She Still Does (AD) [Paper Pl...

By ad_thor

37.7K 1.4K 365

Dennise risked everything. Alyssa lost everything. As they meet again their story continues. Paper Planes boo... More

Prologue
Synj
That Name
Greendale High
Bent
Why Can't You?
Missed
Taking Risks
Mistaken
From Flight to Plight
Duffel Bag
Moving In, Moving On
Welcome
We Never Met
Sunset
Why I Hate You
Spill
Visitor
Improvements
Sequel
Again
Who Hasn't Moved On Yet?
Rooftop
Don't Cause Another Breakup
Talk
Paper Planes
Comfort
Don't Hide
Nice to See You Dennise

Try It Out

893 43 8
By ad_thor

-

Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng paghampas sa bola at pagtama nito sa kung saan ang maririnig. Hinihingal na si Alyssa pero ayaw pa niyang tumigil. Nasa court siya ng subdivision nila, alas onse na ng gabi at siya na lang din ang tao rito. Pinulot niya ulit ang bola at sinimulang mag-spike ulit. Pang-ilang araw na niya 'tong ginagawa, lumalabas siya papunta ng court 'pag sigurado siyang tulog na ang mga kasama niya.

Iniisip pa rin niya ang araw na nakita niya si Dennise na hanggang ngayon ay 'di pa rin nagsi-sink in sa kanya. Umikli man ang buhok nito at nawala ang salamin ay hindi siya pwedeng magkamali, si Dennise nga iyon. Nakumpirma pa niya ito dahil nung mga oras na 'yon ay bigla rin itong tinawag ng teammate pa nila pati si Ella para ituloy na ang training. Parehas silang nabato ni Dennise nang makita nila ang isa't isa kaya walang nakapag-react sa kanila. Nawala rin agad ito sa paningin niya dahil pumasok na ito sa gym. 

Napagdesisyonan naman ni Alyssa na gusto niyang mapalapit kay Dennise ulit at ilang araw na siyang nagpa-practice mag-Volleyball dahil napagdesisyonan niya ring mag-tryout. Sabi kasi nila Ella naka-dorm daw ang athletes kaya sa palagay ni Alyssa ay pinakamagandang choice na maging Volleyball player din ng school. 

Nagustuhan na rin naman niya ang sport na ito simula nung turuan siya ni Dennise, para na rin makabawi sa facial sa kanya ng kuya niyang si Paulo. Wala mang magtuturo sa kanya ngayon, marunong na rin naman siyang maglaro. Gusto niyang tutukan ang pag-practice niya ng isang linggo dahil tryout na nextweek.

Napaupo si Alyssa sa sahig dahil sa pagod, hingal na hingal siya. 

Naalala ni Alyssa ang huling buwan ng bakasyon, dalawang buwan matapos ang Graduation ni Dennise, ganitong oras din at nandito rin siya sa court, nilalabas lahat ng emosyon niya sa bola. Wala ring ibang tao no'n kaya don niya napiling mapag-isa. Dito niya nilalabas lahat ng frustrations at pagsisisi niya sa ginawa niya kay Dennise. Hindi na niya ito ulit nakita matapos ng Graduation nito. Ni hindi niya nagawang lapitan muli dahil hanggang tanaw lang siya mula sa malayo habang umaakyat ito sa stage. She tried contacting Dennise pero never itong nag-respond, kapag naman pinupuntahan niya ito sa kanila, laging si Jus ang sumasalubong at sinasabing wala si Dennise, nag-aasikaso para sa school nito sa College. Nalaman na lang din niyang lumipat na ito ng bahay pero walang nagsabi sa kanya kung saan, ine-expect din kasi nilang si Alyssa ang unang makakaalam. Nang tanungin naman ni Alyssa kung saan lumipat si Dennise, sinabihan na lang siya ni Gretchen na 'wag muna puntahan dahil busy nga ito para sa requirements. Sinunod na lang din 'yon ni Alyssa lalo na't alam niyang galit si Dennise sa kanya, ayaw naman niyang lalong makagulo rito. It seemed like none of her friends knew what happened, nalaman niya ring sinabi ni Dennise na nagkasakit siya kaya hindi naka-attend ng Graduation niya. Alam kasi ni Dennise na hindi nagpapadalaw si Alyssa 'pag ganon kaya 'yon ang dinahilan niya para na rin hindi pa matanong 'to ng mga kaibigan niya. 

Pagkapulot niya ng bola ay nakita niya si Vic ng gabing 'yon papalapit sa kanya habang may bitbit na skateboard. Nakangiti at kumaway pa ito.

"Par!" sigaw nito at parang mangha naman ang ekspresyon ng mukha nito, bahagyang nakanganga. Gustong umiwas ni Alyssa ng panahong 'yon pero wala siyang magawa. "Ang galing mo na mag-spike!" tuwang sabi pa nito. Hindi rin niya alam bakit bola ang napili niyang kasama nung gabing 'yon at tsaka niya lang napagtanto kung ga'no kalakas ang pag-spike niya. Nangingibabaw kasi ang emosyon niya kaya siguro malakas ang bawat palo niya. Tuluyan nang nakalapit si Vic sa kanya at tinapik siya nito sa balikat. "Nags-skateboard ako ta's nakita kita dito, naglalaro ka pala mag-isa? 'Di ka nag-aaya ah." Medyo katapat kasi ng court ang bahay nila, at magkalapit lang sila ng bahay kaya nakita rin siya ni Vic. Hindi naman alam ni Alyssa ang sasabihin. "Ano? 'Di ka magsasalita?" natatawang tanong ni Vic at nilapag ang skateboard nito saka kinuha ang bola sa kanya. "1v1?" tanong ulit nito at hinampas hampas ang bola.

"Vic..." sabi ni Alyssa, malungkot nitong tinignan ang nakangiti pa ring kaibigan. "M-may sasabihin ako." napakunot naman ang noo ni Vic, naghihintay ng sasabihin pa ni Alyssa. "Hindi na kami n-nakakapag-usap ni Den." 

"Ah 'yun ba. Alam na namin 'yun." sabi ni Vic, at tinigil ang paghampas sa bola, akala ni Alyssa ay alam na nila kung anong ginawa niya. "Par kung ako sa'yo 'wag mo nang abalahin si Den. Nagre-ready na 'yun para sa College eh." pumait naman ang ngiti nito. Nag-dribble ito gamit ang volleyball.

"Vic." lilinawin sana ni Alyssa ang gusto niyang sabihin nang magsalita ulit si Vic.

"Tignan mo 'ko hiniwalayan ni Sheila kasi ang childish ko raw 'di ko man lang iniintindi schedule niya as a College student." pagkwento ni Vic at ini-spike nito ang bola. Pagtapos ay umupo ito sa sahig. Tumawa ito ng sarkastiko. Bigla namang nabaling ang atensyon ni Alyssa kay Vic, may problema rin pala ito. Umupo rin si Alyssa sa tabi nito. "Masama ba 'yon Par? Hinihingi ko lang naman kahit onting time niya ah mahirap ba 'yon?" biglang tumulo ang luha nito. "Ilang taon ko siyang gustong makuha ta's nawala rin agad dahil sa'kin. Tanga tanga ko 'Ly. Isang buwan ko na siyang hindi makita at makausap, nababaliw na rin ako." tuloy tuloy ang pag iyak ni Vic. Hindi na nasabi ni Alyssa ang sasabihin niya dahil alam niyang hindi 'yon ang tamang oras at kailangan siya ng kaibigan niya.

Muling nag-spike si Alyssa at malakas ang pagkakatira niya rito gaya kanina. Naglakad siya papunta sa direksyon ng bola at pinulot ito. Pero 'di gaya ng dati, wala si Vic sa paligid. Walang kahit sino. Ramdam na ramdam niya ang pag-iisa. Kasalanan naman niya kung bakit kaya dapat lang sa kanya ang nangyayari. 

She came back the next night to do the usual but this time someone saw her. 

"'Ly andito ka na naman." hindi isa sa mga kaibigan niya ang dumating kundi mga kuya niya, akala niya isa lang. Nagulat siya sa dalawa. 

"H-ha?" 'yun lang ang tanging lumabas sa bibig ni Alyssa. Nilapitan siya ng mga 'to. Binatukan ni Nicko si Alyssa pero mahina lang at inagaw naman ni Paulo ang bola.

"Ba't tumatambay ka na naman dito ng gabi?" 

"Pang-ilang gabi mo na ngayon ah." 

"Kuya..." hindi alam ni Alyssa ang sasabihin. Alam pala ng mga kuya niya na gabi-gabi siya rito.

"Alam din naming tumatambay ka rin dati nung highschool ka pa." mas nagulat naman si Alyssa sa sinabi ng kuya niya.  Tahimik pa rin siya at 'di nagsasalita. Madalas na silang naglalaro ng Volleyball ng mga kapatid niya pero 'di niya alam na alam pala ng mga 'to na naglalaro pa rin siya 'pag gabi. "Ano 'di ka magsasabi?" bigla namang tumulo ang luha ni Alyssa. Tinawanan naman siya ng mga kuya niya.

"K-kasalanan ko Kuya, nagalit sa'kin si Dennise. Gusto kong bumawi sa kanya, gustong-gusto ko na siyang makasama ulit." sunod sunod na sabi ni Alyssa kahit tinatawanan siya. Parang bigla na lang siyang sumabog. Isang taon na niyang kinikimkim lahat, isang taong walang mapagsabihan at hinahayaan lang ni Alyssa dahil alam niyang 'yun ang deserve niya. Hindi siya 'yung tipo ng umiiyak na lang basta basta, huling iyak pa 'ata niya ay nang mawala ang mama niya. Hindi patay si Dennise but she lost her and the loneliness feels the same.

"Anong connect ng paglalaro mo dito mag-isa?" tanong naman sa kanya ni Paulo at tumawa si Nicko.

"I-i saw her, she's part of the team. Gusto ko rin maging Volleyball player."  umiiyak pa rin pero determinadong sabi ni Alyssa.

"Ano pa iniyak iyak mo diyan mag-practice ka na, bubugbugin ka namin sa training." sabi naman ni Nicko at pumwesto silang magkapatid sa kabilang side ng court, kampi sila laban kay Alyssa. Pinahid ni Alyssa ang mga luha niya at nag-ready na rin.

She's glad she still has her family there for her.



-



Her brothers trained her for four days and they were a huge help dahil mahirap nga naman mag-practice mag-isa. Nahihirapan siya sa depensa lalo na't malakas tumira ang mga kuya niya at hindi ganon kabilis ang reflexes niya pero pagdating sa opensa, masasabing magaling na si Alyssa lalo't taon na rin siyang nagalalaro. Hindi nga lang siya sigurado kung sapat ba 'yon para makapasok sa team, never siyang sumali sa kahit anong team kaya hindi niya alam kung ano pa bang dapat niyang gawin bukod sa pag-training at pagkain ng maraming saging. Marami siyang friends na Volleyball players pero wala siyang malapitan dahil lahat ay galit sa kanya. Si Vic matagal na siyang 'di pinapansin kahit ilang beses na niya itong sinusubukang kausapin, si Kim naman medyo okay naman na sila pero malayo na ito dahil sa La Salle na 'to nag-aaral, na-recruit 'to para sa volleyball team, si Sheila malayo rin, si Gretchen galit din sa kanya, si Ella galit din sa kanya kung malalaman nitong siya ang Alyssa na tinutukoy nito, at si Dennise.

She knows she let her friends down and she wants to make up for what she did. She didn't stop trying to talk to them but they always shut her off. Dennise taught her that she should risks so she's trying to do it as best as she can. 

"Goodluck." sabi ng mga kuya niya bago sila naghiwa-hiwalay ng daan para pumasok kaninang umaga. 

Pumasok siya sa klase at sa buong oras na 'yon ay kinakabahan siya ng sobra, alam niyang malaki ang chance na mapapahiya lang niya ang sarili niya pero kailangan niyang panindigan 'to. May dala rin siyang pamalit mamayang tryout. Ilang prof na ang pumasok pero wala pa rin sa mga tinuro ang pumasok sa isip niya. Hindi niya alam kung ganto ba talaga nararamdaman ng mga nagta-tryout kasi kung oo bilib na bilib na siya sa mga varsities. 

"Huy!" sinigawan ni Ella si Alyssa na halatang sobrang 'di mapakali. Sanay naman siyang laging lumilipad ang isip ni Alyssa pero iba siya ngayon, parang natataranta ito. "May clue ka ba kung ilang beats na nagawa mo kaka-tap mo ng ballpen sa armchair mo? Pang-album na eh. Tsaka dismissal na baka 'di ka makauwi." agad tumayo si Alyssa at ni-ready ang gamit niya sabay sukbit ng bag niya.

"Sige alis na 'ko." paalam naman ni Alyssa at nagmamadaling lumabas ng room.

"Saglit lang uy!" sigaw naman ni Ella at hinabol siya. Wala 'yung dalawa dahil nasa gym ito ngayon kasi ang tryout ng Basketball, gusto manood ng dalawa. Pagkatapos non ay tryout naman sa Volleyball. "Ba't ka ba natataranta?" tanong ni Ella habang pilit sinasabayan ang mga hakbang ni Alyssa. 

"Hindi ko rin alam." sagot naman ni Alyssa. Napansin naman ni Ella na iba ang dinadaanan ni Alyssa.

"Oh sa'n ka punta?" takang tanong ni Ella. 

"Gym." sagot ni Alyssa nang 'di nakatingin. "Tryout." tuloy tuloy pa rin ito sa paglalakad. 

"Patapos na tryout ng Basketball team." sabi naman ni Ella at tinignan siya ni Alyssa. Dahan dahan lumaki ang mata nito. "You're trying out for Volleyball team?" gulat na tanong nito at tumango si Alyssa. "Waaaaaah!" napatalon ito habang naglalakad at niyakap pa si Alyssa. Nagulat naman si Alyssa at muntik ma-out of balance. "'Buti na-convince kita! Sabi na mas malakas ako kesa kila Lang eh." kumalas ito sa yakap. Pumalakpak ito. "Na-excite ako tara dali!" biglang hinila ni Ella si Alyssa at muntik pang matisod si Alyssa dahil dito. Sumakay sila sa E-Jeep papuntang BEG.

"What malapit na lang oh." sabi naman ni Alyssa.

"Hiningal ako sa'yo 'no baka wala na 'kong pang-training." hingal na sabi naman ni Ella. "Pero 'buti naisipan mo, ba't 'di mo sinabi agad! Edi sana tinuruan kita sabi mo 'di ka marunong!" excited na sabi ni Ella.

"M-medyo lang." nahihiyang sagot ni Alyssa. "'Di ko alam kung pwede na ba 'yon, never naman akong sumali sa mga teams."

"Hala weh? Ang galing mo kayang mag-basketball!" puri naman ni Ella pero binawi rin agad. "Ay joke, baka magbago isip mo. Pero okay lang 'yan ako kaka-aral ko lang din mag-volleyball, badminton player ako before pero ni-recruit ako ni Coach Roger kasi ang taas ko daw tumalon, pwede pala 'yon. Malay mo makapasok ka kasi magaling kang mag-shoot!" sabi ni Ella sabay tawa. Biro lang 'yung last part totoo 'yung pa'no siya na-recruit. "Goodluck sana makapasok ka, para magka-dorm na rin tayo ta's papakilala na kita sa besh ko! Lagi na lang 'di natutuloy." lalo namang kinabahan si Alyssa sa mga sinabi ni Ella, una dahil hindi naman siya sure kung makakapasok siya sa team at huli, dahil kay Dennise. Totoong dati pa gusto ni Ella na mag-meet 'yung dalawa niyang bestfriends pero laging may hadlang o 'di kaya ay ayaw lang talaga nilang dalawa. Hindi naman kasi interesado si Alyssa lalo't 'di nga siya nakikinig 'pag kinukwento 'to at sigurado naman siyang lalong ayaw ni Dennise na maka-meet ng Alyssa ulit. Ang dami raw kasi nilang similarities pero marami ring differences but still, sising sisi si Alyssa na hindi siya nakinig edi sana matagal na niyang nakita si Dennise. Ang laki rin kasi ng campus hindi rin sila nagkikita. "Nakaka-pressure ba sorry, pasok ka o hindi ayos lang classmate pa rin naman kita." dugtong ni Ella at tumawa, hindi na lang nakasagot si Alyssa.

Nang makarating sila sa BEG ay nakita ni Alyssa na maraming tao, hindi pa tapos ang tryout ng Basketball, maraming nag-tryout. Sobra sobra na kaba niya, agad naman niyang tinanong kay Ella sa'n pwede magpalit at excited naman si Ella na tinuro 'yon at sinamahan pa siya. Wala namang silipang naganap. Napadasal pa si Alyssa sa loob na sana ay makapasok siya.

Matapos magpalit ay lumabas na silang dalawa at si Ella, ayaw man niyang i-pressure si Alyssa ay nap-pressure pa rin ito dahil ngiting ngiti ito, halatang excited. Pagkalabas ay bumungad sa kanila sina Lang at Bee. 

"Sabi na kayo 'yan eh!" sigaw ni Lang at pumitik pa ito.

"Magta-try out ka 'Ly! Tara may time pa!" tanong na parang hindi ni Bee.

"O-oo." nag-aalangang sagot naman ni Alyssa. Si Ella nakangisi lang at gusto niyang tawanan ang dalawa dahil akala nila sa Basketball magta-tryout si Alyssa. 

"Woah wait." sabi naman ni Lang at napatigil silang apat. "'Yan suot mo?" tanong ni Lang. Napatingin naman si Alyssa sa suot niya at na-conscious.

"M-mali ba? F-first time ko kasi." tanong ni Alyssa, naka-shirt at shorts siya.

"Huy makatanong 'to wala namang mali sa suot niya." sabi naman ni Bee at binatukan si Lang.

"Sira saglit lang kasi! 'Yung sapatos tinutukoy ko!" depensa ni Lang sa sarili. "Old school suot mo 'Ly, alam naming magaling kang maglaro kahit naka-paa pero hindi 'yan pang-sports." paliwanag naman ni Lang at na-gets naman ng dalawa pang athletes 'yung sinasabi niya. "Madulas ka pa diyan, tara!" bigla siyang hinila ni Lang at 'di naman siya makapalag dahil mas maliit pero mas malaki ito sa kanya at mas malakas. Hinila siya nito papuntang bleachers at pinaupo. Kasunod naman nila 'yung dalawa. Nandoon ang gamit nila Lang at may kinuha ito. Sapatos. Mahilig ito sa sapatos kaya marami siyang ganon. "Try mo 'to dali." bago pa makasagot si Alyssa ay hinubaran na siya ng sapatos ni Lang at Bee, nasa sahig ang mga 'to. Si Ella naman umupo sa tabi niya habang tinatawanan 'yung itsura ng tatlo.

"T-teka!" angal naman ni Alyssa. "Masikip!" sabi pa niya. "Uy ansakit!" pinilit kasi isuot sa kanya 'yung sapatos. Natatawa naman silang lahat. 

"What the heck ang laki ng paa mo!" reklamo naman ni Lang sa kanya. "Sa payat mong yan?" asar pa nito. Napahimas naman si Alyssa nang paa pagkatanggal ng sapatos. Kinabahan naman ulit si Alyssa.

"Hindi na ba 'ko pwede mag-tryout niyan?" tanong niya at na-stress naman siya don, masasayang ang pagt-training niya ng dahil sa sapatos. Hindi rin lalo kasya ang kay Ella, hindi niya mahihiram.

"Eto sa'kin try mo." sabi naman ni Bee at agad hinubad ang sapatos niya saka pinasuot kay Alyssa. Natawa sila pwera kay Alyssa, maluwag naman ang kay Bee. Hindi naman sobra, hindi nahuhubad pero magalaw. 

"Peram muna nito." sabi naman ni Alyssa at tumayo para subukang maglakad. Natawa sila kahit siya. Akala pa naman niya ready na siya sa tryout.

"Pwede na 'yan! Oh papel papel!" sabi naman ni Ella sabay abot kay Alyssa ng papel na nakuha niya sa bag niya at nilagyan nila ng nakalukot na papel 'yung dulo ng sapatos. Nakatulong naman.

"Ano okay na ba?" natatawang tanong ni Lang at pinakiramdaman naman ni Alyssa 'yung paa niya.

"Nakakairita." sagot niya pero natawa siya. Tawa sila nang tawa sa pinaggagawa nila. 

"Tryout ka na dali!" agad naman siyang tinulak ni Lang at Bee sa court para makahabol sa nagta-tryout pero bumalik din si Alyssa sa kanila.

"Maya na 'di pa nag-start." sabi naman ni Alyssa at umupo ulit.

"Patapos na kaya!" sabi ng dalawa at doon na nilabas ni Ella ang tawang kanina pa niya pinipigilan. 'Buti na lang at hindi masyadong narinig dahil busy at maingay din 'yung iba sa gym.

"Hindi siya sa Basketball magta-tryout, sa Volleyball bleh!" pang-aasar ni Ella at nagulat naman 'yung dalawa.

"Ano!"

"Hubarin mo 'yan!" sabi naman ni Bee at pilit naman nila hinuhubad kay 'Ly 'yung sapatos. Panay naman ang iwas ni Alyssa habang tumatawa.

"Peram muna!" sigaw ni Alyssa habang kumakawala sa dalawa. Maya-maya ay tumigil din 'yung dalawa. 

"Ang daya mo 'kala ko ba sa Basketball ka?" reklamo ni Lang at tumabi sa kanya.

"Wala naman akong sinabi." depensa naman ni Alyssa.

"Ba't magvo-Volleyball ka bigla ha?" tuloy lang sa pagrereklamo kay Alyssa 'yung dalawa hanggang sa oras na para sa tryout ng Volleyball. Nagsialisan na ang mga Basketball players at 'yung mga nag-tryout pero nag-stay sila Lang at Bee dahil kokonsensyahin daw nila si 'Ly sa 'di pagsali nito. Nagbihis na rin si Ella ng pang-training kahit mamaya pa ang training nila, minsan kasi pinaglalaro sila kalaban ang mga magta-tryout.

Maraming nag-tryout at mukhang nagvo-volleyball talaga ang mga 'to, nahiya naman si Alyssa dahil parang siya lang ang payat at mukhang napadaan lang. Nasa bleachers ang tatlo niyang kaibigan, chini-cheer siya ni Ella, nagt-thumbs down naman ang dalawa sa kanya. 

Tumayo silang magta-tryout at humilera sa harap ng Coach, parang 'di naman makapag-focus si Alyssa sa kaba.

"Ikaw, anong pangalan mo?" Napatingin siya sa Coach nang tanungin siya nito. Magpapakilala pala.

"A-alyssa Valdez po." Nauutal na sabi niya at nagsimula na rin sila sa tryout.

Puro drills ang pinapagawa sa kanila and so far so good, feeling ni Alyssa ay nagba-Basketball lang siya nang walang bola. Ang tagal din nila sa drills at pagod na silang lahat pero mas ramdam talaga ni Alyssa ang kaba kahit na hinihingal na rin siya sa mga pinapagawa. Sunod ay 'yung mga basic ng volleyball, nakatawid naman si Alyssa lalo sa pag-serve.

Sinubukan silang pag-receive-in ng Coach, tumawag pa ito ng player mula sa team, teammate ni Ella. May katamtamang pangangatawan at kulay ng balat ito, medyo mas maliit sa kanya. Medyo napakunot ang noo ni Alyssa dahil parang familiar ito sa kanya. Parang nakita na niya ito dati pero hindi matandaan kung saan. Makakalimutin pa naman siya pagdating sa mukha lalo kung isang beses lang niya nakita.

"Fille!" sigaw ni Coach Roger at lumapit 'yung Fille na nanonood lang kanina mula sa bench, nakabihis na rin ito pang-training. Napalibot naman ang tingin ni Alyssa sa gym, inaasahang andito na rin si Dennise dahil andito na ang ibang teammates nila. Wala ito, sabi rin ni Ella mamayang 6pm pa ang training nila pero baka late din sila makapag-start dahil late na rin natapos ang tryout ng Basketball kanina kaya late din nag-start ang tryout ng Volleyball.

"Yes Coach!" masiglang sagot ng Fille at lumapit ito sa Coach nila, bumalik ang atensyon ni Alyssa sa kanila. Mukhang nagbibigay ang Coach ng instructions at tumatango tango naman si Fille.

Sa'n ko ba 'to nakita?

Maya maya ay lumapit si Fille sa kanila at pinapila sila. Ang mangyayari is mags-spike siya tapos ire-receive naman nila Alyssa. Nagsimula na sila at pang-apat si Alyssa sa pila, nanginginig 'yung kamay niya sa kaba habang nakayuko at pinipilit mag-focus.

"Go 'Ly!" napatingin siya sa kaliwa kung saan nakapwesto 'yung tatlo niyang kaibigan, chini-cheer na siya ng tatlo kahit hindi nila alam kung naglalaro ba talaga si Alyssa ng Volleyball. Nginitian niya ang mga ito at tumingin na sa harap niya. Feeling naman niya ay ang lakas talaga ng spike dahil ang lakas ng tunog nito. Nakita niyang may nakaka-receive meron ding hindi.

Nang siya na ang magre-receive ay pumwesto na siya at halata talagang kinakabahan siya. Nginitian naman siya nung Fille habang hawak nito ang bola.

"'Wag kang kabahan, kaya mo 'yan." pag-cheer nito sa kanya kaya nahihiyang nginitian niya ito. Napahinga siya nang malalim. "Okay ready." pagkasabi nito non ay parang sobrang bilis lang at na-spike na nito ang bola nang 'di man lang namamalayan ni Alyssa basta bigla na lang din sumakit ang braso niya sa impact ng bola. Dahil dito ay nagulat si Alyssa at pagka-receive niya ay tabingi ito at sa malayo napunta ang bola hindi kay Fille. Sabay silang napatingin sa direksyon ng bola. Nanlumo naman si Alyssa sa nangyari. Binalik naman ni Fille ang tingin kay Alyssa at ngumiti. "That's fine, you can try again later." pag-motivate ulit nito sa kanya kaya bumalik ang tingin niya rito. "Okay next, dapat mabilis ka gumalaw." nahiya naman bigla si Alyssa sa pinakita niya, ang tagal kasi niya bago nakapag-react din. Nag-sorry siya sa Fille na kinagulat naman nito. Pagkaalis ay pumila siya ulit at sa tatlong beses na pinag-receive sila, ni-isa ay walang na-receive na maayos si Alyssa.

Napanghinaan naman ng loob si Alyssa bahagyang nakayuko ito habang naglalakad kung saan sila sunod na pinapapwesto. Chini-cheer pa rin siya ng tatlo pero hindi na narinig ni Alyssa dahil masyadong occupied ang isip niya.

Hindi 'to pwede Alyssa, ayusin mo, ito lang ang chance mo.

Pinilit ayusin ni Alyssa ang mindset niya at pumila na ulit. Si Coach Roger naman ang mags-set ng bola na kailangan nilang i-spike papunta sa kabilang side. Huminga ng malalim si Alyssa. Naririnig na niya ang tunog ng pagtama ng bola sa sahig at palapit na siya nang palapit sa sunod na mags-spike. Nang turn na niya ulit ay bumwelo na siya.

Unlike kanina, walang sabi-sabing nag-set si Coach ng bola para sa kanya. Tumalon na siya at nag-ready sa pagtira. Tutok na tutok naman ang mga kaibigan niya.

Ini-spike na niya at rinig ang malakas na tunog nang tumama ito sa palad niya. Pagkatama ay dumiretso ito sa net. Ulit ay na-dismaya na naman siya sa sarili, ibang impression na ang binibigay niya sa tao. Masyadong patusok ang tira niya. Napatingin siya sa bolang gumugulong pabalik sa kanya.

"Malakas ka, ayusin mo lang." hindi niya ine-expect ang sasabihin ng Coach at ang pagtango-tango nito nang kilatisin ang tira niya. "Mataas ka rin tumalon." dugtong pa nito. Tumingin siya rito at nagpasalamat.

Bumalik na si Alyssa sa pila ulit at iniisip kung ano na dapat niyang gawin para ayusin ang tira niya. Medyo gumaan ang pakiramdam niya nang sabihin ng Coach na mataas siya tumalon kesa sa sinabing malakas siya dahil sa ganon na-recruit si Ella. Natawa na lang din siya sa naisip niya alam niyang hindi siya dapat makampante lalo na't wala pa siyang maayos na nagagawa magmula kanina. Mas mataas ang chance sa ngayon na 'di siya matatanggap. Bukod sa tira niya ay may isa pa siyang napansin, napansin niyang parang mas mababa 'yung net o tumaas ang talon niya? Kung alin man do'n, kahit papaano ay may advantage na rin siya.

Nang siya na ulit ang titira, gaya kanina ay nag-ready na ulit siya. Pumikit siya saglit at inisip si Dennise, ang nakangiting mukha nito. Iniiwasan niya kaninang gawin 'to dahil feeling niya ay lalo lang siyang kakabahan pero baliktad ang nangyari. Ginanahan siya bigla at dumilat na ulit para mag-ready. Napapikit siya ulit at dumilat ulit.

Woah nasobrahan 'ata ko sa pag-iisip.

Sabi niya sa sarili dahil nakailang kurap na siya ng mata pero kita niya pa rin si Dennise nasa dulo ito. Napatingin naman siya nang marinig ulit ang pag-cheer sa kanya ng mga kaibigan niya at muling binalik ang atensyon sa harap. Totoo ngang andoon si Dennise kapapasok lang at nakapang-training ito. Parehas na naman silang nagulat. Bumalik ang atensyon ni Alyssa sa bola, nag-set na si Coach Roger kaya tumalon na siya.

Nag-spike na si Alyssa at sa wakas napalo na niya ito nang maayos. Nagulat ang lahat sa lakas ng palo niya, rinig na rinig sa buong gym.

"WOAH!" reaksyon ng tatlo niyang kaibigan at lalong lumakas ang pag-cheer nito sa kanya dahil gaya ng iba, hindi rin nila in-expect na magaling pala si Alyssa. Kahit ang mga players at si Coach ay namangha kay Alyssa, hindi rin nila ine-expect masyado dahil na rin sa pinapakita ni Alyssa kanina. Napapalakpak 'yung mga kaibigan niya sa tuwa at medyo matagal bago naka-recover ang mga tao sa tira niyang 'yon.

"Parang bagyong Baldo ah." comment ni Coach Roger pero si Alyssa ay wala ang atensyon sa mga namangha sa kanya, kundi nasa harap niya kung nasaan ang dahilan ba't lumakas ang palo niya, nagturo sa kanya mag-Volleyball, mahalin ang Volleyball at kung bakit gusto niyang makapasok sa team. Nakatayo ito pero hindi mabasa ni Alyssa ang ekspresyon nito.

Nakatitig lang sila sa isa't isa pero hindi kagaya nung huli, nginitian ni Alyssa nang malapad si Dennise.



I missed you Dennise.


-


A/n:

okay another update hahaha 

ps. fanfiction po ito ha remind ko lang, so gawa gawa ko lang po yung mga nababasa niyo pero siyempre may totoo pa rin kahit papa'no. :D

as always, sorry for typo/wrong grammar hope you enjoyed this chapter and thank you guys sa pagbabasa :)))

stay safe everyone and wash your hands hahaha

til next update!


-

Continue Reading

You'll Also Like

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
7.2K 496 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
36.1K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
11.5K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...