KAHARIAN NG ADAMYA
ALENA'S PROVERBS
Sa kalayuan palang ay narinig na namin ang mga yapak ng mga vedalje bago pa man sila makarating sa aming kaharian ay nakahanda na kaming harapin nang papalapit na ang mga kalaban ay kitang-kita ko si Ether na mukhang natutuwa pa sa pagsugod nila dito.
ALENA:Estasectu!
Nang walang pagdadalawang isip ay sinugod na kami ng mga kalaban at nagsimula ng magtagisan ng galing sa pakikipaglaban sa gitna ng labanan ay dumating si Pirena upang tulungan kami.
PIRENA:Mabuti pang gamitan na natin sila ng brilyante ang mga pashneang ito!
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon
ALENA:Nasaan si Amihan at Danaya?
PIRENA:Nagtungo sa Lireo sapagkat dobleng pwersa ang kailangan dito, si Adam?
ALENA:Nandoon sa kinaroroonan ni Aquil at Memfes.
Kakaubos lang ng mga kalabang nakapalibot sa amin ngunit napalibutan na naman kami ng panibago.
ALENA:Ako na ang bahala!
Saka nilunod ko ang mga kalabang nakapalibot sa amin ni Pirena magtutungo sana kami sa kinaroroonan ng iba pa naming mga kawal nang biglang sumulpot si Ether.
ETHER:Saan kayo pupunta?Hindi ba kayo natutuwa na makita akong muli sa loob ng mahabang panahon?
Sasagot sana ako ngunit may nagsalita mula sa bandang likuran.
ADAMUS:Sino ba ang matutuwa na makita kang muli ang dapat sa iyo ay maging pashnea ulit!
ETHER:Wala kang karapatang lapastanganin ang isang Bathaluman!
Patamaan sana ni Ether ng kanyang kapangyarihan si Adam ngunit napigilan namin ito ni Pirena sa pamamagitan ng aming mga brilyante napigilan nga namin si Ether na matamaan si Adam ng kanyang kapangyarihan ngunit napalibutan naman siya ng mga alagad ni Ether.
ETHER:Nararamdaman niyo na ba ang inyong pagbagsak mga diwata?!(Sabi niya na puno ng pangungutya)
ALENA:Huwag ka munang magsalita ng patapos Ether sapagkat hindi pa natin batid ang mangyayari!
PIRENA:Kung sakali mang maagaw ninyo ang aming mga kaharian mababawi din namin ito sa tamang panahon,sapagkat walang karapatang mamumo ang mga kagaya niyong gahaman sa kapangyarihan!
Mas nilakasan pa namin ni Pirena ang aming lakas upang malabanan ang pwersa ni Ether ngunit hindi pa rin ito sapat sapagkat isang Bathaluman ang aming nakaharap dahil doon ay tumalsik kami ni Pirena palayo.
ADAMUS:Yna!Ashti!
ETHER:HAHAHAHA! ngayon ay inyong matitikman ang galit ng isang Bathaluman!
ADAMUS' PROVERBS
Pagkatapos kong madaig ang mga kalabang nakapalibot sa akin ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan ni Ether upang harapin ito.
ADAMUS:Bago mo magagawa iyan ay dadaan ka muna sa akin!
ETHER:Sigurado ka ba Rehav? baka sa huli ay magsisi ka..
ADAMUS:Minamiliit mo ba ako Ether?
ETHER:Oo sapagkat hindi mo ako kayang labanan ngunit namimilit ka ay pagbibigyan kita!
Kaya sinugod niya ako sa pamamagitan ng kanyang espada saka nilabanan ko naman ito hindi ko man maamin sa aking sarili ay masasabi ko na malakas talaga siya nang makatayo na sila Yna at Ashti ay agad nila akong tinutulungan sa pakikipaglaban kay Ether.
MEMFES' PROVERBS
Marami ng nalalagas sa aming pangkat hindi ko maatim na marami pang mga kawal ang magbuwis ng buhay sa digmaan kaya inutusan ko ang aking mashna na umatras sabihan ang ibang mga kawal na umatras nalang habang kami nila Aquil ay magtutungo sa kinaroroonan nila Alena at ilikas ang mga mamamayan.
MEMFES:Mashna kailangan na natin umatras,sabihan mo ang ibang mga kawal at kami na ang bahala sa mga mamamayan!
ISRAEL:Masusunod Rama! (Saka tumakbo palayo)
Pagdating namin ni Aquil sa kinaroroonan nila ay nakita namin na nakipaglaban pa rin sila kay Ether habang abala si Ether na makipagtagisan ng kapangyarihan sa mga Sangre ay sinamantala na namin si Aquil ang pagkakataon na pagkaisahin ang kapangyarihan ng aming mga sandata upang tulungan ang mga Sangre kaya nagkaroon kami ng laban kay Ether.
ETHER:Pashnea!
AQUIL:Ano ngayon Ether nasaan na ang lakas mo?
Mas nilakasan pa namin ang aming pwersa kaya tumalsik ito palayo ngunit nagawa pa nitong bumangon agad at nag-anyong ahas.
MEMFES:Hindi na maganda ito kailangan nating umatras.
AQUIL:Tama si Memfes sapagkat marami ng nalalagas sa atin.
ADAMUS:Kung ganon ay ilikas na natin ang mga mamamayan..
Kaya dali-dali kaming nag-ivictus saka nilikas ang mga Adamyan at nagtungo sa Nathaniel naagaw man nila Ether ang aming kaharian ngunit mababawi din namin ito sa tamang panahon.
KAHARIAN NG LIREO
LIRA'S PROVERBS
Ito ang unang digmaan sa ilalim ng aking pamumuno hindi ko pa batid kung sino ang mamumuno sa hukbo ng mga kalaban kung si Ravana man ito ay kailangan namin ng dobleng lakas at pwersa ng kapangyarihan nakahanda na kami ngayon sa paglusob ng mga kalaban ang una naming napansin ay nasira agad ang pananggalang na nakapaligid sa aming kaharian na hindi palang dumating ang mga kalaban kahit ganon pa man ay nakahanda kaming labanan sila.
Sa di kalayuan ay nakita na naming nagmamartsa ang mga kalaban at nakikita ko na si Ravana nga ang namumuno niyo.
LIRA:Maghanda na tayo! Estasectu!
Makalipas lang ang isang minuto ay sinugod na kami ng mga kalaban at nagsimula na ngang magtagisan ng galing sa pakikipaglaban kasalukuyang magkasama kami ni Cassandra sa pakikipaglaban habang ang kasama naman ni Paopao ay si Muros at si Hitano makalipas ang ilang minuto ay dumating si Yna at si Ashti Danaya upang tulungan kami sa pakikipaglaban sa dami ng mga kalaban ay ginamit na namin ang aming mga brilyante.
LIRA:Pupuntahan muna sila Paopao.
CASSANDRA:Sige po Yna.
Nang biglang sumulpot si Ravana na parang kabute.
RAVANA:Avisala Hara ng mga diwata!handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan?
LIRA:Huwag kang magsalita ng tapos Ravana sapagkat hindi mananaig ang mga masasamang damo ng kagaya niyo!
Saka nagsimula na kaming maglaban habang sila Yna,Ashti Danaya, at Cassandra ay nakipaglaban sa mga alagad ni Ravana kahit gaano pa ako ka bihasa sa aking kakayahan ay malaki ang lamang ni Ravana sa akin sapagkat isa siyang Bathaluman gagamitan ko sana siya na aking mahika sa bilis niya ay hindi ko na siya namalayan kaya nasugatan niya ako sa bandang tagiliran.
LIRA:Pashnea!
RAVANA:Sadyang bata ka pa nga sapagkat hindi pa gaano katalas ang iyong pakiramdam!
LIRA:Huwag ka munang magyabang Bathaluman sapagkat hindi mo pa batid kung ano pa ang kaya kong gawin! NUSHA TIEM!
Nagpakawala ako ng napakalakas na pwersa ng aking mahika saka sinama ko na ang lakas ng aking Brilyante nang saganon ay malabanan ko si Ravana ngunit hindi pa sapat mabuti ang aking pwersa laban sa kanya mabuti nalang na dumating si Yna,Ashti Danaya,at si Cassandra sa aking kinaroroonan upang matulungan akong labanan si Ravana.
Apat na Brilyante ang nasa ami ngayon naisipan namin na pagkaisahin ang aming mga brilyante para madaig si Ravana.
DANAYA:Dapat na siguro nating pagkaisahin ang ating mga brilyante!
Tumango naman kami bilang pagsangayon kaya ilalapit na sana namin ang aming mga brilyante upang mapagkaisa ito ngunit ginamit ni Ravana ang isa niya pang kamay upang maging mas malakas ang kanyang pwersa kaya tumalsik kaming apat.
RAVANA:Akala niyo ba malalabanan niyo ako?!
AMIHAN:Pashnea mukhang hindi na maganda ito,kaya kailangan aatras nalang tayo..
CASSANDRA:Po?!
LIRA:Tama ang Ila mo Cassandra aatras muna tayo.
Kaya nag-ivictus kami patungo sa kinaroroonan nila Paopao upang masabihan sila.
PAOPAO'S PROVERBS
Nakipaglaban kami ngayon sa mga alagad ni Ether marami ng nalalagas sa aming hanay ngunit patuloy pa rin kaming lumaban makalipas ang ilang sandali ay may nakita namin sila Lira at ginamit nila ang kanilang mga brilyante upang maging madali ang aming laban tapos lumapit sila sa amin nila Kuya Hitano.
LIRA:Kailangan na nating umatras hindi ko na maatim pa na may mamamatay sa ating hanay!
HITANO:Masusunod Hara sabihan ko ang ibang mga kawal.
PAOPAO:Kami na ang bahalang lumikas sa mga mamamayan.
CASSANDRA:Tutulong po kaming itakas sila dito!
DANAYA:Pagkatapos nating iligtas ang mga mamamayan dederesto tayo sa Nathaniel.
Saka dali-dali kaming kumilos upang ilikas ang mga mamamayan at mga tauhan sa palasyo saka nag-ivictus patungo sa kaharian ni Ate Hara Danaya iyan na nga nag-agaw ulit ang Lireo mula sa mga diwata ngunit mababawi din namin ito pagdating ng panahon.
KAHARIAN NG NATHANIEL
DANAYA'S PROVERBS
Sa lahat ng kaharian na buong Encantadia ay ang Nathaniel lang ang pinakaligtas sapagkat binigyan ito ng basbas ni Emre upang hindi makikita ng mga Vedalje at natitiyak ko na hindi batid ng mga kalaban na meron pa palang panglimang kaharian.
Pagdating namin ay naabutan ko ang aking anak na abala sa panggagamot sa mga sugatan ngunit tinulungan naman siya ng mga babaylan.
DASHA:Yna!,avisala eshma na ligtas kayo sila Kuya Paopao po?
DANAYA:Nandoon sila sa kabilang silid.
AQUIL:Kumpleto ba tayo dito wala bang mga naiwan o kaya nabihag?
DANAYA:Wala naman ngunit madami ang napaslang.
DASHA:Ano po ang plano natin ngayon?
AQUIL:Sa ngayon ay magpapalakas muna tayo,bukas na bukas ay magtatawag tayo ng pagpupulong.
DASHA:Hmm..Yna may nais po ba kayong sabihin sa mga naririto?
DANAYA:Oo(Tipid kong sagot,saka naglalakad patungo sa aking trono at tinawag ang aking Mashna)
IRAH:May nais ba kayong iutos sa akin Hara?
DANAYA:Nais kong i anunsyo mo sa lahat na may mahalagang sasabihin ako.
IRAH:Masusunod Hara. (Saka naglakad palayo)
IRAH:Avisala sa inyo lalong-lalo na sa mga Hara,Rama,Diwani,at Rehav mula sa apat na kaharian ng Encantadia andito ako harapan niyo sapagkat may mahalagang sasabihin ang Hara!
DANAYA:Avisala eshma Mashna,andito ako sa inyong harapan sapagkat may importanteng anunsyo ako sa inyo batid nating lahat na maraming napaslang mula sa ating hanay at poltre na hindi namin naipagtanggol ang apat na kaharian dito sa Encantadia alam din natin na hindi na bago itong ating pinagdaanan ngunit alam ko na malalagpasan din natin ang pagsubok na ito sa ngayon ay kailangan muna nating magpalakas upang mabawi ang mga kahariang naagaw nila mula sa atin!
LIRA:Bilang Hara ng mga Diwata ay humingi po ako ng tawad sa inyo sapagkat hindi ko nagampanan ang aking tungkulin bilang Hara,nang dahil sa digmaan ay maraming mga buhay na nalalagas naagaw man nila ang apat na kaharian ngunit babawiin din natin ito gagawin namin ang lahat upang mapasa-atin muli ang ating mga tahanan!
DIWATA 1:May tiwala po kami sa inyo mga Hara batid namin na gagawin niyo talaga ang lahat upang maibalik ang lahat sa dati!
PIRENA:Avisala eshma sa inyong tiwala,sa ngayon ay kailangan muna nating magpalakas bago tayo gagawa ng hakbang laban sa mga kalaban batid ko na napakahaba ng araw na ito kaya kailangan na nating magpahinga.
DANAYA:Tama si Pirena kailangan na nating magpahinga,mga Dama pakihatid sila sa kanilang silid.
Saka iginiya ng mga Dama ang mga mamamayan at ang mga nakababatang Sangre sa kanilang mga silid upang magpahinga.
ALENA:Magpupulong ba tayo bukas?
AQUIL:Oo pag-usapan natin ang susunod nating hakbangin.
AZULAN:May naisip akong paraan ngunit medyo delikado ito.
YBRAHIM:Ano iyon Rama?
AZULAN:Kukunin natin ang mga makapangyarihang armas sa Lireo para may panlaban tayo sa kanila.
MEMFES:Delikado nga iyon,ngunit ito ay mainam na ideya.
PAOPAO:Magagawa naman po natin basta pagplanuhan natin itong mabuti.
AMIHAN:Tama si Paopao maari naman natin itong isama sa ating pagpupulong bukas,di ba?
LIRA:Opo,ngunit sa ngayon ay magpahinga muna tayo sapagkat malalim na ang gabi.
Sumang-ayon naman kaming lahat at nagtungo na sa aming kanya-kanyang silid.
KAHARIAN NG LIREO
RAVANA'S PROVERBS
Sa wakas napasakamay na namin ang apat na kaharian bukas na bukas ay simulan ang paghahanap sa mga Diwata hindi para paslangin kundi papahirapan HAHAHAHA!!😈😈
ITUTULOY...