Saving The Governor-General (...

Bởi blionsky

76.9K 3.2K 204

Most impressive rank: #1 police Most impressive rank: #1 tragic Most impressive rank: #4 time travel -- She i... Xem Thêm

Simula
FIRST UPS
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
WAKAS
-THANKS-
HELLO

KABANATA IX

2.4K 138 10
Bởi blionsky

Note: I'm sorry guyss for taking so long. It's just I've gone through a lot these days. Hope you understand and thanks for waiting.  Yun lang God bless and please BE SAFE!

--

Pinatay ko ang ilaw. At maingat na pinihit ang pinto para makalabas ako. Walang ingay akong lumalabas. Madilim. Napakamadilim pero saulo ko na naman ang bawat sulok ng bahay na'to kaya ayos lang. Thanks to my photographic memory. Tanging pakiramdam lang ang panlaban ko ngayon dahil wala akong nakita at walang ilaw. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya kahit papaano'y may gabay pa ako sa paghahanap sa tamang daanan.

I saw light escape from the holes of the door of De la Vega's. Ibig sabihin gising pa siya at hindi pa namamatay ang ilaw. Dahil sa ilang araw na pamamalagi ko rito, madalas niyang pinapatay ang ilaw kapag natutulog na siya but not this time. Hindi kaya inaasahan na niyang mangyayari ito? Probably. Pero bakit hindi siya nag-abalang magsabi? Well I'm not really pertaining to myself pero sa mga kasamahan niya? Mga bantay? Di naman siguro ganoon kabato ang isang 'to at marunong naman siguro 'tong magmalasakit sa kapwa niya. Kasi kung ganoon siya, dapat inalarma niya ang lahat ng tao sa buong hacienda para maaware sila na aatakihin siya ng mga kalaban niya at baka madamay sila.

"Ako'y nagagalak sapagkat sa wakas ikaw ay nakilala ko na rin." rinig kong sabi ng isang boses na puno ng sarkastiko. 

Paano ba 'to? Saan ako dadaan na hindi nila namamalayan? Isip... isip...

Natigil ako sa pag-iisip ng nakarinig na naman ako nang malakas na kalabog galing sa loob ng kwarto ni De la Vega. Kaya walang pagdadalawang isip kong binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang magulong kwarto. Broken glasses scattered in the floor. Until I focus my vision to these two men. Nakatutok ang baril eksakto sa noo ni De la Vega na hinihawakan ng di ko kilalang lalaki. Madami namang sugat ang natamo ng lalaki. Habang si De la Vega naman ay may sugat sa kanang bahagi ng kaniyang braso at patuloy sa pag-agos ang dugo nito.

Mabilis silang napatingin sa direksyon ko at nanlalaki ang mga mata ng lalaking may hawak ng baril sa akin. Tiningnan ko siya ng may madilim na tingin. Hinila niya si De la Vega'papalapit sa kaniya. Tiniis ni De la Vega ang sakit sa kanang braso niya at nagpupumiglas na makawala.

"Kung sino ka man ay hindi ko hahayaang mabunyag mo ang pangyayaring ito. Kaya uunahan na kita." madiin niyang sabi. Ngunit hindi niya namamalayang unti-unting  kumakawala si De la Vega sa pagkahawak niya and I mentally smirk.

"Mamamatay kayong dalawa ngayong gabi." sabi niya na may matagumpay na ngiti.

"Talaga lang ha? At sa tingin mo hahayaan kong mangyari ang gusto mo?" sabi ko nang may nakakalokong ngiti. Kailangan kong samantalahin ang pakikipag-usap niya para may sapat na panahon pa si De la Vega para makawala at para makakuha ako ng tamang timing para makuha ang baril na hawak niya. Matagal siyang nakatitig sa akin bago siya nakapagsalita.

"Aba. Isa kang matapang na binibini. Nakakamangha ngunit hindi mo ako madadaan sa katapangan mo dahil batid kong hindi magtatagal ang tapang mo." nakangisi niyang sabi.

Naglakad ako papalapit sa kanila na bitbit pa rin ang nakakalokong ngiti.

"Kung ganoon, hindi mo rin ako madadaan sa mga walang kwenta mong salita." seryoso kong sabi at walang pasabing kinuha ang braso niya at mabilis na pinilipit papunta sa likod para mabitawan niya ang baril na hawak niya. Narinig ko siyang napasigaw sa sakit. Agad kong kinuha ang baril sa sahig at tinutok sa kaniya.

"Sa tingin ko'y ikaw ang malalagutan ng hininga ngayon gabi." sabi ko habang nakatutok pa rin sa kaniya ang baril.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

BANG!

I pulled the trigger pointing to the wall at his back. Sinadya kong hindi siya patamaan kasi wala akong sapat na dahilan para patayin siya. Agad kong pinuntahan si De la Vega na puno na ng dugo ang kaniyang katawan. Marami na ring nawala na dugo sa kaniya at idagdag mo pa ang mga sugat at pasa niya rin sa katawan. Pinipilit niyang imulat ang mga mata niya pero inunahan ko na siya.

"Huwag mo nang ipilit pang imulat ang iyong mga mata De la Vega, mahihirapan ka lang. Ako na ang bahala sa lahat kaya huwag ka nang mag-alala." sabi ko habang tinatakpan ang sugat niya gamit ang damit ko na pinunit.

"Isabel... " napatingin ako sa kaniya. Parang nangungusap ang mata niya at may gusto siyang sabihin kaya napatingin ako sa likod ko. Only to find out that the man is pointing something on me. My reflexes are quick at mabilis akong nakailag. Naglaban kami at sinigurado kong tatamaan ko ang parte ng sa tingin ko'y   mawawalan siya ng malay pansamantala. Nakahandusay siya sa sahig at tsaka may pumasok na tao ay mali, mga tao pala. Mabilis nilang inalalayan si De la Vega.

--

"Anak...ikaw muna ay huwag kumilos at baka mas lalo kang malagay sa alinlangan 'pagkat sariwa pa ang iyong sugat."nag-aalalang sabi ni Doña Celestina kay De la Vega.

Nandito kami ngayon sa silid ni Doña Celestina kung saan nakahiga si De la Vega. Ginamot na ng mga doktor ang kaniyang natamong mga sugat. Sa ngayon hindi pa nakakaabot sa mga tao ang nangyaring pag-atake sa Gobernador-Heneral at nanatiling sa amin lang muna kasali na ang mga Hermañes. Marami ang napasugod dito sa hacienda ni De la Vega nang malaman nila ang nangyari kay De la Vega.

"Ina ako'y mabuti na. Hindi katulad kanina kaya 'wag na kayong mag-alala pa ng lubusan." pagpapanatag ni De la Vega sa kaniyang ina.

"Hangad ko lamang ang masiguro ang iyong kalagayan anak." sabi ni Doña Celestina. Ngumiti lang siya ng matipid. Wow. Ngumingiti din pala ang isang 'toh!

"Kami ay lubhang nabigla sa nangyari Martin. Kaya kami ay nababahala sa iyong kaligtasan." ani ni Don Miguel.

"Martin, ako ay nakikiusap na ingatan mo ang iyong sarili at laging pakatandaan ang halaga ng iyong kaligtasan sa amin." sabi naman ni Felicia na puno ng pag-aalala. Pag-ibig nga naman! Tsk!

"Bitter lang, Anderson? Palibahasa kasi, hindi ka pa naiinlove."

"Ayan! Sige makipag-usap ka pa sa isipan kong orasan ka! Eh ikaw? Diba hindi rin naman?! Makaasar ka no? Suntok gusto mo?"

"Hindi noh! Dahil hindi kami pwedeng makaramdam ng ganyan."

"Tumahimik ka na nga lang!"

"Paumanhin, Felicia ngunit hindi ito maiiwasan. Hayaan mong pakakatanda ko ang lahat iyong tinuran." si De la Vega 'yan.

Kami ay napatingin sa bungad ng pintuan at may dumating na lalaki. At sa tingin ko siya iyong 'Patricio' na minsang dumating din sa opisina ni De la Vega noon.

"Paumanhin kung kayo ay aking naabala ngunit may mahalaga akong sasabihin." panimula niya.

"Huwag kang mag-alala, Tamang-tama lamang ang iyong pagdating. Ano ang mahalaga mong sasabihin Patricio?" ani ni De la Vega.

"Ang salarin sa nangyari sa iyo ay aming nakausap. Ngunit kahit anong pagpapahirap ang aming gawin ay ayaw niyang magsalita." sabi ni Patricio. Well I expected that to happen. Sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang pulis, naku 'yan talaga ang madalas na nangyayari. And the only solution to that is to caught him off guard. Napapailing na lang ako dahil dito.

"Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat naming gawin para lamang mapaamin na siya. At para mawakasan na ang gulong ito." sabi ni Patricio.

Bigla akong napaisip. Hindi kaya may kinalaman ang ama ni De la Vega dito? Kung meron nga, ibig sabihin nagsisimula na ang ama niyang magplano para sa pagpatay sa kaniya. At isa lang ang ibig sabihin nito, malapit na ang araw na iyon. Nanganganib na ang buhay ni De la Vega. Hindi ko pwedeng hayaang sila lang ang kumilos at tatayo lang ako dito na walang ginagawa. Like what Carlos said, I need to protect him at all costs. Kailangan ko nang magsimulang aksyunan ang mga planong nabuo ko mula sa mga nakalap kong impormasyon.

"Sa ngayon, ay hayaan muna natin siya ngunit bantayang maiigi at higpitan na ang pagbabantay sa kaniya. Hindi maaaring makatakas siya." wika ni De la Vega.

"Asahan mong hihigpitan ko at babantayang mabuti ang salarin, Gobernador-Heneral." puno ng paggalang na sabi ni Patricio.

"Ngunit sino ba ang magtatangka sa iyong buhay Martin? Ikaw ba ay may nakaaway o nakagalitan?" tanong Fernando. Ang abogado na naghugsa sa kaso namin noon ni Carlos.

"Nitong mga nakaraang buwan o mas tamang sabihin na nitong mga nakalipas na taon, may mga natatanggap akong mga sulat na nagbabanta at mga padala katulad ng balahibo ng uwak, itim na panyo at ang pinakamalubha ay isang matulis na punyal." paliwanag ni De la Vega. So he's been receiving death threats? Talagang planadong mabuti ang pagpatay sa kaniya.

"Ano?! Kailan pa iyan nagsimula anak? Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Sa amin?" nag-aalalang tanong ni Doña Celestina.

"Patawad ina, ngunit ayaw ko lang kayong mag-alala. At ngayong nangyari na ang mga ganitong pangyayari, hindi na ako magtatago pa sa inyo lalong-lalo na sa iyo ina."

"Ako ay napanatag sa iyong sinabi anak."

"Sa tingin mo Martin, sino ang mga nagpadala sa iyo ng mga ganoong bagay?" tanong ni Don Miguel.

"Hindi ko pa batid Don Miguel 'pagkat wala pa akong kaalaman at hindi pa ako nakapagsaliksik ukol dito." sagot niya.

Don Miguel Hermañes. Isa siya sa mga taong pinaghihinalaan ko. Simula nang nagmamasid ako sa mga taong malapit sa kaniya. Base sa mga nasagap kong impormasyon, siya ay malakas sa masa at maimpluwensiyang tao. Kilalang mabait at may busilak na puso na tumulong; may dugong kastila. Despite all of these, I can feel something different from him. An energy that shouts for hunger; hunger for power and treasure.

"Maaaring nasa mga kasamahan natin sa pamahalaan o hindi naman kaya'y ang mga taliwas sa ating pamumuno." pagsasalita ni Fernando.

Fernando Ibañez. Isang kilalang abogado. Marami na ang natulungan para makamit ang tunay na hustisya para sa kaniyang mga kliyente pero hindi ako kumbinsido. Ewan ko ba. Yun kasi talaga ang nararamdaman ko.

"Hindi ko pa alam kung sino at ano ang magiging plano ko. Sa ngayon ay maging mas maingat at maging mapagmatyag muna tayo sa ating paligid." tanging sabi ni De la Vega.

"Mayroon pa akong isang katanungan." tanong ni Fernando.

"At ano naman iyon,  Fernando?" sabi ni De la Vega.

"Sino ang tumulong sa iyo upang matuligsa ang umatake sa iyo kung ikaw ay malubhang napuruhan?" I metally smirked. 

"Iyon ay si Isabel, Fernando." si Doña Celestina ang sumagot.

Lahat sila ay nakatingin sa akin at ilang sandali na nagkaroon ng katahimikan.

"Ikaw ba ang napapabalitang isang di pangkaraniwang binibini dahil sa iyong aking katapangan?" parang hindi makapaniwalang ani ni Patricio. Kalat na pala ang gulong ginawa ko at ni orasan? Grabe lang. Kaya hindi ako magtataka kung sa kasalukuyan nagiging mas malala pa ang pagiging chikadora ng mga Pilipino kasi kahit dito ganoon rin ang nangyayari. Ang bilis kumalat ng balita.

"Oo ako nga iyon." sagot ko. Kailangan ko nang maging magalang sabi kasi ni De la Vega na dapat magkaroon naman ako ng 'paggalang' sa katawan. Tsk!

"Ayon sa aming pagsisiyasat, tatlong putok ng baril ang umalingawngaw kagabi. Ang unang pagputok ay galing sa Gobernador-Heneral at ang pangalawa ay sa salarin. Ang tanong ko ay kanino nanggaling ang huling putok ng baril?" tanong ni Fernando na puno ng pagdududa ang kaniyang mga mata. Gusto niya akong kainin ng buhay dahil sa mga titig niya. Try me!

"Sa akin nanggaling ang ikatlong putok ng baril." simpleng sabi ko.

"At dahil ang kagaya mong binibini na hindi at walang kaalam-akam sa mga ganiyang bagay, ikaw ay nagkamali at natamaan si Martin. Ang ibig kong sabihin ay ikaw ang bumaril sa Gobernador-Heneral." I gritted my teeth and my hands clenched. At saan siya nanghagilap ng sapat na ebidensya para pagbintangan ako? He only proved my suspensions.  Sinasabi na nga bang, maaaring isa siya sa mga tao sa likod ng pagkamatay ni De la Vega. Naging matalim ang tinging ipinukol ko sa kaniya.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" malamig na sabi ko ngunit may pagbabantang sabi ko.

"Paumanhin indio ngunit tinitimbang ko lamang ng mabuti ang mga pangyayari upang mas lalong makita ang maaaring naging ugat ng pangyayaring ito. Bilang isang abogado, hangad kong magampanan ang aking trabaho lalo pa't ang Gobernador-Heneral na nasa panganib." paliwanag niya.  Ah... I get it now. So you want to mess with me huh?  Am I really a threat to him or should I say am I really the wall that blocks them from their dark plans? Well if that's the case, I'll be the most great and strong wall barrier to them. Okay l am happy to play along with these greedy people.

"Bakit? Tingin mo Ginoong Fernando, isa ba ako sa mga listahan dyan sa isip mo ng mga taong gustong tumugis o mas tamang sabihin na patayin ang Gobernador-Heneral?" sabi ko.

Matagal bago siya sumagot. Nakita ko ang pagkabigla na kalaunay napalitan ng pagkainis ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Habang tahimik lang na nakikinig sina Doña Celestina at ang iba pa; naghihintay sa isasagot ni Fernando.

"Malaki ang paggalang ko sa mga binibining katulad mo ngunit sa pagkakataong ito, kailangan ko isaalang-alang ang kaligtasan ng Gobernador-Heneral. At gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makamit ko ang tagumpay. Sisimulan ko iyon sa pagtukoy sa salarin at pasimuno nang gulong ito."

"Kung dyan ka magsisimula, sa palagay ko'y hindi mo makukuha ang angkop na sagot at solusyon sa kasong ito. Kung dahil sa tingin mong isa ako sa mga taong gustong pumatay sa Gobernador-Heneral dahil sa biglaang pagsulpot ko sa mga buhay niyo lalo na sa Gobernador-Heneral ay kahina-hinala para sa iyo, dyan ka nagkakamali Ginoong Fernando." sabi ko.

"Sinasabi mo bang mahina ang kakayahan ko bilang isang abogado?" may halong inis at bahagyang napataas ang kaniyang boses. Umiling lang ako.

"Hindi. Bilang ikaw ay alagad ng batas, kung gusto mong putulin mismo sa ugat ang halamang matinik, sipatin mo munang mabuti dahil sa sitwasyong ito mataas ang posibilidad na nasa paligid lang ang tunay at pangulo ng mga taong gustong kitilin ang buhay ng Gobernador-Heneral." malumanay kong sabi habang nakatingin sa kaniya at sa iba pang nandito.

"At ano naman ang nais mong ipahiwatig ngayon?" nagpipigil na siya sa galit.

"Wala naman akong masamang hangarin na ipinapahiwatig. Sa halip gumagawa lang ako ng pwede mo o niyong gawin para mas maging magaan ang daloy ng pag-iimbestiga."

"At sa tingin mo makikinig kami sa isang indio na tulad mo?!" galit na sabi niya. Tiningnan ko lang siya ng natural.

"Hindi ko naman sinsabing makinig ka sa akin. Tinutupad ko lang ang dapat kong gawin." sabi ko. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin?" biglang sabi ni De la Vega. Bago pa ako makasagot ay may dumating na bantay.

"Paumanhin kung nagambala ko ang inyong pag-uusap. Ngunit gumagawa ng gulo ang bagong dinakip kaninang umaga." paliwang niya.

"Bumalik ka doon at sabihing higpitang mabuti ang pagbabantay at ako mismo ang haharap sa kaniya." utos ni De la Vega.

"Hindi maaari Martin! Anak....ikaw ay hindi pa lubusang gumagaling." pagtutol ni Doña Celestina.

"Pasensya na ina ngunit kailangan kong puntahan ang indio na iyon. Huwag kang mag-aalala ako'y mag-iingat." wika ni De la Vega.

"Papayag lang ako kapag kasama mo si Isabel." nagulat ako sa sinabi niya at mula sa pagkakayuko ay mabilis na napaangat ang ulo ko.

"Ano?! Ngunit Doña Celestina hindi ba't parang hindi naman angkop iyon? Kung iyong mamarapatin, ako na lamang ang sasama kay Martin." sabat ni Felicia.

"Hindi. Si Isabel ang aking gusto. Ngunit pwede ka namang makasama kung nandoon din si Isabel." sabi ni Doña Celestina ng may ngiti sa labi.

"Hindi niyo na po kailangang ipagpilitan pa na isama ako sa kanila Doña Celestina sapagkat ayos lang naman sa akin ang hindi makasama. Hayaan mo na lang na si Señorita Felicia ang makasama." sabi ko naman kahit gustong-gusto kong sumama. Pero may mas importante akong dapat gawin bago ako pumunta doon. Kailangan kong alamin ang buong pagkatao ng salarin.

"Ngunit—

"Paumanhin Doña Celestina, ngunit ako ay aalis muna dahil may mahalaga akong gagawin." sabi ko sabay tayo para makaalis na. Yumuko ako ng bahagya bilang paggalang. Hahakbang na sana ako nang tanungin ako.

"At saan ka naman patutungo, Isabel?" rinig kong tanong ni De la Vega.

"Huwag mo nang alamin pa at puntah—

"ATE ISABEL!" sigaw ng isang boses ng bata. Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin dahil sa sigaw na iyon.  Isa lang ang kilala kung tumatawag sa aking 'Ate'. At hindi nga ako nagkamali dahil hinihingal si Emman na pumasok dito sa silid kaya agad ko siyang nilapitan.

"Emman... " nag-aalala kong tanong habang pinupunsan ang mga patak ng pawis niya.

"Ate.... Isabel.... " naiiyak na sabi niya at dito ko lang narealize na kanina pa siya umiiyak.

"Bakit nakapasok ang isang batang paslit na indio dito?! Mga tagabantay!" nagagalit sigaw ni Don Miguel. Bago pa makakilos ang mga tagabantay, agad kong hinawakan si Emman at nagsalita.

"Hindi mo na kailangan pang kaladkarin ang batang ito dahil kasama ko siyang aalis. Kung kaya't ako'y hindi na magtatagal pa." sabi ko at nilisan ang lugar.

--

"Hindi ko inaasahang napakahusay mong gumuhit Isabel!"masayang sabi ni Rosa.

Nalaman kong kaya umiiyak si Emman sapagkat siya ay natatakot kasi dumating si Orasan na akala nila 'ang magnanakaw'. Kaya ayon napalipad na lang si Emman sa akin ng 'di oras kaninang tanghali. Nakakatuwa lang isipin na ang kagaya niyang bata ay napakatapang para suongin ang anumang panganib, gaano man ito kadelikado at gaano man kalayo mayroon pa ring siyang lakas ng loob na hanapin ako. Isa siya sa mga tumatak at talagang hindi ko malilimutan kung sa kaling makabalik na ako sa panahon ko. 

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan sinasabing nakatira ang lalaking umatake kay De la Vega. I sketch his face. Oo marunong akong gumuhit kasi sa trabaho ko, kapag na-identify na ang suspek... at kung ito ay wanted... gumagawa kami ng sketch ng mukha o picture para sa mas madaling paraan.

"Magandang araw po sa inyo Manong. Paumanhin po ngunit kilala mo ba ang lalaking ito?" magalang at direktang sabi ko sabay pakita sa sketch. Matgal bago siya nakasagot.

"Ahh.. Pasensya na iha.. Hindi ko kilala ang nasa laraeang iyan. " tugon niya.

"Ah...ganoon po ba? Maraming salamat po manong. " paalam ko.

Di ko namalayang may nabunggo akong tao sa pagtatanong sa mga tao. Nabitiwan ko ang sketch kaya kinuha ko iyon. Pero hindi ko pa nahawakan ang papel, may nakita akong kamay na mabilis na kumuha dito.

"Hernan... Hindi.... " sabi niya. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya habang siya naman'y di na maipinta ang ekspresyon ng mukha nang mapatingin siya sa akin.

"Kilala mo ba siya?" tanong ko.

"O-o.. Kilalang-kilala. Siya lang naman ang kilala kong taong walang puso at mapanakit ng kapwa." sagot niya na nakapagpintig ng aking tenga.

"Maaari bang sabihin mo sa akin ang lahat ng iyong nalalaman." walang alinlangan kong sabi.

--

"Isabel... ihanda mo ang iyong sarili 'pagkat lubhang nagalit ang Gobernador-Heneral at nag-aalala naman ang kaniyang ina. " bungad sa akin ni Rafael, isang Heneral na pinagkakatiwalaan ng labis ni De la Vega.

Hindi ako sumagot dahil alam ko na ang gusto niyang sabihin.  Pero hindi pa ako nakakahakbang nagsalita na naman siya.

"Sila ay patutungo ngayon sa selda." napatigil ako. Tamang-tama lang pala ang pagdating ko. Di na ako nagsalita at naglakad na lang sa silid ni De la Vega. Kumatok ako ng dalawang beses bago ko binuksan ang pinto. 

"Pasensya na kung ako ay nawala nang saglit kasi may inaasikaso lang akong mahalaga." agad kong sabi pagkapasok ko sa loob. Seryoso lang ang ekspresyon ni De la Vega na nakatingin sa akin. Ano bang problema nito? Ba't parang galit ang dating sa akin ng mga tingin niya? 

"Ako'y nag-alala sa iyo Isabel dahil buong araw kang wala kahapon. Ano ba ang iyong inaasikaso?" sabi ni Doña Celestina na lumapit sa akin.

"Bagay na makakatulong sa kasong kinahaharap ng Gobernador-Heneral."  pagpapanatag ko sa kaniya. Hindi pa nakapagsalita si Doña Celestina ay bumukas ang pinto at nandoon si Rafael.

"Gobernador-Heneral, paumanhin ngunit kailangan niyo nang magtungo sa selda."

Walang sali-salitang lumakad siya papalabas kaya sumunod na lang ako. 

"Iyong ipagpaumanhin ang inasal ng aking anak, Isabel. Siguro ay pagod lamang siya sa trabaho." maya-mayang sabi niya sa gitna ng aming paglalakad.

"Naku..hindi niyo po kailangang magpaliwanag sa akin. Hindi naman po ako importateng tao para ipaliwanag niyo sa akin ang mga bagay na iyan dahil isa lamang akong manggagawa niyo." sabi ko. Totoo naman. Hindi naman sa pagiging assuming pero hindi naman ako isng espesyal na tao kay De la Vega para magpaliwanag siya ng ganiyan. Don't get me wrong. O talagang mali lang ang pagkakaintindi ko?

"Weeh? Talaga Anderson?"

"Talagang bang hindi ka titigil ha?? Tumahimik ka nga! Tsk!"

Nakakainis! Nang-aabala pa talaga ang orasan nato. Kanina pa siya ha!!

"Buksan ang selda!" sigaw ng isang guardia.

Pumasok naman kami ni De la Vega at ni Doña Celestina sa loob. Bumungad sa amin ang nagkalat na mga natuyong dugo sa sahig. Mabahong amoy at tira-tira na pagkain. Habang nasa gitna naman ang nakakulong. Napakadungis na nang kaniyang itsura.  Halos hindi na maipinta ang kaniyang itsura dahil sa mga pasa at sugat na natamo niya. Maraming dugo sa kaniyang balat na parang natuyo na rin. At wala na rin sa ayos ang kaniyang damit at buhok. Nakagapos ang mga kamay habang siya ay mahimbing na natutulog na nakasandal sa pader.  Binuhusan siya ng isang timba ng tubig para gumising.

"Gising. Kakausapin ka ng Gobernador-Heneral." sabi ng guardia at lumakad papalapit sa may mga timba para ibalik ang kaniyang kinuha.

"Ilang araw na ba ang lumipas? At matigas ka pa rin?!" nagbabantang sabi ni De la Vega.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Tinitingnan kong mabuti itong lalaking nakagapos.

"Hindi ka pa rin ba aamin?" tanong ulit ni De la Vega.

"Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako aamin." sagot naman niya na may nakakalokong ngiti.

"Gawin ang nararapat sa kaniya." sabi ni De la Vega. Now it's showtime.

"Huwag!" matigas kong sabi. Nagtataka si De la Vega na nakatingin sa akin at maging si Doña Celestina.

"Sinabing huwag niyo siyang saktan!" sigaw ko dahil akmang lalatiguhin na nila siya.

"Ano ba ang iyong ginagawa Isabel?!" may halong inis niyang sabi.  Ito na naman si De la Vega sa kaniyang pagiging initin ng ulo. High blood agad?

Tiningnan ko lang siya at imbes na sumagot hinarap ko ang lalaking nakagapos.

"Talaga bang hindi ka magsasalita Hernan Cañerez?" direktang sabi ko na ikinagitla niya. Namimilog ang kaniyang mga mata sa gulat ng tingnan niya ako. Well that's what I am expecting. I smirked.

"Paanong.... " tanging sabi niya.

"Magsasalita ka o pamilya mo ang pagsasalitain namin?" mas lalo siyang nagulat pero binawi niya rin iyon. Nilalakaran ko lang siya sa harap niya na parang Chief na nabibigay ng mga patakaran sa mga rookies na police.

"Huh! At talagang kampate kang maniniwala ako sa iyo? "

"Si Sandra, Amor at Ernesto pati na rin si Soledad Cañerez. Sabihin mo sino ang gusto mong unahin ko?" sabi ko sabay bunot ng baril galing sa guardia. Kinasa at tinutok sa kaniya. I am fierce right now. I have to know in order to protect the Governor-General..

"Hindi.... "

"Ngayon magsasalita ka o sa bawat bala ng baril na ito, ay siyang tatapos sa buhay ng pamilya mo." kung kailangang daanin sa dahas wala nang ibang paraan pa. 

--

End. How was it? Lame? Boring? Haha sorry talaga...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.3K 83 19
[COMPLETED] Controlling an extraordinary attitude?? What if.. One person who's important to you will die..?? Will your innocent face can help you if...
49.2K 3.2K 24
Matapos magising sa tatlong buwang pagka-comatose si Charlie ay hindi niya alam bakit tila kulang na ang pagkatao niya kahit na hindi naman siya na w...
282K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
93K 5.3K 46
Liliana West is a Healer from Sandovia. She was living her life peacefully until the son of a High Lord asked her hand for marriage. She knows better...