MEN IN ACTION 3: Venom Montec...

Oleh brose_fire

86.2K 2.6K 7.3K

Badtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba na... Lebih Banyak

Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 9:
Chapter 10:

Chapter 8:

6.7K 225 140
Oleh brose_fire

 

          Chapter 8:

 

 

Kinabukasan, muling pinuntahan ni Venom si Gida sa shop nito. Kailangan pa kasi niyang kumuha dito ng impormasyon para mas mapadali ang panliligaw niya. Abala ito sa pananahi nang dumating siya. May dala siyang kahon ng cupcakes para dito.

"Hello, Gida!" bati niya.

Hindi man lang nagreact si Gida. Tuloy lang ito sa ginagawa.

"Gida..." nilambingan niya ang boses.

Pero nanatili itong snob. Tumaas na ang kilay niya tapos ay nag-isip ng ilang sandali...

"Gida na maganda... Hello!" malambing ulit niyang bati.

Napatigil ito sa ginagawa at napatingin sa kanya.

"Ano iyon, Kuya?" malambing nitong wika.

"Magandang Gida, puwede ba kitang makausap?"

Excited itong tumayo at lumapit sa kanya.

"Sure! Ano ba iyon, Kuya?"

Napangiti siya ng maluwag sa tawag nito sa kanya. Kagaya ng dati, naupo sila doon sa mesa na malapit sa bintana.

"Para sa'yo, oh." inabot niya dito ang dala.

Agad iyong kinuha ng huli at tuwang-tuwa ito ng tiningnan ang laman.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Kuya?" malambing nitong tanong.

Sumeryoso ang mukha niya at huminga siya ng malalim. Amuse itong napatingin sa kanya.

"Napansin ko lang... Bakit may pagka-manhater ang ate mo? May nanakit na ba dati sa damdamin niya, ha?"

Nawala ang ngiti ni Gida at sumeryoso ang mukha na napatingin sa kanya. Yumuko ito at pagkatapos ay alanganing tumingin ulit sa kanyang mukha.

"Ikaw, mabait ka lang ba sa akin kasi may gusto ka sa ate ko?" bigla nitong tanong.

"Siyempre."

"Hmf!"

Sumimangot ng todo si Gida sa kanya.

"Pero hindi ibig sabihin noon, na mabait lang ako dahil lang doon. Hindi pa naman kasi tayo gaanong magkakilala eh. Sa palagay ko nga eh, magkakasundo tayo sa maraming bagay..."

"Charot ka naman, binobola mo na ako."

"Gida, sagutin mo na naman ang tanong ko oh. Please...?" pakiusap niya.

Huminga ito ng malalim.

"Alam mo kasi... Noong mga bata pa kami ni ate Abby... Madalas siyang inaasar, tinutukso at binu-bully sa school dahil nga sa bading ang aming si Mamay Lab. Karaniwan sa kanila ay mga kaeskuwela niyang lalaki na madalas siyang pagtripan. Dahil doon, nagtanim siya ng matinding galit sa mga kalahi mo. May kinagat nga siya dati ng dahil sa akin eh... Ang mga pinsan lang namin na mga baliw ang tanging mga lalaki dito sa mundo ang hindi niya pinagtaniman ng galit. Kaya kung gusto mo talaga ang ate ko, magsumikap ka!"

Natawa siya ng bahagya sa huling sinabi nito. Pero bigla din siyang sumeryoso. Kaya pala ganoon na lang ang takot na nakikita niya sa mga mata nito. Natatakot itong mapaglaruan, iyon ang dahilan ng katapangan nito.

"May mga nanligaw ba sa ate mo?" tanong ulit niya.

"Marami. Itong ganda ba naman ng lahi namin eh mauubusan ng manliligaw? Siya iyong tipo na kapag hindi niya type, binabasted niya agad. Hindi siya iyong tipo na nagpapaasa. Hanggang sa may nanligaw sa kanya na talagang gusto niya. Pero mabuti na lang, di niya sinagot agad ang lalaking iyon..."

Napakagat sa labi si Gida at alanganing tumingin sa kanya.

"Anong nangyari?" untag niya.

"Kasi, niligawan din ako ng hinayupak na iyon eh! High school ako noon, third year at si ate naman, second year na sa pag-aaral ng veterinary. Pinagtripan kaming magkapatid, pinagpustahan ng mga lalaking iyon kung mag-aaway kaming dalawa o hindi... Mabuti na lang, natuklasan namin ang bagay na iyon bago pa siya sagutin ni ate... Pero alam mo, nasaktan talaga siya ng husto sa nangyari na iyon... Mula noon, lahat ng manliligaw niya... Ni-reject niya. Naging mailap siya sa lalo sa mga lalaki..."

Gigil na nilaro ni Venom ang kanyang mga daliri sa mesa. Bigla siyang nakaramdam ng galit... Napakasama ng lalaking sinasabi ni Gida. Gago man siya pero hindi siya ganoon kababaw.

"Gusto niyo bang makaganti sa hinayupak na sinasabi mo? Ibigay mo sa akin ang pangalan niya at ha-huntingin ko siya. Kaya ko siyang tapusin, anytime." seryoso niyang wika.

Napangalumbaba si Gida at huminga ng malalim.

"Huwag na, Kuya. Binugbog na siya nila Kuya Siegfried noon. Naospital nga ang tarantado eh. Ganoon pa man, nasaktan pa rin ang ate Abby ko at hindi na mababago iyon. Kaya ikaw, kung pinagtritripan mo lang siya... Pakiusap lang, tumigil ka na lang."

"Tingnan mo nga akong mabuti, Gida. Mukha ba akong loser?!"

Tiningnan nga siya ni Gida, kumagat ito sa pang-ibabang labi at kinikilig na ngumiti.

"Hindi ka mukhang loser, pero ang hot mo... Eeeeh!!..." tili nito.

Natawa siya sa naging reaksyon nito. Sumandal siya sa upuan at napatingin sa labas. Kung sino man ang loser na nanakit sa damdamin ni Abby noon... Huminga siya ng malalim, mahihirapan siya nito... Pero wala sa bokabularyo niya ang salitang sumuko. Sa laban, siya ang nagpapasuko... Tumayo na siya at sumaludo kay Gida.

"Salamat ah., magandang Gida!"

Kumindat siya dito bago lumabas. At iyon, narinig na naman niya ang maingay na tili doon sa loob ng shop. Napatigil siya sa paglalakad ng makarinig siya ng malakas na sitsit. Lumingon siya sa pinanggalingan noon at ang Mamay Lab ni Abby ang nakita niya. Nakapamaywang ito sa harap ng parlor nito at sinenyasan siya nitong lumapit. Ngumiti siya ng alanganin nang lumapit siya dito dahil seryoso ang mukha nito at nakatikwas ang mga kilay sa kanya.

"Bakit po?" magalang niyang tanong.

"Eh anong bakit po? Ikaw, kung manliligaw ka sa anak ko... Puwede bang huwag mong daanin sa akyat-bahay, ha?"

Napabuka ang labi ni Venom pero hindi siya makasagot... Nahihiya siyang tumingin sa mukha nito at napakamot siya sa kanyang batok.

"S-Sorry po..." hinging paumanhin niya.

"Hindi ko naman ipinagbabawal ang panliligaw sa anak ko. Dalaga naman siya at normal ang bagay na iyon. Pero sana naman, ligawan mo siya sa maayos na paraan. Huwag ganoon, okay? Ayaw kong magising na lang na biglang nawawala ang anak ko. Hindi ko kakayanin iyon, kapag nagkataon." sermon pa nito sa kanya.

"Pasensiya na po, hindi ko na po uulitin. At huwag po kayong mag-alala kasi kapag hindi ako sinagot ng anak niyo... Ipagpapaalam ko naman po sa inyo kung kailan ko siya itatakbo."

Tumawa siya ng pilyo. Pero nakatikim siya ng pingot sa tenga.

"Loko!" gigil pang wika ni Mamay Lab.

Samantala... Panay ang sulyap ni Abby sa pinsan niyang si Andrew. Nagpapahinga sila ngayon kubo na malapit sa stable. May hawak itong gitara at kumakanta ito ng...

"You can kiss me in the moonlight on the rooftop under the sky. You can kiss with the windows open while the rain comes pouring inside, yeah. Kiss me in sweet slow-motion, let's let everything slide. You've got me floating, you've got me flying! It's the way you love me. It's a feeling like this, it's centrifugal motion. It's perpetual bliss. It's that pivotal moment, it's a subliminal! This kiss, this kiss... It's criminal!"

Bigla itong tumigil sa pagtipa ng gitara at pagkanta ng mapansin siya nito.

"Bakit?" nakangisi nitong tanong.

"Hindi bagay sa'yo ang kinakanta mo. Pambabae ang kantang iyan." comment niya.

Tumingin ito sa songbook na nakalapag sa harapan nito.

"Huh, huh... Hindi bagay sa akin ang kanta o may naaalala ka lang?"

Natigilan siya sa sinabi ng pinsan niya at nag-init ang mga pisngi niya. Mataray siyang tumingin dito.

"At ano naman ang maaalala ko, aber?" mataray niyang tanong.

"Mga pusang naglalampungan sa bubong?"

Napaubo siya ng wala sa oras at napahawak sa kanyang lalamunan.

"At saan mo naman nakuha ang ideya na iyan, ha?"

"Narinig ko kasi kaninang umaga na nagkukuwentuhan sina Papa at Tito Lab... Ang sabi ni Tito Lab, may nakita daw siyang dalawang pusa na naglalampungan doon sa tuktok ng bubong ng bahay niyo. Totoo ba iyon, Abby?" may halong panunudyo ang boses nito.

Umiwas siya ng tingin at tumingin sa malayo. Nanghaba ang nguso niya dahil sa simangot.

"E-Ewan ko, maaga akong natulog kagabi eh." wika niya.

"Ah, ganoon ba?"

Tumawa ito ng mahina. Muli nitong ibinaling ang atensyon sa songbook. Inilipat nito ang pahina.

"Tara, duet tayo. May nahanap akong magandang kanta." untag nito sa kanya.

"Wala ako sa mood." sagot niya.

"Ay, sayang naman!"

Nagsimula na itong tumipa ulit sa gitara. Medyo pamilyar sa kanya ang kanta. Hobby nilang magpinsan ang kumanta kapag ganitong nagpapahinga sila. Iyon nga lang, wala talaga siya sa mood ngayon. Where are you by Justin Roman ang kinakanta nito ngayon.

"How does she laugh, how does she cry? What's the color of her eyes? Does she even realize I'm here? Where is she, where is she? Where is this beautiful girl? Who is she, who is she? Who's gonna complete my world?"

Ngumiti siya ng pilya sa kanyang pinsan.

"Dedicated ba sa sarili mo iyan?"

"Oo."

Hindi na siya nagcomment. Mas gusto talaga niyang kasama si Kuya Andrew kaysa doon sa kakambal nitong si Adam. Mas matino kasi itong kausap.

"Uy, parating ang isang pusang-gala." wika nito.

Napatingin siya sa tinitingnan nito at si Venom ang nakita niyang parating. Panay ang pisil nito sa kaliwang tenga. Ngumiti ito ng makita siya. Gumanti din siya ng matipid na ngiti.

"Napano iyan?" tanong niya.

Panay pa rin kasi ang pisil nito sa kaliwang-tenga nito na pulang-pula na. Tumingin ito kay Andrew na busy sa pagsa-sountrip. Hinila nito ang kamay niya at pasimple siya nitong inilayo.

"Bakit..?" alanganin niyang tanong.

"Piningot ako ni Mamay Lab. Nakita pala niya tayo kagabi, he he. Nasermunan niya ako ng todo."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Alanganin siyang napatingin sa pinsan niya. Hindi ito nakatingin sa kanila.

"Wala akong narinig." bigla nitong wika.

Hinila niya palayo si Venom at nagulat ito sa kanyang ginawa. Halos kaladkarin niya ito.

"Anong sinabi niya sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.

Sumeryoso ang mukha nito at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat. Kinakabahan siya sa uri ng tingin nito.

"Makinig ka, sinabi niya sa akin na kailangan daw kitang pakasalan sa lalong madaling panahon. Kailangan kitang panagutan agad."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.

"T-Totoo bang sinabi niya iyan?!" gulat niyang wika.

"Oo..."

Malapit na siyang maniwala pero nakita niya ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Inis niyang dinaklot ang kuwelyo ng t-shirt nito.

"Ikaw... Niloloko mo ako, ano? Halatang nagsisinungaling ka eh!" pakli niya.

"Eeeer... Halata ba?" nakakaloko nitong tanong.

"Oo, halatang-halata! Baliw ka-Eeeeh!!!.."

Bigla siyang napatili kasi bigla siya nitong hinalikan sa labi niya. Mabilis lang ang halik na iyon pero may diin. Nagulat siya ng sobra kaya siya napatili. Nakakaloko itong ngumiti sa kanya.

"Grrrr!... Asar ka, asar ka!" naiinis niyang wika.

Nagulat siya ng hawakan nito ang mga braso niya at hilahin siya palapit dito. Ipinulupot nito ang mga kamay niya sa likod nito at mabilis siyang niyakap ng mahigpit. Natuliro siya sa ginawa nito at parang hindi siya makapaniwala. Sinubukan niyang makawala pero masyadong mahigpit ang yakap nito sa kanya. Maang siyang napatingin sa mukha nito na seryoso.

"Hindi mo kailangang matakot... Kaya please, sumuko ka na sa akin?"

"H-Huh?" nagulat siya.

Hindi ito nagsalita pero marahan nitong ipinasandig ang ulo niya sa balikat nito. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil gusto niya ang pakiramdam na nakakulong siya sa mga bisig nito. Mariin siyang napapikit at pakiramdam niya, ipinaghehele siya. Wala siyang ibang nararamdaman kundi kapayapaan at saya. Parang napunan ang anumang kulang sa buhay niya. Kusa siyang gumanti ng yakap.

"Sumusuko ka na ba sa akin, ha?"

Iminulat niya ang kanyang mga mata ng magsalita ito. Parang gusto na yata niyang sumuko agad, tapos... Bigla na naman siyang nakaramdam ng takot na hindi niya kayang alisin.

"No..."

"Duwag ka pala talaga kung ganoon. Wala kang kasing duwag." bigla nitong wika.

Natigilan siya sa sinabi nito... Tinawag siya nitong duwag. Tumingin siya kay Andrew, pero wala na ito sa kubo. Nakita na lang niya ito na naglalakad sa malayo, dala ang gitara at songbook.

"Hindi ako duwag! Tsaka, bakit naman ako susuko sa'yo, hindi naman ako isang kriminal?" balik niya.

Lumuwag ang yakap niya dito, gusto na niyang kumalas pero mahigpit na nakapulupot sa kanyang katawan ang mga braso nito.

"Hindi ka nga kriminal, pero gusto kitang pasukuin sa piling ko. Kung hindi ka duwag, bakit hindi ka pa sumuko sa akin ngayon?"

Naiinis siya at hindi makapaniwala sa sinasabi nito.

"Kung hindi ka susuko sa akin ngayon, hahalikan kita. O gusto mong halikan muna kita bago ka sumuko? Magsabi ka, ano ang gusto mo?"

Napaubo siyang bigla kasi nasamid siya ng wala sa oras. Gulat siyang napatingin sa mukha nito.

"Wala akong gusto sa sinabi mo. Pakawalan mo na lang ako."

"Kung gusto mong pakawalan kita, halikan mo muna ako. Kaya mo bang gawin iyon?"

Ngumiti ito ng matipid at nanunudyo ang mga mata nito ng mapatitig siya sa labi nito.

"I dare you, Abby." hamon pa nito.

Tumikwas ang mga kilay niya.

"Eh kung basagin ko na lang ulit iyang mga itlog mo para matauhan ka na?!" banta niya.

"Go ahead. Basta ba handa kang magbayad kapag naningil ako... I swear, higit pa sa halik ang matitikman mo kapag itinuloy mo ang balak mo. Gawin mo na, huwag kang puro banta."

Natameme na siya at tuluyan nang nablangko ang utak niya. Hindi niya kaya ang laro nito, talung-talo siya. Sa bandang huli, kinailangan niyang mamili sa mga choices na ibinigay nito.

"K-Kapag pumayag ba ako na halikan mo ako. Pakakawalan mo na ba ako?"

"Hmm... Oo naman, at ibig sabihin noon... Sinasagot mo na ako. Unless, ikaw ang hahalik sa akin. Pakakawalan kita ng walang kundisyon."

Nagtiim ang mga bagang niya at gigil na tumingin dito. Nahahamon talaga ang katapangan niya sa lalaking ito.

"Fine!" sagot niya.

Pagkatapos noon pumikit siya ng mariin at hinalikan niya ito. Willing nitong tinanggap ang halik niya at mabilis nitong sinakop ang labi niya. Lalo na ang buong pagkatao niya. Napayakap siya dito kasi para siyang matutunaw sa mga sandaling ito. Siya ang unang kumalas sa halik na iyon at humihingal siya... Napalunok siya at matamang tumingin sa mukha nito.

"G-Ginawa ko na. Pakawalan mo na ako."

Tumaas ang kanang-kilay nito at ngumiti ng pilyo. Nasenyas ito ng peace sign sa ere.

"Binabawi ko na ang sinabi ko na duwag ka. Matapang ka naman palang talaga. Hindi ka natakot sa hamon ko. Pero... Nabitin ako eh, sorry!"

Bago siya makahuma ay bigla siya nitong hinalikan. Hindi siya makatanggi kasi hindi niya magawa... They kiss again and then, BLAG! Biglang napatigil sa paghalik sa kanya si Venom. May humampas sa likod nito at galit itong napalingon. Si Andrew ang nabungaran nila, seryoso ang mukha at ang gitara nito ang inihampas nito kay Venom. Lumayo ng bahagya si Venom sa kanya at alanganing napangiti kay Andrew.

"H-Hi!" alanganin nitong wika.

Isang malakas na suntok sa mukha ang biglang tumama sa mukha ni Venom. Natumba ito, pero sa kabila ng lahat ay nagawa pa rin nitong ngumiti kahit na pumutok ang labi.

"Kanina ka tumutuka. Ang kapal ng mukha mo." wika ni Andrew.

Namula si Abby at hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin. Nahihiya siyang tumingin sa mukha ng kanyang pinsan pero blangko ang mukha nito. Nakatingin ito kay Venom na marahang tumayo at abala sa pagsalat sa pumutok na labi.

"Umalis ka na dito dahil hindi ito ang tamang lugar para sa panliligaw. Nakakaisturbo ka na. Hinayaan ko na kayong magkaroon ng privacy kanina pero masyado kang mapagsamantala!" sermon ni Andrew.

Cool lang na tumingin si Venom dito. Nagkibit-balikat.

"Sorry, bro. Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Nakaka-addict..."

Pagkatapos noon ay tumingin si Venom kay Abby na tuliro. Kumindat ito at bago pa makahuma ang dalaga ay naglakad na ito paalis. Sabay pahabol ng...

"See you tonight, sweetie! Aakyat ulit ako ng ligaw! Bye!"

Kumaway-kaway pa ito at nag-flying kiss kay Abby. Nahihiyang tumingin ang huli sa kanyang pinsan... Kung kanina ay seryoso, ngayon ay nakangiti at naunukso ang tingin.

"Dahil nagpaligaw ka dito ng wala sa oras... Late kitang pauuwiin, pinsan."

"H-Hindi ka galit?" tanong ni Abby ng makahuma siya.

"Oh, bakit naman ako magagalit? Mukhang masaya ka naman eh. Kung ako sa'yo, sagutin mo na. Huwag kang matakot dahil marami naman kaming mga pinsan mo na willing gumanti kung sakali..."

"K-Kuya..."

Hindi na lang siya nagsalita. Bagkus, napakagat na lang siya sa pang-ibaba niyang labi... Pero parang mali ang ginawa niya kasi parang nalasahan niyang bigla ang labi ni Venom... Apple-mint yata?!


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.7K 61 24
The Memories that she's trying to exscind and fortake. Would she get away from these? Matatangap niya ba ang batang nagbunga sa pambababoy ng lalaki...
77.8K 1.5K 12
"Mahirap ngang lunukin ang pride, pero mas mahirap kung mawawala nang tuluyan sa 'yo ang taong mahal mo." Matigas ang ulo, mapagmataas, tamad at maya...
69.1K 2.7K 38
Nainlove siya sa isang bakla na hindi niya naman nabago? Kaso trip niya talaga bakla eh kaya nakabingwit nanaman ng hot na bakla.
569 23 21
Minsan ang kwento tungkol sa good girl and bad boy. Pero what if may makatapat si Bad boy na isa ring trouble maker. May sparks bang magaganap. O pur...
Aplikasi Wattpad - Akses fitur eksklusif