Unreturned Love (One Shot)

By perfectlover

716 22 3

New One Shot! Please VOTE and Be Fan :).. More

Unreturned Love (One Shot)

716 22 3
By perfectlover

** PL's Note: I want to share something. Alam niyo bang habang nagbibilang ako ng buhok sa kili-kili XD. De joke lang, habang tulala ako biglang nanlaki ang mata ko dahil may pumasok sa isip ko, at yun ay ang kaibigan ko.

 

************

Unreturned Love (One Shot)

"Gwapo niya talaga!" Napangalumbaba ako sa inuupuan ko habang nakatingin ng darecho sa crush ko.

"Tsk!" Tumingin ako sa nagsabi non si Lester lang pala ang bestfriend ko.

"Problema mo dyan?" Taas kilay kung tanung at muling ibinalik ang tingin kay Jeff ang crush ko.

"Hindi ka naman magugustuhan nan." Sabi niya kaya naman binigyan ko siya ng isang lumalagapak na hampas sa braso. Eh nakakainis eh.

"Kaibigan ba talaga kita?" Tanung ko sa kanya, lagi nalang kasi siyang ganyan.

"Oo naman......at hanggang kaibigan na nga lang talaga." Sabi niya na pabulong. =__= Bingi pa naman ako kaya diko narinig.

Ibinalik ko nalang ang tingin kay Jeff. Sana kasi mapansin na niya ang beauty ko, alam ko namang nahihiya lang din siya sakin, kasi minsan nakikita at nahuhuli ko siyang nakatingin din sakin. Siguro nga type niya din ako, wala panga lang siguro siyang lakas ng loob aminin.

Willing naman ako maghintay eh! Hanggang sa makapag-ipon na siya ng lakas ng loob. Kaya mag-iipon narin ako bilang sa pagsagot ko ng matamis kung 'OO' sa kanya.

Pagkatapos ng 2nd subject namin at ang 2 hours na pagtingin lang sa kanya. Tumayo nako at inayos ang mga gamit ko.

"Uy Lester bilisan mo naman dyan gutom nako!" Himas himas ko pa tyan ko, vacant kasi na namin ngayon.

"Ou na sandali lang.." -_____- ang bagal talagang kumilos ng isang tao daig pa ang babae.

"Hi Joey!" Napatingin ako dun sa tumawag sakin. At paglingon ko naman habang nagkakamot pa ng braso, halos lumuwa ang mata ko at kumawala ang puso ko dibdib ko.

Napalingon din si Lester dun sa tumawag sakin.

"J-jeff?" Natulala ako sa kapogian niya ngunit hindi ko padin maiwasan ang mapangiti.. Sinasabi ko na nga ba at hindi rin makakatiis ang lalaking to na mapansin ako, sinasabi kona nga ba at hindi niya rin mapipigilan ang totoong sinasabi ng puso niya.

Naramdaman kung lumapit sakin si Lester at hinawakan ang kamay ko. Pero hindi ko iyon pinansin, tulala lang ako at nakangiting nakatingin kay Jeff.

"Ahmm.. Pwede ba akong sumabay sa inyo ng mirienda?" Nanghina ako sa tanung niya. Eto na ba ang start non? Dumadamoves na ba siya para makasama ako?

"Kase tol..." Iimik pa sana si Lester ng unahan kona.

"Oo naman." Nakangiti kung sagot.

"Pero may pupuntahan pa tayo di ba Joey? Nagpapasama pa ako sayo." =___= Kahit kailan talaga itong si Lester diko malaman kung gusto ba niya akong maging masaya, alam naman niyang ito yung biggest dream ko ang makasama ang lalaking gusto ko..

"Ah ok lang naman sakin kung..."

"Hindi...." Di ko na siya pinatapos, nilingon ko si Lester. "Kaya mo na naman siguro na pumunta mag-isa don diba? Malaki kana best!" Sabi ko, ngumiti naman si Jeff at niyaya ko ng lumabas ng room.

"P-pero...." -Naisabunot ni Lester ang kamay sa buhok.

********************

"Ok lang ba talaga kay Lester na sumama ka sakin?" Tanung niya.

"Oo okay lang yun dun."

"Para kasing hindi ih." Sagot niya. Hinawakan ko ang kamay niya sa table, sa paraan manlang na ito maparamdam ko sa kanya na the feelings are mutual. Mukang nagulat pa siya ng hawakan ko ang kamay niya, kahit ako naman ih.. Eto na ba yung tinatawag na kuryente. Pareho kaming nakuryente ng magkadikit ang mga balat namin.

"Mabait si Lester maiintindihan niya." Tumango tango nalang siya. Kaming dalwa lang ang magkasama bakit ba hindi padin niya sabihin sakin kung anung totoong pakay niya at nagpasama siya sakin, if I know mahal din niya ako, dahil yun ang nakikita ko sa mga mata at binibitawang ngiti niya.

Huminga ako ng malalim.. Siguro nga nahihiya pa siya. Okay lang naman siguro kung ako na ang unang umamin di ba? Alam ko naman na hindi ako makakatanggap ng rejection mula sa kanya. Kasi mahal niya din ako, yun ang nakikita kung sinasabi ng mga mata niya.

"Ahmmm.. Jeff!" Tinawag ko siya.

"Yes?"

"Gusto kita!" Darecho kung sabi. Napangiti ako at lumuwag ang hininga ko ng bitawan ko ang mga salitang iyon. Nakita ko pang nabigla siya sa sinabi ko..

"What?" Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya at saka hinaplos ang pisngi niya.

"Sabi ko gusto kita....and I want you to know that.....the feelings are mutual." Bigla siyang nasamid sa sinabi ko. Hindi siya makatingin sakin, bakas padin ang pagkagulat sa mukha niya, hindi niya siguro inaasahan na gusto ko din siya, well eto na ako na ang unang umamin.

"Joey kasi......"

"Mahal mo din naman ako di ba?" Tanung ko sa kanya.

"Hi Babe!" Bigla kaming napatingin dun sa sumigaw at lumapit kay Jeff. "Oh! Hi Joey.." Napakunot ang noo ko, si Sofia ang muse namin kaya kilala niya ako.

"Ahmm Joey! She's my girlfriend." Napailing iling ako at tumayo sa kinauupuan ko. "Im sorry!" Dagdag pa niya, nakaramdam ako ng biglang pagbigat ng dibdib ko. Uminit bigla ang dalwang gilid ng mata ko, sumasakit ang lalamunan ko.

Lumabas ako sa kinakainan namin ni Jeff at iniwan silang dalwa don, ni hindi ko manlang alam na sila na pala.. Naiiyak nako! Ang sakit sa pakiramdam.. Sobrang sakit!

Umasa ako na mahal niya din ako.

Umasa ako na pareho kami talaga ng nararamdaman.

Yun pala walang ibig sabihin sa kanya ang lahat.

Nanakbo nako hanggang sa nakita ko si Lester, nakatingin lang sakin ng darecho, iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako! Iniwan ko siya at ipinagpalit sa taong wawasak lang wala ng puso ko.

"Kung hindi ka niya gusto.. Pwes ako mahal kita!" Naibalik ko ang tingin kay Lester. Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalwang kamay ko. "Mahal kita higit ng pa sa kaibigan.. Mahal kita higit pa sa pagmamahal na meron ka sa kanya... Mahal kita at gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang siya." Namuong muli ang mga luha ko, nabigla ako sa sinabi ni Lester. at mas bumigat ang nararamdaman ko.

"I'm sorry lester...pero hindi kita mahal." Dahil hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sa kanya! At ayokong umasa at mag-expect siya sa wala dahil kapatid kona ang turing ko sa kanya!

___________________________________________________________________________

TRIP TRIP lang! XD.. Wala na naman kasing magawa si AKO tapos masama pa loob ko, kasi yung blouse na nagustuhan ko sa Mall sabi ko babalikan ko, ayun binalikan ko. WALA NA! May nakabili na. Posha! =________= VOTE at Comment kayo! Wag niyong seryosohin dahil wala lang talaga akong magawa. Basahin niyo nga din pala iba ko pang stories. That's it!

Continue Reading

You'll Also Like

601K 7.4K 31
The bad boy's life changes when he suddenly becomes the teacher's baby...
297K 6K 53
She's the girl that I want to spend my life with. She's the one who's making me damn crazy. She's Darlene Michelle Miranda.
190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
718K 22.9K 65
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her entire life. Only a shel...