Our Messy Hearts ✔

By ZuXiner

2.5K 1.1K 1K

Published Under Ukiyoto Publishing January 2022 [Completed] (This Version is UNEDITED) Arianne is a seventeen... More

MESSY HEARTS
Prologue
Chapter 1: Bump Him
Chapter 2: Unexpected
Chapter 3: Transferee
Chapter 4: Stay Away
Chapter 5: Unknown Number
Chapter 6: Overnight
Chapter 7: Sealed Kiss
Chapter 8: Cheers
Chapter 9: To Be My Side
Chapter 10: Cry On My Shoulder
Chapter 11: Smile
Chapter 12: Girlfriend or Heartbreak?
Chapter 14: It Hurts
Chapter 15: With Jonard
Chapter 16: Forbidden Feelings
Chapter 17: Be With You
Chapter 18: True Feelings
Chapter 19: Truth or Dare?
Chapter 20: Dancing with Him
Chapter 21: Happiness
Chapter 22: The Truth
Chapter 23: Revelation
Chapter 24: Be my Medicine
Chapter 25: Happiness and Pain
Chapter 26: This Can't Be
Chapter 27: His Dream
Chapter 28: The Past
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 13: Unknown Feelings

53 38 10
By ZuXiner


Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 13

TWO days was passed since the day I agree to become Louwiee's girlfriend, pero ngayon ay hindi ko alam kung kami ba o hindi. Remember when he said, sinagot ko nga s'ya pero parang basted din agad. Ang bilis 'di ba? Two days narin after that happened ay sinabi ko iyon kay Angela and ofcourse unang naka-alam nun ay si Marvie. Halos magtatalon talon si Angela dahil sa nabalitaan pero napahinto din makalaunan nang sabihin ko sa kaniya ang sunod na nangyari. Si Marvie naman ay ngumiti lang. Medyo na-weirduhan nga ako kay Marv pero baka siguro ganiyan lang talaga s'ya.

"Malay mo naman bess, kayo na." Angela said, pouted.

"Who knows? Malay mo hindi naman." I answered her.

"Marv, paabot naman ng juice." Ani Angela. Nandito kami ngayon sa bahay nila Angela. Ewan, wala naman kaming pasok dahil suspended ang klase dito sa manila. You know the NCOV issue?

"You know what, Iresh? Ang tanga mo." Angela added. Iniabot sa kaniya ni Marv ang baso ng juice at saka ininom.

Kunot ang noo kong tumingin sa kaniya, "Why?"

"You really don't know huh." Psh. Bakit kasi hindi nalang dirutsuhin, diba?

"Kasi naman hindi ko po alam na TANGA pala ako." Sagot ko nalang at in-emphasize ang salitang tanga.

"Matagal na akong tanga, ngayon n'yo lang ba nalaman? Haha." May sarkastimo kong dagdag. Totoo naman eh. I'm one of those twelve Idiot girls in my former school. Naikwento ko na sa kanila iyon noon kaya malamang alam nila iyon.

"That's a title name, hindi ibig-sabihin na I.G (idiot girls) ang name ng group niyo noon ay tanga na kayo. Minsan lang naman sumusumpong katangahan ng isang tao." Angela explained.

‘Minsan nga lang ba o palagi?’ bulong ko sa isip.

Kumuha ako ng isang basong juice at biscuit bago kinain at ininom iyon.

"Bakit mo nga ba nasabing ang tanga ko?" Tanong ko. Si Marv naman ay napa-iling nalang dahil sa pag-uusap naming dalawa ni Angela.

"First, bakit ka pumayag na maging girlfriend niya if alam mo namang may Jens pa s'ya? What if hinihintay lang siya ni Jens para maging okay sila?" Paliwanag nito. That's hit me. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at hindi ko inisip ang bagay na iyon. Paano nga, Arianne? Paano kung rebound ka lang pala?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Kung malulungkot ba, masasaktan, o matatawa sa katangahan ko.

Muling kumuha si Angela ng juice at muli na namang uminom. Kumuha pa siya ng tissue at pinunasan ang labi. "Second, hindi ka naman pala sure sa feelings mo towards him but why on earth you agree and yet you said you didn't love him the same way as he did? Malamang if he really loves you, masasaktan s'ya."

Napamaang ako, "so, that's the reason why you conclude that I'm so fucking idiot?" Tumango naman s'ya.

"Wait, I'm not done yet." Napakamot siya sa ulo kaya mas lalong napa-iling si Marv na nakikinig lang sa usapan naming dalawa. "Last, because of what you did what if you'll regret it soon? What if you truly love him and yet you did that stupid thing? Are you ready for that kind of situation? Kung saan huli na ang lahat ay saka ka pa o-orada, 'tsaka mo pa s'ya kukunin? Kung saan at the end of the day ay more on pagsisisi ka nalang?"

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong iparating ni Angela. But damn! It also hit me. Paano nga? Paano nga kung pagsisisihan ko ang lahat sa huli? Am I ready for that?

"Iresh, I'm just giving you friendly advice. Think of it, okay?" She tapped my back.

"Hey you two, enough." Sumingit na si Marvie sa usapan.

"Kung hindi ko kayo kilalang dalawa iisipin kong nag-aaway kayo. What happened between Iresh and Louwiee is already done. We have nothing to do about it." Marv added. Tumango nalang si Angela at nanatili naman akong tahimik. Wala akong masabi. Siguro nga hanggang doon nalang.

"Oh by the way, tomorrow is Jon's birthday. The two of you are invited, okay?" Ani Marvie.

"But—" she cut me off, "No buts, Arianne. Wala ka naman sigurong iniiwasan, 'di ba?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Tumango nalang ako bilang sagot. Tama, hindi ko naman siya iiwasan. For what? Hindi ako affected duh.

"Okay then, see you tonight. Gusto ko do'n kayo ni Angela sa bahay matulog. Don't worry wala doon ang two brothers kaya safe naman." Saad ni Marv. Safe naman daw referring to me siguro. Since alam naman niya ang issue namin ni Louwiee. But uh, hindi lahat alam niya. Remember when I sealed my promise to not telling anyone about the secrets. Naalala ko na naman ang kiss na 'yon. Kainis!

ALAS singko pa lang ay nandoon na kami ni Angela sa mansyon ng mga Fuentes. And yeah, Marvie is right. Wala nga doon ang dalawang magkapatid. Siguro nag overnight ang mga 'yon somewhere.

Ipinaalam kami ni Marvie sa parents namin ni Angela na mag stay daw ng tatlong araw sa bahay nila. Ewan ko kung anong meron kay Marv at may convincing power siya para mapapayag ang parents namin.

We eat our dinner at six o'clock pm. After that ay nanuod kami ng news sa TV. More on NCOV and some political issues ang ibinabalita that's why we change it. Nanuod nalang kami ng movie. Since si Angela ang pumili ng movie malamang korean movie ang mapapanuod namin this time.

‘The dude in me’ ang title ng movie. An first naboring ako pero pagdating sa kalagitnaan ay mas naging exciting ang palabas. It's all about the highschool fat boy and the 40 years old businessman who swap their souls by an accident. In order to return their soul in a original body they need to protect the current body they have. The high school fat boy was bullied before but after that incident, he became cool. He learned martial arts together with the young lady who  always bullied. After that the fat boy became thin and handsome. The rest of the story ay maganda. Nagkaroon ng great revelations and plot twist. I can say that the movie has a happy ending. Very dramatic but worth to watch.

Nang matapos namin ang isang oras na movie ay balak na sana naming matulog. But Jonard and Louwiee suddenly came.

Akala ko ba, wala sila dito?

"I thought both of you took an overnight somewhere?" Marv asked. Louwiee gazed at me.

"We have a change of mind, Marv. By the way dito muna matutulog si Jens." Louwiee said. Nakangiti namang  inalalayan ni Jonard si Jens. Bakit nandito s'ya? Inakbayan ni Louwiee si Jens sa harap namin.

"Sa guest room ka na muna matulog, goodnight." Hinalikan ni Louwiee si Jens sa noo nito. Jens smiled at him. She don't even notice us. Asar. PDA na naman.

"Uh, excuse me." Saad ko at saka umakto na maglakad.

"Pa'san ka?" Jonard asked.

"Magpapahangin lang sa labas," sagot ko sa kaniya ng hindi lumilingon.

"Samahan na kita." He insisted kaya tumango ako.

WE'RE here now at the treehouse. Naalala ko ang unang araw na tumapak ako sa treehouse na'to. The day where I kissed him because of his own belief. 'Yong araw na isinuksok ko na sa kokote ko na hindi ako mahuhulog kay Jonard at mas lalong kay Louwiee. But damn it! What happened now, self?

'Meow' napansin ko ang kulay itim na pusa na nasa treehouse.

"Hey Elvin," Tawag ni Jonard dito. He petted it and the cat purred contentedly. "You should go inside Elv, it's too late now." Tila nakakaintindi ang pusa sa sinasabi ni Jonard. Tumalon ang pusa mula sa hagdan at pumasok sa loob ng mansyon.

"Are you okay, Arianne?" Tanong nito. Nakaupo na siya ngayon sa mahabang wooden chair samantalang nasa terrace naman ako ng kubo.

Tumango lang ako.

Lumingon ako sa gawi ni Jonard. Naisip ko bakit hindi nalang s'ya, diba? Bakit hindi nalang si Jonard ang mahalin ko para hindi ako masaktan ng ganito.

Imposible. Nasaktan na ako noon dahil sa kaniya.

Jonard looks carefree. He's the type of guy who couldn't care less if he's sleeping in most of the classes. Minsan kasi kung hindi pagbabasa ang inaatupag niya ay panay naman ang pagtulog niya. Napapansin ko iyon sa ilang buwan na naging classmate ko s'ya. Magkaibang magkaiba sila ni Louwiee.

"Jonard you are supposed to be sleep now." Lumapit ako sa tapat ng inuupuan niya.

"Para kang si Jens," natigilan ako sa sinabi niya. Hindi siya umalis mula sa pagkakaupo sa upuan. Pero alam kong nakapikit na s'ya.

"Jens?" Tanong ko. Paano naman napunta si Jens sa usapan?

"Actually, kababata namin siya ni kuya Louwiee." Iminulat niya ang mata saka bumuntong hininga.

"Si Jens ang anak ng dating mayor sa lugar na'to," saad niya.

"Madalas namin siyang kasama. Malapit ang pamilya namin sa kanila. Siya ang madalas magpaalala sa amin ng mga dapat gawin sa paaralan lalo na noong nasa gitna na kami ng elementary level." Ngumiti si Jonard. "Madalas kasi namin kaligtaan ang pagpasok," he added.

I imagined the three of them walking or talking in the hallways or outside the school. Jonard, Louwiee and Jens. They look like a team. A strong team. I wonder what true Jens was like.

"She must be a resilient girl to tame you like that," sinabi ko.

"Halos pareho sila ng ugali ni Louwiee. Palaban. Matapang. Lalo na pagdating sa paniniwala. Madalas silang magbangayan ni Louwiee. Siya lamang ang kayang sumalungat sa mga kagustuhan ni Louwiee lalo na kapag may nakita siyang hindi tama dito. Jens is like a moderator in some way." Natahimik ako. Tinitigan ako ni Jonard saka siya muling sumandig sa silya.

"Isa pa may gusto siya kay Louwiee kaya madalas siyang pumunta sa mansyon. Minsan nga ay nagkakasalisihan pa kayo nung minsan na nandito ka rin." Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ilang segundo pa at saka ko muling iniangat ito. Muling tumingin si Jonard sa akin. He stared at me as if he was waiting for something.

Sinubukan kong umakto ng hindi naapektuhan sa narinig. Akala ko ay wala na sila ni Louwiee? Shit! Why I'm affected? Bakit nasasaktan ako?

"Ah Jons, advance happy birthday for you. Late na din kaya mas mabuti naring matulog na tayo." Ani ko. Ito lang ang way na naisip ko para makaalis na dito sa treehouse at maiwasan nang pag-usapan si Louwiee at Jens.

Tumango naman si Jonard kaya nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako. "Thank You. Goodnight, Arianne." Saad niya. I nodded to him bago pumasok sa loob ng kuwarto ni Marv.

Pagpasok ko ay tulog na ang dalawa kaya humiga narin ako sa kabilang dulo ng kama. This night, I stayed still on bed and stared at the ceiling. Mainit ang aking pakiramdam kahit na malamig ang simoy ng hangin sa labas at aircon sa loob. Lumingon ako sa dalawa. Mahimbing ang tulog nila.

Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

I closed my eyes. Hinayaan ko ang sarili na balutin ng katahimikan. Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Jonard kanina sa treehouse. Pumasok sa isip ko ang salitang sinabi niya.

Jens likes Louwiee. I know that in the first place but why would I need to feel this way? A shallow eruption erupted from my chest. Jens must be a strong counterpart for Louwiee.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nagbihis na ako dahil nauna pa palang nagising ang dalawa sa akin. It's Jons birthday after all. Nang pababa na ako ng hagdan, natigilan ako ng mapansin na may babaeng nakatayo sa sala at tila ba may hinihintay. Tumigil ako sa paghakbang. It was Jens. Dumating si Marvie at ngumiti kay Jens saka nagsimulang maglakad papunta sa balkonahe ng mansyon.

Jensein Marcelo

Sinabi nga pala sa akin ni Jonard na magkababata silang tatlo ni Louwiee. After all it was a long weekend dahil nga sa suspended lahat ng class sa iba't-ibang school. Besides, birthday ngayon ni Jonard kaya malamang nandito siya.

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko doon si Angela. Tinanong niya ako kung gusto ko ba magkape. Umiling ako.

"May bisita pala ngayong araw. Anak pala siya ng dating mayor ng bayan." Angela said. Uh, oo nga pala hindi niya pala alam na ang Jens na nandito ngayon at Jens na kinuwento ko sa kanila ay iisa.

"I heard from Jonard, she's the most important person. Mag-e-stay din pala s'ya dito ng two days." Tumango ako. Yeah. She must that important.

Lumabas ako sa kusina. Muli ko silang nakita ni Marvie. Hindi ko maiwasang humanga sa kanilang dalawa ni Marv. They are both gorgeous. Grace and elegance was radiating from them. Marv didn't even notice me. Nag-uusap lamang sila habang nasa balkonahe. Pero hindi ko mapigilang hindi tumitig.

Akmang paalis na ako nang marinig ko ang kanilang usapan.

"I'm worried about him." Malumanay na ang kaniyang boses. Ngunit mariin ang lumalabas sa kanyang bibig.

"A few things have changed, Jens." Saad ni Marvie. "Pero katulad ng dati ay dito ka parin tumutuloy kapag bumibisita ka o may okasyon."

"My parents are out of town." Sagot nito. "Naisip kong umuwi kahit wala sila dito. Nag-aalala ako kay Louwiee. Kung hindi kasi ako pumunta ngayon, I have to wait for another days or vacation."

Oh? Hindi niya sinabi iyong huling gabing nagkita sila ni Louwiee sa casino. Well, hindi ko alam ang reason why she didn't tell that thing. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin dahil sa pangako ko sa dalawang Fuentes.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi dapat ako nakikinig sa kanilang usapan. Dumiretso na ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako bumalik doon. Pakiramdam ko ay kailangan kong umiwas.

Pagdating ng breakfast ay muli akong bumalik sa dining area. Sabi ni Angela sa akin na hindi naman magpapa-party si Jonard dahil ayaw nito ng engrandeng handaan. Few person lang ay sapat na. I remember when he said that he hate crowded places.

Pumasok ako sa kusina. Nadatnan ko si Marv at Jens na nag-uusap habang nakaharap sa dining table. Kinindatan lang ako ni Marv, saying na "ako bahala sa iyo, Arianne." Napatingin sa akin si Jens ng pumasok ako. Surprise was written on her pretty face. Halos mapaatras ako.

"You're here," sinabi niya. "Finally, I got to meet you again." Kumunot ang noo nina Marv at Angela. Hindi ako nakapagsalita. It was like talking to the royalty. Tumayo si Jens mula sa kaniyang silya at lumapit sa akin. She smiled.

"Hindi kita nakilala kagabi. It was quiet long late noong dumating kami." Dagdag niya. Paano hindi makikilala eh busy kayo kaka-PDA kagabi sa harapan namin. I mentally rolled my eyes. Tsk.

"I'm Jensein Marcelo," nagtaka man ako kung bakit kailangan niya pang magpakilala though we already know each other the night we go in the night market of this town, remember? Ganoon pa man ay sumakay nalang ako sa kanya. I don't know what she ups to. But I sense something. I can't figure it out.

"Arianne Iresh," sinabi ko. "Arianne Iresh Taguan Rivera."

Napansin ko na bahagyang nagbago ang tingin niya sa akin ng binanggit ko ang buong pangalan ko. Tinitigan niya ako. Hindi ko mapigilang umiwas. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretsu sa mata. Ngumiti siya ng mapansin ang pag-iwas ko.

"Nice meeting you, Iresh."

Continue Reading

You'll Also Like

84.4K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
320K 22.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...