Obey Him

Von JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... Mehr

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 54

301K 13.1K 3.3K
Von JFstories

"FRAN!" Nasa labas na ng gate si Calder nang saktong alas-dos ng hapon. Kulay itim na hood ang suot niya at nakasuot siya ng dark shades at surgical mask sa bibig. Ni hindi naitago ng mask ang bridge ng matangos niyang ilong.


Nilapitan niya agad ako. Bantulot ako sa paghakbang, though kahit saan naman ako pumunta ay alam kong haharang siya.


"Let's go."


"No."


Kahit nakashades ay kitang-kita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay. "Fran, you know what's gonna happen, right?"


Inabot ko ang kanyang kwelyo at hinila ko siya patungo sa akin. "Who messaged you?"


"I told you, I don't know. The account is a dummy account and was newly made."


"Tumingin ka sa akin!" Hinablot ko ang suot niyang shades para tingnan siya sa mga mata. Tumalsik ang kanyang Rayban sa sementadong sahig. Pati mask niya, hinubad ko para makita ko ang buo niyang mukha. "Who messaged you?!"


"I really don't know. I just received the message this morning—"


Hindi ko na siya pinatapos. Kinapkapan ko siya.


"Fran, nakakakiliti!"


"Shut up!" Kinapa ko ang lahat ng bulsa niya. Sa likuran niya ko nakuha ang kanyang iPhone. "Anong password?!"


"Fran..." Kandakamot siya ng batok.


Pinandilatan ko siya. "Ano nga sabing password?!"


"Tss..." he shrugged.


"Isa!"


"Okay, okay!" sumusukong sabi niya. "14344."


"What?" Seriously? It was his password? I couldn't supress a smile. Ang laki niyang tao, ang guwapo, 'tapos password niya ganun ka-corny?


"Iyon nga!" Namumula ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin sa akin.


Sinubukan ko ang password na sinabi niya, at iyon nga talaga ang password ng lalaking ito! Jusko!


I went to his Messenger app, and there, nakita ko na nasa pinakaunahan iyong message from an unknown dummy account named Frantiska Cole. At talagang iyon ang gamit na pangalan? Kung sino man ang nasa likod ng dummy account na ito ay mukhang kilala ako in person.


I opened the message ang Calder was right. Oh, God! This was the photo that Ate Minda sent in my inbox. Bakit ba hindi ko agad ito binura noon? Bakit mas gusto kong ikeep? Sana isinave ko na lang ito sa gallery ko para hindi na nakuha nang kung sino man. Pero sa inbox ko nga ba mismo nakuha ang photo na ito?


Dalawa lang naman ang pwedeng panggalingan nito. My messenger inbox or Ate Minda herself. And I am one-hundred percent sure that Ate Minda will never betray me. Kaya malamang na sa inbox ko nga nakuha ang photo na ito. But who hacked my account? At bakit? Bakit kailangang iblackmail ako at idamay pa si Calder?!


Pinakatitigan ko ang photo at ang message. Sa photo ay malinaw na malinaw ang pagmo-moment namin ni Jackson sa balcony. Ang liwanag ng buwan ang nagbigay ng maganda kuha sa shot na ito. Walang mag-iisip na wala kaming relasyon dahil magkalapat ang mga labi namin ni Jackson dito habang nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya.


The message read:


Alam ko kung sino ka sa buhay ni Franstiska. Wag mo na siyang hayaang makauwi pa sa mansion dahil ikakalat ko ngayong gabi ang photo na ito sa social media kapag umuwi siya. Sisirain ng picture na ito hindi lang ang pangalan ni Mayor JC kundi pati na rin ang reputasyon ni Frantiska. Dahil anong klaseng babae siya? Nakipagrelasyon siya sa taong kumupkop sa kanya, sa step-dad niya! Wala siyang utang na loob, ang kapal ng mukha niya. Dapat sa kanya, mawala na. Kaya ilayo mo na siya. Gusto mo si Frantiska, di ba? Pwes pagkakataon mo nang gamitin ang chance na ito para makuha siya. Kunin mo na siya at wag mo na siyang ibalik pa. Tell her na kapag hindi siya sumama sa 'yo, katapusan niya na at ni Mayor JC.


Napaangat ang tingin ko pabalik kay Calder. "Sino sa tingin mo ito?"


"I seriously don't have an idea, Fran." Sumeryoso ang mukha ni Calder. "Pero inaalam ko na."


Nanahimik ako.


Naghimas ng baba si Calder. "Gusto kong isipin na si Vice, pero malabo. Shunga sa FB iyon."


Malabo ngang si Vice. Dahil kahit mag-utos sa iba ay hindi niyon gagawin dahil sa hiya.


Kinalabit niya ako. "So what's your plan? Are you coming with me?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "At saan mo ako dadalhin?"


"Ilalayo. Iyon ang utos niyang sender, di ba?"


"Gaano kalayo?"


"Basta malayo. Syempre." He pouted his lips. "Gusto naman talaga kitang ilayo."


"Ha?"


"Tsk." Binawi niya ang phone niya sa akin. "Gusto kitang ilayo para manahimik na tayong pare-pareho."


"Pero..." Ibinilin ni Jackson na umuwi ako.


"Tara na." Inilahad niya ang kamay sa akin. "Di pa ako nagtatanghalian e, kain muna tayo—"


Hindi na naituloy ni Calder ang sinasabi dahil sa dulo ng baril na nakatutok ngayon kanyang ulo, isang inch lang ang layo sa mismong sentido niya.


Dumadagundong ang dibdib na dahan-dahan akong napatingin sa lalaking may hawak ng baril. Para akong mauubusan ng hininga nang makilala ko kung sino siya. "J-Jackson..."


Ni hindi namin namalayang dumating siya. Straight ang braso niya habang ang kamay niyang may hawak ng baril ay direktang nakatutok kay Calder.


"Get in the car," kalmadong utos niya sa akin habang kay Calder diretsong nakatingin ang mga mata niyang walang kaemo-emosyon.


Nang tumingin ako sa likod niya ay nakaparada roon ang kulay itim niyang Jaguar. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Kung mag-stay ako o susunod kay Jackson. Kung pupunta na ba ako sa kotse ay susunod na rin agad siya sa akin o baka naman hindi? Paano kung iputok ni Jackson ang baril?


Sa huli, pinili kong magtiwala at sundin si Jackson. Sinikap kong kumalma. "Jackson, p-pupunta na ako sa kotse... S-sumunod ka, ha?" I gave Calder a warning look. Sana wag na siyang magpasaway para matapos na ito.


Patalikod na ako ang kaso ay gumalaw si Calder kaya ako biglang napahinto. Kumasa ang baril na nakatutok sa sentido niya. Shit!


"Move and you'll die." Mababang tono pero napakalamig ng boses na nagpanginig sa mga binti ko.


Walang takot na ngisi ang tugon ni Calder sa kanya.


"Calder, tama na," naiiyak na saway ko sa kanya. "Uuwi na kami!" Halos magmakaawa ang tingin ko.


"I am not afraid of this devil, Fran."


"Tama na sabi! Uuwi na nga kami!" Kapag ganito ang mga mata ni Jackson, alam kong wala na naman siya sa sarili niya. Ayokong makagawa siya ng krimen dahil lang sa pang-aasar ni Calder.


"Let him," nagtatagis ang mga ngiping turan ni Calder. "Hayaan mo siyang ipakita sa lahat ang tunay na kulay niya."


"Tama na sabi!"


Pero patuloy siya sa pang-aasar na parang walang katakot-takot sa buhay niya. "Shoot me now, Cole."


Nagkakagulo na ang nakapalibot sa amin. Marami nang tao ang nakatingin sa amin dito. Karamihan pa ay mga estudyante at pasimple na silang kumukuha ng photos ng nangyayari. Malamang mamaya lang, kalat na sa social media ang lahat ng ito.


"Please, wag kayong kumuha ng pictures!" makaawa ko sa mga nakakasaksi.


Kahit ang mga guwardiya na nakakakilala kay Jackson ay umaawat sa mga estudyanteng nagv-video pa sa nangyayari.


"Ma'am, may tumawag na ho ng pulis, baka mayari po si Mayor," anang guard na kilala ko.


"Aalis din po kami... Aalis na po kami." Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil walang balak magpatalo si Calder kahit isang kalabit lang ay katapusan niya na. Wala siyang katakot-takot.


Nanlaki ang mga mata ko nang makitang gumalaw ang hintuturo ni Jackson sa tapat ng gatilyo ng baril. "No... wag, please..." Tumulo na ang mga luha ko. "Umuwi na lang tayo..."


Wala siyang tinag. Parang wala siyang narinig.


"Jackson!" Tinakbo ko ang maliit naming pagitan saka ko siya niyakap sa bewang. "Tama na...! Tama na..."


His body stiffened like a board when I hugged him


"Let's just go home, please..." Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. "T-tara na..."


Mayamaya ay naramdaman ko ang marahang pagbaba ng kamay niyang may hawak ng baril. Sinamantala ko iyon. Kinuha ko ang baril sa kamay niya at iniharap ko siya sa akin.


Nang tingalain ko si Jackson ay blangko pa rin ang tingin niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at kahit puro luha ako ay pinilit ko siyang ngitian. "Hindi naman ako sasama sa kanya kasi uuwi ako sa 'yo."


Mabilis kong ibinalot sa panyo ko ang baril ni Jackson. Inalalayan ko siya papunta sa nakaparada niyang Jaguar bago pa may dumating media o pulis dito.


"Fran..." basag ang boses na tawag ni Calder sa akin.


Ni hindi ko na pinagkaabalahang lingunin pa si Calder. Nakaakbay sa akin si Jackson hanggang makarating kami sa sasakyan. Ipinagbukas niya ako ng pinto saka siya sumakay sa driver's seat. Tahimik siya sa loob at hindi man lang pinagkaabalahang buksan ang ilaw.


"C-can you drive?" nauutal na tanong ko sa kanya.


"Yeah," malamig at maiksing sagot niya. He started the car's engine.


Grabe ang pagpipigil ko na wag lingunin si Calder kahit pa papunta na siya sa tapat ng bintana ngayon. Bago pa siya makalapit ay humarurot na palayo ang sinasakyan namin ni Jackson.


"J-Jackson, dahan-dahan..." takot na napahawak ako sa pinto dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.


Pero imbes sundin ako ay lalo lang niyang binilisan.


"Jackson, please!"


Nangain na ng ibang lane ang Jaguar. Mabuti at wala pa kami nasasaging sasakyan sa bilis ng patakbo niya. Kapit na kapit ako sa gilid dahil sa klase ng pagmamaneho niya. Kulang na lang ay humagulhol ako sa kinauupuan ko sa sobrang kaba. Sa masikip na street kami lumiko para umiwas sa traffic ang kaso ay maraming nakaparadang sasakyan sa mga gilid at may mga naglalakad sa daan.


"Jackson, baka makabangga ka!"


Kahit mabagal na ay wala pa rin siya sa ayos. Ilang aso, pusa, at mga nagdaraan ang muntik-muntikan niya nang mahagip, pero hindi pa rin siya umaayos sa pagda-drive. Iyong mga nagiinom sa gilid ay binato na ang sinasakyan namin ng bote ng Redhorse dahil nasagi na ni Jackson inuupuan ng mga ito.


Nakahinga lang ako nang makabalik na kami sa hi-way. Ang kaso ay balik tulin na naman ang takbo ng Jaguar. Pinipituhan na kami ng mga enforcer. May blue boys na ring humahabol sa amin sakay ng patrol car. Alam kaya ng mga iyon na mayor mismo nila ang pasaway na driver ng sasakyang ito?


Nakarating kami sa subdivision namin sa wakas. May mga humahabol pa rin, pero sa guard house palang ng subdivision ay naharang na ang mga blue boys. Walang nagawa ang guwardiya ng subdivision kundi pabayaan si Jackson na makapasok sa loob. Pagdating sa mansiyon ay nasa gate palang, bumaba na kami. Ipinasa niya sa isa niyang tauhan ang susi.


Nasa loob na kami ng mansiyon nang dumating ang mga pulis at hulihin ang tauhan ni Jackson sa labas. Wala siyang pakialam na dumiretso sa kuwarto niya habang bitbit ako sa pulso. Maski nga sa akin ay wala siyang pakialam kahit magkanda-tali-talisod na ako dahil sa bilis niyang maglakad.


Pagkarating sa kuwarto ay saka niya lang ako binitawan.


Nag-iwas ako ng paningin. "B-bakit dito mo ako dinala? Hindi dito ang kuwarto ko."


"This is your room from now on."


I bit my lower lip.


"One year..." he quietly said as he unbuttoned his polo. "No. Less than one year..."


"Ha?" Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Anong sinasabi niya?


"You'll be graduating soon, right? Or maybe you can stop from studying." Lumapit siya sa akin at hinawakan naman ang butones ng uniform blouse ko sa harapan.


"Jackson..."


Hinalikan niya ako sa noo saka niyakap. "I think it's about time for us to have a baby, Fran."


JF

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
493K 23.4K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...