All for love

By xxakanexx

1M 40.9K 11.7K

Originally arranged to be married, Nandiandra Guevarra's world comes crashing down when she finds out that Ra... More

All for love
Prologo
Kapitulo Dos
Kapitulo Tres
Kapitulo Quatro
Kapitulo Cinco
Kapitulo Seis
Kapitulo Siete
Kapitulo Ocho
Kapitulo Nueve
Kapitulo Diez
Kapitulo Once
Kapitulo Doce
Kapitulo Trece
Kapitulo Quatorce
Kapitulo Quince
Kapitulo Dieciseis
Kapitulo Diecisiete
Kapitulo Dieciocho
Kapitulo Diecinueve
Epilogo
Finally! I got the girl!
Mona Liza's Smile

Kapitulo Uno

59.1K 1.9K 249
By xxakanexx

Hindi inaasahan

Nandiandra Azalea Guevarra's

"Ano'ng nangyari, Celeste? Hindi ko inaasahan iyon!"

Natagpuan kong nag-aabang na sa akin si Celeste sa bahay ng mga magulang ko. Isa siya sa punong-abala sa pagbabalik ko. Mama did everything for my coming home. Nag-organize sila ng maliit na party para sa pag-uwi ko. Sa pag-uwi kong ito, tinanggap ko at inihanda ko ang sarili kong masasaktan ako pero hindi nangyari dahil para bang nag-iba ang ikot ng mundo ko.

Sina Juan at Luisa. Hindi ako makapaniwala. Buntis si Luisa at si Juan ang ama!

"Hindi ko rin alam. Abala ako sa pag-aaral, 'no. Tapos noong umuwi ako noong nakaraang pasko, nakita ko silang dalawang nagsimba nang magkasama. Ang usap-usapan, niligawan daw ni Juan si Luisa kaya ayon. Hindi rin ako makapaniwala dahil alam ko kung gaano kamahal ni Luisa si Paeng at kung gaano katapat na kaibigan si Juan kay Paeng pero, grabe! They needed a push. I was that push and looked, it all worked out. Mukhang sa huli, ikaw pa rin ang ihaharap ni Raphael sa altar."

Hindi ko mapigilang ngumiti. Masaya talaga ako ngayon. Kitang-kita ko kung paano nanlumo si Paeng kanina. Inutusan niya agad ang driver na umalis sa lupain ng mga Birada. Hindi na nila ako hinatid na magkakapatid dahil mainit ang ulo ni Paeng. Agad siyang bumaba ng kotse at naglakad palayo. Ang hula ko ay pupunta siya sa kamalig. Siguro ay maglalabas siya ng sama ng loob.

"Hindi natin sigurado iyon, Celeste."

"At ano? Makikipagbalikan pa si Paeng kay Luisa samantalang buntis na ito? Ang usap-usapan sa bayan, ikakasal na raw ang dalawa pero sa huwes muna dahil nga buntis si Luisa. Si Juan naman ay babalik sa barracks nila."

"Basta. Basta." Hindi ako mapakali. Tumayo ako at nagpalakad-lakad pa. Ano'ng gagawin ko? Gusto kong malaman ang nangyayari. Gusto kong puntahan si Paeng. Gusto kong malaman kung ayos ba siya. Siyempre, hindi siya ayos.

"Kakain na." Sumilip si mama sa pinto. "Celeste, tawagan mo ang mama mo para magkausap kami ng amiga kong iyon. Nariyan na rin sina Lemuel at Emmannuel."

"Si Paeng po, Ma?"

"Wala. Wala siya."

Tama ako. Hindi talaga siya pupunta ngayon dahil sa nangyari. Siguro, wasak na wasak ang kanyang puso ngayon. Alam ko kung gaano niya kamahal si Luisa. Saksi ako sa pagmamahal niya sa huli kaya lang palagi kong naiisip na parang napaka-unfair niyon sa akin.

Una kong nakilala si Paeng. Magkababata kaming dalawa. Mula five years old ako, kilala ko na si Paeng. Sabay kaming lumaki, nagdalaga, at nagbinata. Alam ko noong una pa lang na gusto ko siya kaya noong sinabi ng aming mga magulang na kami ang nakatakdang ipakasal sa isa't isa ay tuwang-tuwa ako. Ang akala ko kasi tinanggap ni Paeng ang tadhana naming dalawa. Kaya lang, nagbago ang lahat ng iyon dahil kay Luisa Tejada.

Bumaba ako ng sala. Nakita kong naroon ang mga kapatid ni Paengsina Lemuel at Emmanuel, kakuwentuhan nila ang papa. Naupo ako at sumama sa kanilang kuwentuhan. Masaya ang papa na makita ang magkakapatid na Arandia. Tahimik lamang ako ngunit sa isipan ko ay hindi mawala-wala si Paeng. Kumusta na kaya siya?

Napabuntonghininga ako. Niyakag kami ng mama na kumain na sa hapag pero hindi ako sumunod. Hinintay kong mauna si papa sa dining area saka ko hinarap ang magkapatid na Arandia.

"Nasaan si Paeng?" tanong ko kay Lemuel. Nagkatinginan sila ni Emmanuel.

"Hindi siya umuwi kagabi. Iniisip naming baka hinihintay niya si Luisa. He wanted to talk to her. He has too many questions."

"Pero buntis na si Luisa, ano pang sagot ang gusto niya? She clearly chose Juan." I hissed. Tinaas ni Lemuel ang kamay niya na para bang sumusuko siya sa akin.

"Wala kaming alam, Nandia."

"Lagi namang wala!" Tinalikuran ko sila. Hahanapin ko si Paeng. Wala nang ibang nasa isipan ko kundi si Paeng. Nakalimutan ko nang nasa silid ko nga pala si Celeste. Kinuha ko ang kotse ni mama at nagmaneho ako patungo sa lupain ng mga Birada. Ayokong tumama ang hinala kong baka naroon siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag naroon si Raphael.

Mabilis lang akong nakarating doon. Unang beses kong mag-drive nang ganoon kabilis na para bang hinahabol ko ang ambulansya. Kailangan ko kasing makita si Paeng. Pumasok ako sa gate ng mga Birada. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Walang pamilyar na sasakyan doon. Ang tanging sasakyan ay ang lumang pick-up ni Juan. Naglakas loob lang akong kumatok sa pinto ng bahay na iyon.

Sana... sana ibang tao ang magbukas. Sana hindi si Luisa. Sana si Juan; mas madali para sa akin ang kausapin si Juan dahil siya ang kaibigan ko. Bumukas ang pinto. Inaasahan kong isa kina Juan at Luisa ang sasalubong sa akin dahil balitang-balita sa buong bayan na nagsasama na sila sa bahay na ito, pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko si Jose Birada.

Napaawang pa ang mga labi ko. Kunot na kunot ang noo niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Mukhang mali ang lupaing pinapasok mo, Nandia."

"Narito ba si Juan?"

"Wala. Umalis sila ni Luisa, magpapa-check up sila. Buntis na si Luisa, Nandia."

"Alam ko. Nakita ko sila kahapon," mahinang wika ko. Napalunok ako. "Wala... wala ba rito si Paeng?" Hindi sumagot si Jose. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwalng tinatanong ko sa kanya ang bagay na ito. Wala namang mali sa sinabi ko. Nagtatanong lang naman ako dahil nag-aalala ako para kay Raphael. Baka kasi kung ano'ng nangyari sa kanya.

"I guess you got what you wanted." May diin ang mga salitang binitiwan niya. "Wala na si Luisa sa landas ninyong dalawa kaya kayo na talaga ang para sa isa't isa. Wala si Paeng dito. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta matapos niyang magsisigaw rito kagabi. Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na."

"Jose—" Isinara ni Jose sa mukha ko ang pinto ng kanilang bahay. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa oras na tumigil siya at tingnan ako. Aminado akong nasaktan ko siya. Noong mga panahong magkasama kami ay wala akong naramdaman kundi ang kung gaano niya ako kamahal.

Jose Birada treated me well, but Celeste was right. That will never be enough. Sa puso ko, si Raphael pa rin ang minamahal ko kaya nga heto ako ngayon, nagpapaikot-ikot, hinahanap siya. Nakarating pa ako sa lupain ng mga Navarro pero wala rin silang nakita. Hindi ko na alam kung nasaan si Paeng.

Siguro ay kalunos-lunos ang hitsura niya ngayon. Baka naglasing iyon. I knew how broken he is right now, because that's exactly what I was feeling.

Muntik na akong mawalan ng pag-asa kundi ko lang naalala ang lumang kamalig na malapit sa may sapa. Naalala kong madalas nagpupunta roon si Paeng. Doon siya namamahinga. Doon niya rin dinadala kung minsan si Luisa. Siguro naroon siya. Siguro inaalala niya ang mga pagkakataong magkasama silang dalawa.

Doon ko dinala ang kotse. I parked the car in front of the tall acacia tree. May nakita akong kulay itim na kabayo. Halos mapaiyak ako nang malakas nang makilala ko si Agapeang kabayo ni Paeng.

Halos takbuhin ko ang pagitan ng kotse at ang pinto ng kamalig. Padaskol kong binuksan iyon. Nakita ko si Paeng, nakaupo siya sa ibabaw ng mga sako ng dayami habang may hawak na bote ng alak. Hindi ko alam kung paano ko siya aakyatin doon. Tumingin siya sa direksyon ko at pigil na pigil ang paghagulgol ko dahil nakikita ko kung gaano siya kawasak ngayon.

Walang buhay ang kanyang mga mata.


"Nadia..." Halatang nagulat siya nang makita ako.

"Paeng, hindi ka raw umuwi. Umuwi ka muna, nag-aalala ako para sa 'yo," mahinang wika ko. Nais kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Narito ako at handa akong damayan siya kahit na kapalit n'on ay sakit din para sa akin. I sighed. Lumapit ako sa kanya. Kahit na hindi ako marunong ay inakyat ko ang mga sako. Hindi nga stable iyon. Magaan ang mga dayami. Amoy lupa ang mga ito pero hindi ko na inalintana dahil kailangan kong malapitan si Paeng.

Finally, I reached him. I sat beside him.

"Ang akala ko, maayos ang usapan naming dalawa. Ang akala ko, maghihintay siya. Hindi ko alam kung paano ako nagawang traydurin ni Juan, Nandia. Alam niyang mahal na mahal ko si Luisa. Si Luisa ang buhay at kamatayan ko."

Pinigilan ko siya nang aktong iinumin na naman niya ang natitirang laman ng boteng hawak niya.

"Tama na iyan," sabi ko sa kanya. "Magdamag ka raw na hindi umuwi. Walang laman ang sikmura mo, baka magkasakit ka. Tama na."

"Luisa is mine from the start. I saw her first, I loved her first. I was her first."

Parang pinipilas ang puso ko. We had the same sentiments. He was my first love and I wanted him to be my first everything.

"Doesn't that count, Nadia?"

"It doesn't, Paeng," I said. Kinuha ko sa kanya ang bote at mismong doon ako uminom. Nandito ako para iuwi siya pero heto ako, gumagaya sa kanya na nilulunod ang sarili sa alak dahil sa hapding nararamdaman ko. "Apparently, in love, being one's first doesn't count."

"It's kind of unfair, don't you think?" He looked at me. Nagsasalo na kami sa bote ng alak niya.

"It is... but everyone is willing to do everything to love and to be loved back. As they say, it's all for love, Paeng. Even if it's unfair, we cannot do anything about it."

We both sighed.

"Cheers, Nandia."

"Cheers."

xxxx

I WAS so drunk. I kept on giggling on everything Raphael Arandia said. Hindi ko na nga alintana kung nag-snort pa ako sa katatawa sa mga sinasabi niya. Kinukuwento niya sa akin noong mga bata pa sila nina Lemuel at nahulog daw sa kabayo ang huli. Sa apat na magkakapatid na Arandia, si Lemuel lang ang hindi sumasakay sa kabayo. May trauma raw kasi ito.

"He looked stupid dragging the horse to the stables while crying. Damn, I cannot forget that memory," wika niya. Naluluha na ako. Nakababa na kami sa mga sako ng dayami at nakaupo na sa tinipon naming sako habang nag-iinom. Maraming dalang alak si Raphael. Hindi na malamig ang mga iyon pero ayos lang. Ito na yata ang pinakamatagal na pagkakataong kausap ko siya.

"Nakakatawa nga iyon." I giggled again. Bigla ay natahimik kaming dalawa. May dumaan yatang anghel. Tahimik kaming umiinom. Hindi ko na alam kung anong oras na, pero matagal-tagal na kaming naroon. Wala na nga akong nakikitang liwanag sa labas, dahan-dahan na ring dumidilim ang loob ng kamalig ngunit parang wala pang balak umuwi si Paeng.

"Hindi... hindi ka pa ba uuwi?"

"Umaasa akong pupunta si Luisa rito at kakausapin ako," mahinang wika niya. Sandali lang pala iyong masayang tawanan namin dahil bumalik na naman kami rito. Natahimik na naman siya, tila ba nag-iisip.

"Pero, Raphael, buntis na si Luisa. Naniniwala ka bang pupuntahan ka pa rin niya?"

"Gusto ko lang na makausap siya, kahit sandali. Kung buntis man siya, kaya kong tanggapin iyon. Kaya kong intindihin na sila ni Juan, pero ang nais ko lang malaman ay kung bakit at paano nangyari. Gusto kong maniwalang hindi ako pinagtaksilan ng pinakamatalik kong kaibigan."

Gusto kong sabihin kay Raphael ang totoo. Sinabi naman ni Celeste sa akin ang lahat. Alam na alam ko ito, ngunit may takot sa puso ko na kapag ikinuwento ko sa kanya ay magagalit din siya sa akin. Lalo akong mawawalan ng pagkakataong makasama siya. Wala naman akong ibang gustong gawin sa ngayon kundi ang samahan siya.

Mahal ko si Raphael. Gusto kong ako naman ang piliin niya.

Maybe I can take this thing as my advantage. Mukhang masaya naman si Luisa sa nagging desisyon niya. Sana... sana matanggap ni Paeng ang kinalabasan ng lahat ng ito.

"Alam na alam kong wala akong pagkukulang kay Luisa, Nandia. Binigay ko lahat ng kaya kong pagmamahal. Mas mahal ko pa siya kaysa sa sarili ko—"

Mas mahal din kita kaysa sa sarili ko...

"Pero bakit?"

"Baka... baka hindi ka naging sapat..." wala sa loob na wika ko. "Ganoon naman, 'di ba? Kahit mahal natin ang tao, darating ang panahon that they will realize that we are never enough for them. Maybe she found that missing piece in Juan. Maybe they completed each other."

"Nandia, high school pa lang, kami na."

"Wala naman sa tagal iyan. Kahit sampung taon pa kayo, kung hindi ka sapat para kay Luisa, hindi rin kayo magiging masaya. I saw her yesterday. I saw the way she looked at Juan, Paeng, and I'm sorry to tell you but she never looked at you like that."

Masaktan na siya kung masasaktan. Gagawin ko ang lahat para sa akin siya bumagsak.

"Hindi totoo iyan."

"Kung ayaw mong maniwala, sige. Ganyan naman, we keep on denying. We are blinded by the love we have for the person. Kahit nasasaktan tayo, pinaniniwalaan natin ang gusto natin para mabawasan ang sakit. It's always like that, Paeng, but you have to face your new reality. Wala na si Luisa, kay Juan na siya uuwi at ikaw, nandito ka lang. Araw at gabi ka mang maglasing, hindi na babalik sa 'yo si Luisa Tejada."

Tumayo ako.

"Umuwi na tayo," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang braso niya at pilit siyang itinatayo ngunit 'di hamak na mas malakas siya kaysa sa akin kaya nang hatakin niya ako ay mabilis akong natumba sa kanya. I fell on top of him. Nakahiga na siya ngayon sa tinipon naming dayami kanina. Nagkatinginan kaming dalawa ni Paeng at wala akong ibang maisip kundi ang tambalang nakikita ko sa pinilakang tabing.

Iyong mga lalaking kay gwapo na tinitigan nang ganito ang kay gagandang mga dalaga. Ngunit sa pagkakataong ito, ako ang tumitingin kay Paeng at ako rin ang nagbaba ng labi ko sa kanyang labi upang makamit ang unang halik naming dalawa.

He was my first kiss. I kissed him way beforehe didn't know because he was asleep. It was just a prank Celeste and I tried. Pumasok kami sa classroom noong elementarya pa lang kami. Naroon si Paeng at tulog, hinagkan ko siyamatagal pero hindi siya nagising. Tumakbo kami ni Celeste. Ang saya-saya ko noong araw na iyon. Itinago ko sa aking puso ang alaalang iyon.

Hindi sumagot sa mga halik ko si Paeng. Inilayo ko ang aking sarili at tumayo ako. Inayos ko ang aking buhok, ang damit ko, at tiningnan siya. Hindi ko napansing bumangon siya at tumayo na rin sa harapan ko.

"Kung ayaw mong umuwi, mauuna na ako." Tinalikuran ko siya pero pinigilan ni Paeng ang braso ko. I looked at him. He crashed his lips on mine and automatically, my tears fell. He wrapped my arms around his neck and he kept on kissing me. I kissed him back. Ito na yata ang pinakamasayang pagkakataon sa buhay ko.

Ang inakala kong halik ay lumalim nang lumalim hanggang sa naramdaman kong isa-isa nang humihiwalay sa katawan ko ang mga saplot ko. Paeng undressed me, and I let him. Halik lang siya nang haliksinusundan ng mga labi niya ang mga haplos ng mainit niyang palad. Wala naman akong ibang maisip kundi ang kung gaano ko siya kamahal at baka sakaling heto na ang pagkakataon ko. Ang pagkakataong ako naman ang pipiliin niya.

Nang gabing iyon sa loob ng kamalig, buong puso kong ibinigay kay Paeng ang sarili ko. Sinubukan kong ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Mahal na mahal ko si Paeng. Wala na yata akong ibang mamahalin pang iba tulad ng sa kanya. Alam kong para sa akin ay walang makahihigit sa kanya.

Bawat pag-ulos niya sa loob ko ay nagdadala ng hapdi ngunit unti-unti iyong napalitan ng glorya. Ang sumunod na lumabas sa bibig ko ay ang malalanding halinghing na tila parang lalong nagpapatibay sa nararamdaman naming init.

Matapos iyon ay wala na naman kaming kibuan. Niyakap ako ni Paeng at napakasaya ng aking puso. Ilang ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka ito na iyon. Ito na nga ba? Ako na ba ang pinipili niya?

Nakuha ko ang sagot na iyon. Kinabukasan, matapos naming magbihis na dalawa, matapos niyang sabihing ihahatid niya ako sa bahay.

"Nandia, sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari sa atin kagabi."

Kulang ang sabihing binagyo ang buong pagkatao ko ngunit nagawa kong ngumiti sa kanya.

"Ayos lang. Maraming salamat, Paeng," Bumaba ako ng kotse ko at tumakbo papasok sa mansion paakyat sa aking silid kung saan pinakawalan ko ang masasakit na paghagulgol na may kakambal na mga luhang kanina ko pa pinipiglan.

Hindi talaga ako kahit kalian magiging sapat para sa taong minamahal ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
Enchanted By Cher

General Fiction

2.1M 78K 24
Fredrick Lukas Azul had his heart broken because of his stupidity. The love of his life lost her love for him because he was busy saving another woma...
941K 16.9K 12
Ashlee have always been in denial of her feelings for Reede Dela Fuente. From the outside, she acts as if she doesn't care at all, but deep inside h...
1.9M 80.7K 22
All Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang ka...