First Sight

By luminatina

79.5K 2.3K 1K

Sino nga namang mag-aakalang kayang makita ng puso ang hindi nakikita ng mata? More

First Sight

79.5K 2.3K 1K
By luminatina

First Sight written by iammissred

***

"Ma, wala na rin namang magagawa pa ang operation eh. Kahit pa magpa-opera ako, wala rin. Magsasayang lang kayo ng pera at oras," pag-eexplain ko sa Mama ko.

"Pero Ali, pag-isipan mo pa rin. Okay?" pag-pupumilit pa nya. 

"Opo," sagot ko kahit sigurado na ako sa decision ko. 

"Sige. Labas muna ako. 'Pag gusto mong maglibot, tatawag ka ng nurse ha," sabi niya.

Tumango ako tapos narinig ko nalang 'yung pagsara ng pintuan sa kwarto ko dito sa ospital.

Ako si Tanya Alison Santos. 18 years old at wala pa akong nakikitang kahit anong bagay sa mundo. Oh well, bulag ako. Dalawang beses na akong nag-try magpa-opera pero wala namang nangyari eh. Tapos this time, gusto ni Mama na i-try ko ulit, pero ayaw ko na. Hindi naman sa ayaw ko nang makakita pero ayaw ko nang umasa.

Maya-maya may kumatok sa pintuan. Nurse siguro.

"Pasok po. Bukas 'yan," sabi ko. 

"Ah-eh. Hello," narinig ko ang boses ng isang lalaki. 

"Hi?" Unsure kong sagot sa kanya.

Sigurado ako na hindi siya 'yung nurse ko. Sigurado rin akong hindi siya isang nurse. 'Yung way kasi ng pagkaka-approach niya sa akin ay unlikely para gawin ng isang nurse.

"Pasensya ka na ha, pero sino ka po?" tanong ko habang sinusubukang gawing mahinahon ang boses ko. Sa totoo lang kasi, kinakabahan ako. Paano kung kidnapper pala 'to? O magnanakaw? Baka rapist pala 'to tapos gahasin muna ako bago patayin.

Nagulo ang pag-iisip ko nung bigla siyang magsalita.

"Pasyente din ako dito. Gusto ko kasi ng makakausap. Ayos lang ba?" sagot niya. Siguro naman sincere 'to sa mga pinagsasasabi niya, 'di ba? Saka siguro ayos din na may makakausap ako. Boring din naman eh. 

"Ako si Alison. Sigurado ka bang kakausapin mo lang ako? Hindi mo ako nanakawan? O kikidnappin?" seryoso kong tanong.

Narinig kong tumawa siya ng malakas.

"Hindi ako magnanakaw o kidnapper o rapist o kung ano mang masamang tao, Alison," sabi niya sa gitna ng pagtawa. "Pangako, makikipag-kaibigan lang ako. Wag kang mag-alala."

Unti-unting sumabay na rin ako sa pagtawa niya.

"So pwede ba kitang maging kaibigan?" sabi niya.

Tumango ako, "As long as wala kang gagawing masama."

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at sinandalan ang parehong unan na sinasandalan ko

.

"Magkwento ka tungkol sa sarili mo," sabi ko para mag-start yung conversation. 

"Uhmm... basic informations? Ako si Edward. Hero Edward Serrano. 19 years old na ako," panimula niya. 

"Yay. Kuya pala kita. 18 palang ako eh. Anyway, ano 'yung mga favorites mo? Hobbies?" sabi ko. 

"Hindi naman ako gan'un katanda 'noh!" sabi niya, "Mahilig akong mag-gitara. Gitara lang ang kasama ko palagi eh. Pero except ngayon. Kasi friends na tayo." 

"Oh yeees! Huwaaa! tutugtugan mo ako some time! Tapos ano favorites mo?" pagpapatuloy ko nung pag-uusap namin. 

"Sige! Sa susunod. Favorite food ko ay menudo. Hm! Yum. Favorite color ko ay... orange!" sabi niya na parang batang tuwang-tuwang binigyan ng candy. 

"Ano kayang hitsura nun. Sana makita ko someday!" sagot ko. 

"Ano ka ba, makikita mo talaga 'yun someday. Don't lose hope!" sabi niya para mapagaan 'yung loob ko. "Oh ikaw naman mag-kwento about sa sarili mo."

Pinilit kong ngumiti.

"Ako si Taniya Alison Santos. Gaya nga ng sinabi ko kanina, 18 palang ako. Mahilig ako kumain. Favorite ko 'yung Crunch na chocolate. Tapos gusto ko ang red at yellow kasi maganda daw 'yun at maganda sa pandinig. Parang simple lang, ganun." sabi ko. 

"Talaga? Alam mo ba na pag-pinaghalo ang red at yellow ay orange ang kalalabasan," sagot niya. 

"Oh?! Wow," masaya kong sagot na para bang nakarinig ng bagong trivia mula kay Kuya Kim.

Kung anu-ano napag-usapan namin until nag-decide na siyang umalis.

"Uwi na ako ha. Babalik ako bukas sa free time ko," sabi niya. 

"Sige. Bukas ha. Aantayin kita," sagot ko naman. 

"Opo! Salamat sa time ah, nag-enjoy ako."

First time kong na-feel na may nag-enjoy na ako 'yung kasama.

"Kung alam mo lang kung gaano rin ako nag-enjoy." At narinig kong nagsara na ang pintuan, "At kung gaano mo ako pinasaya," dugtong ko kahit wala na siya.

**

"Oh, Ali, masaya ka ata?" tanong ni Mama, "Inaantay mo na naman si Edward 'noh."

Oo, alam ni Mama 'yung tungkol sa pakikipag-kaibigan ko kay Edward, pati 'yung pagpunta n'ya dito. Four days na rin niyang ginagawa 'yun eh. Masaya rin si Mama kasi may kaibigan na daw ako.

"Sige. Uuwi muna ako para kumuha ng damit ha. Wag kang lalabas mag-isa. Antayin mo muna si Edward."

Actually, nakakatawa si Mama eh. Dati ayaw niyang lumalabas ako 'pag walang nurse na kasama pero ngayon, kay Edward na niya ako binibilin. Nagiging parang personal nurse ko na tuloy si Edward.

Lumabas na si Mama. Naiwan akong nakaupo sa kama habang naka-earphones. Gamit ko kasi 'yung IPod shuffle na pinahiram ni Edward eh. Hindi ko namalayan na may pumasok na pala hanggang sa may kumulbit sa'kin. Agad kong tinanggal 'yung earphones ko.

"Hello Alison," sabi ng isang pagod at mahinang boses na kilalang-kilala ko. 

"Edward! Upo ka," sabi ko.

At 'yun, naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Narinig ko ang mabilis niyang paghinga.

"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong. 

"Ah. Oo. Sobrang pagod lang talaga," sagot naman nya.

Bigla ko tuloy naalala 'yung sakit niya, o 'yung reason kung bakit siya nandito sa ospital. Hindi pa rin kasi niya sinasabi sa 'kin eh. Tuwing tinatanung ko either sasabihin niya ay secret o kay iiwasan lang niya 'yung question.

"Pahiga ha," sabi niya.

Tumango ako. Ayos lang naman na i-occupy niya 'yung kama ko, 'di naman ako tutulog. Pero mukhang mali ata ako. Naramdaman ko ang paglapat ng ulo niya sa hita ko.

Pinatong ko ang kamay ko sa dibdib niya at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Edward..." tawag ko. 'Di ko sure kung tulog ba siya o ano. 

"Mmm?" sagot niya. 

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ko. 

"Ha? Di. Wala lang 'to," at pagkasabi niya n'un ay biglang may pumasok sa kwarto ko. 

"Sino 'yun?" mahina kong tanong. Tumayo siya sa pagkakahiga sa'kin. 

"Ah wa--" Pero bago niya natapos ang statement ay may nagsalita. 

"Sir Edward! Bakit kayo lumabas agad? Katatapos lang po ng chemo niyo!"

Bigla akong natigilan sa narinig ko. Chemo? Meaning chemotherapy 'di ba? So may cancer siya? Pero hindi eh, hindi pwede. Baka nagkamali lang ng pasok 'yung nurse. Pero Sir Edward daw 'di ba?

"Ayos lang ako, Mia. Sige na. May pag-uusapan pa kami ni Alison," narinig kong sabi niya. 

"Okay po. Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo," sagot nung nurse saka lumabas.

Medyo matagal din 'yung silence hanggang sa nagsalita siya.

"May cancer ako, Alison," sabi niya.

Napaangat 'yung ulo ko pagkarinig ko nung statement na 'yun.

"Bakit 'di mo sinabi? Bakit ngayon lang?" naiiyak kong tanong. 

"Sorry. Natakot kasi ako na baka pag nalaman mong mawawala rin naman ako, layuan mo ako."

Pagkasabi niya nun, unti-unti akong naiyak.

"So kailan ko malalaman? Pag wala ka na? Ayokong mawala ka, Edward."

Naramdaman kong pinupunusan niya 'yung mga luha sa pisngi ko.

Bakit ang unfair ng buhay? Lahat ata ng pasanin sa mundo ay sa akin pinabuhat. Kung kailan naman sumaya na ako. Kung kailan naman may nagpapahalaga na sa akin. Kung kailan naman natuto na akong magmahal...

"Tugtugan mo ako," sabi ko.

Pangako niya 'yun 'di ba? Gusto ko tuparin na niya.

"Ngayon na?" tanong niya.

Tumango lang ako. Lumabas sya ng kwarto ko pero after five minutes ay bumalik din siya at nag-start mag-strum ng gitara niya.

Nag-start siyang kumanta at nag-start na rin akong umiyak.

"I can't stand to fly 

I'm not that naive 

I'm just out to find 

The better part of me."

Ilang beses ko pa kayang maririnig 'yung boses niya? Gaano ko pa kaya katagal maririnig 'yung tawa niya na nakakapagpangiti sa'kin?

"I'm more than a bird 

I'm more than a plane 

More than some pretty face beside a train 

It's not easy to be me."

Ilang beses ko pa kayang maririnig 'yung pag-strum niya ng gitara? Gaano ko pa kaya katagal maririnig 'yung musika niya?

"Wish that I could cry 

Fall upon my knees 

Find a way to lie 

About a home I'll never see."

Ilang beses pa kaya siyang babalik sa kwarto ko? Gaano ko pa kaya katagal mahahawakan ang kamay niya?

"I'm only a man in a silly red sheet 

Digging for kryptonite on this one way street 

Only a man in a funny red sheet 

Looking for special things inside of me."

Dapat makasama ko pa siya ng mas matagal. Dapat makita ko siya.

"Inside of me 

Inside of me..."

Natapos na niya 'yung kanta. Medyo magulo pa rin utak ko pero siguro tama na rin 'tong gagawin ko.

"Edward... gusto kitang makita."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Pero di ba..." sabi niya. 

"Magpapa-opera ako. Para sa'yo." sagot ko.

Bigla siyang lumapit sa tenga ko at bumulong.

"Gusto pa kitang makasama."

**

Magkasama kami ngayon. Bukas na 'yung operation namin pareho. Pinagpilitan kasi naminna dapat sabay eh.

"Bukas... if successful yung operation ko, dapat pang mag-wait ng three days bago matanggal yung tapal ng mata ko." sabi ko. 

"Sige. After three days puntahan mo ako sa room ko ha," sagot niya. 

"So mula bukas, di tayo magkikita?" malungkot kong tanong. 

"Pero at least, sa susunod nating pagkikita, makikita mo na ako literally, 'di ba?"

Pagkasabi niya nun, napangiti ako ng puno ng pag-asa. Tama, makikita ko siya.

**

"Anak, makakakita ka na!" excited na sabi ni Mama. 

"Oo nga po eh."

Mamaya lang kasi, tatanggalnin na 'yung tapal ng mata ko eh. At oo, successful 'yung operation. Makikita ko na si Edward.

"Ready ka na ba?" narinig kong tanong ng doktor ko.

Tumango ako at naramdamang dahan-dahang tinatanggal 'yung tapal sa mata ko.

Maliwanag. Sobrang liwanag. Malabo noong una, hanggang sa naging malinaw din.

Nakita ko si Mama, nakangiti siya.

"Ma!" napasigaw ako at niyakap siya.

Bigla kong naalala ang pangako ko kay Edward.

"Mama, may pupuntahan lang ako ha," tumango si Mama at nagmamadali akong lumabas.

Tatlong pinto mula sa kanan ng kwarto ko.

Nung nasa may harapan na ako ng kwarto niya, nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

Bahagya kong binuksan ang pinto. Patay ang ilaw. Tahimik. Walang tao. Tama ba ang napasukan ko?

Lumabas ako at sakto namang may dumaan na nurse.

"Excuse me po, 'yung pasyente po dito?" tanong ko.

Tumingin siya sa pinto.

"Room 206? D'yan yung lalaking may cancer na inoperahan nung isang araw 'di ba?" unsure niyang sinabi.

Tumango lang ako at inintay 'yung sagot niya.

"Nasa morgue na siya ngayon eh," Natigilan ako sa sinabi niya. 

"Morgue po?" 

"Ah oo. Kakilala mo ba sya? Sorry ha," sagot niya.

Tumango ako. Nagpipigil ng luha.

"Saan po 'yun dito?"

Sinamahan ako nung nurse sa morgue at iniwan sa tapat ng isang bangkay na si Edward daw.

Maya-maya may dumating na babae.

"Sino ka?" tanong niya pagkakita sa'kin na nakatitig lang. 

"Kaibigan po ni Edward," sagot ko. "Ako po si Alison."

Nung sinabi ko 'yun, hindi ko ma-gets 'yung reaction ng mukha niya. Basta may kinuha siya sa bulsa nya tapos inabot sa akin.

"Alam kong marami kang tanong. Binigay niya 'to sa'kin bago magpaopera. Kung sakali daw na mawala siya at may maghanap na isang babaeng maputi at mahaba ang buhok na Alison ang pangalan ay ibigay ko ito."

Tinanggap ko 'yung binigay nya at tiningnan.

"Sige na, pakinggan mo na 'yan mo na 'yan."

Bumalik ako sa kwarto ko. Umupo sa kama at humingi ng tulong sa pag-peplay nung CD. At nung okay na, narinig ko ang boses nya.

*

Alison,

Nineteen years na akong nabubuhay pero sampung taon na akong nabubuhay na parang isang patay, hanggang sa nakilala kita - isang babaeng puno ng pagmamahal ang mga mata, puno ng pag-asa ang ngiti at puno ng saya ang bawat salita. Siguro nahawa na ako sa saya mo, at nabigyan na rin ako ng liwanag mo. Ikaw ang nagpabago ng pananaw ko sa buhay.

Sorry kung di ko agad sinabi sa'yo 'yung sakit ko. Ayaw ko kasing ayawan mo ako, baka kasi iwan mo ako dahil alam mong mawawala rin naman ako. Pero nagkamali ako, kasi nandiyan ka pa rin.

By the time na naririnig mo 'to, wala na siguro ako. Wag kang malulungkot ha? Kasi kung naririnig mo ang sinasabi ko, ibig sabihin successful ang operasyon mo, kaya wag kang malulungkot kasi masaya ako para sa'yo at gusto ko maging masaya ka rin.

Sige na, hindi ko na pahahabain pa ito. Mayroon lang akong gustong sabihin. Gusto ko sanang malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal. Huwag mo sana akong kalimutan kasi di ko kakayanin 'yun kahit wala na ako. Sana sa bawat bagay na makikita mo, maalala mo ang pinagsamahan natin, ang mga alaalang binuo natin at sana maalala mo ako, ang taong tinuruan mong tingnan ang mga bagay ng may pagmamahal.

Lagi lang akong nandito, sumusulyap, at umaawit para sa'yo.

-Edward.

*

Kasabay ng pagtatapos ng huling salita ay ang pagtigil ng mga luha ko. Tapos na akong umiyak, mula ngayon, pangako ko sa sarili ko, pangako ko sa taong mahal ko, na magiging masaya na ako para sa mga bagay na nakita at makikita ko, pero lalo na sa mga bagay na hindi ko nakita. Oo, siguro nga 'di ko siya nakita pero mas higit pa d'un ang nasilayan ko, nasulyapan ko kung paano siya magmahal, at alam ko... ako ang unang nakakita n'un.

**

The End.

***

Hello! Musta kayo? Whooo. November gift ko sa inyo. x)) Araw daw kasi ng patay kaya ito, pumatay na naman ako ng character. Hahaha. :)

Ano, kung finofollow man kayo ni Ranz ko sa Twitter, pasabi follow niya ako ha. Baka maisipan niyang dalawin yung puso ko na patay na patay sa kanya. XD

Tapos ano pala, salamat sa walong-daan kong fans. :)) Heya, labyoooo!

Vote niyo uh! Tapos comment rin kayo. Mag-fan na rin. ;))

I A M M I S S R E D.

First Sight

Copyright November 01, 2012

Continue Reading

You'll Also Like

44.4M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...