Kristine Series 6, Amore (Bel...

By MarthaCecilia_PHR

420K 8.5K 559

"Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman once, perhaps love her still. But I... More

0
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20

19

24.1K 545 116
By MarthaCecilia_PHR


KINURAP ni Diana ang kanyang mga mata. Wala siyang nakikita kundi mga halaman at mga magagandang bulaklak. Ang mga rosas ay naglalabas ng kanilang mga bango. And she smiled.


 Binaybay niya ang gilid ng villa na tila may hinahanap hanggang sa mapatapat siya sa isang bahagi ng pader.

"I know you're here somehow..." sinuyod niya ng tingin ang buong pader ng villa. Wala sa loob na itinulak niya ang batong nasa harap. Lumangitngit iyon at bumukas. Napahugot ng paghinga si Diana.

Natagpuan niyang muli ang basement ng villa!


At dahil may araw pa ay hindi gaanong madilim ang hagdan at naaaninag niya. Payuko siyang pumasok dito kasabay ng pagtaas ng wedding dress upang hindi maapakan. Pagkatapos ay bumaba.


Tulad noong una siyang mapunta roon ay madilim. Pero bago tuluyang sumara ang pader ay nahagip ng mga mata niya ang oil lamp na nakasabit sa dingding.


"Kung may lampara dito, tiyak na may posporo," lohiko niyang sinabi. Kinapa ang pinagpatungan ng lampara. Isang inaagiw nang posporo ang nakita niya. Nakatatlong palito siya bago niya nasindihan ang lamparang langis.


Tinalunton niya ang maliit na pasilyo na sa pagkakatanda niya'y dinaanan na niyang minsan. Hanggang sa matapos iyon sa isang maliit na silid.


May bahagyang liwanag na naglalagos mula sa bintanilya at bahagya niyang naririnig ang ingay mula sa labas. Paglabas niya'y hahanapin niya ang bahaging iyon ng maliit na bintanilya.Muli niyang nakita ang isang lumang bangko na hinigaan niya noon. Isang malaking bangkong narra na may mga ukit. Nadako ang pansin niya sa isang malaking study table. Nilapitan niya iyon. Sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa labas at ang nagmumula sa lampara ay naaaninag niya ang maraming alikabok at agiw sa mesa.


Napuna niya ang isang luma at munting jewelry box... at isang puting papel. Ibinaba ni Diana ang lampara sa mesa at dinampot ang puting papel na may agiw. Pinagpag niya at binasa ang nakasulat doon.


"Sa susunod na maybahay ng Villa Kristine." bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. 


Nagpatuloy sa pagbasa. "Tanggapin mo ang mga alahas na ito na mula pa sa aking mga ninuno at nawa'y maging maligaya ang pagsasama ninyo ng bagong panginoon ng Villa." bumaba ang mga mata niya sa nakapirma roon. "Donya Kristine Esmeralda... oh." Dinala ni Diana sa dibdib ang lumang sulat. Pagkatapos ay muli niyang tinunghayan at nahagip ng mga mata niya ang petsa kung kailan iyon isinulat. "Sabado, Mayo 13, 1949. Sa araw na ito ay aking ipinanganak ang aking panganay na si Romano..."

Hindi malaman ni Diana kung ano ang mararamdaman. Pagkamangha, lungkot, at kaligayahan, at pag-aalangan. Pero hindi takot. Marahil ay iniuukol ni Donya Esmeralda ang sulat na iyon para sa mapapangasawa ng panganay nitong anak, si Romano Fortalejo.


Dinampot niya ang jewelry box at binuksan iyon. Isang tugtugin ang pumailanlang mula sa musical-jewelry box. Isang waltz.


Ang waltz na isinayaw nila ng matandang lawin!


At lalo siyang namangha sa laman ng jewelry box. Mga alahas! Mga antigo at mamahaling mga bato. Isang heirloom!


Para sa iyo ang mga iyan, Diana. At hinahangad ko ang kaligayahan ninyo ng aking anak. Adios, hija...

Love him, Diana... as I loved him...


"Oh!" marahang bulalas ni Diana. "I will, Jewel, I promise ...and thank you," usal niya kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata. Hindi pinag-alinlanganan kung sino ang may-ari ng huling tinig.Muling umikot ang tingin ni Diana sa loob ng kuwadradong silid subalit wala na ang mga tinig. Mula sa bintanilya ay ihip ng hangin ang naramdaman niyang pumasok. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagtawag ni Bernard sa pangalan niya.


Ibinaba niya sa mesa ang jewelry box at nagmamadaling lumabas. Pinanhik ang baitang na bato at hinila ang pader. Pagkatapos ay yumuko palabas.


"Bernard!"


Nagulat pa si Bernard pagkakita sa kanya. Hinagod siya ng tingin. "Dio, saan ka nanggaling?" May agiw sa veil at sa wedding gown niya.


"I've found the basement, darling," kumikislap ang mga matang wika niya rito."Diana..." umiiling si Bernard. Naroon ang alinlangan sa mga mata.


"Manood ka." tumalikod siya at itinulak ang pader na pinanggalingan at sa panggigilalas ni Bernard ay bumukas iyon. Nilingon ito ni Diana na ngumiti. "Naniwala ka na? Pumasok tayo, Bernard..." yakag niya rito at nagpatiunang bumaba bago pa siya naalalayan ng asawa.Si Bernard ay manghang-manghang sumunod sa asawa habang tinalunton ang pasilyo."Dito ako dinala ng matandang lawin, darling." inilahad niya ang kamay at itinuro ang silid. Kukurap-kurap ang lampara na malapit nang mamatay dahil hindi naman sapat ang langis niyon. "At gusto kong basahin at tingnan mo ito." Inakay niya ito patungo sa mesa at ipinakita ang sulat na kulay-brown na halos ang papel.


Pigil ang hiningang binasa iyon ni Bernard. "Kung hindi nakita ng mga mata ko'y hindi pa rin kita paniniwalaan, Diana..." wika nito sa gumagaralgal na tinig. Dinampot ang jewelry box at napahugot ng paghinga. Dinampot isa-isa ang mga alahas. Hindi pa ito nakakapangalahati man lang at muling ibinalik sa loob ng jewelry box.


"Madre de dios! Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga brilyante, ruby, at emerald, at mga kung ano-ano pang mga batong naririto?"


Umiling si Diana na sinabayan ng kibit ng mga balikat.


"Diana, these jewelries are worth millions of pesos! And these are yours!"


Muling umiling uli si Diana. "No, Bernard. Iwan natin dito ang mga iyan. Aanhin natin ang maraming-maraming pera? Nasa akin ang buong ari-arian ng Lolo. Pag-aari mo ang buong Kristine Group of Companies..." isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Nalulula ako, Bernard. All I want is for you to love me..." she added softly.


"And I love you, amore," he whispered tenderly.


Hinawakan sa mukha ang asawa and kissed her lips with aching tenderness. Pagkatapos ay inikot ang paningin sa paligid. His eyes misty with so much emotion, hindi dahil sa mga alahas na iyon, kundi sa pagkakatagpo nila sa basement.


Nangangahulugan iyon ng pagsang-ayon ng dating reyna ng Villa Kristine kay Diana. 


Nangangahulugan din iyon ng pagsang-ayon ni Senior Leon Fortalejo kay Diana. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon si Senior Leon Fortalejo na maipadama rito ang pagmamahal bilang ama ay nasapatan na iyon ng maraming pagsang-ayon.

"Muchas gracias, senior y seniora..." bulong ni Bernard sa nagsisikip na lalamunan.


Si Diana ay ang tinig ni Jewel ang nasa isip. Imahinasyon man o hindi, tataglayin niya sa puso habang-buhay ang pasasalamat. At alam niya, nararamdaman niyang hindi na niya muli pang maririnig ang matandang lawin.


Nag-alis siya ng bara ng lalamunan. Iginala ang mga mata sa loob ng silid na iyon bago nagsalita. "Sana'y maunawaan ninyo ako kung iiwan ko dito ang mga kayamanang ito, senior, seniora. Ibinigay na ninyo sa akin ang pinakamaganda at pinakamamahaling regalo para sa kasal ko, my husband." nilingon nito si Bernard na nagsisikip ang dibdib. "Let's go, darling," yakag niya sa asawa.


Tumango si Bernard at inakay siya palabas. Pinuno ng dalawa ng hangin ang dibdib nang makalabas ng basement.


"Will you tell them about the basement?" tanong ni Diana.


Umiling si Bernard. "Hindi na kailangan, amore. Hindi na kailangan. 


Mananatili ang Villa Kristine sa karangyaan nito. Mananatili sa basement ang mga alahas hindi dahil tinanggihan mo kundi para sa darating na panahong may sadyang nangangailangan nito. Alam kong muling ituturo ng Papa at ni Donya Esmeralda ang mga iyon sa karapat-dapat. At tuwina ay para lamang iyon sa susunod na maybahay ng villa." inakbayan nito ang asawa at hinagkan sa ibabaw ng buhok at inakay pabalik sa maraming mga bisita.

Hindi mapigil ni Diana ang hindi lumingon at ngumiti.


"Muchas gracias, senior... hrmp... Papa."


WAKAS

Continue Reading

You'll Also Like

359K 5.4K 23
Dice and Madisson
804K 27.4K 37
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.4K 82 18
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa luga...
144K 2.7K 21
Atasha had it all, fame, money, a successful career, name it. But behind her smiles was a girl who just wanted to be loved. Not just by anyone, but b...