RUTHLESS ASSASSIN [BOOK III]

By QuinnNoCrown

7K 201 45

"If karma strikes and played with you, don't stop it. Play with it, instead." -Yuyan Jang More

RUTHLESS ASSASSIN Book Three
Intro
Chapter 1: After Marraige
Chapter 2: When an Assassin Jealous
Chapter 3: A Whore?
Chapter 5: Katrina
Chapter 6: Paul
Chapter 7: The Unknown Man

Chapter 4: I'm Not Just a Girl

517 23 4
By QuinnNoCrown

YUYAN

OUR DAYS passed with usual routines. Hinatid muna namin ni Gunner ang tatlo sa LordsVille bago ko siya ihatid sa trabaho niya. Ang gusto niya ay mag-isa na lang siyang maghahatid sa tatlo, pero tumanggi ako. Didiretso kasi ako sa airport ngayon para sunduin si Akiro at Aeronella. Kaya naisipan ko ng sumabay sa kaniya.

I parked the car when we reached the Sandoval building.

"Be careful." Aniya at hinalikan ako sa noo.

"You should be the one who be careful. There's a lot of different snakes inside that building." Makahulugan kong wika.

He chukled. "Don't worry, they can't beat you. You're the best snake I ever had." He said and ruffled my hair, bago siya bumaba ng sasakyan. Pinanood ko lang siya naglakad papasok ng building. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang humarap siya sa akin. He just gave me a flying kiss like a kid. I just chuckled and waved at him before leaving the area.

After minutes of driving, I reached the airport where Akiro and Aeronella's waiting. I smiled when I saw them looking around. Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad palapit sa kanila.

"Hey." Pagkuha ko sa atensyon nila.

Tumingin silang dalawa sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na yakap-yakap na ako ni Aeron.

"Ghad! I missed you, Amber!" Naluluhang wika nito.

I just patted her back and let her cried. As I looked at Akiro who just bowed at me. I gestured my hand for him to come over, so he did. Kahit yakap-yakap pa ako ni Aeronella, hindi ako nabigong guluhin ang buhok ni Akiro.

"It's been two years. Mukhang guma-guwapo ka, ah?" Puna ko dito.

He's wearing his usual attire. Black coat, pants and a pair of black shoes. Ang nagbago lang sa kaniya ay ang kaniyang buhok na dati ay itim, blonde na ngayon.

Bahagya lang siyang ngumiti at yumuko. Hanggang sa kumalas na si Aeron sa pagkakayakap sa akin at nagpunas ng pisngi. She then looked at me wearing her pouty lips.

"Ako? Wala ka bang napansin sa akin?" Tanong niya.

I chuckled and checked on her. There's a bit changes on her. Her long hair into short. Maging sa pananamit ay nag-iba din. Hanggang sa mapataas ang kilay ko nang mapansin ang sapatos niya.

"You're wearing heels now?" Puna ko.

Mabilis naman siyang tumango at umikot pa sa harapan ko. Pagkatapos ay inakbayan si Akiro na parang tropa niya.

"Presenting! Mr. Akiro Ji Kang, who patiently teached me on how to wear such heels!" Pagmamalaki nito at ginulo ang buhok ni Akiro.

Muling napataas ang kilay ko habang tinititigan si Akiro. "I'm doubting 'bout your gender now." Mahina kong wika.

Bahagya lamang na ngumiti si Akiro bago kumalas si Aeron sa pagkaka-akbay. "Ano ka ba! Straight 'yan!" Pagtatanggol ki Aeron. "Ilang taon kayong magkasama ni Akiro, ngayon ka pa magdududa sa kasarian niya?" Dagdag nito.

Nagkibit-balikat na lang ako. "Shall we go?" Tanong ko. Tumango naman silang dalawa.

Dumaan muna kami sa isang restaurant para mananghalian. Nagkuwentuhan pati kami sa mga bagay-bagay na nakaligtaan namin sa loob ng dalawang taon.

Aeron and Akiro leave for about two years, para tulungan si Makoto na i-handle ang Imperial Group. May mga nangyari kasing hindi inasahan ang kompanya. Like someone stole a hundred millions of dollars on our company. And Aeron did the job to traced the culprit, sinamahan na rin siya ni Akiro para bantayan. They spent a lot of time, knowing who was behind that stolen money. His one of our board member. Nang malaman ko iyon, gustong-gusto ko itong patayin, but Akiro stopped me. They sent him to our dungeon to hell, and starve him to death. Time passed but we still do unkind things.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. The two went straight to their rooms, habang ako ay nanood na lang ng telebisyon. I spend the rest of my hours by watching tv, bago magtungo sa LordsVille para sunduin ang tatlo.

Ipinarada ko na ang sasakyan sa cafe na nasa harapan ng school at lumabas. Kalahating-oras pa bago sila mag-uwian, kaya nagtungo muna ako sa cafe na nasa harapan ng school.

"Good afternoon, Maam." The girl in the counter greeted me with a smile on her face.

I just nodded and ordered. Pagkatapos ay lumabas na ng cafe at naupo sa mga silyang nasa labas nito. I crossed my leg and take a sip on my coffee, watching the cars passing by. Then a suddenly memories popped out in my mind. When I looked at the huge gate in front of me. The gold plated school's name written above.

LordsVille Academy...

The school where everything started. Where many students involved in my mission. Where I met Trigine, the Queen wanna-be. Where I met the martyr, Stephanie. Where I found a great friends. Where I learned to make friends and cared. Where I experience being bullied. Where I met Gunner. The school where I created chaos. The school I saved.

I scoffed.

Nahh... LordsVille, own a big part of my life, ha?...

Nahinto na lang ako sa pag-iisip nang makitang magbukas ang gate ng school. The pupils bid their goodbyes to their friends, even the school guards. Tumayo na ako at itinapon sa basurahan ang cup na ininoman ko. Pagkatapos ay naglakad palapit sa sasakyan dahil nakita ko na ang kambal na kalalabas lang ng gate. They waved to their friends, hanggang sa makita ako ni Toshi. Toshi stopped and looked their left and right. Nang wala siyang makitang sasakyan ay mabilis niyang hinila si Riyu at tumawid ng kalsada papunta sa akin.

"Hi, Mom!" Toshi said and hugged me.

"Hey. How's school?" Tanong ko.

He smiled. "The usual, Mommy. I got the highest score on our activity." sagot niya.

"You did great. But don't forget to play also." Sambit ko.

Tumango naman siya kaya ginulo ko lang ang buhok niya at tinapunan ng tingin si Riyu na abala sa pagkain ng cotton candy.

I sighed. How to get rid on his sweets obsession.

"I told you, don't eat too much sweets. Masisira ang ngipin mo, Riyu." Paalala ko.

Tinignan niya ako at biglang nagulat. "Oh! You're here, Mommy." Aniya at mabilis na itinago ang cotton candy sa likuran niya na parang hindi pa ako napansin. "Uhm- pangalawang cotton candy ko pa lang po ito." Aniya at ngumuso.

Huminga na lang ako ng malalim. "Okay. Get inside, hihintayin pa natin ang kuya niyo." Sambit ko. Tumango naman ang dalawa at ginawa ang sinabi ko.

Habang ako ay nakasandal lang sa sasakyan at hinintay si Colton. Mas nauuna kasi ang uwian ng mga bata kumpara sa Junior. I just crossed my arms and tapping my feet while waiting. Paminsan-minsan ay sinisilip 'yung kambal sa loob ng sasakyan. Toshi busy with his books, while Riyu is busy eating his cotton candy.

Ibinalik ko ang tingin sa gate na muling nagbukas. Nagsilabasan na ang mga estudyante kaya umayos na ako ng tayo. I looked at every students coming out from the gate, but my forehead creased when the last student came out was not the one I've been waiting for.

Minutes passed but there's no signs of Colton. Hanggang sa isara na ang gate. May mangilan-ngilan pang estudyante na tumatambay sa harap ng school o 'yong iba ay naghihintay ng sundo nila. Mas lalong kumunot ang noo ko nang may mapansin akong estudyante na nagtatakbuhan patungo sa hindi kalayuan. May mga sinasabi sila na hindi ko naman maintindihan dahil malayo ako sa kinaroroonan nila. But based on their faces, something happened. Hanggang sa maramdaman kong uminit ang katawan ko. Bigla na lang akong kinabahan sa hindi malamang kadahilanan.

Huminga ako ng malalim at sumakay na ng sasakyan. Busy parin ang dalawa sa sarili nilang mundo. Kaya nagmaneho ako ng dahan-dahan, habang sinusundan ang mga estudyanteng nagtatakbuhan. Hanggang sa ihinto ko ang sasakyan. Nakatingin parin ako sa mga estudyanteng papasok sa eskinita. Sa pagkakataong ito, ay mas kinutuban akong may nangyayaring hindi maganda.

Tumingin ako sa kambal bago magsalita. "Toshi and Riyu, just wait me here. Lock the door and don't go outside." Bilin ko.

Nagtataka man ang dalawa ay tumango na lamang sila. Bumaba na ako at sinigurong nakalock na ang pinto ng sasakyan, bago tumawid ng kalsada. Tinahak ko ang daan papuntang eskinita kung saan ko nakitang pumasok ang mga estudyante. Makitid lang ang daan at may kadiliman. May mga upos din ng mga sigarilyo at basyo ng mga alak. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng hiyawan. Mukhang nagkakasiyahan sa hindi kalayuan.

Isinuksok ka ang dalawang kamay sa bulsa at tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng ingay. At halos kumunot ang noo ko nang makita ang nagaganap sa lugar na iyon.

There are many students puffing their smokes. Laughing their ass loud, shouting like there's no tomorrow. The area filled with smoke, like a hell. Huminga ako ng malalim at sumandal sa pader na may kadiliman, bago ilibot ang paningin sa mga estudyante. Karamihan ay lalaki, iilan lang ang mga babae. Abala sila sa mga ginagawa dahil hindi man lang nila ako napansin.

Hanggang sa may isang grupo ng mga lalaking lumitaw. Hindi sila nakasuot ng mga uniporme at mukhang mas matanda sa mga batang narito. Pinagmasdan ko lang silang makipagkamayan sa mga estudyante hanggang sa magtiim ang bagang ko nang makita ang isa sa kanila. May hawak itong babae na mukhang natatakot sa lugar at hawak naman nito sa braso ang isang lalaking nakayuko na hindi malaman ang gagawin.

Dahil hindi ko masiyadong marinig ang pinag-uusapan nila ay nanatili lang akong tahimik at pinanood sila. Nag-uusap at nagtatawanan lang ang mga ito, maya-maya ay sinusulyapan ang lalaking kanina pa nakayuko.

Hanggang sa may tatlong lalaking muling lumitaw, base sa itsura nila ay may edad na ang mga ito, kumpara sa mga batang nandito. Pagkatapos ay nakipagkamayan sa naunang grupo, bago tignan ang lalaking nakayuko. Huminga ako ng malalim nang nagsimulang magtudyuhan ang mga estudyanteng naroon.

Nagtiim na lang ang bagang ko nang makita ang lalaking napaupo sa semento dahil sa pagkakasuntok ng isang lalaki. Gumawa ng pabilog na kumpulan ang mga estudyante habang pinapanood ang susunod na mangyayari.

Naghiyawan ang mga ito, nang muling dumapo ang kamao ng lalaki sa mukha ng binata. Naglakad ako palapit sa kumpulan, nang muling dumapo sa mukha ng binatang kanina ko pa hinihintay sa labas ng eskwelahan.

"Colton! Please! Bitawan niyo ako! Ano ba!?" Nagmamakaawang sigaw ng babae habang nagpupumiglas.

Ngunit nagtawanan lang ang mga naroon na parang mas nasisiyahan pa sa nasasaksihan.

"Turuan mo ng leksyon ang isang 'yan!" Sigaw ng isang lalaki.

Ngumisi naman ito at may kung anong dinukot sa likuran. Napasinghap ang ilan nang makita ang hawak nitong makinang na bagay.

"Tuturuan ko talaga siya ng leksyon!" Sigaw nito at iniangat na ang patalim na hawak upang sana ay saksakin si Colton, ngunit mabilis ang nagtungo sa harapan ng lalaki at pinigilan ang gagawin.

Nanginginig ang mga kamay nito habang sinusubukang kumawala sa pagkakahawak ko.

"I let you punched my son's face for three times, but stabbing him is not an exemption." Nakangising sambit ko habang walang emosyong nakatingin sa kaniya.

"S-Sino ka ba!? Bakit ka nangingialam dito!?" Singhal nito sa akin. Mas matangkad pa ito sa akin ngunit wala akong pakialam.

I just scoffed. "Nakakaintindi ka ba ng english?" Tanong ko, dahilan upang kumunot ang noo niya. "Anak ko ang sinuntok mo ng tatlong beses." Panimula ko at nilingon si Colton na duguan na ang mukha, bago ibalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. "Kung hindi ka naghahanap ng sakit ng katawan, umalis ka na sa harapan ko." Dagdag ko at tinalikuran siya. Pagkatapos ay tinulungan si Colton na tumayo.

"M-Mommy I-"

"Umuwi na tayo." Iyon lamang ang nasabi ko at pinulot ang bag niya.

Ngunit hahakbang pa lang sana ako, nang maramdaman ang bagay na papalapit sa likuran ko. Mabilis ko itong hinuli at tinignan ang lalaking inundayan ako ng patalim niya.

"Backstabbing me, huh?" Tanong ko at ngumisi bago ibigay kay Colton ang bag niya. Naramdaman kong tumabi siya ng kaunti at binigyan ako ng espasyo. "Sinabi ko na sa'yo na umalis ka na sa harapan ko, hindi ba?" Dagdag ko at hinarap na siya.

Natawa ito ng bahagya maging ang mga estudyante at tambay na naroon. "Anong tingin mo sa akin, duwag?" Maangas nitong wika at tumingin sa likuran ko. "Hoy, Totoy! Ang lakas ng loob mong magsumbong sa nanay mo! Wala rin namang binatbat sa akin!" Dagdag nito at tinignan ako, bago ako hampasin sa braso. "Kung ako sa'yo misis, umalis ka na. Masasaktan ka lang!" Mayabang nitong wika, dahilan upang magkantiyawan ang iba.

Napailing na lang ako at ngumisi. "Magpustahan pa tayo." Panimula ko dahilan upang kumunot ang noo niya. Nag-skwat ako at pinulot ang patalim na nasa semento. Gumuhit ako ng korteng pabilog mula sa kinatatayuan ko, maliit lamang ito.

"Kapag napaalis mo ako sa bilog na ito, maaari mong gawin ang gusto mo sa anak ko. Kahit saktan mo rin ako kung gusto mo." Nakangisi kong panghahamon.

"Huh! At nagyabang pa-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Pero kung ako ang mananalo, puputulin mo sa harapan ko mismo ang walang kwenta mong kamao." Pagpapatuloy ko na ikinagulat niya.

Natawa ito at umismid. "Nagpapatawa ka ba?! Ako pupu-"

Pinutol ko siyang muli. "Hindi ka naman siguro duwag, hindi ba?" Panghahamon ko at tinignan ang nga taong naroon, na nagsimula ng kantiyawan siya.

"Kaya ko 'yan, Fred! Babae lang 'yan!" Sigaw nila.

Ngumisi lang ako at ibinalik ang tingin sa tinawag nilang Fred. May pag-aalalangan ito ngunit pinipilit niya itago at palitan ng pagyayabang. Ilang minuto pa bago niya napag-isipan ang sinabi ko.

"Sige! Payag ako! Babae ka lang naman!" Sigaw nito na ikinatuwa ng iba. Mas lalo na ako.

Tumango ako at inihagis sa kaniya ang patalim niya. Hindi niya ito nasalo at nahulog sa semento. Napailing na lang ako nang makita ang inis sa kaniya.

"M-Mommy..." Nag-aalalang wika ni Colton. I just looked at him and give my reassuring smile, bago muling ibalik ang tingin kay Fred.

Umayos lang ako ng tayo habang pinapanood siyang inihahanda ang sarili sa pagsugod. Pinaiikutan pa niya ako at humahanap ng tiempo para ako'y kantiin.

Huminga ako ng malalim. "Go on, punch me." Tudyo ko na ginawa naman niya. Ngunit sinangga ko lang ito at itinulak ang kaniyang kamao. "Iyon lang ba ang kaya mo?" Tanong ko.

Itinagilid niya ang ulo at inundayan ako ng sipa. Ngunit mabilis ko lang hinuli ang paa niya at inikot ito, dahilan upang bumagsak siya sa semento. Napasinghap ang mga naroon dahil sa nasaksihan. Kapansin-pansin ang inis sa mukha ng nasabing Fred habang tumatayo. Nagsimula siyang paulanan ako ng suntok, ngunit mabilis ko lang itong naiilagan at nasasangga. Nang makahanap ng tiempo ay sinikmuraan ko siya. Napaatras ito habang hawak-hawak ang sikmura. Maya-maya ay napapaubo at tila naghahabol ng hangin.

Ngumisi lamang ako. "Iyon lang ba ang kaya mo? Ni hindi mo pa nga napapaangat ang paa ko sa semento." Mapang-asar kong wika.

Gumuhit ang galit sa kanyang mukha at walang alinlangang binunot ang patalim sa bulsa. Pagkatapos ay patakbong sumugod sa akin. Nakatayo lamang ako habang tinitignan siya papalapit sa akin, hanggang sa undayan niya ako ng saksak sa mukha. Umiwas lang ako at mabilis na hinawakan ang braso niya, bago ito ipaikot patungo sa kaniyang likuran, dahilan upang mabitawan niya ang patalim. Pagkatapos ay sinipa ang binti nito na naging dahilan upang mapaluhod siya. Hindi pa ako nakontento at sinipa siya sa likuran, dahilan upang sumubsob siya sa semento.

Tumahimik ang mga taong naroon na tila gulat sa nangyari. Huminga ako ng malalim at hinila ang paa ng nasabing Fred papunta sa akin. Pagkatapos ay hinawakan ito sa buhok, upang mapatayo siya. Hirap na hirap ito na tila hindi pa nakakabawi sa panununtok ko sa kaniyang sikmura kanina. Ipinaharap ko siya sa akin at tinignan siya.

"Mukhang mapuputulan ka ng kamao ngayon, ah?" Sarkastikong wika ko at sinuntok siya sa mukha. Hindi ko parin binibitawan ang buhok niya at binigyan ulit siya ng dalawang suntok na naging dahilan upang pumutok ang ibaba ng kaniyang mata. "You punched my son's face, three times. Now we're fair." Sambit ko at binitawan siya bago sipain palayo sa akin.

Napaluhod na lang ito at sapo-sapo ang katawan.

Pumilantik ako ng dila habang tinitignan siya. "Ipapaalala ko lang sa'yo." Panimula ko at tinignan ang mga tao bago ibalik kay Fred. "Oo, babae ako. Pero hindi ako babae lang." Sambit ko at pinulot ang patalim na nabitawan niya kaniya.

Naglakad palapit sa kaniya naupo sa tapat niya. Bakas ang takot sa kaniyang mga mata, maging ang mga batang naroon ay napapasinghap na lang.

"S-Sino ka ba talaga." Nahihirapan nitong wika.

Ngumisi lamang ako at itinapat ang patalim sa kaniyang pulsuhan. "Ako ang ina ng batang kinanti mo." Sambit ko at iniangat ang patalim upang putulan siya ng kamay. Napasigaw na lang ang ilang maging si Colton.

Napansin kong napapikit na ito at naghihintay sa gagawin ko. Ngunit ngumisi lamang ako at gumuhit ng letrang "Y" sa braso niya. Napamulat siya ng mata at nagtataka akong tinignan.

Ngumisi ako. "Tanda 'yan na minsan mo ng nakaharap si Kamatayan. At sa oras na kantiin mo pa ang anak ko, hindi ako magdadalawang-isip na ipadala ka sa impyerno." Pagbabantang bulong ko sapat na para marinig niya.

Mabilis pa sa alas-kwatro itong tumango. Tinagolid ko lang ang aking ulo na parang nagsasabing umalis na siya sa harapan ko. Nahihirapan man ay bumangon ito at tumakbo palayo sa lugar. Sumunod naman sa kaniya ang iba.

Huminga na lang ako ng malalim at tinignan si Colton na tinutulungang makatayo 'yung babaeng kasama niya kanina. Umiiyak ito kaya nilapitan ko na sila. Napatingin sa akin si Colton at umayos ng tayo. Maging ang dalagang kanina pa umiiyak ay bigla na lang tumigil nang makitang may tao sa harapan niya. Nag-angat ito ng mukha at bigla na lamang tumayo bago yumuko.

"M-Mommy-"

"Umuwi na tayo." Putol ko sa kaniya at tinalikuran na silang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
13.4K 762 35
Ang asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito...
4.8M 90.4K 73
Hot Drug lord versus Badass Police Chic? This means a total riot. Well.. well... well... Officer Yeo reporting for duty, Sir! Grab your paperback cop...
1.4M 49K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...