SWIPE HELP GONE WRONG - COMPL...

By WeirdyGurl

186K 10.1K 7.1K

Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right si... More

Teaser
START
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Adorable End
DIRECTOR'S CUT EP1
DIRECTOR'S CUT EP 2
DIRECTOR'S CUT EP 3
DIRECTOR'S CUT EP 4
DIRECTOR'S CUT EP 5
DIRECTOR'S CUT EP 6
DIRECTOR'S CUT EP 7

Chapter 21

5.3K 292 241
By WeirdyGurl

"HOY ALT!"

Hindi mapigilan ni Alt ang mapangiti sa tuwing naalala ang nangyari kagabi. Damn! You're losing it again, Alt. Focus. You have to work. Sa huli napailing at napangiti ulit siya. He can't wait to go home.

"Tang na juice, Alt!" Natigilan siya nang humarang sa harap niya si Crosoft. He look annoyed. Lagi naman yata kapag nakikita siya nito. Ano bang bago? "Kanina pa kita tinatawag hindi mo na naman ako napapansin."

"Kanina?" He tilted his head on his right. Wala naman siyang narinig kanina. "Wala akong narinig."

"Oo, kasi lutang ka na naman. Ngiting-ngiti ka pa kanina. Saya natin, ah?" Crosoft's face lighten up. Agad na lumitaw ang kapilyohan sa ngiti nito. "May balak ka pa bang pauwiin si Scroll? O mananatili na lang siya sa buhay mo – este – sa bahay mo?"

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Kayo na ba?"

"We're just friends."

"Ang showbiz ng sagot. Artista ka?"

He chuckled. "Hindi." Pero agad ding sumeryoso ang mukha niya. Iniwan niya si Crosoft at nagpatuloy sa paglalakad. Lumalamig na ang hawak niyang cup ng chocolate drink. Kanina pa ba siya lutang?

Sumunod ito sa kanya. "Alt, may ire-recommend akong condo kay Scroll, okay lang sa'yo?"

"Hindi ko naman pinapaalis si Scroll, bakit pinapaalis mo siya?"

"Wala lang, sayang ang commission."

"Kailan ka pa naging broker?"

"Simula noong you broke my heart."

Kumunot ang noo niya rito. "Bakit nga ba kaibigan kita?"

"Because I love you and you love me." Inakbayan siya nito. "Anyway, noong isang araw pala, nag-marathon ako ng zombie series. Pakjuice! Alam mo bang hindi ako nakatulog kinagabihan?" He felt Crosoft's body cringed. Of course, hindi nito kaya manood ng mga ganoong palabas. "I know, hindi mo alam. Pero sinasabi ko lang sa'yo para updated ka pa rin sa buhay ko."

"Crosoft," walang gana niyang tawag sa pangalan nito.

"Bakit?" baling nito sa kanya.

"Pwede ko bang hanapin ang paki ko?"

Ngumisi ito. "Sige, gusto mo ng tulong?"

"No."



"KAILAN ba kayo magpapakasal niyang si Alt?" tanong ni Link kay Scroll.

Nasa office niya ito sa Emari para lang mang-intriga imbes na magtrabaho. 

"Kapag nagpropose na siya sa'kin. Hindi naman na ako magpapakipot," sagot niya.

"May nangyari na ba sa inyo?"

Pigil niya ang ngiti pero ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Actually, kahit ngayon, she's still a bit sore down there. Para siyang sumali sa marathon na walang warm up. Pero wala naman siyang pinagsisihan. Masaya siyang si Alt ang unang lalaki sa buhay niya.

"Binigay mo na?" high pitched na tanong sa kanya ng pinsan. Pinanggigilan pa ang braso niya. "Hindi nga? Masherep?"

"Hoy!" sita niya rito. "Babaan mo nga 'yang boses mo. Marinig ka pa ng mga tao natin dito."

"Pero 'di nga? Kumusta? Malaki ba ang pipino? Masakit?"

Pinanlakihan niya ng mata si Link. "Grabe ka. Sa tingin mo sasabihin ko ang mga detalyeng 'yan sa'yo? Kahit pinsan kita, you will never know." Pero ngumiti pa rin siya. "Pero isa lang masasabi ko, masarap 'yong pipino."

Tumili si Link. "Pak juice! Sana all."

Tawang-tawa siya sa pinsan. "Umayos ka nga. Lumandi ka na para may jowa ka na rin."

"Wala ngang nagkakamali," nakasimangot nitong sagot. "Akala ko kapag nag-Maynila ako lalawak ang pag-asa kong magka-love-life. Pero 'di pala. Dumagdag lang ako sa populasyon ng mga single dito. Babalik na lang akong Cebu. Baka may magkamaling mahalin ako."

"Hindi ka pwedeng bumalik. Kailangan kita sa Emari."

"Pero kailangan ko rin ng lalaki e."

"Pera o lalaki?"

"Pwede both?"

"Bibigyan kitang increase."

"What's love life?" Tumawa si Link. "Next month dapat may increase na, ha? 5k dapat."

"Sige, bumalik ka na lang Cebu."

Yumakap ang pinsan niya sa kanya. "'Di joke lang. Ito naman, 'di na mabiro. 3K?"

"Fine!"

"Yes!"

"Pero huwag mo munang sabihin kay Crosoft na kami na ni Alt. Alam mo naman ang lalaking 'yon. Baka buong bansa pa ang makaalam."

"Naku, parang 'di ka naman sanay. Number one fan 'yon ng AltScroll. Baka siya pa magsponsor ng buong kasal n'yo."

Natawa siya. "Malalaman rin naman nun. Let him suffer."



NAKAUPO si Scroll sa kitchen counter habang nagluluto ng ramen si Alt. Naaliw siyang tignan itong nagluluto habang suot ang brown na apron. Inilubog na nito ang dalawang noodles sa umuusok ng cooking pot.

"Do you also watch Korean dramas?" she asked.

They have a matching apron. Naaliw din siyang i-swing ang mga paa habang sinusundan ang bawat kilos ni Alt. Bagay din talaga rito ang maging chef. Sure siyang mataas ang rating ng cooking show nito if ever. Pero mabuti na lang hindi nag-artista. At least, wala siyang kaagaw.

"I do. I like their cinematography and how they tell a story."

"Alam mo ba, sa Korea, kapag daw inalok mong kumain ng ramen ang taong gusto mo, it means, you want to spend an intimate night with him or her?"

"Alam ko," nakangiting ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Pero gutom lang talaga ako ngayon kaya nagluluto ako ng ramen. Don't overthink."

Natawa siya. "Wala akong sinasabi ah."

"How's your day?" pag-iiba nito.

"Good. Business is good. Ikaw?"

"Crosoft is annoying."

"Parang always naman yata?" she chuckled. "Pinanganak na yata 'yon para mang-asar ng tao."

"Should we tell him?"

"Malalaman niya rin naman. Let's just wait."

"He's nosy."

"May bago kang story?"

"Pumasok ka sa kwarto ko, no?" Pinaningkitan siya nito ng mga mata. But he don't seem mad.

"Nakita ko lang sa mesa mo. Draft lang. Maganda. Rom-Com yata, tawang-tawa ako sa mga linya nila. Movie?"

Ngumiti ito at tumango. "It's a romance-comedy movie inspired by you." Namilog ang mga mata niya. "Hindi ko pa masyadong nabubuo ang kwento pero malapit na."

"Talaga?"

"Kapag nagawa ko na ang draft ng story. I'll look for a producer para gawin siyang movie. If you want, pwede kang mag-cameo if ever."

Nangislap ang mga mata niya. "Seryoso?"

"Alam mo na siguro ang usual set up kapag nag-sho-shoot ng pelikula. Alam kong sinasama ka ni Crosoft sa mga tapings niya."

"Oo, pero 'di pa kita nakikitang mag-direct."

"Gusto mo akong makitang mag-direct ng pelikula? Baka ma turn off ka sa'kin." Tumawa ito pagkatapos.

"Bakit? Strict ka ba?"

"Hindi naman masyado."

"Okay lang, basta hindi ako ang pinapagalitan." May naalala siya bigla. "Hon, sa'yo rin ba 'yong mga pocketbooks sa library?"

"Oo, bakit?"

"Nagbabasa ka ng pocketbooks?"

Natawa si Alt. "Hindi ba pwedeng magbasa ng romance novels ang mga lalaki? Masyado 'tong judgemental."

"Kailan ka nahilig?"

"Late na. Simula nang pumasok ako sa pagpelikula. May series kasi akong ginagawa noon na adapted sa mga romance novels. Syempre, kailangan ko ring basahin ang kwento para mabigyan ko ng justice ang kwento. I find those books interesting kaya I have few collections of some of my fave writers. If you have time, you can borrow it. I wouldn't mind."

"Bukod sa pagbabasa, paggawa ng mga pelikula, ano pang hilig mo?"

"Wala naman na masyado. I like to cook. I play guitar. Naglilinis din ako ng bahay. Random things. Depende sa trip."

"Ilan ang gusto mong anak?"

Huling-huli niya ang pigil na ngiti ni Alt. "I-I don't know. It depends." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Ilan ba ang kaya mo?"

Ngumiti siya. "Depende. Pero gusto ko, babae at lalaki. Pero dapat mauna ang lalaki para may magprotekta sa kapatid niyang babae."

"I'd like that too."

"Come here." Inabot niya ang kamay ni Alt para hilahin palapit sa kanya. He stood in front of him. She cupped his face. "Hon."

"Hmm?"

"Bakit ang gwapo mo?"

Natawa si Alt sa sinabi niya. Ang cute nitong tumawa may hawak pang sandok. "Ngayon mo lang ba napansin?"

"Matagal na."

He playfully messed her hair. "Bumaba ka na riyan. Malapit nang maluto ang ramen natin. Let's eat together." Tumango siya. Baba na sana siya nang hawakan siya ni Alt sa baywang at maingat na ibinaba mula sa counter. "Can you prepare the bowls for us?"

"Sure!"

"Thanks, hon." Akmang aalis siya nang magsalita ulit ito. "O, wait, bakit ka nga pala nagsuot ng apron e 'di ka naman pala magluluto?"

Matamis siyang ngumiti. "Kasi cute tayong tignan."

Natawa ito. "Ikaw talaga."



SHE was busy doing her mirror selfie in when Alt enter the room. Akala niya ay hahayaan lang siya nito sa mga kaartehan niya sa buhay pero ang loko nag-photobomber ba naman sa likod niya. Hindi ito nakangiti pero naka peace sign.

Tawang-tawa siya. "Baliw 'to!"

"Kaya lagi akong nali-late, puro ka selfie riyan."

"Oy, minsan lang kaya kapag bet ko ang outfit."

"Mas madalas ang minsan sa'yo."

"Aalis na ba tayo?"

"Maabutan tayo ng traffic, halika na. Nasaan na 'yong bag mo? Ipinasok mo na sa kotse?"

"Hindi pa." Nagmadali siyang maglagay ng lipstick. "Nasa itaas ng kama." Turo niya sa kama nang hindi ito nililingon.

Nakita niya mula sa salamin ang pagkuha ni Alt sa mga gamit niya.

"Bumaba ka na."

"Opo."

"Huwag kang masyadong magpaganda. Naiinis ako kapag may tumitingin sa'yong mga lalaki."

Natawa siya. "Selos ka?"

"Saya ka?"

Lalo siyang natawa. "Hindi naman ako na inform na seloso ka pala." Nagkatinginan sila mula sa salamin. "Huwag kang mag-alala, direk. Sa'yo lang ako." Nag-finger-heart siya rito. Nahuli niya ang ngiti nito bago lumabas ng silid. "Kainis! Ang cute talaga." Tinignan niya ang sariling repleksyon sa salamin. "Emari Scroll Catapang..." Natigilan siya. Parang may kulang. Napangiti siya. Tama. "Flores. Emari Scroll Catapang Flores. Soon!"

"Emari Scroll!" sigaw ni Alt mula sa labas.

"Oo na! Oo na! Bababa na po!"



ILANG BESES na yatang nabura ni Scroll ang binubuong message para kay Skip. Naging close niya ang kapatid ni Alt kasi pareho sila ng passion. Saka feeling close talaga siya kay Skip dati pa. Mas pinapansin pa niya si Skip kaysa ni Alt. Unfortunately, ganoon siya ka walang puso pagdating kay Alt noon.

Napabuntonghininga siya.

Inabot niya ang baso ng blended iced coffee niyang order and uminom doon. Hindi niya alam kung paano kukumbunsihin si Skip na magtulungan sila para magkita at magkausap si Alt at ang ama nito.

Si Skip lang kasi ang pwedeng maging bridge para sa dalawa.

Marahas na ibinaba niya ang cell phone sa mesa at ibinaling ang tingin sa labas mula sa glass panel wall ng coffee shop kung saan siya nang mga oras na 'yon. Napangiti siya nang makita ang mag-amang dumaan sa labas. The father seem like on his 60s at mukhang ka edad lang ni Alt ang lalaking kasama nito. Magkamukha ang dalawa kaya malamang sa malamang mag-ama ang mga ito.

"I would really be happy if Alt will have the chance to fix his relationship with his dad."

Ibinalik niya ang tingin sa screen ng laptop niya. She's also searching Alt's mother. Nagbabakasakali lang naman siya. Nakuha niya ang buong pangalan ng ina nito pero hindi na niya masyadong itinanong ang ibang detalye.

"Pero malabong mahanap ko ang ina ni Alt online. Wait." Biglang pumasok sa isipan niya si Peter. Kinuha niya ang cell phone at hinanap ang numero ni Peter. "Shuks! Sana may number ako. Sure ako na-i-save ko 'yon sa new number ko." Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang numero ni Peter. "Thank god!"

Alam na niya ang gagawin.

Sana lang sumagot si Peter at hindi ito busy ngayon.

Crossed fingers!



PAGBALIK niya ng studio ay naabutan niyang karga-karga ni Alt si Danah. Agad siyang napangiti nang makita ang dalawa. Bumisita pala ang prinsesa ni Alt sa studio. Lumapit siya sa dalawa.

"Hello!" masayang bati niya sa dalawa.

"Tita Scroll, hello po!" Hinalikan niya sa pisngi ang bata. "Lalo po kayong gumaganda ah."

"Ay talaga ba? Sige, may libre kang cup cake sa'kin mamaya."

"Si Danah lang?" basag ni Alt.

"Tanda-tanda muna, magka-cup-cake ka pa?" pang-aasar pa niya kay Alt.

"Tita Scroll, Tito Alt loves sweets po kasi. Give him cupcakes din po para same kami."

Umarte siyang nag-isip muna. "Sige na nga. Baka umiyak pa ang Tito Alt mo."

Alt smiled. "Promise 'yan, ha?"

"Opo."

"Wow, happy family." Halos sabay silang napalingon sa nagsalitang si Crosoft. Karga nito si Font na may kain-kain na teether. "Bakit 'di kayo bumuo nang sarili n'yo para masaya?" Nakasunod dito si Ate Cam.

"Hayaan mo na nga sila, Crosoft. Ikaw, napakamahadero mo talaga. Hintayin mo na lang na umamin ang dalawang 'yan," ni Cam. Ngumiti ito sa kanya. "Scroll, nandito ka na pala. Tamang-tama, we invited Alt to join us."

Napatingin siya kay Alt at pabalik sa mag-asawa. "Anong okasyon?"

"Wala lang naman," sagot ni Crosoft. "Magsasayang lang ng pera."

"Huwag n'yong pakinggan ang sinabi nito," bara ni Cam sa asawa nito. "Honor student kasi si Danah. Mag-si-celebrate kami. Mas masaya kapag madami tayo."

"Sasama ka?" tanong niya kay Alt.

He nodded. "Sumama ka na rin."

"Okay," may ngiting tumango siya. Ibinalik niya ang tingin sa dalawa. "Gutom na rin ako e. Libre naman 'di ba?"

"Libre na, Scroll. Kakahiya naman e. Kami na mag-a-adjust para sa'yo," pabalang na sagot sa kanya ni Crosoft.

Natawa siya. "Salamat, ha?"

"Welcome po."

"So, okay na, ha? Halika na."

"Mommy, sama po ako kina Tito Alt at Tita Scroll."

"Sure, baby. Kung okay lang sa Tito Alt mo."

"Walang problema, Bria. Kami na ang bahala kay Danah."

"Okay."

Naunang maglakad sina Cam at Crosoft. She felt Alt's hand on her back. Naiangat niya ang mukha kay Alt. He glances at her and smile.

"Masakit ang ulo ko," he mouthed.

"May gamot ako."

"Pero nawala na."

"Sure ka?"

"Nawala nang dumating ka."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Danah sa kanilang dalawa. Alam niyang matalino ang batang 'to. Sa palitan nila ng mga salita. Alam niyang, iba na ang iniisip ng bata.

Itinaas ni Alt ang isang daliri sa bibig nito. "Shsh."

Lumapad ang ngiti ni Danah at ginaya si Alt. "Shsh."

Natawa siya sa dalawa. Ang cute-cute ng mga ito tignan. Kaya alam niyang, bukod sa pagiging magaling na direktor. Alt will also be a good father to their children. Lihim siyang napangiti sa naisip. Parang gusto niyang dumating na ang oras na 'yon. Na-i-imagine na niya ang magiging itsura ng mga anak nila.

Pag-angat niya ng tingin ay nakatingin pala sa kanya si Alt.

Nawala ang ngiti niya.

"Anong iniisip mo?" tanong nito.

"Wala," iling niya.

"You don't smile without a reason. Unless, nababaliw ka na."

Ngumiti siya rito. "'Di nababaliw na ako," she paused, "sa'yo."

"Mamaya sa bahay."

Namilog ang mga mata niya. "Hoy, naririnig ka ng bata."

"Bakit? May sinabi ba akong masama? I said, later at home. Ano bang gagawin natin sa bahay?" Nagmamaang-maangan ang loko pero pilyong-pilyo ang ngiti. "Ikaw lang ang may malisya kung mag-isip."

Napamaang siya. "Wow, ako pa talaga?"

"Naiintindihan ko po kayo," singit ni Danah. "Ganyan din po sila mommy at daddy sa bahay."

Hinarap niya si Danah. "Anong klaseng pagpapakaama ba ang ginagawa ng daddy mo sa inyo?"

Danah just giggled. Napailing na lang talaga siya. Kahit kailan talaga ang boss niyang 'yon. Kahit saan ilagay namumukudtangi sa lahat.

"Alt, huwag kang gumaya," aniya rito.

Tinawanan lang siya ni Alt.

"But my daddy is still the best, kahit na weird po siya."

"Ikaw na lang mag-adjust."

Continue Reading

You'll Also Like

499K 13.9K 36
When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruined by love and lies. Will Mr. Fate be able to save Allysa and...
Fated By #007FFF

Short Story

89.8K 2.9K 17
Babysitting--ito ang trabahong pinaka-hindi inaasahan ni Rianell Salcedo na kanyang tatanggapin. Pero dahil kinakailangan niya at wala na siyang iban...
100K 5.8K 35
Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should pay all her misdoings. Darwin, the misch...
8.6K 402 47
Heaven Eranista, a high school student who experienced a lot of heartbreak from cheaters, wants to take revenge on those who have hurt her-men in gen...