Diary ni Faphrodite: Ang Diyo...

By RedLonelyRanger

4.4K 89 16

"Life is as to fap. Sometimes it's hard, sometimes not. But no matter what happens, you have to stick it in."... More

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng Fap
DNF: Entry 1
DNF: Entry 2
DNF: Entry 3
DNF: Entry 4
DNF: Entry 6
-- DNF: 6.1 Niccolo's POV
-- DNF 6.2 Aphrodite's Entry
-- DNF 6.3 Alexia's POV
DNF: Entry 8
DNF: Entry 9
DNF: Entry 10
Intermission
DNF: Entry 11
DNF: Entry 11.1 (Haruka-sensei's POV)
Special Otor's Note
Untitled Part 19
fap

DNF: Entry 7

238 4 0
By RedLonelyRanger

Dear Diary,

REALLY!? Hanggang ngayon ay naninigas parin ang katawan ko sa mga nangyari kanina. Hindi ko kasi sukat akalain na posibleng mangyari ang mga bagay na yun pero—hindi ko alam! Hindi ko na maintindihan!

Kauuwi ko lang ng bahay, gulat. Takot. Di malaman ang gagawin. Tuliro. NAAA! I let my guard down! Ano ba naman yan! Pambihira naming pangyayari yan! Ba’t ba kailangang maging ganito?

Kung nagtatanong kayo kung anong nangyare, sige. Ikukwento ko sainyo. Haaaaay nako!

(Earlier than that)

 

“Eeeeeeeeeeeeeeeeh! Naiinis ako!” she said habang naglalakad kaming tatlo. Si Barbara na kumakain ng instant noodles at si Alexia na pulang-pula dahil sa galit. Ewan ko ba kung bakit galit na galit siya. Pero cute parin siya. Nyaaan

“Ikain mo nalang yan.” Sabi ni Barbara. Aba. Effect ba to ng noodles at ang bait-bait niya kay Alexia ngayon?

“No. I’m not hungry. Though—“

“AH! Anyways, thank you at sinamahan niyo ako. Kailangan ko nang pumunta sa klase. Late na ako! Jaa!” sabi niya sabay takbo. PERO TEKA! INIWAN NIYA AKO!?

“Aaaaaah…” napasigaw si Alexia. OMG. Napaupo siya sa sahig at hawak-hawak niya ang tiyan niya. Na-nako naman! Ba’t ba ako iniwan ni Barbara!

“A-alexia! Okay ka lang ba?” sabi ko sakanya.

“H-help me please!” sabi niya. Mukang hirap na hirap na siya. Akay-akay ko siya papuntang clinic at sabi ng school nurse ay umuwi nalang daw siya para gumaan ang pakiramdam niya. Binigyan siya ng gamot para medyo gumaan ang pakiramdam niya papuntang bahay. Haaaaay.

“Kaibigan ka ba niya?” sabi nung nurse.

“Ah.. Opo.” Ata.

“Samahan mo nalang siya pauwi ha? Baka kasi mapano siya doon papuntang bahay. Mabuti na yung may kasama siya.

“Ah eh.. Sige po. Thank you po maam.”

“Okay sige.” Sabi nung nurse sabay alis. Iuuwi ko daw si Alexia sa bahay niya. Nako naman. Yung ganda kong to ay hindi ginawa para tagahatid ng bahay ng isang babaeng—oh. Nevermind.

“Aphrodite—ako nalang ang uuwi. May kotse naman eh.”

“Ha? Hindi! Sasamahan parin kita.”

“Ha? Ah.. eh.. wag nalang Aphrodite. Ka..kaya ko nanaman eh.”

Tingnan niyo to. Kanina halos pumasok na siya sa loob ko dahil gusto niya akong kasama. Ngayon, tinataboy na niya ako dahil sa ihahatid ko lang naman siya ng bahay. Ewan ko ba kung anong kaartehan meron ang babaeng to.

“Uh.. okay na namana ako Aphrodite. Bumalik ka nalang sa klase mo. Kunti nalang yung sakit.”

“Hindi. Baka kasi rapin ka nang driver niyo eh mahirap na. Halika. Saan ba nakapark yung kotse niyo?”

Nagblush siya.

NYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Ang ganda niya! >//< ay may emoticon hahahahaha hindi ko  na napigilan. Pasensya naman. Ang ganda lang kasi talaga ni Alexia pag nagbablush siya. Ewan ko ba. Maganda naman talaga siya.

“Si..sige. nandun sa may parking lot. Sa Basket Mise.” Sabi niya. Hinawakan ko siya sa bewang at inalalayan siyang maglakad.

Dug dug dug dug…

HALA! NA..na..na..ANO TO!?

“Ah… Aphrodite… kahit wag mo na akong.. hawakan… okay lang ako.” Tinakpan niya ng kamay niya ang muka niya kasi parang nahihiya siya o naiilang siya sa ginagawa ko. Isa lang ang masasabi ko…

 

AYOKO NANG MANUOD NG MGA ANIME NA YURI!  

 

Oo tama! Effect to ng mga pinapanuod kong anime! Mali! Dapat hindi ako kabahan kasi ang bait ni Alexia. At pinag-iisipan ko siya ng kung anu-ano. Hindi maganda to! Hindi maganda to. Hindi ko na pwedeng bawiin yung sinabi ko diba? NAAAAAAAAAAAAY!

“Sa..salamat ha?” sabi niya. Tinuro niya sakin kung san yung kotse at tinawagan niya ang driver niya para idrive siya pauwi. Pumasok na kami sa sasakyan at inakayan ko siya papasok. Nang sa di inaasahan ay nasabit ang paa niya sa may upuan at napahiga siya sa backseat. At dahil hawak-hawak ko siya nasabay na rin ako sa pagkatumba niya.

E..eh..na..na..nand—

“Sorry!” sabi ko. Agad naman akong napabangon mula sa pagkakahulog kong yun saka hinayaan siyang makaupo.

Nakapatong lang naman ako sa taas niya at napahawak ako sa dibdib niya. Kamisama! Bakit? Bakit kailangang mapasok ako sa gantong sitwasyon? Uwaaaaaaa

“Okay lang yun Aphrodite” sabi niya sakin sabay ngiti at umupo na siya ng maayos. Pumasok na rin ako saka umupo. NAKO NAMAN! Yung hotness ko kumakalat.

“Ang aga niyo po maam. San po tayo?”

“Please take me home.”

“Sige po maam.”

Mahinang tumakbo ang kotse. Teka.. bakit napakapamilyar naman ata ng lugar na to? Teka…

“Hahaha this is also our neighborhood!” nakangiting sabi ni Aphrodite.

“Ibig sabihin, lalakarin ko lang to from school to bahay tapos sainyo?”

“Ah.. kung gusto mo. Okay lang naman.”

“Waaaaa dito ka lang pala nakatira. A—akala ko malayo-layo pa rito.”

“Ahaha lumipat kami dito last year kasi malapit lang siya sa school.”

“Andito na po tayo maam.”

SUGOI! Ang bilis naming nakarating! Oo naman. Kung lakarin ko nga eh 15 minutes lang. Mag sasakyan pa kaya. Pambihira ka naman Aphrodite. Wag mo ilagay ang utak mo sa panty mo.

Lumabas na kaming dalawa ng kotse. DOUBLE AWESOME! Ang laki ng bahay nila. Yung bahay naming halos mahiya na. Nagtago na nga yung bahay namin sa sobrang laki ng bahay nila. Pano ko ba idedescribe? Kailangan pa ba? Wag na. Basta malaki, may gate, may puti, may gold, may garden tapos ayun na. Tapos.

“Pasok ka Aphrodite.” Sabi niya sakin. Pumasok naman ako sa bahay niya. ANG LINIS! Si Kevin siguro ang hi-nire niya para mag linis dito.

“Ang ganda ng bahay niyo Alexia.”

“Thank you.” Nakangiti niyang sagot sakin. Hinubad niya ang sapatos niya saka pumunta sa kwarto niya. Bale, nasa 2nd floor ako na sala nakaupo ngayon. Yung 2nd floor kasi puro kwarto na. Hallway lang tapos may sala dun then hallways tapos mga kwarto. Ang ganda. Ang ganda ganda naman talaga ng bahay nila!

Aaaaaaaaaaaah!” narinig kong sumigaw si Alexia sa loob ng kwarto niya. Kaya naman, dali dali akong tumakbo at binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Nang—

“Ah… Ano to?”

“Nagulat ba kita Aphrodite—ahhh..“ late na rin niyang narealize na nasa loob na ako ng kwarto niya. Halos lumuwa ang dalawa kong eyeballs dahil sa mga nakita ko.

“A-Aphrodite—hindi ko nanaman siguro matatago sayo diba?” sabi niya sabay lapit sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

“EH—“

“Hayaan mo muna akong magpaliwanag! Matagal na kitang sinusundan. Aphrodite! I love you! Pasensya ka na at kailangan mong Makita tong mga to ha? Ano kasi—Masaya akong nakikita ang mga ngiti mo. Kaya idinikit ko sa mga pader ang mga litrato mo. Natatahimik kasi ang puso ko kapag nakikita kita.” Napayuko siya sa mga sinabi niya. Tahimik lang ako. WOW. Higit pa sa wow ang ginagawa niyang to. Kung si Carkmichael kaya ang gumawa—ASA!

“Aphrodite—“ nangingilid ang mga luha sa mata niya nang mapatingin siya sakin. Ang ganda niya shet! Para siyang yung mga magagandang babaeng anime character.

“Ba—“ naputol ang sasabihin ko. Pati na rin yung oras ko, naputol. LAHAT NAPUTOL. Bigla niya akong hinawakan sa muka at hinalikan ang mga labi ko. Hindi ako makakilos. OMYGEEVUS! Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon…

~ I kissed a girl ang liked it—fffffffffffff  putcha naman oh. Itinulak niya ako sa kama atsaka hinawakan ang dalawa kong kamay. Yung parang sa mga rape scene. Teka, pano ko ba idedescribe yun? Basta. Alam niyo na yun. Tinitigan lang niya ako sa mga mata saka hinalikan niya ulit ako. Ang plastic ko kung sasabihin kong AYAW KO. Pero sa totoo lang—mapapasabay ka eh. NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Natigil ang lahat ng biglang tumunog ang cellphone ni Alexia. Thank God it did. ENGLISH! Naasar naman siya dun saka umalis sa harap ko at kinuha ang cellphone niya.

“What now Cark?” sabi niya. Ay. Si Carkmichael pala yung tumatawag. Buti pa siya may number nun. Haaaay bakit ko ba hinahabol-habol yun.

“What? He—“ nagulat nalang kami nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Carkmichael.

“Cark?!”

“Ale—APHRODITE?! Anong ginagawa mo dito Appy?” sabi ni Carkmichael sabay baba ng cellphone at inilagay niya iyon sa bulsa niya.

“You? What are you doing here?” sabi ni Alexia.

“I heard you were sick so I came over.” Sagot ni Carkmichael.

“Ahh.. alis na ako ha?” dahan dahan akong naglakad saka kinuha ang bag ko para makaalis na dun nang bigla akong hinawakan ni Carkmichael sa braso ko.

“Ah—“

“I’m coming. Let’s talk.” Hinatak niya ako papalabas ng bahay at naiwan si Alexia sa kwarto. Nang makalabas na kami ng bahay ay naglakad siya nang hindi man lang ako sinasabay. Ang gwapo rin pala ng likod niya. Bakit ganun? Hindi dito ang direksyon ng bahay ko pero ko siya sinusundan?

Natigilan ako sa paglalakad nang marealize ko yun. Saka naglakad papunta sa street ko. Nang bigla niya akong iniharap sakanya at tinitigan lang niya ako.

“Ah.. Carkmichael—bakit?” tanong ko. Nang bigla niyang ipinahid ang thumb niya sa labi ko. At hindi pa siya nakuntento. Kumuha pa siya ng panyo sa bulsa niya saka ipinahid sa mga labi ko.

“Eh… ano ba!”

“Her lipstick’s staining all over you lips.” Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun ba? Ah.. napabaling ang atensyon ko sa ibang direksyon. Ayoko ko kasing Makita yung muka niya.

“Ah eh—thank you.”

“Don’t let her stain your lips with her dirty lipstick. Hindi bagay sa iyo.” Sabi niya saka itinago ang panyong ginamit niya at tumingin sakin.

“Besides—those were mine.”

Hindi ko na alam diary kung matutuwa ako sa lahat ng mga naririnig ko o malulungkot nalang ako dahil dito. Kasi naman, akala ko ako—teka! Bakit ba ako nageexpect? Crush ko lang naman to ah?

“I don’t care. Eh di iyo na.” sabi ko sabay alis ng mga kamay niya sa balikat ko saka tumalikod at naglakad na papalayo sakanya. Dali-dali akong naglakad papunta sa tindahan ni Aling Teklers para bumili ng pagkain. NAGUGUTOM AKO! Kailangan kong kumain! KAILANGAN KONG KUMAIN NG MADAMI!

“Tao po!”

“Oh bakit?” Sagot nung tindera.

“Pabili pong cup noodles na malaki po talaga saka isang softdrinks. Kahit anong softdrinks po basta malamig atsaka pabili rin po nitong chicken sandwich niyo. Bale tatlo lang po.

Umalis naman yung tindera saka kinuha yung mga binili ko. Naupo ako sa upuan atsaka inilagay ang bag ko sa table diary. Sa pangyayari ngayon, gusting-gusto ko na talagang kumain ng maraming-marami.

“Eto na yung binili mo miss.” Tumayo ako para kunin lahat ng mga binili saka iniabot yung bayad at kumain ng kumain.

“Marlboro at lighter.” Sabi nung lalaki sa likod ko. Busy’ng busy ako sa pagkain ko nang bigla siyang umupo sa harap ko at kinuha ang isa kong chicken sandwich.

“HOY! Ah—Niccolo?”

“Bakit?” sabi niya sabay kagat sa chicken sandwich na binili ko. Bakit ba nandyan nalang siya parati pag kumakain na ako diary? Wala ba tong pera pambili ng pagkain? Ginugutom ba to ng mga magulang niya?

“Wala.” Tumayo naman ako saka bumili ng softdrinks at dalawa pang chicken sandwich saka umupo ulit.

“Oh.” Sabi ko.

“Ano yan?”

“Eh di pagkain. Kinuha mo yung akin eh. Baka hindi ka nanaman kumain. Muka kasing ginugutom ka ng mga amo mo.” Sabi ko pa sabay kain nung noodles.

“Tsch.” Kinuha niya yung sandwich tsaka softdrinks at kumain. Napatingin naman ako sakanya sa hindi malamang dahilan.

“Oh bakit?” sabi niya

“Wa-wala.” Sabi ko saka tumingin nalang sa noodles na kinakain ko. Para kasing nawawalan ako ng gana. BAKIT BA GANUN! Ang dami ko pa namang binili na pagkain! Pero parang nagiging goma ang lasa ng mga pagkaing to. Hindi kaya nagiging ghoul na ako diary?

“Niccolo?”

“Hmmm..”

“Ahmm.. Magkapatid ba talaga kayo ni Carkmichael?”

Accck—ba’t mo naman natanong yan?”

“Hindi ko rin alam.”

“May gusto ka sakanya no?” nagulat ako sa mga narinig kong yun diary! AKO? May gusto sakanya? Oo! Kasi hot siya at gwapo siya. Pero yung gusto na gustong gusto talaga?

“WALA! WALA AH! Guuuuu—“

“Eh di wala.” Sabi niya saka nagsindi ng sigarilyo niya.

“Bakit ka nandito?” tanong ko sakanya.

“Eh ikaw? Bakit ka nandito? Diba dapat nasa klase ka?”

“Diba dapat nasa klase ka rin?”

“Wag mong binabalik ang tanong.”

“Binabalik mo nga rin eh.”

“Tss.”

“Ang talino mo naman. Ba’t pabalik-balik ka?”

“Ang bobo mo. Ba’t nakapagcollege ka?”

“HINDI NAMAN AKO BOBO AH?” sigaw ko. Grabe na rin naman siya diary. Kung makahamak siya sakin parang ewan lang.

“Tss.. I don’t care Hatsune.”

“Hindi ako Vocaloid!”

“Tsch.”

Bigla kaming natahimik dalawa. Kumain nalang ako ng kumain hanggang sa maubos ko na talaga ang kinakain ko. Nababadtrip kasi talaga ako sa nilalang na to. Parang ewan lang. oo hindi naman ako gan katalino diary pero hindi naman ako bobo diba? Diba guys?

Tinapon niya ang upos niyang sigarilyo saka kumuha ulit ng bago.

“Aalis na ako.” Sabi ko.

“Wag. Dito ka lang.” sabi niya. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Minsan tuloy hindi ko malaman kung mabait ba siya o hindi. Ewan ko. Ewan ko talaga. Para siyang Math problem. Mahirap na madali na hindi ko maintindihan.

“Bakit? Uuwi na ako. Manunuod pa ako ng anime.”

“Sama ako.” Sabi niya.

“Eh—bakit ba?”

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at kinuha niya ang bag ko saka naglakad papunta ng bahay.

“Hoy! Akin na nga yan!” sinamaan lang niya ako ng tingin. Napayuko nalang ako saka sumunod sakanya habang naglalakad siya. Bahay ko yung pupuntahan niya pero hindi ako makapalag kasi naman baka ibenta niya ako sa mga masasamang loob tapos gawin akong mule. Mahirap na. yung ganda kong to hindi bagay para maging gold mule o drug mule.

Huminto siya nang matapat na siya sa bahay namin. Huminto rin ako. Nagkatinginan kaming dalawa. Ibinaling naman niya agad ang tingin niya sa gate namin.

“Tsch papasok ka ba o hindi?” sabi niya sakin habang pinapatay niya ang kanyang sigarilyo sa sahig.

“Ilibing mo yan ah?”

“Ano?” pagtataka niya.

“Pinatay mo yang sigarilyo mo. Ilibing mo yan.” Tinapon niya ang bag ko sakin saka tumalikod at nagsindi ng panibagong sigarilyo.

“Bahala ka. Sige. Una na ako.” Naglakad siya papalayo sakin saka sinuot ang bag niya sa isa niyang balikat.

“Ayaw mong manuod ng anime?” HA? APHRODITE?! ANONG KLASENG TANONG bA YAN!?

“Ayoko. Manuod ka mag-isa mo.”

“Eh okay. Ang gulo mo rin.” Naglakad na siya papalayo ng tuluyan. Tiningnan ko si Niccolo diary. Hindi siya mabait. Gentleman siya. Pero asal thug talaga siya. Ewan ko ba. Naguguluhan ako sakanila. Hindi sila magkapatid. Pero magkamuka sila. EWAN! APHRODITE EWAN!

(Present)

“Aphrodite! HOY! APHRODITE!”

 

“AH! ANO?! BAKIT?!” nagulat ako. Si Barbara na pala.

“Kanina mo pa sinasaktan yung kutsara at tinidor. Okay ka lang ba?

“Niku. I want niku. Niku. Niku. NIKUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU” (meat) marahan naman akong sinapak ni Kevin.

“Kakanuod mo na yan ng anime. Tumigil ka nga.” Sabi ni Kevin sabay lagay ng karage sa lamesa namin.

“WOW! Ang galing talaga! Ang sarap!”

Kumuha ako ng madaming kanin at madaming ulam at kumain ng kumain hanggang sa mamatay na ako sa sobrang busog. Ay nako. Nakakastress kasi.

“May problema ka ba Aphrodite?”

“Wala naman  Barbara. Bakit?”

“Ah eh… ang lakas mo kasi atang kumain.”

“Parati naman yan eh.”

“TUMIGIL KA NGA KEVIN! Ah—gutom lang talaga ako.”

“Tapos na ako. Huhugasan ko lang tong plato ko.”

“Yan ang bago. May problema ka ba?” tanong sakin ni Kevin.

“Letse! Wala nga!

Hinugasan ko nalang ang pinagkanan ko saka nagtoothbrush. Oo nga. Dati naman eh hindi naman ako talaga ang naghuhugas ng mga pinagkanan ko. Hindi rin ako kumakain ng sobra sobra—okay. Ganto talaga ako kumain. Pero, ewan. Nagiging favorite word ko na rin ang ewan.

Pumanik na ako sa kwarto ko saka nagsuklay ng buhok. Teka, kelan pa ba ako nagsuklay ng buhok? Napatingin ako sa salamin at naalala ko ang ginawa ni Carkmichael kanina. Nak ng puno ka naman diary. Ano bang gagawin ko para mawala nang lahat ng ito?

Pabalik-balik lang nga ang mga nangyari kanina.

AAAAAAAH!” dali-dali akong pumunta ng banyo saka hinugasan ng mabuti ang bunganga ko. Ngayon si Alexia nanaman ang naalala ko! Diary, anong gagawin ko? Makikita ko nanaman sila bukas? Anong gagawin ko?

-          Faphrodite

 

Continue Reading

You'll Also Like

765K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
124K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...