I Saw You

By UnknownHeartbeats

237K 11.9K 4.4K

{ Constantine Series: Book 2 } Palagi nalang bang siya ang makikita mo? Paano naman ako? - London Constantine... More

Prologue
Chapter 1: Heartbreak Girl
Chapter 2: Pansamantala
Chapter 3: Lagi mong tandaan
Chapter 4: Little Girl
Chapter 5: Kung Sa'n Ka Masaya
Chapter 6: Sorry
Chapter 7: Someday Maybe
Chapter 8: This
Chapter 9: Halaga
Chapter 10: Beautiful Soul
Chapter 11: Date
Chapter 12: Can't take my eyes off of you
Chapter 13: She will be loved
Chapter 14: Bakit Ba Ikaw
Chapter 15: Why Can't It Be
Chapter 16: Ulan
Chapter 17: Sugar
Chapter 18: Ngiti
Chapter 19: Almost is Never Enough
Chapter 20: Dahan
Chapter 21: Wonderwall
Chapter 22: Perfectly Perfect
Chapter 23: Ikaw Lamang
Chapter 24: CHFIL
Chapter 25: Maybe the night
Chapter 26: Bulong
Chapter 27: Kita Kita
Chapter 28: Araw-Araw
Chapter 29: Huling Sandali
Chapter 30: Sunflower
Chapter 31: Someone You Loved
Chapter 32: Sa Susunod na Habang Buhay
Chapter 33: Not a Bad Thing
Chapter 34: Memories
Chapter 36: Don't Start Now
Chapter 37: Maybe This Time
Chapter 38: Beautiful Scars
Chapter 39: La Vie En Rose
Chapter 40: Make You Mine
Epilogue
Constantine Series

Chapter 35: Ocean Eyes

2.8K 160 76
By UnknownHeartbeats

I've been watching you
For some time
Can't stop staring
At those oceans eyes

{ Ocean Eyes | Billie Eilish }

I woke up with a headache. Umungos ako't minasahe ang sentido, pilit na inaalala kung bakit ganoon na lamang ang sakit ng aking ulo.

I remember going to a club last night for Volt's birthday. Did I drink too much? My head aches so bad!

Naalala kong nag-paalam ako at sumaway sa dance floor. I was having fun when suddenly, memories of that man clouded my mind and well, I cried because of him again. There's nothing new about that. Dati'y araw araw ko siyang iniiyakan.

Then I remember seeing England at the dance floor, my eyes were heavy because of all the crying. He saw me, wiped my tears and... and...

Shit! I remember kissing him. His soft lips thoroughly brushing mine. I initiated the kiss. We kissed!

Napabalikwas ako sa hinihigaan dahil sa naalala. Hinalamos ko ang palad sa aking mukha. How stupid can you be, Cash?!

You let yourself kiss a co-worker and what? What happened after that?! Wala na akong maalala. Did I pass out? Everything is a blur!

Bakit ko ba kinakalimutan na may tendency akong manghalik kapag lasing? Madalas na biktima noon si London. And now, I have a new victim!

I groaned out of embarassment. Nang mahimasmasan ay mabagal kong pinagmasdan ang kwarto. I sighed in relief when immediately, I realized I'm a familiar room.

The pink curtains were shut close. Ang mga libro ko'y nakasalansan ng maayos sa aking bookshelves, katabi noon ay ang study table ko. Sa isang cabinet naman ay mga pamilyar na stuffed toys na hindi ko na nabitawan dahil sa sentimental value. A huge calendar hangs on the wall. Outdated na iyon at hindi na napalitan dahil sa tagal na hindi umuwi dito sa bahay namin.

Oh, wait! Sa bahay namin...nila Mommy? Why am I here?

Mabilis ay lumabas ako ng kwarto para suriin ang paligid at kumpirmahin na naiuwi nga ako ng ligtas sa amin. Wala sa aking condo kundi sa bahay talaga ng aking mga magulang. Did England bring me home? Paano niyang nalaman na tiga-rito ako? And goodness, this is an hour and a half ride from where we came from! Nakauwi ba ito ng ligtas?

Gosh. I've been such a pain! I need to apologize at least.

"Mabuti naman at gising ka na," boses ni Daddy ang bumungad sa akin nang makarating ako sa kusina. He is in his usual white shirt and black shorts, may hawak na kape habang ang mata'y nakatitig sa kanyang laptop imbes na sa akin.

Si Mommy naman ay abala na mag-luto ng umagahan. Naka-pusod ang buhok at bahagya pang humikab bago ako nilingon. "How are you feeling, Cash? May mainit na tubig pa riyan, uminom ka muna."

I sighed. "Good morning, Mom, Dad..."

Gaya ng inutos ng Mommy ay kumuha akong mainit na tubig at sumimsim doon. Kita kong wala sa timpla si Daddy ngayong umaga habang ang Mommy nama'y malumanay.

"You haven't visited this house in ages, Cash," matabang na sabi ni Dad. "And last night, we got a call from your secretary? Ihahatid ka daw dito ng katrabaho dahil sumobra ang inom?!"

"Loki, hindi na bata ang anak natin," pigil ni Mommy. "Let's just be thankful that she's all safe."

Alam kong may tampo sa akin ang aking mga magulang. Madalas nama'y nakikita ko sila kapag may meeting sa trabaho. Nga lang, trabaho iyon. Hindi na nila ako madalas makasama kagaya noon, maka-bonding manlang. Hindi ako kailanman na nakauwi rito dahil diretso ako sa aking condo pagkatapos ng trabaho. Bukod sa malayo rin kasi'y mas pinipili ko ding mapag-isa nalang.

Tinulungan kong mag-hain si Mommy ng agahan. Dad closed his laptop when it's time to eat.

"I just don't think it is right to just let her wander off with a stranger," my Dad commented.

"Dad, England is not a stranger. He is a friend."

"At mukhang mabuting bata iyon. Talagang inuwi ka pa dito at hindi nalang sinamantala ang pagkakataon..." Si Mommy. "He's a new employee, Cash?"

Tumango ako. "He's very hard working, too. Hindi ako magugulat kung umangat siya sa napiling industriya, Mom."

Umiling-iling si Daddy. "Susubaybayan ko kung paano siya sa trabaho kung gano'n. Do you like him, Cash?"

Nag-taas sila ng kilay sa akin pareho. Suminghap ako. Why would they assume that?

"Is he your boyfriend?"

"Dad, sinabi ko namang kaibigan ko at katrabaho lamang." Tumikhim ako.

Humalukipkip ang aking ama. "Hindi ko gusto ang mga lalaking ipinangalan sa lugar. London...England...Tunog hindi maganda!"

"Loki!" My mom giggled at that.

Ngumuso ako. "Hindi ko siya nobyo, Dad. Isa pa, mabait si England."

"Kung ganoon bakit kayo nag-halikan?" Malamig na tanong ni Daddy. Napakurap ako doon.

"Loki! Tama na!" Humagalpak ng tawa si Mommy habang nag-iinit ang aking pisngi sa biglaang tanong ni Daddy. He scoffed and just continued eating his breakfast. Nilagok ko ang lahat ng tubig sa baso sa sobrang kahihiyan. Paano niyang nalaman iyon...

"You see, dear, your friend, England, told us last night that you two kissed. Humingi ito ng paumanhin dahil doon. Ayaw niya daw na maging mabilis ang progreso sa pagitan niyong dalawa. Progreso, Cash. Iyan talaga ang nabanggit niya!" Natatawang kwento ng Mommy. "You were extremely drunk and I know you kiss random people when you drink. Nabanggit na ito noon sa akin ni London." Bumagal ang kanyang pag-sasalita nang banggitin ang huli.

Gusto ko ng tumakbo. Nakakahiya! Bakit pa niya kailangan banggitin pa iyon?!

"I think he's a nice man, Cash. He drove all the way here to return you safely, and he confessed for his mistake. He was very sorry for the kiss. Kung makikita mo lang ang kanyang reaksyon kagabi. It was really funny!" My mom continued. "He's brutally honest about it. You kissed him first then he kissed you back. He was sorry because you were drunk but he told me honestly that he, himself, enjoyed the kiss! Nagkanda-utal-utal pa siya habang sinasabi iyon. Kailangan ko pang sabihin na ayos lang iyon dahil nasa tamang edad na kayo."

"Mommy!" Pigil ko sa kahihiyan. "I get it, okay? Let's just eat peacefully now."

"You know, I don't really care who you kiss or choose as a boyfriend, Cash. Matanda ka na at dapat nga'y may apo na kami ngayon sa'yo!"

Tumango-tango si Dad. Mukgang gusto ang ideya ng apo. "I agree on that. You're of age. We're not getting younger."

"See?" Tinuro ni Mom si Dad. "Even the monster approves!"

"What monster?" Baling ni Dad kay Mommy. She giggled and looked at me again.

"That man! He got my approval," nagkibit ito ng balikat at ngumisi. She playfully nudged my father. "Alam kong gusto mo din ang batang iyon, Loki. 'Wag ka nang magkaila pa diyan! He's a breath of fresh air. Something new!"

"I don't like his name..."

And the conversation went on and on. Halos sampung minuto lang daw ang itinigal ni England dito ngunit parang sa kwento ni Mommy ay sobrang tagal niyang nanatili!

I went back to my room after breakfast. Balak kong bumalik na sa condo ko pagkatapos ng tanghalian. As much as I want the comfort of our home, madami pa din akong kailangang gawing trabaho.

After taking a bath, I checked my phone for any messages. Nilagay ko ang isang kamay ko sa aking baywang habang iniisa-isa ang napakaraming mensahe. Karamihan ay galing sa mga katrabahong kasama kagabi. Pinakamaraming mensahe ang galing kay Volt. Nag-alala dahil bigla na lamang akong nawala.

To: Volt
Good morning! Pasensya na kagabi, I was so drunk. I guess, Landers told you that he drove me home? Happy birthday ulit. I hope you enjoyed the night!

Kasabay nang pagkatext ko noon ay nakareceive ako ng dalawang magkasunod na mensahe. Una mula sa unknown number at sunod naman ay kay galing kay Demi. Una ko iyong binuksan.

From: Demetria Grace
Hi, Ate! How are you? It's the twins, France and Brooks, birthday soon! We are planning a surprise for them. Are you free on first Saturday next month, Ate? Ieva will be coming home with her husband!

Lagi akong iniimbitahan sa tuwing mayroong celebration sa pamilya ng mga Constantine. Before, I would go expecting for a surprise appearance from, well, You-Know-Who. And I got so disappointed too many times that I stopped going to any of their birthdays. Magdadalawang taon na rin yata nila akong hindi nakakasama. Although, I always send them gifts and greet them through videocall.

Medyo nakakaguilty nga na hindi ako nakakaattend dahil lang nag-sawa na na umasang may dadating na isa pang bisita eh. But well, I won't move on if I keep hoping for him. Tama na rin ito para sa akin. Tama na na ilang beses na akong nabigo.

Right now, I am not at all hopeful. Kahit kaunting pag-asa, hindi ko na yata maramdaman. Tanging poot na lamang ang nararamdaman ko.

Although, yes, I do understand his reason for leaving. Ilang beses ko na iyong sinabi. Ngunit hindi ko rin masisisi ang aking sarili kung ngayo'y may galit ako sa kanya. Minsan kapag nagninilay-nilay ako'y inisip kong mas gusto ko nalang ngang magalit kesa ang umasa sa kanya.

I re-read her message. Ieva will be coming home, huh, and with her husband. Ang batang iyon, how old is she again? Early 20s! And now, she's with a husband. Hindi ako naka-attend ng kanyang kasal pero balitang-balita iyon sa buong mundo. Sabagay ay mag-asawa ka ba naman ng Prinsipe!

First Saturday of next month? That's around three weeks from now. Ang aga naman nitong mag-imbita. Slowly, I typed a neutral reply. Like I always do.

To: Demetria Grace
I can't believe the twins are getting older again! Excited to be with all of you. Susubukan kong umattend. Titignan ko ang aking schedule.

Her reply was fast.

Siya:
ATEEEE! You always say that but you never come! Sa birthday ni Craydette, wala ka.  Sa binyag ni baby Savy, wala ka! Sa birthday ko, wala ka din! I can list down every celebrations you did not attend to. Nagtatampo na kaming lahat.

Bumuntong-hininga ako. Last time, si Tita Bri ang may ganitong klaseng mensahe sa akin. Gusto ko minsang itanong kung bakit kailangan pa akong imbitahin. Ano ba ako? I am only an ex of their precious London. Hindi naman na dapat ako iniimbita sa ganito.

But then, I knew better. They're family, too. At kailanman, hindi nila ako tinuring na outcast sa pamilya. They are very welcoming and nice.

Ako:
I'm just really busy these days, Demi. But I will try to come. I just can't promise. May mga occasional meetings kami na kailangan naroon ako. I got promoted kaya mas marami ang kailangan kong pagtuonan ng pansin.

I hope she buys it though. Totoo naman iyon. Kalahati ng rason ko kung bakit ayaw kong pumunta ay dahil sa responsibilidad.

Siya:
That's why I'm informing you early, Ate. Matagal pa iyon so sure maisisingit mo sa sched?  And it's a weekend. Do you still work during Saturdays?

Ako:
Yes, I work during Saturdays too. Day off ko lang ngayon dahil may inattendang party kagabi.

Siya:
See? You have time to party but no time for us :(((

Hinilot ko ang sentido ko.

Ako:
I will try, Demi. Mag-ingat kayo diyan.

Siya:
Okay, Ate. Ingat ka din.

Siya:
:(

Bumuntong hininga ako at hindi na siya nireplyan. Ibinaba ko ang phone sa aking kama at kinuha ang blower para iblow-dry ang buhok. Once done, I checked my phone again for recent messages. Mayroon nanamang bagong mensahe galing sa unknown number kanina. Naalala kong hindi ko iyon nabuksan kanina. I tapped on my phone and read the message.

From: Unknown
Good morning, Miss Cash. I just want to see if you are feeling well? Marami ka po kasing nainom kagabi at nag-halikan pa tayo hehe

Napapikit ako ng mariin. Why would he even mention that!?

Dumilat ako at binasa ang sumunod niya pang text.

From: Unknown
Medyo nabanggit ko pala iyon sa iyong mga magulang, Miss Cash. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko din inexpect na meet the parents tayo agad.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinaalala sa sarili na awayin siya sa susunod na pagkikita. Sinave ko ang kanyang numero at bago pa man ako makareply ay nakatanggap muli ng mensahe galing sa kanya.

From: England Calvert
Sana ay hindi ka magalit sa akin. Hindi ko ginusto na ganoon agad ang mangyari sa atin, Miss Cash. Hindi ko alam na masyado ka palang agresibo :)

Gigil akong tumipa ng sagot. Ang galing niyang mang-inis ah.

Ako:
Kung nandidiri ka sa halik na iyon at sa pagiging agresibo ko, sana ay itinulak mo ako palayo! Kairita ka ah.

Siya:
Miss Cash, mayroon ka bang nabasa sa mga nagdaang kong mensahe na nandiri ako sa halik?

Well, wala. Why does he seem so calm about it? Boss niya pa din ako at kayang-kaya ko siyang sisantehin kahit pa crush ko siya!

Ako:
Hindi na iyon mauulit.

Siya:
Awit. Bakit hindi?

Umirap ako at ngumuso. Nakakainis. Bakit ako nangiti?

Nagpatuloy ang aming pag-uusap. Buong oras ata noo'y hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Buong mag-damag kaming nag-text. He's very entertaining. Tumigil lamang siya nang kailangan niya ng mag-linis ng bahay. Apparently, he lives with his mom and his aunts. Kapag ganitong wala siya sa trabaho ay nagpipresenta siyang tumulong sa mga gawaing bahay. I kind of admire him for that.

I went back my condo and around 6PM was invited by Landers to dine somewhere else.

"I thought you are with your mom? Hindi ba mas mabuti kung sa bahay ka nalang kumain?" Taka kong tanong bago hiniwa ang inorder na spare ribs. Mahinahon akong humiws ng parte at kumain.

"Sinabi ko na may date ako." Sumulyap siya sa akin at ngumiti. His blue eyes looked so mysterious and playful at the same time. Pakiramdam ko sa bawat araw na mag-kasama kami ay mas nagiging kumportable siyang kausap ako. Maybe he's an introvert? Noong una kasi talagang para siyang takot na aso na kaya kong pasunurin sa kahit saan.

I almost choke on my food when I realized what he said. Date? He considered this as our date?

"Ayos lang ba?" Mabagal niyang tanong havang mataman akong tinitignan. Hindi niya pa ginagalaw ang pagkain.

Nag-taas ako ng kilay. "Ayos lang na?"

"I-date kita?" Ngumuso siya at bahagyang napakamot sa batok. "Sorry, hindi kasi ako sanay na ganito. At alam kong baka nabibilisan ka dahil, well, kakakilala lang natin."

Napatitig ako sa kanya pero kalaunan ay sinabi ko din ang nasa loob ko. Sure, I enjoy his company. He's a really good man, too. But I don't think I am ready yet to date anyone seriously.

At sa gaya niyang lalaki, hindi lang ako dapat makipaglaro. Hindi dapat "okay, try ko sa kanya, kapag nag-fail edi ngawa".

"Maybe we should stay as...friends. For now?" Diretso kong sabi. Tinitigan niya ako. Mukhang sinisink in ang aking sinabi. "I don't think I am ready yet to really, you know, date someone for real."

"Bakit, Miss Cash? Hindi ba ito totoomg date?"

"What I mean to say is that I am not ready yet to enter anything serious right now," I told him honestly. Ayaw ko din siyang paasahin kahit pa crush ko siya. "Maybe we should, well, take this slow. 'Wag tayo magpakarupok masyado. Kilalanin muna natin ang isa't isa."

Napahilig siya sa upuan. His lips portruding a bit. Hindi ko alam kung natutuwa siya o ano. "You're very straight forward."

"I'm just being practical. I don't want this to be just a spur of the moment thing." Paliwanag ko. "Do you like me to be your girlfriend? Or you just like me as a companion? We have to be clear on that."

"Masyado mo itong iniisip, Miss Cash." May multo ng ngiti sa kanyang labi kahit pinipilit niyang itago iyon. Hindi ko alam kung bakit bahagya akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa tiyan.

"Ayaw ko lang maging impulsive. You see, I have been broken so many times, and I haven't dated someone seriously for the past seven years. Hindi ako sigurado kung handa na ba akong sumubok ulit." Paliwanag ko. "Ayokong makipaglaro din..."

Here is a girl who prays for someone to date her and when someone comes in her life, she refuses!

"So, you are saying that we may be serious about this in the future but for now, you are not yet ready?" Mataman niyang tanong.

I nodded slowly. "Parang ganoon."

"So you do not want to consider this a romantic date but rather a friendly date? To get to know each other?"

"Uh-huh..."

Tumango-tango siya. "Okay. Fine with me."

Medyo namangha ako dahil ang bilis niyang kausap. Ngumiti ako ng matamis. "Thank you. I really like your company and I appreciate everything you have done so far. Lalo na ang pag-hatid sa akin kagabi. Some would take advantage and take me to some other place because I was in a vulnerable state."

"Hindi ko pagsasamantalahan ang sitwasyong ganoon, Miss Cash. Bagamat nagustuhan ko ang halik, medyo nahihiya ako na nagnakaw pa ako ng isa pa matapos iyong una mong halik. Hindi ko dapat ginawa iyon at—"

"No, it's okay!" Pigil ko. "I'm just glad that it's you that I kissed. Imagine if I kissed someone perverted, my gosh!"

Natawa ito. "Nakatitig ako sa'yo magdamag noon, Miss Cash. Hindi ko namang hahayaang mabastos ka."

I chuckled and continued eating my dinner. Ganoon din siya.

"Did you enjoy last night? Madalas na nagpapa-party si Volt kapag birthday niya pero kagabi lang ako dumalo." Dahil aattend ang bago kong crush na sa ngayon nasa friend zone muna.

"Na-enjoy ko naman." Sumimsim siya sa inumin. "Dahil sa halik."

"Landers!" Natatawa kong pigil. Talagang hilig niya iyong i-bring up. Tumawa rin siya pero kalaunan ay sumeryoso ang tingin.

"Maiba nga tayo, Miss Cash," bumaba ang kanyang boses. Ang mga mata'y dumidilim ng kaunti. "Bakit ka umiiyak kagabi sa dance floor?"

Matagal ko siyang tinitigan. Medyo may alinlangan kung sasabihin ko ba ang kwento sa kanya. But then he smiled and said, "It's okay if you do not want to share it, Miss Cash. Kung ano man iyon, just know that I will always be here to listen. Whenever you're ready."

His eyes looked so sincere. Hindi ko talaga maiwasang mamangha doon. It's like an ocean persuading you to come close, dive and swim.

I haven't really talked about what happened between London and I. People just assume that we broke up and he left. Hindi ko sinabi sa kahit kanino man ang naging rason dahil alam kong sensitibo iyon pareho sa amin ni London. Only a few knew that he became voiceless. Only a few would understand his decision. Kahit pa kay Volt ay hindi ko kinwento ang buong pangyayari. Gaya ng karamihang kakilala, he just know that I was left behind by the playboy they all knew.

Hindi ko na rin kailanman inisip na maioopen ko iyon sa iba. Kaya naman medyo nagulat din ako sa sarili nang matapos sumimsim sa tubig ay nag-simula akong mag-kwento. Mula simula hanggang dulo. And all the time, England listened.

"Kayo na?" Volt asked me one time. Kakalabas ko lang sa pantry at may dalang bagong timplang kape.

It has been almost a month since the party. And ever since, England and I grew closer and closer each day. Siguro dahil sa kanya ko na ikwento iyon ay mas naging komportable ako.

He did not say anything then. Niya kinwestyon ang desisyon ni London, hindi rin niya sinabing I deserved better than that. Tahimik lang siya buong usapang iyon. And the silence, strangely, comforted me.

"Ano? Hindi!" Deny ko agad.

"Your smile..." Ngumisi si Volt at umiling-iling. "I'm glad you're finally smiling like that. Hindi mo iyan pinapakita sa nag-daang taon. I'm just amazed."

Ngumuso ako. "I smile like this always."

Mahina siyang natawa at ginulo ang aking buhok. "Landers is a good influence on you."

Nilingon ko si England na naiwan sa pantry. Nakahalukipkip at nakatanaw sa akin. His blue eyes looked dark but when he saw me looking, bahagyang nawala iyon. I waved my hand and smiled before looking back at Volt.

"He's a good guy."

"I know. If there's a man you should consider being your next boyfriend, it should be him." He said so slowly. Natawa na lamang ako at nagpaalam na na babalik sa opisina.

My secretary immediately informed me about a call from my laptop. Kanina pa daw iyon tumutunog ng paulit-ulit at hindi naman niya nasagot dahil hindi dumirekta sa kanyang contact.

"It's okay," may ngiti kong sabi sa kanya saka dumiretso sa aking desk.

Immediatelt, I saw Demi's username calling me through Skype. Today is Brooks and France's birthday. I called last night to tell them I won't be able to attend. Wala talaga akong plano pero naipadeliver ko naman na ang regalo para sa dalawa. They usually call me when there's an occasion so this isn't anything unusual.

Nilapag ko ang dalang kape sa aking mesa at saglit na sinuklay ang buhok bago sagutin ang tawag. Immediately, Demi's face showed up. She has a new hairstyle. Maiksi na hanggang balikat at bangs. She's the same age as Genieva. Gaya ng dati'y may suot siyang sweat shirt na itim. It's her favorite.

Her eyes were black and is looking a little bit puffy. Namumula din ang mga pisngi nito pati na ang ilong. Para siyang umiyak pero hindi ko na pinansin iyon.

"Ate!" She squealed. "We miss you!"

"Hi, Demi! Can you call the twins for me? Sorry hindi ako nakaattend. I'm very busy!"

"The twins are outside, Ate! They already received your gift. Tuwang-tuwa si France at Brooks na din. Kilalang-kilala mo daw ang gusto nila."

"Of course! They are my babies!" I chuckled. "Go to them, Demi. I want to greet them a happy birthday."

Humagikgik siya. "Okay, Ate. Pero there's someone who wants to say hi to you first!"

Ngumisi ako. "Ieva and her husband?"

Demi looked at me and smiled. Bahagya siyang nawala sa screen para siguro tawagin ang mag-asawa.

I sipped on my coffee and waited. I have a meeting in 15 minutes.

"'Wag na, Demi..." a faint voice was heard from the call. Wala pa din si Demi sa screen. Tanging ang ceiling lamang ang kita doon.

"Dali na, Kuya! I know you miss her!" Demi's voice was loud. Kuya?

"'Wag na, next time nalang." The voice was low. Hindi ko alam kung kaninong boses iyon but immediately, my mind flew somewhere else.

Hindi kaya...

"Ang arte mo! Kailan ka pa nahiya?!" Demi said then picked up her phone. Una kong nakita ang mukha niya and then she switched the cam to someone else.

A man stood just a few steps away from Demi's location. He's wearing a simple black shirt and ripped pants. Hawak nito ang kanyang buhok at bahagyang inaayos.

My heart hurts at the sight. Nahirapan ako agad sa pag-hinga. Muntik ko pang maitapon ang hawak na kape sa sarili.

"Ate..." Now, her cheerful voice croaked. "Nakabalik na siya."

Lumapit si London sa camera at sinubukan itong hawiin. Hindi ako makapag-salita. My throat felt dry.

"Mag-hi ka naman, Kuya!" Demi demanded and took away her phone. Ifinocus niya iyon kay London na ngayo'y nagkakamot ng ulo.

He then looked straight at the camera and hesitantly said, "Hi, Cash..."

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 243 35
She's a shy introvert. He can charm and sweep anyone off their feet. She's soft-hearted and kind. He takes no shit from anyone. She's a supermodel...
14.7M 330 1
Secret Trilogy: Secretly Living With My Husband (Book 2 of 3) They began in a secret relationship. Went through many trials and fought together becau...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
Torment By 𝕒

Fanfiction

25.3K 954 37
#CharDawn Under the pouring rain, with her bones trembling, body shivering, she stood with her father and listened with great curiosity. "This is j...