A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

34.8K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 3- LETTING GO

917 72 4
By LovieNot

I can't help but respond to every motion of his lips.

It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.

Napangiti ako nang matamis dahil sa ala-alang iyon. Tuwing sumasagi talaga iyon sa isip ko, kahit badtrip ako o kaya ay may ginagawa ako ay napapahinto ako at napapangiti.

Kanina ay hindi lang isang beses akong napuna nina Gab at Kenya, ang ganda daw ng mood ko na naman. Nahuli rin nila akong parang baliw na nakangiti. Zsss!

Crazy, Marciella. Crazy!

I can't help but reminisce about that moment with him. It naturally runs through my mind. It's as if I want to return to his flat and answer his question, "Should we do it?" with a 'yes.'

Aba, Marci, ah? Landi din 'te! Nyawa.

Parang may mga butuin akong nakikita sa kalangitan kahit tanghaling tapat. Ito na yata ang epekto ng halik ng haduf na Ash. Nanggigil ako sa kanya! Sarap niyang isako, bakit kasi 'di pa tinuloy?

Self-warning uli.

Napangiti na lang ako sa kahadufan ng utak ko. Bwiset.

"Hoy! Aba anong nginiti-ngiti mo diyan, ah?"

Halos mapatalon pa ako sa gulat. "Percy naman, nakakagulat ka, ha?" reklamo ko. Hindi ko man lang namalayan ang kanyang paglapit.

Tumawa lang siya at kagaya ng kanyang nakasanayan ay nasa flat ko na naman siya ngayon nakatambay. "Sorry naman, kumatok ako pero 'di ka sumagot. Hindi naman lock ang pinto mo kaya pumasok na ako."

Napailing na lang ako, kaya kung sino-sino sa kanila ang nakakapasok dito dahil makakalimutin ako pagdating sa pag-lock ng pinto.

Well, except kung ang kasama ko ay si Ashmer Guieco.

Napailing at napangiti na naman ako uli.

"Anong klaseng ngiti yan Marci, ha?" usisa pa uli nitong kasama ko.

Umiling ako. "Wala naman," tipid kong sagot. Bawal ipaalam at baka matuloy na ang world war III.

"Anong wala? Huwag ako, pwend. Napagdaanan ko' yan kay Ashmer, alam ko ang ganyang klaseng ngiti at pakiramdam. Now tell me, who's the lucky guy?"

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.
She's right, alam na alam niya ang pakiramdam dahil malamang sa malamang ay ganitong saya rin ang naramdaman niya noong naging sila, at ganitong klase ng ngiti rin ang pinapakawalan niya noon. Maging ngayon ay matamis pa rin ang ngiti niya.

And unfortunately, there's only one man who's the reason for our happiness and smiles. The guilt started to punish me again.

Kung alam niya lang na ang lalaking mahal niya ang siyang dahilan, baka isinumpa niya na ako. Baka galit na galit na siya sa akin bagay na ayaw kong mangyari.

"Uy, tinatanong kita, Marciella, ah?" nakangiting panunukso niya.

Ngiting noon pa man ay 'di mawala-wala sa bibig niya. Ni isang beses ay hindi ko pa siya nakitang nakabusangot na para bang pasan ang langit at lupa. Hindi ko pa siyanakitang umiyak dahil sa sobrang nalulungkot o nasasaktan. Ngiti lang ang palaging nakaplastada sa mukha niya.

No one desires to fade the glow of her smile, the distinct smile she possesses. We love her even more for her smile, capable of brightening the entire world.

I won't forgive myself if I'm the cause of her tears.

Pasimple akong suminghap at kunwari ay natawa. "Wala, naalala ko lang ang usapan namin ni Sir JB last friday."

Napataas-kilay naman siya. "Sir JB? Co-lecturer mo ba?" Bakas sa tono niya ang interest. Titig na titig din siya sa'kin. Pauulanan na naman ako nito ng tanong.

Naririnig ko sa kukuti ko ang lyrics na 'I'm sorry that I lied'.

Lord, marami na po akong kasalanan, mapapatawad mo pa kaya ako?

"Yes."

"Oh my god! Baka siya na ang Mr. Right mo. Nanliligaw ba sa'yo?"

Natawa naman ako. Advance talaga mag-isip ang babaeng ito eh.

Paano manliligaw eh 'di nga kami close masyado ng lalaking iyon? Malas ko lang at JB pa ang pangalan na sumagi sa isip ko.

Well, Marci simulan mo ng i-close si Sir JB.

"Ah, hindi pa naman," sagot ko at pilit na ngumiti.

"Weh? Pa? So it means, hinihintay mo na lang? Ano ba account niyan sa socmed at ma-DM ko na bilisan na ang kilos."

Napangiwi naman ako habang hindi alam ang isasagot. Sa dami ba namang pwedeng maging alibi ay bakit nandamay pa ako ng taong inosente?

"Good afternoon."

Pareho kaming napalingon sa pinto at bumungad doon ang mukha ng lalaking nasa isip ko palagi at dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi.

Hindi ba siya napagod? Magdamag siyang tumatakbo sa isip ko, eh. Ang tanga niya naman kasi, dumaan na nga lang siya sa isip ko, nahulog pa siya sa puso ko. Sana naging unan na lang siya, para lagi ko siyang kasama sa pagtulog.

I know, I know ang corny. Zsss. Epekto na ito sa mga nababasa mong nobela Marciella.

"Good afternoon, boss ko," malambing na bati ni Percylla kay Ashmer.

"Good afternoon," tugon naman nito sa girlfriend niya. "Nandito ka rin pala, Cylla?"

"Ah, yes, kakarating ko lang from the studio, eh. Dito na muna ako dumiretso sa flat ni Marci dahil mas maaliwalas dito. Triple yata ang laki nito kaysa sa mga flat natin," natatawa namang saad ni Percy.

"Of course, mamatay ako kapag maliit lang ang lungga ko, 'no?"

I hate crowded places, and I'm not fond of tight spaces either, which is why I have the largest flat here. They all know the reason why. Gab and I are opposites; she gets bored with spacious areas. She's used to cramped spaces, so she has a smaller flat compared to others.

"Ano nga palang kailangan mo, boss?" usisa ko pa sa kaswal na tono.

Bakit siya nagawi rito? Sigurado ako na nakita niya naman si Percy bago siya pumasok, eh. Tumuloy pa talaga.

"Let's discuss our mission for tonight."

Mission? I wanted to ask that and raise an eyebrow, but then I suddenly remembered that I was the one who invited him yesterday.

"Mission?" usisa ni Percy. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. "Anong misyon 'yon?" ulit ni Percy.

Gusto kong mapasapo sa noo. Bakit kasi 'yon pa ang alibay niya? Eh sa hindi naman siya nasa field eh kasi boss siya. Alibi ba talaga o sinasadya niya lang bulabugin ang sistema ko ngayon.

Damn this jerk! Pahamak.

"Ano kasi Percy..."

"It's a confidential mission, Cylla," putol niya sa sasabihin ko sana. Bahala nga siya.

"Siya ang ni-recommend ng fad na sumama sa akin," dagdag niya.

Bilib din ako sa tibay ng loob ng isang ito, ah? Mukhang malulusutan niya nga si Percy.

Saglit naman na nag-isip si Percy at pagkuwa'y tumango at ngumiti. Nakahinga ako nang maluwag at pasimpleng napabuga.

"Okay. I understand. Well, may lakad din ako mamayang gabi, eh."

"Where?" sabay pa naming tanong. Nakakunot-noo siya habang ako ay napataas-kilay.

Saan na naman ang punta nito?

"Junior and Senior Prom ng FIS at ako ang kinuhang official photographer ng school. Hindi ko matanggihan, ang laki ng offer nila, sayang naman."

"How much?" Sabay na naman kami.

Napangiwi si Percy. "Why niyo naitanong?" conyo niyang tanong din.

"Ako na magbabayad."

Napakamot ako sa kilay ko habang siya ay sa batok kasi sabay na naman kami. Humagalpak ng tawa si Percy tsaka namewang.

"Iyong totoo? Scripted ba ito at instructed ba kayong dalawa na dapat magsabay?"

"Hindi."

"No."

Mabuti naman kahit sabay kami at least magkaiba na ang salitang ginamit namin. Gaya-gaya talaga ang isang ito.

"Okay, fine pero hayaan niyo na akong pumunta roon. Passion ko naman 'yon eh, alam niyo 'yon, 'diba?" Matamis ang ngiting pinakawalan nito. Ngiting hindi mo matatanggihan o mahihindian ninuman.

Napabuntonghininga kami pareho.

"Fine, basta safe ka roon," aniya pa sa kay Percy. Ipinulupot naman ng isa ang kamay nito sa braso niya , umiwas na ako ng tingin.

Masasaktan lang ako. Napabuntonghininga ako nang pasimple.

"Safe ako doon, promise. Saka, I can fight naman if ever. Ako pa ba? Kaya kong makipaghabulan kay Tarzan."

Pareho silang natawa. Tahimik lang ako at kinuha ulit ang libro na binabasa ko bago pa lumipad ang imahinasyon ko kanina. Kunwaring nagbabasa ako.

"Good to hear that. Pasamahan kita gusto mo?"

"Ano ba? Huwag na, hon. Ito naman, oh. Anyway, mukhang kailangan niyo pang mag-usap ni Marci patungkol sa mission niyo mamaya kaya aalis na muna ako. God bless sa inyo and ingat din. Marci, labas na ako ah?"

"Hmmm," ni ko sabay ngiti at tango. Inihatid na lang namin ito ng tingin.

I'm sorry, Percy. Konting oras na lang naman din ang kailan ko. Hinding-hindi na ako makikita hati pa sa atensyon at pagmamahal ni Ashmer.

Napabuntonghininga ulit ako nang makalabas na si Percylla. Ramdam ko na ang titig ng haduf na Ashmer kahit 'di ko pa siya tingnan.

"Ell," untag niya sa akin. Blangkong ekspresyon ng mukha ang ibinigay ko sa kanya.

"Hmmm?"

Umupo siya sa tabi ko, paharap sa'kin at isinampa niya pa ang isang paa sa sofa at pinakatitigan ako.

"You're just distracting me and ruining my mood, Ashmer," asik ko. Bahagya pa siyang napanguso. Nakita ko lang iyon sa gilid ng mga mata ko.

"Pero kapag si 'Sir JB' ay hindi nasisira ang mood mo? Ngiting-ngiti ka dahil sa may naalala kang usapan ninyo? And oh, hindi pa naman siya nanliligaw sa'yo."

Natawa naman ako nang hindi ko sinasadya. Kabisadong-kabisado, ah? Di halatang nakinig siya sa usapan namin ng jowa niya.

Sumasakit panga ko sa lalaking ito, napaka-chismoso, parang ang Chairman Dailann lang na talagang tinanong sa'kin kung nakahanap na raw ba ako ng papakasalan ko dahil sabi raw ni Kenya ay ako na ang susunod, zsss!

Ayan pa 'yang pamahiin na 'yan! Nyawang Kenya! Ako pa ang napagtripan! Sana pala pumulos agad ako ng araw ng kasal nila para hindi ako ang ma-appoint na susunod na ikakasal.

"Tawang-tawa, ah? Narinig lang ang JB, eh 'no?"

"Don't act like a jealous boyfriend, Ash. Lalo akong nahuhulog sa 'yo, eh" biro ko pa pero alam niyo na, totoo naman iyon. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, natameme eh.

"Hindi ako nagseselos," nakabusangot niyang saad.

Natawa ulit ako at napailing. I know this man that much. Kahit naman walang kami at may girlfriend siya, alam ko kung kailan siya nagseselos at kailan naiinis lang talaga.

"Okay, sabi mo, eh," kibit-balikat kong saad.

"Bawal kang magka-lovelife, 'di ba?"
Hindi ako umimik. "Hindi ba?" ulit niya.

"Oo na."

"Oh, eh bakit may balak ka yatang magpaligaw?"

Sinalubong ko na ang tingin niya at ibinaba na ang libro.

"Well, well, well, balak pa lang."

"Sabing hindi ka puwedeng magka-lovelife, 'di ba?"

"Pero 'di naman bawal magpaligaw," pang-aasar ko sa kanya.

Gulo namin, 'di ba? No... Ang gulo ng lalaking ito, 'diba? Salawahan talaga. Bakit ba pinapatulan ko pa ang kalandian nito?

Simply Marci, kasi malandi ka rin naman. Pasimple nga lang.

Bawal ba sa batas 'yon? Bakit si Kenshane? Lantaran pa 'yon, saka si Kenya patago naman. Alam kung naglalandian na talaga sila ng chairman noon, nananahimik lang ako. Ayaw lang makialam since may reputasyon sila pareho na dapat ingatan.

Pero sila kasi ayos lang na landiin 'yong mga lalaking mahal nila dahil wala namang sabit, Marciella.

"Bawal din, doon nagsisimula ang pagkakaroon ng love life."

Pinigilan kong panliitan siya ng mata. "Hindi nga bawal..." Hindi ko na naituloy dahil nakabig niya na ako at hinalikan sa paraang gusto ko.

Gentle and slowly. Iyong nararamdaman mo pa rin ang respito niya sayo. Nakakalasing, nakakawala ng stress sa katawan.

Napapikit ako hanggang sa mag hiwalay ang mga labi namin.

"Sabi ko nga bawal, eh," nakangiti kong sambit.

"Good." Mas malapad ang ngiti niya.

Hindi niya ako hinayaang makawala, niyakap niya ako ng mahigpit.

"Miss na miss mo ako?" pang-aalaska ko pa sa kaniya.

"Super... as always."

Wew! May mga stars sa kisame, ah? Haduf na 'yan.

"Bolahin mo pa ako, para namang wala kang girlfriend."

Para namang 'di mo rin alam na may kasintahan siya, Marci, ah? Hanggang kailan ba kayo magiging ganito? Hindi pwedeng maging kabit ka, hinding-hindi, Marciella Perrer.

Aish! Hanggang kailan ko rin ba papaalalahanan ang sarili ko?

Napabusangot ako sa sarili kong iniisip. Sakit sa bagang ng buhay kabit, ha? Ang hirap. Hindi ako mabubuhay nang matagal sa ganitong estado.

Oo na, Marciella, kabit lang tayo. Huwag na tayong magmalinis. Masakit, 'di ba? Gano'n talaga, truth hurts at isa pa ay desisyon mo rin naman ito.

"Gusto kita."

"Pero mahal mo siya, Ashmer. Ang galing, ano bang ipinaglalaban mo?"

Hindi naman siya umimik pero nanatiling nakayakap siya sa'kin.

"Gusto kong matulog dito ngayon, puwede ba?"

Nanlaki naman ang mata ko. "Baliw ka ba? Nandito si Percylla."

Napanguso siya at napakalas sa akin. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Paglabas ko ay sakto ding nagmamadali sa Percy sa pagpasok.

Naku! Buti na lang talaga!

"Mer, alis na pala ako ngayon, ha? Kailangan na ako sa FIS eh. Bye! Marci, alis na ako."

Mukhang nagmamadali talaga ito. Hindi pa nga ako nakapagutgon pa at papatayo pa lang din sana si Ash pero nasa pinto na si Percy at tuluyan ng nakaalis.

Naglakad naman siya papuntang pinto, nagkamali ako nang akalain kong lalabas na rin siya dahil ni-lock niya lang pala iyon. Napailing na lang ako, saktong nilingon niya ako.

"Bakit?" usisa niya pa.

"Wala," sagot ko. Lumapit siya sa'kin.

"Puwede na ba akong matulog dito?"

Napataas-kilay naman ako at napatitig sa kanya.

Para bang naawa ako sa hitsura niya na ngayon ko lang napansin. Parang pagod talaga at puyat. Busy kasi siya palagi, 24 hours naka-monitor sa camp at kailangan updated siya sa lahat ng misyon na nakatalagang gawin oras-oras.

"Matulog ka."

"SWM."

Nanlaki naman ang mata ko. Gags ba ang lalaking ito? Natawa lang siya sa naging reaction.

"It stands for Sleep With Me and not what you think it is," natatawa niyang saad.

Sorry naman. Eh, sa sex with me ang alam ko.

"Ah, okay. Sleep lang naman eh," tugon ko para 'di na mapahiya pa.

Ang pink kasi ng utak eh. Kasalanan ito ni Kenya! Kung ano-ano ang ikinukwento sa akin, zsss!

"Puwede naman din 'yong isa pang ibig sabihin kung gusto mo..."

"Let's sleep then," pamumutol ko pa sa kanyang sasabihin. Inirapan ko pa siya dahil nakangisi pa rin siya.

Nagpatiuna na ako sa kwarto ko at tahimik naman na sumunod siya.

"Wow, pink?" natatawa niya pang saad. Napairap ulit ako.

"What's the problem with pink?" mataray kong tanong.

"Wala naman, taray."

"Wala naman pala tsaka it's not that I love pink, color coding 'yan ng Clan natin. Kasalanan ko bang pink ang national color natin?" paliwanag ko na may halong pagrereklamo.

Naglakad-lakad naman siya na para bang sinusuri bawat sulok ng kwarto ko.

"I know, Ell, defensive?"

Hindi na ako umimik. Maya-maya ay sumampa na siya sa kama.

"Bango, smells like you."

"Duh? Baka kasi ako 'yong gumagamit."

"Taray mo na lang bigla-bigla, ah? Halika na rito."

Bahala ka diyan. Daot ka!

"Ell."

Tumalikod ako sa kanya at akmang lalabas ng kwarto pero biglang umangat ang paa ko. Napatili pa ako ng wala sa oras.

"Hey gags! Put me down!" asik ko pero 'di siya nakinig.

Pabagsak na inilapag niya ako sa bed at dinaganan pa ako ng nyawa. Akala mo ang gaan-gaan eh. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gags ka talaga," asik ko.

"Gags you too."

"Tigilan mo ako."

"Simulan na natin ang misyon," nakangisi niyang saad.

"Ayaw ko na palang umalis kasama ka."

"Eh di 'wag pero sa 'yo ako at akin ka this night. Star gazing tayo mamaya sa garden," bulong niya sa akin.

Wala pa man ang star gazing na sinasabi niya, nakakakita na ako ng mga star. Haduf na 'yan! Ano bang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako?

"Hoy, naririnig mo ba ako?" Hinaplos niya pa ang pisngi ko. May kung anong dulot na naman iyon sa malandi kong sistema.

"Oo na po," malumanay kong saad para 'wag ng makulit pa.

"Matulog na tayo," sambit niya, hinalikan niya pa ako at pinaunan sa braso niya at pumikit na.

Pinakatitigan ko naman ang maamo niyang mukha. Ang gwapo talaga ng isang ito. Hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming may gusto sa kanya.

Imbes la mag isip pa ay ipinikit ko na rin ang mata ko kahit hindi naman talaga ako inaantok.

Hindi ko alam kung nasa tamang sitwasyon pa ako. Kung may karapatan ba akong magsaya, magselos, masaktan at malungkot kapag ang lalaking nasa tabi ko ngayon ang involve.

Bahala ka na lord. Kung anong plano mo ay siya nawa ang mangyari. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Basta isa lang ang alam ko, masaya ako sa piling ng lalaking ito.

Napakilos ako pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Zsss! Para namang tatakasan ko siya. Kahit tulog malandi pa rin, ah?

Sinikap kong makaangat lagpas sa ulohan niya. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya. Ang bango. Napadako ang tingin ko sa pinkish niyang lips.

Damn! Parang gusto ko siyang nakawan ng halik. Tulog naman siya, 'di ba? Hindi naman yata niya malalaman.

Dumukwang ako para gawaran siya ng halik pero sa pagkabigla ko ay nahawakan niya agad ako sa batok at siniil ng halik ang labi ko.

Nyawa, Marci! Huli ka sa akto! Buwisit! Nakakahiya!

Ramdam ko ang init ng mukha ko. Nang maputol ang halikan namin ay inaasahan ko ng tutuksuhin niya ako pero 'di niya ginawa. Ni 'di nga siya nagmulat ng mata eh. Humigpit ulit ang yakap niya sa akin kaya niyakap ko na lang din siya.

Just until tonight, Percy. I'm sorry. Tomorrow, I'll try to avoid him, to forget him. I'll set him free.

I shut my eyes as sleep finally embraced me. I need some rest for what lies ahead.

I hope it won't rain, I hope the weather will be in our favor. I need the stars later. I just need to see them all, as if gazing at them fulfills my desire to love and be with Ash.

I understand it may not happen, but as long as there are stars... Whether it becomes reality or not, I'll still consider it a win.

Tuluyan akong nilamon ng antok. Nang magising naman ako ay tahimik lang pala akong pinagmamasdan ni Ash. Huling-huli ko talaga siya.

"Good evening," bati niya pa.

"Evening? Anong oras na ba?"

"7:15 p.m."

Napabalikwas naman ako ng bangon. Ngayon lang yata ako natulog ng hapon at ginabi na ng gising.

Well, katabi ko nga kasi pala siya.

"I'm sorry. Napasarap tulog ko. Kanina ka pa gising?"

"Mga six na rin 'yon, let's have a dinner first."

Tumango ako at tumayo na. Dire-diretso ako sa pinaka-main door ng flat ko at akmang pipihitin na ang door knob ng tumawa siya.

"What's funny, Ash?" angil ko pa.

"Dinner nga, 'di ba?"

"Yeah, I know. Asan ba ang DH? Diba nasa labas?"

Lumapit naman siya sa 'kin at parang pusang dumikit.

"Nakapagluto na po ako, hon," malambing niyang saad.

Okay na sana, kaso 'di ko nagustuhan 'yong huli niyang sinabi.

"I am not her," asik ko.

"I know. Bawal ka bang tawaging gano'?"

"Bawal, hindi ako siya."

"C'mon, Ell, iba ka, iba si Cylla. I know that. I just wanna call you hon so let me, please?"

"So, dalawa na kaming tatawagin mong ganun?"

"Narinig mo bang tinawag ko din siyang ganun?"

Nag-isip naman ako.

"Malay ko ba, pero oo... minsan?"

"Hmmm, yeah ,whenever you're around just to pissed you off."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Zsss! Now I know. Kaya pala may diin lagi 'yong pagtawag mo sa kanya ng gano'n. Sama."

Tumawa lang siya. Haduf talaga ang lalaking ito. Sarap ng isako.

"Let's eat," saad niya. "Or I'll eat you. Pili."

Uminit naman mukha ko dahil sa naalala ko ang pagkahuli sa akto niya sa akin kanina.

"E-Ewan k-ko sa 'yo!" Nautal pa ako, kainis talaga. Ngumiti lang siya at nakaakbay na iginiya ako sa Kitchen.

Tahimik lang kaming kumain pero may mga pagkakataong nagkakasalubong ang mga tingin namin at parehong napapangiti sa isa't-isa.

Damn! I love every moment that I am with him. How to stop this feeling? Bakit parang mas lalo lang akong nahuhulog sa lalaking ito?

After namin kumain ay umalis muna siya at ako naman ay naligo. Pinili ko ang paborito kong damit na galing pa rin sa kanya. I think birthday ko iyon ng ibigay niya sa akin ito. Marami siyang inireregalo sa akin na lingid sa kaalaman ng lahat. Actually, halos lahat ng ipinapampahay ko ay galing sa kanya.

Nang matapos ako ay lumabas ako ng flat at sakto ring pabalik na siya. Mukhang naligo rin siya. Ang bango talaga kahit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa'kin.

"Tara na," yaya ko. Nagpatiuna na ako habang bitbit ang hindi naman kakapalan na libro.

It's a copy of a tragic story of Romeo and Juliet written by William Shakespeare. Pinasadya ko talaga itong ipa-hardbound bago pa man ang kasal nina Kenya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sumabay sakin sa paglalakad. Binagalan ko ang lakad kesyohadong may makakita pa sa amin na agents, ayokong marating agad ang destinasyon namin dahil kapag nangyari iyon ay tuluyan na akong magpapaalam sa kanya, tuluyan ko na siyang papakawalan.

And that's it . This is it. Narating na namin ang garden. Nauna siyang maupo sa duyan.

"Have a seat," usal niya at tumingala sa kalangitan kagaya ng madalas naming gawin tuwing pinatatagpo ang landas namin dito.

Umupo naman ako sa tabi niya at inilapag ang libro sa tabi ko.

Mga ilang minuto rin siguro na wala ni isa man sa amin ang nagsalita. Pareho lang kaming nakatitig sa kalawakan.

It's really a starry night, indeed. Ang sarap sa feeling na kasama ko siya habang tinititigan ang nag kikislapang buwan.

Inihilig ko ang ulo sa balakit niya. Naramdaman ko naman na bahagya niya akong kinabig papalapit sa kanya at niyakap ang isang kamay sa bewang ko.

What a perfect night!

Let me rephrase it... What a perfect and last starry night with him. Bukas ay paniguradong mawawalan na ng ningning ang mga bituin ng mundo ko as I take and do my promise and that is to stay away from him.

"Ganda ng mga butuin oh, parang ikaw Ell."

"Meron din sigurong gwapong butuin, ano? Parang ikaw lang din."

"Ell?"

"Hmm?"

"I... d-dont wanna lose you."

Abot-abot naman ang kabang naramdaman ko. Wala akong narinig. Wala.

No, no, no! Stop, heart. Don't be fragile, please. Absolutely not. This is your last night with him, remember? You made a promise to yourself, Marci.

Kunwari ay natawa ako para lang pakalmahin at itaboy ang emosyong namumuo sa sistema ko at siyang makakapigil sa plano ko ngayon.

"Are you kidding me, Ash? You have Percy now and then... Me? Bawal sa batas 'yon," may halong biro ko pero 'yong sakit sa katotohanang hindi kami pwede ay dumadaloy sa aking buong katawan.

Speak, Marci! Huwag mong hahayaang makapagsalita pa siya ng siyang magpapalambot ulit sa puso mo.

"See this?"

Inabot ko sa kaniya ang libro at tinitigan niya naman iyong mabuti pagkuwa'y tumitig sa akin. Sinalubong ko iyon at sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang ib't-ibang emosyon na meron ang mga mata niya at ayokong kilalanin pa ang mga iyon. Ayaw kong tukuyin pa ang mga iyon.

"It's a Romeo and Juliet story. I know you already know about their story, and unfortunately, Ash, just like them..."

"Ell, stop."

I didn't back down. "But... we can't, Ashmer. Let's accept that. Like them, there's no forever for us. There is no fairytale waiting for us. If we defy destiny... we might just hurt ourselves even more."

"And what is the fate you're talking about? Ell, I love you, and I know you love me also..."

"I love you."

Shit! Tears suddenly welled up in my eyes. It was the very first time I cried in front of him.

That feeling when you've wanted to hear those words from him for so long, but when he finally said it, it hurt even more.

It hurt so much because... it turns out you both love each other but it just can't be. It can't be, and it's too late. Or even if it's not too late, we can't be together. Even if we are meant for each other, I have to rewrite the stars for Percylla's sake.

I stood up, and he did the same, but there was a gap between us.

"Why are you saying this now? Why now, Ash?" I said casually, trying to sound uninterested.

"Because you never listened to me. Every time I tried to confess my feelings for you, you always blocked me, always thought I was joking, but hell I was not, and I am not. You just forced me to choose her; don't ever forget that."

I shook my head as tears streamed down my face. He was doing the same.

"It's because you've said you love Percy, Ashmer. I remember how you told me that you loved my best friend, and it was damn painful! So how can I believe you, huh? Tell me, how?" I blamed him back even though I knew that all of this was the aftermath of my choices.

"Everything is changing, so are my feelings..."

"Change? Ha! I hate changes! And I hate the idea that I'm part of the change you're talking about the most. Starting tomorrow, let's not be as close as we used to be. Let's help each other move on."

"I don't..."

"Please?"

"No, Ell..."

"Goodnight. I have to go."

"Ell, I love you, please believe me."

I turned away from him completely.

I believe you, Ash, because I can feel that what you said is true. I love you, and I know you love me too.

Yes, I love you too, Ash. But this is our destiny. Not all those who love each other are granted by fate. If we insist, we might... we might just lose each other completely. I'm content now just to see you every day and for you to see me. I'll be content watching you from afar while you're with her.

In silence... I'll love you secretly. In that way, I won't hurt anyone else except myself.

Continue Reading

You'll Also Like

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...