Love Riot ( Romantic Comedy )...

By miss_bookmark

1.1M 13.2K 2.8K

This story is for enjoyment purposes only, do not take it seriously. All characters in this story have no exi... More

Vladimir Ciervo
Niko
<3 Gio <3
<3 Drake <3
<3 Elmo <3
Tammy ^_^
Chapter 1: Bagong bahay
Chapter 2: Round 1 ( Tammy vs Vlad )
Chapter 3: bagong housemate?
Chapter 4: Ang pag hahanap ng bagong bahay!!!
Chapter 5: kamanyakan ni Niko part 1
Chapter 6: Movie marathon ( ang sikreto ni Gio )
Chapter 7: Elmo nag mala charo santos, maalala mo kaya?
Chapter 8: Iligtas si Drake sa kanyang stalker!!
Chapter 9: Mr. Bingi vs Ms. Daldalita
Chapter 10: Ang pag lalayas ni Tammy
Chapter 11: Ang pag tatae ni Mr. Sungit
Chapter 12: Bagong bahay at mga bwisita
Chapter 13: engot na mag nanakaw
Chapter 14: Baboy meets Mr. Sungit
Chapter 15: Sino nga ba si Bogart?
Chapter 16 : Alamid Coffee!!!
Chapter 17: Something somethingan..
Chapter 18: Lover Boy
Chapter 19: Niko's Pov
Chapter 20: Marunong ka bang sumayaw?
Chapter 21: Turuan mo ako niyan ( Please) Selos Selos
Chapter 22: Bitiwan mo siya!! - Tammy
Chapter 23: Back to school and new friend?!
Chapter 24: Kamalditahan ni Cassandra!! Rawr!!!
Chapter 25: ~~~~~Wild Maria Clara ~~~~
Chapter 26: First kiss?
Chapter 27: This guy's in love you pare?!
Chapter 28: Sorry sorry sorry - Niko~~~~~~~
Chapter 28.3: True meaning of friendship
Chapter 29.1: Self control
Chapter 29.2: True colors
Chapter 29.3: Checklist
Chapter 30: Manliligaw ni Tammy
Chapter 31: Ex bff slash mortal enemy for the meantime
Chapter 32: Tammy the Floral ^__^
Chapter 33.1: Niko style or Vlad/BOGART style....
Chapter 33.2: Breakfast disaster :((
Chapter 34.1: I hate you Vlad.
Chapter 34.2: 6 Questions in one condition.
Chapter 34.3: Best birthday gift :))
Chapter 35: SURPRISES
Chapter 36: Maginoo pero medyo bastos ^__^
Chapter 37: Tampuhang Cassandra at Tammy part 1
MISSBOOKMARK
Chapter 38 : I invoke my right against self-incrimination ~ Cassandra.
Chapter 39: Gusto ko matutong mag drive ~~~~
Chapter 40.1: Hindi kita papakawalan
Chapter 41: Deal
Chapter 42: Allergy
Chapter 43: Sampal
Chapter 44: Pinangunahan mo ako!
Chapter 45: Jus maria!
Chapter 46: Picture
Chapter 47: I want you
Chapter 48: Let's pretend
Chapter 49: Jealous part 1
Chapter 50: Harmless
Chapter 51:Respect
Chapter 52: Comfortable in each other's arm

Chapter 28.2: Tunay na kaibigan?! 0_0

16.2K 138 29
By miss_bookmark

Author's Note: 

Alam kong nabitin kayoooooooo heheheheheh, kasi dapat di ko pa talaga iuupdate ung chapter 28 kasi di pa talaga siya tapos eh. Kahit anong tumbling ang gawin ko, di ko talaga siya matatapos kasi pupunta kami ng province para mag liwaliw eh, sobrang bagal ng net dun kaya naisip kong putulin nalang heheheh. 

kakarating lang namin dito sa manila kaya pag kabasa na pagkabasa ko ng mga comments niyo, kinilig ako at nag madali na akong mag update kaya pasensya na sa magulong update ko ngaun hahahaha ( lagi naman talaga magulo update ko eh hahahaha) ang sweet ko nohhhh kaya sa mga di mag cocomment diyan at mag vovote ma konsensya naman kayo bwahahaha jowk ^___^ 

Naisulat ko itong chapter na ito dahil sa tulong ng mga coconut trees at fresh air na nalanghap ko sa probinsya hahaha. 

Actually bitin pa siya pero okei na yan hahahaha, yan lang kaya ng utak ko ngaun ehhhh medyo hilo pa sa byahe hahahahah.... tulog munah zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz....... -_- 


Chapter 28.2

Matapos na sayawan at kantahan ng mali maling lyrics ni Niko si Tammy, sa wakas nag kabati narin ang dalawa. Wala ng nangyaring paliwanagan dahil ayaw na ni Tammy na alalahanin ang mga nangyari sa kanila dahil baka bumalik nanaman ang pag kainis niya dito, kaya binantaan nalang niya si Niko na wag na wag itong mag papakita sa kanya na mag kasama sila at magiging okei na ang lahat. 

Ngayong alam na niya, na merong relasyon si Cassandra at Niko, mas lalo siyang naguluhan kung ano ba talaga ang meron kayna Cassandra at Vlad, di kaya nag kakaroon ng secret affair ang dalawa? 

Nag excuse si Tammy kanilang prof para pumunta sa c.r.

 Habang nag lalakad si Tammy na bangga niya si Cassandra na nag lalakad habang nag ttxt. 

” Ay palaka! ANO BA NAMAN YAN~ , DI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN Mo?” sigaw ni Cassandra dahil muntik niyang mabitawan ang kanyang cellphone. 

” Pasensya ka na” Mahinahon na sabi ni Tammy 

Nang lingonin ni Cassandra kung sino ang nabangga niya, imbes na mainis ngumiti ito ng nakakaloko. 

” Oh kaw pala yan Koreanang hilaw, grabe long time no fight huh,namimis ko na tuloy ung sigawan natin. Ohhhhh ~ tignan mo yang mata mooo sumisingkit nanaman hahahaha pag nagagalit.” Sabi ni Cassandra habang ngiting ngiti.

Di naman ito pinansin ni Tammy at tinalikuran agad niya si Cassandra para pumunta sa c.r

” Wow, di ako pinansin ni koreanang hilaw huh, ano kaya nakain nun hahahaha, cguro di parin sila nag kakabati ni Bumble bee( Niko)  hahaha, na windang cguro siya sa ginawang kong lyrics na kinanta sa kanya ni Niko hahaha, eh may pagka conservative pa naman un.” 

 sabi ni Cassandra at sinundan niya si Tammy sa c.r at saktong walang tao at silang dalawa lang.

” Hoy koreanang hilaw, anong karapatan mong talikuran ako habang nag sasalita pa ako?” nakapameywang na sabi ni Cassandra. 

Di nanaman siya pinansin nito at patuloy lang ito sa pag hugas ng kanyang kamay. 

” Alam mo bang tayong dalawa lang dito sa c.r at kahit anong gawin ko sayo walang makaka kita.” sabi ni Cassandra.

Pero wala parin itong reaksyon at patuloy lang sa kanyang ginagawa.

” Hoy! Mag salita ka naman, ano murahin mo ako, sigawan mo ako, kasi sa ginagawa mo natatakot ako eh, baka mamaya mangisay ka na diyan.” sabi ni Cassandra. 

” Pwede ba kahit ngayon lang, wag mo akong inisin, kasi wala ako sa mood makipag away sayo.” sabi ni Tammy habang nakatingin sa mga mata ni Cassandra. 

” Ehem share mo naman diyan, kung bakit wala ka sa mood..” sabi ni Cassandra habang nag papa cute sa salamin.

” Gusto mo ba talaga malaman? Cge sasabihin ko sayo ( at lumapit siya kay Cassandra) IKAW! ikaw ang dahilan kung bakit wala ako sa mood kasi sa tuwing nakikita kita at sa tuwing naririnig ko yang boses mo na iinis ako, kaya kung gusto mo gumanda mood ko wag ka mag pakita sa akin.” Mataray na sabi ni Tammy 

Nagulat naman si Cassandra sa reaksyon ni Tammy dahil ngayon lang niya ito nakitang, magalit as in galit. 

Mag sasalita sana si Cassandra ng may marinig siyang papasok sa c.r kaya dali dali niyang hinila si Tammy sa may cubicle. 

” Ano ba, di mo ba naiintindihan sinabi ko…………..”naputol ang sinasabi ni Tammy ng biglang tinakpan ni Cassandra ang kanyang bunganga. 

” Shhhhhh! Wag ka maingay at makinig ka nalang. Isipin mo nalang na gift ko sayo ito.” bulong na sabi ni Cassandra at sabay kindat kay Tammy

Dahil sa sinabi ni Cassandra, tumahimik na siya.

“ Grabe kadiri talaga pag mumukha ni Mr.Garcia tadtad ng pimples hehehee.”sabi ni Stella. 

Tumingin naman si Tammy kay Cassandra ng marinig niya ang mga boses nina Olive  na pumasok sa c.r, kaya sumenyas si Cassandra dito na makinig lang ito ng mabuti.

“ Girls, look oh meron rin akong pimples tatlo sa noo.” Mahinang sabi ni Nicole. 

“ Aha! kaya pala nakabangs ka ngayon dahil ayaw mo pakita yang pimples mo hehehe. Humingi ka kasi ng beauty tips kay Tammy para di ka nag kaka pimples.” Natatawang sabi Stella 

“ Speaking of Tammy, nasaan na ba un, di ba kasama lang natin yun kanina?” sabi ni Olive habang inaayos ang kanyang buhok

“ Bakit mo naman hinahanap ung babaeng un, eh diba dapat mag pasalamat nalang tayo, na wala siya kasi ang sakit sakit ng tenga ko kasi ang ingay ingay niya at saka di ko talaga siya feel.” Sabi ni Stella.

“ Oo nga Olive, bakit pa natin pinag tyatyagaan ung babaeng un eh diba kinaibigan lang natin siya dahil kailangan natin siya, ngayong alam na ni Vladimir kung anong balak natin sa babaeng un diba dapat iwanan na natin siya?” sabi ni Nicole

“ Ano ba naman kayo, di talaga kayo naiisip noh, hahahaha di niyo ba napapansin na sobrang love tayo ni Tammy, di niyo ba naalala kung paano niya tayo pinag tanggol kay Vladimir dahil lang sinabi natin na inaaway tayo ni alam, ni di nga niya alam kung ano talaga nangyari pero inaaway parin niya si Vladimir. Ibig sabihin magagamit pa natin siya kasi sobrang love niya tayo dahil buong akala niya totoong kaibigan tayo at magagamit pa natin siya laban kay Cassandra.” Sabi ni Olive 

Nang Makita ni Cassandra na lumuluha na si Tammy, un na ang signal sa kanya para maki epal sa usapan ng mga mortal niyang kaaway, kaya inabutan niya ng panyo si Tammy. 

“ Dito ka lang at eto isuot mo muna ito , cguro tama na yung narinig mo.” Bulong na sabi ni Cassandra at sabay lagay ng earphone sa  mag kabilang tenga ni Tammy.

Tumango nalang si Tammy habang patuloy parin sa pag iyak dahil sa mga narinig niya.

”Wow! Kakaiba rin kayo huh!” sabi ni Cassandra at sabay labas sa cubicle na pinag tataguan niya kanina.

Nagulat naman sina Olive, Stella at Nicole ng makita nila si Casssandra. 

” Anong ginagawa mo dito?” sabi ni Olive 

” Malamang nag cc.r, eh kayo ano ginagawa niyo dito, tumatambay? Sa bagay tamang tama itong lugar na ito para maging tambayan ng mga katulad niyo. Teka di niyo naman sinabi na dito na kayo tumatabay edi dapat napag lagyan ko ng sign na SLUT PROPERTY sayang naman di ko kasi alam eh kaya pumasok ako.” mapang asar na sabi ni Cassandra. 

”  Mag iingat ka sa mga pinag sasabi mo, di mo ba nakikita na tatlo kami at mag isa ka lang at wala yang mga alipores mo para pag tanggol ka.” pag babanta ni Olive. 

”Soooooo, ano ngayon kung mag isa lang ako at saka di ako tanga para turuan niyo mag bilang, alam ko naman na tatlo kayo noh at ano gagawin niyo sa akin pag tutulungan niyo ako?” sabi ni Cassandra habang naka ngisi. 

Lumapit si Stella para sabunutan si Cassandra pero mabilis naman hinawakan ni Cassandra ang kamay nito. 

” Oppssssss Dont touch my hair~~~~! FYI o for your information baka kasi di niyo alam ibig sabihin ng FYI eh bobo niyo panaman, di niyo ba alam na yung pang tuition niyo dito sa university eh pang shampoo ko lang kaya wala kang karapatan na hawakan itong maganda buhok kooooooo nohhhhh!” sigaw ni Cassandra at sabay tulak kay Stella kaya napaupo ito sa may basing sahig.

”OMG!” sigaw na sabi ni Stella. 

” Ay sorry akala ko ung uniform mo pang mop eh, ayaw ko lang naman na madulas yang mga kaibigan mo at saka gusto ko lang malaman niyo na hindi ko alipores ang mga babaeng nakadikit sa akin parati, kasi sila lang naman ang mga tunay kong kaibigan, wag niyo akong itulad sa inyo.” sabi ni Cassandra.

Sabay naman lumapit si Nicole at Olive para hawakan si Cassandra pero mabilis naman kinuha ni Cassandra ang isang timba na puno ng tubig at sabay buhos dito. 

”Opssss sinasadya, pasensya na kayo huh pero sa tingin ko kailangan niyo na maligo eh kasi ang babaho niyo na eh.” sabi ni Cassandra 

” Cassandraaaaaaaaaaa!” sigaw ng tatlo.

” Ohhhh ano pang kailangan niyo sabon at shampoo, sensya na girls wala akong dala eh?” 

” humanda ka sa amin ,makakaganti rin kami sayo bruha kah.” sabi ni Olive 

” Matagal na akong handa, kayo lang naman talaga hinihintay ko eh.” natatawang sabi ni Cassandra.

Habang papalabas sina Olive kumakanta ito ng basang basa sa ulan na wala sa tono, napatigil siya sa pag kanta ng maalala niya si Tammy.

<Tok> < tok>

<Tok> < tok>

<Tok> < tok>

Medyo kinabahan si Cassandra ng di binubuksan ni Tammy ang pintuan ng cubicle. 

” Ay tanga! Paano niya ako maririnig eh nilagyan ko pala ng earphone ung tenga niya hahahaha bobo mo talaga Cassandra!” sabi ni Cassandra sa kanyang sarili.

Kinatok ni Cassandra ng napaka lakas ung pintuan  na kulang nalang  magiba ito sa sobrang lakas at binuksan naman ni Tammy ang pintuan ng marinig niya ito. Nakita ni Cassandra na hindi parin humihinto sa pag iyak at pulang pula mukha nito sa kakaiyak. 

” Hay salamat binuksan mo narin ung pintuan kala ko naman nag bigte ka na eh o di kaya nag pakalunod ka na sa bowl, ( nang mapansin ni Cassandra na mas lalong umiyak si Tammy ) hoyyyyy Tama na yan, para ka naman namatayan ng jowa.” sabi ni Cassandra 

” Paano di ako iiyak ung mga music mo dito sa ipod mo eh puro pang friendship.” sabi ni Tammy habang maluha luha. 

” Ah ganun bah hehehehe pasensya ka na di ko alam eh.” sabi ni Cassandra 

At umiyak nanaman si Tammy 

” Oh bakit umiiyak ka parin, ano iiyak ka nalang ba diyan at hahayaan mo silang ganunin ka nila, nasaan na ung Tammy na nakilala ko ung palaban, kaw huh masyado ka na yatang unfair, pag sa akin ang tapang tapang mo pero sa mga walang kwentang tao iniiyakan mo.” 

Lumabas si Tammy sa cubicle at nag hilamos. 

” Hoy mag salita ka naman diyan, anoooooooooo !!! Di ko naman sinabing makipag sapakan ka at makipag sabunutan  pero hahayaan mo bang ganunin ka nila, hahayaan mo bang ganyan ang maging tingin nila sayo na isang madaling utoin at madaling lokohin, anooooooooooooo mag salita ka kung wala kang gagawin cge ako na ang bahala sa kanila?!” naiinis na sabi ni Cassandra. 

” Alam mo ang ingay mo, ang rami rami mong sinasabi at sino ba may sabi na hahayaan ko sila?” sabi ni Tammy habang pinupunasan na niya ang kanyang mukha. 

Napangiti nalang si Cassandra sa sinabi ni Tammy. 

…………………………………………………………………………………….

Habang nasa cafeteria si Tammy, di niya maiwasan na maalala ang mga nangyari kanina sa c.r, parang gusto niyang umuwi at magkulong sa kwarto at umiiyak,pero sa mga sinabi ni Cassandra sa kanya, lumakas ang kanyang loob, kung tutuosin tama naman talaga si Cassandra eh, dapat di ko hinahayaan na ganunin nila ako. 

Di alam ni Tammy na habang nag dradrama siya eh nakamasid na si Cassandra sa kabilang table. 

Bigla naman dumating sina Olive, Stella at Nicole na basang basa at punit punit ang damit nito at kalat kalat ang mga make up sa mukha nila kaya pinag tatawanan sila ng mga estudyante na madaanan nila. Lumapit sila kay Tammy habang umiiyak. 

” Tammy ~ ~ ~ ! ” mangingiyak na sabi nina Olive 

” Oh anong nangyari sa inyo?” nag aalalang sabi ni Tammy 

Tumingin naman silang tatlo kay Cassandra na busyng busy sa pagkain ng hotshots. 

” Si Cassandra ~ ~ ~ ! Siya ang may gumawa sa amin nito, gusto lang namin makipag kwentuhan sa kanya tapos bigla nalang niya kaming binuhusan ng tubig tapos pinag sasabunutan niya pa kami, Tammy natatakot na kami sa kanya.” sabi ni Olive 

”Oo Tammy, tulungan mo naman kami, di nanamin kaya mga ginagawa sa amin ni Cassandra.”sabi ni Nicole.

” Edi lumipat na kayo ng university?” tipid na sabi ni Tammy

Nagulat naman sila sa sinagot ni Tammy sa kanila.

” Anoooooooo, diba alam mo naman kung gaano kami nag hirap para makapasok sa university na ito.” sigaw ni Olive

"Eh akala ko ba di niyo na kaya, ung ginagawa sa inyo ni Cassandra, eh di lumipat na nga lang kayo at saka ano bang pag hihirap ang ginawa niyo para makapasok sa dito, naka ilang DOM ba ang inakit niyo para mahuthutan? ” seryosong sabi ni Tammy

” Tammy ~ ~ ~ ~ ! Ano pinag sasabi mo?” bulong ni Stella dahil rumarami na ang nakatingin sa kanila.

Nagulat naman sila ng biglang tumabi si Cassandra kay Tammy. 

” Gusto mo? ohhhhhhhh~ pumapatol kayo sa dirty old man goshhhh, gusto niyo pakilala ko kayo sa lolo ko, tamang tama nag hahanap un ng mga muchacha na katulad niyo?” prenteng prenteng alok ni Cassandra kay Tammy.

”Tammy ano ibig sabihin nito, wag mong sabihin na ipagpapalit mo kami diyan sa babaeng yan, ginagamit ka lang niyan para makaganti sa amin." sabi ni Nicole.

" Excuse me nandito kaya ako, kung pag usapan niyo lang ako parang wala ako dito huh at saka di ko kailangan ng tulong ng iba para makaganti sa inyo kasi ako mismo kaya kong gawin yun." sabi ni Cassandra at sabay akbay kay Tammy. 

" Anong ginagawa mo?" bulong ni Tammy kay Cassandra. 

" Ano pa sa tingin mo ginagawa ko, ginaganti kita. Ayaw ko kasi na madungisan pa yang mala anghel mong bunganga sa mga walang kwentang taong ito eh. Ako ang pinadala ng mahal na bertud para makaligtas sayo." bulong ni Cassandra kay Tammy pero sa totoo lang kaya siya nakisabat dahil nakikita niyang paluha na si Tammy at ayaw niya makita nina Olive na mahina siya sa ganitong sitwasyon. 

" Di ko kailangan ng tulong mo." sabi ni Tammy 

Lumapit si Tammy kay na Olive. 

" Ano ginawa ko sa inyo para ganituhin niyo ako?" mahinahon na sabi ni Tammy 

" Anong ginawa namin?" naguguluhang tanong nina Olive. 

" Uhhhhhh galing niyo talaga umarteeeeee, kunwari di alam, eh anong ibig sabihin nito?" sabi ni Cassandra at sabay pindot sa may remote na hawak hawak niya at nanlaki ang mga mata nina Olive sa kanilang narinig dahil na record pala ni Cassandra ang pag uusap nila kanina sa c.r 

" Tammmy ~ di totoo yan, hayaan mo kami mag explain." nag mamakaawang sabi nina Olive, Stella at Nicole. 

" Explain explain, wag na~! huling huli na nga kayo eh." pang aasar na sabi ni Cassandra .

" Pwede ba tumahamik ka nga diyan" sigaw ni Olive kay Cassandra

Pag ka sigaw na pagkasigaw ni Olive kay Cassandra lahat ng mga babae na nasa cafeteria ay nagsi tayuan at tumingin ng masama kay Olive. 

" Girls girls girls ~ relaxxxxx, ako na bahala sa mga babaeng ito." sabi ni Cassandra habang palingon lingon sa mga kaibigan niya. 

" Ano bang ginawa ko sa inyong masama huh, tinuring ko kayong parang kapatid tapos ano ginawa niyo?! ." mahinahon na sabi ni Tammy 

" Oo ngaaaaa, ang sasama niyo .............." naputol ang sasabihin ni Cassandra ng may biglang bumulong sa kanya. 

" Cge cge guyssss I have to gooo babushhhhh, Tammy tara na alis na tayo." sabi ni Cassandra at sabay hila kay Tammy .

............................................

" Casssandraaaaaaaa, bitawan mo nga ako bakit ka ba nag mamadali at bakit mo ako hinihila." sigaw ni Tammy 

" Saan ka nakatira, hahatid na kita." sabi ni Cassandra. 

" At bakit mo naman gagawin yun, di ba inis ka sa akin bakit mo ginagawa lahat ng ito." sabi ni Tammy

" Wala lang, dali na wag ka na maarte, ihahatid na kita sa inyo. Baka maisipan mo pang tumalon sa ilog at mag pakamatay nakuuuuuu kosensya ko rin un." sabi ni Cassandra. 

" Di ko kailangan ng awa mo, alam ko na aawa ka lang sa akin." sabi ni Tammy

" Okei! Para tumahimik ka na , nagiging mabait lang naman ako sayo kasi kaibigan ka ng bumble bee ( niko) ko." sabi ni Cassandra.

" Wag ka mag aalala di ako mag papakamatay, kung un lang inaalala mo." sabi ni Tammy

" Okei kung ayaw mong ihatid kita, ako nalang kukuha ng taxi mo." sabi ni Cassandra at sabay hila kay Tammy palabas ng campus. 

Pagkalabas nila ng campus, agad agad naman silang sinalubong ni Joshua na driver ni Cassandra. 

" Joshua, tumawag ka ng taxi daliiiiii." utos ni Cassandra sa kanyang driver. 

" Cge po ma'am." 

Nang makapag tawag na ng taxi si Joshua  nakakuha,  agad agad naman sinakay ni Cassandra si Tammy sa taxi at sabay kausap sa taxi driver. 

" Hoy kuya, iuwi mo yang babaeng yan sa bahay nila huh, alam ko maganda yan at makinis pa, pero wag mo dadalhin sa kung saan saan huh, kilala ko ung mga mukhang ganyan. Pag yan di nakauwi ng maayos yari ka sa akin." sabay kuha ng picture sa taxi driver at pati plate number sinave niya sa cellphone niya. 

" oh meron ka ng picture huh, tignan natin kung may gawin ka pang masama, teka teka wala parin talaga akong tiwala sa itsura mo eh, kuyaaaaa baba!" utos ni Cassandra sa taxi driver." 

" Bakit po ma'am?" nag tatakang sabi ng taxi driver habang pababa sa sasakyan nito. 

" Joshua ikaw, gamitin mo itong taxi sa pag hatid kay Tammy at ikaw naman kuya taxi driver kaw na mag drive sa akin daliiiii malalate na ako sa pictorial kooo." sabi ni Cassandra. 

" Huh pero ma'am, baka ano pang mangyari sayo?" sabi ni Joshua. 

" Wag ka na mag salita diyan at gawin mo nalang inuutos ko, pag ako na inis baka si kuya na ang pumalit sayo ( sabay akbay kay kuya taxi driver )  at ikaw kuya taxi driver pag drive mo akooo daliiiii wag ka na chosy mamahalin yang sasakyan ko at malakas ung aircon kesa sa taxi na dinadrive mo, wag ka mag alala babayaran kita." sabi ni Cassandra .

" Ay oo nga pala Tammy, wag ka na mag pasalamat okei lang ako hahaha at wag mo kalimutan na ikwento kay Dee este Vladimir ung magandang ginawa ko sayo huh." kinikilig na sabi ni Cassandra at sabay kiss sa pisngi nito. 

Habang sa cafeteria naman ay kulang nalang malusaw sina Olive, Stella at Nicole sa sobrang kahihiyan. 

Si Elmo naman ay agad agad na pumunta sa cafeteria ng matanggap niya ang txt ni Tammy dahil sabay silang uuwi. 

 ...............................................................................................................................................

Author's note ulit: 

kating kati na ba kayo malaman kung sino ba talaga si Cassandra? 

Kung anong role niya dito sa story na ito? 

hahahahaha konting tiis nalang kasi malalamn niyo rin. 

Mainis kaya kayo o matutuwa sa kanya? 

tignan nalang natin bwahahahaha... 


Teaser sa nxt update ko.... 

May Vlad at Tammy moments hahahaha <3 

un lang muna hahaha kasi baka mabago pa ang mga scenes, depende sa takbo ng utak ko hahaha 

basta merong ring boys ( niko, Drake, Gio and Elmo) at Vlad moments hahahahaha pwede ba mawala un? hahahaha 




Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
45M 757K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...