Saving The Governor-General (...

By blionsky

79.1K 3.3K 207

Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She i... More

Simula
FIRST UPS
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
WAKAS
-THANKS-
HELLO

KABANATA X

2.3K 121 1
By blionsky

Bawi.. bawii timmee😁😁

--

"Alam ko ang eksaktong lugar kung saan sila naninirahan, Cañerez. Hindi mo ako malilinlang." sabi ko. Nakita kong namuo ang kamao sa kaniyang mga kamay at naging matalim ang kaniyang mga tingin.

"Wala kang karapatang galawin sila! Sino ka ba at nanghihimasok ka sa mga bagay na sa isang binibining katulad mong walang kamuwang-muwang, ay nandito at nangingi-alam?!!" sigaw niya. Nanlalait talaga? I clenched. Discrimination. Discrimination is the only thing that comes in my mind.

"Para lang sa iyong kaalaman, ako ang guardia personal ng Gobernador-Heneral na inatasan ng kaniyang ina na si Doña Celestina." matapang kong sagot..

Natahimik siya nang ilang saglit pero nagsalita na rin siya. Nakatingin lang siya sa lupa na parang blanko ang kaniyang mukha.

"Sa likod ng hancieda De la Vega, doon nakatago ang aking mga kasapi. At ang aming pinuno. May lihim doon na daan papunta sa ilalim kung saan may isang malaking silid. " dire-diretso niyang sabi.

Bigla akong napatingin sa mag-ina. Mayroon pa lang lihim na silid sa hacienda nila? Mukhang ama niya talaga ang papatay sa kaniya. At kung tama ang kutob ko, ang ama nila ang pinuno.

"At sino ang inyong pinuno?" tanong ni Doña Celestina. Unti-unti niyang iniagnat ang kaniyang paningin sa amin.

"Walang iba kunng di si.......Heneral Rafael." sagot ni Hernan.

Teka ano? Si Rafael? Pero paano at bakit? Yung pilyong lalaking yun? Ano ang dahilan niya para patayin si De la Vega? Wala akong makitang matibay na dahilan. Hindi ba daat ama niya ang salarin o pinagtatakpan lang nito ang kanilang tunay na pinuno? Dahil ito ang ama ng kanilang papatayin.

"Huwag kang magparatang! Imposible ang iyong sinasabi!" galit na sabi ni De la Vega.

"Tama nga si Rafael. Talagang malaki ang iyong tiwala sa kaniya." sabi niya ng may nakakalokong ngiti.

Naging mabilis ang mga pangyayari at biglang hinugot ni De la Vega ang baril na hawak ko.

BANG!

Napapikit ang iba dahil sa impact pero ako ay nakatingin lang sa nangyayari. Tiningnan ko ang direksyong kinalalagyan ng bala. Nakita kong may butas ang pader sa likod ng bihag na si Hernan at ito ay malapit lang sa kaniyang noo. Sinadya niya bang hindi patamaan si Hernan?

Nanginginig ang kaniyang kamay na nakahawak sa baril na may madilim na ekspresyon sa mukha. Sa kalagayan ni De la Vega ngayon, kaya na niyang pumatay ng walang awa pero mas pinili niyang hindi gawin. Bakit? May kailangan pa ba siya iba sa taong to o kay Rafael? Inihagis niya ang baril at nagsalita.

"Pahirapang mabuti ang bihag." malamig niyang sabi at direstong naglakad palabas.

--

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit si Rafael ang naging pinuno katulad ng sinabi ni Hernan kanina. Naguguluhan na ako. Nasaan ba si Orasan?

"Hoyy... Orasan!"

Sabi ko sa isip. Ilang segundo pa akong naghintay pero wala pa ring sumasagot.

"Hooyy Carlos."

"Bakit? Miss mo ko?" napapitlag ako nang may nagsalita sa tabi ng bintana ng kwarto ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit ba ang hilig mong manggulat?! Gabing-gabi na!" asik ko.  Naka-crossed arms siyang nakasandal sa tabi ng bintana na naka itim lahat ang suot na damit. Habang bahagyang nakacross din ang mga paa niya.

"Eh sa ikaw ang biglang nanawag dyan! Ako pa talaga sinisisi!" tsk.. kahit kailan talaga.

"Ohh? Bakit? Ano bang kailangan mo?" tanong niya.

"Maliban sa ama ni De la Vega, may mga iba pa bang taong ang gustong pumatay sa kaniya?" tanong ko.

Napaayos siya ng tayo at naglakad-lakad sa kwarto. Nagtitingin-tingin sa mga bagay dito sa loob. Ano ba hinahanap nito?

"Uumm... Oo at hindi." Huh? Ano bang pinagsasabi nito?

"Ano?"

Humarap siya sa akin na may dalang kung ano na kinuha niya sa mga drawers sa cabinet.

"Oo tama ka. Bukod sa kaniyang ama, may mga tao ring gusto siyang patayin. At sila ang mga rebelde sa pamahalaan na may lihim na kilusan. Sa pagkakatanda ko 'Kapatiran' ang tawag nila doon pero parang binago na nila iyon ngayon. "

"Then why are they rebelling? Kung ang sabi mong si De la Vega ay isang mabuting pinuno?"

"Dahil iyon sa mga dating mga Gobernador-Heneral na siyang mga tuso at mapangahas. Hindi mawala-wala sa kanila ang galit sa pamahalaan ng dahil sa kanila at hindi nila nakikita ang kabutihan ni Martin dahil doon. Dahil nakatatak na sa kanilang mga isip na kahit kailan hindi magiging mabuti at patas ang labanan ng pamahalaan sa sambayanan."

"Inaasahan na nilang si Martin ay magiging katulad lang rin ng mga nagdaang mga Gobernador-Heneral."

"At ano naman ang Hindi?" tanong ko.

"Hindi totoong si Rafael ang pinuno. Kagaya ng una kong sinabi sa iyo noon, ang ama lang niya ang may hangaring patayin siya ng walang awa. Dahil hindi rin si Rafael ang pinuno ng mga rebelde."

"So tama nga ang hinala kong nililinlang niya lang kami." sabi ko.

"Oo. Kaya huwag ka ring masyadkng maniwala sa kaniya. Na kahit siya ang bihag at napaamin mo na siya ay magsasabi na siya ng totoo."

"Doon sa sinabi niyang lihim na silid totoo ba iyon?"

"Partly yes and no." eto na naman. Tsk! He chuckled when he saw my expression.

"Teka lang Anderson ha, hindi pa ako tapos. Yes it's true na may lihim na silid pero hindi sa likod ng hacienda."

"Kung ganoon nasaan?"

Unti-unti siya naglakad patungo sa akin at dahan-dahan g inilapit ang kaniyang mukha until were inches away from each other. Bigla niyang inilapit ang kaniyang bibig sa tenga ko.

"Tsk! Masyado nang abuso Anderson ha? Edi hanapin mo. Pulis ka diba?" mapang-asar niyang sabi. Talaga lang ha! Pwes itong sayo.

Binalibag ko siya sa kama at inipit ang kaniyang kamay.  Itinayo ko siya para maradaman niya talaga ang sakit! Oo? Ano ka ngayong asungot ka?! Bali ang posisyon namin ay nakaharap siya sa may pader at ako naman ay nasa likod niya pinipilit ang kaniyang kanang kamay.

"Aray!!"

"Pulis lang ako hindi detective! Oh napatunayan ko na bang pulis lang ako?! ." nakakainis talaga siya ha!

"Oo na! Oo na! Bitaw na?!" pagmamakaawa niya. Lalo ko pang hinigpitan lalo. Ha! Magtiis ka ngayon.

"Bitiw naaaaa!!! Bitaw na sabbbii eehhh!!" sigaw niya kaya binitiwan ko na siya.  Ako naman ngayon ang tumatawa.

"Huwag kang sumigaw baka marinig ka!" natatawa kong sabi.

"Oo na! Ang brutal mo talaga eh noo? Nakikipagbiruan lang naman!" sabi niya habang hinihimas ang kaniyang kamay.

"Teka ano na pala ang developments sa sitwasyon ko??" Maya-mayang tanong ko. Bigla siyang nagseryoso sa sinabi ko. Pansin ko lang, sa tuwing magtatanong ako sa kaniya ng ganito bigla siya sumeseryoso.  Hindi kaya may problema? Magtatanong na sana ako ulit ng magsalita siya.

"Huwag kang mag-aalala Anderson magiging maayos rin ang lahat. At napag-alaman kong pansamantalang nakatigil ang oras sa hinaharap kung nasaan ka nabibilang na panahon." sabi niya.

"Bakit nakatigil?"

"Iyang ang tanong na bumabagabag rin sa akin. Sa ngayon inaalam ko pa kung bakit nakatigil ang takbo ng oras sa hinaharap."

"Yung.. Marcus. Diba sabi mo siya ang may hawak sa hinaharap?"

"Oo. Pero hindi ko rin siya mahagilap ngayon."

"Bakit yata nagkakagulo sa inyo? Tama ba ako na nagkakagulo?"

"Posible iyan. Pero kailangan ko munang alamin at siguraduhin ang mga bagay-bagay." sabi niya. Hindi na ako sumagot at nag-isip.

Kung ganoon nga, ano naman ang dahilan? At bakit ba nakatigil ang oras sa hinaharap? Hanggang kailan naman matitigil ang oras ng hinaharap? At kaailan ito uusad?

"Alam mo bang nababasa ko ang isipan mo ha? Sasabog na utak ko dito dahil naririnig kita. Tama na nga yan at matulog ka na para makaalis na rin ako." sabi niya.. Teka nga..

"Carlos, talaga bang nababasa mo lahat nang nasa isipan ko? Kahit nasaan ako o ikaw?" tanong ko.

"Oo at hindi rin." ayun tumawa na namn siya ng malakas kaya inihagis ko sa kaniya ang isang tsinelas ko kaya lang nakailag siya. 

"Haha. Oo nababasa ko ang nasa isipan mo. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon.  Kapag kagaya nito na napakalapit ko sa iyo, walang mintis kong nababasa ang isip mo. Pero kapag nasa malayo naman ako, ang mga sinsabi o salitang binibitiwan mo lang ang naririnig ko at ang tanging nagagawa ko lang ay ang makipag-usap sa iyo gamit ang isipan." paliwanag niya.

"Limitado lang pala powers mo? Wala ka pala." pang-aasar ko.

"Sige mang-asar ka lang. Aalis na rin man ako, dadalhin ko na lang to." sabay taas sa isang supot na naglalaman ng pera.  Nanlalaki ang mga matang kong nakatingin sa kaniya.

"Hoy! Ibalik mo iyan! Walang hiya!" bago ko pa siya maabutan sa kinatatayuan niya nawala na siya na parang bula.  Nakakakainis!!!!!! I pinched my nose because of frustration! That jerk! May araw rin sa akin yun!

Maaga akong nagising ayy mali hindi pala ako nakatulog ng maayos dahil sa orasan na iyon! Pahamak talaga yun! Grabe kung makaperwisyo wagas! Nandito kami ngayon sa aklatan or in short library. Routine na kasi daw ni De la Vega ang magpunta rito. Nakakatanggal daw ng umay tapos nadadagdagan ang kaniyang kaalaman. Tsk! Paki ko?!

Nanguha lang din ako ng librong babasahin kasi wala namang magawa kami lang namang dalawa at ang mga guardia sa labas ang narito. Parang inireserve ito sa kaniya ng may ari ngayong oras na 'to. Bakit ba kasi ang arte ng ina niya? Wala naman sigurong aatake sa anak niya dito sa library. Ano ba 'tong lib—

May biglang kumuha sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko kaya muntik ko nang mabitiwan ang librong hawak ko. Marahas siyang makahila ha?! Nagpunta kami sa may sulok na hindi kita ng tao. Binitiwan niya na ako kaya tiningnan ko kung sino ang humila sa akin.

"De la Vega?" gulat kong tanong.

"Huwag kang ma-ingay. May ibang taong nakapasok." bulong niya kaya naging alerto naman ako. Sumilip ako para makita ang tinutukoy niya. Isang lalaki at babaeng seryosong nag-uusap. Nakatalikod ang lalaki at nakaharap naman ang babae sa amin pero hindi niya kami kita.

"Kilala mo ba sila?" bulong ko naman.

"Hindi." ano? Umayos ako at humarap sa kaniya.

"Ano? Baliw ka ba? Eh obvious...este malinaw naman na nag-uusap sila. Usapang magkasintahan." sabi ko pero hindi pa rin siya nagsalita nakatingin pa rin doon sa magkasintahan. Adik ba tong lalaki na to?

"Hala. Nagiging chismoso ka na pala De la Vega?!" pang-aasar ko. Masubukan nga ang kasungitan nito.

"Sino ang nariyan?!" hala! Yari na! Mukhang narinig nila ang sinabi ko. Ano nang gagawin namin? Kapag lumabas kami sa pinagtatagguan namin siguradong mahuhuli kami.  Nakarinig ako ng mga hakbang pero bakit parang masama yata ang pakiramdam ko sa susunod na mangyayari?

"Hindi na matibay ang mga bahagi sa aklatan na ito." sabi ni De la Vega.

"Ano? Eh ano pang hinintay natin? Hindi ba dapat umalis na tayo?" hahakbang na sana ako nang may nauna sa akin. At naging mabilis ang mga pangyayari unti-unting natumba ang lalagyan ng mga aklat patungo sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin lang sa natutumbang lalagyan ng mga aklat patungo sa akin pero bago pa ako makailag may kamay na humila sa akin.

Namalayan ko na lang napabagsak ako sa sahig. Naramdaman kong may kamay na umalalay sa aking likod upang hindi tuluyang bumagsak. Pagmulat ko sa aking mata bumungad sa akin ang mga matang puno nang pag-aalala. At siyang sumangga sa lalagyan na dapat ako ang tatamaan. Nakatitig lang ako sa kaniya na para bang wala kami sa hirap sitwasyon.

Those pair of brown eyes give me again this strange feeling.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 267 37
She's Claire Dalen Sonic a girl who's giving her adopted sister a hard life. She thinks that her sister stole all her possession including the love o...
156K 5.7K 56
Zecchea Zachariah is an orphan enchantress. Hindi nya nakilala ang mga magulang nya simula pagkabata ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang dal...
159K 8K 38
"She stole and destroyed everything I love, I'm just returning the favor. Let's have fun, my impostor twin sister." -Solaria Lazuli ____________ Copy...
9.6K 396 39
What if mali pala ang pinaglalaban mong pagmamahal? dahil sa pagkakamali .. natakot ka na ulit na magmahal. Natakot kang muling buksan ang puso mo pa...