Obey Him

JFstories által

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... Több

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 53

311K 10.8K 2.2K
JFstories által

CALDER's POV


"ANG AGA MO YATANG BUMISITA?"


Nangialam ako ng alak sa mga mamahaling alak na naka-display sa cabinet niya. Kumuha rin ako ng shot glass at nagsalin doon. "I'm lonely, kailangan ko'ng karamay." Labas-masok na ako sa mansion niya, wala nang sumisitang tauhan niya sa akin ngayon.


"Nang ganito kaaga?"


"Nang ganito kaaga," I repeated his words. "I'm also here to do a follow up. Nasaan na ang pangako mo sa akin? Nasaan na si Fran?"


Nag-iwas ng tingin sa akin ang matanda bise presidente ng bansa, si Vice Salvo Cole III.


"Hindi mo pa rin kaya ang anak mo hanggang ngayon?" Umismid ako. "Takot ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?"


"Mahirap ang gusto mo, Calder," mariin niyang sabi.


"Walang mahirap dito. Gawin mo lang ang sinasabi ko, ibigay mo sa akin si Fran. Maawa ka sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan sa mundong ito para magdusa sa piling ng anak mong gago."


Napatayo siya mula sa lazy boy chair. "Why are you so obsessed with that girl? Bakit hindi niyo siya mabitawan? Bakit kailangang pag-agawan niyo? Napakaraming babae sa mundo."


"Nag-iisa lang si Frantiska!" Ibinagsak ko ang shot glass sa ibabaw ng babasaging mesa.


Napailing ang matanda.


"Natatakot kang masira ang pangalan mo, right? Pwes alisin mo na sa buhay niyo si Frantiska dahil hindi ako titigil hanggat hindi lumalabas ang mga kasiraan niyo hanggat nasa inyo siya. My mom died because of your son, si Frantiska ang gusto kong kapalit."


"Mamamatay na talaga ang mama mo kaya 'wag mong isisi lahat kay Jackson—"


"Isisisi ko sa inyo lahat hanggang gusto ko. Malaki pa rin ang ambag niyong mag-ama kung bakit nagkasira-sira ang buhay ni Mama, 'wag kang makakalimot sa atraso niyong mag-ama."


Nagtagis ang mga ngipin niya.


"At hindi ba sinabi sa 'yo ng magaling mong anak na bago mamatay si Mama ay pumunta siya sa ospital kahit pa sinabihan ko na siyang wag na wag magpapakita doon? May usapan kaming hinding-hindi siya magpapakita kay Mama kapalit ng pag-alis ko sa mansiyon, pero pumunta pa rin siya para magpakita. Maybe it's his way to warn me na kapag sinuway ko siya, babalik siya para guluhin si Mama."


"Jackson won't stoop that low!"


"Iyon ang akala mo!" gigil na sigaw ko.


Hanggang ngayon, kahit obvious namang may topak ang anak niya, bulag-bulagan pa rin siya sa ibang kagaguhan ni Jackson. Hindi ko alam kung anong meron at hanggang ngayon, nabibilog pa rin ng lalaking iyon ang ulo ng matandang ito.


"Hindi niya para idamay ang mama mo, Calder. He can't do that."


I shook my head and gave him a short and saracastic laugh. "Vice, alam naman nating kahit kailan, hindi perpekto ang anak mo. Sa dami ng ginawa niya behind your back, gusto mo pa ring maniwala na pwede pa siyang maging santo?"


Nanahimik siya.


"Wala lang akong magagawa noon para labanan siya. Kayang-kaya niya kasing magpakita kay Mama kahit kailan niya gusto, kahit pigilan ko siya, makakagawa siya ng paraan. Pero ngayon, wala na si Mama. Wala na siyang leverage over me. Lalabanan ko na siya ngayon nang harapan lalo ngayong nakakita na ako ng kahinaan sa kanya."


"At si Frantiska ang nakikita mong kahinaan niya?"


Ngumiti ako nang mapait. "Kinuha niyo si Mama sa akin, kukunin ko naman ngayon si Fran sa inyo."


"Why Frantiska? You know, you don't love that girl. You're just seeing her as a trophy here."


Tinungga ko ang laman ng shotglass at ibinato iyon sa malapit na basurahan. "'Wag mo akong husgahan dahil hindi mo ako kilala. Money is nothing to me. I want Fran dahil siya lang naman ang may halaga na pwede kong kunin mula sa poder niyong mag-ama. Gusto ko na kayong kalimutan, gusto ko na nang bagong buhay at kailangan ko si Fran to do that."


Walang imik ang matanda nang iwan ko na siya.


...


Frantiska


'WAG MONG KAKALIMUTANG UMUWI SA AKIN...


Wala ako sa sarili sa buong byahe papuntang school. Naibaba na ako ni Kuya Tarek sa tapat ng gate, pero tulala pa rin ako. Nakarating na ako sa Don Eusebio Mariano University ay paulit-ulit ko pa ring naririnig ang boses ni Jackson. Parang kasama ko pa rin siya, parang naririnig ko pa rin ang simple pero tagos sa pusong bilin niya, parang nararamdaman ko pa rin ang init ng katawan niya, parang naaamoy ko pa rin kung gaano siya kabango...


Agh... baka pati iyong nangyari sa amin kagabi, maalala ko pa. Napakahalay ko na!



"FRAN!" Humahangos si Bea papunta sa akin sa labas ng gate ng DEMU. Saka lang ako natauhan at bumalik sa realidad.


Kinawayan ko si Bea. Ang buhok niyang may highlights at curly na ngayon ay hinahangin habang nananakbo siya. Maganda ang bawat hakbang niya dahil feel na feel ng babae ang suot na Balenciaga fashion high leisure footwears. Pahampas-hampas din sa hangin ang bitbit niyang Gucci sling bag.


Napangiti ako, ang ganda ni Bea. Maganda rin naman pala ang kinalabasan ng pagasta ko ng pera ni Jackson kahapon. Napasaya ko ang mga kaibigan ko.


"My God, Fran! Muntik ko nang maibangga iyong sports car, di ako sanay!" Kumikinang ang diamond stud Chanel earrings niya."Ano? Hindi ka ba pinagalitan ni Mayor sa panlilibre mo sa amin kahapon?"


Umiling ako. Hindi ako pinagalitan, pero naparusahan sa ibang paraan. Sa mahalay na paraan, sagot ng utak ko.


"Sabagay, hindi ka naman papagalitan ni Mayor."


Tumaas ang kilay ko.


Ngumisi sa akin si Bea. "Mabait si Mayor, alam mo kung bakit? Dahil ma-booty siyang tao."


Nahampas ko siya sa braso. "Sira ka talaga, Bea!" Namula ang mukha ko sa pagkaalala sa matambok na pwet ni Jackson kagabi.


Tawa lang naman nang tawa si Bea sa pamumula ko.


Magsasalita pa sana ako nang may pumaradang pink ford Mustang sa tabi namin. Bumukas ang bintana niyon at sumungaw ang nakangiting mukha ng babaeng nakafull make up at nakasuot ng Gucci headband. "Girls!"


"Hilda!" sabay naming bulalas ni Bea. Pareho kaming nabigla dahil ngayon lang namin nakitang nagmake up si Hilda—at medyo lampas ang lipstick niya.


"Hello sainyo! Grabe, naiiyak ako! Ang sarap pala mag-drive ng sarili mong kotse!" Naluluha na humagikhik siya at itinaas ang kamay para i-check ang oras sa suot na St. Tropez Charriol watch. "Sige, park muna ako!"


Tumango na lang kami ni Bea. Samantalang ang ilang estudyante at prof na nakita si Hilda ay lahat mga nagtataka. Mga hindi makapaniwala ang mga tingin sa Mustang na iminamaneho ni Hilda. Kilala kasing scholar si Hilda sa DEMU, alam halos ng lahat na nakakapasok lang siya rito dahil sa scholarship.


Mayamaya ay si Elvy naman ang dumating. Naka-civilian ang babae. White fitted t-shirt dress na napapatungan ng pink sleeveless tulle ang suot niya. Iyon iyong Prada na damit na kauna-unahan niyang napili sa mga pinamili niya nang magshopping kami kahapon. Tinernuhan niya iyon ng black na Chanel headband, LV egg shaped monogram canvass bag, at white Jimmy Choo high-heel sandals na may design na feather and crystal. Sa kaliwang kamay naman niya ay Chariol bangles.


Sabay-sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob ng university. Sa room na lang ng first subject namin hihintayin si Hilda. Habang naglalakad kami ay parang gusto kong manliit sa dalawa kong kasama. Pormang-porma kasi sila, kahit pa naka-uniform si Bea ay naka-high footwear siyang Balenciaga, bag na Gucci, at ang shiny ng buhok niyang may highlights. Lalo naman si Elvy na pagkaganda-ganda at mukhang prinsesa sa ayos ngayon.


Anong sinabi ng buhok kong hindi ko man lang nasulay dahil sa pagmamadali? Tapos wala ako maski pulbos sa aking mukha, kitang-kita tuloy ang eyebags ko dahil napuyat nga ako. Iyong labi ko pa, medyo maga at namumula dahil napanggigilan ito kagabi.


Sa daan ay pinagtitinginan ng lahat sina Bea at Elvy. Lahat ay shocked sa kanila. Hindi lang kasi sila basta maporma at yayamanin ngayon, parang bigla rin silang tinubuan ng confidence sa katawan. Ngayon ko lang silang nakitang taas-noo habang naglalakad.


"Fran, thank you. Feel na feel ko..." bulong sa akin ni Elvy na nasa kaliwa ko.


"Ako rin, mga sis. Parang bigla, ang ganda ko." Si Bea naman sa kanan ko. "Grabe nga, hindi ako natulog magdamag kaka-testing nung mga mamahaling make up na ibinili mo sa akin. Panay nood ko ng make up tutorial sa Youtube. Pangarap ko lang lahat iyon e. Gusto ko nga magpabili ng mga iyon kay Mommy, kaso nahihiya akong pagtawanan ako ng mga ate ko. Sa amin kasing magkakapatid, ako iyong chaka at nerd, kaya imbes na make up at magagandang damit at gamit ang ibili sa akin nila Mommy, puro libro ang ibinibili nila sa akin. Pero kagabi, nagulat sila nang makita akong nakamake over. Ang sarap sa pakiramdam na makita silang nakanganga sa akin. Siguro nagulat sila na iyong pangit nilang kamag-anak ay may chance pa palang gumanda."


"Who told you that?" Inis kong nilingon si Bea. "You are beautiful, Bea."


Hindi naman pangit si Bea. Hindi lang talaga siya palaayos. Masyadong simple, makaluma, may pagkabaduy dahil kung anu-anong kulay ang pinagpapares, kaya minsan parang losyang tingnan. Pero maganda ang babae, cute. Chubby at makinis ang balat. Nakakalungkot isipin na sarili niyang pamilya ay minamaliit siya.


Kinuha ko ang tag isang kamay nila ni Elvy habang naglalakad kami. "Magaganda kayo. At mas maganda kayo dahil magaganda ang mga ugali niyo."


"Amen!" sabay nilang sabi habang nakangiti.


Ngingiti-ngiti ako na agad ding natigil nang mapansing may nakatingin sa akin mula sa oval. Nangunot ang noo ko nang makitang nakatayo roon si Olly at masama ang tingin sa akin.


"Ex-pet mo," bulong ni Elvy sa akin.


Napahagikhik si Bea. "Bat ka kasi nag-alaga ng ahas before, Fran? Ayan o, gusto ka nang tuklawin. Grabe makatingin."


Hinila na ako nila Bea at Elvy palayo dahil baka matunaw pa kami sa kalse ng titig ni Olly sa amin. Hindi ko maintindihan, bakit parang si Olly pa talaga ang galit sa akin?


Pagkarating sa classroom ay una kong chineck ang basic phone na bigay ni Calder. May message siya sa akin.


CALDER:
I'll pick you up at 2:OO pm.


Napataas ang isang kilay ko sa message ni Calder. May klase ako ng two pm, anong problema niya? Ano na naman kaya ang sasabihin niya? Hindi ako matatahimik kakaisip kaya nagpaalam muna ako kina Elvy na lalabas saglit habang wala pa kaming prof.


Sa may hallway kung saan walang masyadong estudyante ang nagdaraan ko tinawagan si Calder. Isang ring lang nang sagutin niya ako. "Hi, my lady."


"Bakit mo ako susunduin ng two pm?" inis kong sagot. "May klase ako noon, and Calder, hindi ako sasama sa 'yo. Magagalit si Jackson kapag nalaman niya!"


"Mas importante ba ang galit niya?" biglang humina ang boses niya. "Importante ang sadya ko sa 'yo, Fran."


"Then sabihin mo na lang ngayon."


"Fran, I received a message with a photo in it from a dummy account. Ngayon lang."


Napalunok ako kasi ang seryoso ng boses niya.


"Kailangan kitang kunin or else..."


"Or else ano?"


"Ikakalat daw niya iyong photo sa Internet."


Napalunok ako. "A-anong photo?"


"A photo that could ruin Jackson's reputation... and yours."


Nanghihina akong napahawak sa kalapit kong pader. Parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya, pero ayoko pa ring paniwalaan. Dahil kanino iyon manggagaling? Nasa inbox ko lang iyon, paano iyon makakalabas?!


"Fran, ang gusto ng kung sino mang nagsend nito sa akin ay kunin kita at 'wag nang pabalikin sa mansion, or else ilalabas niya itong photo. This photo is a big scandal on Jakcson's part kapag kumawala ito sa public. This could ruin him."


"A-anong photo nga, Calder?!" Napasigaw na ako. Nanginginig na ako sa kaba.


It took him a while before he could answer me. "Photo na naghahalikan kayong dalawa," sagot ni Calder na may diin at pait. "Nandito ka, Fran. Nakayakap ka nang mahigpit kay Jackson habang naghahalikan kayong dalawa!"


JF

Olvasás folytatása

You'll Also Like

11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...