Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 17

288K 3.1K 485
By NerdyIrel

Ang mababasa niyo ay RATED SPGSobra-sobra sa Pagkabaliw at Ganda.

Basta! Magbasa na lang kayo! Bawal bata dito. May patayan eh. (SPOILER lang) haha. 

Anw, ENROLLMENT is now GOING ON sa Padilla University.

Enroll na kung trip niyong maniwala sakin. Haha.

-------------------------------------------------------------------

Chapter 17

Kathryn’s POV

After naming magbihis ng pajama pants and tank tops, naghiwalay-hiwalay na kaming apat na mga babae.

Si Zharm at Bea, ayun. Nagluluto ng midnight snack namin sa may kitchen.

Kami naman ni Julia, inaayos yung kwarto ko.

Nilalagay kasi namin yung mga sleeping bags dun.

“Sis, musta na kayo ni DJ? Malimit pa rin ba kayo mag-away?”


“Kami?”


“Ay hindi. Yung bathrobe mo. May kaaway yata yun eh”

(-_-)

Natawa na lang ako sa sarili kong kashunga-an.

“Haha. Sis, hindi. Okay na kami. Hindi na kami masyadong nagkakatampuhan at unlike before, nagbabati na kami kaagad-agad. Bakit mo naitanong?”


“Buti pa kayo kath. Kami kasi ni Albie….”

Bigla siyang nalungkot at umupo dun sa may kama ko.

“Kasi?”


“Kapag ba nahuli mo yung boyfriend mo na may ka-text na ibang babae, anong gagawin mo?”

Kapag nahuli ko si Daniel?

Asus.

World War IV na kaagad.

Walang sabi-sabi. Basta gera na kaagad.

Abay, minahal ko siya ng sobra sobra tapos hindi siya magiging faithful?

“Aawayin ko siya. Sis, syempre nasaktan ako eh. Kailangan niyang mag-explain. Okay naman kung may ka-text siya na babae. Ang problema, bakit niya nilihim? Kakausapin ko siya kaagad. Kung ako tatanungin mo, siguro may kasamang gera”

She laughed softly pero sumeryoso din kaagad.

“Kasi Sis…parang napasama pa yung panga-away ko kay Albie. Nasa akin kasi yung phone niya last week tapos may nag-text. Nakalagay, ‘I miss you’. And the surprising part pa ay, hindi lang isang text kundi mapupuno na yung inbox niya sa mga messages nung bruhilda na yun. Syempre tinanong ko kung bakit may ganun, tapos nagalit pa siya sakin. Bakit ko daw siya pinaghihinalaan? Nagsigawan kami at siya pa ang nag-walk out”

“Oh…eh diba okay na kayo kanina?”


“Siya okay. Eh ako? Hindi pa siya nagso-sorry and he never opened the topic again. Basta kinabukasan nun, parang wala ng nangyare. Gusto kong pag-usapan namin yun kaso…baka magalit na naman siya”

I sat down beside her. “Juls, paano maaayos ang problema kung hindi niyo pag-uusapan? Ano yun? Forgive and forget kaagad? Bakit ba siya nagagalit kung wala naman talaga siyang masamang ginagawa?”

“Kath. Sa tingin ko kasi…hindi faithful si Albie sakin”

Sobrang nagulat pa rin ako sa sinabi niya kahit na alam ko na yung kwento.

Kasi…barkada ko yun eh. Hindi man kami ganun ka-close, kilala ko pa rin si Bie.

Parang ang hirap isipin na makakagawa siya ng something na makakasakit sa bestfriend ko.

Pero kapag kasi nagsalita ng ganyan ang isang babae, ibig sabihin, tunay yun.

“Sis, ikaw makakaalam kung talaga bang hindi faithful si Albie. Ramdam mo yun diba?”

She suddenly cried kaya nanlaki mata ko.

Shet. Nasasaktan bestfriend ko.

Niyakap ko na lang siya at iyak siya ng iyak.

“Kath, ayokong mawala sakin si Albie. Ang sakit nun!”


“Alam ko yung feeling na natatakot ka pero what’s the point of having a boyfriend kung iba naman mahal nung tao?”


“Kaya ko naman siyang patawarin kung aaminin niya sakin. Kaya ko yun! Basta wag lang talaga siya mawala sakin”

I stared at her.

Ganun? Dahil sa sobrang pagmamahal mo, kakailanganin mong kalimutan yung ginawa ng boyfriend mo? Patatawarin mo siya kaagad? Ibang usapan na yang ginagawa ni Albie.

Oo, sige. Pinatawad siya ng bestfriend ko.

Nagka-ayos sila.

Pero paano kapag inulit yun ni Albie?

Mas masasaktan si Julia.

Kung ako gaganunin ni Daniel, magpapaka-praktikal ako.

“What’s the point of having a relationship kung wala ka ng tiwala sa partner mo?” tanong ko sa kanya.

Mahirap ng magtiwala ulit.

Lalo na ako.

Kapag sinira ng isang tao ang tiwala ko, hindi na nila mababalik ulit yun.

Kahit gaano ko pa siya kamahal…

“Julia, nandun na tayo. Sige, nagbago si Albie. Hindi na siya nag-cheat sayo. Pero ikaw, ikaw mismo sis. Maghihinala ka palagi. Maga-away at maga-away kayo palagi. Kahit wala siyang ginagawa, iisipin mo na meron. Mahirap yan”

“Pero kath, anong gusto mong gawin ko? I-give up si Albie? Iwanan siya? Makipag-break sa kanya? Sis, mahal ko siya. And we all promised na kakayanin natin toh until stage 4”


“Ayokong maghiwalay kayo pero ayoko rin na nasasaktan ka”

She wiped her tears tapos nag-take deep breaths siya.

“Hindi pa naman ako sure na nagchi-cheat talaga sakin si Albie. Kaya, wag na muna siguro ako maging praning. Pagnagkaroon ako ng pagkakataon, kakausapin ko siya ulit” She smiled tapos tumayo na siya.

“Okay, stop with the tears. We’re here to have fun. Tara na, baba na tayo. Baka hinahanap na tayo nila Z” Hinila na niya ko pababa.

Ang tapang talaga ng bestfriend ko.

Minsan ko lang siyang makitang umiyak.

Para bang lahat, kinakaya niya.

Pagdating sa baba, sinara na muna namin ni julia yung mga windows.

Delikado na, baka pasukin pa kami ng magnanakaw.

Puros babae pa naman kami.

Chineck na din namin yung gate at yung pinto.

Pagpunta sa kitchen, tawa ng tawa sila Bea.

Tapos nakalagay na sa apat na bowl yung mga baked macaroni with cheese.

Me: “Ang bango”

Zharm: “Naku, pwede na ba kong maging chef?”


Me: “Hahaha Di ko pa naman natitikman eh! Hehe”

Julia: “Ano nga pala pinagtatawanan niyo kanina?”


Bea: “Ah. Ito kasing si Zharm, ang landeee-----”

Biglang tinakpan ni Zharm yung bibig ni Bea kaya natawa kaming lahat.

Me: “Landi? Bakit naman?”


Zharm: “Wag kang tsismosa kath!”


Bea: “NAG-PBB TEENS SILA NI DIEGO”

Tapos tumakbo sa likod ko si Bea kaya nagtawanan kami.

Julia: “Oh-my-gosh Zharm! Saan?”


Bea: “Sa plaza last week! HAHAHAHA”


Zharm: “Daldal eh! So what? Parang kayo hindi! Naku yang si Bea, sa harapan pa ng mga magulang nila nag-yakapan!!”


Me: “Wow ha!”


Julia: “Pero ang reyna ng PDA, si Kathryn!”

Zharm and Bea: “TAMA!”

>////////////<

Me: “Nag-practice kayong dalawa? Kailangan sabay na sabay? Haha. Anong reyna kayo diyan?”


Zharm: “Naku, don’t deny it! Kanina lang eh!”


Bea: “Tama! Akala niyo di namin nakita noh! Di lang namin pinansin yun!”


Julia: “Sa restaurant pa talaga! AHAHA. Wala ng piniling lugar!”


Me: “Oo na! Wala naman akong laban sa inyo eh! Tara na nga, nuod na tayong movie!”

Dinala na namin yung mga pagkain sa sala pati na yung iced tea at mga baso.

Tumayo si Julia dun sa may gilid ng TV kasi napili siya ng mga mapapanuod.

Julia: “Comedy, Romance, Action, Horror or Suspense”


Zharm: “Kahit ano!”


Bea: “Suspense!”


Me: “Sige, suspense na lang!”

Pumili na si Julia tapos nanuod na kaming lahat.

Tawanan pa nga kami ng tawanan kasi pinatay pa ni Juls yung ilaw.

So parang, suspense talaga.

“Awwoooo” Asar ko sa kanila, mas lalo tuloy kaming natawa.

Prom Night yung title nung pinanood namin.

Nakakatuwa nga eh.

Yung barkada nung bidang babae, may mga boyfriend din. Pati siya, meron.

Parang kaming apat…hehe.

Julia: “I like her dress”


Zharm: “And her shoes”


Bea: “And her hair”

Psh. Mga babae talaga itong mga toh!

Yun talaga pinansin! Hahaha.

Girly girl kasi sila, ako kasi…wala akong pakielam sa mga ganyan. ^_^

Sigaw kami ng sigaw nung nag-start na yung pagka-suspense nung movie.

Basta, para bang gusto naming sigawan yung character na magtago or tumakbo.

>_<

“AHHHHHHHH” Sigaw namin ulit. Napatingin ako sa gilid at medyo natawa ako.

Pano, si Julia, tinakpan niya yung mga mata niya gamit yung mga kamay niya.

Si Zharm, kagat-kagat yung unan.

Si Bea, nakapikit na.

*Kring! Kring!*

Sabay-sabay nag-ring yung mga phone namin kaya nagtaka kami.

Tumayo kaagad si Julia to open the lights tapos pinause ni Bea yung movie.

Tumingin kami sa mga phone namin and sabay-sabay kaming napa-frown.

Me: “Si Daniel”


Zharm: “Si Diegs”


Julia: “Albie”


Bea: “Jake”

Nagkatinginan kaming apat kasi sabay-sabay tumawag yung apat.

Sinagot na namin yung mga calls kasi nagri-ring pa rin eh.

Me: Baby? Bakit ka tumawag?

Zharm: Oh babes? Bakit?

Julia: Yes?

Bea: Why?

Nagtitinginan pa rin kaming apat kaya nagkaintindihan kami kaagad.

Ni-loud speaker namin yung mga phone namin.

Daniel: Uhmm…I’m just checking if you’re okay

 Diego: I just wanna say I miss you

Albie: I wanna say goodnight

Jake: I’m just checking if you’re okay

Nanalaki yung mga mata namin nung nahalata naming parehas yung sinabi ni Jake at ni Daniel.

Magkakasama kaya sila?

Me: I’m fine. Baby, nakauwi ka na ba?

Zharm: I miss you too babes.

Julia: Goodnight too. Patulog ka na ba?

Bea: I’m okay.

Daniel: Yup. Dito na ko sa kwarto.

Diego:  Patulog na ba kayo?

Albie: Yes. Patulog na ko.

Jake: Great. Akala ko kasi…

Nag-frown na talaga kaming mga babae.

Tapos nanahimik kami saglit, then may narinig kaming parang ingay.

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa likuran ng bahay tapos binuksan ko yung pinto ng dahan-dahan.

And…BOOM!

Nandun yung apat! Mga nakatalikod samin!

Nagtinginan kaming apat then nag-smile kami.

“1…2…3” Pabulong na sabi ko.

“HOY!” Sigaw naming apat.

Daniel: “Ay anak ng kalabaw”


Jake: “Anak ng palaka”


Albie: “Anak ng elephant”


Diego: “Anak ng----”

“Tama na, corny na” Sabi ko. Inirapan tuloy ako ni Diegs. Hehe.

Nag-cross arms yung mga kasama ko pero ako, tinaasan ko lang ng kilay yung apat.

Julia: “Bakit kayo nandito?”


Bea: “Diba dapat nakauwi na kayo?”


Zharm: “Kanina pa ba kayo diyan?”

Nakatingin lang samin itong mga lokong ito. Nagkamot pa sila ng ulo.

“Baby, bakit nandito ka?” Tanong ko kay Daniel.

“Honestly? Nahila lang ako nitong tatlo eh. Naga-alala lang kami kasi puros babae kayo diyan. Baka may mangyareng masama. We just wanna make sure na okay na kayo at natutulog ng maayos kaso nung sumigaw kayo, napa-tawag kami kaagad. Bakit ba kasi kayo sumigaw?”



“Nanunuod kami ng movie eh”


“Psh”


“Baby, umuwi na kayo. Gabi na oh!”


“Matulog na rin kayo. Anong oras na?”


“Sige na. Matutulog na po” Niyakap ko na siya and he kissed my forehead.

“Sige Julia, Zharm, Bea. Goodnight, Ingat kayo dito ha. Kath, goodnight na rin. Love you” Tapos hinila na niya yung tatlo paalis. Ayaw pa kasi umalis nung mga mokong.

Nagtawanan na lang kaming mga babae at ni-lock na namin yung pintuan.

Bea: “Di ko gets kung bakit laging sa noo ka hinahalikan ni Daniel”

Julia: “Pero ang sweet lang tignan”


Zharm: “May meaning kasi yun girls, diba kath?”

“Oo naman. Kasi Bea, Julia…I think it’s really sweet for guys to kiss us on the forehead. Para bang it shows respect and care. Pero at the same time, love din syempre. Diba?”

Bea: “Sabagay”


Julia: “Sweet nga”

Bumalik na kami sa sala and we continued watching the movies.

Nung malapit ng matapos, nag-text na rin yung apat na nakauwi na sila.

Syempre, magkaka-ibang oras sila nag-text.

Busog na busog na kaming apat nung natapos yung movie.

 Nagulat nga ako dahil gising na gising pa rin ang diwa ko.

Anyare?

Dati, ganitong oras…antok na antok na ko pero sa daldal at kulit ng mga kasama ko, pati ako nahawa na sa energy level nila.

After watching movies, nagsitayuan na kaming lahat.

“Okay girls! Magkwe-kwentuhan pa tayo! Hugasan ko lang itong plato” Sabi ni Julia.

“Tulungan na kita girl!” Sabi naman ni Bea.

Naiwan na lang kami ni Zharm dito.

Umupo na lang ulit kami sa may sofa tapos nagbasa-basa ng magazine

“Kath, wag kang maingay ah pero kasi….” Bulong sakin ni Zharm.

“Bakit?”

Bigla siyang nagtakip ng unan na parang kinikilig. Natawa tuloy ako.

“Bakit nga? Ito naman oh! Pabitin!” Asar ko sa kanya.

“Please. Don’t tell anyone! Kahit sila Bea at Julia”


“Promise. Ano ba kasi yun?”


“Eh kasi…kami ni Diegs”

“Don’t tell me na nag-away kayo?”


“Nag-away kami? Hindi! Ano ba kath!”

(-_-)

Eh kung kinukwento niya na kaya para hindi ako nanghuhulo.

Baliw din itong si Zharm eh!

“Kasi ganito yun. Kayo ba ni Daniel….pag ba nanlalambing siya tapos kayong dalawa lang sa room, pinipigilan mo siya?”

Oh.

Gets ko na.

>/////////////<

Bakit ba naman yan ang topic?

“Minsan kasi…pinipigilan ko siya especially kapag wala ako sa mood pero kapag kasi talagang nanlalambing na siya, hinahayaan ko na siya. We’re both enjoying it naman eh”


“Diba stage 3 na kayo sa kissing stages? As in…you two are making out na?”


“Yup. Why?”


“Kath, kasi…oh-my-gosh. Di ko alam kung paano ko sasabihin ito. Ano kasi…Uhmmm…muntikan na kaming mapunta sa stage 4”

O_O

Shems.

Tama ba narinig ko?

“Zharm? Weh? Di nga? Talaga? Kelan?”


“Kasi alam mo naman kami ni Diego. Lagi kaming magkasama dahil same course kami pero kahit na ganun, hindi naman namin naso-solo yung isa’t-isa after school hours kaya last Tuesday, nung kami lang sa bahay….alam mo na…”


“Zharm! Buti hindi natuloy! Shemay ka, ayokong maging ninang maaga!”


“Yun nga eh! Kapag kasi nandun ka na sa lugar na yun, nakakalimutan mo na yung mga yun. Nadadala ka na sa tension ng paligid. I know you get the idea kasi nararamdaman niyo yan. Buti na lang talaga biglang kumahol yung aso sa labas”

Hahaha. Thanks to the puppy!

“Tsaka kath, shirtless na kasi kaming dalawa pero hindi yung pambaba ah! At meron akong bra! Baka isipin mo wala”

Bigla akong namula.

So…yun pala yung sinasabi niyang malapit-na-sa-stage-4.

Eh ganun kami ni DJ eh.

PALAGI.

Lagi na lang natatanggal yung mga t-shirt ko at yung kay Daniel everytime we make out.

I thought it was normal na pero…nung sinabi niyang muntikan na pala yun into stage 4.

Para bang natakot ako.

Delikado eh…

“Huy! Kath! Bakit ka natahimik? Sabihin mo nga, sobra na ba yung sinabi ko? Aish! Sorry----”



“Z! Ano ka ba! Hindi ako mao-awkward sa sinabi mo kasi….honestly? Ganyan din kami ni DJ. ALWAYS since last year pa. Sa tagaytay…dun nagsimula yun eh. Knowing Daniel, he’s a total kissing monster and well….he’s also a very good kisser kaya…”

Napangiti siya sa sinabi ko. Pano, halatang namumula na ko sa kilig. “Kaya namin nagagawa yun. Palagi! In his bed or my bed, sa car niya….alam mo na”

“OMG! Wow. Akala ko…hanggang kissing lang kayo pero mas worse pa pala kayo kesa samin ni Diegs. But thank you! Thank you for telling me. Sobrang napapa-paranoid na kasi ako dahil iniisip ko na parang nag out-of-the-line na kami ni Diegs. Atleast ngayon, okay na ko. Pero kath, ingat din kayo ah”

 


“Z, wag kang mag-alala. Daniel have respect for girls especially to me. Sabi nga niya, alam naman daw niya na ang ending ay kami at pwede naman na yung stage 4…after marriage kaya I trust him so much. Ikaw ang mag-ingat ha”

 


“I will. Thanks talaga” Niyakap niya ko kaya I hugged her back. Tapos nag-smile na siya sakin.

“OMG! Alam ko na gagawin natin! Nail art naman ang pagdiskitahan natin! Hehehe JULS! BEA! Di pa kayo tapos?” Sigaw ni Zharm.

“Andiyan na!” Sigaw naman nung dalawa.

“Teka Zharm, akyat lang ako. Kunin ko yung mga pang-nail polish ko”


“Geh! Gorabels! Pakuha na rin sa bag ko yung akin! Madaming pang-design dun”

Umakyat na ko papasok ng kwarto ko tapos kinuha ko na kaagad yung mga kailangan ko then tatakbo na sana ako papunta sa baba nung napansin kong nakabukas yung kwarto ni Mama.

Syempre, naglakad ako papunta dun para isara yung pintuan kaso may napansin ako.

Yung laptop ni Mama…

Naka-open din.

Sheez. Ilang araw na si Mama sa hospital at ilang araw na rin yang naka-open.

Nakasaksak kasi kaya hindi nalo-lowbat.

Umupo na ko dun sa may chair para i-turn off yung laptop nung napansin ko yung files dun sa gilid.

Ewan ko ba…para kasing na-curious akong buksan.

I browsed all the files tapos may isang note sa notepad. Binuksan ko yun and binasa ko.

Akala nila, okay ang lahat.

Hindi nila alam na sobrang laki na ng problema.

 

Alam kong marami na kong kasalanan sa kanya pero wala na talaga akong choice.

Ayoko man gawin ito pero wala akong magawa.

Kailangan eh.

 

Maiintindihan siguro niya naman siguro…

Matatanggap niya naman siguro.

Para kanino kaya itong note?

Atsaka, si Mama kaya gumawa nun?

Tinurn-off ko na lang yung laptop at bumaba na rin ako kaagad.

So nag-nail art lang kami for an hour.

Yung sakin, converse ang peg. Cute nga eh!

Kay Julia, strawberry yung peg.

Kay Zharm, si Domo-kun!

Kay Bea naman yung sa newspaper nail-art.

Haha. Super laughtrip ako sa mga ito eh.

Habang nagne-nail polish kami, kwentuhan kami ng kwentuhan.

Kung ano-ano na nga pinagusapan namin eh.

May tungkol dun sa babaeng nakasalubong ni Zharm na mukhang aso.

Yung sa stalker ni Bea na bakla naman pala.

Gusto lang palang malaman kung anong brand ang shampoo niya.

Pati yung case ng IPhone 4 ni Julia, napagusapan na rin namin.

I admit it, sobrang na-miss ko sila.

Syempre, iba kapag kasama mo ang mga girlfriends!

Napapagusapan niyo kasi yung mga bagay na nakakahiyang sabihin sa mga boyfriends mo.

Hahaha.

I looked at the clock tapos nagtaka ako 2 am na pala.

“Guys, 2 am na pala. Anebeyeenn! Di pa ko inaantok”

Julia:“Di ka nagi-isa sis!”


Bea: “Alam ko na! Gawa kaya tayo ng cover?”


Zharm: “Tama! Call me maybe na cover! Pero lip sync lang ah! Di ako marunong kumanta!”

Kinuha na nila yung laptop ko then vinideo na namin yung sarili namin while lip syncing.

Kung ano-ano nga ginagawa namin.

Nasayaw or nagme-make face.

Naglagay pa nga kami ng mustache sticker eh! Hahaha.

Julia: “Omg! Ang saya”


Zharm: “Para tayong baliw”


Me: “Tanggalin mo na yung para, BALIW naman talaga tayo”


Bea: “Mga adik eh”

Nung napagod na rin kami, nagsi-upuan na kami tapos napatingin kami sa oras.

4 am.

O_O

“Tulog na tayo” yaya ni julia.

“Sige, tara. Antok na rin naman ako” sabi ko.

We turned off the lights dito sa baba tapos umakyat na kami papunta sa kwarto.

Tabi kami ni Julia tapos tabi yung dalawa.

“Goodnight girls!” Sabi ni Julia.

“Goodnight!” Sabi naman nung dalawa.

^_^

Ang saya ng tulog ko nito…

Daniel’s POV

 

*Ding dong*

Wala pa ring nag-open ng gate nila Kathryn.

Tinignan ko yung watch ko, 9 am.

Late breakfast na nga ito eh!

Nakakain na kaya sila?

Mamaya na daw lunch pupunta sila Diego eh. Mga tinatamad.

Eh ako kasi, nag-promise ako kay Kathryn na magdadala ng breakfast nila kaya ito ako ngayon.

Mukhang delivery guy na may dalang breakfast from Mcdo.

Magdo-door bell na sana ulit ako nung biglang bumukas yung gate.

Nakita ko si Kath na parang kakagising lang.

“Nagising ba kita? Sorry ah”


“Ay hindi. Kakagising ko lang kanina. Nasa may kitchen kasi ako kaya hindi ko kaagad nabuksan yung gate. Teka, pasok ka muna”

Pumasok na ko sa gate nila tapos naglakad kami papunta sa kitchen nila.

“Kakagising lang? Bakit?”


“Eh kasi 4 am na kami nakatulog. Ang dami naming ginawa eh. Hehehe”


“Tsk tsk. Bakit ka nagpupuyat? Di mo ba alam na masama yan----” Tinakpan bigla ni Kath yung tenga niya.

Bata talaga toh. (-_-)

Binaba ko na dun sa table yung mga pagkain pero si Kath, umupo din dun sa table.

“Sila Julia nga pala…nasan?”


“Tulog pa”


“Kasi naman-----”

Tinakpan niya ulit yung tenga niya sabay ngumiti sakin.

Loko.

“Ano nga pala yang mga dala mo?” Tanong niya sakin.

“Pagkain” Natawa ako sa sarili kong sagot. Itsura kasi ni Kath eh! Halatang nainis! Hahaha.

“Hindi. Uhmm…pancakes. Hushbrown tsaka yung mga pang-breakfast dun. Di ko kasi naitanong sa inyo kung anong gusto niyo”


“Nyeh” Yun lang sinabi niya. I looked up to her and she looked sad.

Bilis naman yata ng mood change nito.

“Bakit baby?”


“DJ, mamahalin mo pa ba ako kapag may ginawa akong kasalanan?” Kumunot yung noo ko dun.

Kasalanan?

“Huh?”


“Mamahalin mo pa ba ako kapag nalaman mong nakapatay ako?” She looked scared.

O_O

“Oo naman. Pero kath, ano bang pinagsasasabi mo? Anong nakapatay?”


“Eh kasi may nag-trespass dito sa bahay kaninang umaga. Ang dami nga nila eh kaso isa lang napatay ko”

 

Lumapit ako tapos hinawakan ko yung kamay niya.

“A-ano? Bakit hindi mo ko tinawagan? Kath, nasan?”

Tumayo siya tapos yumuko.

Shet.

Ano ba kasi yung sinasabi niya!?

Buti walang nangyareng masama sa kanya.

“Kinagat niya kasi ako eh! Kasalanan niya rin!”


“K-kinagat? Saan? Nasan yung pinatay mo? Kath ano ba! Napapraning na ko dito!”

Tinuro niya yung sa table tapos tinitigan ko yun.

(-_-)

Langgam ang putek. Tumingin ako kay kath na halatang pinipigilan ang sarili na tumawa.

Nung nakita niya yung itsura ko, napahalakhak na siya.

“HAHAHA! OMG! Di ako makahinga! HAHAHA Joke time! HAHAHA”

 


Tawa siya ng tawa habang ako, shocked pa rin.

Leche.

Ang lakas ng trip nitong girlfriend ko.

“Ah ganun…inaasar mo na ko? Baka gusto mong----” Napatigil ako kaagad sa pagsasalita nung may nag-door bell. Tumakbo naman kaagad si Kath palabas ng bahay.

Kathryn’s POV  

  

Laughtrip tong si Daniel.

Pwede na pala akong mag-artista nito.

Biro mo, napaniwala ko siyang may napatay ako.

HAHAHA.

Pag-open ko ng gate, nagulat ako na nandito si Enrique.

“Oh quen, ang aga-aga yata, nandito ka na kaagad. Bakit?”


“Ah kasi….kath…”

Napakamot pa siya ng ulo.

As if hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

“Bakit nga kasi?”


“Wag kang magagalit pero…binayaran ako ni Kuya Neil to check kung sila Julia ba talaga kasama mo…”

Si Kuya talaga! OA!

“Hay naku! Pasensya na ha! Nadamay ka pa sa kakulitan ng kuya ko. Nandun sila Julia sa taas. Halika, puntahan natin”

Tatalikod na sana ako nung bigla niya kong hinawakan sa wrist.

“Hindi na. I trust you naman eh. Alam kong hindi ka magsisinungaling Kath”


“Hindi nga. Tignan mo na lang----”

Nagulat ako nung bigla niya kong niyakap. 

O_O

“Quen….”

 

“Ahemmm” Agad-agad akong lumayo kay Enrique at napatingin kay Daniel.

Alam ko kasing siya yun eh.

“Kath, b-bakit kasama mo siya?” Tanong sakin ni Enrique.

“Nagdala siya ng breakfast”


“Ah…uhmm…sige. Mauna na ko” Umalis na kaagad siya na para bang nagmamadali.

Ako naman, sinara ko na yung gate at humarap na ko kay Daniel.

“Bakit daw siya nandito?” Halatang parang galit si DJ.

“Inutusan siya ni Kuya” Sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa loob ng bahay.

“Inutusan na yakapin ka?”

>_<

Ayoko makipagaway sa kanya.

Ayokong mag-away kami.

“Hindi. Nagulat nga rin ako eh. Please lang DJ, wag ka na magselos kasi hindi ko rin naman alam----hmmm”

 


Nagulat na lang ako nung hinalikan niya ko.

Napatitig tuloy ako sa kanya.

“Hindi ako nagseselos Kathryn. Takot lang akong mawala ka sakin…”


“Natatakot?”


“You see, I love you Kathryn Chandria Bernardo and I don’t want to lose you because my life has been better since the day I found you”


“I guess I can say the same. Pero Dj, hindi naman ako mawawala sayo eh” I smiled at him.

Hirap ng ganyan. Parehas kami eh.

Parehas kaming may feeling na pwedeng maagaw ng iba ang isa sa amin.

“Sure?” He said, smiling at me. He leaned in kaya mas napangiti ako.

“Sure na sure na sure na sure na sure na sure” Asar ko.

Alam ko na next nito, ngumuso kasi siya sabay----*Chup*

Napangiti na lang ako nung hinalikan niya ko.

At first I thought na ordinary kiss lang yun pero nagtaka na ko nung hindi siya nag-let go kaagad.

Nasa mood yata ang kissing monster.

^_^

He wrapped his arms around my waist, pulling me closer to him.

Aga-aga, ito kaagad ang breakfast ko.

Di bale, mas gusto ko nga ito eh.

Na-miss ko rin naman itong lokong ito.

Ni-wrapped ko na rin yung arms ko around his neck and he deepened the kiss.

Maya-maya, we were both sharing a passionate kiss.

Di ko alam kung paano pero naramdaman ko na lang na napahiga ako sa may sofa.

So bale, he was on top of me.

“Shit. Na-miss na talaga kita” I heard him mumbled kaya napangiti ako.

He was kissing my neck now tapos nagulat ako nung kinagat niya yun.

“Ouch. DJ!” Pagalit kong sabi sa kanya.

Napatingin lang siya sakin tapos ngumiti pa ang loko.

“Bakit mo ginawa yun? Ang sakit ah!”


“It’s called love bite”

Sabay hinalikan ako ulit, tinulak ko nga siya ng mahina para makausap ko siya.

“A-ano? Bakit mo ginawa yun? Kainis ka naman eh! Nakalimutan mo na ba yung nangyare nung last na ginawa mo yun?”

He smiled again. “Malamang hindi”

Pano, 6 months ago, kinagat din ako sa leeg nitong halimaw na ito.

Kinabukasan sa school, pinagtitinginan ako.

Di ko kasi napansin na namumula pala yung leeg ko at halata daw na love bite yun.

Shemay, hiyang-hiya kaya ako nun.

Inasar pa ko nung iba.

“Eh bakit mo ginawa yun?”


“Para malaman ni Enrique na akin ka lang”

(>_<)

Kainis!

“Tumayo ka nga! Bilis!” Tumayo naman siya at umalis na ko.

“BABY! Wag ka na magalit!” Sigaw niya. Di ko na lang pinansin si Daniel, dumiretso na lang ako sa CR at tinignan yung kagat.

Di pa naman ganung namumula eh pero mamaya-maya, for sure…mahahalata na yan.

Tsk!

“Sorry na” Biglang sambit ni Daniel na nakatayo sa may pintuan.

“Palibhasa kasi hindi ikaw yung mapapahiya kapag may nakapansin nito eh. Nakakaasar ka!”

Naglakad siya papunta sakin tapos binack-hug ako.

Ni-rest niya yung chin niya sa may shoulder ko.

 


“Sorry na talaga…”

Nag-sigh na lang ako.

Tapos na yun eh. Wala na rin naman akong magagawa.

“Alam mo babe, babawi na lang ako sayo” Bulong niya sakin.

“Babawi? Pano?”

From the reflection of the mirror, nakita kong ngumiti siya.

“Tara. Sabay tayo maligo”

 

O_O

*Pak*

Hindi ko siya sinampal. Hinampas ko lang sa braso.

“Pwede ba! Daniel naman eh!----”


“Hehehe chillax. Nagjo-joke lang. Tara na nga, kumain na tayo”

Inayos ko na yung buhok ko at pumunta na kami sa dining room.

Sakto, kakababa lang nila Julia.

“GOOD MORNING MADLANG PEOPLE!” Sabi ni Bea.

Natawa tuloy kaming lahat.

“Oy ah! Aga-aga, pbb teens kaagad kayong dalawa” Asar sakin ni Zharm.

“Ha?”

Okay, time to act like nothing happened.

Zharm: “Hay naku girl! Wag ka na magpretend as if walang nangyare. Ayan oh! May ebidensya!”


Daniel: “Dami mong alam Z”


Julia: “Is that a love bite on your neck? Oh-my-gosh!!!”

*Face palm*

Nagtawanan sila tapos inasar-asar pa lalo ako nila Julia.

For sure, pagdating nila Albie, Diego at Jake. Mas malala ito!

>_<

LUPA lamunin mo na sila please!!

Syempre sila, ayokong malamon ng lupa noh!!

Lechugas.

Nakakahiya naman!!!

HELP!??

-------------------------------------------------------------------------------------

A/N:  "The person who gives you unexplained happiness will always be the reason for your unexplained sadness" 

#SuperSoon.

‘Ano ba yan. Nabitin ako’ <---- This. 

This story is not my priority. I write because I wanted to. I write because I wanted to share my imagination to everyone. I WRITE NOT TO PLEASE ANYONE. ^_^

I hope you guys enjoyed this chapter. Abangan niyo yung mga mangyayare. 

Salamat sa mga nagbabasa, nag-vote at nagko-comments ABOUT sa story! Di ako magsasawa mag-thank you sa inyo!

Continue Reading

You'll Also Like

69.8K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
Opposites By aishi.

General Fiction

7K 112 53
We're opposites, but that won't stop us from falling. Date Started: June 24, 2019 Ginawa ko ito sa notes ng phone ko. Iba kasi talaga kapag tinamaan...
35.5K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...