Office Blind Date

By imsinaaa

25.5K 1K 351

Lucas Guevara is your typical workaholic man. Inuubos Niya ang oras sa pagtatrabaho at wala nang inilalaang o... More

Office Blind Date
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
ANNOUNCEMENT

CHAPTER TWO

1.8K 125 23
By imsinaaa

Lucas Guevara

"Sinabi ko na, hindi ako sasali sa larong 'yon." Lucas said. Paulit-ulit kasi siyang pinapaalalahanan ni Gina patungkol sa laro na gaganapin mamayang hapon.

Umaga pa lang ay pinapaalala na ng mga katrabaho ang gaganapin na laro. Kaunti na nga lang at mapuputol na ang manipis na pisi ng pasensya ni Lucas.

He'd rather do the paperworks than joining that blind date thingy. Isa pa, hindi siya interesado.

"Lucas, my dear. It's time to have some fun. Sa loob ng tatlong taon ay wala kang ibang ginawa kundi ang lunurin ang sarili mo sa trabaho." Pagpapaliwanag ni Gina. "Wala namang mawawala sa 'yo kung sasali ka sa laro." Kibit balikat pang dagdag nito.

Itinigil ni Lucas ang pagtitipa sa laptop atsaka binalingan ng tingin ang kaibigan.

"May mawawala."

Kumunot ang noo ni Gina.

"Ano naman?"

"Oras, malaking kawalan sa oras ang pagsali sa larong 'yan."

Napairap si Gina sa narinig.

"Ayaw mo bang makahanap ng significant other mo? Don't you want to have someone who is there to love and take care of you?" Tila ba nababahiran ng pag-aalalang aniya Gina sa kaibigan.

She's worried that Lucas might ended up being alone- forever. Na tumanda ito ng hindi nararanasan ang pagmamahal.

"I can take care of myself, Gina. I also know how to love myself kaya hindi ko kailangan ng special someone na 'yan." Paliwanag ni Lucas habang abala siya sa pagtitipa.

"Ang sabihin mo, ang trabaho na ang papakasalan mo." Inis na aniya Gina. Ibinalik na lang nito ang atensyon sa trabaho.

Walang interest si Lucas na maghanap ng makakasama sa panghabang buhay. Nandiyan naman ang pamilya niya at ang mga kaibigan niya kaya hindi na niya kakailanganin pa ng special someone. Abala rin siya sa trabaho kaya kung magiging malaking sagabal lang para sa kaniya ang pagkakaroon ng special someone.

Isa pa, kahit kailan ay hindi nagwala ang puso niya sa isang tao. Hindi niya naramdaman ang kilig na kinababaliwan ng ibang tao, hindi niya naranasan na pamulahan ng pisngi, never din siyang nagkaroon ng crush kaya magiging mahirap din para kay Lucas na makahanap ng mamahalin.

Napabuntong hininga si Lucas. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa ngunit madalas niyang balingan ng tingin si Gina na naka-focus na sa ginagawa ngunit bakas pa rin sa mukha ang inis. Muli, napabuntong hininga si Lucas.

Mukhang galit sa kaniya ang kaibigan. Hindi pa naman siya sanay na may galit o may tampo sa kaniya.

Pinilit na i-focus ni Lucas ang atensyon sa trabaho, pero sa tuwing nakikita niya ang iritableng mukha ni Gina ay napapabuntong hininga na lang siya.

Walang ibang maririnig sa opisina nila kundi ang mga paglapat ng daliri sa keyboard at ang ingay na nililikha ng swivel chair nila sa tuwing sinasandalan 'to.

Mariing kinagat ni Lucas ang ibabang labi. He really doesn't want to join that blind date game, pero hindi rin niya matiis ang kaibigan lalo na't galit ito.

"Fine." Pagbabasag ni Lucas sa katahimikang bumabalot sa pagitan nila ni Gina.

Lucas leaned on his chair before crossing his arms. Kasabay nang pagbuntong hininga ni Lucas ay ang siya namang pagharap ni Gina sa kaniya. Kunot ang noo nito.

"I'll join the game." Labas sa ilong na sabi ni Lucas.

Ang kaninang nakabusangot na mukha ni Gina ay napalitan ng saya. Hindi na magkadugtong ang on flick nitong kilay.

"Masaya ka na?"

Gina nodded her head with a huge smile on her lips.

"You won't regret joining the game!" Pabulong na sigaw ni Gina.

Lucas really do hope that he'll not regret joining that Blind date.

Hindi na nagulat si Lucas nang makita ang mahabang pila sa labas ng silid kung saan gaganapin ang blind date game. Partida, isang oras silang late nila Gina at Clark dahil tinapos pa nila ang presentation nila pero hanggang ngayon ay mahaba pa rin ang pila.

Salamin ang nagsisilbing paderng silid kaya kitang-kita ng lahat ang nangyayari sa loob. May maliit na entablado sa gitnang parte ng silid kung saan nakatayo ang kalahok, sa oras na 'yon ay kaka-akyat lang ng isang babaeng sa entablado, nakatayo ito nang may malawak na ngiti sa labi. Sa harap naman ng entablado ay ang sampung bakanteng upuan na siyang pupwestuhan ng sampung tao na nakasuot ng maskara. Ang mga nakupo sa upuan ang mamimili kung gusto ba nilang maka-blind date ang nasa entablado o hindi.

Ilang segundo ang lumipas at pumasok na sa silid ang sampu pang kalahok, nakasuot ang mga ito ng maskara. Pinaghalong lalaki at babae ang mga 'to at nakasuot pa ng office attire ang iba sa mga ito. Ngunit ang nakapukaw ng pansin ni Lucas ay ang lalaking nakaupo sa huling hiler at dulong bahagi ng upuan, kapansin pansin na hindi basta-basta ang suot nitong kulay beige nitong suit. Lucas knows that that man is wearing a branded suit. Maayos ang postura nito, that man knows a proper sitting etiquette. Hindi makita ni Lucas ang kabuuan ng mukha nito dahil sa maskara, but Lucas thinks that that man is quiet handsome.

Sa sobrang pagtitig niya sa lalaki, hindi na napansin ni Lucas na lumingon pala ito sa gawi niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lucas nang magtama ang tingin nilang dalawa. Lucas didn't bother avoiding his gaze, baka kasi sa oras na gawin niya 'yon ay mahalata nito na tinititigan niya talaga ang lalaki. Ilang segundo na ang lumipas ngunit nakatingin pa rin ito sa kaniya.

"What are you starin' at?" Biglang tanong ni Gina.

Mabuti na lang! Mabuti na lang talaga at nagkaroon ng excuse para ibaling ni Lucas ang tingin sa iba. Itinuon niya ang tingin sa kaibigan.

"Anong gagawin ng mga nakaupo na 'yon?" Nginuso ni Lucas ang gawi ng mga nakaupo sa harap ng entablado.

"Sila ang mamimili kung karapat dapat bang i-blind date ang nasa stage or hindi. Kung bet nila yung babae o lalaki, they'll remain seated. Pero may apat na stages ang laro." Pagpapaliwanag ni Gina habang abala ito sa paglalaro sa kaniyang kulay pulang kuko.

"But! Sa bawat stages ng laro, may tyansa ang mga nakaupo na mamili kung mananatili ba sila sa kanilang silya o aalis. Ibig sabihin, kung nagustuhan nila ang sinabi ng nasa entablado, they'll stay, at kung hindi, aalis sila."

Napatango si Lucas sa narinig. Ngayon ay may ideya na siya sa laro, kahit papaano.

Itinaas ni Gina ang hintuturong daliri.

"Una stage, seducing them using your appearance. The person who'll stand on that stage will try to attract those who's seating on those chairs."

Itinaas ni Gina ang middle finger nito, creating a number 2 sign.

"Pangalawa, the introduction part. Dito sasabihin ng nasa entablado ang kaniyang profile."

Itinaas ni Gina ang kaniyang ring finger.

"Pangatlo, the Ideal type of lover. Sa stage na 'to, idedescribe mo kung ano ba ang hinahanap mo sa isang tao."

"At ang pang huli." Itinaas ni Gina ang kaniyang hinliliit na daliri. "The question and answer part. Alam mo naman na siguro ang level na 'to. You just need to answer their questions, that's it." Nakangiting pagtapos ni Gina sa sinasabi.

Tumango tango naman si Lucas. Ngayon, alam na niya ang laro he's now kinda ready. He's confident pero nandoon pa rin ang kaba.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang laro.

Hindi tuloy maiwasan ni Lucas na mapakunot ang noo habang pinapanuod ang nangyayari sa labas. It looks boring, tanging ang nasa entablado lang ang nagsasalita habang ang mga nasa upuan naman ay nakatingin lang sa babae.

Kitang kita rin sa mukha ng babae ang kaba na nararamdaman kahit na nakangiti ito sa mga nasa harapan.

The girl standing on the stage was smiling, nakatayo ito ng maayos at tila nagpapa-cute. Eto na ang unang stage ng laro. Seducing them using the appearance.

Mas lalong kumunot ang noo ni Lucas nang walang anu-ano'y tumayo ang lalaki na nakasuot ng kulay beige na suit, ang kaninang nakipagtitigan sa kaniya.

Hindi maiwasan ni Lucas na sundan ito ng tingin. Unang stage pa lang ngunit umalis na 'to, he didn't like the girl.

Biglang dumagundong ang puso ni Lucas nang bigla itong lumingon sa kaniya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago nito ibalik ang tingin sa mga mata niya bago ito bumalik sa likod ng kulay maroon na kurtina na siyang nagsisilbing waiting room ng mga kalahok.

Umigting ang panga ni Lucas. Hindi niya alam kung kinukutya siya ng lalaki na 'yon o ano. Pero bakit ganun? Bakit biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya?

"That man who's wearing a beige suit is the most picky one out of the 10 players." Biglang sabi ulit ni Gina. "Sa loob ng ilang taon na pagsali ng lalaki na 'yon, ni isa ay wala siyang napili, sa unang stage pa lang ay umaalis na siya. Napaka-choosy." Aniya Gina ngunit ibinulong na lang nito ang huling sinabi.

Abala na sa panunuod ng laro ang lahat nang biglang dumating si Clark. Gusot gusot ang suot nitong damit na tila ba sumabak sa gyera. Magulo rin ang buhok nito.

Gina rolled her eyes. "Mukhang sumabak ka na sa laro."

"Of course, that game's kinda fun though." Clark smirked.

Kunot noo namang nagpabalik-balik ang tingin ni Lucas sa dalawa. He doesn't have the clue what they're talkin' about.

"Naglaro ka na?" Nagtataka niyang tanong na siyang naging dahilan para mapahilamos sa sariling mukha ang dalawa.

"Iyan ang resulta ng pagiging workaholic mo. My God! You really are an innocent one, Lucas."


Continue Reading

You'll Also Like

370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
389K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
95.7K 1.7K 32
* (rough draft, Filipino, and discreet version of My Drop-Dead, Gorgeous Rebound) In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton ba...
731K 37.1K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...