I So Hate You! I Love You Too...

By peachay

3K 133 22

I hate you. I love you. More

I So Hate You! I Love You Too! (One-shot)

3K 133 22
By peachay

Note: Sorry sa grammar. Sorry sa tenses. Sorry sa asdfghjkl.

I so hate you! I love you, too!

Paul was standing there beside the man of the hour, Glenn-- his bestfriend, and the wedding's groom--while his eyes are locked on Cristie as she walks down the aisle full of rose petals. The weather is just fine, hindi mainit at hindi maulan. Tamang-tama for an outdoor wedding.

No, this is not the I'm-inlove-with-my-bestfriend's-girlfriend story. Cristie is not Glenn's bride. Siya ang maid of honor ng kasal-- Jenn's (the bride) bestfriend, Glenn's good friend. And not to mention, Paul's exgirlfriend.

Actually, magkakabarkada silang apat along with three other friends. Kaka graduate lang nila last year. Okay silang lahat, except nung nagkaroon ng mga relasyon within the group. Especially kapag nagkaka-break up-an. Just like Paul and Cristie.

Habang naglalakad si Cristie, di maiwasan ni Paul na mapansin na bagay na bagay ang peach na gown sakanya. Hapit na hapit ang suot na gown sa balinkinitang katawan. Light make up lang din ang inilagay kaya lutang ang natural beauty ni Cristie.

Napansin ni Cristie ang napakong tingin ni Paul sa kanya. "Huh, malas mo lang at pinakawalan mo ko" sabi ni Cristie nang mahina.

Ang lakas ng loob magpakita ulit pagkatapos nyang makipaghiwalay! Sige, not break up but cool off. Pero dun din naman punta nun. Ang kapal lang ng mukha di ba? Siya pa talaga yung may malakas na loob to call it quits.

Five months ago, naghiwalay ang dalawa. Cool off according to Paul, Break up ayon kay Cristie. Actually, mas naimagine pa ng mga kabarkada nila na sina Paul at Cristie ang magkakatuluyan at hahantong sa kasalan. But then, nangyari nga ang break up.

Masama ang loob ni Cristie dahil four months na hindi nagpakita si Paul sa kanya after their break up-- which was initiated by Paul. When Jenn and Glenn asked her to be their maid of honor she immediately said yes. Malas nga lang nya at hindi agad nila nasabi na si Paul ang bestman. Hindi sa idedecline nya ang pagiging maid of honor, pero makita si Paul for that long-- from practices and preparation to actual wedding? Hindi nya maimagine.

And a month ago, while helping for the preparations ng kasal, inexpect na ni Cristie ang pagsulpot ni Paul dahil nga sa role nya sa kasalan. Inexpect nyang magiging akward for both of them kasi nga hindi pa sila formally nakapag usap after what happened. Pero hindi nya inexpect na girlfriend pa rin ang iniisip ni Paul na role nya sa buhay. Bumalik sya as if walang nangyari, as if minor problem lang ang cooling off or breaking up.

Feeling close lang agad? Ang bilis lang makalimot na nasagi nya yung ego ko? Kaloka!

Nagtama ang mga mata nila. Sobrang saya ni Paul na tinitignan sya ni Cristie. Sa isang buwan kasing pagsuyo nya, ni hindi man lang sya nito tinignan ng diretso. Kung may pagkakataon man, magkasalubong naman ang kilay at umuusok ang ilong. He knew he was at fault for not showing up. But he needed space, masyado nang planado ang buhay nya, ang buhay nila. Sakal na sakal na sya sa tingin sa kanila ng mga tao. He needed space and time. And four months was enough. Pero hindi para kay Cristie, four months was too much. She keeps on saying that she hated and hates Paul.

Napawi ang nabuong ngiti sa labi ni Paul. For the nth time, nagets nya ang gustong iparating ni Cristie. Inirapan sya nito at dumiretso na sa assigned seat ng walang lingon-lingon.

Sunod na nagmartsa si Jenn kasama ang parents nya. She looked so beautiful sa wedding gown na sya mismo ang nag design. Kitang kita sa mukha ni Glenn ang kasiyahan. Maluha luha nyang sinalubong si Jenn at ang mga magulang nito.

Nagsimula ang wedding rites at wala sa focus si Paul. Iniisip nya kung paano makukuha ang atensyon ni Cristie. May naisip na sya pero baka pag pumalpak, mas kamuhian sya. Pero yun na talaga ang huling alas nya.

"Pssst! Hoy!" halos pabulong na sinita sya ni Cristie kaya napaangat sya ng ulo. Hindi nya namalayan na signing of marriage contract na pala at kailangan ang best man at maid of honor para maging witness.

Natapos na ang wedding ceremony. Pagod na pagod si Cristie. Tinotoo ng wedding planner na gagawin syang maid sa kasal dahil bawat lihis ng veil at train ng gown ng bride, lalapit sya at aayusin. Kung anu-anong kapaguran ang pinagawa ng wedding coordinator sa kanya. Tinaga nya sa bato na hindi nya kukunin ang nasabing wedding planner at coordinator sa sariling kasal.

Pero naisip nya, "bago ako mangarap na magkaroon ng kasal, mukhang kelangan ko munang pangarapin na magkaron ng boyfriend ulit."

Paalis na ng venue ang newlywed. Nakasunod pa rin si Cristie sa likod ng bride nang biglang sumulpot si Paul.

"Pare, congrats ah!" sabay gawa ng handshake nila ni Glenn. Sunod na binalingan nya si Jenn, "Congrats mare! Ingat dito kay Glenn ha?" sabay tawa. "Ulol! Oh pano, magkita na lang tayo sa reception ha?" sagot naman ni Glenn. "Sure. Pero pahiram muna nitong maid of honor nyo ha?" sabay hatak sa braso at hila kay Cristie palayo.

Sa gulat ni Cristie hindi sya agad nakapag react. Pagod na sya at wala na syang lakas para hatakin pabalik ang braso nya mula sa pagkakahawak ni Paul.

Nakarating na sila sa baybayin. Isang beach wedding ang kasal nila Jenn at Glenn kaya hindi malayo ang actual beach sa pinagdausan ng kasal at reception.

"Ano na naman ba to?"

"Dagat"

"Paul!" Nag iinit na ang ulo ni Cristie. Nauubusan na sya ng pasensya dahil sa pagod, init, at gutom.

"Sorry na. Mag uusap lang tayo saglit."

"Na naman? Para san pa?"

"Para sa relasyon natin. Please, tayo na ulit? Cool off lang naman yun di ba?"

"No." Nagsimula nang maglakad si Cristie. Wala syang balak magtagal pa sa init ng araw. Tinanggal na nya ang suot na footwear at naka paa na lang dahil mabuhangin naman.

"Sige na, please" Nahabol na sya ni Paul at ngayon nasa gilid na nya.

"Magdusa ka."

"Sige na. Mahal mo pa ako di ba?"

"Sino may sabi?"

"Ikaw!"

"Pweh! I hate you, remember?"

"Sinasabi mo lang yan. Parating iba ang sinasabi mo sa ginagawa at nararamdaman mo."

"How dare you! Sino ka sa akala mo para sabihing kilalang kilala mo na ako?"

"Ako ang lalaking minahal mo.. At minamahal mo. Ako rin yung lalaking mamahalin mo, papakasalan mo."

"Kapal ng mukha mo oi! I hate you!"

"No. You love me. You still love me. You still have feelings for me. Kasi kung wala, dapat wala ka nang nararamdaman, even hate."

"Okay.” She sighed. “I loved you. Loved. Past tense. And I'm. Over. You!"

"Weh! Ganyan ka naman di ba? You always don't mean what you say! So you still love me. Present tense. And you're not over me!"

"Shut up!" Binilisan na ni Cristie ang paglalakad. Malayo layo pa ang reception hall.

"Sinasabi mong ayaw mong magka bilbil pero walang tigil ang sobra mong pag kain!" Nilingon nya si Paul nang may pagtataka.

"Sinasabi mong gusto mong makatipid pero tuloy ang paggastos sa pagkain at panregalo!"

"Sinasabi mong ayaw mo magka eyebags pero nagpupuyat ka kaka panood ng Korean Series at kaka basa sa Wattpad!"

"Sinasabi mong ayaw mo bumagsak pero sa araw na ng exam ka nag aaral!"

"Sinasabi mong ayaw mo masira ang mata mo pero nagbabasa at nagsusulat ka sa dilim!"

Bumilis ang tibok ng puso ni Cristie. Lalo nyang binilisan ang paglakad. Ayaw nya nang marinig ang mga sasabihin pa ni Paul.

"Nagdedemand ka ng explanation pero pag nag eexplain ako, sinasabihan mo akong wag na magpaliwanag." Huminahon na ang boses ni Paul. Nakasunod pa rin sya kay Cristie na hanggang ngayon wala pa ring imik.Tuloy lang sya sa pag lakad.

"Gusto mong marinig sa akin na hindi na kita mahal pero nung sinabi ko, ayaw mo namang maniwala."

"Sinasabi mong naka move on ka na sakin pero madalas kitang nahuhuling nakaw tingin."

Sa puntong ito, napatigil si Cristie sa paglalakad. Gusto nyang tumakbo pero ayaw ng mga paa nya. Nanghihina na sya. Kung ano ang dahilan ay di nya alam. Nilagay na lang nya ang mga kamay sa magkabilang tenga at tinakpan.

"Sinasabi mong kinakalimutan mo na ako pero puro picture ko at picture natin ang laman ng Gallery mo."

“Stop it!” SIgaw ni Cristie sa pagitan ng mga sinasabi ni Paul.

“Sinasabi mo na wala ka nang paki sa akin pero grabe ka makapang-stalk sa FB at twitter ko.”

“I said stop! La la la la la na na na na. Wala akong naririnig. La la la ang ganda ko la la la—“

"Sinasabi mong ayaw mo na ako ka text at dinelete mo na ang number ko pero memorized mo naman." Nasa tapat na ni Cristie si Paul. Hindi sya nito hiniwalayan ng tingin. Unti-unting tinanggal ni Paul ang mga kamay ni Cristie na nakatakip sa tenga nya.

"Sinasabi mong ayaw mo marinig ang pangalan ko pero ako pa rin ang laman ng mga kwento mo."

Hinawakan ni Paul ang pisngi ni Cristie, "Sinasabi mong hindi mo na ako mahal. Pero hanggang ngayon, ako pa rin ang laman nyang puso mo."

Nagkatinginan sila. Mata sa mata. Walang imikan nung una. Pero nagsalita rin sa wakas si Cristie.

She sighed, pero hindi dahil sa inis, galit o irita. Her sigh was that of admitting defeat. "I so hate you!" Sa pagkakataong to, nakangiti si Cristie habang sinasabi ang mga salitang yon.

"Well I love you, too!" Akmang yayakapin sya ni Paul. Sa loob ng five months, ngayon nalang ulit. Pero bago pa man nangyari yon, nasubsob na si Cristie sa dibdib ni Paul. Nahimatay sya.

Salamat sa pagod, init ng araw, at gutom. Buhat buhat ni Paul si Cristie, bridal style. Parehong may ngiti sa kanilang mga labi.

*End*

Continue Reading

You'll Also Like

117K 3K 28
GXG
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...