Inescapable Dream (Inescapabl...

By Pezzaaa

8.1K 495 106

After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an i... More

Inescapable Dream
Prologue
Dream 1
Dream 2
Dream 3
Dream 5
Dream 6
Dream 7
Dream 8
Dream 9
Dream 10
Dream 11
Dream 12
Dream 13
Dream 14
Dream 15
Dream 16
Dream 17
Dream 18
Dream 19
Dream 20
Dream 21
Dream 22
Dream 23
Dream 24
Dream 25
Dream 26
Dream 27
Dream 28
Dream 29
Dream 30
Dream 31
Dream 32
Dream 33
Dream 34
Dream 35
Dream 36
Dream 37
Dream 38
Dream 39
Dream 40
Epilogue
Inescapable Dream
Dream (Special Chapter)

Dream 4

200 10 0
By Pezzaaa

Weeks had passed at parati na kaming sabay ni Troye magbreakfast pero kahit ganoon ay masungit pa rin siya sa akin. At hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin si Zaivier.

"Hindi kaya siya na 'yong destiny mo?"

Kinikilig pa na sabi ni Queen matapos kong ikwento sa kanya ang mga tungkol sa panaginip ko, ang tungkol kay Zaivier.

Kahit kelan talaga ang hilig magpapaniwala nito ni Queen sa destiny, soulmate, happy ever after. Feeling niya ang buhay ay isang fairytale.

"Destiny destiny ka jan!"

"Pero, Zi, si Zaivier anong itsura niya? Gwapo ba? Feeling ko gwapo, e. Kasi hindi ka naman mahilig sa alam mo na." Tumawa pa siya.

Natigilan naman ako at sinubukang alalahanin ang mukha ni Zaivier.

"Bakit, Zi? Pangit ba?"

Gulat na tanong ni Queen.

"I can't remember, Queen. Sa tuwing nagigising ako ay hindi ko maalala ang mukha niya pero sigurado akong sa panaginip ko ay malinaw ang itsura ni Zaivier. Maging ang bulto niya ay hindi ko na matandaan ngayong gising ako."

"Girls!"

Napaigtad kami pareho ni Queen sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng grupo nila Troye. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa garden dahil walang klase ngayon kasi may meeting ang mga professor.

"Bakit parang ang seryoso niyo masyado?"

Kunot noong tanong ni Eiron.

"Ito kasing si Zira, napapanaginipan ata 'yong soulmate niya."

Pinandilatan ko naman si Queen. Napakadaldal talaga ng babaeng 'to.

"Sino?" tanong ni Kier.

"Ewan ko dito. Ano ngang pangalan noon?"

Umiling ako. "Wala 'yon."

"Wala raw, e magdadalawang linggo mo nang napapanaginipan ang lalaking 'yon na hindi mo matandaan ang itsura kapag gising ka."

"Halos dalawang linggo na?" tanong ni Troye.

Tumango naman ako.

"Pero wala lang siguro 'yon."

"Ang weird naman ng panaginip mo," sabi pa ni Kier.

"Ang weird talaga!" pag-sang ayon ko.

"Gusto niyo ba sumama?" tanong naman ni Josh.

"Saan?" excited na tanong ni Queen.

"Sa Hideout sa may sentro," si Vince.

"Sure kayo sasama natin sila?"

Halatang nag-aalinlangan si Eiron.

"Sige, sama kami!" si Queen na ang nagdesisyon para sa akin. Napailing na lang ako.

"Ang hilig niyong magkakaibigan sa motor," sabi ko pa kay Troye nang makarating kami sa parking lot ay lahat sila ay motor.

"Yes. We do racing," sabi ni Troye tsaka isinuot sa akin ang helmet niya.

"Hoy, Troye! Delikado 'yon."

Nagkibit-balikat naman siya.

"Ako ayoko talaga mag boyfriend ng nagmomotor racing dahil mapapraning ako sa takot. Mabuti na lang ay napatigil ko si Dustin noon."

Hindi pinansin ni Troye ang sinabi ko at biglang pinaharurot ang motorbike niya kaya naman napayakap ako sa kanya sa takot.

"Shit! Troye!" singhal ko.

Halos hindi ako makahinga sa bilis ng pagpapatakbo ni Troye at wala pang sampung minuto ay narating na namin ang sentro. Ang tinutukoy nilang Hideout ay ang maliit na establishment dito sa likod ng Montreal Mall.

"Papatayin mo ba 'ko?"

Singhal ko nang makababa kami sa motor niya.

Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya. "Bakit namatay ka ba?"

Nagngitngit naman sa inis ang kalooban ko.

"Ano bang problema mo?"

"Masyado kang maingay, Zira."

"Hoy! Bakit nag-aaway kayo? Parang hindi kayo laging magkasama tuwing umaga, ah!"

Kararating lang nila Queen.

"Anong nangyayari dito?" nagtatakang tanong ni Josh.

"Pagsabihan niyo nga ang kaibigan niyo na kung gusto niyang magpakamatay ay wag niya na 'ko idamay!" inis na sabi ko.

"Masyadong O.A."

Rinig ko pang sabi ni Troye bago siya pumasok sa loob. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay pinigilan ako ni Queen.

Napakahirap talagang intindihin ng moody na 'yon! Daig pa babae! Napakasungit!

Papasok kami sa loob ng Hideout kung tawagin nila nang mapansin kong itinago ni Eiron si Queen sa likod niya. Kita ko pang kinilig si gaga.

Pagpasok palang ay naubo na 'ko dahil sa usok ng mga sigarilyo. Puro lalaki ang nasa loob at nakatingin lahat samin.

"Zira Trinidad?" sabi ni Arth sabay ngisi.

Isa sa pinakamayabang na kaklase ko noong high school.

"Long time no see!"

Kung nakakatakot ang aura niya noon ay mas lalo na ngayon.

"Girlfriend mo Eiron?" tanong naman ng lalaking katabi ni Arth at ininguso si Queen.

"Oo," sagot ni Eiron.

"Kumusta na, Zira? Mas lalo kang gumaganda, ah?Hindi ka bagay kay Dustin kaya dapat lang na nagbreak kayo."

Lalapit sana sa akin si Arth pero itinago ako ni Kier sa likod niya.

"Girlfriend mo, Kier?" tanong ni Arth sabay kunot ng noo.

Umiling naman si Kier.

"O, edi umalis ka jan. Makikipag-kamay lang ako kay Zira."

"Wag mo na subukang hawakan si Zira, Arth. Baka gusto mong patayin ka ni Troye," sabi pa ni Kier.

"Girlfriend ni Troye?"

"Oo," sagot naman ni Eiron.

"Anong nangyayari?"

Biglang dating ni Troye na ewan ko kung saan nanggaling.

"Trip ata ni Arth girlfriend mo, e." Ngumisi pa si Vince.

Kinuha naman ako ni Troye mula kay Kier.

"Trip mo, Arth?"

Nagtiim bagang pa si Troye.

"Hindi ko naman alam na girlfriend mo si Zira tsaka magkakilala kami niyan babatiin ko lang sana."

Bumalik na si Arth sa paglalaro ng billiard kasama ang kailangan niya.

"Tara."

Hindi binibitawan ni Troye ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob na loob kung saan ay parang may maliit na bahay. May sofa na itim pagpasok mo, may malaking t.v at dalawang computer. Meron ding xbox na nakalagay sa tapat ng malaking t.v. at meron namang maliit na center table.

"Bahay ba 'to?" tanong ni Queen.

Umiling naman si Eiron. "Tambayan. Kay Troye 'to."

Tambayan lang 'to? Grabe! Hiyang hiya ako sa tambayan nila.

Napansin ko naman na bumaba si Troye. Ano 'yon basement?

"Anong meron doon?" tanong ko kay Kier.

"Kusina tsaka c.r."

Tumango naman ako.

Nagsimulang maglaro ng xbox sina Kier. Nakisali naman si Queen. Sinasali nila ako kaya lang ay wala akong hilig.

Nacurious ako sa kung anong meron sa baba kaya bumababa ako.

Napalingon naman sa akin sina Troye at Vince na kasalukuyang nagluluto.

"Naglalaro sila?" tanong ni Vince.

Tumango naman ako. Nagpaalam naman siya na aakyat muna.

"Anong niluluto mo?" tanong ko kay Troye.

"Carbonara," malamig na sagot niya.

Napanguso naman ako. "Galit ka pa rin ba?"

"I'm not mad," he answered.

Hindi galit pero mas malamig pa sa yelo kung sumagot.

"Sorry na. Natakot lang ako."

Nagpunta ako sa likod niya para silipin ang niluluto niya nang bigla siyang humarap. Sa gulat ko ay muntik na akong matumba pero mabuti na lang ay nahawakan agad ako ni Troye.

"Okay ka lang?"

Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa at sobrang lakas din ng tibok ng puso ko.

Nagmadali naman akong umalis sa pagkakahawak niya. "Oo, okay lang."

Tumango lang siya tsaka ibinaling na ulit ang atensyon sa pagluluto.

"Sa'yo 'tong buong hideout?"

Tumango naman siya.

"Bukod sa bilyaran ano pang pwedeng gawin sa labas?"

"Wala! Dito ka lang sa loob!" madiin na sabi niya.

"Nagtatanong lang, e. Wala naman akong balak lumabas. Nakakatakot kaya 'yon si Arth."

Muling humarap sa akin si Troye. "Paano kayo nagkakilala?"

"Ah. Classmate ko siya noong high school."

"Did he court you?"

"Oo, dati."

Tumango lang siya tsaka humarap na ulit sa niluluto niya.

"Marunong ka palang magluto," sabi ko pero wala na akong narinig sa kanya.

Nabored na ko rito sa kusina dahil para akong kumakausap ng hangin kaya nagpasya na kong umakyat. Paakyat ako nang makasalubong ko si Shaneya. Nagulat naman siya nang makita ako.

"Nandito ka pala, Zira."

Nakaramdam naman ako bigla ng awkwardness.

"Ah. Oo. Sinama nila kami."

Tumango lang siya. Bago ako tuluyang makaakyat ay narinig ko pa ang sinabi niya kay Troye.

"Let's talk about us, Troye."

Dito sa taas ay nandito naman si Therese, kaibigan ni Shaneya at ang alam ko ay ex-girlfriend ni Eiron. Halata namang nawala sa mood si Queen.

"Uwi na tayo," bulong sa akin ni Queen.

Nakita kong parang naiiyak na siya kaya tumayo ako.

"Uuwi na kami. Nagtext ang mama ni Queen," pagsisinungaling ko.

"Ha? Teka lang-"

Bago pa tumulo ang mga luha ni Queen ay nakalabas na kami sa pinto. Nakakailang naman dito sa dinadaanan namin dahil puro lalaki.

"Zira, aalis na kayo? Hinayaan kayo ni Troye na lumabas nang kayo lang? Bakit umiiyak ang kasama mo?" nagtatakang tanong ni Arth.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagmadali na lang na lumabas.

"Bakit ka ba umiiyak jan?" tanong ko kay Queen nang makasakay na kami ng tricycle.

"Ang sweet sweet pa rin nila. Mag-ex na lang ba talaga ang dalawa na 'yon?"

Ibinigay ko naman sa kanya ang panyo ko.

"Wag ka na nga umiyak jan!"

Hindi ko alam pero parang biglang gusto ko na ring umalis sa lugar na 'yon.

"Himala! Hindi ka ata hinatid ng kaibigan mo?"

Bungad sa akin ni Kuya.

"Ang kulit mo, Kuya!" naiinis na sabi ko.

"Parang ang sungit mo ata ngayon?"

Napanguso na lang ako.

Hindi ko rin alam kung bakit parang inis na inis ako ngayon.

Dahil gutom na gutom ako ay nagpaluto ako kay Kuya ng pagkain.

"Spoiled na spoiled mo talaga ang babae na 'yan, ah?" sabi ng kapapasok lang dito sa kusina na si Mama.

"Ito talaga si Mama, napakakontrabida." Napanguso pa ako.

"Hayaan mo na, Ma. Wala ng boyfriend, e."

Naningkit naman ang mga mata ko kay Kuya. Alam na nila ang nangyari sa akin ni Dustin at dahil sa dahilan kung bakit naghiwalay kami ay hindi ko nakitaan ng panghihinayang sina Mama.

"Mas mabuti na 'yong wala kesa naman meron nga manloloko naman!" sabi pa ni Mama.

"E, mukhang may kapalit agad si Dustin, e." Naiiling pa si Kuya.

"Sino?" tanong ni Mama.

"Wala naman, Ma! Issue lang 'to si Kuya, e!"

Nagmovie marathon lang kami ni Kuya hanggang sa abutin na kami ng alas nuebe ng gabi.

"Good night, princess!"

"Good night, Kuya!"

Humalik pa sa noo ko si Kuya bago niya isara ang pinto ng kwarto ko.

"Zaivier!"

Tulala siya ngayon sa may dalampasigan. Agad naman siyang tumakbo palapit sa akin nang makita ako. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.

"Akala ko hindi ka na babalik, Zira."

Napangiti naman ako. "Pwede ba 'yon? Nangako ako sa'yo, Zaivier. Ang kailangan mo lang gawin ay ang magtiwala sa akin, sa mga pangako ko."

Bumitaw siya sa pagkakayakap at derechong tumingin sa mga mata ko.

"Zira, kailanman ay hindi pa ako natakot nang ganoon sa buhay ko. Ang isiping hindi ka na babalik ay labis na nagbigay ng takot sa akin."

"Babalik ako, Zaivier, kahit na anong mangyari at sa oras na hindi kita maabutan ay hindi ako titigil sa paghahanap sa'yo. How can I leave you when you have my heart, Zaivier? Hindi naman ako pwedeng mabuhay nang walang puso."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Thank you for coming back."

"Thank you for waiting me."

Hinila niya ako palapit sa kanya at dinampian ng halik.

Kahit saan man ako mapunta ay ibabalik at ibabalik ako sa'yo, Zaivier.

Katulad ng usual naming ginagawa ay nanghuli si Zaivier ng isda para sa hapunan namin habang ako ay nanonood sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Dalawang buwan palang ang nakakalipas mula nang magkakilala kami ni Zaivier pero nahulog na ng sobra ang damdamin ko sa kanya.

Isang linggo lang akong nawalay sa kanya pero sigurado ako na hindi ko na kayang maulit pa ang mga 'yon.

"Zira! Tingin ka sa taas!"

Sinunod ko ang sinabi ni Zaivier at namangha ako nang may dumaang shooting star. Ang ganda ng langit. Napakaraming makikinang na mga bituin at napakaliwanag ng buwan.

"Zira."

Umupo sa tabi ko si Zaivier dala dala ang isdang nahuli niya.

"Ang galing mo talaga manghuli ng isda," natutuwang sabi ko habang nakatingin sa hawak niya.

"Humiling ka ba?"

Tumango naman ako. "Oo. Buti na lang at nakaabot pa ang wish ko. Ikaw ba humiling ka?"

Tumango siya. "Hindi ako naniniwala pero humiling pa rin ako"

Ngumiti ako. "Mukhang napakahalaga ng hiling mo at kahit hindi ka naniniwala ay sinubukan-"

"Ang hiling ko lang ay sana hindi ka na muling mawala pa sa tabi ko, Zira."

Parang kinurot ang puso ko nang makita ang lungkot sa mga mata niya. Muli akong tumingala para pagmasdan ang maliwanag na langit.

"Kahit ako ay ganoon din ang hiling ko, Zaivier. At umaasa akong magiging totoo 'yon."

Dahil hindi na ako papayag na malayo muli sa'yo.

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
2M 72.3K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
18.2K 1.6K 41
Darkness consumed her life. Roxette Severaughn De Silva is a very hard working girl. As the only child of her single mom, Remy De Silva, she learned...
Defend Her By maxene

Teen Fiction

6.9K 363 49
Celestine Astrid Laurent and Ethan Luriel Laforteza. They are the "almost perfect couple". They met each other during High School years. They have kn...