His Toughest Grip (WAMF Book...

By JacklessRose

86.7K 2.2K 405

Montero Series #1, JAM Duology Book 2 His love for her transformed him into someone with the toughest princip... More

His Toughest Grip
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
Thank You!
Special Chapter
The Signature Necklace

Chapter 17

1.7K 49 6
By JacklessRose

Soft Opening


Simula noong araw na 'yon, hindi ko na muling nakita pa si Pietro. Ajax told me that he went back to Davao. Tapos na rin naman ang pagproseso namin sa titulo, kaya wala na siyang rason para magtagal pa rito sa Cagayan de Oro.

It's the first day of October and it's also the opening of the cafe. Nitong mga nakaraang araw ay naging busy ako sa pag-aasikaso ng lahat kaya hindi ko na rin madalas makausap sina Mommy.


"Miss Magg! Si sir Khairo po tumatawag!" Diday called.


"Sagutin mo muna, Diday! Paki sabi tinutulungan ko pa si Lovi sa decorations!"


"Ha? Po? O-okay...."


Last week lang ay lumipad ako ng Manila para kumustahin ang main branch ko roon. Dalawang araw lang din naman akong nagtagal doon dahil kinakailangan ko ring bumalik dito kaagad.

I bumped into Jayland when I was there. Natatandaan ko pa nga kung paano siya nagulat nang makita ako sa cafe. We talked for a while and it felt good reconnecting with him again.


"I thought you're still in America. Kailan ka pa dumating?" he asked.


Jay looked more masculine now than before. His build is almost similar to Pietro's. He even got a tattoo on his left bicep.


"Matagal na, Jay. Ikaw? Dito ka na sa Manila nakatira?" tanong ko sa kanya.


"No, pero may condo ako rito. I'm here for work. Sa Davao pa rin naman ako nakatira," he answered.


Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak ngayon sa coffee. My eyes stayed at the ring around his finger.


"You're married," I stated the obvious.


He smiled and nodded. "Yes. Five months ago lang. Ikaw? Wala na ako masyadong balita mula sa'yo dahil hindi na rin naman kami nagkikita ng mga kapatid mo. Sa tuwing nag ko-communicate kami ay puro kagaguhan naman ang paksa. Si Rixon nga lang ang nakadalo sa kasal ko dahil wala pala rito sa Pilipinas ang kambal. Si Raven naman ay may mahalagang hearing noon," patuloy niya.


"Is it too late now to congratulate you?" I chuckled, ignoring his question above.


"Well... even if it's a year ago already, I guess it's still valid," aniya at bahagyang napatawa.


Ilang minuto rin kaming nag-usap tungkol sa nangyari noong wala ako, at kung paano sila nagkahiwa-hiwalay magbarkada pagkatapos ng graduation.


"Iyon na rin ang huling beses na nakasama at naka-usap namin si Pietro. Pinadala agad siya ng Papa niya sa New Zealand para sa training. I guess you know already that he's the new CEO of their company, right?" he asked in certain manner.


"I didn't know." Umiling ako. Hindi ko naman talaga alam na siya na pala ang humahawak sa kompanya nila ngayon.


His brows creased. "Really? So hindi mo rin alam na under comatose pa rin si Tita Cynthia?"


My lips parted and my eyes circled in shock.

Tita Cynt is under coma?


"What? Since when? B-Bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod kong mga tanong.


"Hindi ka ba sinabihan nina Rixon?" napahinga si Jayland nang malalim bago nagpatuloy. "Tita got into an accident a year before our graduation. Hindi namin alam kung paano nangyari. Pietro got all the blame at hindi rin namin alam kung bakit. Nalaman na lang namin ay lumipad na siya papuntang New Zealand dahil iyon ang gusto ng Papa niya," Jayland explained.


I wasn't able to utter any word. I stared blankly at Jay, trying to absorb what he said.

Nabalot ako ng mga tanong sa isipan. Kung ano'ng nangyari? Kung paano, kung kailan. At bakit sinasabi niyang inako lahat ni Pietro ang sisi? Hindi ko maintindihan.


"H-Hanggang ngayon ba? Hindi pa rin nagigising si Tita?" wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa kanya.


"Hindi pa raw, eh. That's what my wife said before she resigned as Pietro's secretary last month," aniya.


Para akong nawawalan ng salita dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man alam ang buong kwento sa kung anong nangyari kay Pietro sa loob ng limang taon, alam kong hindi ito naging madali para sa kanya.


"Wala na ba siyang ibang nabanggit tungkol kay Tita Cynthia bago siya nag-resign?"


"As far as I can remember ay wala na. She was really supposed to quit during the start of August. But Pietro asked her to stay for a couple of weeks more dahil may mahalaga raw siyang lalakarin sa Cagayan de Oro. Kaya wala na rin masyadong nabalitaan ang asawa ko tungkol kay Tita," paliwanag pa ni Jayland.


Iyon na ang huli naming napag-usapan bago nagpaalam si Jayland para umalis na nang tumawag ang isang kliyente.

Kahit hanggang sa pagbalik ko rito sa Cagayan de Oro ay patuloy pa ring tumatakbo sa isipan ko ang mga nalaman ko mula kay Jayland.


Tita Cynthia is under coma? Wala man lang akong balita tungkol dito kahit galing kina Rixon.


"Everything's set! Mag-ayos na tayo!" excited na tugon ni Lovi dahilan para matauhan ako. "Hoy! Are you sure you're okay? Bigla-bigla ka na lang natutulala ah?" kalabit niya sa akin.


Huminga ako nang malalim bago tumango sa kanya.


"I'm fine! I'm just anxious for the opening later. Isa pa, kailangan pa ba talaga nating mag-ayos? It's only a soft opening. Okay na ako sa suot ko, may pantalon naman ako sa sasakyan."


Umismid lang siya bago ako nilapitan at inakbayan.


"It'll be fine, Magg. Don't be too stressed about it. Everything's ready and fine. What's not fine is your look right now," she said and chuckled.


"Why? What's wrong with my look? Pangit ba ako?" I asked consciously, looking down on my body.


Napalakas lang ang tawa niya at mabilis na hinagit ang kamay ko palabas ng cafe. Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa tapat mismo ng building.


"Look!" turo ni Lovi sa building na kinatatayuan ng cafe ko. "Ganiyan ka ganda ang bubuksan natin sa publiko mamaya! Tapos ganyan ang itsura mo? Crew cut shirt and a tattered shorts? Seriously, Maggie?"


I pursed my lips before giving her a lazy look.


"I'm not saying you're ugly. You're gorgeous! Like you always do even with raggy clothes. Ang sa akin lang... you should dress well for later! Sa itsura mong 'yan para ka lang customer at hindi may-ari," dagdag niya pa.


"Okay, fine!" I rolled my eyes and smiled.


"You should stand out, Magg."


Lovi was talking to a client on the way to my condo. Kaya wala akong nakakausap at nasa pagmamaneho na lang nakapokus ang atensyon ko.


After a few minutes, I received a call from Khairo. I answered it without a doubt.


"Hello, how's everything there?" bungad niya agad.


"Hi Khai. Ayos na lahat. Maghahanda na lang kami ni Lovi ngayon. I'm sorry si Diday pinasagot ko kanina. Hindi ko maiwan 'yong decors eh."


"It's okay. Diday is a great reporter. She narrated everything you were doing. Para akong nakikinig ng audiobook. Nakakatuwa." He laughed.


"Yeah, or maybe she was just nervous and didn't know what to do. Na-pressure ata," natatawa ko namang sagot nang maalalang bet nga pala ni Diday si Khai.


"What? Bakit naman?" Khairo laughed but sounded confused.


"Wala. Ang sabi ko uwi ka na rito."


"Ayoko nang umuwi riyan. Baka pagselosan na naman ako ng ex mo," he jested before he laughed again.


Napairap na lang ako sa kawalan. Nakita ko pang napasulyap sa kinaroroonan ko si Lovi na may kausap pa rin sa telepono.


"Oh? Napatahimik ka ata? Sorry na. Ang gwapo ko kasi kaya pinaghinalaan tuloy tayo," biro niya pa kaya mas lalo akong bumusangot.


"Shut up, Khai! Pinapaalala mo lang ang nangyari."


Napapahinga na lang talaga ako nang malalim sa tuwing naaalala ang nangyari matapos ng pag-uusap namin ni Pietro. Khai knew about it... and Lovi too.


"Magg? What happened? Ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Lovi pagkapasok ng CR.


Nakaharap lang ako sa salamin habang patuloy sa pag-iyak. Mabilis niya akong giniya paharap sa kanya at niyakap.


"What happened? Nag-away ba kayo?"


I never wanted to talk about it. Umiyak lang ako at ibinuhos ang damdamin habang nakayakap sa kaibigan ko.

Nang kumalma ako ay agad din akong hinila ni Lovi palabas ng restroom at dinala sa living room. Khairo came in after a few minutes.


"Nagulat na lang ako nang pumasok si Pietro mula sa pasyo at agad inayang umuwi si Ajax. Nagpaalam siya sa akin at nagbilin pa na abutan ka raw ng tubig at pakainin na. I didn't know what happened kaya sinunod ko ang gusto niya bago sila tuluyang umalis ni Ajax," pagkukwento ni Lovi kay Khai.


Khai caressed my shoulders while listening to Lovi. I remained silent.


"Tapos naabutan ko na lang siyang umiiyak na sa CR," patuloy pa ni Lovi sabay halukipkip.


Pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari. Mula umpisa hanggang sa dulo. Hindi rin naman kami nagtagal dahil may flight pa si Khairo na kailangan naming habulin. Ayaw ko namang maiwan siya ng eroplano dahil lang sa akin. Kaya habang bumabiyahe ay ikinuwento ko kay Khairo ang ibang detalye, lalo na ang pagdawit ko sa pangalan niya para lang mapatigil si Pietro.


"Do you really think this is the best idea? Paano mo pa masasabi sa kanya ang tungkol sa anak niyo niyan?" aniya habang nagmamaneho.


Ilang minuto akong napatahimik dahil hindi ko na alam ang isasagot. Tamak lang akong nakatingin sa daan.


"Maggie, ayaw kong umalis nang ganyan ang lagay mo. Come on, talk to me. Malapit na tayo sa airport," Khai added.


"I never imagined it to be this hard and complicated for us, Khai. Kahit gaano ko na gustong sabihin sa kanya ay palagi akong hinihila pabalik ng takot. Nagsisimula pa lang silang bumuo ng pamilya ni Reign. Kapag sasabihin ko sa kanya ang totoo, natatakot akong masira ko ito," muli na namang tumulo ang mga luhang akala ko'y naubos na.


"Magg, you are not going to ruin anything. If the truth comes out and say... will grow a conflict between their marriage, it's up to them if how they're going to fix it. Maggie, Elie is not a problem, remember that. She's too precious. She's a blessing, not a problem. Karapatan niya ang makilala ang ama niya, at kung maglilikha man ng away ang paglabas nito, wala kay Elie ang problema, nasa kanilang mag-asawa. Naiintindihan mo ba?"


That somehow opened my eyes. He's right. I'm too self-absorbed with my fear that I tend to forget it's Elie we're talking about.


My smile widened after seeing numerous customers going in and out from the newly opened branch of Elie's cafe. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nang magbukas ako ng main branch noon sa Manila. I was too overwhelmed by the feedbacks from the customers. Nakakataba iyon ng puso.


"Look at their captions." Lovi handed me the phone.


Puro papuri at magagandang komento ang naroon. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang mabasa ko ang mga ito.


Kinahapunan, bumisita ako sa production room para tignan ang operasyon doon. Mas dumadagsa ang mga tao sa labas kaya naisipan ko na lang na tumulong sa mga staff.


"Magg, may mga bisita ka!" nakangiting tawag sa akin ni Lovi mula sa bintana.


My brows furrowed. Hinubad ko ang hairnet at apron ko bago lumabas ng kitchen. Inilibot ko kaagad ang mata ko para tignan kung sino ang nandoon. I can't see anyone familiar.


"Lov, nasaan na? Sinong mga bisita?" tanong ko kay Lovi na abala ngayon sa pag-arrange ng frames sa gilid.


I almost let out a sharp cursed when a pair of arms wrapped around my waist and gently lifted me while turning around. My mouth circled. I can't almost shut it back when I saw Daxon behind me!


Oh my God! He's here!


"Namiss ko ang butiking ito!" pagtawa niya habang buhat ako.


"Daxe! Oh my God! What-How—" halos magkandaugaga ako sa pagsasalita.


Mas lalo pang umawang ang bibig ko nang makilala naman ang kakapasok lang din na dalawang lalaki habang may bitbit na mga bag.


"We can't miss the opening. How's our jewel?" bungad ni Raven.


"Wew! Ang laki na ng alaga naming butiki! May sarili nang café!" salita naman ni Davien sa gilid ni Rave.


"Oh shit!" I placed my palm on my mouth while waiting for their embrace.


Puro yakapan agad ang mga sumunod na pangyayari. Literal akong nasurpresa sa pagdating nila.

I'm finally with my brothers again! Oh God, how I missed them!


"Bakit hindi kayo nagsabi?! Nakakainis kayo!"


"May surprise bang sinasabi?" pilosopong sagot ni Davien sabay tawa.


"Akala ko ba sa November pa ang uwi ninyo? Kailan lang kayo dumating?" sunod-sunod ko pang tanong sa kanila.


Alam kong ang ibang customers ay pinapanood na kami. Kaya inimbitahan ko silang tatlo sa malaking table at doon kami nag-usap usap.


"Kagabi lang. Ako ang unang dumating ng Manila kaya hinintay ko muna si Davien bago kami pumunta rito. Si Raven naman ay tinawagan namin at kanina lang din siya nakarating. Rixon's busy with the company," Daxon explained.


I gave them a smile of adoration. Hindi pa rin ako makapaniwalang magkakasama ulit kami ngayon. The happiness I'm feeling right now is indescribable!


"Don't be too touched. Sinadya naming umuwi sa opening ng cafe mo kasi alam naming maraming libre," ngisi pa ni Davien. I hit him lightly with my hand. He pouted.


"The place is so good, Magg. Mabuti at nahanap mo ang may ganitong istilo," ani Daxon.


"Coming from an Engineer 'yan, ha..." singit naman ni Raven, nakangisi.


My smile was slightly cut. They didn't know whose property it is. Hindi ko naman naikwento iyon sa kanila.


"Y-yes. Khairo helped me find this place," sagot ko sa kanila.


Tumulong silang tatlo sa pag-attend sa mga customers. Kaya mas dumami ang naglabas-masok at kadalasan ay mga dalaga na halata naman kung saan nakatuon ang mga mata pagpasok pa lang.

Nang magsara na ang cafe ay nagdesisyon kaming sabay nang umuwi sa bahay para doon na ipagpatuloy ang kwentuhan. Bumili pa ng ilang liquors sina Davien at Raven bago kami tumuloy pauwi. Naipakilala ko na rin sa kanila sina Lovi, Lucas, at Diday, na kasama na rin namin ngayon dito sa pasyo at nagkakatuwaan.


"Nakakamiss pala ang bonding natin 'no," said Davien while holding the glass.


"Sinabi mo pa," si Raven naman 'yon.


"Let's have a toast for this reunion!" ani Daxon sabay taas ng kanyang baso. Sumunod kami at pinagdampi ang mga bunganga ng baso sa isa't isa.


"Cheers!" sabay-sabay naming hiyaw.


"Davien! Nasaan na ang nahuli mong isda?" I asked, pointing Davi with my shot glass.


"Iniwan ko muna sa fish pond. Hindi pwede isda sa eroplano, eh," biro niya kaya bahagya kaming napatawa.


Gago talaga hanggang ngayon. Ang sabi niya ay may ipapakilala na siya pagkauwi, tapos ngayon wala naman pala. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang kami o may ibang nangyari lang talaga.


"By the way, sabay na tayong umuwi ng Davao next week, ha," pag-iiba naman ni Raven.


"How about the cafe?" tanong agad ni Daxon nang bumaling sa akin.


Before I could even answer, Lovi did it for me.


"Leave that to me so you guys can have your reunion there."


Mabilis ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "Are you sure?"


"Of course!" she said, nodding.


"'Yon oh! Thanks Love," ani Davien, nang-aasar.


Umismid lang si Lovi habang humagalpak naman kami sa tawa.


"Ang tagal sumagot ni Rixon," Daxon muttered while holding his phone. Sinusubukan niyang tawagan ang panganay namin para magpa-inggit.


"Huwag na nga baka busy pa 'yon," pilit pinipigilan ni Raven ang pagtawa niya. Parang may kalokohan na namang naiisip.


"Tama! Abala 'yon sa pagtatanim," dagdag naman ni Davien.


Mabilis kong naintindihan ang ibig nilang sabihin kaya mabilis ko ring sinapak sa balikat si Davien na siyang pinakamalapit sa akin.


"Pagtatanim? Ang lalim na ng gabi nagtatanim pa po sila ngayon?" Diday asked innocently.


Mas naghagalpakan naman sa tawa ang mga lalaki, sumali na rin si Lovi. Napa-iling iling na lang ako at napapatawa na rin dahil napapakamot na sa batok si Diday.


"Mas masarap magtanim sa gabi, Diday," utas pa ni Daxon na ngayon ay tawang-tawa na rin.


"Hindi. Mas maganda sa umaga. Pagkagising na pagkagising," si Raven naman.


"Ang hihina niyo! Mas masarap kapag buong araw! Mula umaga hanggang gabi!" dagdag ni Davien na mas ikinasakit ng tiyan namin dahil sa kakatawa.


Halos mabingi na ako sa lakas ng tawanan nila. My green mind is winning! Kahit gaano ko pinipigilan ang pagtawa ay napapahagalpak na rin ako. May pa apir-apir pang nalalaman ang mga kapatid ko. Mga gago talaga.


"Nakakapagod naman po 'yan," seryosong komento pa ni Diday.


"Well... if you love what you're doing, you'll never get tired." Tumahimik ang lahat nang magsalita ulit si Daxon.


Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa!


"Diday, you're such a baby!" said Davien while recovering from laughing.


Bahagya na lang din napatawa si Diday sa gilid.

I feel like I just came from a long run. Napa-inom ako ng tubig dahil sa kakatawa. When was the last time I laughed hard like this? I think years ago?


"Tonight feels so right," pagbasag ko sa katahimikan. Napatingin silang lahat sa akin habang nakangiti. "Na miss ko kayo. Sobra!"


"Grabe, Magg! Na miss din kita. Huhu." Davien held his chest dramatically, and then laughed right after.


I hit him lightly with my hand. Niyakap niya rin naman ako pagkatapos.


"Hey big bro! Mainggit ka!" nabaling ang atensyon namin kay Daxon na nakahawak na ngayon sa phone niya.


"Hi Rix!" bati ko.


"Sup, brother," si Raven.


Rix appeared on the screen with only a towel around his waist. Mukhang kakagaling niya lang mag shower dahil may bakas pa ng tubig sa katawan niya.


"What's up? Ang saya niyo riyan ah," ani Rixon habang nagsusuot ng sando.


"We miss you here!" singit ko.


"I miss you too!" he said in the background.


"Sir Rix, kakagaling niyo lang po bang magtanim?" singit ni Diday kaya napatingin si Rixon sa screen.


"Tangina!" malakas na tawa ni Davien.


Ang kanina'y tahimik, ngayon ay muling naging maingay dahil sa tawanan. Kahit si Rixon ay napatawa rin sa huli.


"Mga gago kayo, kung ano-ano tinuturo niyo kay Diday!" natatawang ani Rixon.


Ako ang huling natulog dahil tinulungan ko pa sina Diday sa pagliligpit. Nasa mga kwarto na ang mga kapatid ko at naririnig ko mula rito sa ibaba ang pagtatalo nina Daxon at Davien sa banyo.

Nasa kama na ako nang muli kong binuksan ang phone ko para tignan ang mga panibagong feedback ng café. Halos umabot na sa isang libo ang likes sa page. Marami ring nagko-comment doon. Ang iba ay kilala ko, ang iba ay pamilyar lang, at kadalasan ay hindi ko na talaga kilala.


One recent notification appeared so I outright checked it with an excitement. Nang pinindot ko iyon ay tumigil sa isang particular photo na may iilan lang na comments ang naroon. It was a photo of the cafe's view from the outside with its name plastered on a big board.

My heart skipped a beat when a familiar name appeared on one of the comments. Binalot ako ng kaba at ang tanging alam ko ay napatitig na lang ako sa tanong na naroon.


Pietro Gallego:
Who's Elie?

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 128K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
18.5K 670 66
Trixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitm...
40.8K 2K 46
"I need you to trust and believe when I say this, ain't nothing or nobody thats ever gonna break us" Imani Mccalister always followed the rules, comi...
10.8M 250K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...