HELL UNIVERSITY

Od BigMacSandWitch

62.7K 680 110

WARNING : Don't open the book. Don't do such things you'll regret soon. You've been warned. Top #5 in ranking... Více

BigMacSandWitch
✎ ENROLLIES FORM~
👭 CHARACTERS 👬
Hell University
CHAPTER 1 : REBORN
CHAPTER 2 : WELCOME TO HELL UNIVERSITY
CHAPTER 3 : START OF NEW BEGINNING
CHAPTER 4 : BLOODY NIGHT
CHAPTER 6 : ANNOUNCEMENT
🩷SPECIAL UPDATE🩷

CHAPTER 5 : BLACK BLOOD GANG

1.7K 36 25
Od BigMacSandWitch

Chapter 5 : Black Blood Gang
Rhen / Psalm Pov

"Ang boring naman ng ganito!" Alboroto ni Donna.  Naglalakad kami sa isang madilim na hallway at nililibot ang buong campus. I dont know kung para saan to pero ayon sa naririnig ko sa mga kasama ko patakaran na ito dito tuwing bloody night at takutin ang mga walang kalaban laban na mga estudyante. Nakasuot din kami ng maskara, ewan ko ba kung para saan to dahil actually i dont know what the hell is really happening here. Pero hindi ako tanga para hindi malamang nasa loob ako ng libro. Ang cool nga e pero sa hindi naman ganitong sitwasyon dahil hindi nakakatuwa.

"Psalm, ang lalim ng iniisip natin ah." Tulad niyan Psalm ang tawag sa akin kahit hindi naman yan ang pangalan ko. Hindi pa ako ulyanin para makalimutan ang sarili kong pangalan. Kanina pa nga ako rinding rindi sa katatawag nila sa akin ng Psalm. "Mind your own business. " Bara ko kay Donna na kanina pa dada ng dada. Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat e iniistorbo ako sa tuwing my malalim akong iniisip. Sumimangot naman s'ya at saka tinawanan ni Hart. Ilang araw pa lamang ako rito pero memoryado ko na ang nasa paligid ko. Mabuti na lang at kahit papaano may silbi ang pagkuda ng pagkuda ng dalawa kong kasama kahit na minsan wala ng sense.

"Oi Psalm, alam mo kanina ka pa tinitingnan ni Christian ayieeeh!" I know right. Sa tingin ko my nahahalata na siya sa aking kakaiba unlike the Psalm before. Hindi ko alam kung ano nga ba si Psalm dito pero mas magandang wag na lang ako magsalita at hayaang sila ang maunang makapansin.

Apat kaming magkakasama ako, Donna, Hart, at si Christian. Nauuna kaming tatlong babae at nasa hulian naman si Christian. Kung ano man ang problema niya wala na akong pakialam doon. Mananagot talaga sila Lovely pag nakita ko sila. Nandadamay sila sa kalokohan nila. Sabi ko na nga ba dapat 'di na lang ako sumama sa kanilang pumuntang library. Napaka kulit naman kasi ni Lorraine at gusto pa akong isama kahit na umayaw na ako. Wala naman kasi akong hilig sa pagbabasa, nakuha niya lang kiliti ko ng sinabi niyang ililibre niya raw ako ng pagkain pagkatapos. Pero kung iisipin natin sobrang ang weird ng library na yun having a book like that. Okay lang sana kung sa isang magandang libro ako napasok pero hindi ee, sobrang creepy ng lugar na to pati tao dito creepy din. Nakamaska for no reason at my pako pa sila like seriously? Anong klaseng paaralan to.

Agad kaming napahinto ng makasalubong namin ang kabilang grupo ang Devil God Warriors. Nakamaskara rin sila pero makikita mo ang pinagkaiba ng grupo namin sa kanila. Oo nasa isang grupo akong nangangalang Black Blood Gang. Nginingisian kami, ang sasarap batanan pero tong kaninang nasa likod namin na si Christian ay nakakapit na ngayon sa braso ko at pinipigilan ako. Nang maka lagpas na sila agad kong hinila ang kamay ko.

"Pwede ba wag mo akong mahawak hawakan!" Pagmamataray ko. "Mas marami sila sa atin kaya umayos ayos ka Psalm. You look weird today," aniya saka niya kami nilagpasan. Ito na nga bang sinasabi ko, mukhang nakakahalata na siya. Eh sa ano bang magagawa ko e ganto talaga ako.

"Mukha ba akong weird?" Tanong ko sa dalawa."Medyo? Siguro dahil hindi mo siya nilalandi ngayon? HAHAHHA" What? seriously? Mukhang my gusto pa ata si Psalm kay Christian! Hindi ako marunong lumandi kaya sorry siya. Sorry siya dahil isang Rhen Buenavista ang my ari ngayon ng katawan ni Psalm. Well yes, nasa ibang katauhan nga ako ang weird right? Kung ako ang nasa katawan niya ngayon then where the hell original Psalm goes? Ang komplikado ng nangyayari pero still i can manage to connect the dots. Sa ngayon kailangan kong kumilos bago ako mahuli. Ewan ko na lang kung ano mangyayare sa akin pag nahuli ako. Bwesit lang talaga mga pahamak sa buhay. Saang lumalop ko ba mahahanap tong mga suwail kong kaibigan kung ibang pagmumukha ang gamit ko.

Patuloy lang ako sa pagsunod dito sa tatlo. Pupunta raw kami ng clinic para sunduin ang isa nilang ka grupo na nasaksak kagahapon.

"Hello Nurse Cha. Buhay pa ba siya o naghihingalo na?" Bungad ni Hart kaya biglang my lumipad na unan papunta sa kanya na nailagan naman niya. "Hoooy mambabato pa ha buti nga naisipan ka pa naming sunduin dito." Ayun sa naririnig ko kanina siya si Aliyah at sinaksak siya ng isa sa ka kampo ng DGW. Hindi ko sigurado kung bakit pero sa pagkakaalam ko nauna itong si Aliyah.
Nagulat kami pare parehas ng biglang  may biglang bumulusok na kutsilyo sa kinaroroon niya na buti na lang nailagan niya. What the fuck!

"Putangina Revi!" Bulyaw ni Aliyah na napatayo pa sa kamang hinihigaan niya."Nailagan mo yan samantalang yung sasaksak sayo hindi mo nailagan? So pathetic." Bored na sabi nito na kasalukuyang naka sandal pa sa pinto ng clinic at naka poker face."Hindi mo maiilagan ang saksak ng taong gusto ka talagang saksakin. Can you just be happy at buhay pa ako? Hindi malalagasan ang team Revi. " Kung tutuosin ma swerte pa siya niyan dahil isang saksak lang ang ginawa sa kanya isang saksak na hindi siya napuruhan, so maybe it means hinayaan talaga siyang mabuhay.

Habang hinihintay matapos ang pagpalit ng benda ni Aliyah sa tagiliran, nagkwekwekntuhan sila ng mga kung ano anong mga bagay bagay ng mapansin kong nakatingin sa akin si Revi. Problema ba ng babaeng to.

"Himala at hindi ka nakapulupot kay Christian ngayon?" Sinasabi ko na nga ba so heto nanaman tayo. Napatingin ako kay Christian kung mag re-react ba siya pero mukhang hindi. Mahimbing lang tong nakahiga sa available na bed at nakapikit. Pati sila Donna ay nakatingin na rin sa akin na naghihintay ng sagot mula sa akin. Namayani ang katahimikan ng wala silang makuhang sagot mula sa akin. Nasira lamang to ng biglang nagsalita si Nurse Cha.

"Ayan ayos na. Basta ibalik niyo lang siya ulit bukas para mapalitan ulit ang benda." Kanina pa ako tustang tusta sa mga titig nila kaya buti na lang talaga. "Tara na." Aya ni Revi na nauna ng lumabas. Kusa namang tumayo si Chris sa pagkakahiga, sabi na bat hindi to tulog. Inalalayan naman ni Donna at Hart si Ali na makatayo sa kama.

"Just dont force yourself too much para hindi yan dudugo," pahabol pa ng nurse.
Pwede naman na raw iuwi si Ali kasi hindi naman masyadong malalim ang pagkakasaksak sa kanya. Sa ngayon kailangan muna naming pumunta sa lungga ng BBG para mag-report of what just happened bago bumalik sa dorm. Mula sa kinatatayuan namin kitang kita ko ang leader na kausap sila Aliyah. Sa tabi nito my kasama pang babae. Pinaiwan na kami ni Revi dito dahil si Ali lang naman daw ang my kinalaman sa nangyari. Sinamahan niya na lang to. Im glad na 'di talaga ako dawit dahil lalo lang madadagdagan ang proproblemahin ko pag nagkataon.

Ng natapos na silang kausapin agad naman na din kaming dumeretsyo sa dorm."Pwede kang maalis sa grupo Aliyah kung hindi ka talaga mag aayos." Binigyan ng warning si Ali sa nangyari.  Wala na raw dapat mangyaring ganyan na hindi kasama sa plano at hindi plinano."Paulit ulit Hart? Ako kausap niya di ba? Malamang rinig na rinig ko mga sinabi ni Nazzer sa akin!" Bara ni Aliyah kay Hart na inaalalayan namang maka higa ni Donna. So Nazzer pala pangalan ng leader namin. Napatingin ako sa pinto wala naman na sigurong gagawin? Pwedeng pwede na akong lumabas. Badya na sana akong lalabas ng biglang umepal mga to.

"Wag kang mag alala Psalm. Hindi aagawin ni Revi sayo si Christian kaya wag ka ng lumabas." Minasamaan ko sila ng tingin. Pakealam ko ba sa kanya?  Nagpaiwan kasi sila sa labas at my gagawin pa raw sila. Napabuntong hininga na lamang ako at humiga sa kama. Gantong oras ko lang maaring gawin ng malaya ang gusto ko kaya gusto ko sanang lumabas kung hindi lang epal tong mga to at puro si Chris ang sinasabi pag dating sa akin.

Binato ko ng unan ang pagmumukha ni Hart ng hindi siya magtigil kakatukso sa akin.

"Pag ikaw hindi mananahimik pasasabugin ko bungo mo!" Nakuha pa kasing mag asar. As if naman si Psalm pa rin ang kausap nila. Pero kahit na sa gantong sitwasyon ako napunta masaya ako at kahit papaano e andyan sila Donna na tatanga tanga na nag papa-lighten ng mood ko.

Kinabukasan hinatid namin si Aliyah pabalik ng clinic dahil nag dudugo ang tagiliran nito."Ayusin mo naman Nurse Cha! Mauubusan ako ng dugo sayo e!" Reklamo ni Aliyah ng my dumaloy na dugo sa tagiliran niya. "Oo nga naman pag yan naubusan ng dugo , dugo mo kukunin namin!" Pag aalala ni Donna na nakatayo sa tabi nila habang inaasikaso ni nurse Cha ang sugat ni Ali.Eh paano naman kasi nakisama pa sa harutan nila Donna kagabi na halos hindi nagpatulog.

Buong maghapon kaming naka tambay dito sa clinic. Mga suwail at hindi pumasok sa klase. Pero balita ko hindi maganda ang pa absent absent sa klase dahil maaring maapektuhan ang grades mo na dahilan para maalis ka sa grupo. Kung sa gabi ikaw ay makapangyahin sa umaga naman ay isa ka lang pipitsuging ordinaryong estudyante like everyone else na andito. And in that case you still need to follow the rules of the school and must respect the higher officers sa ayaw at gusto mo.

Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas. Hindi pwedeng pahiga higa lang ako dito dapat kumikilos ako. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang napaka pamilyar na babae. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko! Agad akong kumaripas ng takbo pero bago ko pa siya maabutan e biglang my humigit sa braso ko. Dahilan para mawala siya agad sa paningin ko. Shit! Asan na siya! Napababilis namang maglakad.

"Why on hurry? Hindi mo ba alam na bawal tumakbo sa corridor?" Minasamaan ko siya ng tingin. Tingin na handa ng manakmal ng tao. Ako nanggigigil na talaga sa lalaking to."Bitiwan mo nga ako!" Pagsusungit ko at hinila ang kamay kong hawak hawak niya. Tangina naman oh Christian andodoon na e.

"Tapatin mo nga ako, are you okay Psalm? Ako nakakahalata na talaga sayo. Tell me whats bothering you, atsaka bakit mo hinahabol ang gurong yon?" Guro? Guro siya dito? Bahagya akong lumapit kay Christian, malapit na malapit.

"Are you stalking me?" Malanding tanong ko sa kanya saka pa lalong lumapit na kusa naman niyang ikinaatras. I need to do this kahit na ayaw ko hindi niya lang ako mahalata. Lalo na't nakita ko na ang pwedeng makatulong sa akin at dahilan kung bakit ako ngayon nakakulong dito sa loob ng libro.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

15.7K 259 2
Badboys.Read at your own risk.
791 87 36
DISCLAIMER : This story is a work of fiction‚ all of the part of the story are work of fiction. This story is all about the person who taked a reveng...
7.4K 637 28
EVERY LOVE IS UNFORGETTABLE... DATE STARTED: MAY 31, 2018 DATE ENDED: May 19, 2019
22.8K 549 11
ဖြူစင်လွန်းတဲ့အချစ်က​နေ.အချစ်ကြီးပီးအတ္တဆန်​သောထွဋ်ဟန်လင်းနဲ့သိပ်ချစ်​ပေမယ့်နာကျင်ရလွန်း၍ဆက်မချစ်မိရန်ကြိုးစား​နေ​သောမေဘယ်ဇင်တို့ဇာတ်​ကောင်နှစ်ဦးကြာ...