She Still Does (AD) [Paper Pl...

By ad_thor

37.7K 1.4K 365

Dennise risked everything. Alyssa lost everything. As they meet again their story continues. Paper Planes boo... More

Prologue
Synj
That Name
Greendale High
Bent
Why Can't You?
Missed
Taking Risks
Mistaken
From Flight to Plight
Try It Out
Moving In, Moving On
Welcome
We Never Met
Sunset
Why I Hate You
Spill
Visitor
Improvements
Sequel
Again
Who Hasn't Moved On Yet?
Rooftop
Don't Cause Another Breakup
Talk
Paper Planes
Comfort
Don't Hide
Nice to See You Dennise

Duffel Bag

982 40 9
By ad_thor

-



"Yes natapos din!" sabi ni Ella at tumayo na, ready nang lumabas. Kaka-dismiss lang ng klase nila kaya inayos na rin ni Alyssa ang gamit niya. Tumayo na rin siya. Isa si Ella sa naging friends ni Alyssa sa school, maliit ito na chubby, hindi naman sa chubby, kinulang lang siguro sa height, maputi, at madaldal din ito.

"Mauna na kami may practice pa kami." paalam naman ni Allyssa, singkit at medyo chubby ito, classmate at friend din nila Alyssa, pero Lang ang tawag nila dito, ito ang pinakamadaldal sa kanila sunod si Ella. Kasama nito si Bianca, Bee kung tawagin nila, teammates sila, parehas nasa women's Basketball team, gaya ni Alyssa may pagkatahimik din ito pero kaya rin makipagsabayan sa kadaldalan ng dalawa. May pagkasingkit din ito, may katamtamang katawan, at maputi. Nakipag-appear sila sa isa't isa para magpaalam.

"Ayusin niyo paggamit ng gym ah, kami sunod don." maangas na paalala ni Ella sa dalawang basketball players, nag-gesture pa ito gamit ang dalawang daliri ng I-am-watching-you. Varsity din ito pero sa volleyball team naman. Mukhang lagi nalang athletes ang mga nagiging kaibigan ni Alyssa kahit 'di siya ganon. Kinuha na niya ang bag niya para makaalis na rin pero 'di pa tapos mag-asaran ang mga kasama niya.

"Sige pero linisin mo ah, tutal mahilig ka naman manlampaso." asar naman ni Bee kay Ella at tuloy lang sila sa pag-aasaran kahit nakalabas na sila ng classroom. 

"Che! Umalis na nga kayo uuwi na 'ko ng dorm ayoko na kayong makita." pagtataboy naman ni Ella sa kanilang tatlo kahit kay Alyssa na nakikitawa lang naman sa mga asaran nila. Naghiwahiwalay na sila ng daan, si Lang at Bee, sa BEG (gym), si Ella, sa Eliazo (women's dorm), at si Alyssa naman pauwi sa kanila.

Ilang months na lang ay mag-iisang taon na siya sa Ateneo de Manila University sa kursong Psychology pero wala pa ring pinagbago sa buhay niya, school at bahay lang siya, parang wala na kasi siyang gana para sa ibang bagay. Sumasama naman siya minsan 'pag nag-aaya sila Ella dahil masaya naman kasama ang mga ito pero most of the time talaga mag-isa lang siya.

Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na siya, kahit na ilang oras ang biyahe niya araw araw ay mas pinili pa rin niyang hindi mag-dorm kahit na pinagdo-dorm siya ng mga kaibigan niya pati ng pamilya niya para hindi mahirap ang biyahe. Panay hindi lang siya, dinadahilan niya ay baka ma-homesick siya o kaya ay sinasabi na lang niya na magdo-dorm din siya 'pag sobrang busy na para lang 'di na siya kulitin ng mga tao. Nakangiting sinalubong siya ni Nanay Celia.

"Oh sakto kainan na, pumwesto ka na roon." sabi ni Nanay Celia, nagmano naman si Alyssa rito at sinunod ang sinabi nito. Pumwesto na siya sa lamesa at nakitang andoon na rin si Kian, nagbatian sila. Tatlo lang sila dahil hindi pa umuuwi ang papa niya at dalawang kuya. Kumain na silang tatlo. "Musta naman ang biyahe 'nak? Sa school?" laging tanong ni Nanay Celia kay Alyssa, lalo na't nag-aalala na siya rito dahil mukhang lagi itong malungkot, pagod, at nangayayat ito. Lagi na lang niyang sinasabing dahil sa schoolworks pero kung tutuusin wala talaga siyang ganang kumain, napipilitan lang siya dahil kay Nanay, ayaw niyang mag-alala ito, kaya na rin lagi siyang sinasalubong nito at sinasabing sakto ang dating niya sa kainan kahit hindi para lang siguradong kakain si Alyssa.

"Ayos lang Nay ganon ulit." tipid na sagot ni Alyssa at tipid ding ngumiti. 

"Ate laro tayo NBA!" excited na pag-aya naman ni Kian kay Alyssa. Nginitian niya rin ang kapatid.

"Sige pagkakain natin." sabi naman ni Alyssa at tinuloy na nila ang pagkain, nang matapos sila ay pumwesto na agad sila sa sofa para maglaro.

Naglaro sila ng dalawang oras at bakas kay Kian ang saya habang naglalaro, lalo na 'pag nananalo ito kay Alyssa. Masaya naman si Alyssa na masaya ang kapatid niya. 

"Ate kelan dadalaw si ate Ganda? Nami-miss ko na rin siya kalaro sa Tekken." biglang tanong ni Kian dahilan para lalong mawala ang focus ni Alyssa sa pagtira kaya hindi ito pumasok. Napatingin naman siya sa kapatid niyang nakatutok pa rin sa screen. 

"Uh, 'di ba sabi ko sa'yo 'pag 'di na siya busy?" pagdadahilan naman ni Alyssa, binalik ni Alyssa ang tingin sa screen kahit wala na sa laro ang atensyon niya. "Busy talaga mga college students." isa rin sa dahilan bakit lagi siyang pumapayag kada inaaya siya ni Kian maglaro dahil lagi nitong hinahanap si Dennise. Nagbabakasakaling mabawasan ang pagka-miss ni Kian dito 'pag nakipaglaro siya.

"Ang tagal naman niyang busy, ikaw din naman college na pero nakakalaro pa rin kita." parang nagtatampong sagot ni Kian at ngumuso pa ito. Bahagyang ngumiti si Alyssa, pilit. Ginulo niya ang buhok ni Kian bago sumagot.

"Dito kasi ako nakatira kaya wala akong kawala sa'yo, siya kasi lumipat na para hindi mahirap bumiyahe papuntang school niya." pagdadahilan ni Alyssa kahit na ang totoo ay wala naman na siyang alam kung nasaan na si Dennise. Tumingin naman sa kanya si Kian at natawa si Alyssa dahil ang gulo ng buhok nito.

"Ahhh kaya ba kinukulit ka rin nila lumipat ate? Bakit ayaw mo kung mahirap ang biyahe?" tanong ulit ni Kian.

"Kasi kung magdo-dorm ako, edi wala ka ng kalaro." sagot ni Alyssa at binitawan ang joystick niya. Tumayo na siya. "Ligpitin mo na 'yan matulog ka na rin, matutulog na 'ko." utos naman ni Alyssa na agad sinunod ng kapatid niya. Maaga kasi natutulog ang mga tao sa kanila. 

Umakyat na si Alyssa at naghanda na para matulog, pagka-shower ay pumwesto na rin siya sa kama. Wala na rin naman siyang schoolworks sa ngayon. Oras na ng pagtulog pero alam naman ni Alyssa na hindi siya makakatulog agad. Dati laging siyang natutulog ng maaga hanggang sa natuto siyang magpuyat dahil sa kanya. Napupuyat kakausap sa kanya pero ngayon, napupuyat na lang kakaisip sa kanya. 

Makalipas ang ilang oras na pagtitig sa kisame, napagpasiyahan ni Alyssa na bumangon. Tumayo siya at dumiretso sa study table niya, pagkaupo ay nakita niya ang garapon niyang puno ng paper planes, mas malaki na ito dahil basag na 'yung dati. Inalis na niya ang atensyon niya ron at binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang paborito niyang paper plane, paborito dahil ito ang niregalo ni Dennise sa kanya noon na sa kanya rin naman galing. Tinitigan niya lang ito habang nakangiti nang mapait.



-



And again, ang first year college life ni Alyssa ay puro school...



"Oh 'Ly tira!" sigaw ni Lang kay Alyssa pagkapasa nito ng bola sa kanya. Pagkakuha ni Alyssa ay agad niya itong tinira at pumasok ito. "WOOOH!" dahil don ay panalo ang team nila laban kay Ella at Bee. Naglalaro sila ng basketball habang bakante ang sched nila pati ang gym. Napahiga sila lahat sa sahig dahil sa pagod.

"Hoy! Nanalo ka lang dahil kakampi mo si 'Ly!" sigaw naman ni Bee at nag-boo lang si Lang sa kanya. 

"Oportunista 'yan eh, sa volleyball mo 'ko hamunin tatamaan talaga kita sa mukha!" sigaw naman ni Ella na nakisali lang din kahit hindi talaga siya marunong, wala naman kasing gustong makipaglaro sa kanya ng volleyball.

"Bagay talaga 'yan si Alyssa sa team eh. Mag-tryout ka na please." kinulit naman si Alyssa ng dalawang basketball player para sumali sa team. 

"No! Sa volleyball ka sumali para may kasama akong volleyball player, 'pag tatlo kayong basketball player pa'no na 'ko?" madramang pangungumbinsi naman ni Ella at natatawa na lang si Alyssa sa kanila. "Para na rin magkasama tayo sa dorm 'di mo na need bumiyahe odiba?"

"Magka-dorm lang tayo 'wag ka ngang ano diyan." sabat naman ni Lang. Wala namang balak sumali si Alyssa sa kahit anong team dahil gusto niya lang ng lowkey college life, tutal ganon naman talaga ang gusto niya. Hindi nga lang nangyari nung highschool dahil she was in a band at kasama niya ang mga kaibigan niya, kasama niya si Dennise.

"No pressure 'Ly, may ilang araw ka pa naman para mag-decide." sabi naman ni Bee at nag-thumbs up pa sa kanya.

"Oo ilang days pa naman bago tryout ng volleyball." Nakangiting sabi ni Ella at umupo.

"Basketball!" sigaw naman ng dalawa at bumangon din. 

"Let's see guys." sabi na lang ni Alyssa. Same day lang naman ang tryout ng dalawang sports magkaiba lang ng oras pero kung sakali namang sasali si Alyssa ay sure ng sa Basketball dahil doon siya mas maalam.



at bahay...



"'Nak ba't 'di na rin dumadalaw si Vic dito? Diyan pa siya nakatira 'di ba si Kim lang naman ang umalis?" tanong ni Nanay Celia. Minsan talaga ayaw umuwi ni Alyssa agad dahil sa mga tanong katulad nito pero lalo lang din naman siyang tatanungin at wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Napilitin si Alyssa sumagot.

"Graduating student din po kasi Vic, kaya busy rin siya Nay." pagsisinungaling ni Alyssa at sobra siyang nakokonsensya kada sumasagot siya ng tanong dahil puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya. "Tulog na po 'ko Nay." nagpaalam na siya at agad ding umakyat para magkulong ulit sa kwarto niya.

Sino nga bang niloloko niya? Hindi naman dahil sa homesickness kaya ayaw niya mag-dorm, sadyang ayaw na lang niyang malayo pa sa pamilya niya dahil pakiramdam niya ay pamilya na lang niya ang meron siya. Nawala na ang iba, banda, kaibigan, girlfriend, at si Dennise. Nawala niya ang lahat dahil sa kagagawan niya. Bawat araw na lumilipas ay nilalamon lang siya ng konsensya.. 

Nilibot niya ang paningin niya sa kwarto niyang dati'y puno ng saya. Wala na ang gitara niyang regalo ng mama niya, tinago niya ito matapos niyang tumigil mag-gitara, 'yung bintana naman na nakasara ngayon ay kung sa'n laging inaabangan ni Alyssa si Vic, pinapanood itong mag-skateboard mula sa kwarto niya dahil sa ganong paraan na lang niya nakikita si Vic, lalo't ayaw siyang makita nito. Nasa study table naman niya nakapatong ay ang picture frame kung saan nandoon sila ni Dennise, ito ang litrato nila nung JS Prom, doon nalang niya nakikita si Dennise at iba pa niyang kaibigan, sa iba pang picture frames sa lamesa. Sumalampak sa kama si Alyssa at otomatikong tumulo ang mga luha niya.



school...



It's not that Alyssa is faking it, kung ano ang nakikita nila  Ella sa kanya ay 'yun talaga ang nararamdaman niya. Kung tumatawa siya, natatawa siya, dahil kahit papaano ay napapagaan talaga ng tatlo ang pakiramdam niya kahit ilang oras lang sila nagkakasama sa isang araw. 



"Minsan parang si Besh talaga 'to si 'Ly eh." pagkwento ni Ella habang kumakain. Nasa Gonzaga Hall sila, cafeteria ng school. Napatigil naman sa pagsubo si Alyssa at tinignan si Ella nang nagtataka.

"Bakit bi din? I knew it!" agad na tanong ni Lang na parang 'yun ang iniintay niyang marinig kay Ella. Tinutok naman ni Ella ang tinidor niya kay Lang na katabi niya nang may pagbabanta.

"Hoy straight 'yung besh ko tigilan mo na 'yon." pinandilatan ni Ella si Lang at binalik ang atensyon kay Alyssa. "What I mean is, madalas ding 'di makausap nung first year. Well siguro kasi nahihiya pa siya sa'kin. Pero duh kahit may kasama akala mo loner. Talk to us 'Ly please." sarcastic na sabi ni Ella at natawa naman sila dito.

"Parang 'di mo na kasi kelangan ng kausap minsan Ells sa dami mong kwento." pang-aasar naman ni Alyssa dito, Ells or Pots ang nickname ni Ella. Nakakabiruan naman nila si Alyssa, minsan nang-aasar din 'to madalas nga lang hindi dahil madalas nasa iba ang isip niya. Tumawa ulit sila pwera kay Ella na sinamaan siya ng tingin.

"Audience lang talaga kelangan niyan. Minsan kahit wala kaya niyan magkwento." gatong ni Bee kaya natawa ulit sila. 

"Dati ayoko lang sa pangalan mo, ngayon ayoko na sa'yo." pikon na sabi ni Ella pero alam naman nilang nagbibiro lang ito.

"Oo nga nakwento mo 'yan dati bakit nga ulit?" tanong naman ni Lang nang huminahon na sila. Tinuloy nila ang pagkain habang nagkukwentuhan. Naalala rin ni Alyssa 'yon dahil nung una silang magkakilala ni Ella, ang unang sinabi nito sa kanya ay, "I hate your name.". Still, naging magkaibigan pa rin sila.

"Iniwan niya kasi ako nung highschool dahil sa Alyssa, 'di ko alam fullname dahil 'di naman ako interesado." base sa tono ng boses ni Ella ay halata ngang naiinis siya sa Alyssa na 'yon. Nabanggit din kasi sa kanila ni Ella kung gaano niya na-miss 'yung bestfriend niyang 'di niya nakasama ng two years kaya sobrang saya nito nang magkasama na ulit sila sa school. "Sa sobrang gusto niyang makilala 'yung Alyssa na 'yon nag-transfer pa siya ng school, like what the hell 'di ba? Naiintindihan ko naman 'yung part na nakatulong talaga 'yon sa pag-move on niya sa pagkawala ni Tita pero iniwan niya 'ko bigla."

"Wala siyang gusto don?" tanong naman ni Bee.

"Feeling ko meron kaya 'di siya straight." pagpilit ni Lang. 

"Talagang pinagpipilitan mong bi 'yun ha!"

"Pakilala mo na kasi ako, 'di niya 'ko pinapansin eh." pagmamakaawa naman ni Lang, sa kanilang apat kasi, si Ella lang ang straight pero minsan napagakakamalan na siyang hindi dahil kila Alyssa.

"Sino nga ulit 'yung bestfriend mo?" tanong ni Alyssa kaya napatingin 'yung tatlo sa kanila. Si Ella naman parang 'di makapaniwala.

"Tignan mo 'tong isang 'to sa dami ng kwento ko about kay Besh hindi mo pinakinggan?" himutok ni Ella and Alyssa smiled apologetically. Hindi kasi siya interesado lalo na't 'di naman niya kilala. "'Wag niyong sasabihin, hayaan niyo siya." natawa naman sila kay Ella. "Sabi ko na parehas kayo eh, kinukwento rin kita sa kanya kasi kapangalan mo nga 'yung pinalit niya sa'kin, bina-blackmail ko siyang pagpapalit ko rin siya sa Alyssa, pero 'di rin siya nakikinig. Madalas 'di pa 'ko papansinin." mahabang litanya ni Ella at tinatawanan lang siya ng tatlo the whole time dahil sa expressions niya. "Lord ba't ba mga gantong bestfriends binibigay mo sa'kin sa'n ba ko nagkamali?" tumingala pa ito at napapikit sa frustration.

"Tama na 'yan pupunta pa tayo sa garden." pagpapaalala ni Alyssa saka tumayo tapos na siya kumain. 

"Hala oo nga pala!" sabi naman ni Ella at nagmadali rin kumain, pagtapos kumain at uminom ay tumayo na rin siya. "Tara na 'Ly!" nagmamadaling sabi ni Ella at nagmadali itong maglakad palayo. "Pasabay ng plates namin bye!" sumunod si Alyssa kay Ella at hinayaan na lang din ang plato niyang ligpitin nung dalawang naiwan.

"CLAYGO!" rinig pa nilang sigaw nung dalawa.

Naglakad na sila papunta sa zen garden kung saan kikitain nila ang ibang groupmates nila, doon sila gagawa ng project. 

"Ba't kasi doon pa, init init don puro pa mag-jowa!" reklamo pa ni Ella habang naglalakad sila ni Alyssa. "Galit pa rin ako sa'yo." dugtong nito at tinawanan lang siya ni Alyssa.

Pagkarating ay medyo na-late sila, which is unlikely para kay Alyssa, pero wala na siyang nagawa dahil antagal ni Ella magalit at kumain kanina. Nagsimula na silang gumawa ng ilang oras hanggang sa 'di na nila namalayan ang oras.

"Hala! Late na naman ako!" sigaw ni Ella at nagmamadaling tumayo. "Guys sorry, pero patapos naman na 'di ba una na 'ko late na 'ko sa training namin." mabilis na sabi nito na parang nagra-rap at tango na lang nang tango ang groupmates niya at sa kakamadali ay ang bilis nito nawala sa paningin nila. 

"Ella talaga." natatawang sabi ng isang kagroupmate nila, natawa na lang din sila kay Ella.

Kaya ayoko maging student-athlete eh.

Naiwan si Alyssa sa mga kagrupo niya at natapos din naman nila after ilang minutes 'yung project kaya nag-ready na rin silang umalis. 

"Oh kay Ella 'yan 'di ba?" napatingin naman sila sa bag ni Ella na naiwan niya sa upuan. 

"Hahaha Ella talaga." 

"Nakipag-date lang ata 'yun eh." 

Tuloy lang sila sa pag-uusap kung sino magdadala ng bag ni Ella nang biglang may tumawag kay Alyssa. Pagtingin niya ay sakto si Ella.

"Ako na guys." pagpresenta naman ni Alyssa at sinagot ang tawag. Nagpaalam na rin ang mga kagrupo niya at kinuha niya ang bag ni Ella.

"Alyssaaa!" sa boses pa lang ay alam na agad ni Alyssa kung bakit 'to tumawag, halatang nagmamadali at parang pagagalitan 'to. "Favor naman 'yung duffel bag ko naiwan lagot ako kay Coach, padala naman dito sa BEG sige na please." sa bilis neto magsalita ay muntik na siyang 'di maintindihan ni Alyssa

"'Kala ko ba galit ka?" kung hindi nagmamadali si Ella ay sigurado siyang kung ano-ano nang sinabi nito sa kanya. Nang-aasar lang siya pero sa totoo lang ay kumaripas agad siya ng takbo pagkarinig na lagot si Ella, ayaw din naman niyang mapagalitan ito. Nagtanong tanong siya kung saan ang BEG sa mga tao, 'di rin kasi makausap nang maayos si Ella, dahil hindi rin siya sure kung sa'n nagt-training 'to lalo na't maraming gym sa campus, never din naman siyang nanood ng training nito. 

Sa kabilang linya naman ay panay ang pag-please ni Ella kay Alyssa, hindi kasi niya namalayang wala pala siyang bitbit na bag kakatakbo, na-realize nalang niya nang makarating siya sa BEG. 

"Sige na please 'Ly 'di na 'to mauulit promise." natatarantang sabi ni Ella at binaba na rin naman nila ang tawag matapos ng ilang beses na pangungulit ni Ella kay Alyssa, nasa gilid ng BEG si Ella inaantay ang duffel bag, andoon kasi ang pamalit niya. Pagkapasok niya lang kanina sa gym napansing wala ang bag niya kaya napalabas din siya agad. Nakita pa niya ang teammates niyang nag-start na mag-training 'buti na lang at 'di siya napansin ni Coach Roger, kundi mas lagot siya.

Nakarinig siya ng footsteps kaya agad siyang napatago sa gilid.

"Hey, why are you hiding?" rinig ni Ella ang pasigaw na tanong ng pamilyar na boses, nagpakita rin siya agad dito at agad pinatahimik 'yung sumigaw. Tumakbo ito palapit sa kanya. Teammate niya 'to, maputi at maikli ang buhok, libero nila, at bestfriend niya rin, si Dennise.

"Ssh!" pagpapatahimik ni Ella at hinatak ito papunta sa gilid. "'Wag ka maingay, naiwan ko kasi 'yung bag ko, pinasuyo ko lang dito."

"Where have you been kanina pa kami nag-start, water break lang ngayon kaya I went out, I saw you earlier." 

"'Di ko namalayan 'yung oras besh, may tinapos kaming project, nako lagot talaga 'ko kay Coach." kabadong sabi ni Ella. 

"Oo lagot ka talaga." pagpapakaba pa lalo ni Dennise kay Ella kaya hinampas siya nito. "Bilisan mo matatapos na water break." sabi pa nito at aktong aalis na pero pinigilan lang ni Ella.

"Wait hintayin mo na 'ko natatakot ako pumasok mag-isa." sabi naman ni Ella.

"Ayoko nga." sabi ni Dennise pero hawak hawak lang siya ni Ella para 'di siya umalis, inaasar lang niya ito pero sasamahan niya naman talaga. 




Sabi ni Ella sa kanya ay kikitain siya nito sa entrance para kunin ang bag niya. Andito na siya sa BEG pero tumatakbo pa rin siya.



Asan ba entrance neto?

Basta yung may agila 'yun eh.



Tumakbo palibot si Alyssa sa gym kakahanap ng entrance at saglit lang ay nakita niya rin 'yung agila na blue. Agad siyang tumakbo papalapit at natanaw na niya si Ella. May kasama itong babaeng maputi at maikli ang buhok pero hindi niya kilala at makita kung sino dahil nakatalikod ito, pero mukhang teammate ni Ella at parang nag-aasaran sila. 

Lumapit na si Alyssa, nahiya siyang tawagin si Ella kaya kumaway na lang siya 'buti na lang ay napansin siya nito agad dahil nakaharap ito sa kanya.

"Alyssa!" sigaw ni Ella pero hindi naman ganon kalakas. Ngumiti siya ng bahagya kay Ella habang medyo hinihingal pa. Halata ang tuwa sa boses ni Ella at agad humakbang palapit kay Ella. In-extend ni Alyssa ang kamay niya para iabot kay Ella ang bag nito kasabay ng paglingon ng kasama nito sa kanya.




Napalingon din si Alyssa sa direksyon nito.




at nakita ni Alyssa ang matagal na niyang hinahanap.




Si Dennise.


at sa oras na 'yon, gustong bawiin ni Alyssa ang desisyon niyang ayaw niyang maging athlete.



-




A/n:


gulat kayo 'no ang bilis mag-update hahahahaha


hope you like this chapterrr 

thank you sa mga nagbabasa pa rin and hoping for everyone's safety lalo ngayon.

mag-mask kayo habang nagbabasa, lol haha

photo credits kay Lang.

mejo na-proofread ko naman pero sorry na lang ulit sa typo and wrong grammar 

'til next update!


-

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
121K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
123K 8.9K 39
Have you ever fall in love to a person na hindi mo pa nakikita or nakilala ng personal? Nakakausap mo siya pero sa sulat lang, Ni hindi mo nga alam a...
47K 4.7K 32
A MayWard Fanfic story