Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 22

4.4K 147 9
By NhamiTamad

Chapter 22
 Socialization pt. 1    
      
     
     
    
Adi's POV
     
      
      
Mabilis na dumaan ang araw at friday na. Ibig sabihin socialization night na. Wala kaming pasok ngayon dahil bibigyan daw kami ng oras para makapag handa.

Sinabi ni andrew na susunduin daw niya ako dito para hindi na ako magdrive papunta dun ng nakagown. Hindi parin matanggap ng iba na si andrew na talaga ang partner ko. Mga baliw talaga.

Tinulungan din ako ni ate hange na pumili ng gown na isusuot ko. Plain black na sleeveless mermaid dress na may slit sa left side. Ayaw ngang pumayag nila kuya dahil sobrang sexy daw at hindi bagay sakin dahil bata pa akp. pero kinontra sila ni ate hange dahil 19 na daw ako at dalaga na daw ako. Wala silang magawa lalo na si kuya levi, tiklop pagdating kay ate hange.

Simple lang naman to. Hindi naman kita ang kaluluwa ko dito. At yung slit niya kalahati lang ng legs ko ang kita.

Inaayusan ako ngayon ng make up artist at hair stylist na kinuha ni ate hange. Ayaw ko nga pumayag eh, at sinabi kong ako na lang ang mag aayos sa akin. Pero makulit siya. At kahit hindi halata sa itsura niyang nerdy, kikay talaga si ate hange. Pero sabi nga niya, nawalan na siya ng time mag ayos dahil sa pag dodoktor niya.

Simple lang ang make up ko ngayon, dahil yon ang sinabi ko sa makeup artist. Ayoko kasi ng makapal na make up, mabigat sa mukha.

Inayusan na rin ang buhok ko. Ginawa nilang bun at ginawan nila ako ng konting bangs.

At sa wakas, natapos na rin akong ayusan. Tinignan ko sa salamin ang reflection ko at WOW! Ang ganda ko talaga! Hahaha

"Ang ganda ganda mo miss adrianne!" Bola sakin ng isang bakla.

Ngumiti naman ako sa kanya at nag thank you

"Talaga nasa lahi niyo na talaga ang magaganda at gwapo!" Kinikilig na sabin ng isa pang bakla na makeup artist ko.

"Salamat sa pag ayos sakin." Pasalamat ko ulit at napatingin sa pintuan ng kwarto ko na bumukas. Niluwa nito ang sobrang gwapo kong kuya ali na naka amerikana. Maroon coat at white polo ang suot niya. Sobrang gwapo. Sumunod na pumasok si kuya xander na sobrang gwapo rin, na ka black black coat naman siya at white yung polo niya. Gwapo gwapo talaga ng mga kuya ko.

Napatingin ako sa pwesto ng mga bakla at hindi nila matanggal ang mga mata nila kila kuya. Ang gugwapo kasi.

"Ready?" Tanong ni kuya ali, kaya tumango naman ako at lumapit sa kanila. Nag paalam narin ako sa dalawa at nagpasalamat ulit.

"You're Gorgeous!" Nakangiting puri ni kuya ali sakin pagkalabas namin ng kwarto.

"Sobrang Ganda mo talaga adi! Manang mana ka talaga sakin!" Dagdag naman ni kuya xander.

"Syempre kanino pa ba ako magmamana kundi kay mommy!" Sabi ko at tumawa. Kaya tumawa rin sila.

"By the way, andrew is already here, hinihintay ka na niya sa baba." Nakangiting sabi ni kuya ali.

Pagla lapit namin sa hagdanan, nakita ko agad si andrew na kinakausap ni kuya magnus, naka red coat 
siya at black na polo sa loob. Infairness, mas gumwapo siya sa suot niya. Nakita na niya ako kaya tumayo na siya at inayos ang damit niya. Makikita mo sa mukha niya ang pagkamangha ng makita ako. Hahaha! Ang ganda ko naman kasi eh! *fliphair!*

Inalalayan ako nila kuya ali at kuya xander na bumaba ng hagdan. Nakahawak ako sa kamay nilang dalawa.

Pagkalapit namin, tulala parin si andrew.

"Laway mo andrew, baka tumulo!" Natatawang sabi ni kuya xander na nagpabalik kay andrew sa wisyo.

"Im sorry, i can't help it but to stare! Sobrang ganda mo adrianne! Words can't explain it!" Namamangha na sabi niya. Oa naman nito.

"Alam namin maganda ang kapatid namin, at ikaw ang maswerteng lalake na naging escort niya ngayong gabi. Kaya wag mong pabayaan ang prinsesa namin, dahil mananagot ka sakin" seryosong seryoso ang boses na banta ni kuya kay andrew, kay medyo natakot siya.

"Don't worry kuya, nandun din naman kami, at hindi naman namin pababayaan si adi!" Si kuya ali na ang sumagot.

Bumaling naman sakin si kuya magnus.

"Enjoy your party bunso, at wag mong pabayaan ang sarili mo, i don't even trust those two... turo niya kila kuya ali at kuya xander... lalo na yang si xander, dahil babae nanaman yang aatupagin niya don. Kaya if anything bad will happen, just call me. At pupuntahan kita agad" paalala niya sakin.

"Yes kuya, i will.. sige na kuya, alis na kami. I love you!" Paalam ko at nag kiss sa cheeks niya. Ngumiti naman siya at kumaway na.

Nauna na si kuya ali dahil pinayagan siya ni kuya magnus na gumamit ng kotse niya ngayong gabi lang. Hahaha.. sumunod naman si kuya xander na mabilis pinaharurot ang kotse niya. Kaskasero talaga! Tch!

"Pasensya ka na, at ganito lang ang sasakyan ko." Malungkot na sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto.

Ngumiti naman ako at sumagot

"Okay lang naman, kahit tricycle pa yan. Hahaha" tumawa ako kaya tumawa narin siya.

"At isa pa, hindi naman kabawasan sa kagwapuhan mo ang sasakyan mo, ke meron ka o wala, ke bago o luma. Hindi naman basehan yun para husgahan na ang tao!" Dagdag ko at tinap siya sa balikat. At ngumiti naman siya.

Pumasok na ako sa kotse at ganun narin siya.

Nag kwento lang siya buong byahe namin. Kinuwento niya ang mga kalokohan na ginawa nila nung highschool pa sila. At kung ano ano pa. Masayang kasama si andrew. Chill chill lang.

Di nagtagal, nakarating na kami ng AU. Pinark na ni andrew ang sasakyan niya at nauna ng bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan din niya akong bumaba dahil na ka heels ako. 2inches lang naman ang heels nito. Ayoko ng mataas, dahil palagi akong natutumba.

May pailan ilan na napapatitig samin pag dumadaan kami. Pero hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Sa gymnasium ang venue. Pagdating namin doon, pinagbuksan kami ng dalawang tao ng pinto.

Pagpasok namin sa loob, parang hindi na ito ang gymnasium ng AU, parang nasa isang five star hotel kami. Sobrang ganda! Kulay gold, silver at maroon ang makikita mo sa paligid. May malaking chandelier sa gitna na ngayon ko lang nakita. Grabe ang ganda ganda!

Sa hindi kalayuan, nakita ko na sila ryle na kumakaway. Magkakatabi ang mga mesa nila, pero hindi ito magkakadikit dahil may arrangement ito. Nasa magkabilang side lahat ng mga mesa at upuan. May space sa gitna na parang dance floor.

Inalok ni andrew ang kamay niya sakin kaya kinuha ko naman yun. Nakakapit ako sa kamay niya habang naglalakad kami sa red carpet na nasa gitna.  Lumapit na kami sa kanila. Wala silang partner na babae. Tanging sila lang, maliban sa isa na may nakakapit na tae ay tao pala sa kanya. Seryosong nakatitig lang siya sakin habang nakakapit si kaitlyn sa braso niya. Akala naman niya mawawala si zach sa kanya pag bumitaw siya. Tch!

"Ang ganda!" Nakanganga na sabi ni kris

"Ang swerte ni andrew! Waaaah!" Mangiyak ngiyak na sabi ni dexter

"You're so beautiful adi!" Puri naman ni fred

"How i wish, i was your partner" nanghihinayang na sabi ni cayden.

Marami pa silang sinabi pero hindi ko na pinakinggan at umupo na lang, nakakapagod kasing maglakad ng may heels. Inalalayan muna ako ni andrew sa pag upo, bago naman siya umupo. Saktong magkaharap kami ni zach na hindi parin maalis ang titig niya sakin. Alam kong maganda ako. Kaya tumigil ka na sa kakatitig mo! Nako-conscious ako!

Masama naman ang tingin ni kaitlyn sakin. Parang pinapatay na niya ako sa isip niya! Ano problema ng babaeng to?!

Naka scarlet na long dress siya na backless. Pinanindigan talaga niya ang scarlet. Tch!

Naka black coat naman si zach at white polo. Simple lang ang ayos niya, pero sobrang gwapo niya. As in!

Ay! Ano na naman ba itong pinagsasabi ko! Aiiish!

Nagsidatingan narin ang ibang students na nagpapabonggahan ng mga suot nila. Hindi ako na inform na fashion show pala to!

Nakita kong dumating na sila bibyan. Ang laswa ng suot niya. Halos kita na ang kaluluwa niya. Kulay red na backless long gown na may slit sa right side na abot hanggang hita niya. Kita rin ang cleavage niya.

"Tomboy ka adi?" Tanong ni kris na nasa tabi ko.

Nilingon ko naman siya at nagtaka ako sa tanong niya.

"Grabe ka kasi maka titig kay vivian! Crush mo ba siya?" Inosenteng tanong ulit niya.

Natawa ako sa tanong niya.

"Kung naging tomboy man ako, hindi ako magkakagusto dun! Mas gugustuhin ko na lang pumatol sa bakla kesa sa kanya!" Natatawang sagot ko, kaya tumawa rin silang lahat maliban kay zach at kaitlyn na masama parin ang tingin sakin.

"May boyfriend ka ba ngayon?" Out of the blue na tanong ni andrew kaya siya naman ang binalingan ko ng tingin.

"Wala!" Tamad na sagot ko at sumandal na ako sa upuan.

Nagulat naman sila sa sinagot ko.

"Bakit? Sa ganda mong yan, ilan na ba ang naging ex mo?" Tanong naman ni fred.

"Wala" sagot ko ulit na mas lalong ikinagulat nilang lahat.

"Imposible! Hindi ako naniniwala!" Hindi makapaniwalang sabi ni gavin na nasa tabi ni zach.

Nakatitig parin sakin si zach kahit todo papansin na ang babaeng nasa tabi niya.

"Edi wag! Hindi ko naman sinabi na maniwala kayo!" Tamad na sagot ko.

"Pero diba, sabi mo nung isang gabi, na inlove ka na?" Takang tanong naman ni owen.

Tumingin naman ako sa kanya bago sumagot.

"Ang sabi ko, maybe, hindi ako sigurado! Hindi ka ata nakinig nun" inirapan ko siya. Narinig ko namang tumawa sila fred at gav.

Si Fred, Gavin, Owen, Kris, kaitlyn, Zach, Andrew at ako ang nasa round table na to. At nasa tabing round naman namin sila Cayden, Dexter, Ethan, Perry, Ryle, Bryan at Walter.

Di nagtagal nag umpisa na ang program. Nagsalita si kuya sa taas ng mini stage, pagkatapos ni kuya, si Mr. Felins naman ang pumalit. Marami silang sinabi na kung anu-ano.

Pagkatapos ng mahaba habang daldalan. Pwede ng kumain na kanina ko pa hinihintay. Si andrew ang kumuha ng pagkain na para sakin. At kumuha na ri  yung iba. Ako na lang ang naiwan dito ay si kaitlyn.

"I told you to stay away from zach!" Biglang sabi niya na nakatingin ng masama sakin. Lumalabas talaga ang pagkademonyo niya pag ako ang kaharap. Kanina lang parang anghel nung nadito si zach! Tch!

"Hindi naman ako nakadikit kay zach!" Nagcross arm ako at sumandal sa upuan.

"Don't lie to me. Nakikita kong lumalapit ka sa kanya!" Nakataas ang isang kilay niya at nag lean sa mesa.

Tumawa ako ng mahina bago magsalita.

"Correction! Siya ang lumalapit sakin..sinabihan na kita diba, na bumili ka ng superglue at idikit mo sayo ang fiance mo!"

Nagsalubong agad ang kilay niya sa sinabi ko

"Here's your food!" May naglapag ng plato sa harap. Kaya umayos na ako ng upo at sinulyapan saglit si kaitlyn na bumalik sa pagiging anghel niya.

"Thanks andrew!" Nakangiting pasalamat ko sa kanya at nag umpisa ng kumain. Marami siyang kinuha na friedchicken, dahil alam nilang paborito ko to. Fried chicken, lumpia at pasta ang kinuha niya. Kumuha rin siya ng juice. May wine dito, pero alam nilang hindi ako umiinom nun.

"Sabihin mo lang sakin kung kulang yan, kukuha ulit ako para sayo" tumawa siya ng mahina.

Ngumiti ako bago sumagot.

"Sige ba! Pero dapat marami na yung chicken!" Saka ako tumawa. Tumawa rin sila maliban sa dalawang naglalampungan sa harap ko.

Pati ba naman kakain, kailangan magakadikit? Pinanindigan talaga niya ang paglagay ng superglue. Hahhaha

Nagkukwentuhan lang kami ng matapos naming kumain. Wala namang ibang magawa. Hindi ako marunong makihalubilo sa iba tulad ng ginagawa ng iban ngayon. Nakikita ko sila kuya sa isang mesa. Kasama ni kuya ali si annika. At may kasama rin sila kuya kurt, kuya xander at kuya peter na siguro girlfriend nila. Tanging si kuya josh lang ang walang kasama. Single for lyf ang peg. Hahaha

May nararamdaman akong nakatitig saking dalawang pares ng mata. Luminga linga ako para hanapin kung sino ang mga yun, at napadpad ang paningin ko sa lalakeng kanina pa siguro gustong lumapit sakin. Ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, ngumiti siya as usual. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya. Gwapong gwapo siya sa suot niya na silver coat at black polo ngayon. Gwapo naman talaga si minato. Pero mas gwapo siya ngayon. Hahahaha

Hinanap ko naman ang isa pang pakiramdam ko na nakatitig sakin. Hanggang sa huminto ang paningin ko sa isa pang lalake na gaya rin ni minato na nakatitig sakin. Naka dark blue coat siya at black na polo. Kumikintab ang mga piercing sa tenga niya. Hindi siya ngumiti sakin at seryoso lang na nakatingin. Nginitian ko na lang siya, pero bigla siyang nag iwas ng tingin. Problema nun? Siya na nga ang nginitian. Tch!

Bumalik ang tingin ko sa kaharap ko ng maramdaman ko ang nakakamatay na titig niya sakin. Nanlilisik ang mga mata niyang naktingin sakin. Isa pang baliw. Tch!

Biglang kumati ang kanang mata ko na parang napuwing, air conditioned naman tong gymnasium. Bakit ako napuwing? Kinurap kurap ko to para maalis ang kati. Naka contacts kasi ako.

"Are you okay?" Tanong ni andrew

"Makati lang ang mata ko!" Sagot ko habang nakapikit ang kanang mata ko.

"Patingin nga, baka napuwing ka?" Nilapit nya ang mukha niya sakin at binuksan ang mata ko gamit ang kamay niya. Parang siyang doctor na tinitignan ang mata ko.

"Mukhang wala namang puwing" sabi niya habang chine check parin ang mata ko.

"Baka kumati lang dahil sa contacts ko" sabi ko

"Ehem! Ehem!" May umubo ubo sa tabi namin. Kaya lumayo na si andrew.

"Dumadamoves ka andrew ah!" Sabi ni fred na nakangisi.

"Chineck ko lang ang mata niya. Baka kasi may puwing" kinamot kamot ni andrew ang batok niya.

Natatawang umiling iling lang sila gavin at owen.

Nakita ko namang masama ang tingin ni zach saamin. Parang pinapatay na ako ng mga tingin niya. Inagaw ni kaitlyn ang atensyon niya at sinubuan siya ng cake. Eeeww!

"Sana may nagsusubo rin sakin ng cake" malungkot na sabi ni kris at naglean sa mesa niya. Nilingon ko siya at tumawa sa itsura niya.

"Bakit pala wala kayong kasama, wala ba kayong girlfriend?" Natatawang tanong ko. Nilingon naman niya ko at nag pout.

"Wala eh! Wala namang gustong maging date namin dito ngayon" malungkot na sabi niya.

Oo nga pala. Takot sa kanila ang ibang mga estudyante.

"Ako na lang ang date niyo, tutal klasmeyt nyo rin naman ako." Natatawang sabi ko na biglang nagpaupo sa kanya ng maayos.

"Talaga!" Lumaki ang mga mata niya. "Kung ganon, pwede mo ba akong subuan ng cake?" Nagpapacute na sabi niya. Ngumiwi naman ako at parang nandiri.

"Sabi ko date, hindi alipin! May kamay ka naman ah!" Tamad na sabi ko kaya nalungkot ulit ang mukha niya at binagsak ang ulo sa mesa.

"Gusto ko lang naman ma feel na sinusubuan ng cake." Mangiyak ngiyak na sabi niya. Mukhang hindi nanaman siya nakainom ng gamot niya.

May naisip akong ideya kaya kinuha ko ang isang slice ng cake niya. Biglang nagliwang ang mga mata niya, at umayos ng upo.

"Susubuan mo ako?" Nakangiting sabi niya.

Tumango ako at hinati sa dalawa ang isang slice ng cake. Kinuha ko ang malaking portion nito at nilapit sa mukha niya.

"Pero dapat isang subo mo lang to" natatawang sabi habang nilalapit sa mukha niya ang kutsara. Ngumiwi naman siya at mukhang nagdalawang isip.

"Ayaw mo?" Tanong ko. Nag isip siya saglit at napilitan kainin yon.halos hindi kasya sa bibig niya amg cake at nagkalat ang icing sa gilid ng labi niya. Nahihirapan siyang nguyain yon, kaya tumawa ako, sumabay rin sa pagtawa sila andrew, fred, gavin, at owen.

Nakakunot naman ang noo ni zach habang nakatingin sakin. Pero bumalik ang tingin ko kay kris ng marinig kong umubo siya. Kinuha niya agad ang tubig at nilagok yun.

"Grabe ka adi! Hindi ka na naawa sakin!" Mangiyak ngiyak na sabi niya kaya pinagtawanan ulit namin siya.

"Ikaw may gusto niyan eh!" Natatawang sabi ko at nagpout naman siyang tumingin sakin.

Ginaya ko ang itsura niya. Nagpout din ako.

"Wag mo kong gayahin. Hindi tayo bati!" Inirapan niya ako. Baliw talaga tong kris. Hahahaha

Huminto ako sa pagtawa ng may narinig akong nagtext. Kinuha ko ang pouch ko at binuksan yon para kunin yung cellphone ko.

Pagkabukas ko ng cellphone. Nakita kong may 1 message na galing kay Pintura. Sinulyapan ko siya saglit na nakatingin pala sakin, bago ko binuksan ang text niya. Bakit kaya nag text tong baliw na to.

From: Pintura

Don't pout!

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Ano nanaman ang nahithit nito ang pinipigilan nanaman ako sa mga ginagawa ko?.... pero dahil matigas ang ulo ko. Nagpout ulit ako habang nagta-type ng reply.

Hindi mo ko mauutusan, bwisit ka!

To: Pintura

Y u care?

Sinend ko na to, at di nagtagal, nag tumunog ulit ang cp ko. Binuksan ko yon at may reply na agad ang baliw.

From: Pintura

I said, stop doing that! You're making me want to feel those lips on my cheeks again, or better on my lips.

Nag init ang mukha ko ng maalala ko ang nangyari nung isang araw. Yung nahalikan ko sa siya sa sa cheeks.

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya. Ngumisi siya ng nakakaloko ng makitang tumingin ako sa kanya.

Walanya!

Inis na nagreply ako sa kanya na halos mabiyak na ang screen ng cp ko sa pagtatype.

To: Pintura

Shut up! O baka gusto mong maramdaman ang kamao ko sa "cheeks" mo!

Sinend ko agad to. At tumingin ulit sa kanya. Tumawa siya ng mahina ng mabasa niya ang text ko. Nagtype ulit siya at narinig ko nang nagbeep ulit ang cp ko.

From: Pintura

You're blushing! Mas lalo kang gumaganda!

Mas lalong nag init ang mukha ko ng mabasa to.

"Sinong ka text mo?" Tanong ni andrew kaya agad kong pinatay ang ang cp ko.

"S-si raulo" ayokong sabihin na si zach amg katext ko, at baka kung ano ang isispin nila. Nandito pa naman ang fiancé ng baliw na to!

"Sinong raulo? Kaibigan mo?" Takang tanong niya ulit.

Tumango na lang ako. Kay hindi na siya nagtanong. Narinig ko namang tumunog ulit ang cp ko, kaya kinuha ko to at binuksan. May text na naman ang baliw.
     
    
   

From: Pintura

Who's Raulo? May iba kang katext?
     
    
     
      
     

------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
76.6K 2.5K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee
97.1K 3.5K 131
SeΓ±orita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A seΓ±orita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. ...
196K 8.1K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.