Light In The Darkness

By iamsavmartinez

47 0 0

Kwento ito isang babae na matagal ng nagtatago sa dilim ng nakaraan at kung paano niya natagpuan ang liwanag... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5

Chapter 4

9 0 0
By iamsavmartinez

Mabilis na lumipas ang mga araw, sobrang nakaka-stress na sa school at napapalapit na rin ako kila Mikaela mabait silang lahat sa akin liban kay Klaire, minsan ay nakakaramdam pa rin ako ng pagka-ilang dahil ni minsan naman ay hindi ako nagkaroon ng ganoon karaming kaibigan, actually hindi ko alam kung kaibigan ba ang turing nila sa akin o naaawa lang sila dahil madalas nila akong makitang mag isa kaya't sinasama nila ako.

Pero dahil sa paglapit ko sa kanila ay hindi ko maiwasan na makarinig ng kung anu-ano sa mga tao.

"Bakit nila siya kinakaibigan? She looks poor"

"Hindi siya bagay makisama kila Mikaela, hindi ba niya napapansin na siya lang ang hindi fashionable sa kanila."

"Hayaan nyo na, ang cute niya nga e. Mukha nila siyang katulong"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga tao sa paligid ko, ayoko silang patulan kahit pa kayang kaya kong baliin ang mga buto nila. Ayoko na makarating nanaman ito sa mga magulang ko pag nagkataon kundi lagot nanaman ako.

Hindi ko alam kung bakit sobrang OA nila, ano bang meron sa grupo nina Mika at parang galit na galit sila sa akin na palagi ko silang kasama. Tingin ko ay kailangan ko pa silang kilalanin ng husto, hindi ko na rin naman magawang ilayo ang sarili ko sa kanila dahil kahit papaano ay gumagaan ang loob ko pag nandyan sila. Halos makalimutan ko na din kasi ang pakiramdam na magkaroon ng kaibigan, after how many years ngayon ko lang ulit naramdaman na may mga taong nag aalala sa akin.

"Tori, tara na sa tambayan natin" si Jairy

"S-sure" nag aalangan ko pang sagot

"Hay nako Tori, bakit ba tipid na tipid ka pa din sa pagsasalita, e halos dalawang buwan mo na kaming nakakasama" pagmamaktol naman ni Mira. Ang tinis talaga ng boses niya.

Natawa na lang kami pareho ni Jairy, habang naglalakad ay hayun nanaman ang mapanghusgang mga mata ng mga kaklase ko.

"I heard close daw sila ni Sir Marcos. I bet sumisipsip yan kay Sir or worst baka may relasyon sila" bulong nung babaeng makapal ang make up

"Oh really, yuck di na nahiya" napapailing na lamang ako sa mga naririnig ko

Eto namang dalawang kasama ko ay parang walang naririnig at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Nakarating kami sa Cafe at naabutan na namin doon ang mga boys at kumakaway sila sa amin. Si Keith, Noah, Elijah at Irold ang naroon na sa table kasama si Chloe ang nag-iisang binabae sa grupo.

"Hey, ano kamusta ang klase nyo?" Si Keith

"Maayos naman, medyo badtrip lang si Sir dahil sobrang hirap magpa-quiz" napapahawak pa sa noo si Jairy

"True sis, nawindang nga ako e"

"Sus, mukhang kayong dalawa lang naman ang nahirapan. Tignan niyo nga itong Tori wala namang reklamo." si Noah.

"Sabihin niyo hindi lang kayo nag review!" pang aasar pa ni Elijah. Inirapan lang naman sila ng dalawa at patuloy pa ulit silang nag asaran hanggang napunta ang topic kay Chloe.

"Oh, Mareng Chloe tulala ka dyan"

"Wag niyo akong kausapin at puyat ako baka masapak ko kayo" pansin ko nga ay naka shades pa siya ngayon kahit nasa loob lang naman kami ng Cafeteria.

"Luh, what's wrong with you sis?" Si Mira

"Ano ba Mira, ang sakit ng boses mo sa tenga. Inipit ka ghorl?" pambabara niya

"Tse. Concern lang naman e." sumimangot si Mira at sumandal sa chair.

"Ops, awat na. Ano ba talaga nangyari sayo?" Si Jairy

"E paano ba naman kasi ginawa akong leader sa research nung mga hinayupak kong mga kaklase pagkatapos ay hindi man lang ako tinulungan! Kesyo matutulog na daw sila, wala daw internet, bawal maki-overnight dahil strict daw ang parents akala mo naman sobrang gaganda para mag inarte! In-offer ko na nga sa kanila ang bahay ko, libre ang pagkain at wifi tapos ni isa walang dumating, mga hampaslupa!" sabay hampas niya sa mesa, nagulat ang ibang estudyanteng nandoon ngunit hindi iyon pinansin ni Chloe at nagpatuloy pa rin siya pag kuda niya.

Hanggang sa dumating na yung iba pa sa mga kasama namin ay tuloy pa rin siya sa pagsasalita, mas mabuti pa yata na hindi na lang nila siya kinausap para walang maingay.

Dahil ayaw daw lumabas ng ilan sa kanila ay nag decide silang sa Cafe na lang kumain ng lunch. Hindi naman gaanong conflict ang schedule ng isa't isa, maganda ang samahan nila ayon sa nakikita ko. Sobrang strong ng bond between them pag alam nilang wala ang isa ay hindi sila kikilos, noong minsan nga na late ako dahil nag over time ang isang prof ko ay hinintay nila ako bago mag lunch, nahihiya nga ako dahil hindi ko inexpect na gagawin nila yun.

"Guys anong plano nyo this weekend?" Si Elijah

"Bahay lang ako, family day" si Bella

"May date ako with Troy" si Mira, nakita kong napatakip pa ng tenga si Chloe.

"Buti at hindi naririndi si Troy sa iyo"

"Inggit ka lang kasi ako may jowa, ikaw wala" si Troy ay iyong high school sweetheart ni Mira. Na-meet ko na din siya ng isang beses.

"Tigilan niyo na yang pagbabangayan niyo at baka kayo ang magkatuluyan" sabay na napa-yuck sina Chloe at Mira sa sinabi ni Klaire, maging ako ay napangiwi din dahil doon.

"May family dinner kami sa Sabado" turo ni Noah kay Keith. Mag pinsan silang dalawa "Darating yung Lolo namin from States"

"Pupunta ako ng Palawan, kasal ng friend ko e, actually dalawa kami ni Klaire na invited doon" si Jairy.

"Ako naman may shoot ako para sa isang magazine tapos kailangan ko pang asikasuhin yung research paper dahil hindi naman tumutulong ang pabigat kong mga kagrupo" patungkol ni Chloe sa mga kaklase niyang hindi umano tumutulong

Maganda si Chloe, kung titignan mo siya ay hindi mo aakalain na hindi siya tunay na babae. Minsan nga ay binibiro niya akong magkamukha daw kami, todo naman ang pagtanggi ko tuwing sinasabi niya iyon dahil hindi naman talaga. Sa edad niyang 19 years old ay may sarili na siyang pamamahay, hindi naman yun kataka-taka dahil maraming brands ang kumukuha sa kanya para maging modelo. Ang alam ko ay malaki ang ibinabayad sa kanya ng mga ito, may mangilan ngilan din siyang TV guestings at na-feature na din siya sa iba't ibang magazines.

"I guess sa bahay lang din ako, alam niyo mag-fifilm ng bagong vlog kasi naman ang tagal ko ng walang upload. Hays, medyo nawawalan na din ng ako ng content e." Si Mika, ang tinutukoy pala nya noon ay iyong mga gumagawa ng iba't ibang mga bagay na uso, challenges or mga nakakaaliw na pangyayari at ina-upload sa Youtube. Lately ko lang nalaman ang tungkol doon dahil messenger lang naman ang app na kadalasan kong ginagamit para sa mga GC.

"Ano ka ba Mika, kayang kaya mo yan. Nandito kami to support you! We'll help you to think of more interesting contents na makakatulong sayo" si Klaire, masasabi ko na siya ang nagsisilbing Ate sa mga kaibigan niya.

"Hay nako, sabi na kasing i-guest mo ako dyan sa channel mo e! 1500 per minute lang naman ang TF ko, presyong kaibigan lang" si Noah

"Blah blah nevermind Noah!" Si Mikaela

"E ikaw Tori, anong plano mo?" Nakatingin lang sa akin Elijah na para bang naghihintay ng sagot ko.

"Sa totoo nyan, hindi ko pa alam" nahihiyang sagot ko, wala naman din kasi akong balak lumabas ngayong weekend.

"Great! Pwede mo ba akong samahan? May gusto kasi akong panoorin na palabas ngayon." magsasalita pa sana ako kaso naunahan niya ako "Oops, I don't take no as an answer!"

"Para-paraan" bulong ni Noah na agad naman siniko ni Elijah.

"Sige.." iyon na lamang ang naisagot ko dahil ayaw akong tantanan ni Elijah, pansin ko kasing iba na ang tingin sa amin ng iba naming kasama sa mesa.

Natapos ang lunch, nagpaalam na ang iba na uuwi dahil tapos na ang klase, ang iba naman ay dumiretso na sa room. Nag prisinta pa si Elijah na ihatid ako pero tumanggi ako, ayokong may isipin sila tungkol sa amin.

"Ikaw ha, anong meron sa inyo ni Papa Eli?" sinundot pa ako ng katabi kong si Chloe sa tagiliran.

"W-wala ah." depensa ko

"Oh e bakit nauutal ka?"

"Wala nga, kaibigan lang naman ang turing ko sa kanya."

"Hmm we'll see. O siya dito na ang classroom ko. Bye girl, see you around." pumasok na siya sa room niya ako naman ay naglakad paakyat dahil sa second floor pa ang room ko.

Akala ko ay maayos akong makakarating sa classroom ko ngunit bigla na lamang may pumatid sa paa ko dahilan para matumba ako sa sahig.

"Oops sorry!" nagtawanan ang mga tao sa paligid, ano bang ginawa ko sa kanila para tratuhin nila ako ng ganito. "Sa susunod kasi huwag kang paharang harang sa dinadaanan ko. Bitch!"

"Hahaha tama na yan Brie, nakakaawa na siya oh. Mukhang maiiyak na" ika ng isa sa mga alipores niya.

Kapag ako hindi nakapag-timpi, iisa isahin kong ibalibag tong mga to! Tumayo ako at inayos ang sarili ko pinagpag ko din ang damit kong nadumihan.

Magsisimula na sana akong maglakad palayo nung bigla niya akong hawakan sa braso "Huwag ka munang umalis, hindi pa tayo tapos!" binato niya ang braso ko sa hangin. Peste, naghahanap ba talaga siya ng away sa loob pa ng campus? Talaga lang ha.

"Ano bang problema mo sakin ha? Hindi naman kita kilala at wala din naman akong matandaang may ginawa akong masama sayo!" sumbat ko sa kanya, bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay puno ng pagtitimpi

"Dahil nakakapang-init ka ng ulo! Ang kapal ng mukha mong dumikit sa grupo nina Keith. Sino ka ba sa akala mo ha? E mukha ka lang naman basahan!" wika nung tinawag ng isang babae kanina na Brie. Mukhang siya ang pinaka lider nila, lider na wala namang utak.

"Really, iyon lang ang pinuputok ng buchi mo dyan? Napakababaw ng dahilan mo kung ganun!" tinignan ko siya sa mata at sigurado kong galit ang makikita niya doon "Don't you ever dare touch me with your dirty fingers again or else, hahandusay ka sa kinatatayuan mo" pagbabanta ko, kita kong halos lumuwa ang mata niya sa gulat.

Ang ayoko pa naman ay iyong pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Well, sino ba ang gustong mapahiya?

Narinig kong may mga nag "boo" at nagtawanan sa paligid. Umalis ako sa lugar na iyon na parang walang nangyari at nagtungo na lang sa room ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 141K 65
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
266K 16.9K 47
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
33.2K 2.9K 10
Wanna visit rajasthan than read this special book about my love Rajasthan 💗
33.6K 3.4K 12
Maybe sometimes love needs a second chance because it was not ready for the first time 🥀... Ekansh Malohtra a youngest buisness tycoon (28).. A man...