A Forbidden Affair (Guieco Cl...

LovieNot द्वारा

34.9K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... अधिक

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 4- TERRITORY

854 58 12
LovieNot द्वारा


I slowly and wearily dragged myself out of bed. It was yet another weekday, signaling the need for me to return to MHIS. I made a concerted effort to fend off the overwhelming drowsiness that clung to me. Ever since that last night when I was with...

C'mon, Marciella! Don't even think about him or mention his name.

Tatlong araw pa nga lang ang nakakalipas pero hirap na hirap na akong iwasan at deadmahin ang presensiya niya lalo na kapag nagkakasabay kami sa hall way o kaya ay sa DH para kumain.

Alam ko rin na may ilan na sa mga kasamahan namin na nagtataka at nakakapansin sa mga ikinikilos ko tuwing nasa tabi-tabi lang siya.

I'm making an effort to spend most of my time alone and avoid mingling with them. The more I engage with the group, the more conspicuous it becomes that I'm actively avoiding one specific person among them.

Well, mukha naman ding kaya ko nakayanang umiwas dahil umiiwas din siya sa akin o kaya naman ay wala rin talaga siyang pakialam pa. Mabuti naman kung gano'n.

Talaga ba, Marci? Zsss! Taksil talaga minsan ang utak ko, eh.

Napabuntonghininga na lang ako at kumilos na. Baka mamaya ay ma-late pa ako, eh. Hindi ako si Kenya na kahit ma-late ay ayos lang dahil may-ari naman ng school ang asawa niya.

Speaking of Kenya, alam kong siya lang talaga ang hundred percent na nakakapansin sa nangyayari sa amin ng kapatid niya. Napaka-observant ng isang iyon at idagdag pa na mukhang gano'n din si Dailann. Baka nga kami na ang madalas nilang pag-usapan eh. Sarap talagang isako ng mag-asawang iyon.

Pumasok na ako sa bathroom at agad naligo at isinuot na ang uniform ko para after kong kumain ay magto-toothbrush na lang ako and then gora na.

Lumabas na ako ng flat na nakaplastada ang aking so-serious-mode kung i-describe ni Kenshane.

Hindi ko alam kung bakit lahat ng Guieco ay may mga sapak talaga. Iyong maiinis ka pero mas lamang 'yong mamahalin mo sila dahil sa mga 'di mapaliwanag na nilang katangian.

"Good morning my pwend," agad na bati sa akin ni Kenya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Himala, ah? Aga mo yata ngayon, saan ang mister mo?"

"Grabi ka naman sa akin. Nauna na, marami pang aasikasohin yon eh," nakanguso niya pang saad.

"Iyan kasi. Sabi nang 'wag maghahanap ng big time boss, eh," saad ko sa kaniya.

Napasipol naman si Kenshane habang ang iba ay napatingin na rin sa akin.

"Issue na naman sa inyo 'yong sinabi ko? Naku, sumasakit panga ko sa inyo. Tigilan niyo ako," sermon ko at malamyang tingin ang itinapon sa kanila.

"Sabi kasing 'wag niyong iniisyuhan," saad ng daot ko ring kambal. Hindi naman malakas 'yon pero narinig ko. Dumukwang ako sa may kusina.

"Good morning, Marci!" masiglang bati sa'kin ni Lovimer na siyang nasa loob.

Nangunot-noo naman ako at tinanong ito. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Of course, pinaghahanda ka ng makakain baby, oh, yeah."

Natawa na lang ako sa kapilyohan niya. "As if. Ikaw pala ang naka-duty dito now, sana forever ka na diyan sa kitchen," biro ko pa.

Napanguso naman siya. Mukhang kinilig naman sa pa-pout niya ang junior agent na babae na assisstant niya. Iba rin talaga ang radar ng lalaking ito eh.

"Ayaw ko nga, sa guwapo kong ito ay ikukulong niyo lang dito sa loob? No way! Maraming girls ang magluluksa. Pero kung ikaw naman ang kasama ko dito then why not? My pleasure, baby," pa-cute na sakay niya rin sa pang-aalaska ko.

Ito talaga ang dahilan kung bakit kami magkasundo ng isang ito. Marunong siyang maki-ride sa trip ko at gano'n naman din ako sa kanya. Alam niya rin kung kailangan siya dapat magbiro at kailangan hindi. Magaling makisama at makiramdam ang isang Lovimer Guieco.

Saka kahit anong patutsada namin sa isa't-isa, safe naman sa possibilities ang mga puso namin. Like never kaming mahuhulog sa isa't-isa.

"Sure ba basta ikaw ang lulutuin ko," natatawa kong saad.

Alam kong may mga nakapila pa sa likod ko pero 'di ko namang kasalanan na dinadaldal ako ng cook dito eh.

"Tsk, baliktad yata, ako dapat ang kakain sa 'yo," aniya at binigyan ako ng joke-lang-look sabay hagalpak ng tawa. Nailing na lang ako habang natatawa na lang din sa kahadufan niya.

"Kung gusto niyong magligawan at maglandian, just get a room or do it outside this place, 'wag dito. Huwag sa oras ng trabaho at sa oras na gutom na ang taong nakapila rito."

Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa nagsalitang iyon na nasa likuran ko lang.

"Sorry, Boss slash Cousin Ashmer. Tatandaan ko 'yang sinabi mo," sagot din ng lokong Mer sabay kindat sa akin.

Mukhang nang-aalaska pa ang isang ito. Halata rin namang alam niyang nasa likuran ko pala si Ashmer.

Binigyan ko siya ng bakit-di-mo-sinabi-na-nasa-likuran-ko-siya look pero ang loko ay tumawa lang.

"Ito na ang breakfast mo, Marci, baby. Date tayo kapag wala na ako sa work at kapag 'di na din sila gutom. Should we get a room too?" tanong niya sa excited ngunit nang-aasar na tono. Napailing na lang ako.

"Ewan ko sa 'yo, Lovimer. May mga batang nakikinig. Gags ka talaga," natatawa ko pang saad.

"I gags you too!" pakanta niyang tugon na halatang may ginaya lang naman. Nuknukan sa kadaotan talaga ang katawan ng lalaking ito.

Abnormal ngang talaga.

Pumulos na ako para maghanap na ng bakanteng mesa na pwedeng mapwestuhan. Fortunately ay may nakita agad ako. Hindi na rin ako sumubok na titigan o sulyapan man lang ang taong robot na aburido na nasa pila.

Himala yatang nakipila rin siya. Hinanap
ng paningin ko si Percy pero wala siya. Ibinaba ko na ang dala kong pagkain at naupo.

Tahimik na kumain ako. Maya-maya ay may pabagsak na naglapag ng tray sa mesa ko. Awtomatikong sinamaan ko ang sinumang malakas ang loob na gumawa iyon. Agad na nawala ang lahat ng emosyon na nasa mukha at mata ko ng mapagtanto kung sino.

Epal ka rin talaga, Ashmer Guieco.

"Makiki-share lang ng mesa kung puwede, wala na akong mapwestuhan eh," aniya pa.

Binalewala ko na lang ulit ang presensiya niya at kumain na para bang walang kasama.

Minadali ko ang pagkain, nabulunan pa ako at siya ang nag-abot ng tubig sa akin, no choice ako kundi ang tanggapin.

"Dahan-dahan kasi," kaswal lang ang pagkakasabi niya niyon pero may kung anong emosyon ulit na namumuo sa sistema ko.

"Thanks," tipid kong saad at tumayo na. Sakto lang din ang pagpasok ni Percy.

"Good morning, hon. Good morning, Marci," nakangiti nitong bati sa amin and then again, naghalikan sila sa harap ko. Yong halik na hindi lang smack kundi minuto.

Pinigilan kong mapakuyom dahil makikita iyon ng mga kasamahan namin na naagaw na rin nila ang atensiyon.

"Silly. Miss na miss ako, ah?" saad ni Percy sa kanya nang finally ay naghiwalay na ang mga labi nila.

Umalis ka na, Marci.

Akmang hahakbang na ako nang binuhusan ni Gab si Jinro ng malamig na tubig.

"Fucking shit,Brel! Inaano ba kita?" asik ng isa.

"Huwag mo sabi akong asaring taba eh!" sigaw pabalik ng kambal ko. Naagaw din nila ang atensiyon ng lahat.

"Mataba? Eh, isang sagi na lang sa 'yo, tumba ka na. Wala akong sinabing gano'n, nabibingi ka lang. Itong baboy sa plato ko ang tinutukoy ko."

"Aba't! Gusto mong maunang tumumba, ha?" asik pa ng malditang kakambal ko at inambahan ng suntok' ang isa pero agad na nasalo ko ang kamao niya na sapul sana sa mukha ni Jinro.

"Joke lang, sineryoso na," bulong pa ni Jiro.

"Joke lang din naman na susuntukin kita," bulong niya rin. Nailing na lang ako sa kanila.

"Let's go, Gab. Mali-late na tayo," yaya ko pa.

Padarag siyang tumayo at sinamaan ng tingin si Jinro na masama rin naman ang tingin sa kanya.

"Mabuti pa nga, Bal. Mga haduf ang tao dito lalo na 'yong mga lalaking Guieco. Go to hell, y'all!" aniya pa at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Mabait ako, babe Gab! Sa heaven ako mapupunta!" sigaw ni Lovimer mula sa kusina.

"Except sa 'yo, baby love!" balik sigaw niya rin sa lalaki na kanina lang ay ako ang pinagdidiskitahan.

Mga nyawa talaga.

Sabay na kaming lumabas. Nang makalayo na kami sa DH ay bigla niya na lang akong niyakap.

"Gab? Problem?" usisa ko sa kanya.

"Bakit mo hinahayaan siya na saktan at ipahiya ka, Marci? Alam mo bang masakit para sa 'kin ang ginagawa niya? Sinasaktan ka nila."

Namasa naman ang mata ko dahil sa sinabi ng kambal ko. Kumalas ako sa kanya at pinunasan ang luha niya. Yes, umiyak na naman siya dahil sa akin. Palagi namang ganito eh.

Siya ang unang taong nasasaktan tuwing nasasaktan ako. Siguro nga gano'n kalakas ang bond namin sa isa't-isa o baka normal lang talaga iyon dahil iisang dugo lang ang meron kami.

Maging ako man ay willing na pumatay sakaling may manakit sa kanya nang husto.

"Kaya ko, Gab, okay? Wag ka ng umiyak diyan. Mas bumibigat lang ang pakiramdam ko."

Sunod-sunod na tango naman ang ibinigay niya.

"Stay away from that jerk! Hindi mo deserve ang masaktan, Bal. Marami namang lalaki diyan eh. Iba na lang kasi ang mahalin mo."

Yes, marami pero siya lang ang nakakapagpatibok ng puso ko. Kung puwede nga lang diktahan ang puso ko na iba na lang ang mahalin ay ginawa ko na.

"Thanks sa concern, 'wag mo na akong intindihin. Ikaw talaga, si Jinro pa tuloy ang pinagbuntungan mo na naman," natatawa kong saad.

Alam ko naman na drama lang 'yong ginawa niya para mabaling sa kanila ang atensiyon ng lahat at hindi sa aming tatlo nina Percy.

"Hayaan mo ang isang iyon, saka utos niya naman eh, sabi niya ibuhos ko raw sa kaniya ang tubig at kunwaring magagalit siya."

Mas natawa pa ako. Silang dalawa talaga ni Jinro ang taga-salba sa 'kin sa kahihiyan ,eh.

"Salamat kamu sa maganda niyong palabas. O siya, kilos na at mahuhuli na talaga tayo," sabi ko, ngumiti siya at naghiwalay na kami ng landas.

Swerte pa rin ako at may taong nakakaalam sa totoong nararamdaman ko kahit hindi pa ako magsalita at si Gab iyon. Naiibsan lagi ang sakit na nararamdaman ko tuwing siya ang nagko-comfort sa akin.

Nagmadali na rin akong pumasok sa flat ko at nag-ayos. Bitbit ang susi ng kotse ko ay lumabas ako ng flat at dumiretso sa parking.

Naabutan ko pa si Percy kasama ang kasintahan niya at mukhang paalis na rin. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana mo sila na ang nananadya.

Bahala nga kayo. Mga buwisit.

Walang lingon na pumasok ako sa loob ng sasakyan ko, bumusina si Percy kaya ginantihan ko rin siya ng busina rin. Nauna siyang umalis at awtomatiko na sumunod ako.

One way lang kami ng pupuntahan dahil pupunta siya sa FIS na hindi naman gano'n kalayo sa MHIS. Ihahatid niya ang mga picture, nabanggit niya kasi iyon kagabi noong kumakain kami.

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo at inunahan na siya. Mahuhuli na kasi ako. Mabuti na nga lang at nasa loob na ako ng campus ng mag-ring ang bell for flag raising ceremony.

Pumunta na ako sa FR matapos kong makapag-log-in sa Dean Office.

"Good morning, Miss Perrer," bati sa'kin ni Sir JB na nasa kabilang mesa lang. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Malungkot ka na naman, ah?"

"Hindi naman, in born na talaga akong ganito," biro ko pa. Natawa lang siya.

"Binding Ties... Ang ganda ng story na 'yan," aniya pa na ang tinutukoy ay ang libro na nasa mesa ko.

"Ah, yes, tapos ko na rin naman 'yan. Nakalimutan ko lang iuwi."

"Sobrang hilig mo talaga sa libro, ano?"

"Yeah, best buddy ko na ang libro eh."

"Yun lang ba ang hobby mo?"

"Ahhm, I do music. I can play piano but hindi madalas."

Bakas naman sa mukha niya ang paghanga dahil sa sinabi ko.

"Wow, pareho pala tayo. I play piano as well as guitar."

Guitar? I remember someone na hindi na dapat inaalala pa. Zsss!

"Cool," sambit ko.

"Kahit naman ang Kuya Ash ay marunong din namang magpiano at maggitara, ah? Kaya niya ring mag-drum," singit ni Kenya. Napataas-kilay naman ako. Kailangan may pa mention?

"And? Pinaglalaban mo?"

"Wala, share ko lang naman."

Natawa lang sa amin si Sir JB.

"Doon ka na nga," pagtatabuyan ko sa kanya. Mabuti at hindi na nangulit pa.

"Ash who? I mean, ano mo? Jowa?"

Napakuyom naman ako, 'di niya naman makikita dahil nasa ilalim ng mesa ang kamay ko.

"Hindi ko rin kilala kung sinong Ash 'yon," tipid kong sagot.

"Ah, I see."

Hindi na ako nagsalita pa at nagbasa na lang ulit habang wala pa akong session.

Sa second period ay Grade-7 pa ang session ko. Ang grade na may pinakamakukulit at nakaka-stress ang kadaldalan. Sa kay Kenshane lang siguro 'di umu-obra ang kakulitan nila dahil kahit naman clingy na tao iyon ay istriktang titser naman. Parang si Gabriella lang din, sa magkaibang paraan nga lang.

"Anong ibig sabihin ng katagang 'isang tuka, isang kahig' sa kantang Hari ng Tondo ni Gloc 9?" tanong ko pa.

Nasa pinakaunang talakayan namin ito at dahil sa patapos na rin ang school year ay sinusubukan ko kung hanggang saan ang kaya nilang alalahanin na sa mga naging talakayan namin.

"Mahirap, Ma'am, mahirap!"sabay-sabay na sagot nila.

"Good. Sinong pwedeng makagawa ng pangungusap gamit ang salitang mahirap at naaayon din sa gamit nito sa kanta."

"Ma'am Marci!" Halos lahat sila ay nagtaas kamay maliban sa mga pasaway.

"Ginoong Chavez," tawag ko sa pinakamadaldal sa klase.

"Ako po, ma'am?"

"Sino pa bang Chavez dito, duh?" asar sa kanya ni Lyca.

"Opo, ikaw," pag-uulit ko.

"Mahirap magmahal lalo na kung hindi ka naman minamahal," seryosong saad nito.

Nagsihagalpakan naman ang buong klase.

Nyawa, oo nga naman. Bwiset, natamaan ako, ah?

Pero napataas-kilay ako ng mukhang proud na proud pa ang bata sa kanyang sagot.

"Sinabi ko na bang umupo ka na, Chavez?"

Napakamot naman siya sa noo at tumayo. "Sorry, Ma'am Crush este Ma'am Marciella."

"Anong koneksyon ng sinabi mo sa kantang Hari ng Tondo?" usisa ko.

"Wala po. May mga bagay po talaga na 'di mo malalaman ang koneksyon lalo na kapag 'di mo pa nararanasan."

Tawanan na naman. Haduf ang batang ito. Kulit talaga. Inaasar ba ako ng isang ito?

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Ginoong Chavez."

"Pasensiya na ho, ma'am pero maging ako ay hindi rin nakikipagbiruan, totoo naman po ang sinasabi ko."

Gusto kong kamutin ang sentido ko. "Lalim ng hugot mong bata ka, bigo ka ba?" pabirong asik ko kahit ang totoo ay napipikon na ako sa mga naging sagot nito. Puro kalokohan lang, eh.

Nagsitawanan na naman sila. "Opo ma'am, bigo po talaga ako." Napataas-kilay na naman ako. "Bigong-bigo po ako sa'yo. Bakit po kasi hindi tayo sabay na ipinanganak?" dagdag niya.

Napuno ng tuksuhan ang loob. Napailing na lang ako.

"Quiet!" saway ko sa kanila, mabuti naman at nakinig agad sa'kin. "Yong pag-aaral niyo ang atupagin niyo, hindi kung ano-ano. May tamang panahon para magmahal kayo. Hintayin ninyo ang tamang pagkakataon na 'yon. Hindi niyo kailangan magmadali. Naiintindihan ba?"

"Opo, Ma'am Perrer."

"Good. Kumuha ng isang pirasong papel at gumawa ng repleksyon patungkol sa mga natutunan niyo sa asignaturang ito. Ayusin niyo dahil lahat ng makakakuha ng 95 pataas na iskor ay exempted na sa Markahang Pagsusulit. Ang mangopya at magpapakopya ay ibabagsak ko agad. Naiintindihan?"

"Opo!"

"Naiintindihan po."

Minsan kailangan nating sindakin ang mga estudyante para naman matuto sila.

Natapos ang buong maghapon ng sobra akong na stress dahil sa puro nasa Junior High ang klase ko. Nakahinga ako nang maluwag ng narinig ko na ang bell hudyat na pwede na kaming umuwi.

Agad na umuwi ako at bagsak ang katawan na inihiga ko sa sofa. Inabot ko ang remote at hinayaang nakabukas ang TV.

Mukha akong lantang gulay, ah?

May nag-ring ng bell ko. Sino na naman kaya ito? Kakarating ko lang eh, isturbo talaga.

"Pasok!" sigaw ko pero nanatiling nakapikit ang mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang hakbang papunta sa gawi ko.

"Ito na ang mga librong ipinangako ko sa 'yo."

Idinilat ko naman ang isang mata ko at tuluyang napaayos ng upo nang mapagtanto kung sino ang bisita ko.

Boysita kamu.

"Sana 'di ka na nag-abala pa," kaswal na sabi ko.

"Zsss! Hindi ba uso ang magpasalamat ngayon?"

For the pain? Eh, di thank you.

"Salamat pala. Makakaalis ka na ho," matamlay na saad ko at nahiga at pumikit ulit.

Pero matapos ang ilang minuto ay hindi ko pa rin narinig ang pagsara ng pinto kaya padarag akong napabangon.

Nanliit ang mata ko nang makita siyang nasa kusina pala. Tinatamad man ay naglakad ako papasok sa kinaroroonan niya.

"What are you doing, Ashmer? I said leave," asik ko pero tinapunan niya lang ako ng tingin tsaka ibinalik ang atensiyon sa ginagawa niya.

"After kong ipagluto ka, aalis na ako. Kaya 'wag kang maingay diyan. Matulog o manuod ka na lang muna doon. Wala akong pakialam sa'yo."

"Marunong akong maluto..."

"Wala akong sinabing hindi. Boss mo ako kaya inuutusan kitang lumabas na muna sa kitchen na ito."

Haduf na 'yan!

"Kusina ko ito. Flat ko ito. My Flat, my rules."

"Na nasa teritoryo ng pamilya ko," mayabang niyang saad. Sinamaan ko siya ng tingin pero 'di pa rin nagpatinag. "My territory, my rules."

"Bahala ka nga! Nai-stress lang ako sa 'yo lalo. Umalis ka na pagkatapos mong magluto, dalhin mo na rin 'yang niluluto mo. Baka kasi wala ka lang gas kaya dito ka nakikiluto." Natawa naman siya bagay na ikinainis ko. "What's funny?"

"Ang sabi ko ipagluluto kita, hindi ipagluluto ang sarili ko. Gano'n ka ba ka-stress para hindi maintindihan ang mga sinasabi ko?"

"Abnormal!" singhal ko at iniwan na siya.

Pinakatitigan ko ang cartoon na dala niya. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko. Hindi ko maiwasang mapahanga sa mga librong nandodoon. Inisa-isa kong sinipat iyon. Iba-ibang genre at halos lahat g genre ay meron.

Mukha nawala bigla ang stress ko sa katawan. May halong tuwa na inilagay ko ang mga iyon sa glass cabinet ko kung saan nandodoon ang mga collection ko ng mga librong pinagpupuyatan kong basahin.

Isa lang ang inilabas ko muna, ang romance na may titulong 'In God's Perfect Time'. Mukhang interesting eh.

Binasa ko muna ang buod. Maganda nga. Nakangiting pinakatitigan ko iyon.

Simula na naman ng pagpupuyat natin Marci.

"Nagustuhan mo ba?"

Hindi ako nag-abalang lumingon dahil kita ko naman ang reflection niya sa cabinet.

"Yeah. Thank you ulit."

"My pleasure, baby," sarkastikong niya pang saad. Ginaya pa ang paraan ng pagkakasabi niyon ni Lovimer. Napasinghap ako bago siya hinarap.

"Nakapagluto na ako. Kumain ka na lang. I have to go, may mission sina Kenya mamaya. Kailangan kong i-monitor siya at baka gumawa na naman ng kalokohan iyon. Nakakainis lang na ang lakas ng loob niyang makipagsayaw sa bala."

Mukhang sobra talaga siyang nag-aalala kapag si Kenya ang nasa misyon.

"Diretso ka na ng control room?"

"Yeah. Kailangan ma-set up nang maayos ang lahat bago sumabak ang pasaway na iyon."

"Let's eat muna," saad ko. Mukhang hindi naman niya inaasahan ang sinabi ko.

"Huwag na..."

"Kung ayaw mo, dalhin mo na lang lahat ng niluto mo," seryoso kong asik.

Napatitig naman siya sa'kin pagkuwa'y napabuntonghininga.

"Fine."

"Saka isama mo ako sa control room."

"Wag na, Ell. Magpahinga ka na lang."

Natigilan naman ako. Ilang araw din na 'di ko naririnig na sinasambit niya ang pangalan ko.

"Hindi ako pagod..."

"Lokohin mo lelang mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa na naman siya. "Iyan ang hindi pagod? Kaunting biro ay galit agad?"

Hindi na ako umimik pa at nagpatiuna na sa kusina.

Wala lang ito, Marci. Walang malisya ito. Wag na wag kang mag-isip ng kahit ano patungkol sa kilos niyang ito. Nangako ka na.

Napabuntonghininga na naman ako. Hanggang kailan ko palaging papaalahanan ang sarili ko?

Vote. Comment. Follow.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

430K 20.6K 37
After two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...