The Real Me

By greenloveeee

8 0 0

Akala natin kapag naging better person ka, ay magiging maayos na ang takbo ng buhay mo. Pero mali ang lahat n... More

Prologue
(Chapter 2) Unexpected

(CHAPTER 1) Bully

1 0 0
By greenloveeee

(Kim Alcantara's POV)

Balang araw, magkakatotoo lahat ng iniisip ko ngayon. Gusto ko na matanggap ako ng ibang tao kasi minsan nakakasawa na din mabully at ma-depressed. Hindi lang basta matanggap ng iba, kundi matanggap din ang sarili ko.

Gusto ko muna alisin sa isip ko ang pagkawala ng lolo ko para makapag focus ako sa pag aaral, sa music, at sa pagiging better person.

Habang naglalakad ako sa hallway sa school, nakasalubong ko ang mga babae na kinaiinisan ko. Ang mga babae na walang sawang i-bully ako.

"Hi Kim, kamusta ka na? Pwede ba kami makipagkaibigan?" Sabi ni Dannah habang nakalagay ang kamay nya sa harap ko.

Nagulat ako sa mga sinasabi nya, kase simula first year high school, sila na yung nambubully sa akin. Totoo ba itong nangyayari?

"C'mon Kim, We just want to say sorry sayo, tsaka last year na natin dito sa Wonland bilang high school gusto lang namin na maging maayos tayo sa huling taon natin dito." Sambit ng kaibigan nyang si Lea.

Feeling ko totoo naman yung sinasabi niya. Pero nagdadalawang isip pa din ako.

" Hey Kim, nangangawit na ko oh. "

"Okay." Inabot ko na lang yung kamay nya sign na nakikipagkaibigan na ako.

"But wait, may dumi ata sa mukha mo." Si Lea.

Pinunasan ko ang mukha gamit ang kamay ko. Naisip ko na baka alikabok lang to habang naglalakad ako sa daan kanina.

"Ayan ok na." sabi ni Dannah habang ngumingisi.

"Bye Kim, See ya around!"  Sabi ni Lea habang naglalakad papaalis.

Nagtataka ako sa inasal nila pero kinalimutan ko na lang agad. Naisip ko na pumasok na lang agad sa room namin.

Habang naglalakad, pinagtitinginan at pinagbubulungan ako mga estudyante na nakakasalubong ko. Yung iba tumatawa, yung iba naman nakangisi lang.

Bakit? Ano ba problema nila sakin?

"Kimmy!" Papunta sa harap ko si Gelo na may pag aalala sa mukha.

"Kim, okay ka lang ba? Sino may gawa sayo niyan?"

"Gumawa ng ano?" nagtataka kong tanong.

"Yung mukha mo oh ang daming dumi"

Hindi na niya ako hinintay na magsalita at hinila nya ko sa restroom.

"Linisin mo yang muka mo, maghilamos ka dun." Sabi nya habang may inaabot sa akin na panyo.

Nagtataka ako sa sinasabi nya pero sumunod na lang ako. Isa si Gelo sa malapit kong kaibigan maliban kay Sofie. Kaya naniniwala ako sa sinasabi nya kanina. Kababata ko siya at magkaibigan din ang mga magulang namin. At sa iisang Village lang kami nakatira kaya madalas kami nagkikita.

Nagulat ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Punong puno ng itim na kung ano ang muka ko. Di ko alam kung saan ito galing.

Naisip ko na baka nung nakipagkamay ako kay Dannah. Nalungkot ako bigla. Naloko na naman nila ako.

"Bakit ba hindi ko napansin yung kamay ni Dannah kanina? Di ko man lang napansin na may dumi sa kamay nya at kamay ko kaya ako nagkaganto. Ang tanga tanga ko talaga." bulong ko habang tinatanggal ang mga dumi gamit ang panyo na binigay ni Gelo.

"Hays." Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari. Pinipigilan ko na lang na umiyak sa sobrang kahihiyan. Di pa rin pala sila nagbabago, akala ko totoo na nakikipagkaibigan sila sa akin.

"Okay ka na ba?" tanong ni Gelo paglabas ko ng restroom.

"Oo, Salamat Gelo tinulungan mo na naman ko, lalabhan ko muna yung panyo na binigay mo and isasaoli ko din sayo."

"Wag na Kim, sa'yo na yan. Ok lang." sambit niya.

Mabuti na lang may kaibigan ako na tulad nya. Pogi, matangkad, matalino, mayaman at talented. Kaya hindi na ako magtataka na madaming lumalapit at humahanga sa kanya na babae. Isa na don si Sofie. Simula nung makilala nya si Gelo, gustong gusto nya na ilakad ko sya sa kanya.

"Uy Kim, may problema ba? Kanina pa ko nagsasalita dito oh."

"Sorry Gelo may naalala lang."

"Tara na sa classroom sabay na tayo pumasok."

Habang naglalakad di pa rin maiwasan na madaming tumitingin sa akin, este kay Gelo. Ang pogi kasi eh.

"Ms. Alcantara and Mr. Gonzales, you're late!" Sigaw ni Madam Lily. Isa sya sa masungit na teacher dito sa Wonland Academy. Kaya madaming natatakot sa kanya na estudyante at isa na ako dun.

Pinagbubulungan na kami ng mga kaklase namin at nakatingin ng masama sa amin si Madam Lily.

"Ano? tatayo na lang kayo jan? Sit down!"

"Yes Ma'am." si Gelo.

Habang papaupo kami ni Gelo, kinausap ko sya ng pabulong para di kami marinig ni Ma'am Lily.

"Gelo, sorry napagalitan tayo ni Ma'am. Kasalanan ko to."

"Ok lang yun Kim, wag ka magsorry."

"Salamat Gelo, Sige na makinig na tayo kay Ma'am baka mamula pa yan sa galit" sabi ko. Parehas kami natawa ni Gelo buti na lang hindi kami naririnig ni Ma'am Lily.

After class, dumiretso ako sa Canteen para kumain nagugutom na kasi ako eh.  Pero onti lang kasi diet talaga ako eh Hahaha. Nagpaalam na agad sakin si Gelo kasi sabay daw sila kakain ni Paul.

Bestfriend nya si Paul at parehas silang sikat dito sa school namin. Palagi silang tinitilian at nilalapitan ng mga girls. Hobby nilang dalawa sumayaw. Kaya minsan ini-invite sila na mag perform kasama pa ang ibang members ng dance troup kapag may events sa school.

"Hi Kimmy! buti nakita kita dito, gusto kasi kita kausapin." Sigaw ni Kimmy habang papalapit sa inuupuan ko dito sa Canteen.

"Hello, Bakit ano sasabihin mo?"

"Nabalitaan ko kasi nangyari sa'yo kanina, ok lang ba?"

"Oo okay lang ako, buti na nga lang dumating si Gelo."

"Gusto mo ba sapakin ko na yun, nakakairita na talaga yung dalawang yon." Halatang naiinis na talaga siya.

"Hayaan mo na sila, titigil din yun."

"Hay nako Kim, yan ka na naman sa pagiging mabait mo, kaya naiinis na ko sayo eh. Lumaban ka dn kasi minsan. Ilang taon ka na nila ginaganun, gagraduate na tayo oh, wag mo sila hinahayaan na ginaganun ka nila."

Napaisip ko sa sinabi nya, dapat nga na lumaban naman ako minsan. Pero sa tingin ko wala naman ako laban sa kanila, sigurado ako na pagtutulungan nila ako, magpopost sa facebook, magcocomment ng kung ano ano, babalibagin ng papel, tatarayan ka at kung ano ano pa na masasakit na salita.

"Uy Kim!"

"B-bkt?" sagot ko.

"Kanina pa ko nagsasalita dito oh. Nakikinig ka ba? "

"Ano ba yun?"

"Eto oh nagpost na sila sa Facebook." inis niyang sabi.

[Ang baboy nga naman iba iba uri, pero siya? Baboy ramo. Hahahaha]
(PICTURE)

128 likes
300 comments
15 shares

"Pinost nila sa Facebook yung nangyari sa'yo kanina, hays! naiinis na talaga ko sarap nila kalbuhin. Ang dami dami na tuloy nakakita. Pag talaga bullying ang gagaling nila."

"Wag na Sofie, baka mapahamak ka lang." malungkot kong sabi.

"Kim, tutulungan kita na gumanti sa kanila. Ang sama sama na kasi nila."

"Magsasawa din sila Sofie."

"Hindi na kasi pwede yan Kim, sobra sobra na eh. Araw araw na lang ba nila gagawin to? Hindi na tama, halos four years na Kim, Four years. Please naman gumanti ka naman sa kanila, ayoko na kikita kang ganyan Kim. Alam kong nagtitiis ka lang sa sakit na nararamdaman mo kapag binubully ka nila. Nandito lang ako sa tabi mo palagi pag kailangan mo ko. "

" Salamat Sofie, swerte ko kasi may mabait at maganda akong bestfriend. " pagbibiro ko.

Sa totoo lang anytime gusto nang tumulo ng luha ko, pinipigilan ko lang. Kahit long time bestfriend ko na si Sofie, ayokong makita niya akong ganto.

"Ok ka lang ba Kimmy? tara kumain ka na muna."

"Restroom muna ko Sofie, kumain ka na jan muna. " Nakangisi kong sabi pero di ko talaga mapigilan malungkot.

" Ok ka lang ba talaga? samahan na kita."

"Wag na Sofie, Ok lang ako. See you around!" Kumaway ako nang may pilit na ngiti.

Sinabi ko na sa Restroom ako pupunta pero sa totoo lang ayoko lang na makita niyang ganto ako. Gusto ko maiyak sa nakita ko, sobra sobra ako nahihiya at natatakot.  Tumingin ako sa paligid ko pero di ko napapansin kanina pa nila ako pinagbubulungan at pinagtatawanan. Tumakbo ng tumakbo kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Ang dami ng nangyari sa akin na pambubully pero siguro ngayon, napapagod na ako.

Hanggang sa makarating ako sa paborito kong lugar sa school, dito ako umiyak ng umiyak. Ayokong may makakita sa akin na mahina. Gusto kong matigil na to pero di ko magawa.

Nahihilo na naman ako, ayoko nararamdaman yung ganito eh. Gusto ko nang umuwi pero di ko kaya.

"Kim, ok ka lang ba?" sabi ng lalaki pero di ko na maaninag muka nya dahil nanlalabo na mata ko dahil sa luha.

"Kim, Kim wag kang matutulog. Iuuwi na kita." sabi niya na may pag-aalala.

"Kim, I'm sorry we're late."

Gusto ko makita kung sino yung lalaki na yun pero di ko magawa. Pero naaaninag ko na hindi lang siya nag iisa, may kasama siya.

Pamilyar yung boses nya. Pero di ko maisip kung saan ko narinig.

Darren, ikaw ba yan? 

Di ko alam kung bakit siya yung pumasok sa utak ko, siguro nananaginip lang ako. Siguro sa pagod lang to.

Habang buhat nila ako di ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay.

Hanggang kailan pa ba itong paghihirap na mararanasan ko sa school na ito? Nakakasawa na.....


(Sofie Kei Dela Vega's POV)

Hanggang pag-uwi ko sa bahay hindi ko pa din makalimutan yung reaction ni Sofie kanina. Sobra na akong naaawa sa kanya. Bilang best friend nya, ang sakit na makita siyang malungkot. Alam kong niiyak na siya kanina pero pinipigilan lang niya at pinipilit niyang ngumiti. Kaya sobra sobra ko siyang hinahangaan sa katapangan niya. Ang sama sama ko nga lang na bestfriend kasi wala akong magawa para tulungan siya sa mga bully na bitch na yun. Akala naman nila magaganda sila, mga retokada lang naman.

Hindi alam ng mga taga Wonland na puro retoke lang naman sina Dannah at Lea. Kababata ko silang dalawa kasi magkaklase kami nung elementary. Pero naiinggit sila sa akin nuon kase daw palagi ako yung pinanlalaban sa mga beauty contest, at Quiz Bees. Binully din nila ako nun kase ako yung gusto ng mga crush nila noong elementary. Kaya nung high school kami, nagulat ako na sila pala yun kase nagbago itsura nila.

Gusto kong tulungan si Kim sa dalawa na yun pero natatakot ako kasi baka magsumbong sila Dannah sa mga magulang nila. Hindi ko lang sila kababata, pero mag bestfriends ang mga magulang namin kaya naging magbestfriends din kami nung mga panahon na yun. May share ang family nila sa business namin kaya pag nalaman nila na inaaway ko ang mga anak nila, baka bawiin nila yun at malugi ang pinaghirapan ni Daddy at Mommy.
Sobra akong nalulungkot sa nangyayari kay Kim, baka ma depressed na naman siya. Nagbalak siya magpakamatay nung second year high school kami buti na lang nakita siya ni Tita Keina. Ayokong maulit yun kaya sobra akong naiinis sa sarili ko na mapahamak uli siya.

"Daddy, can i talk to you?" pumasok ako sa office ni daddy at pumunta sa tabi niya.

"What ist it baby girl?"

"Dad, Diba sinabi ko na sa'yo na don't call me baby girl, matanda na ako daddy."

"Sorry anak, syempre dalaga ka na gusto ko lang naman na mapalapit ka pa din samin ng mommy mo."

"Okay Dad, I came here because I want to tell you something. Hindi ako makatulog sa kakaisip."

"What is it anak?"

"Ahm Dad, Si Kim kasi binubully na naman siya nila Dannah at Lea. Nag viral sa Facebook yung ginawa nila kay Kim. Sobra na akong naaawa sa kanya. Please help me dad, I don't know what to do right now." nagmamakaawa kong sabi.

"Ok anak, alam kong nahihirapan ka na din dahil ayaw mo lang mapahamak ang bestfriend mo, pero I'll try my best para matulungan ka. Kakausapin ko parents nila, Okay?"

"Yes dad, sana po hindi ulit mapahamak si Kim."

"I will help you anak, Sige na matulog ka na, Goodnight ija."

"Thank you daddy, goodnight po Loveyou!"

"I love you too daughter. "

After kong umalis sa office ni daddy, Pinuntahan ko muna si mommy sa kwarto nila

"Hi anak, oh bakit hindi ka pa natutulog?"

"I just want to check you mom."

"Matulog ka na anak, may ginagawa pa kasi si daddy mo pero papunta na yun dito sa room namin."

"Yes mommy, Goodnight po loveyou!"

"Goodnight baby, i love you too. "

Buti na lang home based si daddy ngayon sa trabaho niya, kaya napupuntahan ko siya. Sana matulungan ako ni dad para kay Kim. I'm really worried para sa kapakanan ni Kim. Sana maging okay na siya.

Chineck ko muna ang Timeline ni Gelo. Ito yung ginagawa ko bago ako matulog. Pero ilang minutes din di ko namalayan na tuluyan na ako nakatulog.

Sana maging maayos din ang lahat. Sana matulungan na kita Kim.

Continue Reading

You'll Also Like

600K 12.8K 43
i should've known that i'm not a princess, this ain't a fairytale mattheo riddle x fem oc social media x real life lowercase intended started: 08.27...
237K 10.9K 32
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
176K 4.7K 40
" She is my wife, stay away from her!" " Keep trying she will remain mine. " " Show me your scars, I want to see how many times you needed...
162K 5.7K 42
โ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. โž She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...