-hiyaw niya sa isip.

Leila look at her. Inabot nito ang maliit na pouch mula sa table at may kinuha doon na isang maliit na kulay itim na card.

Leila handed the card to her. Inabot naman niya iyon at tiningnan.

William Fontalejo
Wilifs Inc.

May numerong naka-iprenta doon at kung ano ang posisyon ng binata sa nasabing kompanya ngunit mas nangibabaw sa kanyang paningin ang pangalan ng binata.

William...

"Contact him. Makikilala ka naman siguro ni Kuya, don't worry I will tell him later para hindi siya magugulat na may tatawag sa kanyang dating ka-trabaho," wika ni Leila ng mai-abot sa kanya ang calling card, tumalikod na ito sa kanya.

Bumundol ang kaba sa dibdib niya. Maaalala pa nga kaya siya ni Liam?

Halos limang taon ng wala ang binata sa BMagz at hindi nga niya noon namalayan na wala na pala ito noon, na hindi na nila ito ka-trabaho.

"Ayan, Emily! Wag ka ng choosy si Leila na ang nagbigay ng calling card. Tawagan mo yan at balitaan mo ako," Si Joana na may ngiti sa labi at tila sigurado na tatawagan nga niya ang numero sa calling card.

Tinanguan niya ito. "K-kailangan ko ng umuwi, Jo. Ang kapatid ko walang kasama sa bahay at ibinilin ko lang sa land lady," sabi niya.

Inihatid naman siya ni Joana sa labas ng BMagz at nang makasakay siya ng bus muli niyang tiningnan ang calling card na binigay ni Leila sa kanya.

William Fontalejo...

Huminga siya ng malalim at itinago niyang muli sa maliit niyang bag ang calling card.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...