MUNDO NG MGA TAO UNITED KINGDOM
MIRA'S PROVERBS
Kaninang umaga pa ako nag-send ng ng email tungkol sa naganap dito sa UK nagdaan nalang ang mga oras ay wala pa ring nag-reply sinubukan kong tawagan ang aking mga kamag-anak nag-ring ang kanilang mga cellphone ngunit walang sumasagot hindi ko mawari kung bakit medjo kinabahan ako ngayon at parang gusto ko ng bumalik sa Encantadia.
ANGELO:Mira!(Tawag pansin sa akin ng aking kasintahan)
MIRA:Ayy..pashnea!
ANGELO:Anong pashnea?
MIRA:Nangugulat ka kasi!
ANGELO:Kailangan na nating bumalik sa Encantadia ngayon din.
MIRA:Bakit may nakikita ka bang na may nangyaring hindi maganda doon?
ANGELO:Oo Mira,nilusob nila Ether ang apat na kaharian na ngayon ay napasakamay na nila!
MIRA:Tanakreshna,kaya pala kinutuban ako kanina.. teka paano tayo makakabalik agad meron bang lagusan dito papuntang Encantadia?
ANGELO:Oo sa loob ng St. Paul's Cathedral
MIRA:Batid mo ba ang daan patungo doon?
ANGELO:Oo
Kaya nagmadali kaming nag-impake at agad kaming nag-ivictus patungo sa St.Paul's Cathedral pagdating namin doon ay mabuti nalang na walang tao kaya walang makakakita sa amin kaya tinapat ko na ang susi sa lagusan.
MIRA:Asnamon voyanazar!
At agad namang nagbukas ito pagpasok namin sa Encantadia ay sinarado agad namin ang lagusan.
ENCANTADIA
Pagdating namin sa kagubatan ng Encantadia napansin namin agad ang kakaibang katahimikan dito sa hindi kalayuan ay nakita agad namin ang Lireo ngunit wala na itong kabuhay-buhay papalapit na sana kami ni Angelo doon tingnan kung ano ang nangyayari ngunit may mga sumalubong na mga Kawal Niybe sa amin at nilusob kami walang pagdadalawang isip ay nagpalit agad kami ng gayak pandigma at nilabanan ang mga ito gamit ang aming mga sandata hindi naman masyadong malakas ang mga ito kaya madali namin silang nadaig.
ANGELO:Nasa Nathaniel sila kailangan natin magtungo doon.
tumango naman ako bilang pag-sangayon saka nag-ivictus kami patungo sa Nathaniel.
KAHARIAN NG NATHANIEL
ANGELO'S PROVERBS
Pagdating namin sa Nathaniel ay agad kaming sinalubong ni Irah at ng iba pang mga kawal.
IRAH:Maligayang pagbabalik Mahal na Sangre at Rehav.
ANGELO:Avisala eshma Irah,maayos lang ba ang kalagayan ng ating ibang kasamahan?
IRAH:Oo Rehav sapagkat pinagaling sila ng Mahal na Diwani Dasha ngunit maraming mga buhay na nalalagas dahil sa naganap na labanan.(Malungkot na sambit ng Mashna)
MIRA:Ano ba talaga ang nangyari,kung bakit nanaig ang mga kalaban?
IRAH:Sapagkat naging malakas ang sila Ether,Lucio,at Agatha saka may bago silang kasama sa pagkakaalam ko ay si Ravana daw iyon,iyong Bathalumang isinumpa na kinatatakutan ng lahat pagkatapos ay mas dumoble ang kanilang bilang.
ANGELO:Heto na nga ang araw na kinatatakutan natin na napakasamay na ng mga kalaban ang apat na kaharian,wala bang nabihag ang mga kalaban?
IRAH:Wala naman Rehav,siya nga pala nais niyo ba na ipaalam ko sa mga Hara at Rama na nakabalik na kayo?
MIRA:Avisala eshma ngunit hindi ni Mashna natitiyak ko na pagod sila sa pakikipaglaban.
IRAH:Kayo ang bahala.
ANGELO:Magpahinga na din kayo.
SA KAHARIAN NG HATHORIA
AGATHA'S PROVERBS
Kasalukuyang nakaupo ako sa trono ng dating Hara ng Hathoria na si Pirena kasalukuyang umakyat ang isa sa aking mga alagad dala-dala ang korona na panghara saka isinuot ito sa aking ulo ang sarap ng pakarimdam na malasap mo ang tagumpay kung tutuusin ay mas bagay pa sa akin ang korona kaysa dating nagmamayari nito HAHAHAHA sa loob ng mahabang panahon ay sa wakas napapasakamay din namin ang buong Encantadia!!😈
KAHARIAN NG SAPIRO
LUCIO'S PROVERBS
Sa wakas masusuot ko na rin ang korona bilang isang ganap na Hari hindi man sa Elementia ngunit natutuwa pa rin ako sapagkat natupad ko na ang matagal ko ng ninanais na pamunuan ang mga encantado nasasabik na ako sa unang hakbang na aking gagawin sapagkat gagawa ako ng batas na umaayon lang sa akin! 😈
KAHARIAN NG ADAMYA
Hindi ko kailangan ng isang korona upang madeklarang pinuno sapagkat isa akong Bathaluman maari akong maging pinuno kung nanaisin ko at sambahin mga encantado bukas na bukas ay magpapatawag ako ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga bagong batas na aming ideklara sa buong Encantadia!
SA MUNDO NG ELEMENTIA
KAHARIAN NG AQUA
TARIQUE'S PROVERBS
Sa matagal ng panahong kapayapaan sa aming mundo ay hindi namin inasahang may kaguluhan pang magaganap ng dahil mga nilalang na bigla nalang sumulsupot na hindi namin batid kung saan ito nangaling ang bawat kaharian ay naging abala sa pakikipaglaban sa mga nilalang na ito madali lamang itong talunin ngunit napakarami ng kanilang bilang.
Malakas ang kutob na na pinaglaruan kami ng mga kalaban at may masamang nangyari sa Encantadia kaya pinadalhan kami ng mga halimaw upang hindi kami makakatulong sa aming mga kaibigan mula sa kabilang mundo.
KINABUKASAN..
KAHARIAN NG LAHAR
VANESSA'S PROVERBS
Kumusta na kaya ang kanilang kalagayan?Magdadalawang linggo na noong huli kaming nakita-kitang magkakaibigan sana naman walang masamang nangyayari sa kanila,sumagi sa isipan ko ano kaya kung magpadala ako ng message sa aming gc.
CHAT CONVERSATION
🌀THE ELEMENTAL FRIENDS🌀
Vanessa Cruz:Hi guys kumusta na kayo?
Adamus Serrano:Mabuti naman ang aming kalagayan pero nagkaroon nga lang ng problema.
Vanessa Cruz:Bakit ano bang nangyari diyan?
Alana Topacio:Sinugod lang naman kami ng mga kalaban at napakasamay lang nila ang apat na kaharian dito pashnea!😠
Juno Mendoza:Nako malaking problema nga iyon,kami nga may kinalaban kaming mga halimaw kahapon na hindi namin alam kung saan nanggaling ang mga ito.
Argo Villanueva:Paano napasakamay ng mga kalaban ang kaharian niyo? na lamang nga kayo sa kapangyarihan di ba?
Cassandra Madrid:Ganito kasi iyon mas naging malakas ang 3 musketeers na si Agatha,Lucio,at Ether pagkatapos ay may bago pa silang kasama si Ravana iyong pinakamakapangyarihang Bathaluman kuno hay..😑
Dasha Nacino:Hindi lang iyon mas dumoble pa ang kanilang bilang kaya naisipan nalang nilang umatras sa laban dahil marami ng mga kawal na sugatan at namatay.😞
Emmanuel de Dios:Kawawa naman iyong mga kawal kung wala sana kaming kinalaban na mga halimaw kahapon sana natulungan namin kayo.
Dasha Nacino:Huwag kayong mag-alala gagawa naman kami ng paraan upang mabawi ulit namin ang apat na kaharian..😊
Cassandra Madrid:Sigurado ako na mababawi din namin iyon balang araw.
Vanessa Cruz:Lakas maka positive vibes ha...ganyan nga laban lang!😊
Juno Mendoza :Bibisita sana kami diyan kaso medyo magulo pa eh..
Alana Topacio:Oo nga hindi lang magulo kundi napakagulo hay..
Dasha Nacino:Huwag nga kayong nega babatukan ko kayo diyan eh.. babalik din ang lahat sa dati!
Emmanuel de Dios:Oo nga bawal ang mga nega dito.. manalig lang tayo guys tandaan niyo kung kailangan niyo ng tulong ay andito lang kami.
Adamus Serrano:Salamat talaga ha..kung kailanganin namin ng tulong ay tatawagan agad namin kayo..mamaya nalang ulit ha kasi pinatawag na kami.
Vanessa Cruz:Okay..😊
Argo Villanueva:👍
Emmanuel de Dios:Sige take your time..😁
Juno Mendoza:Okies..😊
END OF CONVERSATION
Hay naku ang dami talagang problema sa mundo mabuti pang puntahan ko nalang sila Ina upang ipaalam nila ang nangyari sa Encantadia.
ENCANTADIA KAHARIAN NG NATHANIEL
GENERAL'S PROVERBS
Maagang nag-agahan ang mag-anak at tila nasopresa silang lahat sa pagdating ni Mira at Angelo sa hapag sapagkat wala silang pasabi nakarating na pala sila mula sa ibang bansa kahit ganon pa man ay masaya silang nag-aagahan
AZULAN:Kailan pa kayo dumating?
ANGELO:Kagabi lang po kami dumating,ni Mira.
PIRENA:Sana nagpasabi kayo nang saganon ay maasikaso ko kayo.
MIRA:Avisala eshma Yna,hindi na po kami nagpasabi dahil batid namin na pagod kayo sa pakikipaglaban.
AZULAN:Naunawaan namin anak ngunit bilang mga magulang ay obligasyon namin na asikasuhin kayo.
ALANA:Batid po namin iyon ngunit may ibang mga bagay din po kayong dapat gawin kahit ganon pa man ay naunawaan namin sapagkat isa kayong pinuno.
MIRA:Tama po si Alana,kaya huwag po kayong mag-alala
PIRENA:Avisala eshma mga anak.
CASSANDRA:Naks ang cheesy naman,sana all cheesy..hehehe..😁
LIRA:Cheesy din naman kayo ni Argo di ba anak?😊
CASSANDRA:Yna naman bakit napunta sa akin ang usapan(Nakangusong sabi ng Diwani)
PAOPAO:Hindi ko man lang nalaman na may...
Magsasalita pa sana si Paopao ngunit agad din siyang pinutol ni Cassandra..
CASSANDRA:Wala ah..
PAOPAO:Wala pa nga akong sinabi defensive na siya..
CASSANDRA:Hindi kaya..
ADAMUS:Hahaha..nakita ko nga ko nga pero okay lang iyon Cassandra naunawaan namin.
CASSANDRA:Wala ka talagang ibang nakikita ano..🙄
AMIHAN:Tama na baka magkapikunan pa kayo dito,ngunit kung totoo man na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Argo ay suportado kami diyan,di ba mahal?
YBRAHIM:Oo naman sapagkat nababagay sila para sa isa't-isa at tigilan na natin si Cassandra dahil namumula na.
LIRA:Pero boto ako kay Argo para sa iyo Anak dahil napakabait niyang bata..😊
CASSANDRA:Ewan ko po sa inyo bala kayo jan..🙄
Napatawa nalang ang lahat sa tinuran sa pamilya ni Amihan..
MEMFES:Heto kayang anak natin Mahal?
ADAMUS:Nanahimik po ako dito ha,magkaibigan lang po kami ni Vanessa.
ALENA:Totoo bang magkaibigan lang kayo?
ADAMUS:Oo naman po
MEMFES:Magkaibigan pa lang iyan sa ngayon,batid naman natin kung saan iyan patutungo.
ALENA:Oo nga naman.
ADAMUS:Huwag po kayong mag-alala dadating din kami diyan. 😁
MEMFES:Manang-mana ka talaga sa akin.
ADAMUS:Naman po(Saka nag-apir ang mag-ama)
DASHA:So niligawan mo na ba?
ADAMUS:Kailangan pa bang itanong iyon,ikaw kaya Dasha naligawan ka na ba?
DASHA:Ako nga itong nagtatanong,tapos tanong naman ang isasagot mo..🙄
DANAYA:Iyan naman kasi nakikisali pa sa usapan,pero ano ng estado niyo ni Eman ngayon?
DASHA:Magkaibigan pa rin po kami.😊
AQUIL:Huwag kang mag-alala anak liligawan ka rin ni Eman..hehehe.
DANAYA:Oo nga naman andito lang kami ng iyong Ama para sumuporta sa inyo..
DASHA:Ewan ko po sa inyo bala kayo diyan..🙄
ANGELO:Naks naman lakas maka Cassandra ha.. pero alam niyo na miss ko ang mga ganitong kulitan kasi noong nasa UK pa kami ni Mira ang mga seryosong bagay lang ang pinag-usapan.
ALANA:Na-miss din po namin kayo eh...kasi halos isang buwan tayo hindi nagkita-kita,wala po bang pa chocolate diyan?
MIRA:Wow ha kararating palang namin chocolate na agad ang iniisip mo?
ALANA:Sorry naman po!
ANGELO:Pasensya na,na wala kaming dala dahil biglaan ang pag-alis namin ng UK hindi kami nakapaghanda.
AZULAN:Paano kayo nakabalik agad dito sa Encantadia?
PIRENA:Ayon sa librong nabasa ko kahit saan ka pa sa mundo ang may lagusan patungo sa kabilang dimensyon,kung may hawak kang brilyante o kaya kakayahang makakita ay natitiyak ko na mahahanap mo ito.
ANGELO:Tama si Hara Pirena,kaya kami nakabalik agad dito.
LIRA:Kamangha-mangha ngayon ko lang po nalalaman na may ganon pala.
Pagkatapos ng agahan at kulitan ay dumeretso na sila agad sa silid pulungan maliban sa mga batang Sangre upang pag-usapan ang unang hakbang na kanilang gagawin mabawi ang kanilang mga kaharian.
DANAYA:Bilang Hara ng Nathaniel ay binuksan ko na ang pagpupulong na ito,kagaya nga ng pinag-usapan ay pag-usapan natin ang unang hakbang na ating gagawin.
AQUIL:Ang una ating pag-usapan ay ang mungkahi ni Rama Azulan na kunin ang mga makapangyarihang armas doon sa Lireo.
AZULAN:Oo,sa katunayan may naisip na kaming plano ni Pirena tungkol doon,iyon ay kagaya pa rin ng dati ang aking asawa ang unang papasok sa loob sapagkat may kakayahan siyang mapalitpalit ng wangis sa oras ng makapasok na siya ay doon na susunod sina Amihan,Alena,at Danaya.
PIRENA:Habang kayo nila Azulan ay magbabantay sa labas saka na kayo papasok sa loob kung may mensahe na nanggagaling sa aming brilyante.
LIRA:Teka po,kasali po ba kami nila Mira sa Misyon na iyan?
AMIHAN:Hindi muna sa ngayon Lira sapagkat ang kailangan niyong gawin ay sanayin ang mga batang Sangre upang mas gumaling sa pagamit ng kanilang kapangyarihan.
MIRA:Ho?baka mapahamak po kayo sa gagawin niyo alam namin natin na kung gaano ka makapangyarihan si Ravan kung sakaling makakaharap niyo siya.
YBRAHIM:Magtiwala lang kayo maging maayos lang kami,nasaan ba nunong Imaw?
MEMFES:Bakit mo siya hinahanap Rama?
YBRAHIM:Sapagkat nais kong makita nating lahat kung ano ang kapangyarihang taglay ni Ravana sa pamamagitan ng kanyang nakaraan
MEMFES:Mainam nga iyon nang saganon ay makikita natin kung paano siya gumalaw at kung ano ang kanyang kakayahan.
Ilang sandali lang ang nakalipas ay dumating na si Imaw sa silid pulungan.
IMAW:Poltre na nahuli ako ng dating,bakit niyo ako pinatawag mga Kamahalan?
YBRAHIM:Sapagkat nais naming makita kung ano ang kayang gawin ni Ravana sa pamamagitan ng kanyang nakaraan,posible iyon Nuno?
IMAW:Oo Rama kayang-kayang gawin iyan ng aking tungkod,(Saka tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay na may hawak na tungkod)tungkod ng katotohanan ipakita mo sa amib ang nakaraan ni Ravana
Lumiwanag ang tungkod saka ipinakita nito ang nakaraan ni Agatha at ang mga kapangyarihan niya kagaya ng magbasa at mag-utos isip,makakita,may makapangyarihang tinig,lumikha,sumumpa,pagmanipula ng oras,kakaibang bilis at kakakibang lakas niya
Simula ng tungkod ang mga bagay na tungkol kay Ravana ay mas lalo nilang naunawaan kung bakit kinatatakutan ito ng lahat at hindi ordinaryong Bathaluman ang kinakalaban nila kundi ito ang nakatataas sa lahat.
ALENA:Kaya pala na kinatatakutan siya ng lahat dahil sa taglay niyang kapangyarihan.
DASHA:Ganon nga Alena ngunit kahit na gaano ka makapangyarihan ang kinakalaban natin ay hindi hahayaan ni Emre na maghahari siya sa buong Encantadia.
PAOPAO:Tama po si Ate Hara Danaya ngunit kailangan pa rin po ninyong magdobleng ingat sa pagpunta niyo sa Lireo pagkat may kakayahan palang makakita ito si Ravana.
PIRENA:Ganon na nga para hindi pumalpak ang aming plano.
ANGELO:May paraan upang hindi kayo makikita ni Ravana pupuntahan ko si Ama sapagkat may mga nectar siyang may basbas na nanggaling mismo sa kanya na kung sino man ang iinom nito ay hindi makikita ng isipan ng kalaban.
LIRA:Mabuti naman kung ganon,nang saganon ay maging madali ang misyon nila Yna.
AQUIL:Oo nga at avisala eshma sa iyo Angelo bukod sa ating plano sa Lireo may iba pa ba tayong pag-usapan.
MIRA:Opo,ito po ang tungkol sa naganap sa amin ni Angelo sa labas ng bansa mga tatlong araw na ang nakalipas.
AZULAN:Ano bang tungkol doon?
ANGELO:May nagtangkang dumukot sa amin ayon sa imbestigasyon ni Kyle ang grupong nagtangkang kumuha sa amin ay nagngangalang Red Raven na may koneksyon sa Royal Realty at posibleng may koneksyon si Tuka.
AMIHAN:Hindi nga malayong mangyari iyon sapagkat sinabi niyo sa amin dati na bigla nalang sumulpot si Therese na wala man lang kahit na anong patunay ng tungkol sa kanya.
MIRA:Opo,may larawan pang pinasa sa amin si Kyle na kausap ni Therese ang mga lalaking naka-itim sa isang Restaurant saka may pinasa pa nga siyang mga recordings tungkol sa pinag-usapan nila.
AQUIL:Magaling na may impormasyon kayong nakuha at saka nalang natin pag-usapan ang tungkol diyan ang unahin muna natin ngayon ay ang suliranin natin dito.
ANGELO:Masusunod Rama at pupuntahan ko si Ama ngayon din nang saganon ay magawa na natin ang misyon bago pa magdilim(Saka agad nag-ivictus patungong Devas)
Magtatagumpay kaya ang mga Diwata sa kanilang gagawin?Abangan sa susunod na mga kabanata...