School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 36: Pagpapaliwanag

8.8K 252 29
By chufalse

Sa ngayon ay mabilis na tumatakbo ang magkakaibigan patungo sa bahay nila Rain. Batid kasi ni Selina na dito nila matatagpuan sila Rain.

 

“Sabihin mo nga Selina? Ano ba talaga ang nangyari?” Sambit ni Annie.

 

“Sinabi ng mamaya na eh! Kinakailangan na’ting makapunta agad sa bahay nila Rain ngayon.” Tugon ni Selina.

 

“Pero bakit kasama na’tin ‘tong si Eimi?” Medyo takot na pagkakasambit ni Aron.

Agad napatingin si Eimi kay Aron at kasunod nito ay ang kaniyang pagsasalita.

 

“Bakit Aron Draken?! May reklamo ka?!” Medyo galit na pagkakasambit ni Eimi.

 

*Ahh! Wala! Wala! Kalimutan mo na lang yung sinabi ko.” Takot na pagkakatugon ni Aron.

 

“*Hmmmp.” Reaksyon ni Eimi.

Nagtaka rin ang iba matapos mapansin ang sinabi ni Aron. Ngunit hindi na nila ito gaanong pinansin pa, dahil kasama ito ni Selina kanina.

Halos may ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang bahay nila Rain. Hindi na nagawa pang kumatok nila Selina at pwersahan na silang pumasok sa loob ng bahay.

 

“Hindi ba trespassing ‘tong ginagawa na’tin?” Sambit ni Eimi.

 

“Wag kang mag-alala, sasagutin ko na lahat ng babayaran na’tin dito. At isa pa, matagal na na’ming kilala ang nakatira dito.” Sambit ni Annie.

“Okay…” Medyo awkward na pagkakasambit ni Eimi.

Ilang sandali pa ay mabilis nilibot ng magkakaibigan ang buong bahay. At katulad ng inaasahan ni Selina ay hindi nila makikita dito sila Rain.

 

“Wala naman sila dito ah!” Sambit ni Jigo.

 

“Natitiyak kong nandito lang sila.” Sambit ni Selina.

Agad nagkatinginan ang magkakaibigan at kahit si Eimi ay nagtataka sa kompyansang pagkakasambit ni Selina.

 

“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo Selina?” Tanong ni Eimi.

Hindi nagawang tumugon ni Selina bagkus ay naglakad ito patungo sa isang kwarto.

 

“Ay tama! Bakit nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yon!” Sambit ni Mark.

Napangiti ang magkakaibigan sa sinabi ni Mark, dahil naalala na nila ang sikretong kwarto sa ilalim ng bahay na ito. Samantala, labis namang nagtataka si Jigo at Eimi dahil ngayon pa lamang sila nakapunta dito.

 

“Sa totoo lang ay hindi ko kayo maintindihan.” Sambit ni Jigo.

“Wag kang mag-alala, Jigo. Malalaman mo rin mamaya.” Nakangiting pagkakasambit ni Alex.

Sa mga sandaling ito ay kasalukuyan ng nakapasok sa loob ng kwarto ni Rachelle si Selina at ilang sandali pa ay nagsunuran na ang iba sa kaniya. Ngunit hindi nagawang makapasok ng iba sa loob ng kwarto, dahil sandali silang pinigilan ni Selina. Tanging si Mark at Aron lang ang pinapasok niya sa silid, ngunit hindi naman nila isinara ang pinto.

 

“Ano ba talaga ang nangyayari? At ano ang meron sa kwartong ‘to?” Tanong ni Eimi.

“May sikretong lagusan kasi sa kwartong ito at mukhang nakalimutan ni ate ang code para magbukas ito.” Tugon ni Melisa.

 

“Sekretong lagusan?” Sambit muli ni Eimi.

 

“Wag kang mag-alala, Eimi. Malalaman mo rin mamaya ang tinutukoy na’min.” Sambit ni Alex.

Sandaling tumahimik si Eimi at naghintay na lang katulad ng sinabi sa kaniya ni Alex.

 

“Mark, Aron, naalala nyo pa ba ng code para magbukas ang lagusan?” Tanong ni Selina.

 

“Syempre naman!” Tugon ni Aron.

Matapos makakuha ng tugon ay sandaling umatras si Selina at Mark.

“** kitto.. omoi.. dasu.. koto.. mo.. na..i! **”Sambit ni Aron.

Ngunit labis na nagtaka ang lahat dahil wala namang nangyari sa naturang kwarto.

“*Huh?” Sambit ni Aron.

 

“Bakit hindi nagbukas?” Tanong ni Selina.

 

“Hindi ko rin alam, pero imposibleng magkamali ako dahil ito din ang pass code para magbukas ang gate ng Dragon Empire.” Sambit ni Aron.

*Tsk! Mukhang pinalitan na ni master ang pass code.” Sambit ni Mark.

“Kung ganon, ano na ang gagawin na’tin?” Sambit ni Melisa.

 

*Fufu.. Kung sarado ang lagusan, di gumawa tayo ng isa pa.” Nakangiting pagkakasambit ni Mark.

 

“Wag mong sabihing?” Gulat na pagkakasambit ni David.

“Tama ang inisip mo, David.” Nakangiting pagkakatugon ni Mark.

Ilang sandali pa ay mabilis na lumabas ng kwarto sila Selina at Aron at kalaunan ay mabilis silang lumayo kasama ng iba pa.

Samantala, mabilis na hinawakan ni Mark ang sahig para sa paghahanda sa gagawin niyang skill. Ngunit bago pa man niya ito magawa ay biglang bumukas ang lagusan at isang pamilyar na mukha ang kaniyang nakita.

 

*Huh? Master Drake?” Nagtatakang pagkakasambit ni Mark.

Hindi naman nagawang tumugon ni Drake at tila nagulat ito sa kaniyang nasaksihan. Ilang sandali pa ay may isa pang pamilyar na mukha ang lumabas sa lagusan at labis itong ikinagulat ni Mark.

 

“Miss Avoina?!” Gulat na pagkakasambit ni Mark.

 

*Huh? *Ahh! Naalala kita! Ikaw yung batang nakita ko sa gubat ng evis!” Masayang pagkakasambit ni Aviona.

 

“Pero ano ang ginagawa nyo po dito?” Gulat muling pagkakasambit ni Mark.

Napakamot na lang ng ulo si Drake at labis itong ipinagtaka ni Aviona.

 

“Bakit Drake? May problema ba?” Tanong ni Aviona.

 

“Haaay! Patay ako nito kay Raziel.” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Drake.

Samantala, sapat na ang paghihintay ng magkakaibigan para sa pina-plano ni Mark, kaya naman agad na silang bumalik upang ito ay tingnan.

*Huh? Lolo?” Nagtatakang pagkakasambit ni Aron.

“Haaay! Problema! Pero wala na akong magagawa pa, mukhang balak na ring gumawa ni Mark ng lagusan patungo sa basement. Ang mabuti pa ay bumaba na tayo. Mukhang marami kaming dapat ipaliwanag.” Medyo dismayadong pagkakasambit muli ni Drake.

Napatango na lang ang lahat at ilang sandali pa ay sumunod na sila kay Drake at Aviona patungo sa underground basement. Ngunit habang naglalakad ay labis ang kanilang pagtataka, dahil muli nilang nakita si Aviona.

 

“Miss Aviona? Bakit po kayo nandito?” Tanong ni Mark.

 

“Wag kang mag-alala Mark, masasagot ang mga katanungan mo mamaya.” Sambit ni Drake.

 

“Nauunawaan ko po, master.” Sambit muli ni Mark.

Hindi naman nagtagal ay narating na nila ang hangganan ng lagusan at kalaunan ay nakita na ang grupo nila Rain.

 

“Bakit ang bilis mo namang nakabalik, kuya?” Sambit ni Rachelle.

Pero hindi na nagawang tumugon ni Drake, dahil isa-isa ng lumabas sa likuran nito ang magkakaibigan. Hindi naman ito ikina-bigla ni Rachelle, bagkus ay napa-iling dahil hindi niya inaasahan na ganito kabilis makakapunta dito sila Mark.

 

“Hindi ko inaasahang ganito kayo kabilis makakapunta dito.” Sambit ni Rachelle.

“Mabuti na lang nga at sakto ang paglabas ko, dahil kundi ay malamang sinira na ni Mark ang lagusan.” Sambit ni Drake.

 

“Sinasabi ko na nga ba’t ganito ang mangyayari, master.” Sambit ni Lina.

Agad nabaling ang atensyon ni Selina kay Lina, matapos niyang marinig ang boses nito.

 

“Hoy Lina Gordania! Bilis mo ring tatakas no?!” Inis na pagkakasambit ni Selina.

“Wag kang magalit kay Lina, Selina. Kasabay ko siyang nagpunta dito at nakakuha ako ng pagkakataon para tawagin siya nung nag-uusap kayo.” Sambit muli ni Rachelle.

“Pero ano po ba talaga ang pakay nyo? Bakit kinailangan nyo pong idamay ang aming paaralan?” Sambit muli ni Selina.

Hindi nagawang tumugon ni Rachelle sa tanong ni Selina dahil agad nagsalita si Aron.

“Teka lang, bakit nandito si Sophia at si Eriz? Whoa! Pati si Rein nandito din!” Sambit ni Aron.

Agad napa-lingon si Selina sa grupo nila Rain at dito ay napansin nga niya si Eriz.

 

“Eriz? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na pagkakasambit ni Selina.

 

“Nabihag nila ako, pero wag kang mag-alala. Wala namang silang ginawang masama sa’kin.” Tugon ni Eriz.

 

“Pero ano naman ang ginagawa ni Rein dito?” Sambit ni David.

 

“Oo nga! Kanina ka pa hinahanap nila Khaye!” Sambit ni Annie.

 

“Nandito ako, dahil ako ang girlfriend ni Rain.” Tugon ni Rein.

 

“ANO?!” Gulat na pagkakasambit nila: Annie, Selina, Eimi, Sophia, Eriz, Lina, Mishia at Rain.

 

*Hehehe.. Syempre biro lang. Nandito ako para kausapin si Eriz.” Sambit muli ni Rein.

Nakahinga ng maluwag si Rain matapos marinig ang sinabi ni Rein.

                                                        

“Haay! Tinakot mo ako dun, Rein!” Sambit ni Rain.

 

“Nagulat ako don ah!” Sambit ni Mishia.

 

“*Uhm! *Uhm!” Pagsang-ayon ni Sophia.

 

*Ahh.. Kung ganon ay alam mo na rin pala kung sino talaga siya.” Sambit ni Selina.

*Huh? Bakit Selina? Ano yung tungkol kay Eriz?” Tanong ni Aron.

“Si Eriz ay isang mythical shaman ng Serpent. At ang tunay niyang pangalang ay Eriz Serpenta at tulad ko ay kasapi din siya ng Yami clan.” Sambit ni Selina.

“Whoa! Kung ganon ay kamag-anak siya ni Rein?” Gulat na pagkakasambit ni Aron.

“Ganon na nga. Ang mga magulang ko ay dati rin palang kasapi sa Yami clan at tumiwalag lang sila dito kaya nakabalik kami sa Oceanus clan. Sa kasamaang palad ay napaslang ang mga magulang ko sa huling misyong hiniling sa kanila ng mga nakatataas sa Yami clan. Yon ang sabi sa’kin nitong si Eriz.” Sambit ni Rein.

 

*Ahhh.. Kinalulungkot ko ang nangyari sa mga magulang mo, pero mabuti na rin at nalaman mo na ang katotohanan. Pero ano na ang balak mo ngayon?” Sambit ni Melisa.

 

“Hahanapin ko ang pumaslang sa’king mga magulang at gaganti ako.” Tugon ni Rein.

 

“Pero may ideya ka ba kung sino ang mga pumaslang sa iyong mga magulang?” Tanong ni David.

 

“Meron. Pero sa ngayon ay makakabuting kami na muna ang nakakaalam nito.” Tugon muli ni Rein.

 

“Nauunawaan ko.” Sambit ni Selina.

 

“Maiba ako, bakit nandito si Sophia?” Tanong ni Aron.

 

“Nung naka-iwas siya sa skill ni Sai ay nagduda na ako sa kaniya, kaya naman sinubaybayan ko ang kilos niya. Ngunit ang hindi ko alam ay nararamdaman pala nila ang aura ko kahit ako ay hindi nila nakikita, kaya heto at nandito ako ngayon. At bago pa man ako mawalan ng malay ay napagtanto kong hindi isang tao si Sophia.” Sambit ni Eriz.

 

“Kung ganon, isa din siyang mythical shaman?” Tanong ni Annie.

 

“Hindi siya isang mythical shaman, isa siyang sorceress at siya ay anak ni Zeus.” Sambit ni Rain.

“What?!” Gulat na pagkakasambit ng grupo nila Mark.

“Anak siya ni principal Zeus? How come?!” Gulat na pagkakasambit ni David.

“Mahabang kwento, pero hindi nyo naman siguro gustong malaman pa ang tungkol sa nakaraan ni Sophia.” Sambit muli ni Rain.

 

“Sandali lang, nararamdaman ko sa batang yon ang dugo ng isang Isenhart.” Sambit ni Azys.

Halos ikinagulat ng lahat ang narinig nila at syempre, mas higit na nagulat si Jigo. Ilang sandali pa ay mabagal ng naglakad si Azys papalapit sa grupo nila Mark.

 

“Sandali lang! Papaano niya nalaman?” Tanong ni Jigo derekta sa kaniyang isipan.

Nang tuluyang makalapit ay agad hinawakan ni Azys ang balikat ni Jigo na labis nitong ikinagulat. Halos ilang sandali lang ang tumagal ay napangiti si Azys matapos mabasa ang mga nilalaman ng isipan ni Jigo.

 

“Kung ganon ay kasamahan ka pala ng aking mga pamangkin. Ngunit natutuwa ako dahil mas pinahalagahan mo ang iyong mga kaibigan, kumpara sa misyong ibinigay sayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Azys.

 

*Huh? Sandaling lang po, mga pamangkin? Si..si..sino po ba kayo, mr?” Gulat na pagkakasambit ni Jigo.

 

“Siya ang papa ko, si Azys Isenhart.” Masayang pagkakasambit ni Mishia.

Muli ay labis itong ikinagulat ni Jigo dahil matagal na niyang narinig ang pangalang ito.

 

“Azys? Ikaw po si Azys Isenhart? Ang nakakatandang kapatid ni mrs. Izys?” Gulat na pagkakasambit ni Jigo.

 

“Kung ganon ay kilala mo pala ako, batang Isenhart?” Tanong ni Azys.

 

*Uhm! Kayo po dapat ang namumuno ngayon sa buong vampire, pero bigla na lang po kayong nawala. At dahil don ay naging pinuno si lord Izual.” Tugon ni Jigo.

 

“Ano!? *Grrrr.. Gulat na pagkakasambit ni Eclaire.

Biglang naglabas ng nakakatakot na aura si Eclaire at labis itong ikinagulat ng lahat. Kahit si Hades ay kinilabutan matapos maramandaman ang aura na ‘to.

 

“Hoy Eclaire! Ba..ba..bakit ka ba nagagalit!?” Medyo takot na pagkakasambit ni Hades.

 

“Itong ungas palang ‘to ang may kasalanan eh! Hindi sana magiging kapanalig ni Zeus ang mga Isenhart kung siya yung naging pinuno nila!” Galit na pagkakasambit ni Eclaire.

 

“Wag mong sisihin ang aking asawa, Eclaire. Alam kong malaki ang naging pagkakasala na’ming dalawa, ngunit sana ay unawaain mo ang aming naging pagpapasya.” Sambit ni Lyrices.

 

“Tama ang ‘yong kapatid, Eclaire. At isa pa ay hindi mo rin masisiguro ang mga paratang mo kay Azys kung sakali mang siya ang naging pinuno ng mga Isenhart.” Sambit ni Poseidon.

 

“Sang-ayon ako kay Poseidon.” Sambit ni Hades.

Sa mga sandaling ito ay humupa na ang nakakatakot na aura ni Eclaire, kaya naman nakahinga na ng maluwag ang magkakaibigan kahit hindi nila lubusang naunawaan ang pinag-usapan ng ilan sa grupo nila Rain.

 

“Grabe naman ang mga kasama ni Luke! Mga greek gods din ba sila katulad ng papa ni Luke?” Sambit ni Eimi derekta sa kaniyang isipan.

 

“Maitanong ko lang po, bakit nyo naman po nagawang atakehin ang aming paaralan?” Tanong ni Annie.

 

“Para maghiganti.” Tugon ni Rain.

 

“Higanti? Hindi ba’t apilyido yon ni Divid?! Divid Higanti!” Masayang pagkakasambit ni Aron.

 

*** SFX: TOOOOOOOOOINKS! ***

“Araaaaay!” Reklamo ni Aron.

Malakas na kinutusan ni Selina si Aron, dahil ang korni ng joke nito. xD

“Ang mabuti pa ay itikom mo na ang bibig mo kung wala ka namang matinong sasabihin.” Galit na pagkakasambit ni Selina.

 

“Higantes ang apilyido ko Aron.” Medyo galit na pagkakasambit ni David.

“*Hufufufu..” Pagtawa ni Aviona.

Napakamot na lang si Aron at kalaunan ay napa-ngiti matapos makitang may natawa sa kagaguhan niya. xD

 

“Sandali lang Rain, maghinganti? Para kanino?” Sambit ni Mark.

 

“Kay Zeus na siyang dahilan kung bakit naubos ang lahi ng mga sorcerer at mga druid.” Tugon ni Rain.

Muli ay nagulat sila Mark sa kanilang nalaman at dahil tapos na ang labanan ay ang ibig sabihin lang nito ay nagtagumpay sila. Ngunit hindi pa ito kumpirmado ng grupo nila Mark, kaya muli silang nagtanong.

 

“Kung ganon ay napatay nyo na si Principal Zeus?” Tanong ni Mark.

 

“Ganon na nga.” Tugon ni Rain.

Kahit batid na ng magkakaibigan ang kanilang nalaman ay hindi pa rin nila maiwasang magulat, lalo na si David at Mark na alam ang lakas ni Zeus. Alam naman ito nila Selina at Eimi, ngunit minabuti na lang nilang wag magsalita, dahil baka tanungin pa sila kung bakit hindi nila ito sinabi sa kanila.

 

“Natalo nyo si principal Zeus? Ang hinirang na pinakamalakas na mythical shaman sa buong history ng Travincial?” Sambit ni David.

 

“Sumasayang ayon ako sa sinabi mo, batang giant. Pero hindi nalalayo ang lakas ng aming ama sa lakas ni Zeus, kaya wala siyang laban sa’min.” Sambit ni Zeren.

“Ama?” Nagtatakang pagkakasambit ni Aron.

 

“Si Hades ang kanilang ama.” Sambit ni Eimi.

*Ehem.. Bakit hindi mo muna kami ipakilala sa mga kaibigan mo, Rain?” Sambit ni Mishia.

 

*Tssss.. Magyayabang ka lang naman eh.” Dismayadong pagkakasambit ni Rain.

Agad napalingon ang grupo nila Mark kay Mishia at dito ay naalala nila ang napanood nilang pakikipaglaban nito sa lalakeng Isenhart kanina, si Kiel.

 

“Okay! Okay! Siguro nga mas makakabuti kung ipapakilala ko muna ang mga kasama ko sa inyo.” Sambit ni Rain.

 

“Mauuna na ako! Ako nga pala si Mishia Castellar-Isenhart! Ang pinaka-malakas na nilalang sa buong mundo! *Hehehe.. Masayang pagkakasambit ni Mishia.

 

“Sinabi ko na nga bang magyayabang ka lang eh.” Dismayadong pagkakasambit ni Rain.

 

“Totoo naman ang sinabi ko ah! Di po ba, mama, papa?” Sambit muli ni Mishia.

                                                                                                                                           

“Oo na! Oo na! Ikaw na ang pinakamalakas na nilalang sa buong mundo! Ikaw na! The best ka eh!” Dismayadong pagkakasambit muli ni Rain.

 

“Imposible!” Gulat na pagkakasambit ni Jigo.

Agad napalingon ang lahat kay Jigo, dahil napukaw nito ang kanilang atensyon.

 

“Alam ko ang sinasabi mo Jigo, pero may paliwanag kung bakit ito naging posible.” Sambit ni Lina.

 

“*Huh?” Reaksyon ni Jigo.

 

“Ako ang tumulong sa kanila upang magkaroon sila ng supling. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ko ay naging posible ang imposible para sa magkaibang lahi.” Sambit ni Rachelle.

 

“Kaya malaki ang pasasalamat na’min dito kay miss Raziel.” Nakangiting pagkakasambit ni Lyrices.

 

“Hindi naman big deal sa’kin ang bagay na ‘yon. Nagkataon lang na nagkita tayo sa bayan kung saan na’min balak palakihin si Rain.” Sambit muli ni Rachelle.

“Pero hindi talaga na’min matutumbasan ang ginawa mo para sa’min ni Lyrices, kaya kahit mga kalahi ko pa ang inyong kalaban ay handa akong tumulong sa inyo. Lalo na’t kapanalig ka ng kapatid ni Lyrices at kayo ang nasa tama.” Sambit ni Azys.

“Natutuwa akong marinig ang mga sinabi mo, Azys.” Sambit ni Hades.

“Wag kang mag-alala, Hades. Dahil pati ang batang Isenhart na ‘to ay natitiyak kong kapanalig na rin na’tin.” Sambit muli ni Azys.

*Ahh! Opo! Ako nga po pala si Jigo Lance… Jigo Isenhart. Ang totoo nga po nyan ay hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta, dahil natitiyak kong kamatayan lang ang aking sasapitin sa oras na bumalik ako sa dati kong bahay.” Sambit ni Jigo.

“Hindi ako papayag na mangyari yon!” Mabilis na pagkakasambit ni Alex.

“Maraming salamat Alex.” Nakangiting pagkakasambit ni Jigo.

Bigla namang nag-blush si Alex matapos siyang pasalamatan, ngunit ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

 

“Kung..gusto mo ay dun ka muna sa dorm ko. Tutal isang vampire ka rin naman..” Nahihiyang pagkakasambit ni Alex.

 

“Whoa! Talaga? Maraming salamat!” Masayang pagkakasambit ni Jigo.

 

“Yes!” Masayang pagkakasambit ni Alex derekta sa kaniyang isipan.

 

“Mas makakabuting kung dito muna siya mamalagi sa bahay na ‘to.” Sambit ni Rachelle.

 

*Waaah! Bakit po?!” Malakas na pagkakasambit ni Alex.

“Mapanganib ito lalo na sayo, Alex. Lalo na ngayon na nagtaksil itong kaibigan nyo sa kaniyang mga kalahi, kaya mas makakabuti para sayo at para sa kaniya na mamalagi muna siya dito sa puder na’min.” Sambit muli ni Rachelle.

 

*Uhm! Sang-ayon ako kay master.” Sambit ni Mark.

 

“Noooooooooooooooo!” Sigaw ni Alex derekta sa kaniyang isipan.

 

“Marami pong salamat, sir Azys at pati na’rin po sa inyo, miss Raziel” Magalang na pagkakasambit ni Jigo.

 

*Hahaha! Wag kang mag-alala, ang totoo nga nyan ay natutuwa ako ngayon dahil mukhang may makakapareha na ang aking anak na si Mishia!” Masayang pagkakasambit ni Azys.

“Papa?!” Inis na pagkakasambit ni Mishia.

“ANO?! HINDI AKO PAPAYAG!!” Malakas na pagkakasambit ni Alex.

(Note: Sabay nagsalita si Mishia at Alex, nagkataon lang na mas mahaba ang sinabi ni Alex. xD)

Agad nabaling ang atensyon ng lahat kay Alex matapos nitong sumigaw. Labis namang ikinagulat ni Alex ang kaniyang nagawa at sa ngayon ay labis niya itong ikinahihiya.

 

*Huh? Bakit Alex?” Nagtatakang pagkakasambit ni Jigo.

 

*Ahh.. Wala.. wala..” Nahihiyang pagkakatugon ni Alex.

 

“Mukhang ang lakas ng tama ni Alex dito kay Jigo ah.” Mahinang pagkakasambit ni David.

 

*Hufufu.. Nakakatuwa si Alex ngayon.” Masayang pagkakasambit ni Melisa.

“Oo nga pala, hindi pa nga pala kami nagpapakilala. Ako nga pala si Azys Isenhart ang ama ni Mishia.” Sambit ni Azys.

 

“Ako naman si Lyrices Castellar, ang ina ni Mishia.” Nakangiting pagkakasambit ni Lyrices.

“At ako naman si Eclaire Castellar at mabuti na rin siguro kung ako na ang magpapakilala sa iba pa. Ang dalawang matandang ito ay sila Hades at Poseidon. Itong lalaking katabi ni Zeren ay si Warren Duress, isa siyang druid.” Sambit ni Eclaire.

Medyo na dismaya sila Hades at Poseidon sa pagpapakilala sa kanila ni Eclaire. Samantalang wala namang imik sila Tyki at Zeren.

“Hello?” Nakangiting pagbati ni Warren.

“At ang katabi naman ni Drake ay si Aviona.” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Ikinagagalak na’min kayong makilala.” Sambit ni Mark.

Matapos magsalita ni Mark ay isa-isa niyang ipinakilala ang kaniyang mga kaibigan sa grupo nila Rain, ngunit gayumpaman ay kilala na sila ng mga ito.

 

“Master. Ano na po ang mangyayari ngayon sa Olympus university? Sino na po ngayon ang mamahala dito?” Sambit ni Mark.

 

“Wag kang mag-alala, Mark. Ibabalik na’min sa dati nitong ayos ang inyong paaralan at kasunod nito ay ipapabasa na’min sa mga guro ang mga lumang kasulatan kung saan naka-tala ang mga krimeng ginawa ni Zeus sa nakaraan.” Sambit ni Drake.

“Pero papaano po? At sa laki ng pinsalang tinamo ng paaralan ay mukhang matatagalan pa po bago ito maisa-ayos.” Sambit ni Melisa.

 

“Kahit po siguro magtulong-tulong ang mga mythical shaman na may attribute ng earth element ay matatagalan pa rin, bago tuluyang maayos ang paaralan.” Sambit ni David.

 

“Wag nyo ng isipin ang tungkol sa bagay na yon mga bata, si Aviona na ang bahala don.” Sambit ni Poseidon.

Agad napatingin ang grupo nila Mark kay Aviona, dahil hindi nila maunawaan ang ibig sabihin ni Poseidon.

 

“Kaya po ni miss Aviona na ibalik sa dating ayos ang paaralan?” Tanong ni Annie.

“Ganon na nga. Kayang-kaya ni Aviona na ibalik sa dati ang inyong paaralan, ngunit kailangan na’min ng tulong.” Sambit ni Drake.

 

“Tulong? Kung ganon po ay tutulong ako, lolo.” Sambit ni Aron.

 

“Tutulong na din po kami.” Sambit ni David.

“Hindi na kailangan, dahil tanging ang nilalang lang na yon ang makakatulong sa’min bukod kay Warren.” Sambit muli ni Drake.

Napaisip naman ang grupo nila Mark, dahil wala silang ideya sa nilalang na tinutukoy ni Drake.

 

“Ang mabuti pa kuya ay puntahan na na’tin siya. Sasama na din ako sayo at mabuti kung sumama na rin si Warren.” Sambit ni Rachelle.

 

“Mabuti pa nga.” Sambit muli ni Drake.

 

*Eh?! Gusto ko pang makipagkwentuhan sa mga batang ito eh.” Sambit ni Warren.

 

“Wag kang mag-alala kuya Warren, hindi naman sila aalis ng Travincial eh.” Sambit ni Rain.

 

“Sabagay.. Okay sige! Mauna na kami!” Masayang pagkakasambit ni Warren.

Matapos magpaalam ay nagsimula na ngang maglakad sila Warren papalabas ng underground basement.

 

“Mag-iingat kayo ate.” Sambit ni Rain.

Tanging pagkaway lang habang naglalakad papasok sa lagusang papalabas ng underground basement ang naging tugon ni Rachelle kay Rain. At ilang sandali pa ang lumipas ay tuluyan ng naka-alis sila Rachelle, kaya naman sa pagkakataong ito ay muli ng nagtanong si Selina.

 

“Ano na ang susunod nyong plano ngayon, Rain?” Tanong ni Selina.

 

“Sa ngayon ay hahanapin na’min si Izual, ang kasalukuyang pinuno ng mga Isenhart.” Tugon ni Rain.

 

“Bakit hindi mo na lang tanungin itong si Jigo?” Sambit ni Aron.

 

“Aba Aron! Kung minsan din pala may nasasabing tama yang bunganga mo!” Medyo awkward na pagkakasambit ni Selina.

 

*Hehehe.. Maraming salamat sa compliment!” Medyo nahihiyang pagkakasambit ni Aron.

 

“Hindi yon compliment bugok!” Inis na pagkakasambit ni Selina.

 

“Tungkol sa bagay na yan, pasensya na pero parang wala akong maitutulong sa inyo. Sa totoo lang ay tanging si mrs. Izys lang ang nakakaalam kung nasaan ngayon si lord Izual. Kahit ang mga anak nito ay walang alam kung saan siya makikita sa ngayon.” Sambit ni Jigo.

 

“Katulad ng inaasahan ko sa tusong yon. Pero hindi rin magtatagal ay makikita rin na’min siya.” Sambit ni Hades.

 

“Ano naman ang plano nyo ngayon dito kaya Zazan?” Tanong muli ni Selina.

 

“Sa ngayon ay kakausapin muna na’min siya at hihimuking sumama na lang sa’min, dahil kami ang tunay niyang pamilya. Ayokong gawin siyang isang kasangkapan lang ng mga Isenhart na yon.” Tugon ni Rain.

“Wag kayong mag-alala, dahil kakausapin ko ang inyong mga kapatid upang magkita-kita na kayong muli.” Sambit ni Tyki.

 

“Maraming salamat, Tyki.” Sambit ni Rain.

 

“Oo nga pala! Bakit ka nga pala naging kasapi ng Yami clan, ate Selina?” Sambit ni Melisa.

Sandaling natahimik si Selina sa mga oras na ito, dahil iniisip niya kung papaano niya sisimulan ang kaniyang pagpaliwanag.

 

“Ate Selina?” Sambit muli ni Melisa.

 

“Wag kayong mag-alala, dahil hindi naman talaga masama ang layunin ng Yami clan ngayon.” Sambit ni Rain.

 

“Tama si Rain. Ang yami clan ay nilikha ng ikalawang Zenon, upang maghinganti sa mga taong pumaslang sa kaniyang kasintahan, ngunit nagbago ito matapos niyang masawi at muling mabuhay. Sa pangunguna ni master Zilan ay unti-unting nabago ang hangarin ng Yami clan at ang kanilang prayoridad ay makasamang muli ang kanilang kapatid, si Zenon. Nasisiguro ko ding ito ang dahilan ni Selina kung bakit siya sumapi sa Yami clan.” Sambit ni Eriz.

 

“Totoo ba ang bagay na yon, Selina?” Tanong ni Mark.

*Uhm.. Maraming salamat Eriz, sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ko sisimulang magpaliwanag. Sumapi ako sa Yami clan nung mga panahong nabihag ako ng ama ni Riki. Nakumbinsi ako ni master Zilan na sumapi, dahil parehas lang ang hangarin na’ming dalawa. At ito ay maiwasan ang mga pag-atake ng mga tao sa travincial. Gamit ang taglay na kapangyarihan ko at ang mga kakayahan nila Eriz ay nagiging mga mata, tenga at bibig kami nila master Zilan upang mapigilan ang mga espiya na gustong sirain ang tahimik na’ting pamumuhay dito sa loob ng Travincial.” Sambit ni Selina.

“Ang mabuti pa siguro ay puntahan na na’tin ang inyong mga kapatid sa oras na makabalik na sila Warren dito.” Sambit ni Hades.

 

“Sang-ayon ako kay master Hades.” Sambit ni Tyki.

 

“Oras na rin siguro para magsama-sama ang apat na phoenix.” Sambit ni Poseidon.

 

“Pero magmula ng ma-reincarnate ang tatlo ay hindi na nakita pa ni Zeren ang kaniyang mga kapatid, maliban dito kay Zenon.” Sambit ni Eclaire.

 

“Ganon na nga po, tiya. At hindi ko rin sila masisisi kung hindi man nila ako makilala.” Sambit ni Zeren.

 

“Wag kang mag-alala, master Zeren. Natitiyak kong nasasabik din ang mga kapatid mong makilala ang nakakatanda nilang kapatid.” Sambit ni Carl.

 

“Sang-ayon ako kay Carl. Natitiyak kong matagal ka na nilang gustong makilala, kuya.” Sambit ni Rain.

Hindi naman na nagsalita si Zeren at kalaunan ay nagsimula ng maglakad papalabas ng underground basement.

 

“Saan naman pupunta yung kuya ni Rain?” Tanong ni Aron.

 

“Ewan, baka nahiya.” Sambit ni Eimi.

 

“Siguro nga.” Sambit muli ni Aron.

(chufalse: Whoa! Akala mo close kung mag-usap ngayon si Eimi at Aron ah! xD)

 

“Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa itaas. Ang rason lang naman kung bakit kami nagpunta dito ay para ligtas kaming makapag-plano at makapag-usap.” Sambit ni Eclaire.

 

“Mabuti pa nga po.” Sambit ni Rain.

Sinang-ayunan ito ng lahat kaya nagsimula na silang maglakad papalabas ng underground basement. Ngunit habang naglalakad sila ay napansin ni Aron si Sophia na nakatayo katabi ng isang malaking kristal. Labis na napa-isip si Aron kaya sandali siyang huminto at kalaunan ay lumapit kay Sophia.

“Whoa! Ba..ba..bakit may isa pang Sophia?! Teka! Wag mong sabihing clone mo ang isang yan?” Gulat na pagkakasambit ni Aron.

 

“Nagkakamali ka. Siya ang aking ina na matagal nang namayapa. Ikinulong ni tiya Eclaire ang katawan ni ina sa kristal na ‘to, para manatili ang katawan nito sa dati.” Tugon ni Sophia.

 

“Ganon ba? Pa..pasensya ka na. Nagulat kasi ako dahil kamukhang-kamukha mo siya.” Sambit muli ni Aron.

 

“Ang mabuti pa ay sumunod na tayo sa kanila.” Sambit muli ni Sophia.

 

“Mabuti pa nga. Pero papaano tong si Zazan? Iiwan nyo na lang ba siya dito?” Sambit muli ni Aron.

 

“Wag kang mag-alala, nasa ilalim pa rin siya ng kapangyarihan ni miss Raziel, kaya hindi siya makakaalis dito. At kung sakali namang magising siya ay hindi rin niya magagawang makatakas, dahil sa kapangyarihang bumabalot sa kaniyang mga braso at binti.” Sambit muli ni Sophia.

 

“Yung kristal bang naka-posas sa mga braso at binti niya ang tinutukoy mo?” Tanong ni Aron.

 

*Uhm! Katulad ng kristal na ito ang mga posas na yon, kaya imposible niya yong masira.” Tugon ni Sophia.

 

*Ahh! I see. Kung ganon ay wala naman palang dapat alalahanin.” Sambit muli ni Aron.

 

“*Uhm.” Sambit ni Sophia.

Sa mga sandaling ito ay nagsimula ng maglakad sila Aron at Sophia, ngunit ang hindi nila alam ay kanina pa pala gising si Zazan at narinig nito ang mga naging pag-uusap.

Chapter end.

Afterwords

Woooo! Ang hapdi ng tyan ko! lagi na lang bang ganito? haha! xD Pag dasal nyong wag akong mamatay agad ah.. hahaha! XD

-chufalse

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod. 

Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 78.6K 69
In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom...
90K 2.6K 57
Paano haharapin ng isang buong klase ang matinding suliranin dulot ng paghihiganti mula sa nakaraan? Labing-walang taon na ang nakalilipas. Muling na...
98.2K 2.7K 34
"I am not the law, but I represent justice so far as my feeble powers go." -Sherlock Holmes Are you ready to solve crimes with these detectives and...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION