Scarlet Eyes [Completed]

بواسطة NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... المزيد

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 29

4K 128 7
بواسطة NhamiTamad

Chapter 29
          
            
            
               
               
Magnus' POV
    
        
        
"Nakakamiss talaga ang batang yun." Ani jax pagkatapos bumuga ang usok. Nasa labas kami ng gate ngayon habang naninigarilyo.

Hindi kami madalas manigarilyo. Tuwing problemado lang kami at magulo ang isip.

"Maganda narin ang malayo siya satin, para hindi siya maapektuhan ng mga gagawin natin. She suffered a lot at a young age! At ayoko ng makitang magdusa pa ulit ang kapatid ko." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa daan.

Pinatay na ni jax ang sigarilyo niya at tinapon na ito sa trashcan na nasa labas ng gate ng bahay namin.

"Adi doesn't deserve all of this. She's only 19. Pero hindi na biro ang napagdaanan niya, Siya ang sumasalo sa mga problema na hindi naman dapat sa kanya." Seryosong bigkas ni jax.

Hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa matandang lalakeng nagtitinda ng ice cream. Tinawag ko yun at lumapit naman agad dito.

"Pabili ho ng dalawa, manong!" Sabi ko at kinuha ang pitaka mula sa likod ko.

Nagtaka si jax nung una, pero lumapit narin siya at kinuha ang inabot ng matanda na ice cream.

"Sayang at wala na dito si adi, paborito pa naman niya to!" Ani jax pagkatapos tikman ito.

Inabot ko na sa matanda ang bayad saka ko kinuha ang ice cream.

"Akala nga namin dito na siya mag aaral eh, nagulat na lang kami, nang sabihin niyang kailangan niyang bumalik sa france" sagot ko bago kainin ang ice cream.

"Kailan daw siya uuwi?" Tanong ulit ni jax.

Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot habang nakatingin ako sa matanda na paalis na.

"Salamat mga sir!" Paalam nito

Tinanguan lang namin siya at sinundan ng tingin hanggang sa nakalayo na siya.

"Pasok na tayo!" Sabi ko at tinapon na ang ice cream sa trash can.
           
             
               
***************
      
                
              
Adi's POV
               
              
             
Vacant time na namin at tumabay na lang kami sa room. At as usual ang iingay na naman nila.

Hindi ko pa natatanong si cayden kung ano ang nangyari sa labi niya.

Hindi ako tsismosa, pero masama ang kutob ko dito. Kaya kailangan kong tanungin siya.

Nilingon ko siya na busy sa pagsusulat. Ano kaya ang sinusulat ng taong to? palagi na lang kasi.

"Cayd!" Medyo hinila ko ang manggas ng damit niya kaya napatingin agad siya sakin.

"Why?" Tanong niya at binitawan muna ang ballpen na hawak niya. Nakaharap siya sakin kaya nakita ko ang mga sugat sa mukha niya. Hindi lang pala sa labi. May sugat din siya sa kilay nya. May maliit din na sugat sa bandang ilong niya.

"What happened to your face?" Tanong ko. Hindi siya nakasagot at iniwas niya agad ang tingin niya.

"Hey! I'm asking you! Bakit may mga sugat yang mukha mo?" Hinawakan ko siya sa braso niya at hinarap ulit sakin.

"Napaaway lang." Iwas na sagot niya.

Masama talaga ang kutob ko dito eh! Hindi basta basta napaaway ang taong to.

"Tell me the truth, Cayden! Ano ba talaga ang nangyari jan?" Medyo tumaas na ang boses ko kaya napalingon samin si ethan.

"What's wrong?" Nag aalalang tanong niya.

"Etong si cayden, mukhang binugbog ata!" Sagot ko na medyo napalakas ulit, kaya nagsilapitan samin ang iba.

"Si cayden? Nabugbog?" Malakas na tanong ni kris at malapit pa talaga sa tenga ko!

"Hinaan mo nga ang boses mo kris!" Saway ko sa kanya.

"Sinong bumugbog sayo, cayd? At mukhang sinuwerte?" Medyo natatawang tanong ni fred

Nabugbog na nga yung tao, pinagtatawanan niyo pa. Tch!

"Sigurado akong hindi lang yun isang tao. Siguro isang batalyon yun, kaya ka napuruhan!" Singit naman ni ryle

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, cayd" seryosong sabi ko kaya napunta sakin lahat ng atensyon nila.

"Mukhang nag aalala si adi ah!" Makahulugang sabi ni gavin at tumawa.

"Shut up, gav!" Inis na sabi ni cayden.

"Wala lang to, may nakabangga lang ako kanina, at nagkahamunan. Yun lang!" Paliwanag niya at seryosong tumingin sakin.

Hindi parin ako naniniwala. Alam kong may tinatago ka sakin cayd.

"Bumalik na nga kayo sa lugar niyo, o baka gusto niyong lagyan ko rin kayo ng ganito!" Maotoridad na sabi ni cayd kaya nagsibalikan na sila sa kani kanilang upuan.

"Yassar!!!" Halos sabay sabay nilang sabi at sumaludo pa. Mga luko-loko talaga! Tch!

"Bakit hindi mo ginamot yan?" Hinarap ko ulit siya.

"Maliit lang naman to, hindi na kailangang gamutin" tamad na sagot niya at bumalik na sa pagsusulat.

May pautangan ba ang lalakeng to? Sulat na lang kasi ng sulat. Tch!

Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang medyo maliit na pouch. May first aid kit akong pinadala ni kuya. Baka sakaling masugatan daw ako, at baja pabayaan ko na naman.

Madalas kasi akong magkasugat, lalo na pag nagluluto ako, tapos pagagalitan na naman nila ako dahil hindi ko ginagamot to. Tamad kasi ako. Kaya ngayon eto, pinadalhan na nila ako ng first aid kit, para daw mabitbit ko to kahit saan, at wala na akong dahilan para hindi gamutin ang sugat ko.

"Gamutin natin yan. Harap ka sakin" utos ko sa kanya, at taka naman siyang humarap sakin.

"Don't ask! Just stay still!" Sabi ko at hinawakan ang baba niya. Nilinisan ko muna ang mga sugat niya, at napapadaing siya ng mahina dahil sa kirot.

"Wag kang maarte! Hindi ka nga nasaktan nung nakipagsuntukan ka, tapos eto lang, aaray ka na!" Tamad na sabi ko habang focus ako sa paglilinis ng sugat niya bago ko lagyan ng gamot.

Medyo napayuko siya para magkapantay ang mukha namin, dahil medyo matangkad siya sakin.

Pagkatapos kong gamutin. Nilagyan ko ng band aid ang mga ito kaya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, para makita ng maayos ang mga sugat niya.

Nilagyan ko na ng band aid ang mga ito, at niligpit ko na rin ang mga nagamit ko. Agad na nag iwas ng tingin si cayden.

"T-thank you!" Naiilang na sabi niya.

Tinago ko muna ang gamit ko sa bag, bago sumagot.

"You still owe me an explanation!" Seryosong sabi ko at nilagay na ang earphone sa tenga ko bago sumubsob sa mesa.

Natatakot ako baka sila ang may gawa nito kay cayden. Ayoko nang may madamay na ibang tao sa problema ko. Ayokong maulit ang nangyari sa dati ko ring personal bodyguard.
       
        
Natapos na ang class namin, at lunchbreak na. Nagyaya silang sabay sabay ulit kaing mag lunch. Pero pinauna ko na muna sila sa cafeteria dahil sabi ko may kukunin pa ako sa locker room.

Naglalakad ako ngayon patungong locker room, pero hindi yon ang pakay ko, kundi may hinahanap akong isang tao. Nagbabakasakali akong makita siya dito.

Nagpalinga linga ako, pero kahit anino niya, hindi ko makita. Kaya nag pasya na lang akong bumalik sa cafeteria dahil baka hinahanap na ako ng mga klasmeyt ko.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Narinig kong may nagsalita mula sa gilid ko.

Lumingon ako sa kanya. Naka cross arm siya at deretsong nakatingin sakin.

"Yeah, i was looking for you." Sagot ko at humakbang palapit sa kanya.

"Bakit mo ko hinahanap, may kailangan ka ba?" Tanong ulit niya at umayos na ng tayo.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.

"Gusto ko lang magpasalamat sayo" sinserong sabi ko.

He saved me yesterday. Dahil kung hindi dahil sa kanya, baka sa ospital ang bagsak ko, at malalaman yun ni kuya. And that would be a dooms day, if ever.

"Is that all?" Medyo tumagilid ng konti ang ulo niya at tinignan ako ng nagtataka.

"That's all. Tinulungan mo ako kahapon, and it would be rude if i won't even say "thank you"...So! Salamat ulit. And bye!" Tatalikod na sana ako ng magsalita siya ulit.

"There's something that's bothering me since yesterday" hindi ako nagsalita at tinignan lang siya ng nagtataka.

"Bakit hindi ka tinulungan ni scarlet kahapon?" Seryosong tanong niya at mas lumapit pa sakin.

Hindi muna ako sumagot at tinitigan ko lang muna siya.

Bakit ba palagi niya na lang bukambibig si scarlet?

"Hmm?..bakit nga ba?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin tingin sa taas na parang nandun yung sagot. "Actually, scarlet doesn't want to interfere in my personal conflict. Trabaho niya lang protektahan ako sa mga may banta sa buhay ko. And what happened yesterday, is just like a child's play for her, so, she didn't bother herself." Nakangiting sabi ko na para bang nakasagot ako sa tanong ni prof. Hahaha

"Oh! Speaking of scarlet!...I already talked to her, and she agreed to meet you!" Dagdag ko pa. Medyo nagtaka pa siya nung una pero agad na parang nagliwanag ang mukha niya ng mapagtanto ang sinabi ko.

"Really?" Halatang excited na tanong niya.

"Hindi naman halata na excited ka! Bakit? Ano ba ang kailangan mo kay scarlet at parang atat na atat kang makausap siya?" Tanong ko na agad nagpabago sa mood niya.

"Just tell me when and where!" Iwas niya sa tanong ko.

"Bukas daw. Dun sa likod ng gymnasium! Mga ganitong oras din....O sya! Alis na ako." Tamad na sagot ko at tumalikod na. Hindi na rin siya nagsalita pa.
         
            
           
Nasa labas pa lang ako ng cafeteria, pero rinig na rinig ko na ang ingay ng mga baliw kong kaklase.

Pumasok na ako sa loob at mukhang hindi nila ako napapansin dahil busy sila sa pinag uusapan nila. Naupo ako sa isang space na katabi ni cayden.

"Bakit ang tagal mo?" Bungad na tanong niya ng mapansing umupo ako sa tabi niya.

"Nag cr pa ako!" Tamad na sagot ko.

May pagkain na ako, siguro bumili na sila. Kinuha ko na ang kutsara at nag umpisang kumain.

Busy parin sila sa pag uusap, pero wala akong maintindihan na kahit ano sa usapan nila.

Nagpatuloy na alang ako sa pagkain ng may tumawag sa pangalan ko.

"Adi!" Tawag ni fred

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.

"Sama ka samin mamaya ah! Birthday ni gavin! Manlilibre daw siya" Pagpatuloy niya.

"Saan?" Tanong ko

"Jan lang sa malapit na restobar." Si gavin ang sumagot.

Ngumiwi ako at umiling.

"Kuya won't allow me!" Sagot ko na pinagtawanan nila.

Kaya nagkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanila

"Wag kang mag alala, pinagpaalam ka na namin sa mga kuya mo!" Natatawang sabi ni gavin na mas lalong nagpasalubong sa kilay ko.

"Even kuya magnus?" Paninigurado ko.

"Hindi, pero kila ali ka namin pinagpaalam, ayaw pa nga niyang pumayag eh, pero pumayag sila xander kaya napilitan na lang siya." Sagot ulit niya.

As usual, kuya ali will always be kuya ali, pareho sila ni kuya magnus. Sobrang strict!

"Basta ihahatid ka lang daw ni zach ng maaga" singit ni owen

Kung alam niyo lang na sa bahay ako ni zach umuuwi. Hahaha

"May tiwala namam daw sila sayo, pero samin wala! Kaya dapat 9pm, umuwi ka na daw!" Natatawang dagdag naman ni fred
        
Hindi na ako makatanggi, pinagpaalam na pala nila ako ng hindi ko man lang nalalaman.

"So, ano? Sasama ka?" Nakangiting tanong ni gavin.

"May magagawa pa ba ako? Pinagpaalam niyo na nga ako ng wala akong kaalam alam!" Kibit balikat kong sagot.

"Don't worry, adi! Andrea will be there. Kaya may babae kang kasama." Nakangiting sabi ni andrew.

Buti na lang! Dahil hindi ko alam kung matatagalan ko ang mga kalokohan ng mga to. Atleast kung nandun si andrea, may makakausap ako ng maayos.

"Okay! Fix na!" Masayang sabi ni gavin.

Nag usap usap pa sila tungkol sa pa party ni gavin hanggang matapos ang lunchbreak.

    
   
Natapos na ang klase namin at isa isa na silang nag si uwi. Magkita kita na lang daw kami mamayang 6pm sa restobar na malapit dito.

"Punta ka mamaya, adi ah!" Paalala ni gavin bago lumabas. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

Umuwi narin kami ni zach ng nakauwi na silang lahat. Ayoko kasing makita nila kami na sabay umuwi. Baka kung ano ano na naman ang isipin nila.

Quarter to 5 pm na ng makauwi kami. Dumiretso ako sa sofa at naupo, ganun din ang ginawa ni zach.

"Are you sure you want to go?" Biglang tanong ni zach, kaya napatingin ako sa kanya.

"Yeah  I already said yes to gavin" tamad na sagot ko at inalis na ang sapatos ko.

"Matutulog lang ako saglit. Gisingin mo ako pag five thirty na!" Sabi ko at humiga na sa sofa. I feel exhausted right now at gusto ko munang matulog.

"Dun ka sa kwarto matulog." Narinig kong sabi ni zach.

"Baka makalimutan mo akong gisingin pag dun ako natulog." Sagot ko habang nakapikit at tumagilid para talikuran siya.

"Tss"

Hindi ko na siya pinansin at natulog na.
       
         
Nagising na ako dahil sa isang pitik sa noo ko.

"What the Fuck!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat at sakit na dulot nito sa noo ko.

Pagmulat ng mata ko, tumambad sakin ang magkasalubong na kilay at masamang nakatingin sakin.

"Tangina naman zach oh! Hindi ks ba marunong mang gising ng hindi nanakit!" Reklamo ko habang hawak hawak ang noo ko.

Ansaket!

"Kanina pa kita gingising, pero ayaw mo. Kaya pinitik na lang kita...tumayo ka na jan dahil malelate na tayo!" Inis na sabi niya at umupo sa solo sofa. Nakabihis na siya, kaya tumingin ako sa orasan at napatayo ako agad dahil 5:50 na! Nagmadali akong pumasok sa kwarto para magbihis.

"Be careful, baka matumba ka na naman!" Narinig ko pang sigaw niya mula sa labas.

Nagmadali na akong nagbihis. Naka black maong pants lang ako at yellow na spaghetti strap. Naka bun lang ang buhok ko, dahil tamad akong mag ayos. At naglagay rin ako ng konting liptint. Para mukhang presentable naman kahit konti.

Kinuha ko na ang mini sling bag ko at lumabas na.

"Let's go!" Sabi ko at kinuha na ang sapatos ko. Nakatingin lang sakin si zach na parang kinikilatis ang suot ko.

"Magpalit ka!" Utos niya, kaya napatingin ako sa kanya.

Seryoso ang mukha niya at mukhang hindi talaga siya nanti-trip.

"Bakit? May masama ba sa suot ko?" Takang tanong ko at tinignan ang suot ko para siguraduhin na walang mali dito.

"Gabi na Ms. Montreal, at malamig na sa labas. Kaya bilisan mo na at magpalit ka na ng damit mo! Male-late na tayo!" Seryoso parin ang mukha niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wag na, 6 na oh! Late na tayo! At hindi naman tayo tatambay sa park eh! Tch!" Inis na sabi ko kaya biglang nagakasalubong ang kilay niya at tinignan ako ng masama.

"Magpapalit ka o ako ang magpapalit ng damit mo?" Seryosong banta niya.

Aiiissh! Buset!

Labag sa loob na tumayo ako at padabog na naglakad ulit papasok ng kwarto.

Kung makapag utos, kala mo si kuya magnus! Tch! Bwisit ka talaga zach!

Nagpalit na ako ng damit. Long sleeve turtle neck na ang sinuot ko ngayon. Kulay yellow pa rin. Trip ko kasi mag yellow ngayon. Haha

Pag etong zach nag reklamo pa rin. Sasapakin ko na talaga siya.

Lumabas na ako at sumalubong agad sakin ang mapanuring mata ni raulo.

"Better!" Nakangiting sabi niya at tumayo na, kaya sumunod narin ako sa kanya.

Tahimik lang ang naging byahe namin dahil nilagyan ko ng airpods ang tenga ko at nag soundtrip na lang. At mukhang napansin din ata ni zach na hindi ko naririnig ang sinasabi niya dahil panay ang lingon niya sakin at mukhang may sinasabi, pero tumigil na rin siya at nagfocus na lang sa pag dadrive.

Malapit lang ang restobar na sinasabi nila, kaya sandali lang ang naging byahe namin.

Pinark na ni zach ang kotse niya. Nauna na akong lumabas at sumunod narin siya.

"Wag kang lalayo sakin!" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Nagtaka ako saglit, pero hindi na lang ako kumibo.

Malaki ang resto bar na to. At marami ring tao dito. Maraming napapatingin samin at karamihan ay mga lalake.

Napahigpit ang hawak ni zach sa kamay ko at binilisan niya ang paglalakad na halos makaladkad na ako.

"Nagmamadali ka ba?" Reklamo ko kaya huminto muna siya at tumingin sakin ng masama.

"Next time, wag kang mag ayos! At wag na wag kang maglalagay ng lip tint!" Inis na sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

Ano na naman! Pati paglalagay ko ng liptint, bawal na? Aiiissh!

"Hindi naman ako nag ayos ah! Magulo nga tong buhok ko dahil tamad akong magsuklay!...at pati ba naman pagliliptint, hindi rin pwede?" Naiinis na ako sa lalakeng to! Lahat na lang ng ginagawa ko mali.

"Oo! Hindi pwede! Kaya sa susunod na magliptint ka! Tatanggalin ko yan... huminto muna siya at nilapit sakin ang mukha...gamit ang labi ko" dagdag niya sabay ngisi ng nakakaloko.

"Baliw!" Pinalo ko siya sa braso at iniwan na dun. Nagmadali na akong naglakad dahil ayokong makasabay ang baliw na yun.

Papasok na sana ako ng may nakasalubong akong tatlong lalake na kakalabas lang mula sa restobar.

"Uy! Pre, chix!" Sabi ng isa na nasa gilid. Nakamohawk style ang buhok niya. Uso pa ba to ngayon?

"Hi miss ganda! Mag isa ka yata?" Nakangising sabi ng isa na nasa gilid. Kulay orange ang buhok niya na hindi bagay sa  kulay ng skin niya dahil moreno siya.

"Gusto mong samahan ka namin?" Ngumisi rin ang isa pa na sa gilid din nung mohawk boy. Kalbo siya at may hiwa sa kilay niya.

"Hindi na. May kasama ako!" Tamad na sabi ko at lalagpasan na sana sila, pero hinigit nung uwak ang braso ko  at hinarap ulit sa kanya.

"Teka lang miss. Gusto ka pa namin makausap" tumatawa na sabi niya.

"Kayo na lang ang mag usap usap, tatlo namam kayo!" Tinatamad na talaga akong makipag usap ngayon dahil gutom na gutom na ako. Tch!

"Siraulo pala to, sayang lang na maganda!" Natatawang sabi nung posporo.

"Dito ka lang muna miss. Maglaro muna tayo!" Ngumisi ang uwak at naamoy ko ang amoy alak na hininga niya. Ang baho! Eeew!

Hinila niya ako at mas lalong pinalapit sa kanya. Maliit na lang ang pagitan namin.

"Gusto mo bang maglaro? Masaya yun" amoy na amoy ko ang baho ng hininga niya at kinilabutan ako.

Hahawakan na sana niya ang pisngi ko ng bigla siyang tumilapon. Nabitawan niya ng kamay ko at may humila naman sakin mula sa likod ko.

"Don't you dare fucking touch her!" Galit na galit ang boses ni zach.

Bakit kaya natagalan ang baliw nato. Pero timing din ang pagdating niya, dahil baka kung ano pa ang nagawa ko sa mga lalaking to, at makita pa ako nila gavin pag nagkagulo na.

"Sino ka ba! At bakit nanununtok ka bigla!" Sigaw ni uwak na mukhang hirap na tumayo dahil tinutulungan na siya nung dalawa. Ang layo din ng tinilapon niya. Grabe sumuntok si zach.

Gwapo sana si uwak, kaso mukhang nabasag na ni zach ang mukha niya. Hahaha

"Telling my name, means the end for you!" Walang emosyon na sabi ni zach.

Lumapit ulit samin ang tatlo.

"Ang yabang mo ah! Bakit? Kaano ano ka ba niya?" Sigaw naman nung kalbo

"I'm her boyfriend! And once you touch her again. You'll be sleeping in a hospital for the whole month!" Seryosong banta ni zach.

"Ang yabang nito ah!" Inis na sabi ni posporo at sinugod si zach ng isang suntok. Pero agad na nasalo ito bi zach at ginantihan siya ng isang malakas na suntok na nagpatilapon din sa kanya. At mukhang hindi na siya nakabangon.

Dali dali siyang dinaluhan ng dalawa niyang kasama at pinilit binangon. Dumugo ko ang ilong niya at mukha wala siyang malay.

"Talagang ginagalit mo kami! Hintayin mo lang na singilin ka namin. At hindi lang ganito ang aabutin mo! At pag nangyari yun, akin na yang masarap mong girlfriend!" Banta ni uwak.

Susugurin na sana ulit ni zach si uwak ngunit pinigilan ko na siya. Ayoko ng lumaki ang gulo.

"Let's go, zach!" Mahinang sabi ko at hinila na siya. Ayaw pa niya nung una pero tinignan ko siya ng seryoso. Kaya nagpakaladkad na lang siya sakin.

Hila hila ko parin siya hanggang sa harap ng pinto ng resto bar. May nakapaskil pa dito na poster at may nakasulat na "we're looking for a band drummer"

Binuksan na ni zach ang pinto at siya naman ang humila sakin ngayon papasok.

Pagkapasok, huminto siya at hinarap ako.

"Sinabihan na kita na wag kang lalayo sakin! Tignan mo ang nangyari!" Galit na sabi niya

Inirapan ko lang siya at hindi na sumagot. Kasalanan ko bang ininis niya ako kanina? Buset!

"Tss!" He hissed and started to walk again. Iniwan na niya ako kaya sumunod na lang ako sa likod niya. Maganda narin to para hindi kami sabay na dumating.

Lumiko siya at narinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko na tinawag siya. Nagstay muna ako sa kinakatayuan ko bago magpakita sa kanila. After a minute nag decide na akong magpakita at naghiyawan na naman sila. Maraming ibang tao dito at pinagtitinginan na sila.

"Adi! Dito!" Sigaw ni ryle.

Required bang sumigaw? Tch!

Lumapit na ako dun at nakita ko rin si andrea, may space sa tabi niya at dun na ako dumiretso. Marami ring ibang babae dito ma mukhang girlfriend ata nila. May katabi si gavin na magandang babae at ang sweet sila. May kasi rin sina fred, owen, at bryan na siguro girlfriend nila. Magaganda rin sila pero medyo malaswa lang ang suot. Halos kita na kasi ang kaluluwa nila. Naupo na ako at bale pinapagitnaan ako nina andrea at ethan.

"Akala ko hindi ka na dadating" masayang bungad ni andrea sakin.

"Nakatulog kasi ako, kaya late akong nakaalis ng bahay" sagot ko.

Napatingin ako sa harapan ko dahil naagaw nito ang atensyon ko. Si zach at isang babae na nilalandi siya. At ang baliw mukhang gustong gusto pa ang ginagawa ng babae na pagkapit kapit sa braso niya.

Umirap ako ng makita sila at tumingin na lang sa iba.

"Adi! Salamat at dumating ka!" Nakangiting sabi ni gavin ng mapansin na niya ako.

"Basta may pagkain!" Natatawang sabi ko at tumawa rin yung iba.

"Basta pagkain talaga adi oh! Hahahaha!" Natatawang sabi ni bryan na nakaakbay sa babaeng katabi niya.

"Oh! By the way, this is adi our classmate" pakilala sakin ni gavin sa kasama niya " and adi this is samantha, my girlfriend" turo niya sa katabi niya.

"Hi Adi, you're so pretty! Nice meeting you" nakangiting bati sakin ni samantha.

"Hi, nice meeting you too!" Nagsmile lang din ako. Hindi ko kasi alam kung pano makipagkilala.

"Asan na regalo mo sakin?" Tanong ni gavin at saka umakbay sa girlfriend niya.

"May regalo ba dapat? Hindi ako nakabili eh!" Malungkot na sabi ko."next time na lang" dagdag ko at ngumiti.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Biro lang! Eto ngang mga lokong to kahit kailan hindi nagbigay ng regalo sakin!" Natatawang sabi niya at tinuro ang mga mokong ma busy sa pag inom.

Nagtawanan at kwentuhan lang kami habang hinihintay ang pagkain. Nagkukwentuhan din kami ni andrea. Pero kanina ko pa napapansin si ethan na tahimik at mukhang busy sa pagtetext. Napalingon ako sa gawi niya at hindi sinasadyang nabasa ang text sa kanya.

"Pasensya na anak wala pa kaming mapapadala sayo dahil nagkasakit ang kapatid mo kaya hindi ako nakapagtrabaho dahil walang mag aalaga sa kanya. Pasensya na talaga anak. Kung maaari, humiram ka muna sa mga kaibigan mo"

Hindi ko sinasadyang mabasa ang text message ng siguro nanay niya. Mukhang pera ang tinutukoy niya. Kaya siguro mukhang malungkot si ethan simula kanina nung sinabi ni prof na kailangan ng magbayad ng tution fee.

"Okay lang ma, ako na bahala! Mag ingat po kayo jan. Sabihan niyo po si kayla na magpagaling, Mahal ko po kayo!"

Hindi ko parin inaalis ang mata ko sa cellphone ni ethan kaya nabasa ko ang reply niya.

Iniwas ko na agad ang mata ko. Mali kasi ang ginagawa kong pagbabasa ng text messages ng iba.

"Anjan na ang pagkain" sigaw ni kris

"Olrayt! Anjan na ang chibog!" Dagdag naman ni dexter.

Maraming pagakain na dala dala ng mga waiter. At ng mailapag na nila lahat ng pagkain, umalis na sila at may lumapit naman samin na siguro manager dito. Mukhang pamilyar ang lalakeng to sakin.

Nag usap muna sila saglit ni gavin at ng matapos, napatingin siya sa gawi ko at mukhang nakilala ako.

"Adrianne?" Tawag niya sakin at lumapit.

"You're adrianne right? Yung kapatid nina alister?" Paninigurado niya

Pamilyar talaga ang lalakeng to eh!

"Yes, and you are?" Takang tanong ko.

Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Nag france ka lang, nakalimutan mo na ako!" Malungkot na sabi niya.

"Oh, wait...hmmm??..." sino nga ba to? Ah! "Rico! You're rico, right! Im sorry, nakalimutan ko kasi ang pangalan mo!" Natatawang sabi ko at tumayo para makapantay ko siya.

"Akala ko nakalimutan mo na talaga ako! Kamusta? Dalagang dalaga ka na talaga ngayon! At mas lalo ka pang gumanda!" Hindi makapaniwalang sabi niya at niyakap ako.

"You grew up so fast. Dati-rati may sipon sipon ka pa eh!" Natatawang sabi niya habang kayakap ako.

Ano ba to, nakakahiya!

"Rico!" Reklamo ko at tumawa naman siya. May narinig din akong tumawa sa mga kasama ko.

Hindi na iba si rico samin. Bestfriend siya nila kuya ali ay kuya xander, at palagi rin siya sa bahay tumatambay. Two years course nga lang ang kinuha niya kaya nauna siyang grumaduate kesa kila kiya. At para ko na rin siyang kuya. Ewan ko nga ba kung bakit hindi ko siya agad nakilala.

Nagulat ako ng may humila sakin kaya napabitaw ako sa yakap ni rico.

"That's enough!" Seryosong sabi ng lalaking humila sakin.
       
     
      
Bakit napunta dito ang lalakeng to? Nasa kabila siya kanina diba?
    
      
     
    
---------------------------

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Her Cruel Fate بواسطة Ky

القصة القصيرة

2K 1K 22
Handa ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?
1.7K 246 32
This is the first book of the Mafia Boss Series! As they were going home from backbacking, Gayle and her friend didn't expected something wrong to h...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
76.6K 2.5K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee