Lalaking may kaguwapuhan,
Lalaking madalas kang susupladuhan,
Kilalanin mo s'ya at iyong maiintindihan.
Lalaking hindi basta-basta pumipili,
Nais makita ang babaeng magiging una't huli,
Dahil mundong ginagalawan ay hindi madali.
Lalaking sa mata ng karamihan ay perpekto,
Hinahanap na babae katulad ng kapatid nito,
Kaya ang ugali at ikinikilos n'ya ay nakakalito
Maxwell Laurent panganay ng kanilang pamilya,
Natagpuan na nga ba ang babaeng laan sa kanya,
Babaeng handa n'yang ipaglaban kahit masaktan s'ya.